To Sir, With Love
CHAPTER 1
"Good evening, class! I'm Engr. Benjamin Buendia III, and i'll be your teacher in Engineering Ethics and Computer laws... You can call me Sir Benj." He introduced himself the moment he entered the classroom and then wrote his name on the white board in front. Then he faced his class and smiled. "If there is anyone here who does not belong to my class in this subject, you may please step out now, okay?" He smiled again.
The whole class were in awe lalo na ang mga babae upon knowing that their teacher was Sir Benj, ang heartthrob teacher nila in Engineering department. Marami ang nagkakagusto sa kanya dahil maliban sa napakagwapo ay mabait na at friendly pa. Even his female co-teachers especially the single ones in their department admired him a lot.
"Hi Sir Benj, what's your field of expertise in Engineering field pala, sir?" A lady asked na parang transferee because it seems she doesn't know Sir Benj very well. Pinagtatawanan siya. Halos lahat kasi ay alam na alam nila ang pagkatao ni Sir Benj.
"I'm a Computer Engineer my dear, and an alumnus of this university. I also finished my MECE here, or Master of Engineering in Computer Engineering course. This is my fourth year here of being a part of the Engineering department faculty." He smiled at the lady who just asked. "Any more questions?" He asked to the rest of the class.
"Sir Benj, are you still single ba daw may nagtatanong dito?" Tanong ng isang lalaki at nagtatawanan uli silang lahat.
"Yeah, I am single and never been married. Sino ba ang nagtanong diyan?" Biro niya pero wala namang sumagot dahil nahihiya.
Tahimik lang si Demi sa kanyang kinauupuan. She can't help but kept staring at him habang kinikilig at hindi mapakali ang dalawa niyang kabarkada na nasa tabi niya na sina Arra at Nadine. Crush na crush talaga nila si Sir Benj and they kept praying that one day ay magkakaroon sila ng subject under him at ito na iyon. They were graduating students in Computer Engineering course, too.
Since it was their first day ay hindi pa formal ang klase nila. They were just talking anything and Sir Benj entertained different questions. Then he decided to check their attendance before he dismissed them.
"Miss Demi Madrigal, are you here?" He was curious at hinahanap siya.
"Here, Sir." Demi answered shyly.
"You were the winner of Miss Intramurals last year, right?" How can he forgot? He was one of the judges and he gave her the highest score during the contest. Demi just nodded and smiled at nag-blush siya. Tinukso siya ng mga classmates niya.
"Are you all graduating students here?" Tanong niya. Some answered yes, and some no. "We'll start our formal class nalang on Wednesday so we can go home early today." Then he dismissed them.
Nagsilabasan agad sila maliban kay Demi na busy reading some messages on her cute cellphone.
"Gurl, hindi ka pa ba uuwi? 'Di ba last subject mo na rin 'to" Tanong ni Nadine kay Demi.
"Mauna nalang kayo gurl, may gagawin pa ako." Sabi ni Demi. At nauna nang lumabas ang dalawa.
Benj cleaned the white board first before he decided to leave the classroom because it was the last subject of the day. When everyone left, Demi approached him.
"Hi, Sir Benj." Nakangiting bati niya approaching him in his table in front and he was preparing his stuff getting ready to leave.
"Yes, Miss Madrigal. How can I help you? Do you still have a class after this?" Tanong ni Benj sa kanya.
"Nope, this is my last subject. Are you heading out na rin? Sabay nalang tayo, sir." She suggested.
"Sure!" Sagot ni Benj and then they headed out.
"Do you have a car? Ihahatid nalang kita if wala." Nakangiting tanong ni Benj sa kanya habang naglalakad sila pababa ng building. Nasa third floor ang classroom nila.
"Are you sure, Sir Benj?... I have a car pero hindi ko ginagamit. Sayang ang pang-gas at tinitipid ko ang allowance ko. I only use it whenever necessary." Sabi niya.
Then they went to the parking lot.
What Demi wants, Demi gets. Yeah, that was Demi. Not a spoiled brat though but she always finds a way whenever she likes something, or even someone.
CHAPTER 2
Demi was overjoyed on that night dahil matagal na niyang pinapangarap na makalapit at makausap si Benj but she didn't expect it was even more than that. Here she was at his car and offered her to drop home. She was very conscious every move she made at kinikilig talaga siya sa mga oras na iyon.
"Maybe we should eat muna, it's dinner time na rin. Okay lang ba sa parents mo na medyo gabihin ka ng konti? Hindi ba sila strict sa 'yo?" Offer ni Benj habang palabas na sila ng parking lot ng campus.
"I'm raised by a single mom." Natawa sya. "Pero kahit na medyo strict siya, wala siyang pakialam sa buhay ko. Kahit na hindi ako umuwi ngayon hindi 'yon maghahanap sa akin."
"Really? I can't imagine. I just thought na super strict ang parents mo sa ganda mong 'yan." Nakangiting sagot ni Benj. "Pero baka naman hahanapin ka ni boyfriend at magtataka kung sino ang kasama mo at this hour."
"I don't have a boyfriend." Nakangiting sagot niya.
"Really? The more I can't imagine again." Natawa si Benj. "I'm hungry let's eat muna. Saan mo ba hilig kumain at doon tayo kakain?"
"Naku kahit saan. Hindi naman ako mapili sa pagkain. Kahit nga sa tabi-tabi o sa bangketa kumakain kami ng mga friends ko." Natawa na naman siya.
Lalo siyang na excited at kinilig because she never really expected na makakasama niya si Benj sa dinner. They decided to eat at the nearest fastfood nalang para hindi sila lalong gagabihin. At that short span of time that they met, they learned a few things already about their personal lives and she was very delighted.
Benj had a crush on her when she joined the Miss Intramurals last year and she won the title dahil binigyan niya talaga ng malaking score. Maganda naman talaga si Demi so she deserved to win. Benj was not expecting din na ma-invite niya for a dinner on that night si Demi because he never thought that someone like her is so down to earth and friendly. Akala niya kasi mataray dahil sa ganda niya. And most of all, he never expected na sa ganda niya ay single pa pala siya.
Benj had to be very careful dahil alam niyang bawal ito. Pero hindi naman mapigilan ang excitement niya when he had the opportunity to be with Demi alone and they had dinner together. It has been a long time ago when Benj had a serious relationship and failed because his ex-girlfriend worked abroad and eventually got married there. That was his first and only relationship dahil marami siyang responsibilidad sa buhay at mas importante iyon kesa sarili niyang kaligayahan that's why he didn't have much time dating again.
Benj was the only child and was raised by his Lolo Ben and Lola Nida when his parents died from a tragedy. He was only thirteen years old then. Nalunod ang barko na sinakyan ng mga magulang niya galing sa Mindanao dahil may inasikasong lupain doon. Kahit papano ay napalaki naman siya ng maayos dahil retired police ang lolo Ben niya at retired teacher ang lola Nida niya. Sa kanyang lola siya nagmana for his passion in teaching. Hindi naman sila gaano ka-mayaman kaya nag part-time student siya when he went to college so he didn't have to depend financially sa lolo at lola niya.
Eventually, his father's one and only sibling and her husband died, too, because of another tragedy. Nasunog ang bahay nila at hindi na nailigtas because they were trapped inside their house. They had one daughter at buti nalang ay nasa school ito when the incident happened. Kinupkop ni Benj ang pinsan niya and he promised to help her when he finishes college and then find a job. Matanda na ang lolo at lola niya at graduating na rin sa high school ang pinsan niyang si Juliana. They were his responsibilities that's why he didn't have much time to enjoy dating kahit na maraming nagkakagusto sa kanya.
When he met Demi on that Miss Intramural event, he really had a crush on her but he was able to ignore that feeling dahil alam niyang bawal ang student-teacher relationship. Pero hindi na maiwasan ngayon na mapalapit siya kay Demi dahil student na nga niya ito. At nagkataon pa naman na crush na crush din siya ni Demi. At sa first day of school pa lang ay heto na at nagkasama na sila. Parang pinagtagpo talaga sila ng tadhana.
Hinatid ni Benj si Demi sa bahay nila bago siya umuwi sa boarding house niya. Natuwa si Benj dahil nalaman niya agad ang address ni Demi. He just dropped her off at umuwi agad dahil may pasok pa sila kinabukasan.
Napakasaya ni Demi sa gabing iyon. She never expected na mapansin siya ni Benj at makasama niya sa dinner because they just met officially on that day. Kahit matagal na niyang kilala si Benj at nakaharap pa noong sumali siya sa Miss Intramural pageant ay hindi sila kailanman nagkakausap. But that night, she was in seventh heaven, abot tenga ang ngiti niya at hindi agad makatulog sa sobrang saya na nararamdaman niya nang magkasama sila ng ilang oras. Excited na naman siya for Wednesday dahil magkikita na naman sila ng gwapo niyang teacher, MWF kasi ang subject na iyon.
CHAPTER 3
Demi didn't tell her friends about what happened last night. She wanted to keep it because she was hoping it will happen again. She knew it was against the law of the school but since she was graduating na rin, she was hoping that eventually they can have a serious relationship pagka-graduate niya at malaya na sila.
Wednesday came and she was very excited. Pero tahimik lang siya na nakaupo sa pinakadulo katabi ang maiingay niyang barkada na si Arra at Nadine. Very excited sila dahil makikita na naman nila ang gwapo nilang teacher.
"Good evening, everyone!" Bati agad ni Benj the moment he came in. He went to his table in front and put down his stuff. "How are you today, guys?" Tanong niya at parang hinanap niya kung saan nakaupo si Demi.
Their formal class started. Demi admired him even more because he was smart and has a good sense of humor. He always cracked a joke that everyone was always paying attention to his discussion at nang hindi rin sila aantukin dahil last subject na nga at halos lahat ay pagod na sa whole day activities. Then as always, he checked the attendance before he dismissed.
Nagpaiwan na naman si Demi sa mga barkada niya dahil gusto na naman niya makasabay sa pag-uwi ang teacher niya. When everyone left she approached Benj again while he was cleaning the white board.
"Hi, Sir Benj!" She greeted him with a charming smile.
"Hey! Do you have any questions about our discussions tonight?" Tanong ni Benj.
Nakita niyang madumi ang kamay ni Benj sa ink kaya kumuha siya ng wet wipes at alcohol sa bag niya. "Wala naman... Kailangan mo yatang magpunas, sir." Nakangiting offer niya.
"Wow! Thanks talaga for this. Para kang girl scout at laging handa." Biro ni Benj habang nagpupunas ng kanyang kamay.
Natawa rin siya. "Hindi kasi ako makaalis ng bahay kung walang alcohol at tissue... did you take up law school din dahil parang kabisado mo ang mga batas?" She was curious.
"Yeah, I took some law subjects before pero hindi natapos when I started teaching. Parang napagod na rin ako sa pag-aaral after I graduated my master's degree. If I need to pursue my plan to be a lawyer I think I need to cut down my teaching load. Pero hindi pa pwede marami pa kasi akong obligasyon sa buhay ngayon." Sabi niya habang inayos ang mga gamit niya sa bag niya.
"Bakit? Sabi mo you're not married. Bakit marami kang obligasyon?" She was curious.
"Matatanda na ang lolo at lola ko, obligasyon ko sila dahil sila ang nagpalaki sa akin mula nang maulila ako since high school. I have a cousin na naulila na rin at pinapaaral ko sa probinsya namin. Sila 'yong obligasyon at inspirasyon ko sa buhay." Nakangiting kwento ni Benj sa kanya. Marami na siyang naikwento about his personal life but Demi was holding back dahil nahihiya pa siya.
Hindi na siya kailangang imbitihan na sabay na naman silang lalabas dahil ito na rin talaga ang madalas mangyayari sa kanila while she was under his subject. As usual, sabay na nga silang lumabas ng classroom.
"Huwag mo na akong ihatid because I am using my car today." Natatawang sabi niya. "Marami kasing inutos si mommy kaya I need to use my car."
"Inuhan mo na agad ako ah." Biro ni Benj. "Let's eat nalang muna sa canteen bago umuwi, open pa naman yata."
"Hindi ba bawal 'yon, sir? Baka may magsumbong sa dean na may kasama kang student na kumain sa canteen?" She was worried.
"Hindi naman. Ano ba'ng masama doon at kumakain lang naman tayo, right? I'm hungry na kasi. Come on let's eat lang naman, saglit lang tayo." Sabi ni Benj.
Hindi rin naman sila nagtagal dahil baka pagduduhan pa sila ng mga tao at kilalang-kilala pa naman sila sa department nila. Pagkatapos ay hinatid muna siya ni Benj sa car niya before he went to his car that was parked a few meters away from hers. And then they left na magkasunod.
Abot tenga na naman ang ngiti niya nang gabing iyon kahit na saglit lang silang nagkasama. She was daydreaming on her way home that someday liligawan siya ni Benj at esekreto ang relationship nila para hindi malaman ng administration at kawawa talaga si Benj dahil pwede siyang talsikin anytime.
CHAPTER 4
Excited na naman siya sa Friday dahil makikita na naman niya ang gwapo niyang teacher. Kaya as usual, lumapit na naman siya kay Benj nang uwian na. Binigyan niya uli ng wet wipes at alcohol para pangpunas sa kamay nito after cleaning the white board. Hindi man nila aaminin ay alam nila na may gusto sila sa isa't isa.
Matapos magpunas ng kamay ni Benj ay biglang nag-brown out. Nasira pa naman ang emergency light sa third floor kaya madilim sa classroom nila pero maliwanag naman sa kabilang building at sa baba dahil maraming emergency lights doon. Demi suddenly felt nervous and scared.
"Sir Benj." Biglang niyakap niya si Benj at nanginginig siya.
"Are you okay?" Nabigla si Benj at nagtataka. At hindi niya maintindihan ang naramdaman niya nang yakapin ni Demi.
"I'm nyctophobia." Sabi niya at nanginginig talaga siya. She has extreme fear of darkness mula noong maliit pa siya.
"Hey, don't be scared, I'm right here." Nag-alala na rin si Benj sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "May flashlight naman 'tong maliit kong cellphone, at least makakatulong ito sa paglabas natin. We need to go out agad dahil maliwanag sa labas. Sira yata ang emergency light dito sa floor natin."
Lumabas agad sila sa classroom na mahigpit na magkahawak ang mga kamay. He wanted to assure her na hinding-hindi siya pababayaan ni Benj. Bumalik din naman ang power after twenty minutes at nasa parking lot na rin sila.
"Okay ka na ba?" Pag-alala ni Benj. "Ihatid nalang kita. Wala ka bang car today?"
"Wala... pasensya ka na, Sir Benj. Kailangan ko na talagang e-overcome ang pagiging nyctophobia ko dahil hindi na ako bata. Nakakahiya tuloy." Nahihiya siya sa nangyari at baka iisipin ni Benj na nag-take advantage lang siya.
"It's fine. I totally understand. Nag-alala nga ako kung baka mapapa'no ka at talagang nanginginig ka kanina sa takot." Sabi ni Benj as he opened the car door for her to get in.
"Pwede bang ako naman ang mag-invite ng dinner tonight dahil sa tulong mo kanina? Please?" Medyo hindi na siya takot at naglalambing na siya kay Benj.
Natawa si Benj at hindi makasagot agad. "Hindi mo naman ako kailangang bayaran sa tulong ko kanina, ano ka ba? Kahit naman na sino ay maaawa talaga sa kalagayan mo." He smiled as he started to drive and left the campus.
They had dinner again and this time sa isang restaurant that Demi chose and she treated him for a cozy dinner. They didn't need to rush on that evening because it was Friday and they didn't have class the next day.
"I hope you don't mind me asking kung bakit naging nyctophobia ka." Tanong ni Benj as they were enjoying their dinner.
"Noong maliit pa kasi ako, kinulong ako ng mommy ko in my bedroom for a few hours dahil sa sobrang kulit. Nakalimutan niyang e-turn on 'yong ilaw sa kwarto ko noong gabi na, nakatulog kasi siya sa bedroom niya. Hindi ko maabot ang switch ng light because I was only like five or six years old. Iyak ako ng iyak. Hindi ko rin naman naisip na pumatong sa chair para maabot ang switch dahil nga bata lang ako. Buti nalang naalala ako ng yaya ko at narinig niya na iyak ako ng iyak. It was very late in the evening na talaga nang mabuksan ni yaya ang kwarto ko at ginising niya agad si mommy dahil namumutla na ako." Nakatawang kwento niya.
"You know, if that happened today, pweding mademanda ang mommy mo for child abuse." Sabi ni Benj.
"She knew it. She is a lawyer." Casual na sagot niya.
"Really? How could she do that? Isang beses lang ba nangyari 'yon?" Kuryosong tanong ni Benj.
"Yeah, after that incident hindi na naulit talaga... disgrasyada kasi ang mom ko, iniwan daw siya ng father ko when she got pregnant. Kaya minsan galit siya sa akin for no reason. Siguro dahil na rin sa work niya at ako ang napagbuntungan minsan sa stress niya." Nakatawang kwento niya.
"So, you never met your real father?" Kuryusong tanong ni Benj. He suddenly became more curious of her now that she confided her personal life.
"Yeah. I asked her many times kung ano talaga ang name ng father ko para hanapin ko at ayaw niya talagang sabihin. Naghahanap nga ako ng mga ebidensya pero talagang magaling ang mom ko at wala akong mahanap. Kahit sa nag-iisang kapatid niya or sa mga close friends niya ay walang nakakaalam. Parang secret 'yong relationship nila at walang masyadong nakakaalam. But I will never stop searching until mahanap ko ang tunay kong ama kahit na patay na siya."
Naawa naman si Benj sa kanya. Kung sakali mang magtuloy-tuloy ang friendship nila or maging girlfriend niya si Demi ay tutulungan niyang hanapin ang totoong ama nito. Hinatid niya muli si Demi sa bahay after nilang kumain sa restaurant.
CHAPTER 5
Demi went to the school supply store on Sunday to buy some educational stuff na gagamitin niya. She passed by the greetings card section and was tempted to buy a thank you card for Benj. She chose a cute one and was excited again for Monday to come. It was a thank you friendship card theme and she wrote inside, To Sir, with love, with her name and cellphone number at the bottom. Natawa siya. Alam niyang pangit ang gagawin niya dahil masyado siyang aggressive but she didn't care.
Maagang dumating si Demi sa classroom on Monday para ilagay niya sa table ni Benj ang card. Tahimik lang siyang nakaupo sa pinakadulo at kunyaring nagbabasa ng book niya pero wala naman siyang naintindihan nang pumasok si Benj. He saw the card and read it discreetly so the others can't see what he was reading. He smiled and then was looking around, obviously looking where she was seated.
The class started as usual and everyone was always excited to listen to their teacher. After checking the attendance at nagsilabasan na halos lahat ay aalis na rin sana si Demi but Benj called her. Parang nasanay na si Benj na hintayin siya ni Demi at sabay silang lalabas but this time dahil medyo nahiya si Demi sa ginawa niya ay gusto muna niyang umiwas.
"Miss Madrigal." Benj called her.
Napahinto siya sa may pintuan. May dalawa pa kasing classmates niya ang hindi pa nakalabas. Hinintay niya munang makalabas ang dalawa bago siya lalapit kay Benj. Nahihiya siya pero nakangiting lumapit kay Benj sa table niya.
"Thanks." Nakangiting sabi ni Benj sa kanya. "I really appreciate it."
"I'm glad you liked it. Akala ko kasi magagalit ka." Sabi niya pero hindi makatingin ng diretso kay Benj.
"Can you please go ahead and wait for me in my car? I parked my car sa pinakadulo sa left side, okay?" Nakangiting sabi niya. "I'll see you shortly." Mahinang sabi niya.
She just nodded and smiled then she left. Ayaw na muna ni Benj na magkasabay silang lumabas dahil baka may nakapansin na sa kanila at pagduduhanan na. Kahit na halos tahimik na ang university sa mga oras na iyon dahil last subject na ay nag-iingat pa rin si Benj para hindi sila mapansin. Medyo madilim din naman sa parking lot kaya okay na kung doon na sila magkikita.
"Hey, sorry if we have to do this. I just want to protect you, okay?" Sabi ni Benj when he arrived at the parking lot. "Let's go." He opened the car door for her.
"Thanks." Iyon lang ang nasabi niya. Kinakabahan siya pero nangingibabaw pa rin ang kilig at saya na nararamdaman niya.
And they had dinner again at another restaurant na malayo sa university. Mas lalong sweet si Benj sa kanya ngayon at very caring. He kept holding her hands and her back as they walked and he noticed that she seemed enjoying it. He always reminded her to concentrate on her studies dahil malapit na niyang matapos ang course niya.
"I want you to focus on your studies, okay? Ga-graduate ka na next semester, ilang months nalang 'yon. Ayokong may magdududa sa atin kaya huwag kang magtataka kung iba ang treatment ko sa 'yo sa class natin at iba dito sa labas. I hope you understand." He said seriously as they were enjoying their dinner.
"I know. Ikaw naman talaga ang inspiration ko kaya mas lalo akong ginaganahan mag-study." Nakangiting sabi niya as she wiped his lips with her hands dahil may isang maliit na kanin na dumikit.
He just smiled and kept staring at her.
"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan at matutunaw na ako dito." Biro ni Demi.
He just grinned and they continued enjoying their dinner. Hinatid na naman siya pauwi after dinner.
CHAPTER 6
Few weeks passed and they continued dating discreetly. Hindi na muna sinabi ni Demi sa mga close friends niya and tungkol sa kanila ni Benj dahil nag-iingat sila. Minsan ay hindi na sila nagda-dine out at iniiwasan na ang madalas nilang paglabas. Gustong umakyat ng ligaw si Benj sa bahay nila at ayaw rin ni Demi dahil baka malaman ng mommy niya at baka mawalan pa ng trabaho si Benj. Tinitiis nalang nila ang ganoong sitwasyon hanggang maka-graduate si Demi.
Malapit na ang finals kaya sa semi-finals ay nag-oral exam sila. Benj advised her to study hard dahil kung hindi siya makakasagot sa tanong ay bibigyan talaga niya ng zero points si Demi. Nainis naman si Demi pero alam niyang iyon naman talaga ang dapat.
"I'll call you randomly and you choose a number from one to thirty, okay? Kasi thirty kayong lahat, so I made thirty different questions." Paliwanag ni Benj sa harap ng klase niya for their oral exam.
"Sir Benj, may nagtatanong kung pwede daw ba open book?" Pabirong tanong ni Arra. Inutusan siya ni Demi na subukan lang tanungin ito at baka pwede dahil ganun naman sa iba nilang subjects kung minsan kapag nag-oral exam.
"No, this is an oral exam, so you are graded on how well you have learned from our discussions... sino'ng bang nagtanong diyan at uunahin ko." Biro ni Benj pero totohanin niya.
At nagtutulakan si Arra at Demi dahil ayaw nilang mauna. Nang mapansin ni Benj ay una niyang tinawag si Demi.
"Miss Madrigal. I'll start with you. You choose a number from one to thirty." Seryosong tanong niya pero hindi makatingin kay Demi. He was staring at his notepad where he wrote the questions.
"Huh? Ba't ako ang mauna?" Mahinang daldal niya at nakasimangot. "Why don't you choose a number for me, sir? Dahil nakakagulat naman na ako ang mauna and I'm not prepared on which number I should choose." Parang nainis siya kay Benj at gustong niyang tatarayan pero pinigilan niya.
"If I choose a number for you, I will choose the most difficult question for you. Kaya nga kayo ang pumili to be fair." Sabi ni Benj in front without looking at her direction.
"Shit!" Mahinang sabi niya para hindi marinig ni Benj. Mamaya ka lang, naisip niya.
"Sir Benj, can I rescue a friend? Ako nalang ang sasagot for Demi if she can't answer." Biro ni Lloyd, ang bulakbol na classmate nila na may crush din kay Demi.
"If you can answer the question, I will give you points and I will mark zero for Miss Madrigal. But she will no longer have a chance to answer another question." Seryosong sabi niya at nahalata niyang may gusto itong si Lloyd kay Demi.
"Ooops! Sorry my labs!" Biro ni Lloyd kay Demi.
"Shut up, Llyod!" Sabi ni Demi. At nagtatawanan silang lahat pero nakasimangot pa rin ang mukha niya. "Bring it on, sir!" Sabi niya kay Benj.
"So, why do we need to study computer ethics?" Tanong agad ni Benj sa kanya. Hindi naman talaga ito mahirap na tanong naisip niya. In fact, it was the easiest and everyone wished they had chosen that question. He was just trying to test kung nag-study ba talaga at ready ba siya sa oral exam nila.
"We need to study computer ethics because the use of computing technology creates, and will continue to create, novel ethical issues that require special study. New computing technology is very powerful and malleable, and computers can be programmed to perform a wide range of functions that can carry out various and diverse applications in our society." Memorize niya ang mga katagang ito. She nailed it and Benj was so happy and gave her a perfect score.
"Perfect, Miss Madrigal!" Sabi ni Benj as he took note of her score.
When the time was up, Demi hurriedly went out. Nauna pa nga sya sa mga barkada niyang lumabas dahil nainis siya kay Benj. Tinawagan siya ni Benj sa cellphone niya pero hindi niya sinagot. Hinayaan nalang muna siya ni Benj at tatawagan uli mamaya before bedtime baka hindi rin niya matiis na hindi sila nagkakausap sa gabing iyon after sa nangyari sa klase kanina. Pero hindi pa rin sinagot ni Demi ang mga tawag niya nang gabing iyon.
CHAPTER 7
Kinabukasan dahil Saturday at wala siyang klase, Benj went to their house after lunch. Ang katulong ang nagbukas ng gate ng dumating si Benj dahil nakilala na naman talaga siya dahil pabalik-balik na siya sa house nila. Sinabi ng katulong na naglalaro lang ng computer sa kwarto niya si Demi at tatawagin niya. Nainis na naman si Benj dahil malapit na ang final exam at naglalaro pa rin siya ng computer games. Mabuti nalang at nasa convention ang mommy niya kaya buong araw ay wala ito sa house nila.
Hindi pa rin siya nagsasalita at nakasimangot lang ang mukha pagbaba niya while Benj was waiting for her in their living room.
"So, ayaw mo talaga akong kausapin?" Tanong ni Benj agad. Nilapitan niya si Demi at niyakap. "Di ba napag-usapan na natin 'to na I would treat you differently if nasa classroom tayo? You did it well naman and I gave you a perfect score." He smiled and kissed her forehead.
"Nakakainis ka kasi at ako talaga ang inuna mo." Nakasimangot pa rin ang mukha niya.
Tinawanan lang siya ni Benj at niyakap siya lalo ng mahigpit. "Matatapos na rin ang semester, hindi na tayo classmate next sem so wala nang mang-aasar sa 'yo." Biro niya.
Hindi niya matiis and she kissed Benj deeply. That was their first kiss ever. Nasa gitna sila ng living room nagyayakapan at naghahalikan. Dahil wala ang mommy niya at nasa likod naman ang katulong at naglalaba kaya malaya sila sa damdamin nila sa mga oras na iyon. They kept holding their feelings for a long time at hindi na nila matiis at that moment when they were both alone.
"Halika ka nga." Hinila siya ni Benj sa sofa and they kissed over and over again. "I love you, Demi. I have never felt this way before. Kaya kahit na ikapapahamak ko I didn't care because you mean so much to me. Darating din ang time na maging malaya tayo and I'll be very proud to show the world na ikaw ang girlfriend ko. Konting tiis nalang, okay?" He seriously said as he kept staring at her eyes.
"I love you more, Benj. Matagal mo ng alam 'yon." Nahihiyang sabi niya. Then she smiled, "kaya nga hindi ako nagdadalawang isip na lapitan ka and made friend with you the first time we met in our class dahil matagal ko na pangarap na makaharap ka at makausap. Sinusubukan ko lang kung makukuha ba kita sa pa-charm charm ko dahil kung hindi, hindi ko rin naman pipilitin. Basta at least I tried... and it's all worth it naman... you make me happy everday of my life. Hindi ko kakayanin kung mawala ka sa buhay ko." And she hugged him even tighter. "I love you so much." And they kissed again.
"I have to go na baka maabutan pa ako ng mommy mo." Sabi ni Benj.
"Mamaya pa si mommy, gagabihin 'yon dahil may convention sila. Kakain muna tayo at hindi pa pala ako naglunch." Sabi ni Demi as she grabbed his right hand and offered a seat in the dining room.
"Siguro nakalimutan mong mag-lunch dahil sa computer games, ano? Malapit na ang final exam at naglalaro ka pa rin." Pinapangaralan na naman siya ni Benj. "Unahin mo muna ang studies bago maglaro, okay?
"Yes, sir. I promise." At hinalikan niya uli si Benj sa lips na nakaupo sa dining chair bago siya kumuha ng food sa kitchen.
Natawa at umiiling nalang si Benj sa girlfriend niya. "Ang baby ko talaga minsan pasaway."
Pumasok ang katulong habang kumakain sila and Benj invited her to eat pero ayaw niya.
"Ate, anong oras ba uuwi si mommy? Gagabihin ba siya?" Tanong ni Demi sa katulong.
"Ay hindi ba niya sinabi sa 'yo? Nagbook daw sila sa Shangri La Hotel dahil doon sila matutulog ng mga kasama niya sa convention." Sabi ng katulong at pumasok sa kitchen para maghugas ng mga pinggan.
Kumindat si Demi kay Benj and smiled after hearing na hindi pala uuwi ang mommy niya.
"Alam ko'ng mga ngiti na 'yan." Tinutukso siya ni Benj. "Huwag mo masyado iisipin ang boyfriend mo, pag-aaral ang aatupagin mo, okay?"
"Nakakainis ka talaga!" Nakasimangot na naman siya. "Mamaya ka na umuwi, please?" Paglalambing niya.
Kinausap ni Demi ang katulong na hindi magsumbong sa mommy niya na matagal umuwi si Benj ng gabing iyon at pumayag naman ito.
CHAPTER 8
Natapos din ang final exams ng first semester at last exam nila ang subject ni Benj dahil Friday ang schedule nito. Nagyaya ng sine ang barkada ni Demi after their last exam dahil matagal na silang hindi nakapag-bonding. Hindi siya makaiwas kahit ayaw niya dahil gusto niyang magkasama sila ni Benj after school pero wala siyang nagawa dahil baka pagduduhan pa siya at matuklasan ang relationship nila. She just sent him a text message na tatawag nalang siya mamaya.
"Hi baby, where are you right now?" Tanong ni Benj nang tinawagan siya sa phone niya.
"Manonood kami ng sine nina Arra and Nadine. I can't refuse kahit na ayaw ko dahil gusto ko sana magkasama tayo ngayon pero nagpupumulit itong dalawa. Ito kasi lagi naming ginagawa after final exams. I'm going to miss you tonight." Paglalambing niya.
"I need to see you before I go home sa province. I have to visit my lolo and lola dahil sem-break na." Sabi ni Benj.
"Puntahan mo ako sa bahay bukas okay? Ipakikilala kita sa mommy ko. Sa Sunday ka nalang aalis." Sabi niya.
"Are you sure? Sabagay tapos na ang first semester. Sige, I'll go to your house nalang bukas. I'll call you back later." At nagpapaalam na si Benj.
The next day nagising si Demi sa sigaw ng mommy niya na kumakatok sa pintuan ng bedroom niya. It was past ten in the morning na pala.
"Demi! We need to talk!" Sigaw ng mommy niya.
"Ang aga-aga at ang ingay mo. Bakit ba?" She said as she opened the door.
"I saw you and your boyfriend na naglalandian sa CCTV. What the heck are you doing? At sinasadya mo pa na wala ako? Kelan ka pa nagkaka-boyfriend ha?" Galit na tanong ng mommy niya.
"Wait lang mommy. I'm twenty-two years old, my boyfriend is twenty eight years old. We are adults. Kung ano mang ginagawa namin wala ka ng pakialam doon. At napakadesente ng boyfriend ko because he is a teacher, an engineer, natural maghahalikan kami diyan dahil mahal namin ang isa't isa. Ano ba'ng masama doon?" Depensa niya. Nakalimutan niya pala na may CCTV ang bahay nila at matagal silang naglalambingan ni Benj sa living room last weekend at nakita ito ng mommy niya.
"How dare you answer me this way! Hindi kita pinalaki para lang makipaglandian sa isang lalaki na hindi ko man lang nakilala! Malay mo kung saan galing 'yang boyfriend mo? Kung saang angkan galing 'yan? Kilalanin mo muna ng husto 'yan. You never told me kasi na may nangliligaw sa 'yo at bigla ka nlang may kahalikan dito sa bahay natin. Ayokong basta-basta nalang nakikipaglandian ka sa isang lalaki na i've never met." Galit pa rin ang mommy niya.
"Bakit? Eh, ikaw nga dati kung sinu-sino lang lalaki ang kalandian mo dito sa bahay, may narinig kaba sa akin? Wala. Kahit na ayaw ko 'yang mga ginagawa mo hinayaan lang kita. I'm not wondering kung bakit hanggang ngayon walang lalaking nagtatagal sa 'yo. Kaya siguro iniwan ka ng tatay ko dahil lagi mo siguro siyang inaaway." Nailabas niya sa wakas ang saloobin niya sa mommy niya.
"Sinasagut-sagot mo na ako ngayon ha? Hindi ka makarating sa buhay mo ngayon if not because of me." Sigaw ng mommy niya.
"Mommy, habangbuhay ko ho tatanawin ang utang na loob ko po sa inyo because you gave me a good life despite of raising me alone. Kahit lagi tayong nag-aaway I will never hate you for that. Kahit marami akong tanong sa buhay ko na hindi mo masagot hindi naman ako nagpupimilit dahil hindi mo naman ako pinabayaan sa mga kailangan ko. Kahit wala ka palagi dahil sa sobrang busy, hindi naman po ako naging pasaway. Pero this time, mommy, first time ko pong ma-in love sa isang napakabait na tao, hayaan niyo po ako na maging masaya. Ipakilala ko po siya sa inyo ng formal dahil natapos na rin po ang final exams ko." She started crying. "Pwede po bang maging masaya naman po kayo sa akin kahit papaano?"
Hindi na umimik ang mommy niya. Medyo natauhan din ito nang ma-realize na marami rin itong pagkukulang sa kanya.
"Invite him for a dinner tonight. I want to formally meet him." Kalmadong na ang mommy niya this time. "And I just really wanna make sure na hindi ka matulad ko na isang single mom. Kaya mag-iingat ka sa mga lalaki."
"Iba ho si Benj, mommy. I'm sure magugulat po kayo kung papaano kami nagkakilala pero gusto ko hong siya na ang magkwento sa 'yo para mas paniwalaan mo." Natuwa na rin siya that her mom would like to meet her boyfriend.
Then her mom left in her bedroom to get ready to leave. May lunch meeting siya with a client at uuwi agad for dinner dahil she wanted to meet her boyfriend.
CHAPTER 9
Maraming missed calls at text messages ni Benj na pala at hindi niya napansin dahil sa maikling alitan nila ng mommy niya kanina.
Tumawag siya agad. "Hi honey. Sorry at hindi ko nasagot agad ang mga calls mo. Medyo nagkaalitan kami ni mommy kanina lang. Pero okay na kami and she's inviting you for dinner tonight. She wants to meet you."
"Really? Are you sure okay ka na?" Pag-aalala ni Benj. "I'm on my way na sana eh."
"You come here nalang right now. I will tell you later kung anong nangyari, kung paano niya nalaman ang tungkol sa atin. Then let's wait for her nalang for dinner tonight. May lunch meeting pa kasi siya." Sabi niya.
He arrived after thirty minutes after they talked on the phone. Sabay silang nag- lunch dahil dinalhan siya ni Benj ng favorite niyang Chinese Dimsum food.
She told him how her mom found out their relationship. Nahiya nga si Benj dahil very intimate moments nila iyon ni Demi at nakita ng mom niya. Nakiusap naman si Demi sa mom niya na burahin ang video nila ni Benj dahil nahihiya siya. Buti nalang at hanggang intimate kissing lang ang mga eksinang iyon.
Niligpit ng katulong ang kinainan nilang dalawa. Napansin ni Benj na parang hindi sanay sa gawaing bahay si Demi. Paano nalang kaya kung mag-asawa na sila.
"Ate, ano bang alam na gawaing bahay itong si Demi?" Biro ni Benj sa katulong.
"Naku, sir. Siya nalang ang tatanungin niyo." Nakatawang sagot ng katulong.
"Hoy, marunong akong maghugas ng pinggan, magsaing, magprito, magwalis, o maglaba. Bakit? Akala mo tamad ako ano?" Sabi niya kay Benj. "Ate, ako na ang maghugas ng mga 'yan ha."
Lumabas na rin ang katulong dahil may aayusin sa sampayan sa likod ng bahay at iniwan silang dalawa sa kusina.
"Magpapa-impress ka sa akin ngayon. Iiwanan ka ng mapapangasawa mo kung wala kang alam na gawaing bahay." Tinutukso siya ni Benj. "Sige nga tingnan ko kung marunong kang maghugas ng pinggan... ayusin mo 'yan para hindi mangangamoy sabon." Sabi ni Benj habang nagmamasid sa kanyang paghuhugas ng mga pinggan.
"Gusto mo sasabunan na rin kita?" Biro niya. "Buong katawan mo sasabunan ko." Nakangiting biro niya.
"Really? Hmmm, I would love that... soon." Nakangiting sagot ni Benj sa biro niya.
"Gusto mo ngayon na? We have all the time in the world." Biro niya ulit habang patuloy sa paghuhugas ng pinggan. Lumapit si Benj at niyakap siya sa likuran niya.
"Darating din tayo diyan, at the right place and at the right time." He kissed her nape and hugged her tight. "Tutulungan na nga kita. Kunti lang ang hinuhugasan mo at ang tagal mong natapos."
They watched a movie after lunch at the living room. She remembered the CCTV camera kaya pumatong siya sa upuan at tinakpan niya ito ng masking tape.
"What are you doing?" Natawang tanong ni Benj sa kanya. "Pagagalitan ka na naman ng mommy mo niyan."
"Tatanggalin ko mamaya kapag parating na si mommy." Natawa siya. "Dahil gusto kong makipaglandian sa boyfriend ko ngayon." And they sat down in the couch ang kissed. Nasa kwarto na kasi ang katulong having her siesta.
"Gusto kong sumama sa province niyo bukas." Paglalambing niya habang yakap ang isa't isa.
"Next time nalang. Saglit lang naman ako doon. Dadalawin ko lang ang lolo at lola at saka si Juliana, 'yong pinsan ko. Every school break kasi ako umuuwi. I'll be back soon din naman dahil marami pa akong gagawin sa school next week. After sa graduation mo next year, isasama kita, okay?" Sabi ni Benj habang nilalaro ng kamay niya ang buhok niya. "Mami-miss kita."
"Ang tagal pa naman mangyari 'yon. I want to meet your family na rin. At saka mami-miss talaga kita." She kissed him again.
Nakatulog siya while Benj enjoyed watching a documentary film on TV. Nakasandal sa dibdib ni Benj ang ulo niya. Nagising siya after an hour to check baka parating na ang mommy niya. Nagluluto na rin ang katulong sa kitchen for their dinner. Nang marinig ang kotse ng mom niya ay dali-dali niyang tinanggal ang masking tape sa CCTV camera sa living room.
CHAPTER 10
"Benj, this is my mom, Atty. Demetria Madrigal. Mom, this is my boyfriend po, si Engr. Benjamin Buendia III." Pakilala niya the moment her mom entered the living room.
"Wow! Tatlong Benjamin na pala sa lahi niyo." Nakangiting sabi ng mom niya habang nagkamayan sila.
"Nice to meet you po, madam." Nakangiting bati ni Benj sa mom niya. "How are you po?"
"I'm fine, thanks. Welcome to our small family... I just really need to make an urgent call and then let's have dinner. I'll be very quick, okay?" Nagmamadaling umakyat sa kwarto ang mom niya.
Bumaba naman agad after a few minutes ang mommy niya at handa na ang table sa dinner nila. Early dinner dahil six pa lang ng gabi. Madali namang nagkakasundo si Benj at ang mommy niya dahil may background naman sa law school si Benj. After talking different stuff ay napunta na sa relasyon nila ang usapan.
"So, how did you two meet? You are a teacher, right, Benj?" Tanong ng mommy niya.
"Yes, po madam." Medyo kinakabahan siya kung anong magiging reaction ng mommy niya once she will know the truth. "Nakilala ko na si Demi sa Miss Intramurals last year sa school, I was one of the judges kasi. Crush ko na siya dati pa." Nakingiting kwento ni Benj.
"Oh, so you are in the same university?" Nagulat ang mom niya. "I was just thinking na sa ibang school ka nagtuturo."
"Huwag po kayong magalit mom." Kinakabahan siya. "Crush ko na rin po si Benj dati pa. Heartthrob kasi siya sa school namin eh." Biro niya kahit na nag-alala siya'ng magagalit ang mom niya any moment.
"I met her in my class this semester lang po. Hindi ko po sinadya pero I was very happy when I learned that she was my student. At sekreto ko po siyang niligawan. Wala pong nakakaalam sa relationship namin maliban po sa inyo." Paliwanag ni Benj.
"Oh my goodness! Alam niyo ba'ng bawal 'yan?" Nagulat nga talaga ang mom niya.
"Yes, po madam. Kaya po tinatago muna namin pero if hindi na talaga maiwasan at malaman ng management ng school, handa naman po akong mag-resign." Paninindigan niya. "Mahal ko po ang anak niyo at handa akong isakripisyo ang career ko dahil sa kanya."
"So, mawawalan ka ng trabaho kung ganun? Maghahanap ka uli ng mapapasukan niyan kung sakaling mapilitan kang mag-resign. I know you are both at a legal age, and it's possible na mabuntis mo ang anak ko, ano nalang ipapakain mo sa anak ko kung sakali?" Prangkang tanong ng mom niya.
"Mom? What kind of question is that? Wala tayo sa korte para mag-cross examination, we are having a family dinner. Ano ba 'yang tanong mo?" Naiinis na si Demi.
"Demi, it's fine. It's normal for a parent to ask questions like that." Kalmado lang si Benj.
"I'm not trying to insult him. That's a possibility and we should be practical. Ayokong matulad ka sa akin na isang single mom kaya hangga't maari poprotektahan kita." Sabi ng mommy niya.
"No! Parang iniinsulto niyo ang pagkatao niya, eh." Lumakas na ang boses ni Demi sa galit.
"Demi, please stop it, okay?" Mahinahong pakiusap ni Benj sa kanya. "Huwag kang magalit sa mommy mo. Karapatang niya 'yan because she is protecting you and she cares for you." Sabi ni Benj. Then he faced his mom, "Madam atty, ipapangako ko po sa inyo na iingatan ko po si Demi and I will never do anything na ikapapahamak niya. Hindi naman po kami nagmamadali. Kung magpapakasal man kami someday, I will make sure na I can give her a good life. Hindi po kami mayaman, pero hindi rin po kami mahirap. Kaya I'm sure mabubuhay ko si Demi at ang future family namin dahil magsusumikap naman po ako." Paliwanag niya.
"She's still young, medyo mataas ang agwat ng age niyo. Marami pa siyang ma-experience sa buhay na madadaanan niya that could change her mind. Hindi ka kaya mapapagod sa kahihintay?" Tanong ng mommy niya.
"Mom? I'm no longer a child, I'm an adult for god's sake! You are treating me like I'm only a teenager in front of my boyfriend. Bakit hindi mo nalang diretsahang sabihin na ayaw mo kay Benj? Ang dami mo pang tanong. Why can't you just be happy for me?" She stood up and was crying now. "You know what? Minsan naisip ko talaga na ako ang sinisisi mo kung bakit ka iniwan ng tatay ko dahil diyan sa pag-uugali mo. I'm not wondering kung bakit hanggang ngayon walang lalaking nagtatagal sa 'yo."
"Demi, tama na 'yan." Mahinahong pakiusap na naman ni Benj. He started not feeling comfortable in front of them na nag-tatalo. "Let's just talk nalang later kung wala na ang galit niyo, okay?"
"Ilang lalaki na ba ang pinatira mo dito sa bahay mo at hindi nagtagal?" Hindi na siya nagpapaawat kay Benj. "Ni minsan wala kang narinig sa akin at hinayaan lang kita. 'Yong isa mong lalaki muntik pa nga akong gahasain. Ngayon? Si Benj isang desenting lalaki at mabait, bakit ang dami-dami mong tanong? I've only brought one man in this house ever since, at ganyan mo tratuhin. You are talking to a decent professional, mom, for heaven's sake!"
"Don't dig on the past at matagal na nangyari 'yon. What's wrong with my practical questions? I'm sure you understand my point, Benj? Right?" Galit na rin ang mommy niya.
Demi walked out from the dining table and went to the kitchen. Umiiyak siya habang hinuhugasan ang ibang utensils na ginamit ng katulong kanina sa pagluluto. Nasa labas kasi ang katulong at nagtapon ng mga basura.
"Pasensya na po kayo, madam atty. I never thought things would turn out this way. I totally understand your point. Pero ito lang po ang masasabi ko sa inyo, mahal na mahal ko po si Demi at iingatan ko po siya at aalagaan hangga't nabubuhay ako. But she deserves to be happy po. Kaya pakiusap ko po na hayaan niyo nalang po kaming dalawa. Whatever happens, hinding-hindi ko po siya pababayaan. Pinaghandaan ko na po ang lahat kung anomang mangyari kapag nalaman ng school ang tungkol sa amin. I will make sure na hindi masira ang studies niya at ga-graduate siya next semester. I really promise po. Please excuse me po." He stood up and went to the kitchen at naririnig niyang nagdadabog na naghuhugas si Demi sa lababo.
"Mababasag ang mga 'yan. Huwag ka nang maghuhugas ng mga pinggan kung galit ka." He grabbed her wet hands and wiped with a paper towel. And he hugged her tight. Naiintindihan na niya ang lahat kung bakit laging nag-aaway si Demi at ang mommy niya at mas lalo siyang naawa sa kanya.
CHAPTER 11
They went outside sa may mini garden ng mommy niya na may maliit na bench. She was still crying. Tahimik silang nakaupo at magkayakap. Pumasok na rin sa kwarto ang mommy niya.
"Hindi ako galit sa mommy mo. I really understand her point. Nagulat lang naman siya sa ating dalawa pero hayaan mo nalang at mawawala rin iyon. What's important is we have each other because we love each other, okay?" He held her tight and kissed her temple.
"I want to go with you. Gusto ko munang umalis dito kahit sandali lang. Sige na please?" Paglalambing ni Demi sa kanya.
"Hindi pwede. Mas lalong magagalit ang mommy mo niyan. She would think pa na kinukunsinti kita. It's not a wise move with our situation now, okay? At saka ayusin mo muna ang alitan niyong dalawa. Kahit papano ay nanay mo pa rin siya. Ikaw na ang magpakumbaba, okay? Babalik din naman ako agad next week. Sa susunod kong pag-uwi isasama na kita para makilala mo ang lolo at lola ko at si Juliana. Pero huwag na muna ngayon."
"Sige na nga. Pero pwede bang dito ka nalang matulog tonight? Doon ka nalang sa guest room para hindi na mag-isip ng masama si mommy. Please?" Paglalambing niya uli. "Kailangan kita ngayon, mababaliw ako 'pag wala akong kausap."
"I'll call you nalang later pagdating ko sa boarding house." Sabi ni Benj.
"Iba pa rin 'pag may kausap ka na may kasamang yakap, may kasamang kiss." She kissed him on his lips and smiled. "Sige na please."
"Sige na nga." Hindi rin niya matiis ang pakiusap ng girlfriend niya. "Pasok na tayo at nilalamok ka na dito."
They watched a movie nalang sa living room dahil maaga pa naman. They were just cuddling with each other dahil alam niyang makikita sila ng mom niya sa CCTV. Bumaba ang mom niya para uminom ng tubig but the truth was she wanted them to be aware that she can see them on CCTV.
"Sa guest room ko po papatulugin si Benj. Bukas na po siya aalis dahil uuwi po siya sa probinsya nila." Sabi niya sa mommy niya matapos uminom ng tubig at paakyat na sana.
"Sabihin mo kay ate palitan 'yong beddings dahil baka maalikabok na at matagal nang hindi nagamit ang mga iyon." Sabi ng mommy niya. "Basta hindi kayo pweding matulog sa isang kwarto, okay?"
"Opo naman madam." Sabi agad ni Benj.
"Sige mauna na ako sa inyong dalawa." Sabi ng mommy niya.
"Good night po mommy." Nahihiyang bati niya sa mom niya.
"Good night po madam." Bati rin ni Benj.
"Good night." At umakyat na ang mommy niya.
Natuwa naman sila at humupa na rin ang mga galit nila. Masaya na rin si Demi na pumayag ang mommy niya na doon muna patulugin si Benj. Isa nalang ang poproblemahin nila, kapag nalaman ng university ang relasyon nila.
Maagang umalis si Benj kinabukasan dahil uuwi pa siya ng probinsya. Isang oras ang byahe niya papunta doon. They went to church first because it was Sunday. Magko-commute nalang pauwi si Demi pero dumaan muna siya sa mall dahil may bibilhin. Doon nalang siya nagpa-drop kay Benj.
CHAPTER 12
Walang ibang nakakaalam sa relasyon nilang dalawa maliban sa mommy niya at sa katulong. Even her closed friends, Arra and Nadine, didn't know about it. Second semester na at matapos mag-enroll ng mag-barkada ay namasyal sila sa mall and then watched a movie dahil matagal ding hindi sila nagkita during the sem-break. Benj suddenly called her as they were lining up to buy a movie ticket.
"Hi honey!" Sagot niya agad. "I'm at the mall kasama sina Arra at Nadine."
Nadinig siya ng dalawa at nagtataka. Nakalimutan niya ang sekreto niya dahil sa sobrang excitement dahil hindi sila nagkita ni Benj for two weeks dahil nga umuwi ito sa probinsya at pagbalik niya ay busy naman sa final grades ng mga students niya.
"Manood lang kami ng sine. I will call you later okay?" Sabi agad niya. "Bye."
"Gurl, kelan ka pa nagtatago ng sekreto sa amin ha? May honey ka na pala at hindi man lang namin alam?" Naiinis na sabi ni Nadine. "Magtatampo na kami niyan."
"I'm sorry gurls. Hindi ko muna pweding sabihin, okay? It's very confidential kasi. Saka nalang kapag maayos na ang lahat. Pasensya na talaga." Nag-alala na siya dahil anytime pwede silang mag-stalk sa kanya or surpresang pupunta sa bahay nila at baka maabutan si Benj na nandoon.
"At bakit? Kabit ka ba, mistress? Ha?" Biro ni Arra pero prangkang tanong na rin niya.
"Of course not!" Sagot agad ni Demi. "Handsome bachelor and boyfriend ko. Kaya lang hindi ko pweding sabihin muna for now. Sasabihin ko naman agad sa inyo kapag pwede na talaga, promise." At naintindihan naman ng dalawa at hindi na nagpupumilit pa.
Bumisita uli si Benj sa bahay nila kinabukasan dahil hindi na siya busy. Mag-start na ang second semester next week kaya susulitin ni Benj ang natitirang vacation days dahil maging busy na naman siya uli. Unti-unti na ring natanggap ni Atty. Madrigal si Benj at nasasanay na rin na palagi itong dumadalaw sa bahay nila.
When school days were back, they decided not to meet at the school dahil iniiwasan nilang may makapansin lalo na't alam na ng friends niya na may boyfriend na siya and very curious silang malaman kung sino ito. Kahit magkasalubong sila sa lobby or kahit saan ay bumabati nalang sila nang 'hi' or 'hello' at nagtatawagan nalang every night. Almost every weekend naman si Benj bumibisita sa bahay nila kung hindi busy.
One weekend nang pumunta si Benj sa bahay nila ay nakita ito ni Arra at Nadine na pumasok sa gate at hinalikan si Demi at nagyakapan sila. Susurpresahin sana nila si Demi dahil nga gusto nilang malaman kung sino ang boyfriend niya at nakita na nga nila ito. Hindi nalang sila tumuloy at naiinis sila kay Demi kung bakit hindi sinabi sa kanila ang totoo.
They confronted her when they met in school on Monday. Demi tried to explain to them that they need to hide it to protect her and Benj dahil bawal at pweding matalsik si Benj anytime. Naintindihan naman ito agad ng mga friends niya. Pero naiinggit pa rin sila at naging boyfriend niya ang crush nilang teacher.
Christmas time was coming. Benj always spent his Christmas vacation in the province kaya bago mag one-week Christmas break ay sinulit niya ang weekend with Demi. He gave her an advance Christmas card and gift. They went to church and then ate at a restaurant. Hindi nila alam na may nakakita sa kanilang dalawa na sweet na magkasama sa isang restaurant. Si Lloyd na classmate niya at matagal nang may crush sa kanya pero hindi niya pinapansin dahil bulakbol ito. He saw them together dahil may date din ito doon sa restaurant na iyon at nauna nang lumabas when Demi and Benj came in.
When Christmas vacation was over at pasukan na naman ay pinatawag si Benj nang dean on that Monday afternoon, after ng mga classes niya. Kinakabahan siya pero hoping na iba ang pakay ng dean sa kanya. At kinausap nga siya about him and Demi if they have a relationship. He didn't want to lie because that was the truth.
Hindi pa naman alam ng buong faculty kaya mabuti nang mag-resign na agad siya to protect Demi. The dean doesn't want him to resign because he was an asset to the school but instead, hihiwalayan niya daw muna si Demi until makatapos ito. Pero ayaw ni Benj ng ganun at ayaw rin niyang mapasok sa controversies ang relationship nila kaya mabuti na ang aalis siya. Matagal na niyang pinag-isipan ito at pinaghandaan. Mahirap kasi kung magkikita sila ni Demi sa isang school everyday pero hiwalay naman temporarily. At masusubukan ang integridad niya kung sakaling hiwalay muna sila pero pwede naman niya bibisitahin sa bahay si Demi kung hindi niya matitiis.
He went to her house agad on that evening and they were talking in their living room. She was crying at naawa sa boyfriend niya.
"Sino ba kasi ang nagsumbong?" Tanong niya habang tumutulo ang luha niya.
"Baka si Arra or Nadine?" Tanong ni Benj and he wiped her tears with his fingers.
"Hindi 'yon magsumbong dahil matagal nang pinagtibay ng panahon ang friendship namin. High school pa kaming tatlo close friends na talaga kami niyan. I don't really think so." Very worried siya sa boyfriend niya. "What's your plan?"
"I submitted my resignation na agad habang hindi pa alam ng lahat. Gusto sana ni dean na maghiwalay na muna tayo until makatapos ka pero ayoko. Ayokong nakikita kita everyday pero hiwalay naman temporarily. Uuwi na muna ako sa probinsya at may hiring doon sa bagong state university at subukan kong mag-apply." Sabi ni Benj.
"Why don't you try in IT Park, sa mga BPO companies. Very in demand ang course natin diyan." She suggested.
"Teaching is my passion. Namana ko na 'to sa lola ko. Basta don't worry about me. Ang importante matapos mo ang course mo and two months nalang ga-graduate ka na. Promise me na pagbubutihin mo at makatapos ka talaga. 'Yan lang ang hinihingi kong kapalit sa sinakripisyo kong career dito, okay?" He smiled and very hopeful pa rin.
"I'm sorry, honey pie ko... Mami-miss kita ng sobra. Dahil hindi na kita makikita everyday dito." She hugged him tighter.
"It's okay, baby... Mami-miss din kita. Konting tiis nalang okay? Magkakasama rin tayo palagi at hindi na magkakalayo someday. Pangako 'yan." He kissed her temple then kissed her lips.
CHAPTER 13
"Sabihin niyo nga ang totoo, kayo ba talaga ang nagsumbong sa dean ha?" Naiinis na tanong ni Demi sa dalawa habang naglalakad papunta sa classroom nila sa third floor.
"Gurl, I swear hindi talaga. Peks man! Cross my heart." Sabi ni Nadine.
"Ako rin, kahit na sino wala talaga akong sinabihan." Sabi ni Arra.
Hindi na rin nila pinagpilitang alamin kung sino ang nagsumbong sa dean. Malalaman din nila ito soon. Nalulungkot siya dahil hindi na niya palaging nakikita si Benj sa campus.
Si Benj naman ay umuwi muna ng probinsya. Dumaan muna siya sa suki niyang computer shop na nasa maliit na mall ng bayan nila. Dito siya madalas nakatambay dati noong college pa siya and during school break dahil naglalaro ng computer games. May maliit na internet café ang may-ari at tinutulungan niya minsan kung may problema sa mga computers. Katabi lang nito ang maliit na computer shop at doon din si Benj bumibili ng mga gadgets or accessories.
"Hi Mang Canor! Kumusta?" Bati niya agad sa owner na naging matalik din niyang kaibigan.
"Aba long time no see ah. Lalo kang guma-gwapo ngayon Benj ah." Biro ni Nicanor sa kanya
"Talaga?" Natawa siya. "Mag-aapply po ako diyan sa bagong state university bukas. May kakilala ka ba doon?"
"Oo 'yong isang guro diyan kaibigan ko at suki ko. Bigay mo sa akin ang number mo at tatawagan ko siya mamya pagkatapos ng pasok niya." Sabi ni Nicanor.
Matagal silang nagkwentuhan dahil matagal na siyang hindi nakabisita since he started teaching. Bumili rin siya ng bagong blank CD dahil gagawa siya ng presentation just in case needed on his job application at pagkatapos ay umuwi na.
Nalungkot naman ang lolo Ben at lola Nida niya nang sinabi niya ang totoo. Pero natuwa na rin sila dahil nagkaka-girlfriend na uli ang apo nila at makakasama na nila ng matagal kung matanggap ito sa state university na malapit lang sa kanila. Excited din silang makilala ang girlfriend niya.
He called Demi on that evening at nagtelebabad sila dahil may landline sila sa bahay ng lolo niya. Mahal kasi ang load sa cellphone. Nag-aaway na naman daw si Demi at ang mommy niya nang malaman ang tungkol kay Benj. Sinisisi siya ng mommy niya kung bakit nawalan ng work si Benj at nakokonsensya si Demi.
"Hey, baby, please huwag kang mag-isip na ikaw ang may kasalanan dito. Ginusto ko ito, okay? Kung hindi lang kasi kita mahal, mas pipiliin ko ang mag-stay sa school at hiwalayan ka, pero hindi, dahil love na love kita, okay? Maayos din natin ang lahat and someday magkakasama na tayo palagi. Basta gusto ko matapos mo talaga ang course mo. A-attend ako sa graduation mo. I can come back anytime naman sa university."
"Huwag ka na nga mag-teach dahil baka ma-in love ka uli sa student mo at iwanan mo ako. Mag-apply ka nalang sa IT Park." Biro ni Demi sa kanya.
"Hindi na 'yan mauulit, okay? Dahil hanggang sa 'yo lang talaga ang puso ko." Biro naman niya.
Matagal silang nag-uusap everyday sa phone kaya kahit papano ay hindi na rin masyadong nami-miss nila ang isa't isa.
Nang mag-founder's day ang university ay sumali si Demi sa Miss Campus Sweetheart. Nataon naman ang pageant night ay weekend kaya pumunta si Benj. Kahit ayaw na ni Benj na sumasali siya sa mga beauty pageant ay hindi naman niya mapigilan ito. Malapit na rin ang Valentine's day kaya he has reasons to visit her.
Tinawagan ni Benj ang mommy niya and invited her to attend on her pageant night. Very inspired naman si Demi dahil nasa audience ang boyfriend niya. Mas lalo siyang natuwa nang malaman na magkatabi ang mom at ang boyfriend niya. Tumawag kasi si Benj at si Nadine ang sumagot sa phone niya na nandoon sila ng mommy niya at manonood. Maraming studyante ang nagulat nang makita muli si Benj sa school. Hindi pa rin kasi alam ng lahat ang tungkol sa kanila ni Demi.
Titig na titig si Benj sa girlfriend niya as she walked on stage in her evening gown. Naisip ni Benj, hindi siya wife material pero anong magagawa niya at mahal na mahal niya talaga ito. Gusto na niyang mag-settle down and have a family pero masyado pang bata si Demi at parang hindi pa ito handa sa tingin niya.
Very proud naman si Benj at ang mommy niya dahil nanalo siya. Nagulat ang lahat lalo na ang mga girls nang umakyat sa stage si Benj to crown her at niyakap at hinalikan siya. Silang dalawa ni Benj at mommy niya ang nag-lagay ng crown. Binigyan siya ni Benj ng bouquet of red roses and whispered on her ear, Happy Valentine's! Maraming nainggit sa kanya dahil sa gwapong boyfriend niya.
They had pictorials after the event at tuwang-tuwa ang mga friends ni Demi nang makita silang dalawa ni Benj sa wakas na sobrang sweet. Nauna nang umuwi ang mommy niya after the pictorial. Nag-congratulate rin ang dean sa kanya at natuwa nang makita si Benj.
Hinatid siya ni Benj sa bahay at doon uli natulog sa guest room dahil umalis na si Benj sa kanyang boarding house. In three days' time ay valentine's day na rin so mag-advance celebration sila bukas dahil Sunday. They went to church the next day and then had lunch. Malaya na sila kaya namasyal muna sila sa mall bago siya hinatid ni Benj sa bahay.
Part-time teacher na muna si Benj sa state university dahil matatapos na rin ang semester. Sa next school year na uli siya makaka-full load kaya marami siyang free time. Dahil Wednesday ang Valentine's day ay naka-red si Demi dahil washday naman. Benj surprised her in school dahil alam niya ang last subject ni Demi.
Pababa na silang magkabarkada para lalabas ng campus nang sinalubong siya ni Benj sa ground floor at nagulat siya.
"Hi baby! Happy Valentine's uli." Nakangiting bati ni Benj.
"Oh my god! Ang daya mo. Ba't hindi mo sinabi na darating ka at nag-gown dapat ako." Biro niya sabay yakap sa boyfriend niya and kissed his lips many times. "Akala ko tapos na ang valentine date natin."
"I just want to surprise you. Maaga naman natapos ang klase ko kaya I decided to come and see you. Na-miss agad kasi kita." Sabi ni Benj.
Tinutukso sila ng friends niya at nauna na rin silang lumabas. Gusto sana silang isabay ni Benj sa car niya pero ayaw nila dahil para mabigyan sila ng privacy. Maraming nakapansin sa kanila sa campus habang nilalakad ang papuntang parking lot. Halos lahat ng nakasalubong nila ay kilala si Benj at laging bumabati nang 'Hi Sir Benj!'. Proud na proud talaga siya sa boyfriend niya at ang swerte niya.
Benj gave her a valentine card and a gift, a cute bracelet. They had a romantic date at a restaurant and then umuwi agad dahil may pasok pa si Demi kinabukasan. Umuwi rin si Benj sa probinsya kahit gabi na dahil may pasok din siya the next day.
CHAPTER 14
Natapos din ang final exams ni Demi and finally she graduated. Benj attended her graduation kasama ang mommy niya. They prepared a thanksgiving dinner sa bahay nila and they invited her mom's only sister and family. Napakilala niya sa wakas ang boyfriend niya sa tita at tito niya.
Umuwi na ang mga bisita at umakyat na rin ang mommy niya sa kwarto. Kumain muna silang dalawa ng dessert sa kusina at matapos ay hinugasan ni Demi ang ginamit nilang mga pinggan. Dahil tahimik at tulog na ang mommy at katulong nila, Benj grabbed her and hugged her tight and kissed her. Wala kasing CCTV sa kusina kaya malaya silang naglalambingan doon. Nakaupo si Demi sa kitchen counter at nakatayo si Benj sa harap niya and they kissed passionately.
"Baka pumasok bigla ang mommy mo or si ate dito." Natawang sabi ni Benj after they kissed.
"Hayaan mo na graduate na ako eh." She kissed him again. "Let's go in my bedroom nalang kaya?" Paglalambing niya.
"Hindi pwede magalit na naman ang mommy mo 'pag nalaman niya doon ako natulog." Sabi ni Benj.
"I don't care... Pwede bang itanan mo na ako, please?" Paglalambing na pakikiusap niya.
"Lalong hindi pwede. Kaga-graduate mo lang." Alam ni Benj na nagbibiro lang siya. "Let's not rush things, okay? Much as I want to marry you, but I want you to enjoy your life muna." He said softly as he brushed her front hair. "Kasi 'pag nag-asawa ka na, mababago lahat ang buhay mo. Iba kasi kapag na-enjoy mo ang single life mo before you settle down... you enjoy your own salary, you travel to different places and discover so many things in life. But I'm just always right here for you, na kahit na anong mangyari you always have me, you have my arms that will always welcome you when you get tired or lonely." He kissed her lips again. "I love you so much, baby ko."
"Love you, too, my honeypie." Sagot naman ni Demi.
Umuwi na muna si Benj the next day dahil may aasikasuhin sa bagong school niya. Babalikan niya uli si Demi next weekend at saka siya isasama sa kanila para makilala ang kanyang family.
She was bored kaya naisipan niyang maghalungkat sa stockroom room nila para maghanap kung may makita siyang ebidensya sa tatay niya. Nakita niya ang lumang maliit na overnight bag na nakatago under an old chair. It was locked when she tried to open it. Sinira niya ito at nabuksan niya. Wala siyang pakialam kung magagalit ang mommy niya. Lumang-luma na rin kasi at maalikabok kaya hindi na siguro maalala ng mommy niya, naisip niya.
She saw two old pictures of a handsome man na naka-school uniform yata. Wala naman name na nakasulat sa likod. Kinakabahan siya. She planned to keep it kaya itinabi niya muna at maghahanap pa siya ulit. May mga lumang elementary at high school diploma ng mommy niya. May nakita rin siyang cute na handmade bookmark at may message sa likod – I love you, Dee, from Nic, ang nakasulat. Natutuwa siya at parang may patutunguhan na ang matagal na niyang hinahangad.
She got tired na rin and kept back all those stuff inside the small luggage except sa dalawang pictures at ang bookmark. Hindi niya sasabihin sa mommy niya dahil alam niyang magagalit ito. She told Benj when he called in the evening. Gusto niyang makita ang picture dahil baka may makukuha silang information kahit papano.
Magho-holy week na and Benj promised her na dadalhin siya sa probinsya para doon mag-holy week. Natapos na rin ang mga obligasyon ni Benj sa school at kukunin niya sa weekend si Demi. Very excited sila at ang family ni Benj.
Pinagpaalam ni Benj si Demi sa mommy niya na dadalhin sa kanila at doon magho-holy week. He assured her mom na nandoon ang lolo at lola at ang pinsan niya para hindi mag-alala ang mom niya. Pumayag naman ang mommy niya. Demi wanted to go for shopping muna bago sila umalis so she can buy some pasalubong for his family.
CHAPTER 15
It was already dark when they arrived sa bahay nina Benj. Naghanda ng masarap na hapunan ang lola at pinsan ni Benj na si Juliana. Very excited at napakasaya nilang lahat na makita ang girlfriend niya na alam nilang beauty queen ang dating pero mabait din naman. Ang lola Nida niya agad ang sumalubong sa kanilang pagdating at niyakap si Demi. Nagmano rin siya sa lolo ni Benj. Nagbeso-beso rin sila ni Juliana na kaga-graduate lang ng high school.
Masaya silang naghapunan at very welcome talaga siya sa family ni Benj. Masyadong maalaga rin si Benj sa kanya kaya feel at home talaga siya. Ngayon lang niya naranasan ang ganitong tunay na kaligayahan na maraming tao ang nag-aalaga at natutuwa sa presence niya. She felt genuine happiness from that simple life and wished na ito na ang magiging future family niya.
After dinner, pumasok si lola Nida at si Demi sa kwarto ni Benj upang mag-ayos ng bed while Benj was having a shower. Si Juliana naman ay nasa kusina naghuhugas ng mga pinggan. Napansin niya na maayos si Benj sa mga gamit niya. Maraming books sa maliit niyang shelf at may maliit ding desk kung saan nakapatong ang computer niya at may mga blank CDs at resibo. Nabasa niya ang Nicanor Internet and Computer shop sa resibo.
Doon siya matutulog sa kwarto ni Benj at si Benj naman ay sa sofa sa sala. Tatlo lang kasi ang kwarto sa bahay nila. Nakakunot-noo si Benj dahil hindi siya natuwa sa decision ng lola niya ng sinabihan siya kanina because he was expecting na magkatabi silang matutulog ni Demi.
"Pasensya ka na, Demi, ha at hindi kami mayaman. Pero alam kong komportable ka naman dito sa kwarto ni Benj. Hindi naman talaga mainit dito sa amin pero may electric fan naman kung kailangan mo talaga." Sabi ni lola Nida.
"Naku, okay lang po lola. Ang saya-saya nga po dito sa inyo. Sa amin malaki nga ang bahay pero parang ako lang mag-isa ang nakatira at nakakalungkot. Palagi kasing busy sa work ang mommy ko."
"Oy Benj, akala ko pinalitan mo na 'tong beddings at kumot mo at nakakahiya kay Demi." Sabi ni lola Nida nang pumasok si Benj na nagpupunas ng buhok niya after shower.
"Pinalitan ko na po 'yan noong isang taon." Biro ni Benj.
"Aba! Hindi pwede at palitan na 'to." Kinuha ni lola Nida ang mga gamit sa cabinet at tinulungan siya ni Demi na magpalit ng beddings at mga punda. "Hindi kayo pweding matulog sa iisang kwarto hangga't hindi kayo nakasal tandaan niyo 'yan." Sabi ng lola as she went out of the bedroom after fixing the bed. Narinig siya ng lolo ni Benj na nasa sala nanood ng news sa TV.
"Para namang mga bata 'yang kausap mo. Mga adults na 'yan, ano ka ba. Hayaan mo na nga 'yang dalawa." Sabi ni lolo Ben.
"Aba Benjamin, baka nakalimutan mo na abogada ang mommy ni Demi at mabuti na ang nag-iingat." Sabi ni lola Nida na umupo na rin sa sala para manood na rin ng news.
Nagtatawanan nalang sina Benj at Demi sa narinig nila sa lolo at lola niya.
"Bakit lola, sa tingin mo ba gagahasain ko si Demi? Siya naman ang gagahasa sa akin talaga dahil matagal na 'yan may pagnanasa sa 'kin ah." Biro ni Benj na nasa pintuan ng bedroom nakatayo while waiting for Demi to come out.
"Ang kapal ng mukha nito." Biro ni Demi paglabas niya at pinisil ang ilong ni Benj. "Maliligo na rin muna ako."
"Pasensya na at hindi aircon ang kwarto ko." Sabi ni Benj habang niyakap siya bigla kahit kitang-kita sila ng lolo at lola na nanood ng TV. "Gusto mo ba bumili tayo ng aircon bukas?"
"Naku, huwag na at ang lamig naman ng hangin dito at saka meron namang electric fan. Iba kasi ang lamig ng hangin dito kesa syudad, masarap at fresh pa." Sabi niya at umiwas sa yakap ni Benj dahil nahihiya siya sa mga matatanda.
"Mamaya ka na maligo. Let's go outside muna saglit." Sabi ni Benj sabay hila sa kamay niya.
Lumabas muna sila sa may garden at nagpapalamig. May maliit na cottage na tinayo ang lolo niya noong mag-retire ito at doon sila lagi naka-tambay para magpapahangin. Hindi sila pweding maglambingan doon dahil kitang-kita sa labas at maliwanag ang ilaw ng mga poste sa daan.
After an hour they went inside at tapos na rin nanood ng news si lolo Ben at lola Nida. Pumasok na sa kwarto ang mga matatanda para magpahinga pati na rin si Juliana. Benj was watching some TV shows na nakahiga sa sofa while Demi was taking a shower. Sumisipol si Benj sa kanya paglabas niya. Nakabihis pantulog na siya.
"Baby, halika ka muna." Benj called her.
Umupo siya sa gilid ni Benj at kinuha ni Benj ang towel na nakabalot sa hair niya. Pinunasan niya ito dahil basang-basa pa ang buhok niya.
"Hindi na talaga ako uuwi sa amin. Masyado mo na akong pina-pamper dito." Nakangiting sabi niya.
"I would love you to stay forever if you want to. We are your family now." Sabi ni Benj as he continued to wipe her hair with the towel and then slowly comb her hair with his fingers. "Sana mag-brown out." Biro niya habang nilagay sa katabing sofa ang basang towel.
"At bakit?" Nagtataka siya.
"Dahil takot ka sa dilim. Kailangan mo ng kasama sa kwarto." May malisya ang biro niya.
"Wala ka bang maliit na lamp shade or night light? Hindi ako nakakatulog 'pag masyadong madilim eh."
"Wala nga eh. Dahil ako naman mas gusto kong madilim 'pag natutulog ako. Alam mo, I know how to help you overcome your nyctophobia." Sabi ni Benj. "Patayin natin ang ilaw mamaya at tabi na tayong matulog para hindi ka matakot. Yayakapin naman kita ng mahigpit para hindi ka matakot, what do you think?"
"Ano? Huwag ka ngang magbiro diyan at magagalit si lola 'pag nalaman niyang magkatabi tayong natutulog." Sabi ni niya.
Benj suddenly turned off the TV. He picked his pillows and blanket and grabbed her hands. "I don't care kung magagalit si lola dahil kanina pa ako gigil na gigil sa 'yo." He grabbed her hand and they went inside his bedroom. He closed the door and he laid her in his bed and then he kissed her.
Pinatay ni Benj ang ilaw after they kissed at magkayakap silang nakahiga. First time nilang matulog na magkatabi. Mahimbing na agad si Benj pero hindi pa siya makatulog agad. Titig na titig siya sa mukha ni Benj kahit madilim na at napakasaya niya. Natuwa siya at hindi naman siya pinilit ni Benj na mag-make love sila dahil hindi pa siya handa. Ganun siya kamahal ni Benj dahil iniingatan siya at nirerespeto ang desisyon niya.
Wala na ring nagawa ang lola niya nang mapansin na hindi natulog sa sala si Benj. Hindi naman talaga niya mapigilan ang damdamin ng dalawa dahil hindi na sila mga bata. Lagi nalang niya pinapaalalahanan si Benj na iingatan si Demi dahil abogada nga ang mommy nito.
CHAPTER 16
They went to church on Easter Sunday bago siya ihahatid pauwi sa bahay nila. They had lunch at the restaurant na nasa loob ng maliit na mall na kung saan nandoon ang computer shop nang suki niyang si Mang Nicanor. Dumaan sila saglit sa computer shop dahil gusto ni Benj ipakilala ang kanyang girlfriend pero hindi naman nagpupunta si Nicanor tuwing Sunday. Balak kasing kunin ni Benj na ninong sa kasal nila si Nicanor kung sakaling magkatuluyan na sila.
On their way back to the city ay tumawag si Nadine. Na-miss daw ni Nadine ang bonding nila at magkikita sila bukas. Meron din daw siyang importanting sasabihin at bukas nalang niya sasabihin kasama si Arra.
Benj spent for dinner sa bahay nina Demi with her mom. Napansin naman ng mommy niya na masayang-masaya siya sa short vacation niya. Na-realize ng mommy niya na bihira nalang pala silang nagbabakasyon ngayong malaki na ang anak niya dahil lagi silang nagtatalo. Noong maliit pa kasi si Demi ay sunod-sunoran lang sa mommy niya, ngayon na may sarili na siyang pag-iisip ay lagi nalang silang nagtatalo.
Umuwi agad si Benj after dinner dahil isang oras pa ang byahe niya pabalik sa probinsya. May pasok siya bukas dahil first day of summer class na. Maganda naman ang offer sa kanya sa state university dahil maganda at impressive ang record niya.
Pumunta si Nadine at Arra sa bahay nina Demi the next day. Pangarap niyang sumali sa Miss Philippines noon pa pero nag-aalanganin siya dahil hindi pa siya sanay sa rampahan. Now that she was able to join two beauty contests and won ay gusto na niyang subukan ang higher level na beauty contest. Dinalhin siya ng application form ni Nadine at excited pero kinakabahan siya.
Hindi na muna niya sasabihin kay Benj dahil alam niyang hindi ito matutuwa but she knew he would understand soon. Noong sumali kasi siya sa Miss Campus Sweetheart ay ayaw ni Benj dahil masyado siyang seloso pero wala rin itong nagawa dahil gustong-gusto niya talaga. Alam kasi ni Benj na maraming nakakagusto sa kanya kaya ayaw na niya ng too much exposure pero walang nagawa si Benj dahil gusto talagang sumali ni Demi at pinipilit din siya ng mga teachers niya sa Engineering department.
Arra and Nadine promised to support her that's why she decided to join. Hindi rin supportive ang mommy niya sa mga sinasalihan niyang beauty pageant kaya natuwa na rin siya at may maasahan siyang mga kaibigan. Isasangla niya ang ibang jewelries niya para pambili ng gown and other things needed on this event because she knew that her mom would not support her.
Naisip niya, kung meron lang siguro siyang tatay or kapatid baka mas supportive ito sa kanya sa mga plano niya. Naalala niya ang pictures at ang lumang bookmark na nakita niya sa stockroom. Sayang at hindi niya napakita kay Benj at baka mas magaling si Benj mag-trace kahit sa maliit na mga ebidensyang iyon. She told Benj to come over next weekend para pag-aralan nila ang mga pictures at lumang bookmark.
Sabado ng gabi na si Benj nakarating dahil busy pa sa school kanina at gusto ni Demi na doon na naman siya matutulog at bukas nalang uuwi. Sa sobrang excited na magkita muli ay nakalimutan na naman niyang ipakita ang mga lumang pictures kay Benj. As usual, nang tulog na ang katulong at mommy niya ay sa kusina na naman sila naglalambingan dahil walang CCTV.
"Ano bang balak mo ngayon na graduate ka na? Are you not going to look for a job? Kahit marami kayong pera, you need to work para hindi ka na dependent sa mommy mo." Sabi ni Benj na nakaupo sa chair at yakap si Demi sitting on his lap doon sa kusina.
"I need to tell you something. I'm sure you'll be proud of me. Sumali ako sa Miss Philippines kaya saka na muna ako maghahanap ng work dahil magiging busy ako sa rehearsals." Kinakabahan siya.
"What?" Nagulat si Benj. "Ayokong sumali ka sa pageant na 'yan okay? Di ba I told you before pa na ayoko nang sumali ka sa mga ganyan? Last na 'yong Miss Campus Sweetheart sabi mo."
"Honey, pangarap ko 'to dati pa. Try ko lang naman. Hindi naman ako nag-expect na manalo, I just want to experience lang talaga." Paglalambing niya.
"No! Ayokong sumali ka. Huwag mo nang ituloy ang plano mo dahil hindi talaga ako papayag." Bigla siyang tumayo dahil nainis siya.
"Nag-file na ako at mag-start na ang rehearsals next week. Natanggap na ako eh. Please, huwag ka nang magalit. Aren't you proud of me? Bakit ba ayaw mo kasi?" Tanong niya.
"Dahil kung mananalo ka, mababago ang buhay mo. Maraming mag-ooffer sa 'yo sa pag-aarista or di kaya modeling. And eventually iiwanan mo ako. Marami nang nangyaring ganyan na nababasa ko sa news." Galit na sabi niya.
"What? Hindi pa nga nag-start ang rehearsals at ang layo-layo na nang naiisip mo. Masyado ka namang advance. At saka hindi ako sasali sa beauty pageant para mag-aartista or mag-momodel, experience lang ang habol ko dahil nanalo na rin ako sa local eh, kaya gusto ko naman sa national at higher level. Susubukan ko lang kung kaya ko ba. Kung hindi ako mananalo eh, hindi na ako uulit. Promise last nalang 'to. At saka hinding-hindi naman kita iiwan, ano ka ba?" Paliwanag niya habang sumunod kay Benj na pumunta sa sala.
"No." Maikling sagot niya. He took his backpack from the couch in the living room and was about to leave.
"Benj, huwag kang umalis, please? Gabing-gabi na rin eh." Hinaharangan niya si Benj sa pintuan habang nagmamakaawa at umiiyak.
"Babalik nalang ako if you promise me na hindi ka na tutuloy sa contest na 'yan. I strongly oppose your decision. Sorry." Binuksan ni Benj ang door kahit na nakaharang siya at lumabas papunta sa car niya.
"Benj, please, huwag kang umalis." Umiiyak na nagmamakaawa siya hanggang sa may gate dahil lumabas agad si Benj and closed the gate. Then he left.
Umuwi si Benj kahit na maghahating-gabi na. Hindi naman makatulog agad si Demi dahil umiiyak siya. She was worried na rin kung nakaauwi na ba si Benj sa kanila. She kept calling him but he didn't answer.
CHAPTER 17
She called Arra and Nadine the next day and told them what happened. Pinuntahan siya agad ng mga kaibigan niya. Wala rin naman ang mommy niya dahil maagang umalis. They comforted her but encouraged her to join kahit ayaw ng boyfriend niya. Nagulat lang kasi si Benj kaya ganun ang reaction niya but he will understand soon, sabi ng mga friends niya.
Nagsisimula na ang rehearsals at kasama niya palagi ang friends niya dahil very supportive sila. She kept sending text messages to Benj pero hindi siya sinasagot. She tried to call in their landline many times at ang laging sabi ng lola ay he will call back sa cellphone niya at hindi naman nangyayari. Napansin tuloy ng lola ni Benj na parang nag-aaway sila.
Few weeks passed at hindi pa rin siya kinakausap ni Benj. He focused on his teaching and he was hired as a part-time consultant sa isang IT company that was newly built in the nearby town. Pinagbigyan siya ng IT company na magpart-time dahil alam nila that he was a teacher but they were impressed on his record and knowledge. Whole week na ang work niya at wala siyang dayoff at sinadya niya iyon dahil ayaw niyang naiisip lagi ang alitan nila ni Demi kaya gusto niyang lagi siyang busy.
Demi was busy with rehearsals dahil in a few weeks' time ay coronation night na. She wanted to quit dahil mga beterano ang mga kakompetensya niya at ang gagaling talaga nila habang siya ay parang beginner pa lang. Kahit na naka-title na siya ng dalawang beauty pageant ay hindi pa rin iyon sapat para manalo siya. She needs thorough practice and build enough confidence.
She wanted to hire a trainer pero hindi sapat ang budget niya dahil nakalaan na ito sa mga susuotin niya lalo na sa gown niya. After dinner she tried to convince her mom to help her spend for a trainer.
"Mom, please, tulungan niyo naman po ako. Are you not proud of me na sasali sa ganito kalaking beauty pageant po?" Pakiusap niya sa mom niya habang nasa kanyang mini-office nagbabasa ng mga documents.
"Naku, Demi, kung nagpatuloy ka nalang sana sa law school I would definitely support you kahit na magkano. Pinahirapan mo lang ang sarili mo diyan." Sabi ng mom niya.
"Mom, ayoko talagang maging abogado, you knew it even before pa, di po ba? After sa competition na ito maghahanap na ako ng work at babayaran ko po ang mga nagastos niyo po sa akin. Sige na please." Pakiusap niya.
"Huwag ka nang mag-hire ng trainer dahil hindi ka rin naman mananalo. Mga experts na 'yang kakompetensya mo samantalang baguhan ka pa lang. E-enjoy mo nalang 'yang experience without spending too much." Sabi ng mommy niya.
"Akala ko pa naman you will support me dahil anak niyo ako at may magandang opportunity akong sasalihan na hindi lahat ng mga babae ay ma-experience nila. I was even hoping for your moral support if you can't support me financially. But instead, you are trying to discourage me and made me feel na hindi ako karapat-dapat sa competition na ito. Ikaw na nag-iisa kong pamilya na inaasahan ko sa lahat ng oras, sa lahat ng bagay, sa lahat ng pagkakataon, sa mga tama at mali ko, sa lahat lahat... ikaw pa ang walang pakialam sa akin." She was crying and can't hold on her emotions anymore. "Bakit ba parang ang galit mo sa tatay ko ay parang binabato mo sa akin? Pero kahit na ilang beses mo na nasaktan ang damdamin ko I can't despise you for that dahil hindi ako makakarating kung ano ako ngayon if not because of you. Malaki ang utang na loob ko po sa inyo at habangbuhay ko pong tatanawin 'yan... Wala po akong kasalanan kung ano man ang kasalanang nagawa ng tatay ko sa inyo kaya... can you please at least be a mother to me?" Then she left her speechless.
CHAPTER 18
She went to her bedroom and was deeply crying. She needed Benj at that moment pero hindi naman siya kinakausap nito. Iyak siya ng iyak dahil marami siyang hinanakit sa mommy niya pero hindi niya ito kayang kamuhian.
Maya-maya ay kumatok ang mommy niya. She wiped her tears as she opened the door. She was just silent and left the door open for her to come inside. Her mom slowly closed the door and walked through her desk and saw the old pictures and old bookmark she found from the storage room. Nabigla siya at nag-alala na baka magagalit na naman ang mom niya but her mom just smiled instead as she kept staring at the pictures. Kinuha niya ang old bookmark and showed to Demi ang nakasulat sa likod.
"Si Nic." She smiled. "Nicanor Santiago. That's your father's name." Umupo ang mommy niya sa bed sa tabi niya. "I was so in love with him when we were in college. Working student siya sa computer department ng school namin kaya matagal niyang natapos ang computer course niya. I was in law school already when we met. Ikinahihiya ko siya dahil working student siya at mayayaman ang boyfriends ng mga friends ko kaya nilihim ko ang relationship namin. Mabait naman talaga siya and very romantic kaya na-in love talaga ako sa kanya... at 'yon na nga nabuntis niya ako dahil palagi akong pumupunta sa boarding house niya." Nakangiting kwento ng mommy niya.
Naalala niya ang resibo sa desk ni Benj doon sa kwarto niya na Nicanor ang name ng shop. Tahimik lang siyang nakikinig sa kwento ng mommy niya.
"Mabuti nalang at final exams na nang mabuntis ako at hindi nasayang ang isang semester. I decided to leave him dahil feeling ko wala akong future sa kanya. Mas nanaig kasi ang pride ko kesa love kaya umuwi ako sa province ng lolo mo dahil tinago ko ang pagbubuntis ko sa mga friends ko. I confessed everything to your lolo dahil alam kong hindi niya ako pagagalitan. Pero pinagalitan talaga ako ng lola mo ng malaman niya. But I never told them your father's name dahil hindi naman importante 'yon. I faced the reality alone. Gusto kitang ipalaglag pero mas lalong nagalit ang lola mo kaya tiniis ko ang nine months at nagtago away from all of my friends. I went back to law school after you were born at iniwan kita sa lolo at lola mo at sa yaya. When I finished my law school at namatay na rin sina mom and dad, wala akong magawa kaya kinuha na kita when you were about five years old. Ang kulit mo kasi dati noong maliit ka pa kaya minsan naparusahan talaga kita." Then her mom was silent for a moment.
"Did you ever regret na iniwan mo siya?" Tanong niya sa mom niya.
"Yeah. Dahil alam kong mabait siya at masipag at mabubuhay naman siguro kami kung nagkatuluyan... but that was a very long time ago and I don't want to think about it na. Nilibing ko na lahat sa limot kaya I never mentioned it to you until now. Kaya don't waste your time nalang searching for your real father dahil mahirap na hanapin 'yon. Hindi ko kasi alam ang buong pagkatao niya. One year lang naman kasi kami nagkakilala. Hindi ko nga alam kung saan probinsya sila basta ang importante lang masaya kami at mahal namin ang isa't isa noon." Then she stood up and was about to leave. "You call me in the office tomorrow morning dahil I will look for a trainer for you." And then she left.
Tumulo uli ang luha niya after all what she heard tonight. It was overwhelming but she needed to do something. Natuwa na rin siya at sa wakas ay sinabi na ng mommy niya ang totoo and was hoping na mahanap niya talaga ang tatay niya. Naalala niya ang resibo sa desk ni Benj. It was past nine in the evening kaya maaga pa at subukan niyang tawagan uli si Benj. Si Juliana ang nakasagot.
"Hello, Juliana, nandiyan na ba ang kuya mo?" Tanong niya agad.
"Kararating lang talaga ate. Ibibigay ko 'tong phone sa kanya sandali lang." Sabi ni Juliana.
"No, huwag na. Tanungin mo lang kung ano daw apelyido ni Mang Nicanor, 'yong suki niya na computer shop." Sabi niya.
"Kuya ano daw apelyido ni Mang Nicanor 'yong sa computer shop? Nagtatanong si Ate Demi." Narinig niya sa phone sa kabilang line. "Sabihin mo I'll call her later." Narinig niya si Benj.
"No, Juliana. Hindi na niya kailangan tumawag mamaya. Isang sagot lang talaga ang kailangan ko at kulitin mo siya, please." Pakikiusap niya.
"Kuya!" Sigaw ni Juliana uli sa kabilang line. "Apelyido lang ni Mang Nicanor, ano ka ba? 'Yan lang naman ang pakay ni Ate Demi at hindi mo pa masagot agad."
"Santiago!" Narinig niya sa kabilang line si Benj. "Santiago daw po ate." Sabi ni Juliana. "Nag-away po ba kayo at ayaw ka niyang kausapin?" Nagtataka na si Juliana.
"Mag-usap nalang tayo uli at may very important akong gagawin ha. Thank you talaga. Miss you!...bye." Nagmamadali siyang nagpaalam.
She opened her laptop and searched the address ng mall kung saan nandoon ang computer shop ni Mang Canor at pupuntahan niya bukas. Hindi pa kasi niya kabisado dahil isang beses lang siya nakapunta doon noong dinala siya ni Benj. Mag-absent siya sa rehearsal sa morning. Di bale na kung tatanggalin siya basta ang importante makaharap at makausap niya si Mang Canor.
CHAPTER 19
Maagang umalis si Demi kinabukasan dahil isang oras ang biyahe niya at para makabalik agad siya dahil may rehearsals siya buong araw. Naalala naman niya kahit papano ang daan papunta sa probinsya nina Benj. Excited at kinakabahan siya.
Kabubukas lang ng mall nang dumating siya at tamang-tama na hindi pa masyadong matao. She went directly to the computer shop. Binasa niya ulit ang name ng shop sa labas, Nicanor Internet and Computer Shop. Wala pang customer dahil kabubukas lang at pumasok siya.
"Good morning, po ma'am. Ano hong kailangan niyo?" Tanong ng isang sales staff na babae.
"Good morning po. Andito po ba si Mr. Nicanor Santiago?" Tanong niya at kinakabahan siya.
"Hindi pa po dumating ma'am, pero parating na po iyon." Sabi ng staff.
"Kailangan ko siyang makausap ng personal, importante lang. Hintayin ko nalang siya dito sa labas." Sabi niya.
"Sige po ma'am. Parating na po iyon baka nasa baba lang." Sabi ng staff.
She waited outside sa may lobby at patinging-tingin sa mga boutique sa kabilang lobby. Naaliw siya sa mga display at hindi napansin na dumating na at pumasok na si Nicanor sa loob ng shop. Tinawag siya ng staff para papasukin.
Lalong lumakas ang kaba ng dibdib niya nang pumasok siya at nakita si Nicanor na nakatayo at hinintay siya. Ito nga ang nasa lumang picture na nakita niya sa stockroom kaso medyo may edad na. Matangkad at matipuno. At hindi naman kaduda-dudang ma-in love ang mommy niya dahil may itsura. Tall, dark and handsome, 'ika nga. Natimimi muna siya saglit at titig na titig sa mukha nito dahil kahit papano ay napansin niyang kamukha naman niya talaga.
"Good morning, miss." Tanong ni Nicanor agad at nagulat sa kaharap niya. "Ano'ng maipaglilingkod ko sa inyo?" Titig na titig din siya sa mukha ni Demi.
"Good morning din po. Kayo po ba si Mr. Nicanor Santiago?" Tanong ni Demi.
"Ako nga." Titig na titig pa rin sa mukha niya si Nicanor.
"Pwede po ba kayong makausap nang personal?" Nahihiyang tanong niya.
"Sige dito tayo sa loob." Pinapapasok siya sa loob sa medyo maliit nilang office. Maraming nagkalat na mga computer boxes napansin niya. "Pasensya ka na at ang gulo dito." Nakangiting sabi niya. "Umupo ka." He offered a visitor's chair na nasa harap ng desk niya.
"Parang may kamukha ka yata." Parang nag-isip si Nicanor saglit. "Ano bang maipaglilingkod ko sa inyo? Pwede ko bang malaman ang name mo?"
"Ako po si Demi Madrigal. Kilala niyo po ba ang mommy ko, si Demetria Madrigal?" Tanong niya.
He was shocked and speechless for a moment. He tried to examine her face again at naisip na kamukhang-kamukha niya talaga ang mommy niya.
"Yes, kilalang-kilala ko siya. At hindi maipagkaila na anak ka niya dahil kamukhang-kamukha mo talaga siya. Kumusta na siya? At bakit mo 'ko kailangang makausap?" Nalilito pa rin siya at very curious sa mga sagot niya.
"Kayo ho ang tatay ko." Tumulo na ang luha niya. Kinuha niya ang lumang pictures sa bag niya. "Nakita ko po ito sa lumang maleta ni mommy. I've been wanting to search for you kasi, at ayaw akong tulungan ng mommy ko kaya ako na po ang gumawa ng paraan. She didn't tell me your real name until last night." Kumuha uli siya ng mga pictures nila ng mommy niya para naman maniwala si Nicanor na totoo ngang anak siya ni Demetria.
"Buntis si Dee nang iniwan niya ako?" Nagulat si Nicanor. Dee ang tawag ni Nicanor sa mommy niya at Nic naman ang tawag ng mommy niya kay Nicanor. "Hindi ko alam na buntis pala siya ng iniwan niya ako. Pwede bang malaman ang age mo?"
"Twenty-two na po ako. Ang sabi sa akin ni mommy dati, kayo daw po ang umiwan sa kanya. She just told me last night the whole story na siya pala ang umiwan sa 'yo at hindi niyo po alam na buntis siya ng umalis at hindi na kayo nagkita muli." Umiiyak siyang nagkwento. "Gusto niyo po bang magpa-DNA test ako to ma-confirm?"
"No, hindi na kailangan." Biglang tumayo si Nicanor at niyakap siya. Tumulo ang luha ni Canor sa tuwa.
"Pwede ko po ba kayong tawaging daddy or tatay?" Yumakap na rin siya ng mahigpit habang umiiyak.
"Of course, of course!" Sagot niya at hinalikan siya sa noo. Tumitig siya sa mukha ng anak niya. "Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal ang mommy mo noon. Kahit isang taon lang kaming nagsasama ay punong-puno iyon ng pagmamahal. Mahirap lang kami at mayaman ang mommy mo kaya alam ko ang dahilan kung bakit niya ako iniwan noon." Niyakap niya uli ng mahigpit si Demi. "Isang taon nalang at matatapos ko na ang kurso kong Computer Science noon at umaasa akong babalik siya at hanapin ako sa school namin pero hindi talaga siya bumalik. Araw-araw kong pinuntahan ang dormitory niya nagbaka-sakaling makita ko siya doon pero wala talaga. Alam ko na rin na nagtransfer na siya ng school kaya nang mawalan na ako ng pag-asa at naka-graduate, sinikap kong kalimutan siya at tinanggap sa sarili ko na hindi talaga kami para sa isa't isa." He paused for a few moments. "At hindi man lang niya sinabi sa akin na buntis pala siya. At ikaw pala ang anak namin."
Damang-dama niya ang kasiyahan sa mukha ng tatay niya. At nakalimutan na niya na kanina pa siya tinatawagan ni Arra dahil wala siya sa rehearsals.
"Gustong-gusto ko pa pong magtagal at magkwentuhan tayo pero may importanteng lakad po ako talaga. Nag-absent lang po ako dahil mas gusto ko pong makita kayo agad. Pwede po ba akong bumalik kapag natapos ko na ang mga ginagawa ko? Hindi po ba kaya magagalit ang family mo if they know about me?" Tanong niya dahil akala niya pamilyado ang tatay niya.
"I never got married." Nakangiting sabi ni Canor. "Pero may nabuntis akong girlfriend dati after sa amin ng mommy mo pero namatay ng manganak siya. Meron kang half-sister si Bea at nasa bahay. Magka-college na rin siya. Tatay nalang ang itawag mo sa akin dahil tatay ang tawag ni Bea sa akin." Nakangiting sabi ni Canor. Hindi pa rin ito makapaniwala na may isa pa pala siyang dalaga. "Kung hindi ka sana nagmamadali ay isasama kita sa bahay ngayon na."
"How I really, really wish po pero may very important po talaga akong lakad. Kapag natapos ko po itong ginagawa ko magbabakasyon po ako sa inyo kung papayag po kayo." Sabi ni Demi.
"Of course, very welcome ka sa bahay ko anytime. Alam ba ng mommy mo na pumunta ka dito?" Tanong ni Canor.
"Hindi po at hindi ko rin po muna sasabihin sa kanya dahil nagkatampuhan po kasi kami." Tumayo na siya dahil magpapaalam na siya at isang oras pa ang byahe na pabalik sa syudad. "I really have to go na po. I promise babalik po ako as soon as I can."
"Ihatid na kita palabas." Lumabas sila sa maliit na office. Sakto at wala pang customer kaya pinakilala siya sa mga tauhan ni Canor sa shop. "Guys, I want you to meet my other beautiful daughter na si Demi."
"Ma'am, namukhaan ko po kayo. Kayo yata 'yong isang kandidata sa Miss Philippines, ano?" Tanong ng isang staff ng tatay niya at nahiya siya.
"Paano niyo po ako nakilala ate?" Nahihiyang tanong niya at nagulat si Nicanor sa narinig niya.
"Nakita ko po kayo sa TV nang pinalabas ang lahat ng mga kandidata ng Miss Philippines at parang isa kayo sa na-interview ng host. Mahilig kasi akong manood ng mga beauty contest." Natawang kwento ng sales staff.
"Totoo anak?" Tanong ng tatay niya.
"Opo." Nahihiyang sagot niya. "At 'yan po ang dahilan kung bakit nagmamadali po ako dahil kanina pa ako hinahanap sa rehearsal. Di bale nang tanggalin nila ako 'tay basta nakita at nakausap ko po kayo."
"Aba'y hindi pwede at very proud kaming susuporta sa 'yo. Lalo na si Bea na mahilig din manood ng mga ganyan. Halika ihatid na kita palabas para makahabol ka pa sa rehearsal. Manonood talaga kami sa coronation night niyo."
Masaya silang nagkwentuhan hanggang sa parking lot. Nagyakapan uli silang mag-ama bago umalis si Demi.
CHAPTER 20
It was a Saturday evening full of beauty and glamour. Demi was nervous but she didn't care kung manalo or matalo dahil ang importante sa kanya ay nahanap na niya ang tunay niyang ama. Nasagot na lahat ng katanungan sa pagkatao niya at buong-buo na siya. Nakalimutan na rin niya ang alitan nila ni Benj sa sobrang busy.
Kahit kulang pa siya sa experience sa mga beauty contest ay confident naman siya na kaya niya. She only needed enough experience but she has the height, the beauty and brain. Magaling din naman siyang rumampa dahil sa sobrang ensayo kahit hindi natuloy ang pag-hire ng trainer niya.
An hour before the pageant started ay tumawag si Benj dahil hindi niya rin matiis. Pero sa Arra ang nakasagot dahil busy na si Demi.
"Sir Benj, si Arra po ito. Busy na talaga si Demi at parang hindi mo na pweding kausapin at this moment. Sabihin ko nalang mamaya na tumawag kayo." Sabi ni Arra.
"No, Arra. Huwag mo nalang sabihin. Tatawag nalang ako mamaya after the event kung libre na siya." Sabi ni Benj.
Excited silang lahat doon sa probinsya na manonood ng pageant ni Demi at si Benj lang ang parang hindi. Nasa kwarto lang siya reading a book while nasa sala ang lolo at lola niya at si Juliana nanonood sa TV. Kahit hindi mahilig sa beauty contest ay napilitang sumilip ng lolo niya dahil proud na rin siya na nakasali ang girlfriend ng apo niya. Alam nilang nagkatampuhan silang dalawa dahil ayaw ni Benj na sumali si Demi pero alam nilang magkaayos din sila after the event.
Nanood din ang mommy ni Demi sa convention center mismo kasama ang ibang friends niya na mga abogado at pati na rin ang tita niya. Pumunta rin doon ang tatay niya at si Bea para susuportahan siya. Tumawag sila kay Demi to let her know na nandoon sila at si Arra lagi ang nakasagot. Sinabi naman ni Arra sa kanya na nandoon ang mga family niya manonood para mas lalo siyang ma-inspire. Demi told her closed friends na rin kasi na nahanap na niya ang tatay niya. At sinabi rin ni Arra na tumawag si Benj kanina.
Nagsimula na ang event at kinakabahan din naman si Benj kahit papano para sa girlfriend niya. Hindi siya mapakali at laging lumalabas para sumisilip sa TV at papasok na naman uli sa kwarto niya. Nagsisisi siya na sana ay nandoon siya mismo sa convention center to support her but it was too late.
Tuwang-tuwa talaga silang makita si Demi napaka-sexy na rumampa sa swimsuit portion at sigurado silang mananalo ito. At nakasama nga siya sa top ten finalist. Sumilip na naman si Benj dahil sumigaw si Juliana nang makasali si Demi sa top ten. Natulog na rin ang lolo niya dahil antok na antok na.
She was stunning in a black, long-sleeved, glittering, evening gown that covered every curve of her body in front but very open at the back, and a long slit in front exposing her legs up to her thighs. She looked so very daring but still elegant. Her simply ponytailed long hair freely swaying at her back whenever she moved.
Kinakabahan na naman si Benj at umupo na rin sa sala dahil gusto niyang makinig sa question and answer portion. Mas lalong sumigaw si Juliana at lola niya nang mapasok na naman sa top five si Demi. At doon sila may question and answer portion sa top five para piliin na kung sino si Miss Philippines.
Demi was the last candidate to answer for the question and answer portion. She picked the last piece of paper from the bowl and the host read the question twice.
"What significant challenge or challenges have you had in your life apart from joining this event and how did you overcome it?" The host asked.
She smiled before she talked. "Good evening, everyone!... I was raised by a single mom and growing up from an incomplete family was a great challenge since I was young. I sometimes came home from school crying. My mom taught me how to fight in a good way and encouraged me to go on with my life even in our odd situation because this challenge will always be a part of my life for years. When I was mature enough, I realized I am still blessed because my mom gave me a comfortable life in which some unfortunate children didn't have despite of having both a mother and a father." She smiled and the audience applauded. "But I am also thankful to my father for giving me a life of course." She added and grinned. "And I'm also thankful to my boyfriend who fought for me when we had a very difficult situation because I used to be his student and a teacher-student relationship was such a taboo in our school and even to most schools in our country. But we were able to overcome that challenge by facing the reality that we can't be together in the same school so he decided to give up his career so I can finish my degree. Thank you!" Her one-minute timer was up. The audience even more applauded.
The judges were very impressed. Her mom was teary eyed as she heard her answers. Her father was very happy and pleased and wished he can hug her at that very moment. Her boyfriend was overjoyed, and he can feel how proud and grateful she was to have him as her boyfriend.
Fourth runner up lang siya pero panalo na rin siya sa mga puso ng mga taong nagmamahal sa kanya. Magaling naman talaga siya pero hindi pa siya handang isubok sa mga international pageant kaya fourth runner up lang siya. Everyone was very happy and Benj can't wait to see her and hug her soon.
Pagod na pagod siya pag-uwi sa bahay at madaling araw na. Sinamahan siya nina Arra at Nadine at doon na rin natulog sa bahay nila. Hindi na niya napansin ang daming missed calls ni Benj at ng tatay niya at nakatulog agad sa sobrang pagod. Bukas na niya iisipin ang mga susunod niyang hakbang sa buhay niya dahil natapos na rin ang pangarap niyang makasali sa national beauty contest.
CHAPTER 21
Masaya silang nag-lunch sa bahay nila the next day kasama ang closed friends niya. It was like a little celebration na rin after the event na pinahanda ng mommy niya. Sinabi ni Demi sa kanila as they were enjoying their lunch na hindi na siya sasali pa uli sa mga beauty contest dahil nakakapagod at nakakagutom. Kumain talaga siya ng marami dahil hindi siya pinakain ng marami in the past few weeks.
Hindi na naman siya agad makatulog on that Sunday evening. Tumawag si Benj pero hindi niya sinagot dahil nagtampo pa siya. Tinawagan niya nalang ang tatay nya at nagkwentuhan sila bago nakatulog.
The next few days ay may mga commitments pa siyang sasalihan na kasama sa pagkapanalo niya sa Miss Philippines. Tatapusin niya muna ang mga ito at pagkatapos ay pupuntahan niya ang tatay niya sa probinsya. She started receiving offers as a commercial model but she strongly declined dahil iyan ang pinakadahilan kung bakit nagtampo si Benj sa kanya. Mahal na mahal niya si Benj kaya hindi niya kayang ipagpalit na kahit sino or ano.
Naisip ni Benj na nagtatampo na rin si Demi sa kanya dahil si Demi na naman ang hindi sumasagot sa mga tawag niya. Hinayaan niya nalang muna ito at dadalawin niya when the summer class ended. Wala na kasi siyang oras kahit weekend dahil nga consultant na siya sa isang IT company at nagtuturo naman during weekdays. Almost three months silang hindi nagkikita at sobrang miss na niya ang girlfriend niya.
Matapos ni Demi ang mga commitments niya ay nagpasya siya na magbakasyon sa tatay niya. She didn't tell her mom but she told her na magbabakasyon siya for a few days lang. Tuwang-tuwa ang tatay niya nang dumating siya sa shop at nag-congratulate lahat ng mga staff pati na rin mga customers doon na nakilala siya. Proud na proud ang tatay niya.
Dinala siya ng tatay niya sa bahay at first time niyang makilala si Bea, ang half-sister niya. Sixteen years old na si Bea at college na sa susunod na pasukan. Magkasing-edad lang sila ni Juliana. Sa state university si Bea mag-aaral where Benj was teaching at kukuha na rin ng computer course. Masaya silang nagkwentuhan while having lunch at hindi na muna bumalik sa shop ang tatay niya para samahan muna siya sa bahay.
Gusto niyang matotoo sa lahat ng gawaing bahay kaya nagpapaturo siya kay Bea dahil masipag ito at si Bea rin ang inaasahan ng tatay niya sa mga gawaing bahay. Kahit may isang katulong din sila pero dinisiplina ni Canor ang anak niya at kailangan marunong sa mga gawaing bahay.
Napag-isipan na rin nang tatay niya na tutulung nalang siya sa computer shop at hindi nalang mag-aapply ng work dahil maganda naman ang takbo ng shop. After a few days na namamalagi doon sa bahay ng tatay niya ay napag-desisyunan niyang doon na muna mamalagi dahil masaya na siya at nagagamit pa niya ang kurso niya. She called her mom nalang everyday to check on her but still hindi niya sinabi kung nasaan siya. Ang akala ng mommy niya ay nandoon siya sa bahay nina Benj pero nagulat ito ng dumating si Benj sa bahay nila.
"Good afternoon po, madam. Pwede ko po bang makausap si Demi?" Sabi ni Benj habang sinalubong siya ni Atty. Madrigal sa may gate at binuksan.
"Good afternoon, Benj." Nagulat ang mommy niya. "Akala ko ba nasa inyo si Demi nagbabakasyon at ilang araw na siyang hindi umuuwi dito."
"Really?" Nagulat din si Benj. "Wala po siya sa amin dahil nagkatampuhan po kami mula noong sumali siya sa Miss Philippines dahil hindi po ako pumayag. Mahigit three months na nga kaming hindi nagkikita at miss na miss ko na talaga siya that's why I'm here to see her."
"Ano? Nasaan kaya ang babaeng iyon?" Nag-alala na ang mommy niya. "But she calls me everyday naman para kumustahin. Masaya nga siya tuwing tatawag siya sa akin."
Hindi mapakali si Benj at alalang-alala na siya kung saan kaya si Demi. Iba na ang takbo ng isip niya at ito na ang kinatatakutan niya kung sakaling nanalo si Demi sa contest. Pinaupo muna siya ni Atty. Madrigal sa sala at nag-isip kung saan kaya si Demi. Naisipan niyang tawagan si Arra or si Nadine at si Nadine ang nakontak niya agad. Alam naman ng dalawa kung nasaan si Demi pero hindi sinabi ni Nadine dahil pakiusap ito ni Demi sa kanila. She just promised him that Demi was enjoying her vacation in a family that she had always dreamt of and that he doesn't need to worry. Magkaayos din sila soon pangako ni Nadine sa kanya dahil nami-miss na rin daw siya ni Demi.
"Hello anak, nasaan ka ba ngayon at andito si Benj sa bahay." Tinawagan siya ng mommy niya dahil nag-alala na ito kung nasaan siya. "All this time I was thinking na nasa kanila ka but I was surprised ng dumating si Benj kanina at gusto kang makita."
"Hi mommy! Don't worry po maayos lang po talaga ako dito. Please tell him nalang na tatawagan ko po siya mamaya kapag hindi na ako busy." At nagpaalam agad siya sa mommy niya.
Parang nag-boomerang sa kanya ang dati niyang pag-iiwas sa mga tawag ni Demi sa kanya. Nasasaktan siya at nag-alala kung baka nakahanap na siya ng iba. Nagpaalam siya na umuwi nalang and they will update each other kapag may alam na sila kung nasaan si Demi.
CHAPTER 22
Malungkot siyang umuwi. Hindi siya mapakali at alalang-alala kung nasaan kaya si Demi. Nag-isip siya ng mabuti kung anong gagawin at hindi niya kayang mawala si Demi sa buhay niya.
Nang makarating sa bayan nila at nadaanan ang mall na kung saan nandoon ang computer shop ni Canor ay naalala niya ang huling tawag ni Demi sa bahay nila na si Juliana ang kausap, nagtatanong kung anong pelyido ni Mang Canor. Nagtataka siya bigla kung bakit kaya ito natanong ni Demi. Naisipan niyang dalawin nalang bukas si Mang Canor dahil gabi na rin at pagod na siya.
Pinuntahan ni Benj si Mang Canor the next day dahil hindi pa naman siya busy. After lunch na siya pumunta at naisipan na mamasyal saglit sa mall kung baka may magustuhan siyang bilhin at pagkatapos ay dumaan sa computer shop.
"Mang Canor, kumusta po?" Bati niya agad ng pumasok sa loob ng shop. Pinapapasok siya sa loob sa maliit na office para mag-usap. "Salamat talaga sa tulong niyo po at nakapasok agad ako sa state university. Sa pasukan full load na agad ako kaya susulitin ko ang natitirang vacation days ko ngayon." Masayang balita ni Benj kay Canor.
"Talaga? Mabuti naman at congrats. Si Bea kumuha rin ng computer course baka maging student mo siya at huwag mong pababayaan ha. At may magandang balita ako sa 'yo. Alam mo bang meron pa pala akong isa pang napakagandang anak sa isa kong girlfriend noon na iniwan ako bigla. Iniwan niya ako at hindi sinabi na nabuntis ko siya... basta mahabang kwento. At ngayon andito kapiling ko na siya. Ipakilala ko siya sa 'yo pagdating niya at nagpunta lang sa banko dahil mag-oopen siya ng account niya dahil tutulungan niya ako sa business ko." Masayang kwento ni Canor sa kanya.
"Really, Mang Canor? Napaka-exciting naman ng storya ng buhay mo." Nakangiting sagot ni Benj. "Paano ka niya natunton dito? Paano niya nalaman na ikaw ang ama niya?"
"Aba, nakalimutan ko palang itanong sa kanya kung paano niya ako natunton dito. Madali lang naman ngayon maghanap ng kung ano dahil sa internet kaya hindi ko na rin naisip 'yan sa sobrang excitement ko." Natawang sabi ni Canor. At nang biglang dumating si Demi.
"Tay, kailangan ko po pala..." Nagulat siya ng makita si Benj na nakaupo sa harap ng desk ng tatay niya sa loob at lumabas siya agad.
"Demi, wait!" Habol ni Benj sa kanya at tumayo siya para sundan si Demi sa labas. Hindi na niya naabutan dahil mabilis na umalis si Demi papunta ng CR ng mall.
Nagulat si Canor sa nakita niya. Hindi niya akalain na magkakilala pala sila. At nagtataka kung bakit umiwas bigla si Demi ng makita si Benj. Bumalik si Benj para kausapin uli si Canor. Sinabi ni Benj kay Canor na girlfriend niya si Demi at nagkatampuhan sila. At saka niya na-realize kung bakit tinanong ni Demi kung anong apelyido ni Nicanor noong huling tawag sa bahay nila.
Hindi na bumalik si Demi sa shop at umuwi nalang. Hindi pa siya handang harapin si Benj dahil nagtampo pa rin siya. At hindi na rin maiiwasan na magkikita sila uli ngayong alam na ni Benj ang totoo.
Natuwa naman si Canor nang malaman na boyfriend pala ng anak niya si Benj dahil mabait at matagal na niyang kilala. Tinawagan ni Canor si Bea para maghanda ng hapunan at isasama niya si Benj. Maaga siyang nagpaalam sa mga sales staff niya. Pumayag naman si Benj na isama siya dahil gustong-gusto niyang makausap si Demi. Nag-convoy nalang sila papunta sa bahay ni Canor dahil first time pa pala ni Benj na pumunta sa bahay niya.
Nagtataka si Bea ng makitang may kasunod na kotse ang tatay niya na nagpark sa harap ng bahay nila. Tinitingnan niya silang dalawa na magkasamang papasok sa loob ng gate nila.
"Ate, may gwapong kasama si tatay ngayon ah. Kaya pala nagpahanda ng masarap na hapunan dahil may bisita siya at ang gwapo pa." Nakakilig na sabi ni Bea.
Alam na agad ni Demi kung sino ito. Nang makita niya sa may bintana ng sala ang dalawa na papasok ay bigla siyang nagpaalam kay Bea.
"Bea, pakitingin nalang ng sinaing ha dahil may gagawin ako sa kwarto." Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto niya.
Hinanap siya agad ng tatay niya habang pinaupo sa sala si Benj at dinalhan ni Bea ng malamig na juice. Sinabi ni Bea na pumasok bigla sa kwarto ng makita sila at pinuntahan siya agad ng tatay niya.
"Anak, pwede ba kitang makausap sandali?" Tanong ng tatay niya sa may pintuan ng kwarto niya.
Demi slowly opened the door. "Bakit po 'tay?" Tanong niya kahit na alam niya ang pakay nito.
"Pwede bang kausapin mo naman si Benj? Matagal na pala kayong hindi nagkikita at hindi mo ba siya nami-miss?" Tinutukso siya ng tatay niya. "Alam kong miss na miss mo 'yan kaya huwag mo na pairalin ang pride mo at harapin mo na, okay? Sige na harapin mo dahil matagal ka na raw niyang gustong makausap."
She was just silent. Tama naman ang tatay niya na miss na miss na niya talaga si Benj pero ma-pride siya. Hindi siya makasagot agad at nagpapakipot pa.
"Paakyatin ko siya dito para mag-usap kayo ha? Okay lang sa akin mag-usap kayo dito sa kwarto mo para may privacy, hindi naman ako masyadong conservative." Biro ng tatay niya. "Sisigaw ka lang kung may masama siyang balak sa 'yo." Natatawang biro niya at tumawa na rin si Demi.
"Tay naman huwag nga kayong magbiro diyan. Hindi po madali ang pinagdaanan namin kung alam mo lang." Sabi niya.
"Alam ko kaya nga mag-usap kayo. 'Yan ang pinakaimportante sa relationship, ang pag-usapan ang lahat na bagay na hindi napagkasunduan. Paano niyo ma-resolve ang problem niyo kung hindi kayo nag-uusap? Papapasukin ko siya dito ha?" Lumabas siya at sinabi kay Benj na okay lang na doon sila mag-usap sa kwarto ni Demi.
CHAPTER 23
He knocked slowly and Demi opened the door for him to come inside. He closed the door slowly soon as he came in and was just standing behind the closed door staring at her sitting crossed leg in her bed playing the pillow with her hands.
"Congratulations pala." He smiled. "I was so touched with your answer sa question and answer portion niyo, nakaka-proud talaga, nakakataba ng puso."
She was just listening. Gusto niyang yakapin si Benj pero may konti pa siyang pagtatampo.
"Alam mo bang nag-alala talaga ang mommy mo ng malaman niya na wala ka pala sa amin nagbabakasyon? 'Yon kasi ang akala niya at nagulat siya ng pumunta ako sa bahay niyo dahil gusto kitang makita. I assured her na nasa mabuting kamay ka lang kahit na sobrang nag-alala na rin ako. Hindi ako mapakali and I tried to call Nadine and she also assured me na you're enjoying your vacation naman... then I remembered the last time you called sa bahay tinanong mo ang apelyido ni Mang Canor kaya naisipan ko siyang dalawin..." Bago pa matapos ni Benj ang sasabihin nito ay tumayo bigla si Demi. She hugged him tight and she started crying.
"I missed you so much." She kissed his lips deeply and Benj hugged her even tightly.
"I missed you so much, too, baby ko." He said after they kissed. He wiped her tears with his fingers. "I'm sorry kung naging madamot ako... sorry sa mga pagkukulang ko sa 'yo, sa lahat, lahat."
"I'm sorry din dahil hindi ako nakinig sa 'yo. Hindi na rin ako sasali uli sa ibang beauty pageant, last na talaga 'yon." Nakangiting sabi niya habang yakap-yakap ang isa't isa.
"Talaga? Promise?" Tanong ni Benj.
"Promise talaga. Enough na 'yong experience ko, kontento na ako." She rested her head on his chest. "Masaya na ako dito dahil kapiling ko na si tatay."
"I'm glad that you're finally home. Halika na at gutom na siguro ang tatay at ang kapatid mo." Sabi ni Benj at hawak-kamay silang lumabas sa kwarto at bumaba papuntang kusina.
"Ba't hindi mo ako ipakilala sa tatay mo?" Biro ni Benj sa kanya.
"Tay, boyfriend ko po si Engr. Benjamin Buendia III." Biro niya at nagtatawanan sila.
"Aba, Benj, apo ka ba ni Ben Buendia Sr., 'yong retired police?" Tanong ni Canor. "Ngayon ko lang na-realize 'yan ah. Kilala ko kasi ang lolo mo."
At masaya silang nagkwentuhan while having dinner.
"Alam mo ang bait talaga ng tadhana sa atin." Sabi ni Benj habang hinatid siya ni Demi sa labas dahil uuwi na at gabing-gabi na.
"Bakit?" Tanong ni Demi.
"Dahil inilapit ka talaga sa akin ng Diyos. Halos magkapitbahay na tayo at kahit na busy ako pwede pa rin kitang dalawin dito araw-araw. Sampung minuto nalang ang byahe ko araw-araw sa halip na mahigit isang oras." Sabi ni Benj. "Pero bakit hindi ka man lang talaga dumaan sa bahay kahit na sina lola nalang ang binisita mo?"
"Nahihiya kasi ako, eh. Nagtampo ka kasi sa akin kaya nahihiya akong dumaan sa bahay niyo kahit na gustong-gusto ko talaga." Sabi niya. "But don't worry, pwede na rin kitang dalawin sa inyo araw-araw. Take turns nalang tayo, ano?" Biro niya. "At paano mo ako natiis na hindi makita in three months, aber?" Nasa tabi na sila ng kotse ni Benj patuloy na nag-uusap.
"Nagpupuyat ako sa trabaho. Wala akong dayoff dahil Monday to Sunday ang work ko. I forgot to tell you pala na part-time consultant na ako sa isang IT Company na bagong tinayo dito. Saturday and Sunday ang work ko doon at pwede ko nang e-work from home ang Monday to Friday dahil alam nilang nagtuturo ako last summer. But this time, MWF na ako sa state university at TTHS na ako sa IT company. At may day-off na ako sa Sunday para may oras naman ako sa baby ko."
"Talaga lang ha." Natuwa naman siya. "Naks! Kumakayod si sir." Biro niya.
"Syempre nag-iipon dahil mag-aasawa na ako." Nakangiting sabi ni Benj.
"Ang swerte talaga nang mapapangasawa mo." Biro niya uli.
Then he kissed her and bade goodnight.
CHAPTER 24
At totoo talaga na halos araw-araw siyang binibisita ni Benj sa bahay nila. Mas lalong tumibay ang relationship nila and it has been almost a year since the first time they met. First day of class ng first semester last year sila nagkakilala sa klase ni Benj. Magsisimula na rin ang klase sa susunod na linggo sa first semester kaya naalala ni Demi na malapit na silang mag-anniversary.
Hinatid ni Demi si Bea sa school on her first day in college. At dahil gusto niya rin makita ang bagong school na kung saan nagtuturo si Benj at nag-aaral si Bea. Kumuha si Bea ng IT course kaya hindi imposible na maging teacher niya si Benj.
Dahil first day ni Bea sa college ay sinamahan niya ito sa paghahanap ng classroom niya at dahil hinahanap niya rin doon si Benj. Nang makita ang classroom ni Benj sa Engineering Department ay inutusan niya si Bea na pumasok at ibigay muna kay Benj ang maliit na card at hindi pa naman kasi nagsisimula ang klase niya. Nagulat si Benj at tumingin sa lobby at nakita niya si Demi na kumakaway.
Nagpaalam si Benj sa mga students niya na lalabas saglit habang umalis na rin si Bea papunta sa kabilang classroom sa first subject niya.
"Hi, Sir Benj!" Biro niya kay Benj habang lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "It was around this time last year, right?"
Natawa naman si Benj sa greetings niya. "Gusto mo bang mag-aral uli sa klase ko?" Biro niya.
"Hinatid ko lang si Bea at pupunta na rin ako sa shop. Gusto ko lang makita ang new school mo. I have to go na rin." Sabi niya as she waved her hand and slowly walked away.
"Thanks, pala dito." He showed the card he was holding.
"Mamaya mo na basahin." Pahabol niya. "See you later."
He read the card quickly before he started his class. Napangiti siya ng binuksan ito at naalala ang unang card na binigay niya last year na may nakasulat – To Sir, with love. Almost the same card na binigay niya last year pero this time ay ginawa niya nalang sa computer. Nilagyan niya pa rin ito nang, To Sir, with love, and Happy Anniversary and then printed it dahil wala na kasi siyang mahanap na ganoong klaseng card.
She called her mom on her way to the shop at kinumusta. She told her na nagkausap na sila ni Benj at nagkaayos na at natuwa naman ang mommy niya. Lagi pa rin tinatanong kung kelan siya uuwi at sinabi niya na dadalawin niya ang mommy niya next week.
Benj also called her mommy during his lunchbreak to let her know na nagkita na sila ni Demi at nagkaayos na rin.
"You know what, Benj? I just realized now kung gaano kalungkot ang buhay ko mula nang umalis si Demi. Kahit na lagi siyang tumatawag sa akin everyday, iba pa rin kapag kasama ko siya at nasa bahay lang siya. I can't force her to come home dahil may sarili na siyang buhay. Hindi na siya ang dating Demi na sunud-sunoran lang sa akin." She started to cry.
"Okay lang po ba kayo madam?" Tanong ni Benj.
"It's her birthday next week. First time niyang mag-birthday na wala ako sa tabi niya. Naisip ko tuloy na baka nahanap na niya ang father niya at nandoon siya kaya hindi niya sinasabi sa akin kung nasaan siya ngayon. Pwede mo bang sabihin sa akin kung nasaan talaga siya?" Tanong ni Atty. Madrigal.
"I want her to tell you po, madam. Ayoko pong manghimasok dahil nirerespeto ko po 'yong decision niya. Pero hayaan niyo po, dadalaw kami next week diyan. Kausapin ko po siya na dadalaw kami diyan para mag-celebrate sa birthday niya na kasama kayo." Sabi in Benj at nagpaalam na sila dahil may klase pa siya.
Benj told her that he called her mommy nang bumisita siya kay Demi sa gabing iyon. Gusto ni Benj na dalawin nila ang mom niya dahil malapit na rin ang birthday niya. Nasa porch sila nag-uusap habang nagpapahangin. They agreed to visit her next Sunday nalang para mag late birthday celebration dahil sa parating na Sunday mag advance birthday celebration naman sila sa bahay ng tatay niya.
"Naks, dalawang beses ako magbi-birthday celebration kung ganun?" Natawa siya. "Sige na nga dahil na-miss ko na rin si mommy. Ano kaya kung papuntahin ko nalang siya dito? Hindi kaya siya magagalit kapag nakita si tatay?" Tanong ni Demi.
"I really don't know. Ikaw mag-decision because it's your birthday and I'll just support you, okay?" Sabi ni Benj. "Sa Sunday nalang tayo mag-celebrate dito dahil free tayong lahat kahit sa Wednesday pa ang birthday mo. Ano bang gusto mo, bonggang party?" Biro ni Benj.
"No, simple lang. Basta mag-salo-salo tayo this Sunday lunch dito sa bahay at isama mo sina lola. Sa next Sunday nalang natin puntahan si mommy para mag lunch din tayo doon." Sabi ni Demi.
CHAPTER 25
Demi finished cooking early for her advance birthday celebration on that Sunday morning. Tinutulungan siya ni Bea at nang katulong. Hinanda na rin nila ang mga desserts kagabi pa. Then she and Benj went to church and then she lighted a candle for her birthday. After church ay sinundo nila ang lolo at lola, at si Juliana. Naghahanda na si Bea at ang katulong sa kusina pagdating nila. Masaya ang tahanan ng mga Santiago on that day.
"Baby, may nakalimutan lang ako at kukunin ko saglit lang talaga ha and I'll be back in twenty minutes." Paalam ni Benj kay Demi.
"Ano? Magla-lunch na tayo. Mamaya nalang kaya 'yan after lunch." Nagtataka si Demi kung anong kukunin niya na hindi man lang makapaghintay mamaya. Baka magpo-propose na siya, naisip ni Demi at parang na-excited naman siya.
"Saglit lang talaga, wala pa namang twelve ah. Twenty minutes lang talaga and I'll be back quickly." Nagpaalam din siya sa mga tauhan na may kukuning very important lang at babalik agad.
He hurried outside and drove his car. He went to the nearest gasoline station at their town and Demi's mommy was waiting for him.
"Hello, madam. Nasaan na po kayo?" Tanong ni Benj nang tinawagan niya ang mom ni Demi.
"Kararating ko lang dito sa gas station na sinasabi mo." Sagot ng mom niya.
Nakita niya ang car ng mommy ni Demi at kumaway siya. Sinabihan niya ito na susundan nalang siya. Nag-convoy sila papunta sa bahay ni Canor.
Nang dumating sila ay nagulat si Demi ng makita ang car ng mommy niya na sumunod mag-park sa car ni Benj. Natuwa siya sa surprise na effort ni Benj.
"Ito na ba ang bahay niyo, Benj? Maganda at cute siya." Tanong ni Atty. Madrigal habang papasok na sila sa gate.
"Hindi po madam." Nakangiting sagot niya. "Dito na po nakatira si Demi. Halika at may ipakikilala po ako sa inyo."
Kinakabahan ang mommy niya nang pumasok sila sa gate at napansin na may maraming tao sa loob na nakatingin sa kanilang pagpasok. Nagulat si Canor at hindi maintindihan ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ng makita ang mommy ni Demi na papasok sa bahay niya.
"Tay, mukhang kayo po ang may surpresa at hindi ako." Biro ni Demi. "Hindi ko naisip to ah. Very thoughtful talaga 'tong boyfriend ko."
"Hello everyone, I want you to meet Demi's mom, si Atty. Demetria Madrigal po. Madam, ito po ang lolo at lola ko, my cousin, Juliana, si Bea, half-sister ni Demi, and of course, si Mang Nicanor po." Masayang pakilala ni Benj sa kanila.
"Nic?" Nagulat ang mommy niya. "Oh my goodness! I never really expected this at nakakahiya naman sa inyo. Nice to meet you all, po."
"Very welcome po kayo dito, mommy... I missed you." Demi hugged her mom. "Bibisita po sana kami ni Benj sa inyo next week, eh. I never thought na e-susurprise niya kami dito." Hinila niya ang mommy niya palapit sa tatay niya. "Tay, hindi naman po siguro kayo galit sa isa't isa kaya I think bigyan na muna namin kayo ng privacy. Don't worry po mom, wala pong asawa si tatay kaya wala pong mananampal sa inyo dito." Biro niya sa mommy niya.
Hindi pa rin makapagsalita ang tatay niya at titig na titig lang sa mukha ng mommy niya.
"Kumusta ka na, Nic?" Inabot niya ang kamay ni Canor at nagkamayan sila.
"Dee, pwede ba kitang imbitahin diyan sa may labas muna saglit lang?" Tanong ng tatay niya sa mommy niya.
"Sure." Sumunod siya kay Canor papunta sa porch para mag-usap sila.
"Mauna na kayong kumain ha." Sabi ni Canor sa mga bisita.
They started eating and enjoyed talking habang seryosong nag-uusap ang dalawa sa may porch. Hindi naman sila mukhang galit dahil nakangiti naman sila.
"Pasensya ka na, Dee, at hindi na muna umuwi sa 'yo si Demi. Ginusto niya kasi na hindi na muna sabihin sa 'yo na nahanap na niya ako at nerespeto ko lang ang desisyon niya. Salamat sa pagpapalaki mo sa kanya na isang mabait na bata. At napakaganda pa." Obviously, he was so happy to see her and kept smiling as they talked.
"Medyo nagtampo 'yan sa akin kaya siguro naisipan na dito na muna tumira. Paano ka ba niya nahanap? It's been twenty three years na pala ano dahil twenty three na ngayon si Demi." Nakangiting sabi ni Atty. Madrigal.
He told her everything in the shortest possible way para hindi magtagal ang usapan nila at dahil gutom na rin sila. She asked for his forgiveness dahil siya naman talaga ang may kasalanan dahil iniwan niya si Canor at tinanggap naman ni Canor dahil sa napakatagal na panahon na ang lumipas.
"Ate, parang kinilig yata ako. Pero sa tingin mo, may chance pa kaya ang mommy mo at si tatay na magkabalikan?" Tanong ni Bea.
"We'll see." Nakangiting sagot ni Demi. "Benj, thank you talaga sa surprise mo. Nakakakilig naman tingnan 'yong reaction ng dalawa kahit na matatanda na sila."
"Sa tingin ko, mauunahan pa tayong magpakasal diyan." Sabi ni Benj.
"Naku, hindi pweding magkasabay o magkasunod ang kasal niyo sa iisang taon at sukob iyan." Sabi ni lola Nida.
"Naku! Nag-uusap pa lang ang dalawang 'yan at kasal na agad ang nasa isip niyo." Sabi ni lolo Ben.
"Lolo, hindi naman po imposibling mangyari 'yan dahil may anak nga sila." Sabi ni Juliana.
"I'd be the happiest kung magkatotoo ang lahat ng ito." Bulong ni Demi kay Benj. "Mabubuo na ang pangarap kong family. Hindi pa naman huli ang lahat, eh."
He smiled at her. "I know." Magkatabi sila na nakatayong kumakain at nagsusubuan dahil hindi na sila kasya sa dining table.
Maya-maya ay pumasok na si Canor at Atty. Madrigal. Sumabay na rin sila sa kainan at masayang nakipagkwentuhan. Kitang-kita sa mukha ng tatay niya ang kaligayahan na ngayon lang nila nakikita. Inalagaan niyang mabuti ang mommy ni Demi at pinaupo sa dining table dahil tumayo na rin si Bea at tapos na siya. Binigyan niya ng pinggan at nilagyan ng mga pagkain.
"Alam mo bang si Demi ang nagluto ng ibang putahe dito? Ito tikman mo." Sabi ni Canor kay Atty. Madrigal.
"Aba marunong na pala siyang magluto?" Natuwa naman si Atty. Madrigal.
"Nagsasanay na po siya madam, dahil mag-aasawa na daw po siya." Biro ni Benj habang nagpupunas ng kamay after maghugas dahil tapos na silang kumain ni Demi.
"Ano? Loko-loko ka talaga." Sabi ni Demi kay Benj.
"Bakit, hindi ka pa ba handa? Kelan ka maging handa?" Tanong ni Benj sa kanya. Natawa lang si Demi at hindi sumagot. "Ano? Kelan ka maging handa? Kapag matanda ka na? Sagutin mo ang tanong ko."
"Matagal na akong handa. 'Yong mapapangasawa ko lang yata ang hindi." Pang-aasar niya kay Benj.
"Magastos na magpakasal kasi. Hindi na rin uso ang kasal ngayon, live-in nalang." Inaasar din siya ni Benj.
"Sabagay magastos na talaga magpakasal ngayon." Sabi naman ni lolo Ben.
"Maghanap ka ng ka-live in mo." Nakasimangot ang mukha ni Demi and she was about to leave but Benj caught her waist and hugged her tight.
"Joke lang, ito naman hindi na mabiro." He kissed her head, "May sasabihin pala ako sa inyong lahat. Tatanungin ko muna si Demi." He took something from his side pocket, a small red box, then he opened it for Demi.
Everybody was amazed and excited. Demi was speechless and suddenly felt nervous. They were standing in front of their family gathered in the dining table. Then Benj suddenly knelt in front of Demi.
"Saksi ang buong pamilya natin kung gaano kita kamahal, kaya hindi mo ako mahihindian sa offer kong pakasalan ako, ano?" Biro niya habang hinarap ang magandang engagement ring kay Demi na umiiyak na sa tuwa.
"Ikaw talaga puro ka biro." Nakangiting sabi niya habang tumutulo ang luha niya na nakatingin sa cute na ring sa harap niya.
"I'm serious. Sa itsura ko pa bang ito nagbibiro pa ako? Luma na kasi ang linyang, will you marry me?" nakangiting tanong niya kay Demi.
"Kuya, gawin mo namang romantic ang proposal mo, ano ka ba?" Sabi ni Juliana.
"Wait, wait, kuya, kukunin ko saglit ang digi-cam." Nagmamadaling kinuha ni Bea ang digi-cam na nasa table lang sa sala. "Sige go, serious na this time, okay?" At nagtatawanan silang lahat.
"Seriously, I want you to be my wife, Demi. I want to keep you forever. I want you to be the mother of my kids, I want us to grow old together..." before Benj can continue, Demi pulled him up from kneeling and then she kissed his lips.
"Ang dami-dami mo pang litanya, yes na!" And she laughed.
He hugged her even tighter and kissed her again then placed the ring in her finger.
Everyone applauded and very happy to witness the proposal. Naiyak naman si lola Nida dahil sa wakas ay magkakatuluyan na talaga sila.
Hinatid ni Canor ang family ni Benj dahil naiwan na muna si Benj to spend more time with Demi dahil birthday niya at engaged na sila. Sumama na rin si Atty. Madrigal para makita naman ang bahay nina Benj at para pag-uwi nilang dalawa ni Canor galing sa paghatid ng family ni Benj ay may time silang makapag-usap muli. Doon na rin pinatulog si Atty. Madrigal sa tatay niya at dahil kasya naman ang ibang damit ni Demi na pinahiram sa mommy niya.
CHAPTER 26
Kinasal ang tatay at mommy ni Demi three months after they met again after twenty-three years. Her mom was already forty five while her tatay was already fifty years old. Si Demi ang maid-of-honor at si Benj ang bestman. Kailangan pa nilang dalawa maghintay sa susunod na taon para magpakasal dahil bawal daw isabay or magkasunod dahil sa pamahiin ni lola Nida na sukob daw ito at nirespeto naman nila.
After the wedding, Demi's newly-wed parents went to their house in the city to spend more time together. Para na rin silang magha-honeymoon doon at tinutukso sila ni Demi bago umalis. Si Demi na muna ang mamamahala sa computer shop.
On Sunday morning, maagang nagluto si Demi ng ulam then she went to Benj's house dahil magsisimba sila. Dinalhan niya si Benj ng niluto niyang ulam. Kanina pa siya tumatawag at text ng text at hindi sumasagot si Benj. So, she called the landline and Juliana answered at tulog pa daw dahil puyat kagabi. Malapit na kasi ang mid-term at maraming ginagawa at meron din troubleshooting na ginagawa sa work niya kaya matagal nakatulog. It was almost ten in the morning na so she decided na puntahan nalang at magta-taxi nalang siya.
Pagdating niya ay kinuha ni Juliana ang dala niyang ulam at pumasok agad siya sa kwarto ni Benj. He looked so tired nga, naisip niya. Tumabi na rin siya at naenganyong matulog at mamayang hapon nalang sila magsisimba. Benj was surprised to see her beside him when he woke up.
"Akala ko nanaginip lang ako." He kissed her lips.
"Magtoothbrush ka muna." Biro niya. "Inaantok tuloy ako nang makita kang very sound asleep."
"Sorry, baby. Puyat na puyat ako kagabi. Madaling araw na ako nakatulog." Paliwanag ni Benj habang niyakap siya. "Maliligo lang ako saglit ha."
"Magbreakfast ka muna, may dala akong ulam diyan. Gisingin mo nalang ako pag-aalis na tayo." And she went to sleep.
"Magugusot 'yang damit mo." Sabi ni Benj pero hindi na siya pinansin. He went to the kitchen and had brunch na and then took a shower after.
Nabukas ang skirt ni Demi and her legs were exposed when Benj got back after taking a shower. He kissed her lips to wake her up and he lowered down her skirt to cover her legs but she just went on sleeping. Ikakasal na sila at kailanman ay hindi niya nagalaw si Demi, at very proud siya. Si Benj ang first and only boyfriend ni Demi kaya napaka-swerte niya talaga.
"Nasa kabilang bahay sa syudad sina tatay at mommy, magha-honeymoon yata doon." Natawang sabi niya as they got in his car to leave for church. "Sa bahay ka nalang matulog mamaya." Nakangiti siya.
"Alam ko na naman ang mga ngiting 'yan." Biro ni Benj. "Sandali lang may kukunin ako." He went out of the car at pumasok uli sa bahay.
When he got back ay bitbit niya ang bag ng laptop niya, may isa pang backpack at ang mga books niya na gagamitin sa klase niya at nilagay sa likuran ng car. Natawa si Demi sa nakita niya.
"Mukhang hindi ka na uuwi niyan ah." Biro ni Demi sa fiance niya at tinawanan lang siya.
They went to church and then they had early dinner at the restaurant inside the mall. Dumaan muna saglit si Demi sa shop after nilang kumain bago sila umuwi.
"Ang layo pa ng next year at gusto ko nang makasal na tayo agad." Sabi ni Benj habang yakap-yakap si Demi as they were lying in her bed getting ready to sleep.
"Oo nga eh, pero kailangan natin sumunod sa pamahiin ni lola. Pero pwede na tayong mag-advance." May malisyang biro niya na may kasamang ngiti.
He suddenly kissed her deeply and passionately. "Lights on or lights off?" He whispered gently on her ear after they kissed.
"Mas romantic 'pag lights off, hindi na yata ako nyctophobia." She laughed.
They got married the next year when the school year ended para hindi na masyadong busy si Benj. Doon na siya tumira sa bahay nina Demi and they will be having a baby boy soon.
Si Demi na rin ang namamahala sa computer shop ng tatay niya at tinutulungan na rin siya ni Bea during school break. Nag-early retirement na ang tatay niya para may kasama at maaalagaan ang mommy niya doon sa kanilang bahay sa syudad at umuuwi nalang sila sa probinsya during weekends.
~ The End ~
Comments
Post a Comment