BECAUSE OF YOU
Chapter 1
Nagising si Brooke sa ingay sa labas ng bahay nila.
Maagang-maaga pa ay nagdadaldal na ang nanay nya. Sabado at walang pasok kaya
gusto pa niyang matulog uli. Tinakpan nalang nya ang kanyang tenga ng pillow and
tried to get back to sleep.
Brooke was only 16 years old and in two months’ time she
will be graduating in High school. The youngest among the three siblings, with one
eldest brother who was a Public School teacher and married, and one elder
sister who was in second year college taking up Business Tourism. Pangarap
nyang maging Flight Stewardess and she planned to take up Airline Management after
high school.
She woke up again when Angelo called her phone.
Magpapasama sa mall at may bibilhin. Pumayag sya agad dahil gusto nyang umalis
sa bahay dahil ang ingay-ingay at ang init pa. Magpapalamig sya sa mall.
“Tay pahingi pong pera. May bibilhin lang po akong project
sa mall.” Paalam nya sa sa tatay nya na busy nagtatrabaho sa kanilang talyer na
nasa tabi lang ng kanilang bahay.
“Doon ka sa nanay mo manghingi ng pera at wala akong pera
dito.” Sabi ng tatay nya.
“Hindi naman ako bibigyan nyan at kung magbibigay man
mahaba pang litanya muna bago ako mabigyan. Kaya sa inyo nalang po, kahit na magkano
nalang po nandyan sa bulsa nyo ‘tay.” Sabi ni Brooke.
“O eto, may two hundred sa bulsa ko at umalis kana at ang
dami ko pang gagawin dito.” Sabi ng tatay nya na busy sa pag-aayos ng mga
sasakyan sa kanilang talyer.
“Para saan na naman yan ha, Brooke? Huwag kang magwawaldas
ng pera dahil ang dami nating bayarin. ‘Yong taxi driver nag absent hindi man
lang nagpaalam kagabi para nakahanap tayo ng kapalit. Ayan tuloy ang taxi natin
naka-tambay at walang kikitain ngayon.” Sabi ng nanay nya habang lumapit at
nakita ang perang inabot ng tatay nya sa kanya. Meron kasi silang isang taxi at
isang jeep na pinarerentahan araw-araw para dagdag kita. Mahilig kasi
mag-absent ang taxi driver nila.
“Hayaan mo na may importanteng bilhin na gamit sa school.”
Sabi ng tatay nya.
“Maghanap nalang muna kaya tayo ng pansamantalang
mag-drive sa taxi kahit isang araw lang baka babalik uli si manong bukas.
Maglagay kaya tayo dyan sa labas ng ‘wanted taxi driver’, o di kaya ako nalang
muna mag-drive.” Biro nya sa nanay nya. Kahit madaldal ito ay binibiro nya para
matawa.
“Maglagay ka nga dyan sa labas, anak, at ilagay mo
temporary lang muna. Tanggalin nalang natin kung babalik agad bukas ‘yong
driver… Huwag mong kalimutan ha bago ka umalis?” Utos ng nanay nya.
Naglagay nga si Brooke sa labas ng ‘wanted temporary taxi
driver’ before she left for shopping at the mall. Magkikita nalang sila doon ni
Angelo. Nakita ni Ford ang nilagay ni Brooke na wanted driver sa labas ng
talyer.
Si Ford ay isang bagong boarder in the neighborhood and
crush na crush nya si Brooke nang una nyang makita. A happy-go-lucky college
student at may bisyo. Naghihintay sya ng tamang tyempo para makilala si Brooke.
He was friendly naman at tsinitong gwapo kahit na long hair at may bigote, pero
hindi sya type ni Brooke. And he thought this is the perfect timing para maging
kaibigan si Brooke.
“Hi, pwede bang mag-apply? Temporary lang naman di ba?”
He asked Brooke when he saw she posted the sign outside.
“Yup, kausapin mo nalang si tatay dyan sa loob.” Sabi ni
Brooke and she left him. Mukha naman syang mayaman ba’t mag-apply ng taxi
driver, naiisip nya.
“Wait!” Habol ni Ford. “I’m Ford. Kailangan ko lang ng
part-time job para makatulong sa tuition ko. Pwede mo ba akong tulungan
mag-apply sa tatay mo?”
“Ay sorry at nagmamadali ako, may lakad kasi ako, eh.
Kausapin mo nalang si tatay dahil urgent at ikaw pa ang unang applicant, malay
mo… Sige.” At nagmamadali syang umalis.
Ford was hired as a temporary taxi driver on that day.
Hindi sya pumasok sa school. May pera naman sya pero gusto nyang mapalapit kay
Brooke. Nang kumita na sya ng tama lang sa pangrenta nya sa taxi ay huminto na
agad sya at aabangan nya ang pag-uwi ni Brooke.
Chapter 2
“Angelo, wala akong pera ha kaya ilibre mo ako ng snacks
ngayon at nagugutom na ako.” Sabi ni Brooke.
“Sure. Saan mo gustong kumain?” Tanong ni Angelo.
They were close friends since they became classmates for
two years in high school until they graduated. Angelo was a transferee when his
family moved to this place because his father was moved to a new branch here where
he was working as an Engineer. Type nya si Brooke pero hindi sya makadiskarte
agad dahil bawal pa itong ligawan. He was happy na rin because they became
close friends instead after they were paired on a Science project last year.
“Manood tayo ng sine.” Angelo invited Brooke as they were
having lunch at KFC at the mall.
“Pagagalitan ako ni nanay ‘pag ginabi ako, ano ka ba.”
Sabi ni Brooke.
“Maaga pa naman hindi tayo gagabihin.” Pilit ni Angelo.
“Kahit na. Kapag nalaman nina nanay at tatay na kasama
kitang pumasok sa sinehan pagagalitan ako.” Sabi ni Brooke.
“Hindi naman nila malalaman ‘yon kung hindi mo sasabihin.
Unless kung may makakakita sa ‘tin at magsumbong.” Sabi ni Angelo.
“Eh ‘yon na nga eh baka may makakita. Huwag nalang. Next
time nalang pagkatapos natin sa high school, okay?” Sabi ni Brooke.
They went home after they bought the necessary things
that they planned to buy at hinatid ni Angelo si Brooke sa bahay nila. Naglakad
lang sila mula sa babaan ng Jeep papunta sa bahay ni Brooke so they can have
more time talking at hindi na rin mainit ang araw.
Nakauwi na rin si Ford at sinuli ang taxi. Nakikipag-usap
muna sya sa tatay ni Brooke bago umalis at nagbabaka-sakaling maabutan nya si
Brooke na dumating. At dumating nga ito na may kasamang lalaki na naghatid sa
bahay nila. Madadaanan kasi ang talyer bago pumasok sa maliit na gate ng bahay
nila. Nagpaalam agad si Ford sa tatay ni Brooke when he saw them coming. Para
syang nagseselos. Pinakilala ni Brooke si Angelo dahil nagkasalubong sila.
“Hi Ford, si Angelo pala classmate ko. Angelo si Ford,
nag-apply ng temporary driver sa taxi namin dahil absent si manong.” Pakilala
ni Brooke sa kanila at nagkamayan sila.
“Matagal mo na bang kilala ‘yon?” Tanong ni Angelo nang
umalis na si Ford.
“Hindi. Kanina lang kami unang nagka-usap dahil
nagpapaalam mag-apply ng taxi driver. Pero nakikita ko na sya dito dahil dyan
lang sa unahan ang boarding house nya.” Sabi ni Brooke.
“Parang hindi bagay sa kanya mag-taxi driver ano? Parang
mukhang mayaman. Sa name pa lang nya mayaman na.” Biro ni Angelo.
“Naisip ko nga. Ang sabi pandagdag daw nya sa tuition nya
kaya nag-aapply.” Sabi ni Brooke.
“Good afternoon, po, Manong Fidel. Hinatid ko lang po si
Brooke at uuwi na rin ako.” Sabi ni Angelo sa tatay ni Brooke.
At nagpaalam agad si Angelo matapos maihatid si Brooke sa
bahay nila.
Chapter 3
Absent uli ang driver the following day at tinawagan ng
tatay ni Brooke si Ford kung papayag uli mag-drive at pumayag agad. Ford tried
to come early so he can have time to offer Brooke a ride to her school kung
sakali. At tama nga naman sya.
“Ihatid nalang muna kita sa school mo bago ako
mamamasada.” Offer ni Ford as he waited Brooke to pass by sa unahan nga talyer.
“Huwag na mag-jeep nalang ako.” Sabi ni Brooke.
“Sige na. Halika na.” Pilit ni Ford at binuksan ang
pintuan ng taxi. “Sa inyo rin naman ‘tong taxi eh.” He smiled.
She can’t refuse and decided to get in the taxi at the
passenger’s seat in front. Natuwa naman si Ford. They talked on their way to
Brooke’s school for about thirty minutes dahil medyo ma-traffic. May pasok si
Ford in the afternoon and was confused if mag-absent sya or hindi dahil pwede
naman nya iparada ang taxi sa parking area ng school. But since he was able to
give Brooke a ride and got the chance to talk to her ay naisipan nyang
mag-absent para sunduin uli si Brooke mamaya.
Hindi masyadong interesado si Brooke sa pag-uusap nila
kaya hindi sya nagtanong-tanong. Si Ford ang maraming tanong sa kanya lalo na
about kay Angelo. Brooke was feeling uncomfortable but she tried to be
friendly. Nang makarating sa school nya nagmamadali syang nagpaalam at lumabas
agad sa taxi. Sinabi nya kay Angelo na hinatid sya ni Ford.
Nang hapong iyon ay inabangan sya ni Ford sa labas ng
gate. Nainis si Ford nang makitang magkasamang lumabas si Brooke at Angelo.
Naiinis talaga sya kay Angelo. He suddenly left and namamasada nalang. Gusto
nya si Brooke. Halos lahat ng gusto nya ay nakukuha nya. But it seems he will
be having a hard time dahil masyado pang bata si Brooke. She was only sixteen
while he was twenty.
Hindi na muna sya makapag-drive ulit dahil bumalik na ang
taxi driver nila Brooke. Naghihintay uli sya kung kelan makalapit kay Brooke.
Nahihirapan sya dahil lagi nitong kasama si Angelo. At kahit na boyfriend na
nito si Angelo ay hindi sya titigil hangga’t makuha nya si Brooke.
Patuloy pa rin sa mga bisyo nya si Ford at laging bagsak
ang mga grades nya. He always invited his friends to have drinking session doon
sa maliit na bar malapit sa boarding house nya at minsan ay nadadaanan sya ni
Brooke na lasing. Patuloy pa rin sya sa pagpa-part time driver sa taxi nila ni
Brooke dahil natatakot syang maubos ang naipong pera nya kaya kahit papano ay
nakakatulong na rin ang page-extra nya sa pagda-drive ng taxi.
Chapter 4
Finally, Brooke graduated in high school and took up the
course that she really wanted. Si Angelo naman ay kumuha ng Criminology dahil
pangarap nyang maging pulis or sundalo. They went to different schools but they
still saw each other whenever they have time. Balak nang sagutin ni Brooke si
Angelo when she turns eighteen dahil pumapayag na ang nanay at tatay nya na
magka-boyfriend sya at mabait naman si Angelo, at matagal na rin itong
nagtyagang manligaw sa kanya.
“Happy birthday!” Nakangiting bati ni Angelo ky Brooke as
they were dancing. Debut ni Brooke at si Angelo ang eighteenth rose na
nakasayaw nya. It was held sa isang maliit na function room sa isang hotel na malapit
lang sa bahay nila. Simpleng debut lang at hindi magarbo.
“Thank you. I want to thank you for being there for me
all the time. At lalo na sa pagtatyaga sa akin.” Sabi ni Brooke. “Akala ko
susuko ka na kasi.”
“Hindi ako susuko dahil mahal na mahal kita. Ikaw lang
ang mamahalin ko habangbuhay at wala nang iba pa. You are my one and only
love.” Seryosong sabi ni Angelo and he hugged her even tighter as they kept
dancing.
Brooked was very happy and realized this is the man of
her dreams. Niyakap din nyang mahigpit si Angelo at ang sweet sweet nila na
akala ng mga magulang nila ay magkasintahan na sila. Matagal na ring nangligaw
si Angelo kaya kilala na ng family ni Brooke ang family ni Angelo and they were
all invited on her debut.
“It’s my birthday pero ako ang may magandang regalo sa
‘yo.” Nakangiting sabi ni Brooke.
“Talaga? Ano ‘yan?” Excited si Angelo.
“Para sabay na ang birthday ko at magiging anniversary
natin kaya always mark this date on your calendar na kailangan may double
celebration tayo.” Medyo nahihiya sya pero handang-handa na sya sa gabing iyon.
“Anong ibig mong sabihin?” He was very happy and excited
but he wanted a confirmation. “Sasagutin mo na ba ako? Magiging girlfriend na
ba kita?”
“Yes.” Simpling sagot ni Brooke.
“Yes, as in yes? Talaga ba? Magiging akin kana?” He was
even more excited. “Sa wakas!” And he can’t resist and kissed Brooke in her
lips quickly for three times. Wala na syang pakialam kung nanood ang mga
parents at mga bisita sa kanila basta nasa seventh heaven sya sa mga oras na
iyon.
“Sana walang magbago sa atin. Basta ang importante we
will always be there for each other, sa hirap at ginhawa.” Natawa si Brooke sa
sinabi nya.
“Of course naman! May mababago pa rin dahil pagmamay-ari
na kita. Mas lalo kitang aalagaan. Kahit na anong mangyari sa buhay natin,
hindi tayo magbabago because we love each other.” Sabi ni Angelo.
It was the best birthday ever that she had. Mas lalong
sweet na sweet sila sa isa’t isa and Angelo gave her a gold bracelet as a gift.
When the party was over ay hinatid sya ni Angelo sa bahay nila. They planned to
walk because the venue wasn’t far from Brooke’s house. She changed her gown
into a simple but sexy dress at pinadala sa nanay nya ang gown nya dahil
maglalakad sila ni Angelo. Marami kasing bisita ang pinasakay sa Jeep nila Brooke
at hinatid pauwi. Ang tatay naman nya ang nagdrive sa taxi nila sakay ang nanay
at Ate nya. Brooke and Angelo wanted to enjoy the night so they decided to walk
at kumain sila ng kwek-kwek sa sidewalk on the way to their house.
“Gusto ko pa munang mag-stay pero alam kong pagod ka na.
Magkita nalang tayo uli bukas.” Sabi ni Angelo as they were hugging each other
sa may talyer. Nasa may tabi ng gate sila at medyo madilim kaya kampanti sya na
walang nakakita sa kanila. It was past midnight na kaya wala nang mga tao. He kissed
her lips for the first time, at matagal. They hugged each other tightly bago
pumasok si Brooke at nagpaalam si Angelo.
Chapter 5
Brooke was very happy to wake up the next day and was
smiling reading the sweet morning messages that Angelo sent on her cellphone.
Walang pasok dahil summer, so Angelo invited her for a date. They ate out and
then watched a movie for the first time. Malaya na si Brooke dahil eighteen na
sya but Angelo was always reminded by Brooke’s parents na iingatan sya at dapat
na hindi makakasira sa studies nila ang relationship para makapagtapos silang
dalawa.
Nag-absent uli ang taxi driver nila Brooke nang ilang
araw kaya naka-part time na naman uli si Ford. Napansin ni Ford na sweet na
sweet na talaga silang dalawa ni Angelo at nasasaktan sya whenever he saw them
together at lalo na nang makitang hinalikan ni Angelo si Brooke bago ito umuwi.
A few weeks later, nagpaalam si Brooke na pupunta sa
school para mag enroll for her third year in Airline Management course,
inabangan ito ni Ford sa labas ng school sa hapon para sunduin nya.
“Hi Brooke! Halika na at ihahatid nalang kita pauwi.”
Sabi ni Ford habang binuksan ang window ng taxi.
“Huwag na mag-Jeep nalang ako.” Sabi ni Brooke.
“Halika na, sakay ka nalang at uuwi na rin ako.” Pilit ni
Ford at sumakay nalang si Brooke dahil sa kanila naman talaga itong taxi.
“Nagugutom ako, gusto mo bang kumain?” Offer ni Ford.
“Naku busog pa ako. Ikaw nalang.” Sabi ni Brooke as Ford
went on driving.
“Magtake-out nalang ako ha para may makain ako pag-uwi.
Saglit lang talaga.” He parked the taxi and went inside the fastfood.
Nagtataka si Brooke kung bakit pa sya kailangan lumabas
para mag-take out na pwede naman sila mag-order sa drive thru sa isang fastfood
na nadaanan nila.
Maya-maya ay bumalik agad sya na may dalang maraming
order na pagkain. Uminom si Ford ng juice and he offered one for Brooke. Uminom
nalang sila ng juice saglit at umalis na agad.
The next thing she saw when she woke up ay nasa loob na
sya ng isang magandang room and lying on a soft bed. Nahihilo sya. She was
shocked. She was naked and felt her body ached. She was nervous and confused.
Walang ibang tao napansin nya dahil glass walled ang banyo at walang tao doon.
Nakita nya ang maraming food sa table na in-order kanina at hindi man lang
nagalaw. She saw her clothes scattered on the floor. She wanted to shout pero
walang lalabas sa bibig nya. She wanted to cry but she can hardly breath and
didn’t know what to do. Sasabog sya sa galit ng maalala si Ford. Si Ford ang
huli nyang kasama.
Sa wakas tumulo ang luha nya. “Inayyyyyyy!” Sigaw nya.
She burst into tears and started picking up her clothes.
Nagmamadali syang nagbihis kahit may sakit na nararamdaman sa katawan nya. She
saw her bag at napansin na hindi naman ginalaw at kinuha agad ang cellphone nya
and called her nanay.
She was hysterical and her nanay tried to calm her down. Nang
malaman ng nanay nya na nasa isang hotel sya pinuntahan agad sya kasama ang
tatay nya kahit na madaling araw na. Naabotan nilang nakaupo sa sahig sa tabi
ng bed at iyak ng iyak si Brooke.
“Anak, anong nangyari?” Tanong agad ng tatay nya pagbukas
sa pintuan ng hotel room.
Niyakap agad sya ng nanay nya as she was cying hard. “Nay
si Ford. Si Ford po!”
“Anong ginawa ni Ford sa’yo?” Galit na tanong ng nanay
nya.
“Nasaan si Ford?” Galit na tanong ng tatay nya. “At bakit
kayo nandito sa hotel?”
“Hindi ko po alam. Ang huli ko pong maalala ay pinasakay
nya ako sa taxi dahil uuwi na rin sya. Nag-take out sya ng pagkain dahil
nagutom daw sya at uminom kami ng juice habang papauwi na. At nang magising ako…”
She cried harder again at hindi na makapagsalita.
“Walang hiyang Ford na ‘yan!” Sinuntok ng tatay nya ang
mesa. “Sigurado ka bang may ginawa syang masama sa’yo dito?” Tanong ng tatay
nya na parang nagdududa dahil mabait namang tao ang pagkakilala nya kay Ford.
“Tay, ano sa tingin nyo po ang ginawa nya sa akin?
Nagising ako na hubad at nagkalat ang damit ko sa sahig. Nawalan ho ako ng
malay!” Humahagulgol uli sya habang yakap ang nanay nya. Umiiyak na rin ang
nanay nya.
They talked to the management of the hotel para makita
ang CCTV footage at ipapa-blotter nila si Ford. At nakita nga silang pumasok sa
loob ng elevator na walang malay si Brooke at mahigpit na yakap-yakap ni Ford
para hindi matumba. Nakita ring nagmamadaling lumabas si Ford after two hours
at sumakay ng ibang taxi at iniwan ang taxi nila doon sa parking area. Nagcheck-in
na pala sya noong hapon na ‘yon at bayad na dahil may masamang plano na pala
sya kay Brooke sa gabing iyon.
Chapter 6
The whole family was shocked but they tried to keep it
para hindi mapahiya si Brooke. Hindi na muna sinabi kay Angelo ang nangyari,
that was her family’s decision. Sinabi nalang ni Brooke kay Angelo na hindi na
muna sila magkikita dahil may sakit sya at ayaw nyang makahawa.
Pinuntahan ng tatay nya ang boarding house ni Ford at ang
sabi ng landlady ay umuwi na raw at hindi na babalik. Wala silang alam nang
ibang information about Ford but all they know was Ford Chan ang name nya. Hindi
nga nila alam ang tunay na pagkatao ni Ford kahit na ilang taon na itong
nakatira sa boarding house nila dahil ang importante naman ay nagbabayad sya ng
husto. He brought so many women sa boarding house nya pero hindi naman
pinakilala ang mga ito so hindi nila ma-trace kung nasaan si Ford.
Pinuntahan din ng Kuya ni Brooke ang school ni Ford at nalaman
na matagal na pala itong huminto at hindi pwedeng ibigay ang address ni Ford
dahil confidential daw. Unless may maipapakita silang mapagpapatunay na
immediate family or may authorization letter ay ibibigay nila ang address niya.
Hindi nalang sila nagpapa-blotter dahil mukhang mahirap
na mahagilap si Ford. Hindi na lumalabas ng kwarto nya si Brooke at lagi nalang
syang umiiyak. Dinadamayan sya lagi ng Ate at ng Kuya nya. Nahihiya na rin
syang magpakita kay Angelo at hindi pa sya handang harapin ito. After three
weeks from the incident ay hindi matiis ni Angelo so he went to see Brooke.
“Mang Fidel, parang iniiwasan po ako ni Brooke. Pwede ko
po ba syang makausap?” Paalam ni Angelo sa tatay ni Brooke na nasa talyer
bising-busy sa pag-aayos ng sirang sasakyan.
“May sakit sya Angelo. Balik ka nalang kung magaling na
sya.” Pagsisinungaling ng tatay ni Brooke.
“Hindi. Kailangan ko po syang makita at makausap. Kung
ano man ang sakit nya kung nakakahawa wala akong pakialam.” Naiinis sya at
pumasok sa bakuran nila. Nakita sya ng nanay ni Brooke.
“Aling Belen, gusto ko lang pong makita at makausap si Brooke. Parang iniiwasan nya kasi ako eh.” Sabi ni Angelo.
“May sakit kasi Angelo. Bumalik ka nalang.” Pagsisinungaling nya.
“Hindi po. Kung ano mang sakit nya na nakakahawa wala
akong pakialam basta gusto ko po syang makausap.” Hindi na sya mapigilan at
pumasok sa loob ng bahay and knocked on Brooke’s bedroom.
“Brooke, pwede ba tayong mag-usap? Wala akong pakialam
kung may sakit ka. Hindi ako natatakot kung nakakahawa ‘yan basta gusto kitang
makita.” Sabi ni Angelo sa may pintuan ng kwarto ni Brooke.
Brooke was silent and didn’t know what to say. Umiiyak na
naman sya. She remembered what happened again. Nagpupumilit si Angelo na
pumasok ngunit lock ang pinto.
‘Brooke, ‘bat ayaw mo akong kausapin? Gusto kong alagaan
ka para gumaling ka na agad. Ano ba kasi ang sakit mo?” Alam nyang nakikinig
lang si Brooke. “Sige na, please open the door naman oh.”
A few moments later she opened the door and let her in.
Napansin ni Angelo na umiiyak sya kaya niyakap nya.
“What’s wrong? Ano bang sakit mo? I deserve to know.”
Mahinahong tanong ni Angelo.
Umiwas si Brooke sa yakap nya. “Hindi na ako
karapat-dapat sa ‘yo Angelo. Ang dumi-dumi ko na kaya maghanap ka nalang ng
iba.” Nakikinig lang ang nanay nya sa labas because Angelo didn’t close the
door. Umiiyak na rin ang nanay nya na nakikinig sa kanilang dalawa.
“What? Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan sya. “Anong madumi?
Please sabihin mo sa ‘kin ang totoo.” Kinakabahan si Angelo.
“Si Ford… ni-rape ako ni Ford. Kaya ang dumi-dumi ko na.
Iwanan mo na ako. Hindi na ako karapat-dapat sa’yo kaya umalis kana.” She cried
even harder. Masakit. Pero iyon ang dapat nyang gawin, naiisip nya dahil unfair
para kay Angelo.
“What? Nagbibiro ka ba?” He can’t believe it at nagalit
sya. “Tell me nagbibiro ka lang!”
“Totoo, Angelo.” Lumapit ang nanay ni Brooke para ikwento
ang nangyari dahil nakita nyang nahihirapan na si Brooke and just kept on
crying. Niyakap nya ang anak dahil hindi nya matiis as she told Angelo what
happened.
“Hindi ‘yan totoo!” Angelo started crying at niyakap muli
si Brooke. Tumayo agad at lumabas ang nanay nya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin
agad? Idedemanda natin si Ford. Pagbabayaran nya ang lahat ng ito at mabubulok
sya bilangguan.” Galit na galit na sabi ni Angelo.
He promised Brooke na gagawin nya ang lahat para mabayaran
ni Ford ang ginawa nya at makulong ito. It was very painful for Angelo dahil
iniingatan nyang mabuti si Brooke for a very long time pero ibang tao ang
nakapagsamantala. He promised Brooke that he will not leave her side and at
tutulungan syang bumangon muli.
Chapter 7
Pinuntahan nya agad ang boarding house ni Ford pero ganun
pa rin ang sagot ng landlady nito. Wala na silang balita kay Ford at may bago
nang nakatira sa dating kwarto na inuupahan ni Ford. He also went to the school
kung saan nag-aral si Ford at gumawa sya ng paraan para makakuha ng information
about Ford but he only got the cellphone number pero kahit na ilang beses nyang
tinawagan ay unreachable na. Ang present address naman na ginamit ni Ford ay
ang boarding house nya at ang home address ay Quezon. Napakalaki ng Quezon, saan
kaya nya hahanapin si Ford para ipapakulong ito.
He visited Brooke everyday para maalagaan nya. Malapit na
naman ang pasukan pero hindi na muna mag-aaral si Brooke. Patuloy pa rin si
Angelo sa course nya at third year na sana silang dalawa ngayon.
A few months later ay lumalaki na ang tyan ni Brooke
dahil nabuntis sya ni Ford. Ipalaglag nya sana pero pinigilan sya ni Angelo. Bihira
na rin makabisita si Angelo dahil pasukan na. Naisipan ng nanay ni Brooke na
dalhin sya sa probinsya at doon muna sila titira sa kapatid ng tatay nya para
hindi mapansin ng mga tao na buntis sya. Naka-graduate na rin ang Ate nya at
may trabaho na kaya kahit papano ay mabubuhay nila ng maayos ang anak ni
Brooke.
She gave birth to a healthy baby boy and they named him
Gabriel. Isang anghel Gabriel ang turing nila sa bata para hindi pangit sa
nakaraan ang laging maaalala ni Brooke. Minsan galit sya bata dahil naaalala
nya si Ford but most of the time ay naaawa sya dahil walang kamalay-malay naman
ang anghel na ito. Sinikap nyang mahalin at alagaan ng mabuti ang bata dahil
wala naman talaga itong kasalanan sa lahat ng nangyari. Patuloy pa rin sila ni
Angelo with their relationship and he called her everyday or minsan ay
bumibisita nalang sa probinsya tuwing school break.
A year after she gave birth she decided to pursue her
studies. Bumalik uli sila sa bahay nila kasama si Gabriel na one year old na. Napamahal
naman talaga nila ang bata dahil sa sobrang cute na kamukha talaga ni Ford. Tinuturing
na rin itong parang anak ni Angelo at sinasama minsan kung nagdi-date sila ni
Brooke. Para na ring family sila kung titingnan but Angelo was not totally
happy dahil hindi sya ang tunay na ama.
When Angelo graduated he joined the US Army with the help
of his uncle na isang Army rin. He was assigned to Iraq and Brooke was deeply
sad and worried for Angelo. Hindi nya gusto ang decision ni Angelo pero wala
syang magawa dahil pangarap nya ito. Minsan nalang sila nagkakausap dahil
mahirap ang signal sa Iraq. Five years ang mission nya doon. Pinangako nya kay
Brooke na magpapakasal sila pag-uwi nya pero hindi naman formal na nag-propose.
After two years at natapos din ni Brooke ang course nya
at nag-asawa na rin ang Ate nya. She was still stunningly beautiful and sexy
kahit may anak na sya kaya nakapasok agad sya as flight stewardess. Masaya na
sya at nakalimutan na nya ang mapait na nakaraan sa buhay nya.
Chapter 8
It’s been almost two years since she had been working as a
flight stewardess for a domestic airline company, so she decided to apply for
an international airline soon when she has the free time. Pangarap nyang
makapunta ng ibang bansa. Seven years old na rin si Gabriel kaya pwede na nyang
iwan ng matagal kung sakaling makapag-trabaho sya ng international flight.
“Besh, ang gwapo daw ng captain natin ngayon.” Kinikilig
ang kasama nyang flight attendant na si Jannah na naging close na rin nya for
more than a year na nakasama nya.
“Really? Bago ba ang captain natin ngayon?” Tanong ni
Brooke kay Jannah habang nagmamadali silang pumasok sa loob ng airport dahil
may scheduled flight sila in two hours.
“Sumakit yata ang tyan ni Captain Cruz kaya hindi sya makakalipad
today.” Sabi ni Jannah.
“So, paano mo nalaman na gwapo ang bagong captain, nagkita
naba kayo?” Tukso nya kay Jannah dahil single pa ito at naghahanap ng
boyfriend.
“Hindi. Tumawag kasi si Captain Cruz sa akin at sinabi
nya. Kasi, tinutukso nya ako palagi pag may bagong nakikilalang pilot.”
Nakatawang sabi ni Jannah.
“Baka ‘yan na ang matagal mo nang hinintay na forever mo,
Besh.” Nagtatawanan silang tatlo kasama ang isa pa nilang crew.
As they went approaching in the aircraft they saw the two
pilots discussing near the entrance. Medyo bata pa ‘yong isa na nakilala at
nakasama na nila pero ‘yong isa ay nakatalikod. Kinikilig na si Jannah.
Nakatalikod pa lang ay parang ang gwapo na dahil sa bagay na bagay na uniform.
“Good morning, ladies!” Bati ng kakilala nilang pilot
pagpasok nila.
“Good morning!” Sabay sagot nilang tatlo.
Brooke went inside directly to the plane without looking at
the two pilots talking because she wasn’t interested anyway. Kahit minsan
nalang sila nagkakausap ni Angelo because of their difficult situation but she
still respected their relationship. She just kept herself busy instead with
their routine because the passengers would embark soon.
When the two pilots came inside the cabin napalingon sya
bigla at parang namukhaan nya ang bago. She can’t have a clear view because they
went inside quickly to the cockpit. Na-curious tuloy sya. He seems familiar but
she was just not sure. Parang kamukha ni Ford naisip nya bigla. Pero hindi. Napakaimposibleng
mangyari, naisip nya. She felt like she wanted to faint when she remembered
Ford and what he did to her. Paano kong totoong si Ford talaga ‘yon? Naisip
nya. Napansin tuloy sya ng kasama nya na biglang natahimik.
“Are you okay Besh?” Tanong ni Jannah.
“Yeah, I’m fine.” Pagsisinungaling nya. “Besh, ‘pag may
iutos si Cap ikaw nalang muna pumasok doon ha.”
“Sigurado ka bang okay ka lang? Okay ka lang bang
bumiyahe ngayon?” Pag-aalala ni Jannah.
‘Yeah, okay lang ako. Basta ikaw nalang muna pumasok doon
‘pag may utos si Cap, at para naman may chance kang makilala sya.” Nakangiting
sabi ni Brooke.
Maya-maya lumabas ang dalawang pilots from the cockpit
for their briefing dahil isang oras nalang at magbo-boarding na ang mga
passengers. Brooke was shocked. She can’t be wrong. Kahit dati mahaba ang buhok
nya at may bigote at ngayon ay very neat sya at may sombrero ay hindi sya
nagkakamali. Si Ford nga, nabasa nya ang name tag sa uniform nya. She was very
shocked and didn’t know what to do.
Nagulat din si Ford when he faced Brooke as the five of
them were about to start briefing. Kinabahan si Ford dahil ang laki ng
kasalanan nya sa babaeng kaharap nya ngayon. Hindi nagpahalata si Brooke at
ayaw nyang mag-eskandalo dahil hindi alam ng management na may anak sya. At
lalong mas nakakahiya kung malalaman nila ang totoong nangyari sa kanila. She
tried to compose herself and be professional.
“Hi Brooke. It’s so nice to see you.” Medyo nahihiyang
bati ni Ford sa kanya habang inabot ang kamay for a shake hand. Kapwa sila
kinabahan at napansin sa malalamig nilang kamay habang nagshake-hands sila.
Nagulat ang mga kasama nya nang malaman na magkakilala na pala sila dati.
“Thanks.” Maikling sagot nya. Gusto na nyang sumabog sa galit
pero pigil na pigil sya. They all began talking but Brooke was just silent. Ang
laki na ng pinagbago nya, napansin ito ni Brooke. She never imagined Ford in a
most handsome and decent image kaya hindi rin nya kayang ipagsigawan na isang
rapist itong kaharap nila.
Chapter 9
She wanted to walk-out but it’s too late. In less than an
hour the passengers will be embarking the plane. Natapos agad ang briefing at
nagmamadali syang umalis sa kinatatayuan nya at pumunta sa dulo ng cabin and
wanted to get inside the restroom. Hinabol sya ni Ford. Napansin sila ng mga
kasamahan nila at nagtataka. Pumasok na rin sa loob ng cockpit ang kasamahang pilot.
“Brooke, I need to talk to you, please. Saglit lang.” Sabi
ni Ford habang sinundan si Brooke and he tried to grab her elbow para huminto.
“Huwag mo akong hawakan.” Galit pero mahinang sabi nya
para hindi siya marinig sa iba. Binitawan sya ni Ford. Nasa dulo na sila ng cabin
kaya hindi na sila masyadong maririnig sa mga kasamahan nila.
“Brooke, I’m very, very sorry sa nagawa ko. Matagal ko
nang pinagsisihan ang lahat. I never thought na dito tayo muli magkikita. I was
planning to see you soon sana para humingi ng tawad kahit na alam kong galit ka
pa rin sa ‘kin. I’m very sorry, Brooke. Patawarin mo na ako please?”
Nagmamakaawa si Ford.
“Ayokong ma-delayed ang flight nang dahil sa ‘tin kaya
pumasok ka na sa loob. At nag-iinit ang ulo ko ‘pag nakikita kita.” Galit na
sabi nya habang nasa likod nya si Ford at nasa gitna sila ng aisle ng cabin.
“I know hindi madali para sa’yo and I understand. I just
want you to know na matagal ko na talaga pinagsisihan ang lahat. Matagal na kasi
kitang gusto kaya lang may Angelo ka na noon. Nalolong din ako sa bisyo at sa
drugs dati kaya nagawa ko ‘yon dahil hindi rin naman kita maagaw kay Angelo.
Pero, believe me pinagsisihan ko na talaga.” Seryosong paliwanag ni Ford.
Nakatalikod pa rin sa Brooke dahil ayaw nyang makaharap
si Ford. “Pwede ba umalis ka na dahil malapit na ang boarding?” At iniwan nya
si Ford dahil pumasok sya sa loob ng restroom at umiyak.
Ford told everyone na made-delay lang ng ilang minutes
ang flight. Dahil gusto nyang makakasiguro na okay si Brooke paglabas ng
restroom. Pina-announce na rin sa waiting area na made-delay ng twenty minutes
ang flight. Nagtataka na ang mga kasama nila on what was going on between them that’s
why Ford prompted them that they had some misunderstandings before na hindi
naayos pero okay lang naman sila. At nakiusap sya sa mga kasamahan na walang magsasalita
about what they saw paglabas nila mamaya. Partly owner din naman pala ang
family ni Ford sa airline na iyon kaya parang hindi man lang sya
nag-aalanganing ipa-delay ng konti ang flight.
He waited at the cockpit’s door to see Brooke coming out
from the restroom at the far end. Nang makita na nyang lumabas at nag-ayos ay
saka sya pumasok sa loob ng cockpit. He planned to talk to her again later ‘pag
naka-landing na sila because he knew she was crying there inside the restroom.
Gusto nyang bumawi sa kasalanang nagawa nya kay Brooke. Whatever and however ay
pag-isipan nyang mabuti mamaya because he has a big responsibility right now at
maraming buhay ang nakasalalay sa kanya.
“Besh, are you really okay?” Sinalubong agad sya ni
Jannah paglabas sa restroom. “I can’t believe it na kilala mo pala si Cap.
Pwede ko bang malaman on what’s going on between the two of you?” Na-curious na
si Jannah at hindi na mapigilang magtanong.
“Saka nalang natin pag-usapan Besh. Unahin muna natin ang
responsibilidad natin dito. Maraming buhay ang nakasalalay sa atin.” Sabi ni
Brooke.
Tinawag si Jannah at pinapapasok sa loob ng cockpit.
Tinanong sya ni Ford kung okay lang ba si Brooke and Jannah told him na okay
lang sya. He told Jannah na to take care of Brooke sa byahe nila dahil baka biglang
sasama ang pakiramdam nito. One hour lang naman ang flight kaya konting tiis
lang naiisip ni Ford.
Naayos din ang lahat at naka-boarding din ang mga
passengers. Nakayanan naman ni Brooke na maging maayos at patuloy lang sa
trabaho nya. She tried to avoid thinking about Ford on what other possibilities
might happen ngayon na nagkita na sila uli after seven years at may anak sila and
she was even more surprised when she learned kung gaano kayaman ang family ni
Ford. Ang dati nilang taxi driver ay may-ari ng eroplano pala. Hindi nya maintindihan
kung paano nangyari ‘yon.
Parang nakaka-proud nang marinig nyang mag-announce si
Ford sa gitna ng byahe, “…This is Captain Ford Chan speaking...” Pero hindi.
Hindi sya maaring mabighani kung ano man ngayon si Ford. This was the man who
almost ruined her life kaya hindi talaga pwede. Kung palagi nyang makakasama sa
byahe mula ngayon si Ford ay magre-resign nalang talaga sya at mag-apply sa
international airlines.
Chapter 10
The flight ended well and safe, and all the passengers
have disembarked. Brooke was busy cleaning up and checking everything was in
order for the next flight. She wanted to go home and rest dahil ayaw nyang
makasama si Ford palagi sa trip na ito pero hindi pwede. She prayed na sana ay
lilipat nalang sya ng ibang aircraft but then Ford went out of the cockpit and
approached her. They only have thirty minutes lay-over before their next
flight.
“Brooke, pwede ba tayong mag-usap sandali? Please?”
Pakiusap ni Ford. “Would you like to rest muna at maghahanap tayo ng kapalit mo
for the next flight?”
“No.” Maikling sagot ni Brooke as she kept fixing the
seats for the next flight.
“I never really expected na magkita tayo dito. Last
minute lang kasi akong sinabihan dahil urgent eh, because they knew it that I
am available. International flight kasi ako pero nakiusap akong mag bakasyon muna
and I was planning to see you dahil gusto kong humingi ng tawad sa ‘yo at sa
family mo. Ilang years na kasi ako sa trabahong ito at hindi ako masaya. Dahil
nakokonsensya ako palagi everytime na naaalala kita. I kept praying that
someday we will meet and you will forgive me. Please give me a chance to prove
to you na pinagsisisihan ko na talaga ang lahat at nagbago na ako. Please,
Brooke.” Mahabang paliwanag ni Ford.
Tahimik lang sya. Wala syang ibang gustong sabihin pero
gusto nyang sampalin nang sampalin si Ford sa mga oras an iyon pero hindi nya
magawa.
“Please, magsalita ka naman. Murahin mo ako, kung gusto
mo. Suntukin mo ako, sampalin ng malakas, do whatever will make you feel
relieved, hindi kita pipigilan.” Seryosong sabi ni Ford. Napansin na naman sila
ng mga kasamahan na seryosong nag-uusap sa may dulo ng aisle.
“You almost ruined my life, Ford, kaya habangbuhay kitang
kamumuhian. Kahit gaano man kalinis at kaputi ‘yang uniform mo, that will not
change the reputation that you left in me! Hayop ka pa rin sa paningin ko dahil
binaboy mo ang pagkababae ko!” Brooke was trying to hold on her tears dahil nahihiya
sya sa mga kasamahan nila na patingin-tingin sa kanilang seryosong pag-uusap.
“Come here.” Hinila sya ni Ford papunta sa pinakalikod ng
cabin para may privacy at napilitan syang sumama. Kinuha ni Ford ang mga kamay
nya. “Sige, suntukin mo ako ng malakas. Sampalin mo ako, hindi kita pipigilan.
Sige na, para mawawala na rin ang konsensyang dala-dala ko dahil mabigat sa
kalooban, alam mo ‘yon? Kaya ilabas mo ang galit mo sa akin.”
Tumutulo na rin
ang luha ni Ford dahil masakit din para sa kanya ang nagawa nya dahil
gustong-gusto nya talaga si Brooke dati pa kaya lang nawalan na sya ng pag-asa
at idinaan nya nalang sa illegal na paraan ang pag-angkin kay Brooke. He forced
her hands to slap at his face for a few times and forced her hands to hit his
body. And then Brooke slapped him twice at pinagsuntok-suntok nya ang dibdib ni
Ford ng maraming beses while crying at hinayaan lang sya ni Ford hanggang
mapagod sya. It was almost thirty minutes already and they were supposed to be
ready for the next flight. Pero walang pakialam si Ford dahil gusto nyang
maayos ang gusot na nagawa nya sa buhay ni Brooke.
Nang mapagod si Brooke sa kasusuntok ay tumakbo sya uli
sa restroom and cried. Buti nalang waterproof ang make-up nya. Ford wiped his teary
eyes as he went back to the main cabin area and asked the team again to
announce that the flight will be delayed again for twenty minutes. Nag-sorry
sya sa mga kasamahan lalo na sa ka-partner niyang pilot. Tinawag uli ni Ford si
Jannah just to check if Brooke went out of the restroom fine.
She composed herself and as if walang nangyari pero
namamaga na konti ang mga mata nya. Nagre-touch nalang sya dahil light lang ang
make-up nya. Nakaraos din nang isa pang flight pero hindi na kakayanin ni
Brooke. She really wanted to go home early to rest. When everyone had left, she
talked to Jannah.
“Besh, hindi ko na kakayanin. I really need to rest.
Magpahanap ako ng replacement agad at uuwi muna ako sa hotel.” Sabi ni Brooke
kay Jannah. She was trying to prepare to pack up her things nang lumapit na
naman si Ford at umalis si Jannah para mabigyan uli sila ng privacy.
“Ako na ang tatawag ng replacement mo. You should get
some rest, okay?” Sabi ni Ford habang kinuha ang phone nya at may tinawagan. Tahimik
lang si Brooke na nag-aayos ng kanyang mga gamit.
“May parating na replacement mo. Go get some rest. Please
call me if may kailangan ka, kahit na ano. Sabihin mo lang, okay?” Seryoso sya
at very concerned kay Brooke. At sya ang dahilan ng lahat sa mga pangyayari sa
loob ng aircraft. “I just want you to know that I will do everything para
makuha ko ang kapatawaran mo… Here’s my number. Please don’t hesitate to call me
if you need anything, okay?”
She grabbed the piece of paper from Ford without any
words at umalis agad. Nahihiya sya sa mga pangyayari sa araw na iyon kaya gusto
nyang umuwi at magpahinga. When she arrived at the hotel ay umiyak na naman syang
mag-isa. Gusto nyang tawagan si Angelo pero hindi pwede dahil mahirap ang
signal doon at hindi sila basta-basta pweding tagawan anytime. She called her
nanay instead at para na rin makausap si Gabriel, ang anak nya.
Chapter 11
Nakatulog sya sa kaiiyak at pagod. She woke up from the
knock on her door. It was nine in the evening na pala when she checked her
phone at gutom na gutom na sya dahil hindi pala sya nakapag-dinner. She opened
the door and was surprised. Akala kasi nya si Jannah na nasa kabilang room lang
din naka-check in.
“Hey, did I wake you up?” Nahihiyang tanong ni Ford
pagkabukas ni Brooke sa pintuan. Mukha itong pagod at malungkot. “I just want
to check if you are okay. Nagdinner ka na ba?” Galing pa sya sa airport at
dumiretso agad sa hotel just to check if she’s okay.
“Alam mo bang last time tayo nagkasama na iniwan mo ako
matapos mo pagsamantalahan ay sa isang hotel? At heto ulit tayo ngayon sa isang
hotel. Ano? Pagsasamantalahan mo uli ako?” Galit na sabi ni Brooke. “Sige, at
this time sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan!”
“Brooke, please. Kalimutan na natin ang nakaraan. I will
never ever do it again dahil pinagsisihan ko na. Pinagbayaran ko na ang mga
kasalanan ko sa ’yo dahil naghihirap ako bago ko narating ang kung ano man ako
ngayon. Nagbago na ako Brooke, kaya please maniwala ka naman sa akin. I need
your forgiveness. Wala na akong gagawing masama sa ‘yo kahit we’re here alone
sa isang hotel… Nalolong kasi ako sa bisyo dati, naka-drugs ako noong huli
tayong magkasama kaya nagawa ko ‘yon. Kung gusto mong lumuhod ako sa harap mo
gagawin ko para lang mapatawad mo ako.” Lumuhod sya sa harap ni Brooke at tumutulo
ang luha nya. He took both of her hands, “Forgive me, please.”
Naantig ang puso nya. Kahit papano ay may puso rin sya at
isang kristiyano na marunong magpatawad. Sino bang hindi maawa sa itsura nya
ngayon na lumuhod at umiiyak na nagmamakaawa?
She took off her hands na hawak ni Ford and sat in her
bed. Nakaluhod pa rin si Ford sa harapan nya begging for her forgiveness.
Umiiyak na naman sya dahil hindi man lang sya nakaganti sa taong ito ngunit
naantig na agad ang puso nya.
“Tumayo ka nga dyan.” Sabi ni Brooke as she wiped off her
tears with her hands. “Gusto ko munang mapag-isa. Saka nalang uli tayo
mag-uusap.” Mahinahong sabi nya.
“Napatawad mo na ba ako?” He asked calmly and slowly got
up trying to sit down at the chair beside the bed.
“Hindi madali, alam mo ‘yon. Pero sisikapin ko. Ikaw lang
din ang makakatulong sa akin na makalimutan ko ang pangit na ginawa mo sa buhay
ko kaya pagbutihin mo para unti-unting mabubura sa isipan ko ang pangit sa
nakaraan na nagawa mo sa buhay ko.” Umiiyak pa rin si Brooke habang
nagsasalita.
“I promise. I will do everything para mabura na dyan sa
isip mo ang pangit sa nakaraan. Basta just please give me a chance, okay? Hindi
naman talaga ako ganun ka samang tao, maniwala ka, Brooke. Basta just please
trust me.” Seryosong sabi nya habang nakatitig sa mga mata ni Brooke. “Friends
na uli tayo, please?” He offered his right hand, “Let’s… start over again with
our friendship, kung okay lang sa’yo? Hindi mo pa kasi alam ang tunay kong
pagkatao. I want to gain your trust again this time kaya ayokong may tinatago
sa ‘yo. Kung marami kang tanong you can ask me now at sasagutin ko lahat.”
“Totoo bang kayo ang may-ari ng airline?” Hindi nya
mapigilang magtanong.
“Corporation ‘yan ng daddy ko at mga kapatid nya. How
many years have you been working here na?” Tanong ni Ford.
“Almost two years na.” Simpling sagot nya.
“Really, matagal na rin pala.” Sabi ni Ford.
“Bakit ka napunta doon sa lugar namin at mayaman naman
pala kayo? At naging taxi driver ka pa namin.” Tanong uli ni Brooke.
“Naglayas kasi ako. I sold my car at konting jewelries na
bigay ng mom ko. They wanted me to take up Aeronautics Engineering dahil gusto
nila akong maging pilot kahit na ayaw ko. Computers ang hilig ko but they don’t
like it. Kaya lumayas ako at nag-aral ng Computer Enginering at napunta ako
doon sa lugar nyo dahil malapit lang doon ang school ko. I saved my money para
hindi maubos agad kaya nagpa-part time driver ako sa inyo. Kaya lang nalolong
ako sa bisyo. Lahat ng bisyo napasukan ko. Nang una kitang nakita fourth year
high school ka pa noon at crush na crush na talaga kita kaya lang hindi kayo
mapaghiwalay ni Angelo. Nang malaman ko na boyfriend mo na sya, nawalan na ako
ng pag-asa kaya nagawa ko nga ‘yon sa iyo para makuha ka lang at para may guts
akong gagawin ‘yon nagtake ako ng drugs, alam no na… Natauhan ako matapos
kitang pagsamantalahan because it suddenly came to my mind na pwede pala akong
mabilanggo sa ginawa ko at kinabahan ako. Kaya nagmamadali akong umalis doon at
nagpakalayo-layo dahil natakot talaga ako.” Mahabang kwento nya habang
nakikinig lang si Brooke.
“Saan ka nagpunta? Hindi ka umuwi sa inyo?” Tanong ni
Brooke.
“Hindi. Dahil naisip ko baka malaman nyo ang address ko at
idedemanda ako. So I went to a very far off place na hindi ko alam basta’t
sumakay lang ako ng bus not knowing where my destination was.” Nakangiting
kwento nya.
Chapter 12
Ford told her what happened with his life after he raped
her. Ikenwento nya ang mapait nyang buhay dahil nagtago sya ng matagal na
panahon. Nang umalis sya doon sa boarding house nya ay dumiretso agad sya sa
pier at sumakay ng barko pero hindi nya alam kung saan ito pupunta. When they
arrived he just randomly rode a bus at nakarating sa medyo maliit na bayan on a
mountainous side of Mindanao. Dahil may konting naipon he rented a very small
house na malapit sa isang sugar plantation. Natoto daw syang magtanim ng kahit
na ano para hindi magutom. Araw-araw bumibili sya ng newspaper sa bayan para daw
makabalita kung wanted ba sya. He was paranoid. Pumayat sya dahil sa gutom dahil
pinagtipid nya ang perang naipon. Hangga’t sa hindi na nya matiis ang buhay
after more than a year na nagtago ay tinawagan nya ang Ate nya na isang
abogado.
“Ate. I need your help please.” Naiiyak na sabi ni Ford
sa Ate Mercedes nya.
“Ford? Where are you? We’ve been looking for you. Bakit
ngayon ka lang tumawag? Are you okay?” Sunod-sunod na tanong ng Ate nya.
“May malaki po akong kasalanang nagawa at nagtago ako
kasi baka hinahanap ako ng mga pulis. Pero matagal na po nangyari ‘yon Ate, at
hindi naman ako wanted sa tingin ko kaya, please help me Ate. Hirap na hirap na
po ako dito. I want to go home.” Umiiyak sya na parang bata na nagmamakaawa sa
Ate nya.
When his sister learned where he was ay pinasundo sya ng
driver nila. Nag-land trip ang driver buong araw dahil napakalayo at hinanap
ang lugar nya. Takot si Ford mag-commute dahil baka may makapansin pa rin sa
kanya kung sakali mang wanted sya kaya gusto nyang sunduin sya kahit nasa
napakalayong lugar sya.
Her family were aghast on how he looked like when he
arrived at their own home. He was so pale and lost a lot of weights at umitim sya
dahil sa init ng araw when he tried to learn how to plant any kinds of rootcrops
or vegetables para lang may makain o maibenta nya para may pera sya. Naranasan
nya ang napakahirap ng buhay kaya natauhan sya. He was hoping na hindi sya
makulong dahil abogado ang Ate nya at tutulungan sya.
He told his family the truth para hindi sila magulat one
day kung sakali may maghahanap na pulis. Galit ang daddy nya pero wala na
silang magawa at nangyari na. Natuwa na rin ang mommy nya dahil bumalik na sya
at walang masamang nangyari sa bunso nya kahit papano.
After a few months at bumalik ang dati nyang lakas at
katawan. He decided to pursue to become a Pilot. Ito ang pangkabuhayan ng
family nya kaya he must learn to adapt. He studied seriously this time and was
able to finish the Aeronautical Engineering na pangarap ng daddy nya. His experience
in life away from his family and struggled to live was his inspiration that
made him successful. He realized then that he was not getting any younger and he
must have a stable job dahil hindi habangbuhay na nakasalalay sya sa family
nya. It was never too late. And at the age of twenty-eight ay naging Pilot na
sya.
After some training, he finally was able to join his
family’s aviation business. His dream was to travel abroad so after more than a
year of flying domestically, he asked to be moved to an international aircraft.
Kung dati ay mahilig sya sa mga babae, but when he continued studying until he became
a Pilot, he lost interest in women lalo na kapag naalala nya ang ginawa nya kay
Brooke.
Sa dinami-dami ng babaeng nagkakagusto o humahabol sa
kanya, kay Brooke lang sya natauhan at nabago. He was thankful that he was not arrested
nor sued of what he did, dahil matagal na rin ang nangyari at talagang wala
namang mga pulis na naghahanap sa kanya.
Natupad na ang pangarap nya at ng parents nya. Somehow,
he was happy and thankful of his good life after all what he had been through.
Pero hindi pa rin buo ang pagkatao nya kung hindi nya harapin si Brooke at
humingi ng tawad. Each and every day of his life since he left Brooke and broke
her innocent life, he was always tormented by his conscience. He confessed to a
priest na rin at sinabihan sya na kailangan nyang harapin at humingi ng tawad kay
Brooke.
Then he finally decided to have a long vacation upang
paghandaan ang plano nya to see Brooke and ask for her forgiveness. And he
never expected that they would meet at the aircraft. Naka-bakasyon dapat sya
pero nakiusap ang management dahil kulang sila ng Pilot dahil dalawa ang
nagkasakit. He can’t refuse dahil utos ng daddy nya at pansamantala lang naman
until they can hire a new one.
Chapter 13
Mahigit isang oras silang nag-uusap when Ford realized it
was getting late at baka pagod na rin si Brooke. Pagod na rin sya pero he
didn’t care dahil importante sa kanya ang matagal na nyang pangarap na
makaharap uli si Brooke at mapatawad sya.
“Pasensya ka na at ang dami kong nakwento and it’s
getting late na pala. I have to go na para makapagpahinga na rin.” Tumayo si
Ford nang makita sa wristwatch nya ay past ten na pala ng gabi. Dahan-dahan
syang lumakad papunta sa pintuan para umalis. “Kumain ka na ba?” Pahabol nyang
tanong bago binuksan ang pinto.
“Hindi. Nakatulog ako.” Sabi ni Brooke.
“Naku, sana sinabi mo kanina at kumakain tayo habang
nagkwentuhan. Di bale, tawagan ko ang kitchen, 24 hours naman ‘yan at mag-order
ako. Ipaakyat ko nalang dito. Can I use your telephone?” Sabi ni Ford.
“Huwag na ako nalang. I’ll go downstairs nalang siguro or
baka sa labas may 24 hours naman dyan.” Sabi ni Brooke.
“No, huwag ka nang lumabas at gabi na. I’ll get you some
food, ako naman ang magbayad.” Nakangiting sabi nya and he dialed the phone to
order. “Ano bang gusto mo? Heavy meal?”
“Sandwich nalang.” Nahihiyang sagot nya. “Gabi na kasi at
matutulog na rin ako after kumain.”
“O sige clubhouse nalang.” Sabi ni Ford. “You don’t need to
work tomorrow so you can have more rest. Ako nang bahala.” Nakangiting sabi nya
matapos mag-order ng pagkain. “When was the last time you had your time off?”
“Naku three weeks na yata. Gusto ko na nang umuwi dahil
na-miss ko na ang…” Muntik nang sabihin ni Brooke ang anak nya at naalala nyang
kausap nya pala ang ama ng anak nya, “… ang nanay at tatay ko.” She continued.
“Kumusta pala ang nanay at tatay mo? Ganun pa rin ang ba
ang business nyo?” Tanong ni Ford as he went back to the door again getting
ready to leave. Gusto sana nyang magtanong about kay Angelo pero hind na muna
dahil baka masasaktan lang sya sa marinig nya kung sila pa ba hanggang ngayon.
“Matanda na si tatay pero ayun nagtatrabaho pa rin sa
talyer namin dahil parang exercise nya na rin daw araw-araw.” Sabi ni Brooke.
“Brooke, thank you. Thank you at napatawad mo rin ako. God
knows how much I have waited for this moment talaga.” Seryosong sabi ni Ford at
inabot uli ang kamay ni Brooke for another shake hand.
Tahimik uli si Brooke at hindi alam ang sasabihin. She
just slightly smiled and they shook their hands quickly.
“Basta hindi ka papasok bukas. Magpahinga ka na lang muna
dyan ha. Just let me know kung kelan mo gustong bumalik sa work… good night!”
Sabi ni Ford and then went to the elevator.
Maya-maya dumating ang food na inorder ni Ford at
talagang nagutom sya nang makita ito. She ate while watching TV pero wala syang
maintindihan because she kept recalling on what she had learned from Ford
today. She realized that it could be the reason why her family didn’t file a
case against Ford dahil baka alam nila na mayaman si Ford. Maraming alam kasi
ang Kuya nya at naisip nya na baka nagsearch itong mabuti para malaman ang
tunay na pagkatao ni Ford.
She was worried kung ano kaya ang gagawin ni Ford kung
malaman nyang nagbunga pala ang panghahalay sa kanya. Ayaw nyang sabihin kay
Ford dahil baka kukunin nya ang anak nila dahil mayaman sila at lalo na’t
abogado pala ang Ate nya. Magre-resign na sya talaga at uuwi na muna para makapiling
ang anak at baka anytime susugod si Ford at kukunin ang anak nila. She was
confused and can’t sleep agad. Buti nalang hindi sya papasok bukas dahil kulang
sya sa pahinga at magulo ang isip nya.
The next day she was awakened by the knock on her door.
May delivery ng pagkain for her lunch at nagulat sya dahil hindi naman sya
nag-order. May free breakfast naman sila but she realized it was past eleven in
the morning na pala at closed na ang breakfast buffet.
“Are you sure para sa akin ‘to? Hindi naman ako nag-order
ah.” Sabi ni Brooke sa crew na nagdeliver.
“Yes po ma’am. Dito po talaga ito. Order po ni Sir Ford.”
Sabi ng crew.
“Kilala nyo ba si Ford?” Nakangiting tanong nya.
“Yes po ma’am. Regular guest na kasi namin sya dito. Ang
Ate nya yata ang isa sa may-ari nitong hotel.” Sabi ng crew. “Sige po mam,
balikan ko nalang ‘to ‘pag tapos na po kayo.” At nagmamadaling umalis ang crew.
Nagulat na naman sya sa nalaman nya. Pabalik-balik naman
sila ng mga kasama nya sa hotel na ito but she never had the chance to meet
Ford.
Chapter 14
She finally decided to render her resignation letter at hindi
na sya pumasok uli on the next day. She called Jannah to tell her about her
plans but she didn’t tell her about Ford. Sinabi lang nya na nag-away sila dati
ni Ford na hindi naresolve kaya ganun ang eksenang nakita nila sa loob ng
aircraft the other day. Nagtataka pa rin si Jannah and she kept asking kung
naging boyfriend ba nya si Ford pero hindi na nya ito sinagot. Nagulat na naman
sya nang may kumatok sa gabing iyon.
“You are resigning?” Mahinahong tanong agad ni Ford
pagkabukas ni Brooke sa pintuan. “Why? Because of me?” Then he smiled.
“Hindi ah. Matagal ko na talagang balak mag-resign and
finally I have decided.” Sabi ni Brooke habang patuloy na inayos ang mga gamit
nya sa maleta.
“Last day ko na bukas dahil we hired a new Pilot. ‘Yong
si Captain Cruz kasi nasa hospital pa. And I am supposed to be on a vacation.
Kung baka kasi ayaw mong makasama ako sa pagbabyahe kaya I insisted to find a
new Pilot at para na rin ma-enjoy ko ang vacation ko. Kaya you can go back to
work na tomorrow if you want. Please, huwag kang mag-resign.” Pakiusap ni Ford.
She was speechless. Dahil ang totoo ay si Ford talaga ang
dahilan kung bakit nag-resign sya. She doesn’t want to see him always dahil
baka mahulog pa ang loob nya sa kanya. At lalong ayaw nyang malaman na may anak
sila dahil ito ang magiging ugnayan nila sa isa’t isa.
“Is there something I can do to stop you from resigning
your job?” Parang lambing na tanong nya kay Brooke.
“No, no. Wala… gusto ko kasing magkapag-travel abroad kaya
maghahanap ako ng ibang opportunity.” She lied.
“Pwede ka naman ilipat sa international flight kung gusto
mo. You will have the chance to travel abroad talaga if nasa international
flight ka, galing na ako doon.” Sabi ni Ford. “Ano, gusto mo ba? Tawagan ko ang
office bukas.”
“No, please, huwag. I am decided na talaga na mag-resign.
Matagal ko na ‘tong plano, promise totoo talaga. Kahit tanungin mo pa si
Jannah. Alam nya ang mga plano ko.” Sabi ni Brooke at napansin nya ang oras sa
phone nya it was almost eight na pala at gutom na sya.
“Kumain ka na ba? Can we have dinner muna dyan sa baba
lang?” Tanong ni Ford.
Ito na, at nagsisimula nang magpaka-romantic ni Ford at gusto
nyang iwasan talaga. Alam naman nya na dati pang may gusto si Ford sa kanya and
this person she once hated so much is a very different person now and she can’t
ignore the feeling of admiration because of what he had been through and how he
became the person he is right now. Gutom naman talaga sya pero ayaw nyang
sumama.
“Dito nalang ako kakain. May binili naman ako kanina ‘yon
nalang ang kakainin ko.” Sabi ni Brooke.
“I would insist you to have dinner with me, please? Di ba
sabi mo, tutulungan kitang makalimutan mo ang pangit na nagawa ko sa buhay mo?
Kaya gusto kong bumawi sa ‘yo. Kaya I’ll treat you for dinner, please?”
Pakiusap ni Ford.
Hindi na sya makatanggi. Once papayag sya ngayon ay
masusundan pa uli ito naisip nya. Kaya decided na talaga syang umuwi agad.
They went down to have dinner at the restaurant inside
the hotel. Nahihiya sya dahil maraming staff ang nakakilala kay Ford, napansin
nya. Buti nalang naka-dress sya na kahit hindi sya masyadong nag-ayos ay she
looked presentable pa rin.
Napaka-gentleman ni Ford habang nagdi-dinner sila. Who
would have thought that this man had once abused her in bed and left her? She
was fighting against her feelings that she was starting to like him already
dahil mabait naman talaga sya. Paano na si Angelo? Kahit minsan nalang sila
nag-uusap ay boyfriend pa rin nya ito. Naguguluhan na sya kaya gusto na nyang
umalis na agad at magpakalayo para hindi na sila magkikita pa ni Ford.
“Sa inyo rin pala itong hotel. Ang yaman yaman nyo
talaga. Kaya nahihiya akong kasama mo dahil halos kilala ka ng mga tao rito.”
Sabi ni Brooke as they started eating.
“Ah hindi. Sa Ate Chevy ko ito. Business nila ng husband
nya. Sila lang naman ang mayaman at hindi ako.” Biro nya. “May trivia kaming
magkakapatid alam mo ba? All of us my siblings were named after a luxury car.
‘Yong eldest namin si Ate Mercedes, Mercy ang palayaw nya. Ang sumunod si Ate
Chevrolet, Chevy naman ang palayaw nya. And then me, Ford. Funny ano?” Biro ni
Ford. Natuwa sya at napatawa na nya si Brooke.
“Really? Mahilig ba sa car ang mommy mo or daddy mo?”
Tanong ni Brooke.
“Actually, si daddy. Meron din kasi kaming car with these
three brands kaya ito ang naging name namin. Parang wala nang ibang choice si
mommy ano?” Biro nya.
“Buti naman pumayag ang mommy mo. Pero maganda naman ang
names nyo ah.” Sabi ni Brooke.
“Eh ikaw, I’m curious kung bakit Brooke ang name mo.”
Sabi ni Ford.
“Ah, favorite kasi ni nanay si Brooke Shields, kasikatan
nya noon nang mabuntis si nanay sa akin.” Natawa sya. “Nakakatawa nga dahil
hindi bagay.” It seems they are just starting to get to know each other now
though they have already met before.
“Talaga? I like your name. Sa name mo pa lang mukha nang
maganda at nakakaintriga… Ipapakilala kita sa Ate ko kong makapunta sya dito. I
wish ma-meet mo ang family ko. Mababait sila and very welcoming, I promise.”
Nakangiting sabi nya.
Ito na naman sya ulit. Palevel-up nang level-up na talaga
si Ford sa mga hakbang nya at kinakabahan na sya. Bukas na bukas ay aalis na
talaga sya dito at uuwi na.
Hinatid sya ni Ford sa kwarto nya after dinner. Napansin
naman nya na mukhang masaya si Ford habang kasama sya at sobrang sweet pa.
Inayos na nya lahat ng gamit nya at aalis na sya bukas talaga. Magkikita nalang
sila ni Jannah kung libre na ito para makapag-usap ng personal tungkol sa mga pangyayari.
Chapter 15
When Ford had the chance na makasama uli si Jannah sa
isang flight ay kinausap nya ito. When they had thirty minutes interval of
their next flight tinawag nya si Jannah at nag-usap sila sa labas ng cockpit.
“Matagal na ba kayong friends ni Brooke?” Tanong ni Ford
kay Jannah.
“More than a year na rin kaming magkasama kaya more than
a year na rin kaming close. Ewan ko ba, mas may chemistry kasi kaming dalawa
kesa iba naming kasama. Bakit mo naitanong, Cap?” Kuryusong tanong ni Jannah.
“Hindi ba sya nakikipag-date ng ibang kasamahan nyo or
maybe some Pilots na nakilala nyo?” Tanong ni Ford.
“Naku hindi, Cap. May nagka-interest nga sa kanya dati na
Pilot and a very married man pero umiwas talaga sya. May boyfriend sya kaso
nasa malayo, sundalo kasi at na-assign sa Iraq for a few years. They don’t have
much communications na kasi dahil mahirap daw ang signal doon. Parang
nagkalabuan na yata sila, ewan ko. At hindi rin sya interesadong makipag-date
ng iba dahil kontento na daw sya dahil may anak na sya.” Sabi ni Jannah at
nadulas ang bibig nya.
“Si Brooke may anak na?” Nagulat si Ford.
“OMG, akala ko po alam nyo, Cap. Kasi ang alam ko friends
kayo dati pa. Itinago nya kasi na may anak sya dahil baka malaman ng management
at single pa naman ang nilagay nyang status. Naku, please Cap, please, please
don’t ever tell anyone. Secret lang natin ‘to.” Pakiusap ni Jannah.
“You can trust me on that. It’s our secret. Alam mo ba
kung ilang taon na ang anak nya? May picture ka ba?” He suddenly became very
curious now and can’t wait to talk to Brooke.
“Wala akong picture dahil hindi naman ako nakapunta ever
sa kanila. I think 7 or 8 years old na ang anak nya.” Sabi ni Jannah.
“Yong boyfriend ba nya ang ama?” Tanong ni Ford.
“I think so. Ang gwapo ng anak nya ha noong nakita ko sa
picture sa album nya one time, ang puti-puti talaga at tsinito.” Sabi ni
Jannah.
Hindi na mapakali si Ford. He can’t wait for his flights
to finish on that day para bumalik sa hotel at kausapin si Brooke. Hiningi nya
ang number ni Brooke kay Jannah para tawagan nya mamaya to make sure hindi pa
sya umalis ng hotel.
Nagmamadali talaga syang umuwi pabalik ng hotel nang
matapos ang lahat ng flights nya on that day. He called Brooke to make sure na nasa
hotel pa ito pero hindi na nasagot ang tawag nya dahil nasa loob na ng shoulder
bag ni Brooke ang phone at hindi nya narinig. She was about to leave already. He
tried to call her again at the lobby area of the hotel.
“Hello, who is this?” Tanong ni Brooke dahil hindi
naka-save ang number na lumabas sa screen.
“It’s Ford.” Dismayado ang tunog nya. “Nakaalis ka na
pala?”
“Yeah, I’m inside the taxi na.” Sabi ni Brooke.
“Pwede ba tayong magkita bukas? I really need to see you,
please?” Pakiusap nya.
“I’m not sure, busy ako bukas. Marami akong gagawin,
marami akong aasikasuhin.” She lied.
“Kahit saglit lang, please?” Pakiusap nya ulit.
“Hayaan mo na ako, Ford. Forgiveness ko lang naman ang
hinihingi mo, di ba? Napatawad na kita ano pa ba ang gusto mo? Naging mabuting
kaibigan na tayo, hindi pa ba sapat ‘yon? Hayaan mo na ako please. Malaya ka na
at makakatulog ka na ng mahimbing sa gabi, that’s what matters most, okay?” At
nagpaalam na sya.
He was so heartbroken at that moment. Masaya na sana
silang nagkasama at nagkwentuhan kagabi. He wanted to follow her because he
knew her address pero alam nyang papatayin sya ng tatay ni Brooke kapag nakita
sya doon. He went to his room at nagpahinga and thinking on what to do.
Tuwang-tuwa naman si Gabriel nang dumating ang mommy nya
at pati na rin ang mga parents ni Brooke. Napansin nila na matamlay sya at
parang malungkot. She told her family that she just resigned from her job and
will look for another one soon. She needed to work dahil malaki na ang anak nya
at magastos na. Nahihiya na sya sa family nya na tumutulong sa kanya sa
pagpapalaki kay Gab.
Chapter 16
Ford decided to go to Brooke’s place the next day pero
hindi sya magpapakita. Hindi sya mapakali hangga’t hindi nya malalaman ang
totoo. He used his dad’s car with a tinted window so he won’t be seen inside.
Sigurado syang nag-aaral na ang bata at his age and at around four or five in
the afternoon ay baka makita nyang dumating galing sa school.
He parked at a distance na makikita nya ang talyer at ang
gate ng bahay nila ni Brooke. Nakikita nya ang tatay ni Brooke na busy sa
pag-aayos ng kotse. At tamang-tama may dumating na Montessori school bus at may
batang lalaki na bumaba. Kinakabahan sya. Pinagmamasdan nyang mabuti para
makita nya ang mukha. Lumapit ang bata sa lolo nya at nagmano kahit marumi ang
kamay nito. Nang humarap ang bata dahil papasok na sa loob ng bahay nagulat si
Ford. He can’t be wrong. Kamukhang-kamukha nya ang bata. Then Brooke went out
to meet the child, hugged him and kissed his forehead. They talked shortly and
then she went out to buy something at the store nearby. Maikli ang shorts at naka-spaghetti
shirt. Sexy pa rin at parang walang nagbago mula noong college pa sya na lagi
nyang nakikitang naka-shorts. Noong nagkasama sila sa hotel sandali ay lagi
syang naka-dress kasi. Hindi sya mapakali. He called her phone as soon as she
went back inside the house.
“Brooke, can we meet, please?” Mahinahong pakiusap nya.
“Saglit lang talaga. Please.”
“Busy ako, hindi ako pweding umalis sa bahay ngayon.
Bakit nasaan ka ba?” Tanong ni Brooke.
“I really want to visit you there sa bahay nyo pero baka
patayin ako ng tatay mo.” Sabi ni Ford.
“Naku, huwag kang magkamaling pumunta dito at papatayin
ka talaga ng tatay ko.” Sabi ni Brooke.
“Kaya nga magkikita nalang tayo, eh. Saglit lang talaga,
I promise.” Pakiusap uli nya.
Pumayag din si Brooke dahil sa pagmamakaawa ni Ford. Nagkita
sila sa isang lugar near the church where he can park his car and medyo hindi
matao. Doon nalang nya hihintayin si Brooke sa car nya and he gave her the
plate number and color of his car. It’s a Ford car din kaya madali lang nyang
hanapin.
“Alam mo bang kami pa rin ni Angelo hanggang ngayon kaya
lang nasa malayong lugar sya and almost five years na kaming hindi nagkikita.
Mahirap din ang signal doon kaya we rarely talk to each other.” Sabi agad ni
Brooke as she got in his car. “Mahirap ang situation namin pero tiniis ko dahil
nagtiwala akong babalik pa sya at tuparin ang pangako nya.”
“Why are you telling me this? Para magselos?” Tanong ni
Ford.
“Hindi naman. Just so you know na I’m not ready
magpaligaw ng iba. Nirerespeto ko ang relationship namin kahit malayo kami sa
isa’t isa.” Prangkang sabi nya para hindi na sya kukulitin pa ni Ford.
Natahimik si Ford. Hindi nya alam kung anong sasabihin.
Nag-isip sya kung papano nya tanungin si Brooke tungkol sa anak nya. They were
silent for a few moments.
“Alam kong hindi si Angelo ang ama ng anak mo.” Kalmadong
sabi nya.
“What? How did you know may anak na ako?” Nagulat si
Brooke. “Sinong nagsabi sa ‘yo?”
“Hindi na importante kung sinong nagsabi sa ‘kin. Ang
mahalaga nalaman ko.” Mahinang sagot nya. “Brooke, ako ba ang ama? Nakita ko
sya kanina nang hinatid ng school bus sa bahay nyo. At hindi ko maipagkakaila
na kamukhang-kamukha ko talaga sya. You can’t deny it, Brooke.”
“So, nagpunta ka pala sa bahay kanina? Minamanmanan mo ba
kami?” Nainis si Brooke sa nalaman nya ngayon. This is it talaga, naisip nya.
“I just really want to see him dahil iba ang kutob ko. At
hindi ako mapakali. Brooke, please tell me the truth. Ako ba ang tatay nya?
Anak ba natin sya, ha?” He was very anxious to know. “Brooke, I think I deserve
to know the truth and you can’t deny it. Malayong-malayo ang itsura nya kay
Angelo kaya kahit na ipagpilitan mo man sa akin ngayon na si Angelo ang ama,
hindi ako maniniwala. Magpapa-DNA test ako kung kinakailangan.” Seryosong sabi
nya.
She started crying and didn’t know what to say. Andito na
sya at wala na syang lusot. Gugulo na ang buhay nya because she thought Ford would
do everything para makalapit sa anak nya at hindi ito imposible dahil
makapangyarihan sila. Her being silent now would only mean that it’s true, na
si Ford ang ama.
“Brooke? Please answer me. Nagmamakaawa uli ako sa’yo
ngayon na sabihin mo sa akin ang totoo dahil karapatan kong malaman. Anak ba
natin sya?” Pagmamakaawa ni Ford ulit.
“Hindi naman sya nabuo because of love. Nabuo sya because
of delinquency, it’s still a crime kung iisipin mo. Pero inosente naman sya at
hindi nya kasalanan ang nangyari kaya mahal na mahal ko ang anak ko. At walang
kahit na sinong kumuha sa kanya. Mamatay muna ako bago mo sya makukuha.”
Umiiyak pa rin sya.
“Bakit, sinabi ko bang kukunin ko sya sa ‘yo? I was just
asking for confirmation from you na ako talaga ang ama nya. And I deserve to
know the truth. But I never intend to take him away from you dahil wala akong
kwentang ama kung iisipin. Wala akong karapatang kunin sya dahil ikaw ang
nagpalaki sa kanya. Pero utang na loob, Brooke, kailangan din ako ng anak ko.
Gusto ko syang mahawakan… mayakap, at mahagkan. Gusto kong maipadama sa kanya
na andito ako mamahalin sya at aalagaan sya and give him a good life. Alam kong
maayos naman ang pagpapalaki mo sa kanya pero bigyan mo rin ako ng chance na
maging tatay nya. Hindi ako masamang tao, alam mo ‘yon. Isang beses lang kitang
hinalay dahil gigil na gigil ako sa’yo noon, and that was the only crime that ever
I committed, I swear. At pinagsisisihan ko na talaga.” Napakahaba ng paliwanag
nya at tumulo na rin ang mga luha nya. “Kaya pagbigyan mo ‘ko please? Gusto
kong mayakap ang anak ko, please?”
“Hindi madali para sa ‘kin ‘to, alam mo ‘yon. Ang hirap.
Ang sakit. Pero wala na akong magawa eh. Kaya just give me some time at ihaharap
ko sya sa ‘yo kung handa na ako at handa na rin ang anak ko na harapin ka.
Dahil ang sabi ko sa kanya patay na ang daddy nya. Magtataka ‘yon bigla at
malilito, kawawa naman. Basta huwag mo lang akong mamadaliin dahil napakabilis
ng mga pangyayari. Sana naintindihan mo.” Paliwanag ni Brooke.
“Sure, I promise hindi ko kayo guguluhin. Dahil baka ‘pag
nalaman pa ng tatay mo patayin pa ako at hindi ko na tuloy mahawakan ang anak
ko.” Biro nya. “I trust you na hindi mo sya ipagkait sa akin, na hindi mo sya
ilayo sa akin. I’ll wait for the right time.” Sabi ni Ford.
“Promise hindi mo sya aagawin sa akin? Hindi mo sya
kikidnapin? Dahil makapangyarihan kayo at alam kong kaya mong gawin ‘yan.”
Nag-alala pa rin si Brooke sa mga posibleng mangyari.
“Of course not. Ba’t ko naman gagawin ‘yon? I told you na
di ba, na wala akong karapatan na kunin sya dahil wala akong kwentang ama.
Basta ang importante mayakap ko lang talaga sya at mahagkan. Ang sarap ng
feeling alam mo ‘yon? Nang makita ko kayong dalawa kanina parang dinudurog ang
puso ko sa inggit… what’s his name nga? And how old is he na? I think seven or
eight years na mula noong iniwan kita so ganun na rin ang age nya ano?”
Nakangiting tanong ni Ford.
Hindi na maalis sa mukha nya ang excitement at saya. Kumain
sila saglit sa isang restaurant at hindi rin sila nagtagal dahil gabing-gabi na
and Ford insisted to drop her home.
Chapter 17
The next day nagshopping si Ford ng mga gamit at lauran ng
bata at pinadala nya sa driver nila at hinatid sa bahay nina Brooke. Nagulat
ang mga magulang nya kung kanino galing pero sinabi nalang ni Brooke na regalo
ni Angelo para wala nang daming tanong kahit na wala pa rin syang balita kay
Angelo.
The following day nagulat uli si Brooke. Nakatanggap na
naman sya ng envelop na hinatid ng driver nina Ford. Isang ATM card na may
sulat kamay ni Ford, For Brooke and my son Gabriel. She tried to check
kung magkano ang laman dahil nilagay naman ang PIN and she was very surprised of
the huge amount. It’s worth 300,000 pesos. She can’t take it. Isusuli nya ang
card at tinawagan nya si Ford nang gabing iyon.
“Are you trying to buy me?” Tanong nya agad kay Ford at
nainis sya.
“Why? Of course not.” Sabi ni Ford sa kabilang line.
“Isusuli ko ‘tong ATM card sa ‘yo okay? Hindi ko
matanggap ‘tong pera. Baka magbago pa ang isip ko at hindi mo na tuloy
mahawakan ang anak mo.” Naiinis na sabi ni Brooke.
“Please, please, Brooke, don’t ever say that. Kung ayaw
mo tanggapin eh di huwag mo nalang gamitin. Basta dyan lang ‘yan. Sa ‘yo naman
nakapangalan ang account na ‘yan. Sariling pera ko naman ‘yan kaya ibibigay ko
sa anak ko, sa inyong dalawa.” Sabi ni Ford.
“Pwede ba huminto ka na sa pagpapadala na kung anu-ano
dito sa bahay at nagtataka na sila nanay? Baka malaman pa nila ang totoo at hindi
na matuloy ang plano ko na iharap sya sa ‘yo. Naghahanap lang ako ng magandang
tyempo na sabihin sa kanila para hindi naman sila mabigla at pati na rin si
Gab.”
Nakinig naman si Ford kay Brooke. Nag-iingat nalang sya
para makita pa nya ang anak nya. Matyaga nalang syang naghihintay kung kelan
handa na si Brooke iharap ang anak nila at dasal nya na malapit na.
After a few days may tumawag na unsaved number kay
Brooke. Si Angelo pala dumating na. At gusto nyang magkita sila. Nagtataka sya
kung bakit kailangan pa nilang magkita sa labas na pwede naman syang dumalaw sa
bahay nila. Excited sya dahil five years din silang hindi nagkita at baka
magpo-propose na sa kanya.
They met at the park na favorite nilang magdate dati
noong college pa sila at hindi masyadong matao dahil maaga pa. Hindi nya matiis
ang pangungulila sa boyfriend nya and she hugged him and kissed his lips.
“I missed you so much. Bakit hindi mo ako tinawagan agad
na uuwi kana? Kumusta ka na? Pumayat ka yata.” Excited na excited si Brooke
nang makita si Angelo.
“I missed you, too, Brooke. Sobrang busy ko at saka
mahirap talaga ang communications doon sa site namin. Pero last month lang
natapos ang mission ko at nagpunta ako ng US because my uncle invited me.” Sabi
ni Angelo na napansin ni Brooke na medyo matamlay.
“Last month? At hindi ka man lang tumawag sa akin at
nagpaalam na nasa US ka na? Hindi naman siguro mahirap ang signal doon sa uncle
mo ano?” Nagtataka na si Brooke.
“I am going to tell you something, Brooke. I know
magagalit ka pero mabuti nang sa akin manggaling kesa ibang tao mo pa
malalaman.” Nahihirapan si Angelo kung paano nya sasabihin. He was silent for a
while.
“Alam kong mayroon nang iba, Angelo, huwag ka nang magpaliwanag.”
Mangingiyak na sabi ni Brooke. “I knew it, Angelo. Kahit hindi mo man aaminin
ngayon, ramdam ko na may bago ka na. Five years… that’s damn long enough na
natiis ko na hindi ka nakita. And in five years’ time, ilang beses lang ba tayo
nagkakausap? Nage-emailan? Mabibilang lang sa daliri ko, alam mo ba? Kaya don’t
ever tell me your stupid reason again na mahirap ang signal doon. Pero nagtyaga
pa rin ako na hintayin ang pagbalik mo dahil nangako ka sa akin, magpakasal
tayo pag-uwi mo. But that’s a bullshit promise now!” Galit na sabi ni Brooke.
“Brooke, please let me explain.” Malungkot na sabi ni
Angelo.
“No, you don’t need to explain. Para saan pa? Para
masaktan ako lalo?” Galit na sabi ni Brooke.
“I’m getting married.” Maikling sagot ni Angelo.
“Ano? Walang hiya ka! Pinaasa mo lang talaga ako at sa
iba ka lang pala magpapakasal!” Mas lalo syang nagalit sa narinig nya at hindi
nya talaga ine-expect na gagawin ‘yon ni Angelo sa kanya.
“Sampalin mo ako, suntukin mo ako. Para makaganti ka na.”
Kinuha nya ang mga kamay ni Brooke at sinampal-sampal sa mukha nya. At talagang
sinampal nya ng malakas si Angelo at iniwan nya.
“Brooke, wait. I’m sorry! Natukso ako, eh.” Hinabol sya
ni Angelo.
Nagmamadaling lumabas si Brooke sa park at sumakay agad
sa taxing dumaan para umuwi at hindi na sya nahabol pa ni Angelo. Iyak sya ng
iyak on her way home.
Napansin ng nanay nya na umiiyak sya. She told her nanay
on what just happened. Niyakap sya ng nanay nya dahil naawa ito sa kanyang
bunso. Minsan na syang pinagsamantalahan noon at iniwan, at ngayon ang
kaisa-isang boyfriend naman nya ng matagal na panahon ay magpakasal sa iba.
Chapter 18
Ford called Brooke that night dahil nami-miss na nya ito.
He kept asking kung kelan sila magkita ng anak nila. Napansin nya na parang iba
ang boses ni Brooke.
“Hey, are you crying?” Pag-alala ni Ford. “Is anything
wrong?”
“Wala, may sipon lang.” She lied.
“Gusto mo samahan kita sa doctor bukas?” Offer ni Ford.
“No, hindi na kailangan. Mawawala rin ‘to. Sipon lang
naman… Gabriel anak, come here. May gustong kumausap sa ‘yo.” Tinawag nya bigla
si Gab at nagulat si Ford. “I have a good friend na gusto kang makilala dahil
mabait ka raw na anak, totoo ba, anak?” Nakikinig lang si Ford sa kanila sa
kabilang line.
“Of course mommy, mabait naman talaga ako.” Sabi ng seven
years old na bata.
“Mabait naman din itong friend ko, kaya tawagin mo syang
daddy at gusto ka nyang makausap.” Binigay ni Brooke ang phone kay Gab at first
time nilang nag-uusap dalawa.
Ford was so very happy to hear his son for the first
time. Hindi nya maiwasang umiyak sa tuwa. Matagal silang nag-usap at nang magsawa
ang bata ay binigay ang phone sa mommy nya at maglalaro pa raw ito ng favorite
toy na bigay ng daddy nya.
“Alam mo bang I can’t explain the happiness I felt right
now? Ang sarap pala nyang kausap.” Masayang sabi ni Ford. “I can’t wait na
mayakap sya at mahagkan ko.”
“Dahan-dahan lang muna okay? Para hindi sya masyadong
mabigla, pati na rin mga magulang ko.” Sabi ni Brooke. “Ano bang pinag-usapan
nyo?”
“Alam mo bang he asked me, can you be my daddy? Sabi ko
of course! I’m super happy to hear it from him mismo. I’m super happy, Brooke.
Really. Thanks a lot, talaga.” Sabi ni Ford.
At nagpaalam na sila dahil gusto na ni Brooke magpahinga
dahil masyadong malungkot ang araw na iyon para sa kanya. Hindi agad sya
nakatulog dahil bumabalik-balik pa rin sa isip na ang nangyari kanina. Galit na
galit talaga sya kay Angelo at hindi nya ito mapapatawad. Nasasaktan sya dahil
pinaghihintay lang sya sa wala. Umaasa pa naman sya na magpakasal na sila
pagbalik ni Angelo pero hindi na ito mangyayari.
The next day ay umalis si Brooke para maghanap na ng work
dahil gusto nyang mawala sa isip si Angelo. She tried to keep herself busy.
Namamasyal syang mag-isa sa mall at nagshopping ng konti dahil natanggap na nya
ang last pay nya sa work nya. She thought it was so tempting to shop dahil may
malaki syang pera na binigay ni Ford pero may pride sya at hinding-hindi nya
ito gagamitin. She will save it for Gab’s future nalang.
Nagkita sila ni Jannah dahil free na ito. They had dinner
and she told her the truth. Matagal silang nagkwentuhan. She went home late at
sinabi agad ng nanay nya na may lagnat si Gab. Mataas ang lagnat ng bata and
she started to panic. Noong isang araw pa raw napansin ng nanay nya na mainit
ang bata pero nawawala naman kapag nakainom ng gamot.
Brooke was so worried dahil first time ni Gab na
magka-fever ng mataas. Almost midnight na at hindi pa rin sya mapakali dahil
pataas ng pataas ang fever ng bata. Pinupunasan naman nya palagi kaya hindi sya
makatulog. Madaling araw na at hindi pa rin bumababa ang lagnat ni Gab at natataranta
na si Brooke.
“Nay, dalhin na po natin si Gab sa hospital!” Umiiyak na
sabi ni Brooke. Nagmamadali syang nag-impake ng mga gamit ni Gab at nagbihis
agad para makaalis agad papuntang hospital.
Ginising ng nanay nya ang tatay nya para mag-drive sa taxi
at hinatid agad sila sa hospital. Gab was immediately rushed to the emergency
room dahil namumutla na ang bata. The doctors immediately did some lab tests
and prescribed medications. Suspected Dengue dahil may rashes sa tyan ng bata
na hindi man lang napansin ni Brooke kanina pa.
When the lab test results came out ay Dengue nga. Marami
kasing lamok doon sa talyer nila. They needed at least one bag of blood for
transfusion agad. Mahirap pa naman makakuha ng blood type ni Gab dahil type AB+
sya at wala namang type AB+ sa family nila. Naalala nya si Ford. Nagulat ito
nang tinawagan nya at three in the morning.
“Hey, is anything wrong?” Nagulat si Ford at nag-alala.
“Ford, si Gab. Kailangan ka nya this time.” Naiiyak na
sabi ni Brooke.
“Bakit? Anong nangyari? Nasaan kayo?” Nag-alala na sya at
hindi mapakali.
“Type AB+ ka ba? Kailangan nya ng blood transfusion agad.
Lahat kasi kami dito type O, eh.” Umiiyak pa rin sya habang nagsasalita.
“Yeah type AB+ ako at ang daddy. Saang hospital ba kayo
at pupunta na ako dyan?” Nagmamadali syang nagbihis at umalis agad.
Chapter 19
It took him more than an hour to travel kahit walang
traffic dahil malayo talaga ang lugar nila ni Brooke. Sinabihan naman agad ni
Brooke ang nanay nya na parating si Ford para mag-donate ng blood at nagulat
ito.
“Nay, mahabang kwento po kung paano kami nagkita uli ni
Ford pero isantabi na muna natin ang galit natin kay Ford dahil kailangan sya
ni Gab ngayon. Ayoko pong may masamang mangyari kay Gab ‘nay kaya kailangan
natin si Ford ngayon. Alam na kasi nya ang tungkol kay Gabriel.” Umiiyak sya na
nakikiusap sa nanay nya habang nakaupo sa tabi ng bed ni Gab. Nasa loob pa sila
ng ER dahil inaayos pa ang room nila na paglilipatan.
“Alam naman namin ang tunay na pagkatao ni Ford, anak.
Dahil nagresearch nang maigi ang Ate mo dahil sa trabaho nyang Tourism, madali
lang itong na-trace. Mayaman sila kaya hindi nalang tayo nagdemanda dahil
mauubos lang ang pera natin kung sakaling tinuloy. Sabagay, magbabayad naman sila
ng danyos kung maipanalo natin ang kaso, kaya lang ayoko nang mailagay ka pa sa
kahihiyan kaya ako na ang nagdesisyon na ilihim nalang ang nangyari. Hindi na
namin sinabi sa ‘yo para hindi ka na mag-alala pa. At hindi ka naman namin
pinabayaan.” Malungkot na sabi ng nanay nya ng maalala ang nangyari sa anak nya
noon.
“Naisip ko rin ‘yan nang makita ko uli si Ford at
makilala ko sya nang husto. Nagulat ako sa sobrang yaman nila. Pero ang bait
naman talaga nya ‘nay. Sya ‘yong nagpadala ng maraming toys kay Gab noong isang
lingo.” And she told her how they met again at hanggang naging friend na sila uli
ni Ford. Niyakap sya ng nanay nya.
“Pero hindi pa rin ako natuwa sa ginawa nya sa ‘yo noon. Kahit
matagal na ang nangyari ay hindi ko agad makalimutan ‘yon.” Sabi ng nanay nya.
“Basta ‘nay, huwag po tayong mag-eskandalo dito pagdating
ni Ford. Si Gab muna po ang isipin natin ngayon ‘nay.” Pakiusap uli nya sa
nanay nya.
Maya-maya dumating si Ford at tumawag kay Brooke. Hindi
na sya allowed pumasok ng ER kaya lumabas si Brooke. Niyakap sya ni Ford ng
mahigpit habang umiiyak. It was their first hug ever. Pinapapunta sya sa laboratory
for screening for his blood donation sa blood bank na kung saan kumuha sila ng
isang bag that was transfused to Gab.
“Ililipat natin sya sa private room, okay? Kakausapin ko
ang mga doctor na gawin ang lahat para gumaling sya agad.” Sabi ni Ford. “Pupunta
lang ako sa lab department para masimulan agad ang transfusion nya. Don’t
worry, I’m always here for you okay?”
Chapter 20
Gab was transferred to a private room after they waited
for five hours from the ER. After makuhaan ng dugo ni Ford ay pumunta agad sya sa
room ni Gab. He can’t believe it that finally he was able to hug Gab for the
first time, kiss his forehead and hold his hands only, they were in the
hospital where the child was fighting for life. Tears started to fall in Ford’s
eyes habang mahigpit na hawak ang kamay ng bata habang natutulog pa ito at
naantig naman ang puso ng nanay ni Brooke sa nakita nya. He was silent as he
kept holding his hands and kept staring his face. Kahit na malungkot ang
sitwasyon ngayon pero masaya pa rin sya at sa wakas ay nayakap na nya ang anak
nya.
Nakatulog na rin ang nanay nya sa sofa dahil sa pagod.
Magliliwanag na pero hindi pa nakatulog si Brooke.
“Magpahinga ka muna. Ako na muna magbabantay kay Gab.”
Sabi ni Ford.
“Naku hindi. Magugulat ‘yan ‘pag nagising at ikaw ang nakikita.”
Sabi ni Brooke.
“Mommy, sino po sya?” Nagising si Gab.
“Naalala mo ba nag-usap tayo sa phone then you asked me
if I can be your daddy? That’s why I am here because I will be your daddy na
starting today.” Sabi ni Ford sa bata.
“Sabi kasi ni mommy my daddy died na eh.” Mahinang sabi
ni Gab.
“Kasi, akala nya namatay na ako dahil nagkasakit ako noon.
Pero gumaling ako dahil kumain ako ng malakas. So, I’m still alive and you have
a daddy now. Gusto mo ba?” Paglalambing ni Ford sa bata.
“Opo… Mommy, totoo po ba he will be my daddy now?” Tanong
ni Gab sa mommny nya.
“Kung gusto mo, anak. Happy ka na ba?” Tanong ni Brooke
as she touched his forehead and neck at napansin na hindi na sya masyadong
mainit.
“Of course, mommy! We are a happy family now. Yey! I have
a daddy now.” Tuwang-tuwa si Gab and Ford was even happier and can’t hold on
his tears. He hugged Gab again and kissed his forehead.
“Kaya magpagaling ka, anak. Kumain ka rin ng malakas.
Kapag magaling ka na, ipapasyal kita sa malaking eroplano. Nakasakay ka na ba
sa airplane?” Tanong ni Ford sa anak.
“No po. Pero si mommy po ang work nya ay sa malaking
airplane sabi po nya. Kaya lang hindi pa nya ako napasyal. Ipapasyal mo po ba
ako sa big airplane, ‘yong totoong airplane?” Tanong ni Gab sa daddy nya.
“Syempre basta magpagaling ka agad ha. Kapag magaling ka
na, promise ni daddy sasakay tayo sa big airplane, tayo ni mommy. Saan mo ba
gustong pumunta?” Tanong ni Ford.
“Sa Disneyland po.” Sabi ni Gab.
“Aba ang layo nyan, anak. Ang mahal kaya doon.” Natawa si
Brooke sa anak.
“Wow! That’s a very interesting place. Sige punta tayo sa
Disneyland kapag magaling ka na, I promise.” Sabi ni Ford habang hawak-hawak pa
rin ang kamay ni Gab.
“Naku, huwag mo pangakoan ang bata na hindi natutupad at
magtatampo ‘yan sa ‘yo. Mahirap ‘yang pangako mo ha.” Sabi ni Brooke.
“Totoo pupunta tayo sa Disneyland, I promise. Ikukuha
kita agad ng passport. Alam mo ba kung ano ‘yong passport?... what’s your
favorite food, anak at bibilhin ko agad ngayon at kakain ka ha?” Tanong ni
Ford.
Matapos ang masaya nilang usapan ay bumili agad si Ford
ng favorite ni Gab na Jollibee chicken and spaghetti. Bumili na rin sya ng
breakfast nila at matapos ay pinapauwi ni Brooke ang nanay nya para makapagpahinga
ng maayos. Hindi masyadong kinakausap ng nanay ni Brooke si Ford dahil may
hinanakit pa rin ito sa kanya pero natuwa na rin sya at alagang-alaga silang
lahat doon sa hospital. Then Ford processed the payment for the hospital.
Brooke insisted to use the money that he gave but Ford refused dahil regalo
‘yon sa kanila at hindi para sa hospital.
Chapter 21
Hinatid sila ni Ford sa bahay after five days of staying
from the hospital. Alam na ng buong pamilya ni Brooke ang tungkol kay Ford kaya
welcome na syang pumasok. Hindi na rin sila nagkakagulo at unti-unti na nilang napatawad
si Ford. Masaya silang naghapunan at masigla na ulit si Gabriel and he was very
happy and proud that he has a daddy now. Tahimik lang ang tatay ni Brooke at
medyo naiilang pa rin si Ford sa family nya pero kahit papano ay feel at home
naman ang treatment nila sa kanya. Nahihiya rin kasi sila dahil alam nila na
mayaman si Ford.
After dinner ay inimbitahan ni Gab ang daddy nya sa kwarto
nila para ipakita ang mga toys nya. Natuwa naman si Ford at nakita roon ang mga
toys na bigay nya. Ford sat down at the bedside and carried Gab on his lap as
Brooke came in to join them.
“Anak, it’s bedtime na. Hindi ka pweding mapuyat dahil
kagagaling mo lang sa hospital ha.” Sabi ni Brooke at inayos ang bed para makahiga
na si Gab na katabi nyang natutulog tuwing gabi. Kung nasa work naman sya ay
ang nanay nya ang katabi ng bata.
“Daddy, I will have a baby sister or baby brother na ba?
I want a playmate po kasi.” Sabi ni Gab at nagulat silang dalawa sa narinig
nila.
“Ah talaga? Sige gawan natin ng paraan ‘yan.” Kumindat si
Ford kay Brooke na parang nanunukso. “So, what do you really want, baby sister
or baby brother? Ikaw mommy, anong gusto mong playmate ni Gab?” He teased
Brooke but deep inside gusto nyang magkatotoo ito.
Nag-blushed si Brooke at natawa lang sya. “Ewan ko sa
inyong dalawa dyan.”
“I want both po, daddy.” Nakangiting sagot ni Gab as he laid
down in bed. Ford just kissed his forehead instead and smiled back at him.
Tinabihan ni Ford si Gab sa bed until Gab fell asleep.
Nasa kabilang side naman si Brooke at nasa gitna nila si Gab. Hindi nila
maintindihan ang nararamdaman nilang dalawa sa mga sandaling iyon, kapwa
tahimik na hinihintay makatulog ang bata. Ford would like to believe that they
can be a real happy family soon but he was thinking about Angelo.
“I think I need to go so you can rest na rin. Babalik
nalang ako bukas.” Sabi ni Ford as he got up slowly para hindi magising si Gab.
“I really want to thank your family for everything.”
“Naku, wala ‘yon. Ihatid na kita sa labas.” Bumangon din
si Brooke. Nagpaalam si Ford sa parents ni Brooke na nasa sala nanonood ng TV.
“Pwede ba kitang yakapin?” Nahihiyang tanong ni Ford kay
Brooke nang nasa labas na sila sa tabi ng car nya.
Brooke just smiled and hugged him instead. “Thank you. Ngayon
ko lang na-realize na hindi masyadong mahirap mag-alaga ng bata kung may
katuwang ka.”
“Syempre naman. Hangga’t maari may katuwang ka sa buhay.”
Sabi ni Ford. “I promise I will always be at your side kahit na anong mangyari.
Hindi ko kayo pababayaan ni Gab… can I ask you something?” Tanong ni Ford.
“Yeah, sure.” Sabi ni Brooke.
“May communication pa ba kayo ni Angelo? Kayo pa rin ba?
Kasi, kung hindi nya kayo aalagaan ni Gab ng mabuti aagawin na talaga kita sa
kanya ng tuluyan.” Biro ni Ford pero seseryosohin nya talaga.
“He’s getting married… with another woman.” Matamlay na
sabi ni Brooke.
“Really? Paano nangyari?” Nagulat sya at naawa kay Brooke
but deep inside he was happy.
“Bukas na tayo mag-usap at malayo pa ang uwi mo.
Mag-iingat ka sa pagda-drive at hihintayin ka ni Gab bukas. Araw-araw ka
kukulitin nyan sa pangako mong Disneyland.” Sabi ni Brooke.
“Ikaw, hindi mo rin ba ako hihintayin?” Nakangiting
tanong ni Ford.
“Umuwi ka na nga at malalim na ang gabi.” Nakangiting sabi
ni Brooke at kinikilig sya. “Take care… goodnight.”
“Good night.” Then Ford left. He can’t explain what he
felt at that moment and he kept smiling as he was driving home. Sa wakas
magiging akin kana, nasabi nya sa sarili.
Chapter 22
He finally invited Brooke on a romantic date a few days
after Gab was hospitalized. This is it, sabi nya sa sarili. He was confident that
he can have Brooke now but he pampered her so it would be easier and quick.
Nagmamadali sya because he will be going back to work soon. Matatapos na ang
vacation nya and he needed to even work hard now that he already has a son.
He bought her gifts and flowers and then they had dinner
at a cozy restaurant. After dinner, they drove on top of a hill and parked at the
roadside where they had a wonderful view of the city.
“I want you to meet my family soon. Matutuwa sila lalo na
‘pag nakita si Gab.” They talked inside the car while having a good view of the
city lights.
“Ano? Nakakahiya at hindi pa ako handa, ano? Saka nalang
muna.” Natatawa si Brooke pero kinakabahan syang ma-meet ang family ni Ford.
“Bakit pa ba natin patatagalin? Kailangan mo silang
ma-meet para mabigyan na natin ng official family si Gab. And I’m going back to
work soon. I need to work even harder dahil may anak na ako… and hopefully a
family soon.” Seryosong sabi ni Ford.
“Wow! Masyado
naman yatang mabilis. Kelan lang ba tayo nagkita uli? Ayoko muna and I’m not
ready at saka hindi nila ako matatanggap dahil mahirap lang kami.” Sabi ni
Brooke.
“Can you please stop thinking about that?... At saka kailan
ka ba maging ready? ‘Pag matanda na tayo?” Sabi ni Ford.
“Bakit, tayo na ba talaga?” Natatawang tanong ni Brooke. “Hindi
mo pa nga ako niligawan eh, meet the family na agad.” Natatawa uli sya sa
sinabi nya.
He was silent for a few moments. “Isn’t it obvious kung
gaano ka kaimportante sa buhay ko? Kung gaano kita kamahal? Brooke, may anak na
tayo, hindi ko na kailangang manligaw pa, lalo na ngayon na malaya ka na. At alam
mo namang noon pa may gusto na ako sa ‘yo, eh... Kung gusto mo, pakasal nalang
tayo agad. Wala nang propose-propose, bili nalang tayo ng engagement ring bukas
kung gusto mo.”
“Huwag ka ngang magbiro dyan.” Nainis syang bigla.
“No. I’m serious. Let’s get things settled soon because
I’m going back to work soon. Gusto ko pagbalik ko may pamilya na akong
naghihintay sa akin… Let’s have dinner this weekend sa bahay.” He was very
serious at kinuha ang phone nya. “Hi mom!... I want us to have dinner this
weekend, the whole family kasama sila Ate. May ipakilala po ako sa inyo and I
have a big surprise. I’m sure you will be very happy sa surprise ko…”
Patuloy ang usapan nila habang tahimik lang si Brooke at
kinakabahan. After calling his mom ang dalawang Ate naman nya ang tinawagan
nya.
Then he took both of her hands and stared at her eyes.
“Look, I am serious about us. Malaki ang kasalanan ko sa ‘yo noon but it seems
like a blessing na rin ‘yon dahil nagbunga naman at ang saya-saya ko, and most
importantly, magiging akin ka na rin sa wakas. Ikaw ang nagpabago sa buhay ko. Because
of you, ito ako ngayon. Dahil kung hindi kita nakilala, baka, ewan ko nalang
kung buhay pa ako ngayon or baka nasa kulungan na. I could’ve lost my life
already but because of you, everything has changed.”
“So, ganun? Pagmamay-ari mo na ako agad at hindi mo man
lang ako tinanong kung gusto rin ba kita o hindi?” Biro ni Brooke.
“No, ayoko kasi, baka hindi ang isasagot mo at masasaktan
ako… Bakit ka ba magpapakipot eh I know naman you have learned to love me na. Nararamdaman
ko ‘yon. Hindi ako manhid.” He kissed her hands with a teasing smile. “Totoo
talagang anghel si Gabriel sa buhay natin dahil sya ang nagbubuklod sa ating dalawa…
I love you so much, Brooke. I want to keep you forever.” He placed her hands in
his chest as he kept staring in her eyes.
She was speechless and ecstatic. Iba ang nararamdaman nya
ngayon kesa noong sila pa ni Angelo. Kahit na kinamumuhian nya si Ford noon ay
napamahal nya ito ngayon. Kaya lang nag-aalanganin sya dahil sa estado ng buhay
nila dahil mayaman si Ford. She was still silent. Very happy but nervous. A
mixed of emotions, but her desire to love him back was winning and she was
willing to take the risk against all odds.
Hindi pa rin makapagsalita si Brooke at niyakap nalang nya
si Ford dahil sa tuwa. Kakaiba ang saya nya ngayon at very secured sya sa
damdamin nya kay Ford compared to Angelo. Suddenly Ford kissed her lips. It was
passionately deep and long enough until they can hardly breath.
“I love you so much.” Ford hugged her tight. “Ikaw, at si
Gab ang buhay ko. We’ll be a happy family soon. At pagbigyan na rin natin ang
wish ni Gab na magkaroon ng baby sister or baby brother. Sana kambal na agad
para isang beses lang ano?” Biro ni Ford.
“Sira!” Natawa si Brooke at ‘yon lang ang nasabi nya.
“Let’s go na gabing-gabi na at malayo pa ang uuwian mo. Mabuti hindi ka
napapagod sa byahe mo everyday.”
“Ganyan kita kamahal. Ganyan kayo ka-importante sa buhay
ko at kahit na malayo tinitiis ko para lang makita ko kayo everyday.” Sabi ni
Ford as he started to drive.
Chapter 23
Halatang-halata ni Ford na ninerbyus si Brooke as they
were approaching their house for their dinner. But Gabriel was very excited.
“Hindi mo ako iiwan kahit isang minuto, kahit saglit lang.”
Brooke demanded when they arrived at Ford’s house before they got out from the
car. She can see his parents waiting in the porch at the main door.
“Hindi nga. Huwag ka nga matakot hindi naman ‘yan
kumakain ng tao ang pamilya ko, ano ka ba. Just trust me, okay?” Nakangiting
sabi ni Ford then he got off to open the car’s door for Brooke and then next
for Gab. “Anak, you hug your lolo and lola they are waiting na oh.”
“Mom, dad, I’d like you to meet the mother of my son, si
Brooke, my girlfriend, or I should say my fiancée. And this is your napaka-gwapong
apo, si Gabriel.” Nakangiting pakilala ni Ford sa kanila.
Nagulat ang parents nya. They never thought that it was
Brooke whom Ford would bring home as his future wife. And they were even
surprised na nagbunga pala ang ginawa nya kay Brooke. May bakas sa kanilang
mukha ang sobrang kasiyahan when they met Gabriel. Niyakap naman si Brooke ng
mommy at daddy nya to welcome her but they were even more excited to meet
Gabriel, kauna-unahang apo na lalaki ng mga Chan dahil puro babae ang anak ng
mga Ate nya.
Hindi bumitaw si Brooke sa kahahawak kay Ford dahil
nahihiya sya. She was amazed of their mansion and its interior design. Several
luxury cars parked in the garage and the swimming pool was inviting. Hindi ako
mabubuhay dito, naiisip nya.
They were in the large living room waiting for Ford’s sisters
and their respective families to arrive. Enjoy na enjoy ang parents nya kay Gab
at hindi na nila masyadong napapansin si Brooke.
“Ikaw ang highlight sana dito pero naagawan ka ng eksena
ni Gab.” Biro ni Ford.
“Mabuti na nga dahil nahihiya ako, eh. Hindi ako
mabubuhay dito.” Bulong nya kay Ford at pinagtawanan lang sya.
Mas lalo syang nahiya nang magdatingan ang Ate ni Ford at
mga pamilya nito. They were also surprised to know na si Brooke pala ang
mapapangasawa nya at may anak pala sila. They were very happy to see Gab and
everyone was so fond of him. Hindi kasi maipagkaila sa mukha na isa syang Chan.
“So, Ford, when are you getting married?” Tanong ng daddy
nya while they were having dinner.
“Very soon, dad, dahil I’m going back to work na. Gusto
ko makasal muna kami bago ako aalis.” Sagot ni Ford. “Ate Mercy, tulungan mo
akong kausapin si Judge kung ano bang gawin para makasal kami agad? We’ll
process the requirements next week.” Kinurot sya ni Brooke sa beywang dahil
hindi man lang sinabi sa kanya ang mga plano nya.
The dinner turned out well and Brooke was relieved. Hindi
naman sya iniwan talaga ni Ford. Nang magsiuwian na ang mga kapatid nya at
families nito ay dinala ni Ford si Brooke at Gab sa bedroom nya.
“Daddy, ang laki ng bedroom mo. Parang twice yata sa
bedroom namin ni mommy.” Sabi ni Gab.
“Mas malaki pa nga ito kesa bahay natin eh.” Biro ni
Brooke.
“Anak, halika nga.” Tinawag nya si Gab. “Hanapin mo si
Ate Iseng sa kitchen at sabihin mo magbalot sya ng lechon para iuwi natin. At
saka marami pang ibang foods, magbalot sya. Marami pang foods doon, okay? Ikaw
na bahala, magpili ka alin ang ipabalot mo, okay?” Utos nya kay Gab para
lumabas ng bedroom. Gab hurriedly went down to the kitchen.
“Wise ka talaga…” Biro ni Brooke. Before she can speak
again Ford hugged her tight behind the closed door and kissed her lips deeply.
“I love you.” He whispered in her right ears as they kept
hugging each other.
“Noong hinalay mo ako dati, hinalikan mo ba ako?” Tanong
ni Brooke.
“Syempre naman.” Sagot ni Ford.
“Sa lips?” Kuryusong tanong ni Brooke.
“Hindi lang sa lips… Huwag na nga natin pag-usapan ‘yong
nakaraan na… pero bakit mo natanong?” Nakuryoso tuloy si Ford.
“Wala lang. Parang iba kasi ang gayuma mo kesa kay
Angelo.” Natawa sya. “Kaya siguro naghanap ‘yon ng iba dahil hindi ko sya
mapagbigyan ever. Parang nagka-phobia siguro ako sa ginawa mo sa ‘kin, ano?
Ewan ko ba.” Natawa sya lalo sa sinabi nya.
“So, you mean walang nangyari sa inyong dalawa?” Kuryosong
tanong ni Ford.
“Wala. Of course may kissing-kissing din.” She shyly
grinned and hid her face in his chest.
“Talaga? So, ako pala ang nauna at huli?” Nakangiting
tanong ni Ford at natuwa sya. “Sa kabilang kwarto natin patulugin si Gab mamaya
kasama si Ate Iseng dahil sanay ‘yon sa bata. Para solong-solo kita mamaya.”
Tukso nya.
“Hoy, saka mo na uli ako pagsasamantalahan ‘pag kasal na
tayo.” Sabi ni Brooke.
“Sige, bilisan natin magprocess para makasal tayo agad. Bukas
na bukas asikasuhin natin agad. Para pag-uwi ko galing sa work may kapatid na
si Gab.” He kissed her again when suddenly Gab came in.
Nag-extend si Ford sa vacation nya dahil hindi sya aalis
hangga’t hindi sila makasal ni Brooke. In two weeks time nakasal sila sa tulong
ng Ate ni Ford na abogado. They rented an apartment near the airport dahil ayaw
ni Brooke tumira doon sa mansion. They went to Maldives for their honeymoon for
just three days dahil iniwan na muna nila si Gab sa mga parents ni Brooke.
After Maldives nagpunta naman sila sa Singapore with Gab this time para
makapasyal sa Disneyland. Tuwang-tuwa si Gab nang makasakay ng tunay na
eroplano at lalo na nang makapunta sa Disneyland. Tuwang-tuwa si Gab nang
pinasyal ng daddy nya sa loob ng areplano doon sa loob ng cockpit on their way
to Singapore.
“Mommy, daddy, when I grow up I want to be a Pilot din
just like daddy.” Sabi ni Gab.
Brooke gave birth to healthy baby girl. Then they had
their church wedding a year after Ford went back to flying international aircrafts.
~
The End ~
Comments
Post a Comment