A TRIANGLE LOVE STORY
Chapter 1
She remembered the day when she first met Lance habang nakatitig sa mukha ng baby nya na natutulog sa crib. It was a warm Sunday morning and kararating lang nya sa lilipatan nyang apartment. Naghahakut sya ng kanyang mga gamit from her car while Lance was cleaning his car in front of his unit. They both lived in a compound na may dalawang 5 unit apartment buildings facing each other while yong malaking house ng owner ay nasa dulo. Pero mas malaki ang unit ni Lance compared sa kanya kaya mas mahal ito. May malaking gate at guard house with 24 hour security guards so very safe talaga yong location.
Kausap ni Rachelle noon si madam owner about her rules and regulations, etc., and then she handed the contract and keys to Rachelle. While Rachelle was trying to open her car's compartment para ilabas ang iba pang mga gamit nya, at the corner of her right eye she had a very good view sa isang gwapong lalaki cleaning his car at patingin-tingin din ito sa kanila ni madam owner na nag- uusap. Hindi nya na masyadong naintindihan yong mga sinasabi ng owner because she was distracted by this good-looking guy kung saan klarong-klaro ang machong katawan dahil he has no shirt on top at naka-walking shorts lang sya. Hmmm, kamukha nya si Piolo, naisip nya.
"Thanks madam." Yon lang din ang nasabi nya na panakaw-nakaw ang tingin sa gwapong lalaki na nasa harap ng kanyang bagong lilipatan na apartment.
He waved his hand sabay sabing
“Hi!”pagkaalis ni madam owner. Sinagot nya rin ng “Hi!” at ang kanyang matamis
na ngiti at pumasok agad sya sa loob para mag-ayos ng kanyang mga gamit. After
30 minutes biglang may kumatok sa front door. She was surprised when she opened
the door.
"Wow! Marunong ka palang magbake. Patikim nga." Sagot ni Rachelle sa kanya at tumikim sya ng isa. "So, hindi ko pala ito itatapon coz it tastes so good." They both laughed sa sinabi niya.
"I'm Lance. Ako lang naman ang friendly neighbor dito kasi yong iba ewan ko ba.” Nakangiting sabi niya. She knew he was just trying to be friendly at sa tingin nya may sense of humor siyang kausap.
“Thanks for the warm welcome!” Sagot ni Rachelle. “And thanks for the delicious cookies. Your own baked cookies.” She emphasized the last part sa sinabi nya because she doubted if he can really bake cookies. Baka nabili nya lang yong cookies, naisip nya.
“Ok, I’m sure you’re busy so I must go. If you need any help magkaharap lang tayo so I’m just a few steps away.” Sabay turo sa unit niya at dahan-dahang lumalakad paatras pauwi sa unit nya.
“Just call me Rachelle.” Nakangiting sabi ni Rachelle sa kanya.
“Bye Rachelle, nice meeting you.” Kumaway uli sya na nakangiti.
Napaisip sya when she closed the door. Talaga lang bang friendly sya or baka babaero na nang-aakit ng mga babaeng gusto niyang makilala at bibiktimahin. Mukhang hindi naman dahil mukha naman syang desente at mabait, at higit sa lahat gwapo and macho. She tried to avoid thinking about him and kept herself busy. She was deeply heartbroken on her last relationship with JB. Kaya nga lumipat sya ng mundo para makalimutan ang sakit sa nakaraan sa dati nyang relationship.
Si JB ay kababata nya at nakasama sa work at naging boyfriend nya ito for 4 years after they graduated in college. Gwapo at very talented sa arts or designing. Kamukha niya si John Lloyd. They both went to Architecture school but nagshift si Rachelle to Interior Designing 1 year after. They both worked in the same construction firm but in separate branches after they graduated. He was a consulting Architect while Rachelle was an interior designer. Thirty-minute drive kasi ang pagitan ng branches nila. But they see to it that they always have time for each other especially during weekends kasi hindi rin naman malayo ang mga bahay nila sa isa’t isa. It wasn’t a perfect relationship, but it seems they were perfect for each other kaya umabot sila ng 4 years. May taglay na kakaibang ganda at ugali kasi si Rachelle. Mestisahin at sexy pero medyo boyish. Hindi sya yong pa-girlie na babae at maarte. Lumaki kasi syang halos lalaki ang kasama sa bahay because she grew up with 3 elder brothers and most of her cousins are boys din.
Sa kasamaang palad, ay natukso si JB once sa isang newly hired young Architect na naging kasama nya palagi sa work doon sa branch nila. Masakit pero Rachelle must move on. Nagsorry naman si JB pero hindi pa nya matanggap dahil nakita talaga nang dalawa nyang mga mata na magkasama silang umalis ng girl na magkahawak ang mga kamay na sweet na sweet sa isa’t isa. Hindi kasi alam ni JB yong time na yon na nagsurprise visit si Rachelle sa office niya. Since then hindi na nya hinarap at kinausap si JB. She never answered his calls or text messages. She deactivated all of her social media accounts and changed her phone number and blocked his email address. She hasn’t explored the outside world that much after graduation dahil umikot lang ang mundo nya sa bayan nila. So, she decided to resign and tried to work abroad in Dubai para makalimutan nya rin ang lahat at hanapin ang sarili. Two years lang ang itinagal nya doon dahil hindi naman sya masaya doon. First time nya kasing malayo sa family nya. She decided to come back to the Philippines at tinanggap nya yong offer sa isang Design and Construction firm sa Makati, kung saan malayong malayo doon sa lugar nila ni JB. A very prestigious firm at maganda naman ang offer kaya she was very hopeful na baka dito na sya magtatagal at magiging masaya.
Chapter 2
It was Monday and her first day at her
new job kinabusan after sya lumipat sa apartment. She woke up early para hindi
ma-late, syempre pa-impress dahil first day nya. Paglabas nya sa bahay around
6:30am nakita nya si Lance na kararating lang galing sa jogging na pawis na
pawis at huminto sa tapat ng unit nya.
“Good morning, Mr. Lance.” Formal na sagot naman ni Rachelle sa kanya.
“Masyado ka namang formal. Hindi naman ako professor or instructor.” Nakatawang sabi ni Lance sabay punas ng towel sa pawis niyang mukha. Natawa silang dalawa.
“It’s my first day, I don’t wanna be late. Wish me good luck.” Ang sabi nya ky Lance as she got in the car to leave.
“Good luck, Rach!” Sabi naman nya sabay kaway sa kanang kamay na may hawak na towel.
Her first day at her new job went well.
Kasundo naman agad nya ang mga tao doon at very at home sya sa environment.
Nang uwian na ay dumaan sya sa isang hardware para bumili nang konting gamit sa
kitchen and bathroom nya. Medyo gabi na nang matapos syang namili at nag-take out
nalang sya ng pagkain and have her dinner at home. Around 7pm nang makarating
sya sa apartment nya nang bigla nya naalala she left the key pala sa loob ng
unit nya. Akala nya kasi nailagay nya na sa key chain kasama ang susi sa car.
“Hey, anything wrong?” Sabi niya na medyo nakasilip ng konte sa window car nya. Nakadamit formal pa sya na parang kararating lang din from work.
She fully opened the window para marinig sya. “I’m so stupid! I left the key inside, akala ko it’s here in my key chain na.” Pinakita nya ang key chain nya kay Lance na ang susi lang ng car nya ang nakalagay.
“I see. Just wait here kukunin ko yong duplicate key ky madam owner.” Sabi nya at mabilis na pumunta sa house ni owner sa dulo.
Hmmm he’s my hero, sabi nya sa self nya. Maya-maya lumapit si security guard sa kanya habang nakasandal sya sa front ng kotse nya while waiting for Lance.
“Excuse me po ma’am. Naiwan nyo po ba ang susi nyo sa loob?” Sabi ni manong guard.
“Yes po, kuya. Ngayon ko lang nalaman wala pala dito sa key chain ko. Nandoon sa loob pinatong ko sa table at nakalimutan kong ilagay dito sa key chain ko po.” Paliwanag nya ky kuya guard.
Maya-maya may tumawag sa phone ni kuya guard.
“Yes madam, naiwan niya po ang susi nya sa loob…opo, opo. Sige po…ok po.” Ang narinig nyang sagut ni kuya guard sa phone niya.
After 5 minutes dumating si Lance dala ang duplicate key sa unit nya.
“You know, she won’t believe me as if she thinks may masama akong balak sa house mo.” Nakatawang sabi niya habang binigay ang susi ky Rachelle.
“Talaga? Kaya pala lumapit si kuya guard dito, hahaha!” Sabay nagtawanan silang tatlo.
“Ganun naman talaga si madam. Alam nyo na sa buhay ngayon kaya intindihin nyo nalang.” Sabi nang guard. “Sige po ma’am ibigay nyo nalang sa akin ang susi at ako na ang magsuli niyan ky madam.”
“Wait kuya, saglit lang bubuksan ko lang ang door tapos ibalik ko agad sa iyo.” Ang sabi nya habang binubuksan ang door ng unit nya. “Salamat Kuya.”
“Thanks, Lance. I didn’t realize na meron naman pala duplicate keys ano? How stupid am I talaga, nakakahiya tuloy sa’yo.” Ang sabi nya while trying to pick up her newly bought stuff sa loob ng car.
“Have you eaten na ba? Sabay nalang tayo magdinner marami naman yata ang na-take out kong food. Malakas kasi akong kumain. Hahaha!” Natawa sya. Offer nya rin ky Lance para naman makabayad sa tulong nya.
“No, no, it’s ok. I’m done na. We always have dinner together with my team at work, well, except for those na may mga family na. Most of us kasi single pa at nakakapagod na rin magprepare ng food sa bahay so we always eat out sabay-sabay after work.” Kwento ni Lance habang inilagay sa maliit na dining table ang mga pinamili ni Rachelle. “I have to go na rin para makakapag-dinner ka at I’m sure marami ka pang gagawin dyan sa mga pinamili mo.”
“Thanks again, Lance. You’re my hero today.” At natawa sya uli sa sinabi nya.
“Anytime. Just call me if you need me, okay?” Sabi niya habang palabas sa pintuan ng unit nya.
Hmmm, most of us kasi single pa, this line was echoing in her ears. So single pa pala sya. Kung may girlfriend na ba sya, malalaman nya rin one of these days.
Chapter 3
When she woke up the next day around 6am, sumilip sya saglit sa window nya sa kwarto. Parang gusto nyang makita kung anong ginagawa ni Lance. Nagjo-jogging kaya sya every morning? Then she started preparing for her second day at work. Bago sya lumabas ng bahay narinig nya na umalis na ang car ni Lance. Magkasunod lang silang umalis. Simula today 8am to 5pm na yong pasok nya pero maaga pa rin syang aalis para iwas traffic.
Maraming projects ngayon sa office ni Rachelle kaya very occupied yong mind nya. At lunch time her mom called at kinumusta sya. Binalita nya ky Rachelle na dumaan daw si JB sa bahay nila last Sunday at nakipagkwentuhan saglit sa Mamay nya. As always, he tried to ask about Rachelle and if he can contact her. Ang higpit na tugon nya kasi sa kanila ay huwag na huwag ipaalam ky JB ang tungkol sa buhay nya ngayon. Higit sa lahat ay huwag ibigay ang kanyang new contact details. At sinunod nila yon. Hindi naman nagpupumilit si JB at umalis na agad. Iniisip nalang ni JB na someday mapapatawad din sya at hindi sya mapapagod sa paghihintay kung kelan darating ang panahon na yon. Kahit alam ng family ni Rachelle ang nangyari sa kanila ni JB, ay welcome pa rin sya sa bahay nila dahil nga magkababata sila. At hindi rin ito nakakalimut sa mga special occasions sa family ni Rachelle especially sa birthday ng mama nya. Lagi itong may regalo, kahit hindi sya makakapunta sa bahay nila ay pinapadala niya nalang ang kanyang regalo sa mama nya.
It really took her so long to move on dahil he was her first boyfriend. Sya ang lahat ng first nya – first date, first kiss, first LQ and first romance. At madalas din sya sa bahay nila JB kung may occasion. She was only 21 when she had him as her first boyfriend kahit na nangungulit ito nong high school pa sila. At tumagal ng 4 years ang relationship nila. Now she is already 27, and it’s been 2 years since they broke up, no they didn’t break up, she left him pala.
Nang makilala nya si Lance, she was trying to analyze herself if she was ready to fall in love again for the second time. But she tried to stop thinking about it kasi sa tingin nya mahirap mag expect masyado at three days pa lang niyang nakilala si Lance. He was such a good catch, she’s sure maraming girl ang naghahabol sa kanya at mahihirapan lang syang makikisabay dahil simple lang syang babae, unlike other sophisticated women in this highly urbanized city na mabilis ma-attract ang mga lalaki. Kung sabagay, mas gwapo naman talaga si JB compared ky Lance at ewan nya kung bakit ba nagustuhan sya nito. She’s proud din naman sa body figure nya dahil na-maintain nya kahit tamad syang magwork out. At dahil na rin sa nature ng work nya hindi oobra ang maarte dahil sa interior designing, minsan you need to work with construction workers at laborers. Kung maarte ka, hindi ka nila rerespetuhin.
It was already almost 5pm when she
realized uwian na pala. Ang dami nyang deadline na e-meet. She was doing an
interior design of a multi-storey hotel bedrooms. They need her design this
weekend so she decided to stay for 30 minutes more. Suddenly the telephone in
her desk was ringing.
Nagulat sya, hindi nya talaga ini-expect yon. Paano nya nalaman ang office address at phone number nya na he didn’t even ask for it. Then the secretary transferred the call to her trunk line.
“Hey! How did you know my phone number?” Sabi nya sa kabilang line na parang medyo nainis sya dahil private call yon at dahil nakakahiya naman na baguhan pa lang sya ay may unofficial call na sya.
“I saw one of your calling cards sa table mo sa kitchen kagabi and was able to see the name of your company and your designation. Bakit mo kasi ikinalat? Hahaha!” Nakatawang sabi niya. “Wow! You are an interior designer pala?”
“Hey, wait!” She prompted before pa sya magsasalita ulit. “I was trying to print my calling cards at hindi ko nailigpit kahapon yong iba. As if you are trying to say na sinadya ko yon para mabasa mo, hindi ah!” Medyo nainis na sya ng konti sa kausap nya.
“Sorry, I was just curious and…I decided na rin na magpapa-interior design kaya ako sa kwarto ko, ano?” Alam ni Rachelle na joke lang tong sinabi nya.
“Are you kidding me? Papayag kaya si madam owner niyan? E-rerefund kaya nya yong magiging expenses mo? I don’t think so.” Ang sagot nya sa hindi pa rin nakakatawang joke nya. “I’m heading out in a few. Saka ka nalang tumawag uli kung seryosong business call ang pakay mo, okay?” Talagang nainis na sya.
“Hey, sorry.” He calmed down and sounded apologetic. “I didn’t mean to be rude, if that’s what you think. I’m just curious about your skills and talent, really. And seriously, I need you to design my bedroom, hindi doon sa apartment ko but in my other house. Pero saka nalang, it’s not rush naman, and I think you are busy rin.”
She can sense that he is serious na sa sinabi nya. “Just call back for a business appointment when you are ready and we can discuss about it, but I really need to go na.” Sabay ligpit sa mga gamit nya habang nakaipit yong phone sa tenga nya.
“Okay, thanks for taking my call anyway. I’ll see you around. Bye, Rachelle.”
“Bye, Lance.” She picked up her cellphone and bag and headed out of her office. Around 5:30 na pala at iniisip kung ano na naman ang hahapunan nya. She decided na magtake-out na naman at sa bahay nalang maghahapunan. When she got home, wala pa ang kotse ni Lance. Mabuti na rin, naisip nya para maiwasan nya muna si Lance dahil medyo nainis pa rin sya sa ginawa niya kanina.
Chapter 4
The following mornings ay hindi nya na laging nakikita si Lance. Minsan maaga syang umalis minsan din late na so hindi na sila nagpang-abot. Mabuti na rin para hindi na sya ma-distract sa presence nya. At dahil marami syang deadline on her first week, time passed by so fast everyday. She realized na she’s enjoying much with her job right now lalo na when they told her that she can have a flexible work schedule as long as she can render 8 hours in a day excluding her 1 hour break. But she thought she can enjoy her days off on Saturday and Sunday, hindi pala. Kailangan nya pumasok sa Saturday para matapos nya yong project nya. At least she don’t need to wake up early na at pwede syang pumasok na half day lang sa Saturday. So, she woke up late dahil Saturday and she planned to leave her house at 9am na. Pagkalabas nya sa unit nya may box of cookies sa tapat ng door with a small note – Apologies if I may sound and look so rude but I’m just trying to win your friendship and trust. – Lance – ang nakasulat sa maliit na pink sticky note na dinikit sa box ng cookies. Danish cookies, her favorite. Bakit nya alam? Baka nagkataon lang, naisip nya. She looked at his unit, wala na naman ang car nya so maaga pala syang umalis ngayon naisip nya. May pasok din pala sya during Saturdays? At that moment bigla syang napaisip, ano kaya ang work niya? Saan kaya sya nagwo-work? Bigla din tuloy syang na-curious sa pagkatao niya.
She brought the cookies sa work para ma-share sa mga kasama nya. Buti nalang natapos nya yong isang project na urgent at pwede na syang mag enjoy the rest of the day. Before she decided to go home namasyal muna sya sa katabing mall sa building nila. It was still early around 4pm when she decided na mag-gogrocery ng konti so she can enjoy cooking sa gusto nyang kakainin mamaya or bukas since wala naman syang pasok. Naisip nyang maglakad nalang papunta sa katabing building at balikan nya nalang ang car nya sa parking lot dito sa building nila mamaya after doing her groceries.
Saktong-sakto 6:30pm nang makarating sya sa bahay. She can see Lance’s car parked in front of his unit na so maaga pala sya nakauwi ngayon. Matapos nyang maayos na mai-park ang car nya ay biglang lumabas sa car niya si Lance at mukhang papalapit sa kanya. Hmmm kanina pa siguro sya dyan sa loob at hinintay akong makauwi, naisip nya.
“Hi!” Ang sagot nya habang lumabas sya sa car nya. “Thanks for the cookies, again. But…not your own baked cookies this time.” Nakangiting sabi nya sa ky Lance. Natawa ito sabay kamot sa kanang ulo nya. Yong tipong cute na tawa na may halong hiya pa rin.
“Ah, we went to Duty Free kasi. Yong boss ko may binili so bumili na rin ako ng cookies dahil naalala kita. I’m glad you liked it.” Maikling kwento nya.
“Yeah, parang alam mo yata na Danish cookie is my favorite.” Parang may halong kilig at tuwa na sinabi nya at naramdaman nya na parang nawala na yong kunting inis nya kay Lance.
“Really? Oh, sige starting today you will have unlimited Danish cookies from me.” Joke nito pero mukhang seryoso. “By the way, yong cookies na binigay ko sa’yo on your first day here? I didn’t bake them, I bought them. Sorry for being dishonest, yon lang ang naisip kong paraan para makilala kita agad.” Pag-aamin niya.
“I knew it. Halata naman sa mukha mo na hindi ka marunong mag-bake, hahaha!” Patuksong sagot ni Rachelle.
“Ok lang kasi naging friend naman kita agad dahil sa cookies na yon.” Ang sabi ni Lance habang sinimulan ni Rachelle na kukunin ang pinamili nyang groceries na nasa loob ng car.
“Let me help.” Offer niya. As always, bago paman sya makasagot kinuha na nya agad ang bags of groceries nya. “Are you having some visitors tonight, or tomorrow? Ang dami mo yatang binili.”
“Nope. Just planning kung hindi ako tatamarin magluto bukas magluluto ako nang something, I don’t know, maybe pasta or vegies.” Ang sabi nya while opening the front door of her apartment. “O sya, wala nang kalat na calling cards dyan sa table ko ha.” Habang inilagay ni Lance ang grocery bags sa dining table nya.
“I’m really sorry about the other day.” Seryosong sabi nya. “I never meant to be rude or…something…or trying to annoy you, no! I just…really want us to be friends, seriously.” Mas lalo syang sumeryoso sa mga sinasabi nya.
Deep inside of her may kilig at tuwa na naman na nararamdaman sa mga sinabi nya. “Nag-dinner ka na?” Tanong ni Rachelle sa kanya para ma-change topic habang inayos ang mga pinamili sa ref.
“It’s still early pa naman how about let’s have dinner nalang sa labas. I’ll bring you to one of my favorite restaurants in town.” Ang sabi nya habang tinulungan syang mag arrange sa mga binili nya. She wasn’t expecting him to invite her for a dinner so soon. One week pa lang silang magkakilala ay parang feeling nya ay manliligaw na ito sa kanya. Hindi. Ang sabi nya agad sa self nya. Hindi yan panliligaw, what’s with the dinner invitation from a new friend anyway? Kakain lang nang sabay at kung saan-saan na nakarating ang isip nya.
“Hah, bagong sweldo ka ano?” She joked at him para hindi naman masyado mapunta sa seryoso ang usapan nila.
“Hahaha! Bakit tuwing sahud ko lang ba kita pweding imbitahin ng dinner? Basta may pambayad ako huwag kang mag-alala.” Sabay hila nya sa kamay ni Rachelle para lalabas na sila.
“Wait nga. Yong kamay ko smells meaty and fishy, hahaha! Maghugas kaya muna ako ng kamay.” Natawa at medyo na-excited sya ng konti.
“Wooops ako rin pala!” Sabay silang naghuhugas ng kamay sa kitchen sink nya na nakakaaliw tingnan kung iisipin. Para silang mga bata na naglalaro sa hand soap. Muntik na kasi syang matalsikan ng bubbles sa kamay ni Lance.
“Hoy! Huwag mo nga akong talsikan dyan. I don’t want to change my dress na para hindi na madagdagan pa yong 1 week kong laundry.” Ang sabi ni Rachelle.
“Bakit wala ka bang washing machine?” Ang tanong niya habang nagpupunas ng kamay sa paper towel.
“Meron naman kaya lang nakakapagod na pag madami ng labahan.” Sabi nya habang nagpupunas din ng kamay at pagkatapos ay hinanda nya ang kanyang bag at susi.
“You don’t need to change kahit matalsikan yan. Papahiramin nalang kita ng coat ko.” Sabi nya habang papunta sa main door palabas. “I’ll go get my car and wait for you outside nalang, okay?”
Nang nakalabas na si Lance ay dali-dali syang nagpowder ng medyo konti lang sa mukha nya para hindi naman mahalata nya na nag-ayos sya. At naglagay na rin ng kaunting perfume sa damit nya. Naka-blouse and slacks naman sya so hindi na nya kelangan mag-ayos pa.
“Nice car!” Sabi ni Rachelle nang makapasok na sya sa loob ng car nya.
“Thanks.” Maikling sagot nya.
On the way to the restaurant nagkukwentuhan sila. Ang sarap pala niyang kausap na-realize ni Rachelle. She can sense na matalino sya. At doon nya nalaman na Chemical Engineer pala sya sa isang malaking Pharmaceutical company. Since graduation daw ay yan na ang naging una’t huling work nya dahil ang boss nya ay very close friend and classmate nya sa college. Parang magkapatid na daw ang turing nila sa isa’t isa. Malaki rin ang naitulong sa kanyang buhay ang work nya kaya wala na rin syang planong umalis or maghanap ng ibang opportunity kahit may mga nagpa-pirate sa kanya na nag-ooffer ng maganda. She admired his loyalty at naisip nya ganun din kaya sya ka-loyal sa girlfriend nya. Marami na ring naitanong si Lance sa buhay nya, pero she tried to see to it na hindi maisali ang kwentong lovelife nya.
When they arrived sa restaurant ay
sinalubong agad sila sa isang crew. He seems familiar in this place sa mga
staff and crew dahil lahat ng nakasalubong nya ay nag-greet agad sa kanilang
dalawa.
They situated in a somewhat secluded
table but overlooking the city. Ang ganda ng view at medyo romantic talaga.
Napaisip na naman sya, siguro ang dami na nyang nadalang girls dito. Pang ilan
na kaya sya?
“Yeah, my favorite as usual.” Sabi nya sa waiter. “Would you like to try their best menu na favorite ko or would you like to explore some menus?” Tanong nya kay Rachelle.
“Yong favorite mo nalang subukan ko rin. I’ll just add one dessert ha?” Nakangiting sabi nya kay Lance na parang bata na nagpapaalam na oorder ng dessert.
“Yeah, you can order whatever you want.” Natawa si Lance.
Nang umalis na ang waiter after they ordered nilapit ni Lance saglit ang mukha niya sa tenga ni Rachelle, “You know I admire your candid behavior.” Nakangiting sabi nya ky Rachelle sabay titig sa mga mata nya.
“Talaga? Hahaha!” Natawa sya sa sinabi nya. “Ang ganda ng view dito parang may naalala akong place na katulad nito ang ambiance.” Bigla syang natahimik. Yong favorite restaurant din pala nila ni JB ay parang katulad nito na overlooking sa city.
“What’s wrong? Ba’t bigla kang natahimik?” Parang nahalata ni Lance ang reaction nya sa huling sinabi nya.
“Wala. Nakagat ko lang ang dila ko, hahaha!” Napilitan nyang magsinungaling.
She enjoyed the dinner and ambiance very much. It’s been a while na rin pala na hindi na sya nagdi-date. Sabagay si JB lang naman ang naging boyfriend nya na lagi nyang ka-date. Parang twice lang yata sya nakikipag-date sa ibang lalaki before nya sinagot si JB. Sabi nila pihikan daw sya at sayang ang mestisang beauty nya and that she should have enjoyed dating with men. Pero hindi nya gusto yon dahil pinalaki sya ng maayos at desente ng mga magulang nya. She has three older brothers kasi and most of her cousins ay mga lalaki rin so you can’t expect her to be so girlie.
It was already 11pm at hindi nila
namalayan ang paglipas ng oras sa sarap ng kwentuhan. Pero marami pa ring mga
customers at matagal kasing magclose ang restaurant. Medyo inaantok na rin si
Rachelle kaya she prompted him na uuwi na sila. On the way home naidlip pala
sya sa byahe. Ginising nalang sya when they arrived. Nakakahiya naman, ano
kayang itsura ko kanina habang nakatulog sa byahe, tanong nya sa self nya.
Napaka-awkward naman talaga oo. Nasabi nya sa sarili nya.
“Bakit tumulo ba laway ko? Hahaha!” Biniro nya nalang para maalis ang hiya nya. “Pasensya ka na. Ang dami kong projects sa office kahit baguhan pa lang ako. Kaya siguro napagod ako, nakakahiya naman.” Ang sabi nya habang inayos nya ang bag nya para lumabas na sana sa car nya.
“No, it’s really fine. I’m so happy nga eh, na nakasama ka.” Seryosong sabi ni Lance. “Thank you, for tonight.” He held her left hand quickly at mabilis na lumabas sa car para buksan ang side door ni Rachelle. Kinuha nya ang bag ni Rachelle habang inalalayan palabas sa car at inihatid nya sa pintuan ng apartment nya.
“Pag naiwan mo na naman ang susi mo sa loob may malaking couch sa bahay ko. Sa bedroom ka matutulog at sa couch sa sala ako matutulog. Dahil I’m sure himbing na himbing na si madam owner at this moment. Hahaha!”
“I made sure na hinding-hindi na mauulit yon. Hahaha!” Habang inilabas nya ang susi sa bag nya para buksan ang door. “Thanks for tonight. I had a great time.” Sabi ni Rachelle.
“No, thank you. It was my pleasure.” Habang dahan-dahan syang lumakad paatras papunta sa unit nya. “Good night!”
“Good night.” Sagot nya rin habang papasok na sa loob ng unit nya.
Chapter 5
Dahil Sunday at dayoff nya matagal
syang nagising. Past 9am na pala kaya gutom na sya. Tiningnan nya muna
cellphone nya. May tatlong missed calls sa mama niya at isang message sa viber.
At dahil gutom na sya ay cookies and milk nalang muna ang breakfast nya habang tinawagan ang mama nya.
Naisip niyang magluto ng vegetable menu dahil puro fastfood ang kinakain nya lately. Nagsearch sya sa YouTube kung anong lulutuin nya at may isang message na naman sa viber nya.
Lance - Hey! Are you awake now? Baka nakawin yong cookies mo sa labas.
Nakalimutan nya palang sagutin ang message ni Lance dahil sa gutom at excited na tawagan ang mama nya.
Rachelle - Yeah, got them and ate for my breakfast today. Thanks a lot!
Naalala nya kagabi nagpupumilit pala si Lance na kunin yong number nya at dahil nahihiya na syang tumawag doon sa office nya. Then suddenly he called her sa viber.
“Hey! Are you busy today? Wala ka bang lakad ngayon?” Tanong ni Lance.
“Nope. I want to enjoy my dayoff. Why?” Sagot ni Rachelle.
“Wanna join us? Mag-gogolf kami ng boss ko at wife nya. Kaalis ko lang dyan sana isinama nalang kita. But I can pick you up if you want to.”
“No, no, don’t bother. I would love to stay home today and I have lots of things to do pa.” Sagot ni Rachelle.
“Okay. Enjoy your dayoff nalang and just message me if you need anything…bye” Sabi ni Lance.
Napagod si Rachelle sa daming nagawa nya sa apartment nya yong araw na yon at maagang natulog. Around 8pm ay tulog na sya. Habang kararating lang ni Lance mula sa lakad nya kaninang umaga. Dumaan kasi sya sa sister nya after mag-golf dahil malapit lang doon ang bahay ng kapatid nya. Namiss na nya kasi ang mga pamangkin nya. Nang makitang madilim na ang unit ni Rachelle ay naisip nya na maaga siguro itong natulog. Gusto man niyang tawagan or e-message ay nakakahiya na dahil baka isipin nito na masyado syang aggressive dahil 1 week palang silang magkakilala. Since the day he saw her, nabago na ang paningin nya sa buhay. Nagustuhan nya si Rachelle kahit hindi pa nya lubusang nakilala. Hindi kasi sya nagkaroon ng seryosong relationship because he was enjoying bachelorhood kaya walang babae na nagtatagal sa kanya. Hindi nya priority ang lovelife dahil maganda ang takbo ng career nya. Until the day na nakita nya si Rachelle, there was something that he needed to change, looks like 180 degrees change dahil parang suddenly he wants to settle down na. He’s turning 35 na kasi in a few months kaya naisip nya he’s not getting any younger. Kaya he tried to make sure na makuha nya ang loob ni Rachelle pero hindi nya ito madaliin dahil takot syang bigla rin itong mawala.
Chapter 6
On her second week at work parami ng parami na ang projects ni Rachelle. They were trying to observe her skills pala and when the management and clients were impressed, binigyan sya ng maraming projects. Hindi na nya namalayan ang mga araw na dumaan dahil sa pagod sa work. Hindi rin nya palagi naisip si Lance dahil bihira na ring mag-message or tumawag sa kanya. At lalong nakalimutan na nya ng tuluyan si JB sa mga panahong iyon.
Saturday na naman at akala nya
makapag-day off na agad sya. Sa dami ng projects ay pumasok sya sa hapong iyon
at naisipan na umuwi around 5pm. Before pa sya makatayo at kunin ang bag nya
para umuwi ay tumawag si Lance.
“Nope. Actually, I’m heading out na.” Sagot ni Rachelle habang kinuha ang bag nya para lalabas na sa office nya.
“Wala ka bang lakad ngayon? Can I ask a favor please?” Tanong ni Lance.
“Wala, uuwi na ako agad sana. Why? Baka naman mahirap yang favor mo ha?” Nagtataka sya kung ano kaya ang favor na hihingin nya. Medyo kinabahan sya ng konti.
“I’d love to go to this newly opened restaurant kasi. Can you come with me, please? Boring naman kung ako lang mag-isa doon.” Pakiusap nya ni Rachelle.
“So, where’s the whole team? Hindi ba sila sasama? Hindi ba kayo sabay mag dine-out tonight?” Sabi nya habang papunta sa parking lot.
“Actually, 4 lang kami sa team namin kasama si boss. May asawa na si boss eh, at yong dalawa they both have plans tonight with their girlfriends din. Masyado na akong left-out, hahaha!” sabi nya.
Hmmm, so kailangan mo rin ng date para in na in ka rin katulad nila, naisip nya. “Bakit nasaan ba si girlfriend hah?” Sarcastic na tanong ni Rachelle para medyo may konting pakipot naman.
“Hahaha, sa tingin mo ba kung may girlfriend ako mag-iinvite pa ako ng iba?”
“Malay ko kung hindi sya available, baka out of town, out of the country, out somewhere or nag-LQ kayo…I don’t know, hahaha!” Pabirong sagot ni Rachelle habang nasa parking lot na sya sa labas ng building.
“Bakit? Hindi ka ba makapaniwala na wala nga akong girlfriend?” Ang sabi ni Lance habang nakasandal sa front ng kotse ni Rachelle.
“Oh my goodness gracious!” Nagulat si Rachelle sa nakita nya. “What are you doing here?” As she turned off her cellphone at nilagay sa bag nya.
“Kanina pa ako dito, hinintay kitang lumabas. Akala ko kasi dyan ka nalang matutulog at hindi na uuwi, hahaha!” Tinukso nya si Rachelle dahil matagal pala syang naghihintay.
“Why didn’t you tell me para lumabas nalang ako ng maaga kanina?”
“Nahihiya ako kasi baka masyado kang busy and I don’t want to bother you so I just waited here until matapos ka sa work mo.” Sabay pasok ng phone nya sa pocket nya. “Sinadya kong puntahan ka dito so you can’t refuse my favor.”
“What? Ang galing mo talaga hah. Tingnan mo nga naman ang suot ko naka-shorts and t-shirt lang ako. Hindi ka ba mahihiya ang kasama mo parang alalay mo, hahaha!” Hesitant din namang sumama si Rachelle dahil hindi sya nagbihis dahil Saturday at walang formal business transaction so naka-shorts lang sya.
“You look so cool nga eh.” Sabay titig nya sa legs ni Rachelle. “How about let’s go somewhere nalang na hindi masyadong formal dining, kahit fast food nalang, Bukas nalang tayo doon sa newly opened restaurant na gusto ko.”
“Aba, you have plans na rin for tomorrow ha.” Sabi ni Rachelle na parang she is convinced that this guy is trying to court her na talaga. “Okay, mister. Your favor is granted.”
“So ano, saan mo gustong kumain?” Tanong ni Lance.
“Akala ko ba ikaw ang may gusto kung saan tayo kakain?” Sabi ni Rachelle.
“Hindi, kasi you’re not comfortable with your attire today so ikaw nalang pumili kung saan ka comportableng kumain.” Sabi ni Lance. “Kahit saan gusto mo.”
“Na-miss kong mag-grill or BBQ.” May konting hiya na sinabi ni Rachelle at napangiti dahil naconvince na rin sya.
“Yeah, I’d love that.” Bilis na sagot agad ni Lance. “I know a place na hindi ka mahihiya sa suot mo pero very nice rin ang location. I’m sure you’d love the place.”
Nang makauwi na sila at matapos makapag-park ng maayos sa kani-nilang kotse ay lumapit muna si Lance kay Rachelle.
“Rach, can I have a minute muna before you get inside?” Pakiusap ni Lance.
“Sure. Why?” Medyo nagtataka si Rachelle kung ano na naman kaya ang sasabihin nito.
“Would you believe ba if I tell you na wala talaga akong girlfriend?” Seryosong tanong ni Lance na nakasandal sa likod ng car ni Rachelle while Rachelle is trying to open her door and turn on the light inside.
Medyo nahiya sya sa tanong ni Lance and nag-blush sya. Buti nalang medyo madilim sa labas so hindi ito masyadong nahalata ni Lance.
“Sa katayuan mo bang yan hindi ka
magkakagirlfriend? I’m sure having a girlfriend is not an issue with you dahil
maraming maghahabol sa’yo. You just have to pick the right woman para patuloy
ang blessings na ibigay sa’yo ng Diyos. Dahil kung paglalaruan mo lang ang mga
damdamin nila, your life and success are worthless. You will end up nothing
until you die.” Sagot naman ni Rachelle dahil hindi pa rin mawala sa isip nya
na baka isa lang sya sa mga babaeng paglalaruan nya.
“Yeah, you’re absolutely right.” Sagot
nya. “It’s been a while na rin na wala akong girlfriend dahil wala akong
masyadong oras. Feeling nila pinaglalaruan ko lang sila. But, seriously, no.
Kadalasan ang pinag-aawayan namin ng girlfriend ko noon ay yong time. Masyado
kasi akong focus sa work so I took a break para wala na munang masasaktan.
Until I realized I’m not getting any younger na pala.” Medyo natawa sya sa
huling sinabi nya. “Please don’t get me wrong, okay? Parang ang gaan ng loob ko
pag kasama kita.” Nakangiti pa rin sya sa huling sinabi nya.
“Can we have early dinner tomorrow? Doon sa sinabi kong newly opened restaurant? I think they are open at 3pm if it’s Sunday.”
“Okay, fine! Sige na nga. Good night!” Sabay pasok sa loob ng unit nya.
“Thanks, Rach. Good night!” At lumakad na sya papunta sa unit nya.
Chapter 7
Maagang nagising si Lance kaya
nag-jogging nalang sya around 6am. Gusto pa niyang matulog uli dahil dayoff nya
but he can’t sleep back anymore. Maybe he was thinking too much about sa mga
napag-usapan nila ni Rachelle kagabi. He admired her so much dahil sa totoong
tao ito at may pambihirang ugali na gustong-gusto nya at hindi nya madalas
nakikita sa ibang babae na naka-date or nakarelasyon nya. Simple but beautiful
inside out. Mas lalo syang na-convince na ito na nga ang hinahanap nya na
makasama habang-buhay. Kahit ilang weeks pa lang silang nagkakilala ay parang
kilalang-kilala na nya ito and he will do everything to win her. Pagbalik nya
sa unit nya after one hour tumingin sya sa unit ni Rachelle. Tulog pa yata sa
tingin nya. Saka nalang sya mag-message about sa early dinner nila mamaya. When
he got inside in his unit and checked his phone nakita nya agad na may 1
message sa viber nya.
Lance – Sure! What is it? Bilis nyang sagot sa viber.
Lance – Of course! Bilis na naman nyang sagot. Mas lalo syang na-excited dahil ni minsan wala pa syang naisamang babae sa pagsisimba. Matagal na rin na hindi sya nakapasok sa church. The last time was during his boss’ wedding and that was like 2 years ago.
Excited sya sa date nila mamaya ni
Rachelle. Church then dinner. He never had this for such a long time. Si
Rachelle naman, na-miss nya ang Sunday routine nila ni JB na church then dinner
after. She tried to avoid thinking about the past kaya naisip nyang isama si
Lance sa pagsisimba since nag invite rin naman ng dinner.
Around 2:35 na nang makalabas si
Rachelle sa unit nya dahil marami syang ginawang gawaing bahay. While
approaching to his car, Lance was shocked sa nakita nya. This time naka-dress
si Rachelle at lumitaw ang body form nya at ang mestisang kulay nya dahil sa
suot na black and red dress. He was speechless at nakatingin lang kay Rachelle
hanggang makapasok sa loob ng car nya.
“No, no, no. I love it!” Nakangiting sabi ni Lance.
“Akala mo kasi tomboy ako ano?” Pabirong tanong ni Rachelle habang inayos ang magandang damit pagkaupo nya.
“You look so gorgeous, don’t you know that?” Habang pinapaandar nya ang car.
“Huwag ka ngang OA dyan! Nasanay kasi akong magdress pag nagsisimba dahil yon ang gusto ng mga parents ko. Every Sunday noong maliit pa kami nagsisimba kaming lahat at dapat ang mga babae ay naka-dress. I think that’s why when I went to college nahilig na ako sa jeans, tattered jeans in fact, dahil nakakasawang magdress. Until now comfortable pa rin akong mag-jeans kaya slacks nalang ang sinusuot ko sa work palagi para at least formal.” Mahabang kwento nya.
“Really? You should wear dress more often dahil bagay na bagay sa’yo.” Nakangiting sagot nya nang biglang nag-ring ang phone ni Rachelle.
“Who’s JB?” He asked curiously as they got out from the car.
“Ah wala ‘yon. Doon tayo sa may tabi ng right side door may vacant pa.” Iniba nya ang usapan. “Ang tugon kasi ng mga magulang ko if you attend a mass you should seat near an exit door dahil whenever there are incidents or any kaguluhan na mangyari mabilis kang makatakbo palabas.” Nakangiting sabi nya.
Pagkaupo nila he whispered on Rachelle’s right ear, “This is my first time na pumasok uli ng church after a year or maybe two…I guess…” Nakangiting sabi nya.
“What?” Nagulat sya at muntik nang mapalakas ang boses so she covered her mouth with her hands right away. “Kaya pala nag-aapoy ang katawan mo pagpasok natin.” Tuksong sagot nya. “Joke lang! Hahaha!”
The mass started at exactly 3pm a few minutes after they arrived. Sa pagkakanta ng “Our Father”, hinawakan ni Lance ang kanang kamay ni Rachelle dahil ‘yon lang ang naaalala nyang gawin sa pagsisimba. Rachelle did not hesitate but then suddenly Lance held her right hand tightly. Napalingon si Rachelle ky Lance na parang may itatanong pero hindi nya masabi habang patuloy ang higpit na hawak sa kanyang kanang kamay. Nang matapos awitin ang “Our Father” ay binaba na ni Lance ang kamay nya na mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ni Rachelle kaya mabilis nya agad itong binawi.
After the mass ay nagpunta agad sila sa
sinasabi ni Lance na newly opened restaurant. It’s a fine dining restaurant and
medyo malayo sa city. Napaisip si Rachelle na masyado yatang mahal ang
restaurant na ‘yon. Mayayaman lang ang makaka-afford siguro doon. As always,
they had fun together and mukhang magsyota naman sila kung titingnan dahil sa
napaka-sweet ni Lance sa kanya. Hindi na nila namalayan ang oras nang
maramdaman na ni Rachelle ang antok at nag-anyaya nang umuwi.
“Ang ganda mo nga tingnan para kang bata na walang pakialam sa nangyayari sa mundo, hahaha!” Sabi ni Lance habang binuksan ang door para kay Rachelle.
“Pagpasensyahan nyo na po. Pagod lang yong tao, eh.” Nakangiting sagot nya.
“Hey, if you want to sleep go ahead, okay?” Sabi ni Lance habang pinapaandar ang car nya at paalis na sila.
As usual, nakatulog talaga sya sa byahi nila pauwi after dinner. Past 9pm na kasi nang makaalis sila sa restaurant nang makalimutan na ni Rachelle na tawagan uli ang Mamay nya. Maya-maya nagriring uli ang phone ni Rachelle at nagising sya.
“Oh my goodness, Mamay sorry nakalimutan ko po…galing kasi kami naghapunan at eto pauwi na po kaya lang naidlip po ako…tulog napo ba si papay?...Mamay how many times napo yan pinag-usapan natin…sa Dubai? Pupunta sya sa Dubai?...Mamay sabihin mo na wala na ako doon mag-aaksya lang sya ng pera…sinong nagsabi sa kanya?...pero at least hindi sya updated kasi ang tagal ko nang umalis sa Dubai, hahaha!...thanks Mamay dahil tinupad nyo po usapan natin…sino?...si JB? Parang napadalas na talaga ang punta nya dyan hah?...basta Mamay huwag na huwag nyo po sabihin please…bahala na kayo mag -alibi dyan…sige po I miss you na po, love you Mamay, bye!” Matapos ang kwentuhan nila ng mama nya ay natahimik sya for a few minutes. Nag-isip ng malalim na nakatingin sa labas ng window dahil naisip nya ang mga effort na ginawa ni JB sa kanya.
Hindi makasagot si Rachelle. Napatingin sya sa malayo sa window car habang patuloy ang byahi nila pauwi.
Tahimik silang dalawa nang ilang minuto.
“Do you still love him?” Seryosong tanong ni Lance na may halong kaba kung sasagutin sya ng yes nito.
“No! Of course not!” Biglang sagot ni Rachelle. “Lance, I’m trying to move on, I’m trying to forget my past and it’s been like more than 2 years already, papano ako makaka-move on kung palagi syang nakadikit sa family ko, ang daya, di ba? The more I tried to avoid him the more he keeps coming back.” At biglang tumulo ang luha nya at dali-daling hinanap sa bag nya ang tissue. They just arrived na rin sa apartment nila at matapos mai-park ng maayos ni Lance ang kanyang car ay lalabas na sana si Rachelle pero hinawakan nya ang kamay nito para mag-usap.
Kinuha ni Lance ang tissue at pinunasan ang pisngi ni Rachelle.
“I’m not trying to take advantage of the situation, but you can always count on me, I’m willing to listen anytime if you need someone to talk.” Sabi ni Lance habang yakap nya si Rachelle.
“I really hate this, you know. Yong may halong drama kapag lovelife na ang pag-uusapan. Ang corny ko talaga.” Nakangiting sabi nya na may mahinang tawa.
“No, it’s really fine. I’m always here to listen, promise!” Iyon lang ang nasabi nya about the whole situation dahil hindi rin nya alam kung ano pa ang sasabihin.
“Matulog na nga tayo may pasok pa tayo bukas.” Sabi ni Rachelle while she was about to open the car door. Pinigilan sya ni Lance para sya na ang magbubukas ng pintuan. Inalalayan sya ni Lance palabas at inihatid sa unit nya.
“You deserve to be happy.” Sabi ni Lance habang binubuksan ni Rachelle ang front door.
“Thanks.” Yon lang ang naisagot nya. “Thanks for tonight, again.”
“No, thank you…For trusting me and for giving me a chance na makilala ka.” Sabi nya habang dahan-dahan na syang lumakad pabalik sa unit nya, “Good night and sleep well, okay?” Pahabol nya as he waved his right hand.
Chapter 8
It was almost 7am nang magising si
Rachelle. Nabigla sya at tumayo agad. Ayaw nyang pumasok ng late dahil marami
syang projects ngayon. Naligo at nagbihis agad para makaalis agad sya. Hindi na
sya nag breakfast at dinala nalang nya ang isa pang box of cookies na bigay ni
Lance para kakainin while driving on her way to the office. Wala na rin ang car
ni Lance sa harap paglabas nya at maaga itong umalis. Maya-maya tumawag si
Lance sa phone nya.
“Nope. I’m stuck in this heavy traffic eh.” Inis na sagot ni Rachelle.
“Late ka yata today. Did you have breakfast?” Tanong nya na naman na parang may halong concern.
“Late na akong nagising. I’m eating the cookies right now while driving dahil gutom na ako at I don’t wanna be late, hahaha!”
“Gusto mo magpadeliver ako ng breakfast sa office mo now na para may food ka na pagdating mo?”
“No, huwag, please!” Nahihiyang tanggi ni Rachelle. “Please, you don’t have to.” And she dropped the call dahil medyo umusad na ang traffic sa high-way patungong office nya.
Habang sa office naman ni Lance ay nagpatulong syang mag-order sa secretary nila.
“Ate Klaring pa’no po ba magpapa-deliver?” Nagpapatulong sya sa secretary nila na medyo may eded na at tinuring na rin nilang nanay at dahil matagal na rin syang nagseserbesyo sa kompanya nila.
Rachelle just made a coffee sa pantry soon as she arrived and nagmamadaling magstart sa work nya. Suddenly may tumawag sa telephone sa desk nya.
“Hello, ma’am, may McDo delivery po para sa inyo.” Sabi ni Jean, ang secretary.
“Are you sure para sa akin yan? Baka nagkamali lang?” May pagdududang sagot nya.
“Sa inyo po nakapangalan ma’am eh.” Sabi ng secretary.
“Okay, I’ll pick it up now.” At nagmamadali syang lumabas papunta sa lobby.
She was surprised sa daming food na pinadeliver sa kanya. Tumawag agad sya ni Lance pagdating sa desk nya.
“Hey! Nakakainis ka talaga!” Sabi ni Rachelle when Lance answered.
“Bakit?” Nagkunwaring tanong nya.
“Huwag ka ngang magkunwari dyan. Sa’yo galing tong McDo delivery ano? Ang dami naman!” Sabi ni Rachelle.
Natawa si Lance sa kabilang line. “Hey, I want you to eat full breakfast para tuloy-tuloy yang work mo. And so, you don’t need to go out to buy, okay?” Concern na sagot ni Lance.
“Okay, fine! Thank you anyway. You lightened my day.” Nahiya sya but natawa na rin na may halong kilig. “I have to go na ang daming work naghintay sa ‘kin talaga. Talk to you later, bye.”
“Just message me if you need anything, okay? Bye…”
Sa sobrang busy ay hindi na namalayan ni Rachelle ang oras. Almost 6pm na pala. Nagutom na naman sya at may sobra pang chicken burger kasama doon sa pina-deliver ni Lance kanina. Nagsiuwian na ang mga kasama nya at sya nalang at ang boss nya na Architect ang naiwan sa department nila. Naisip nya 7pm sharp ay uuwi na sya. Papunta na sya sa parking area ay tumawag si Lance. Tinanong lang kung ano oras sya uuwi dahil late na sya kanina nang pumasok.
“Hi, kanina ka pa?” Tanong ni Rachelle.
“About 20 minutes ago I think.” Sagot ni Lance. Hinintay nyang makalabas sa car si Rachelle. “I have a suggestion if you don’t mind.” Nakangiting sabi nya.
“Hmmm, what’s that?” She’s wondering kung ano na naman ang sasabihin nito.
“Since pare-pareho tayo ng schedule sa work at hindi naman gaano kalayo yong office mo sa office ko, why not mag-car pool nalang tayo?” Suggestion ni Lance. “At least makaka-save ka pa ng gas. Well, if I have urgent matters, out of town, out of the country plans, I will let you know in advance, but most of the days, I can drop you off to your work and pick you up after. How’s that?”
Nagulat na naman sya sa suggestion ni Lance. She didn’t expect Lance would suggest something like this. Napaisip sya habang binubuksan ang main door sa apartment nya. Oo nga ano, napaisip sya. Pero nahihiya pa rin sya, masyado nang maraming favor na nagawa ang taong ito sa buhay nya. Hindi naman sya officially nangligaw pero parang gusto na niyang isipin na he’s getting there.
“Ano? Papayag ka ba? Sige na please.” Nagpupumilit si Lance. “Para hindi ka na rin masyadong mapagod after work baka magkasakit ka na nyan masyado kang hard-working yata.”
“What about you? Hindi ba nakakapagod din na madagdagan ang daily routine mo? Masyado mo na yata akong ini-spoil nyan, sige ka.” Natawang sagot nya.
“No, I’d be more than happy to do this everyday for you. I mean, kahit paminsan-minsan lang…Kasi sometimes I have some unexpected business meetings or trips, but will let you know of course. Please?” Nagpupumilit pa rin si Lance at medyo na-convince na rin nya si Rachelle. “Let’s try nga tomorrow. Flexible din naman yong sched ko, I can even go to work at lunch time but I didn’t abuse that. So, kung anong time ka papasok hihintayin kita, okay?”
“Nakakahiya na sa’yo.” Nakangiti na may halong hiya na sabi ni Rachelle.
“I’ll wait you in my car tomorrow at around what time ba gusto mo? Seven am ba or 8am?” Tanong ni Lance.
“O sige na nga let’s try. Seven am nalang kasi parang ganung time ka rin yata umaalis ano?” Sagot ni Rachelle.
“Yup, kung yan ang gusto mo sige.” Tuwang-tuwa si Lance at napangiti. “You need to rest na, okay? I have to go na rin.”
“Hey, thanks talaga sa food kanina. Until now busog na busog pa ako, lunch and dinner ko na yon alam mo ba? Yong French fries nga binigay ko na sa mga OJT.” Nakatawang sabi nya habang dahan-dahan na paalis na si Lance.
“I’m glad I was able to help…good night!” Nakangiting sabi ni Lance as he continued walking towards his unit.
Chapter 9
Maagang nagising si Rachelle dahil ayaw
nyang maghihintay ng matagal si Lance sa napag-usapan nila. Ubos na pala ang
cookies na binigay ni Lance kaya nag-coffee nalang muna sya at doon nalang
kakain sa office. Exactly 7am nang lumabas sya at naghintay na pala si Lance sa
car nya.
“Good morning…did you eat your breakfast?” Tanong ni Lance.
“Sa office nalang. Marami naman mabili doon.” Sagot ni Rachelle.
“Pa-deliver ako ulit?” May tuksong sabi nya na nakangiti while heating up the engine of his car.
“Huwag na po, please!” Nahihiyang sabi ni Rachelle.
“Why don’t we drop by muna sa fastfood near your office bago kita ihatid?” Suggestion na naman nya.
“Lance, please. Stop it! It’s too much na talaga. Pag nagpupumilit ka pa dyan bababa nalang ako.” Seryosong sabi ni Rachelle. “Seriously, please, huwag na, okay?”
“Ang gwapo ma’am.” Nakangiting sabi nya ky Rachelle na parang kinilig sa nakita nya. “So sya ‘yong nagpadeliver ng McDo dito kahapon ano? Hahaha!” Tukso nya ni Rachelle habang sabay silang pumasok sa elevator.
“Tsismosa ka talaga, hahaha! Secret lang yon ha.” Nagtawanan silang dalawa inside the elevator.
Dumaan na naman ang mga oras na hindi namalayan
ni Rachelle sa sobrang busy. Doon na rin sya kumain sa cafeteria ng building
para makabalik agad sa work nya. Nong hapong iyon ay pinatawag sya ng head
Architect nila sa office nito. May ipinasa na namang bagong project sa kanya at
nagrequest pa ang client ng painting sa interior design nya na gagawin sa
project na yon na isang mansion. Habang nakaupo sa visitor’s chair si Rachelle
kausap ang head Architect sa kanyang office, she saw the messy documents on his
desk and some calling cards. Nabasa nya yong isa na nakalagay – JB Design and
Construction Firm. She was a little surprised and napaisip kung si JB kaya yon
or ibang JB. She remembered then na yon ang pangarap ni JB, na magkaroon ng
sariling firm. Gusto nya basahin lahat na nakasulat doon sa calling card pero
baka mahahalata ng head Architect.
“I think I can do that but just give me enough time, my plate is so full.” Nakangiting sagot nya pero excited.
“They want it on Monday, kaya ba?” Sabi ng Architect. It’s Wednesday na pala so meron pa syang 5 days to work on this.
Tinanggap nya ang project dahil pwede naman nya gawin sa bahay this Saturday and Sunday ang painting. Napakalaking halaga ang ibabayad sa kanya ng client once magustuhan yong painting. At that moment nakalimutan na nya ang calling card na nakapangalang JB.
“Sorry to keep you waiting, really super busy.” Paliwanag nya ky Lance while he opened the door of his car for her to settle in. “At nadagdagan pa ang load ko ha, I’m going to be stuck at home this weekend para mag painting na need ng client on Monday.”
“Really? Very in demand yong skills mo kasi.” Sabi ni Lance habang pinaandar nya ang car. “So saan tayo magdinner?”
“So…kaya pala carpool ha para hindi ako makatanggi sa lahat ng dinner invitation mo? Ang daya mo talaga!” Nakangiting sabi ni Rachelle and slightly slapped his right muscle.
“Ganun ba yon? Hindi ko napansin ah, hahaha!” Natawa silang dalawa.
They had dinner again doon sa restaurant na unang dinala nya si Rachelle. Hindi sila nagtagal doon para makauwi agad at makapagpahinga ng maaga si Rachelle.
“So, you’ll be staying home this weekend dahil magpainting ka?” Tanong ni Lance while parking his car.
“Unfortunately, yes. Kaya lang I need to buy an easel pa nakakahiya naman kung dadalhin ko sa bahay yong sa office, hahaha!” Sabi nya habang palabas silang dalawa sa car. “Sa Friday nalang mag-canvass ako kung magkano at saka na bibili. Matagal na kasi akong hindi nakabili ng easel.”
“What’s an easel?” Tanong ni Lance.
As always hinatid nya sa unit nya si Rachelle at nag-good bye na rin agad para makapahinga na sya. Nang makahiga naman si Lance sa bed nya getting ready for sleep, nag search sya online sa easel at kung magkano para mag-order at ipa-deliver sa unit ni Rachelle.
Chapter 10
It was Friday morning nang magising si Rachelle sa very early caller na hindi nya kilala.
“Good morning po ma’am. May delivery po in 10 minutes.” Sabi ng caller.
“Anong delivery ho?” Naguguluhan sya.
“Para ky Rachelle Mendoza, isang easel set. Kayo ho ba si ma’am Rachelle?” Tanong ng caller.
And in 10 minutes dumating ang hindi nya inaasahang delivery. Lumabas na rin si Lance to get ready for work nang makita nya ang delivery.
“Ano na naman to, Lance, hah?” He asked him right away pagkalabas ng unit nya.
“Wow, yon na ba yon?” Tuwang-tuwa sya sa nakita nya. “Tamang-tama pala online natin inorder dahil medyo malaki to.” Nakangiting sabi nya.
“Anong natin?” Sabi ni Rachelle. “Ikaw ang nag order niyan and I have no idea.” Parang medyo nainis sya na inunahan sya ni Lance pero may halo na ring tuwa at kilig dahil isang malaking regalo ito para sa kanya.
“Mahilig ka talagang magpa-surprise, ano? Are you trying to impress me?” Nakangiting sabi ni Rachelle habang bumabyahe.
“Hey, I want you to be happy, okay?...I told you, you deserve to be happy.” Proud na sabi ni Lance sa kanya.
Nang matapos ang kanyang araw ay hinanda ni Rachelle ang mga gamit sa gagawin niya this weekend. Nagpaalam sya na hindi sya papasok bukas because she needs to do an urgent and very important task. He was picked up by Lance around 6pm and they had dinner as always. Umuwi na agad sila after dinner para maaga syang makapagpahinga. Unti-unti nang nag sisink-in kay Rachelle na panliligaw nga talaga ang mga gestures ni Lance at nahuhulog na rin ang loob nya sa kanya. Natuwa na rin sya para makalimutan nang tuluyan si JB.
Chapter 11
Saturday around 9am nagstart na si Rachelle sa kanyang painting task. Natutuwa syang nakikita ang easel na binili ni Lance sa kanya. It’s been a long time na rin since last syang gumawa ng malaking masterpiece at nasa Dubai pa sya noon. After an hour kumatok si Lance sa unit nya. Dumaan muna sa unit ni Rachelle bago pumasok sa work nya. He was very impressed sa nakita nya at mas lalo syang na-in love ky Rachelle. Tinanong sya kung nagbreakfast na at kung may food ba sya for the day para tuloy-tuloy ang work nya. Umalis na rin sya agad dahil may business meeting daw sya at lunch.
Madilim na sa labas at hindi namalayan ni Rachelle dahil enjoy na enjoy sya sa kanyang ginawa. Confident sya na matapos nya ito bukas. Nagtext si Lance na parating na at may dalang dinner nila. Parang nasanay na sya talaga sa sobrang caring ni Lance sa kanya at parang hindi na sya makatanggi kung sakali manligaw talaga ng tuluyan sa kanya.
Proud na proud si Lance sa nakita nyang obra ni Rachelle. He can’t believe kung gaano ito ka-talented. Ang swerte nya talaga kung ito ang mapangasawa nya. Maganda, sexy, mabait at talented pa. Hinding-hindi na nya ito pakakawalan pa. Lahat gagawin nya para mapasaya nya si Rachelle at makuha nang husto ang loob nito.
Pagkatapos nilang kumain ay bigla na
namang tumawag ang mama ni Rachelle habang nakaupo silang dalawa sa sofa ni
Rachelle sa sala kaharap ang kanyang hindi pa natatapos na masterpiece. Lance
suddenly felt uncomfortable dahil baka marinig na naman nya sa usapan nila si
JB. At hindi nga sya nagkamali.
She called back at nagvideocall sila ng Mamay nya para makita ang work nya. Nakita ng mama nya si Lance na katabi ni Rachelle at tinanong kung sino ito. Pinakilala naman ni Rachelle si Lance through the video call. Naisip ng mama nya, baka nga nakalimutan na nya talaga si JB dahil may bago na itong boyfriend.
“Anak nami-miss kana talaga namin. Ikaw nalang magbakasyon dito kasi matatanda na kami ng Papay mo hindi na pweding bumiyahi. Hindi na namin kailangan ang pera, ikaw ang kailangan namin.” Nalulungkot na sabi ng mama nya.
Sumingit si Lance sa usapan nilang mag-ina. “Yes po, ma’am. Once libre na po si Rachelle bibisita po kami dyan.” Nakangiting sagot ni Lance. “Napaka-hardworking po talaga ng anak nyo at nakaka-proud tong work nya. Hayaan nyo po one of these days bibisita kami dyan.” Kinurot sya ni Rachelle sa beywang nya. Parang nga syang boyfriend na nito kung magde-decide.
“Mamay susubukan ko po. Kapag medyo maluwag na ang load ko sa work ko, hihingi ako ng vacation leave, okay?”
Nang matapos ang videocall ay kinulit
ni Lance si Rachelle. Parang naawa na rin sya sa mama nito na nami-miss na sya.
At kung magkatotoo man na isasama sya sa pagbibisita nila ay natatakot sya kung
sakali magkita uli sila ni JB at Rachelle dahil ang alam nya nagpupunta doon
palagi si JB sa kanila.
“I think you need to visit your parents. They are getting older na. Ikaw lang ang pweding bumiyahi dahil matatanda na sila. Why not spend 2 or 3 days then balik uli dito. Sa sandaling yon hindi matutumbasan ang saya na maibibigay mo sa kanila.” Seryosong sabi ni Lance sa kanya. Oo nga ano, napaisip sya.
“The reason I don’t want to go back home dahil nandoon si JB. Yong parents ko gustong-gusto sya ang makatuluyan ko. If I would stay there of course hindi ko papayagang masaktan ang damdamin ng mga parents ko at mapilitan akong makipagbalikan ky JB. Ewan ko ba, ang tagal na ng panahong yon pero hindi pa rin ako handa sa anomang mangyari pag uuwi ako.” Paliwanag nya kay Lance.
“Gusto mo sasamahan kita? Hinding-hindi ka guguluhin ni JB if I’d be there at your side.”
“Seryoso ka ba?” Nagulat na naman sya sa sinabi nya.
“Of course. Kailan ba ako may sinabi sa ‘yo na hindi natupad?” Sabi nya habang hinawakan ang kamay ni Rachelle. “Just let me know kung handa ka na at kung pwede ka nang makapagbakasyon. I would drop or cancel all of my plans just to be with you.” Sabi ni Lance sa harap ng mukha ni Rachelle at titig na titig sa kanyang mga mata.
“Why are you doing this to me?” Sa wakas naitanong nya ky Lance. “Why?”
“Because you are special. You are someone worth to be treasured, worth to be kept forever.” Hindi na nya napigilan ang damdamin nya at nasabi nya ito ky Rachelle. Muntik na nyang sabihing mahal na mahal na nya ito pero pinigilan nya dahil baka masira na naman ang gabi nila. Pinisil nya nang mahigpit ang dalawang kamay ni Rachelle at saka tumayo para aalis na.
Rachelle was so speechless sa mga narinig nya. Hindi man direktang sinabi ni Lance pero she felt na mahal na sya ni Lance.
“Good night!” Yon lang nasabi ni Rachelle. “Can I just…have one tight hug?” Nahihiyang pahabol niya pero kailangan nya yon dahil naguguluhan sya sa buhay nya ngayon. Bago paman makasagot ay niyakap na sya ng mahigpit ni Lance at hinalikan sa noo. “Good night.”
The next day ang saya ni Lance
pagkagising nya dahil it seems like may patutunguhan na ang mga efforts nya.
Nagmessage agad sya ni Rachelle kung kumain na ba at dadalhan nya ito ng food
kung wala pa. Dahil alam nyang busy at hindi makapagluto, nagsearch sya sa
youtube kung paano magluto ng sinigang.
“Seriously?” Nagulat si Rachelle sa dalang pagkain ni Lance. “Did you cook all of these? Hahaha!”
Natuwa sya at nasarapan naman sa luto ni Lance na hindi nya talaga ini-expect.
Natapos din sa wakas ang painting ni Rachelle nong araw na yon and Lance took a picture of it para ipagyayabang nya sa boss at mga ka-team nya sa office.
Chapter 12
Hinatid sya ni Lance sa loob ng office
nito noong Monday dahil malaki ang canvass at ayaw nyang mahihirapan si
Rachelle sa pagbitbit nito pagpasok sa office nya. Everybody was surprised
hindi dahil doon sa magandang painting kung hindi sa gwapong lalaki na naghatid
ky Rachelle. Kinikilig sila sa kanilang nakikita lalo na si Jean yong secretary
na close friend nya.
“Hi!” Bati ni Lance sa lahat na medyo napahiya pero may kasamang matamis na ngiti. “Nice to meet you all.”
When they were alone sa loob ng office ni Rachelle ay medyo na-relieve si Lance. Natawa naman si Rachelle sa reaction nya.
“I have to go na. Just message me if you need anything, okay?” Sabi nya ky Rachelle.
“Ihatid na kita palabas.” Sabi ni Rachelle.
“No, it’s okay. I can manage. I’ll see you later.” Paalam nya kay Rachelle.
Very impressive daw yong ginawa niyang masterpiece at siguradong magugustuhan ng client. Hindi naman sinabi kung sinong client basta they will let her know the feedback soon.
“Rach, are you okay there?” Tanong agad ni Lance.
“May bagyo ba? I’m just watching the news right now.” Sabi nya na medyo takot.
“Are you scared? Samahan na kita dyan at baka wala tayong pasok ang lakas ng hangin at ulan I’m sure bahang-baha na sa daan.” May concern sa tunog nya.
“Tawagan ko si Jean yong secretary namin tatawagan nalang kita uli.” Sabi ni Rachelle.
Tumawag din si Lance sa office nila at walang sumasagot kaya tinawagan nya ang boss nya. It was just declared earlier lang pala na walang pasok dahil malakas ang tama ng bagyo at maraming lugar na ang binaha. Tumawag uli si Lance ky Rachelle para sabihin na tatawid sya.
“May payong ka ba dyan?” Tanong ni Rachelle.
“Nope, I’m going to find something, hahaha!” Natawang sagot nya.
Tumawid si Lance sa unit ni Rachelle
using a towel to cover him para hindi mabasa pero dahil sa lakas ng ulan ay
basing-basa pa rin sya. Ang cellphone nya ay nilagay sa plastic bag para hindi
mabasa. Rachelle suggested na maligo nalang para hindi sya magkakasakit.
Pinahiram sya ng bathrobe ni Rachelle at pinatuyo nya sa dryer ang nabasa nyang
damit while Rachelle was making some quick breakfast. Nakakakilig tingnan
silang dalawa dahil hindi pa man confirmed at official ay para na silang
couple. They had breakfast together while watching the news. Nag-alala si
Rachelle na hindi nya matapos agad ang mga gagawin nya sa office. After
breakfast ay naupo silang dalawa sa sofa sa sala at nanonood pa rin ng news.
Medyo naiilang si Rachelle kaya dumistansya sya ng konti dahil naka-bathrobe
lang si Lance. Naintindihan agad ito ni Lance at natawa sya at nang biglang nag
brown-out.
“I have 2 power banks sa bahay magcharge ka nalang doon. Lipat nalang tayo sa unit ko, I have rechargeable electric fan din doon baka kasi mainitan ka.” Concern na naman si Lance sa kanya.
“Tatawid tayo? Malakas pa rin ang ulan.” Sagot nya.
“Eh let’s wait for it to slow down. Kaya lang kelan pa?” Sabi ni Lance na sumilip sa window. “Do you have an umbrella?”
At naalala ni Rachelle may malaking payong sya sa kotse nya at kinuha ito ni Lance.
Nagbihis agad si Lance sa pinatuyong damit nya at binalot nila sa plastig bag ang mga gadgets nila para hindi mabasa. Magkayakap silang tumawid papunta sa unit ni Lance at ang sweet nilang tingnan. First time nyang makapasok sa loob ng unit ni Lance. Very masculine ang dating at hindi sya masyadong makalat na-observe nya. Nagustuhan nya ang malaking black couch sa sala na kasya ang dalawang taong humiga. Nahihiya syang umupo dahil basang-basa ang shorts nya.
“Here magpunas ka,” binigyan sya ni Lance ng towel, “or would you like to shower din just like me kanina pagdating sa bahay mo?” Natawang sabi nya ky Rachelle. “Feel at home, okay?”
“Do you have extra shorts or pajama na kasya siguro sa’kin? Hahaha!” Sabi nya ky Lance.
He suggested nalang na kukuha ng damit sa bahay nya para makapagpalit sya. At inutusan nya si Lance na kunin yong pajama at t-shirt nya and she gave detailed instruction on where to find them sa cabinet nya. Matapos nilang magpalit ay masayang nakaupo si Rachelle sa very comfy couch nya habang inayos ni Lance ang mga basang towel na ginamit nila.
“Can I have this couch nalang ang sarap dito matulog kaya, hahaha!” Biro ni Rachelle.
Biglang tumabi si Lance sa kanya at sinabi, “Sure, gusto mo? Ilipat ko to sa bahay mo when the rain stops.” Nakangiting sabi nya.
“Ikaw talaga hindi ka na mabiro. This looks expensive, I can’t afford this, hahaha!” Sabi ni Rachelle.
Inabot ng kaliwang kamay nya ang phone
sa table, “Yes bro!” Sagot agad ni Lance habang nakayakap pa rin si Rachelle sa
kanya. “What?” Nagulat sya, “masyado ba malaking damage? Are there people there
ba nasaktan?” Sunod-sunod na tanong nya. “We can’t go there right now….o sige
please update me bro…I’m just here sa apartment ko… kasama ko si Rachelle, wala
rin silang pasok eh…Shut up dude!” Natawa sya sa huling sinabi nya dahil
tinutukso sya ni Trevor, yong boss nya.
Tumayo si Rachelle at binuksan ang ref ni Lance para maghanap kung anong pwede niyang lutuin sa dinner nila at dahil 4pm na, nagbrunch na kasi sila kanina so dinner nalang ang lulutuin nya. Sumunod si Lance sa likod nya at niyakap sya ulit sa likuran nya sabay close ng door ng ref.
“Mamaya na nga ‘yan,” nakangiting sabi nya. “Pwede ba akong maglambing muna? I wish today will never end.” He whispered in her ears the last line that he said.
“Sira ka talaga!” She slightly slapped her face na malapit na sa pisngi nya. Humarap sya ni Lance at pinisil ang ilong nito.
“Ouch!” Sigaw ni Lance. Natawa si Rachelle sa reaction nya kahit alam nyang hindi naman to masakit.
“Ang OA mo talaga!” Habang bumalik sya sa couch at nakaupong naka-slouch. “Tapos na kaya ang bagyo?”
Tinabihan uli sya ni Lance sa couch at niyakap sya uli nito. “Sana nga pala palaging may bagyo so I could cuddle you more often.” Nakangiting sabi ni Lance.
Chapter 13
“Good morning, sunshine.” Pabirong bati nya. “Are you going to work na ba coz I’m going to work na rin we have to check the factory na nasira kahapon sa bagyo.”
“Yeah nagmessage si Jean back to work na daw kami.” Sagot ni Rachelle. “I’ll be ready in 30 minutes, I need to go early kasi madami akong napending na work kahapon.”
“I’ll wait you in the car later nalang, okay? Kagigising ko rin lang naman.” Sabi ni Lance habang binuksan ang TV para makinig sa early morning news while getting ready for work.
Nang makapasok na sa kotse si Rachelle ay bigla syang hinalikan ni Lance ng saglit lang sa pisngi. Nakikita nya ang masayang-masayang mukha nito noong araw na iyon at kakaiba ang aura.
“Sana walang problema sa daan para hindi tayo ma-late.” Sabi ni Rachelle para hindi sya mahalatang nahihiya pa rin sya sa nangyari kahapon sa kanila ni Lance.
When Rachelle arrived in the office ay nahalata agad ni Jean ang mukha nito na masayang-masaya at laging nakangiti. Tinutukso sya nito about kay Lance pero tinawanan lang nya. Pagkarating sa loob ng office nya ay agad syang nagtrabaho while eating her breakfast na tinake-out ni Lance sa Jollibee drive thru. Few minutes later ay pinatawag na naman sya ng boss nya para kausapin. Ibinalita sa kanya na very impressed yong client sa ginawa nyang masterpiece and someone will be coming next week daw to discuss further and maybe sign the contract na rin. Tuwang-tuwa naman sya sa balita.
After dinner one Saturday evening nang umuwi na sila, kinausap sya ni Lance bago lumabas ng kotse.
Hinawakan nya muna ang mga kamay ni Rachelle at huminga ng malalim bago nagsalita, “It’s my birthday on Monday but I want us to have dinner with my family tomorrow.” Seryosong sabi niya.
“What??? Are you crazy??” Gulat na gulat si Rachelle. “Why didn’t you tell me agad?” Kinabahan sya pero galit. Hindi nya alam kung anong gagawin at nahihiya syang ma-meet agad ang family ni Lance.
“Kaya nga hindi ko sinabi agad because I know you would resist.” Malungkot na sabi ni Lance. “Don’t you trust me ba? My family is very welcoming naman and they would be very happy to meet you.”
“Bakit? Kilala na ba nila ako?” Nagtataka sya kung gaano na nga ba sya kadalas ikinikwento ni Lance sa family nya.
“Of course, matagal na. The day you smiled back at me, sinabi ko agad sa mom ko, I’ve found the one.” Nakangiting sabi ni Lance.
“Huwag ka ngang magbiro dyan. Hindi ka nakakatuwa.” Medyo naiinis na si Rachelle at gusto nang lumabas.
“Seriously, I told them already that we will have dinner tomorrow and they are expecting you to be there.” Pakiusap ni Lance while he held firmly Rachelle’s hands na gusto nang lumabas. “Hindi naman kita pababayaan eh. Hindi kita iiwan para hindi ka mahiya nasa tabi mo lang ako lagi at hinding-hindi ka maa-out of place, I swear!” Matinding pakikiusap ni Lance. “Please, it’s my birthday. I don’t celebrate my birthday, but because of you, I believe there’s a reason for me to celebrate this time, please? It’s just a dinner lang naman eh.”
“I’ll think about it.” Binitiwan nya ang kamay ni Lance at biglang lumabas sa kotse papunta sa unit nya. Hinabol sya ni Lance para makiusap ulit.
“Rach, please!” Sigaw nya. Hindi na sya sinagot ni Rachelle at pumasok na ito sa loob ng bahay nya.
Dismayado si Lance na pumasok sa unit nya. Umupo sa couch at nag-isip kung anong gagawin nya para ma-convince si Rachelle na sumama. Inabot na sya ng antok at nakatulog sa couch na hindi man lang hinubad ang sapatos nya at nagkapagpalit ng damit. Nagising sya at 2am at saka dali-daling bumangon at nagpalit ng damit para lumipat sa bedroom. Nang makahiga na sa bed nya he checked his phone but no message from Rachelle. Nag-message sya sa viber dahil hindi sya makatulog.
Lance – Rach, I’m sorry. I didn’t mean to offend u. Pls huwag ka nang magtampo pls??? He waited for 5 minutes, no reply.
Rachelle – matulog ka na ok? Let’s talk tomorrow.
Lance – thanks…gudnyt
The next day pagkagising ni Rachelle around 8am ay may message na naman si Lance.
Lance – pls look at your car
Inayos nya ang flower sa isang malaking
vase and put on some water. Iniisip nyang mabuti ang invitation ni Lance.
Parang may halong takot at kaba ang nararamdaman nya. He’s getting serious and
seems like quickly moving on to the next level. Parang natakot din sya na baka
maulit muli ang failed relationship nya ky JB dito sa relationship nya ni Lance
kaya hindi sya handang humarap sa family ni Lance. Masyado yatang
mabilis, naisip nya. Nagulat sya nang biglang may kumatok.
“Yeah I made some pancakes, would you like to try?” She said dryly habang kumuha ng plate and fork for Lance.
“Wow ang sarap naman nito.” Kinain nya ng mabilis at nakaubos agad ng dalawa.
“Hindi ka gutom, ano?” She joked slightly dahil natuwa sa nakita nya habang nagtitimpla ng kape for Lance.
“Hindi. Pahingi pa ngang isa.” Nakangiting sabi nya.
Hindi na muna sya nag open up about sa dinner mamaya para hindi masira ang moment na ‘yon. “Do you like the flowers?” Tanong nya ky Rachelle.
Hindi sya makapaniwala sa narinig nya.
“Of course not!” Bumitiw sya sa pagkakahawak ni Lance sa kanya. “Huwag mo nga
isali si JB sa usapan dito. I’m not using you of course. You’re too good to be
fooled around and…I’m so happy that I met you, you changed my life, you changed
everything.” Galit na sabi nya. “Hindi ko lang alam kung saan ako lulugar sa
buhay mo, mahirap mag-assume, alam mo ‘yon?” She cried again at umupo sa sofa
sobbing on her palms.
Naintindihan na ni Lance ang lahat. Niyakap nya nang mahigpit si Rachelle at hinalikan sa noo. “Did you know that it’s really true, that I called my mom and told her na I’ve found the one when I met you?” He softly whispered in her ears and tried to explain. “I know na hindi ako sigurado na makukuha kita yong mga time na ‘yon pero I asked my mom to help me pray na maging girlfriend kita. Naisip ko ‘pag nililigawan ko ‘to sasagutin kaya ako? Kaya dinaan ko nalang sa pa-cute cute lahat eh.” Natawang sabi nya. “Kasi, if you captured the heart of a woman first before you court her, you will never receive a no for an answer. If everything goes well, the rest will follow. And I’m glad that I finally captured your heart. At ipagsisigawan ko sa buong mundo na ikaw ang girlfriend ko, okay?”
Around 6pm ay nakarating na sila sa
restaurant kung saan nagpabook si Lance ng dinner for the whole family. Maagang
nakarating ang family nya kaya sila nalang dalawa ang hinihintay. Kinakabahan
si Rachelle habang palabas ng kotse pero as Lance promised, inalalayan sya at
assured her na hindi sya iiwan sa tabi nito hangga’t matapos ang dinner. Tumayo
at unang sumalubong ang mom ni Lance at niyakap si Lance sabay greet ng happy
birthday. Matapos syang niyakap ay pinakilala nya ng formal si Rachelle.
Niyakap din si Rachelle ng mahigpit ng mommy ni Lance sabay welcome sa family nila. At sunod-sunod na nagsitayuan ang dalawa niyang sisters with their respective husbands at niyakap si Lance at pagkatapos ay si Rachelle.
“Happy birthday, Tito!” Sabay bigay ng regalo sa kanya ng isang cute na batang lalaki at kinarga agad ni Lance.
“Wow how cute, is this for me?” Tanong nya sa pamangkin nya at hinalik-halikan sa pisngi. “Meet your tita Rachelle, say Hi to tita!”
Hindi akalain ni Rachelle na ganun ka
warm ang welcome sa kanya ng family ni Lance pero naiilang pa rin sya dahil
mayaman ang pamilya nila. Masayang-masaya si Lance at natupad din ang birthday
wish nya na sa wakas mapakilala sa family nya ang babaeng gusto nya makasama
habang-buhay. Gabing-gabi na nang makauwi sila after the dinner and as always
nakatulog na naman si Rachelle sa byahi pauwi sa apartment nila.
Pagkapasok agad sa loob ay bigla nyang niyakap si Rachelle at hinalikan sa labi ng maraming beses at sinabing, “thank you” ng maraming beses. Niyakap muna nya ng matagal at mahigpit si Rachelle bago siya nagpaalam.
Chapter 14
Masayang-masaya silang dalawa sa estado
ng buhay nila ngayon dahil official couple na talaga sila. Hindi makapaniwala
si Rachelle na for the second time ay magtiwala uli sya sa isang lalaki
at mapaibig nya ito ng husto. Mas ganado na syang ihatid at sunduin ni Lance
dahil girlfriend na nya ito. Biglang may isang malaking project si Lance and it
was keeping him busy kaya hindi na nya maihatid or masundo si Rachelle
everyday. Kaya balik sa pagda-drive na naman si Rachelle dahil madalas ang out
of town ni Lance. Lagi nalang silang nagtatawagan or nagme-message every now
and then. Isang multi-million project ang inasikaso ni Lance kaya naiintindihan
nya kung bakit napaka-busy nito.
Thursday morning maagang aalis si Lance
dahil may out of town uli pero ginising nya muna si Rachelle para magpaalam
before umalis. Kahit wala pang hilamos at suklay ang buhok dahil kagigising
lang nya at around 6am ay napa-admire talaga sya sa natural beauty ng
girlfriend nya.
“I understand naman. Basta mag-ingat ka lang doon, okay?” Nakangiting sagot nya na mukhang inaantok pa. “Hay, wala naman akong driver.” Biro nya sabay tawa. At hinalikan uli sya ni Lance ng matagal at damang-dama nya ang pangungulila nito.
“This is for our future, alam mo ‘yon. I will never do something that would hurt you. Alam mo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko, okay?” Hinalikan sya uli at nagpaalam.
Naghanda na rin si Rachelle for work at pinaandar muna ang car niya dahil medyo matagal na rin na hindi ito nagamit. Maaga syang aalis para hindi maabutan ang traffic.
Busy as usual sya kaya madali ang oras para sa kanya. May business lunch sya sa hapon kaya naka-formal attire sya ngayon. Pagbalik nya sa office ay nagulat sya sa boses na narinig nya sa loob ng office ng boss nya na nagkukwentuhan at nagtatawanan. Kinakabahan sya. Malakas ang kutob nya na very familiar sa kanya ang boses na ‘yon. Sinabi agad ng isang OJT na kanina pa raw sya hinahanap ng boss nila. Tinanong ni Rachelle kung kilala nya ba ang visitor pero hindi naman kilala ng OJT. Ang sabi lang nya napakagwapo daw at kinilig silang lahat. She can’t have a clear view dahil hindi naman ito full glass ang wall. Tinanong sya ng OJT kung sasabihin na ba agad na nandito na sya o mag-ayos muna sya. Sabi nya huwag muna dahil pupunta pa sya ng pantry at iinom ng malamig na tubig dahil nauhaw sya. Pero ang totoo ay nangingig sya dahil familiar talaga sa kanya ang boses ng bisita.
“Yes, sir kararating lang at nasa pantry uminom ng tubig.” Sagot ng isang OJT.
Pumunta ang boss nya sa pantry para hanapin sya at dahil may dining table at chair naman doon ay pwede silang mag-discuss doon kung sakali. Sumunod ang bisita sa boss nya.
“Rachelle, I think you know Archt. JB, he just told me na you grew up together and worked together sa isang construction firm before.” Sumunod si JB sa likod ng boss nya at pumasok sila sa pantry.
Natamimi sya habang nakatitig ky JB. Malamig ang kamay at hindi alam kung anong sasabihin nya.
“Hi, Rach, how are you?” Nakangiting tanong ni JB sa kanya habang inabot ang kamay for a shake hand.
“Hi!” Yon lang ang nasabi nya sabay shake hand ky JB at halatang-halata nito na nanginginig sya.
Hindi pa rin sya makapagsalita kahit
lumabas na ang boss nya. Kung magalit or mainis ba sya sa mga sandaling iyon ay
hindi nya alam. Kaharap nya si JB ngayon, na parang walang nagbago at nakangiti
sa kanya habang sya ay tulala. Totoo pala talaga ang sabi ng mga OJT, gwapong
visitor ni boss.
“Can we talk inside my office, please?” Sa wakas may lumabas din sa bibig nya.
“Sure!” Mabilis syang tumayo at hinintay na unang lumabas si Rachelle to show his way to her office.
“Nice.” Sabi ni JB habang nasa loob na sila ng office ni Rachelle at patingin-tingin sa mga art works na naka-hang sa wall. “Did you do all of these?” Tanong ni JB.
“Would you like some coffee or tea?” Hindi nya sinagot ang tanong ni JB.
“No, no it’s okay. Kanina pa si boss nag invite sa akin mag-coffee but huwag na, busog pa ako, galing din ako sa isang lunch meeting kanina.” Casual na sagot nya na patuloy na tumingin sa mga naka-picture frame na nakasabit sa wall. “Ba’t hindi mo sinama dito yong bago mong masterpiece?” Tanong nya uli.
“Hindi pa tapos ang frame.” Sagot nya. “Since when ka dumating dito? How did you know I work here?” Kuryosong tanong ni Rachelle habang umupo at kaharap ang laptop niya pero wala syang nababasa.
Umupo sya sa visitor’s chair sa harap ng table ni Rachelle. “Seriously, I didn’t know na ikaw yong magpi-paint until nakita ko ang name mo sa baba ng painting when he sent me a picture. So tinanong ko si boss kung anong pangalan ng artist at sinabi nya ikaw.” Paliwanag ni JB. “I told him I know you and we worked together before, at wala na akong ibang sinabi. Natuwa nga sya at kilala kita coz it will make our future projects easier to handle daw.”
“I don’t understand. Dito ka na rin magwowork?” Tanong ni Rachelle.
“Nope. I met your boss last year sa isang convention namin. Nakipag-collaborate ako sa kanya dahil malaking firm ito and I just started my own firm na rin. Mas madali kang makilala sa construction world kung marami kang kilalang malalaking firm.” Pinakita ni JB ang calling card nya from his pocket at binigay kay Rachelle. “Di ba alam mong pangarap ko to dati pa?” Nakangiting sabi nya.
“Congrats pala.” Sabi ni Rachelle habang tinitigan ang calling card and she remembered na yon ang nakita nyang card sa table ng boss nya.
“How are you, Rach?” Biglang seryosong tanong ni JB na nakatitig sa mga mata nya. Naisip nya na mas lalo syang gumanda at nag-mature ngayon sa itsura nya.
Iniiwasan nya ang titig nito at hindi makasagot. Kunwaring may ginagawa sa laptop nya pero malayo ang isip nya.
“Are you still mad at me ba? It’s been 2 or 3 years na ba?...hindi mo pa rin ba ako mapatawad?” May halong lambing sa boses nya na parang nagmamakaawa.
“Three years.” Sabi ni Rachelle na nakatitig pa rin sa laptop nya pero walang naintindihan sa binabasa nyang email.
“What should I do para mapatawad mo? Kasi, I can feel na may galit ka pa rin sa akin ngayon eh. Please let’s forget the past, please forgive me na please?” Pagmamakaawa ni JB sa kanya. “I’ve been waiting for this moment na makausap ka, alam mo yon?” Tahimik pa rin si Rachelle. “Alam kong may iba kana, sa ganda mong ‘yan very impossible na walang manliligaw sa ‘yo dito kaya patawarin mo nalang ako.”
“Ikaw, nakailang girlfriends ka na ba? Ang dami na siguro ano kasi maraming girls maghahabol sa ‘yo sa katayuan mong yan.” Parang naalala na naman ni Rachelle ang nakita nya yong time na iniwan nya si JB.
“I never had a relationship after you left me, if you would believe it or not. I worked hard instead para matupad ang mga pangarap ko na sana ay pangarap nating dalawa. Natupad ko nga ‘yong pangarap ko, pero nawala ka naman sa buhay ko. Kasalanan ko, oo…pero hindi ko ginusto yon at alam mo yon. You just don’t want to hear the truth dahil ginawa mong dahilan yon para makaalis sa lugar natin to explore the outside world. Pati parents mo nga iniwan mo kahit mga matatanda na.”
“What? How dare you?” Pilit nyang pinigilan ang galit nya para hindi marinig sa labas. “You just don’t know how it feels kung gaano kasakit ang traydorin ka ng kasintahan mo at huwag mo nga idamay ang parents ko dito.” Galit na sabi nya. “Can we just talk about business instead, you’re not here to discuss about your pathetic apologies!”
“I’ll pay your masterpiece.” Tumayo sya. “The owner of that house is paying me 20k for your impressive work, but dodoblehin ko ‘yon because I know how intricate it is and that you deserve more than 20k for that job.” Nag-iba ang tunog ng boses nya. Parang nainis pero pinipigilan nya. Speechless si Rachelle sa narinig nya but she’s no longer interested with the talent fee after sa nangyaring confrontation today.
“I’ll tell my secretary to prepare your check and she will communicate with you one of these days. I’ll see you around, Rach.” At binuksan ang pinto para lumabas na.
Chapter 15
Hindi pa rin sya
makapaniwala sa mga nangyayari. Nakatitig pa rin sya sa laptop nya pero walang
nababasa. Gusto niyang uminom ng tequila sa oras na yon para malasing pero alam
niyang ka-OAhan lang yon. Bakit kasi galit pa rin sya habang may Lance na sya.
Naalala nya si Lance at gusto niyang tawagan. Pero baka mahalata nya na malungkot
sya at baka bigla syang iiyak at magtataka pa ito. Gusto niyang malaman kung
nakaalis na ba si JB pero nahihiya syang lumabas dahil baka nandyan pa. She
waited around 6:30 bago lumabas para sigurado syang umalis na nga ito. Patay na
ang ilaw sa office ng boss nya kaya sigurado syang umalis na and maybe they are
having dinner together. Tinanong nya ang isang OJT kung sabay ba silang lumabas
ng boss at yong bisita at sinabi nitong sabay daw umalis. Medyo madilim na nang
papunta na sya sa parking lot at may biglang tumawag sa likuran niya.
"Rach…For old
time’s sake pwede ba tayong magdinner? Please?" Nakatayo si JB in front ng
isang magandang kotse na duda nya ay pagmamay-ari nito. Sinalubong sya agad ni
JB at sinabayan papunta sa car nito. “Unless kung may date ka or baka susunduin
ka ng boyfriend mo…pero kung libre ka naman please pagbigyan mo naman ako,
please? Wala naman sigurong masama kung kakain lang tayo, di ba? Para namang
wala tayong pinagsamahan noong maliit pa tayo. Sige na, Please?” Pakikiusap
nya.
Naiinis na naman si
Rachelle sa sarili nya. Dahil alam nyang ikagagalit ito ni Lance pag nalaman
nyang nagkita sila ni JB pero deep inside ay gustong-gusto nya sumama. “There’s
a restaurant on top of this building, baka gusto mo subukan.” Sabi nya.
“Ay no! Huwag dyan baka may makakita pa sa atin at makakarating pa ky Lance lagot ako.” Nadulas ang dila nya na ma-mention and name ni Lance.
“Lance…your bf?” Kuryusong tanong ni JB while leaning on her window para marinig.
“Ikaw kasi ang kulit mo.” Bulong nya at naiinis masyado at that situation. “Would you rather find a place na malayo dito?” Tanong ni Rachelle habang pinaandar ang kotse nito.
“I’m not familiar here, ikaw nga ang taga rito, eh.” Sabi ni JB.
“Okay, fine! Follow me nalang convoy nalang tayo.” At sumakay na rin si JB sa car nya kung saan doon nya nakita itong nakatayo kanina. Sa kanya nga talaga yong nice car naisip nya.
She searched in
google kung saan sila kakain na medyo malayo sa city at hindi pa napupuntahan
nila ni Lance. Dasal nya na sana walang makakakita sa kanilang dalawa na
kakilala nya at ni Lance doon. Isang garden restaurant na wala masyadong tao at
tahimik dahil malayo sa ingay ng city. Bumaba agad si JB sa car after parking
at nilapitan si Rachelle na matagal bumaba dahil she was observing the
surroundings and the people na pumapasok at lumalabas ng restaurant.
Nagi-guilty tuloy sya kay Lance sa ginawa nya. Kinatok sya ni JB sa window at
binuksan nya ito.
Nagdadalawang isip na
sya pero lumabas pa rin sya sa kotse at iniisip nya - pa’no kaya kung biglang
tatawag si Lance at that moment. She convinced herself na hindi yon tatawag at
this hour dahil super busy at minamadali ang mga ginagawa nya para makauwi agad
this weekend. Kung tatawag baka mamaya na kung nakauwi na sya. Tahimik syang
sumunod ni JB sa loob and they found a table na medyo may konting privacy at
the corner of the garden area. Kung sakaling magtatalo na naman sila ay hindi
masyadong marinig sa ibang customers naisip nya.
“Remember the last time we had dinner? That restaurant made 2 expansions and I got the project when I made my own construction firm na.” Nakangiting kwento ni JB. “Since then, sa awa ng Diyos nag-boom yong construction firm ko.”
“Really? Saan ba yong dalawang branches located?” Natuwa naman sya sa accomplishments ni JB.
“Gusto mo punta tayo doon one of these days?” Sabi ni JB. “Medyo malapit lang yong isa.”
Bago si Rachelle makasagut ay dumating ang waiter to take their orders. Saved by the bell sya. Naalala pala nya yong last dinner nila naisip nya. Hindi pa rin sya mapakali baka kasi anytime tatawag si Lance. Patingin-tingin sya sa cellphone nya.
“Ilang months na ba kayo ni Lance? Months ba or years na?” Tanong ni JB nang makaalis ang waiter.
“Five months.” Maikling sagot nya. “Ikaw? Sinong girlfriend mo ngayon? Kilala ko ba? Kumusta na yong si ano? I forgot her name.”
“Talaga? Sinabi ni Mamay sa’yon yan?” Natuwa si JB sa narinig nya. “Bilib nga ako ni Mamay at sa mga kapatid mo, ayaw talaga sabihin kung nasaan ka, ayaw ibigay ang contact number mo. I just learned nga na nagpunta ka pala ng Dubai. Biruin mo 2 years ka pala doon hindi ko man lang alam. Kung saan-saan kita hinanap yong mga time na yon kaya pala hindi ka mahanap dahil nandoon ka sa Dubai.”
So hinanap nya pala talaga ako, naisip ni Rachelle. “I tried to explore at hinanap ko ang sarili ko. Hindi rin naman ako masaya doon kaya naisipan kong bumalik nalang nang matanggap ako dito sa work na’to nang mag-apply ako online before ako umalis ng Dubai.”
“And then you met, Lance? Saan ba sya nagwork?” Kuryosong tanong nya.
“Yeah, we live in the same compound doon sa tinitirhan ko ngayong apartment. Magkapitbahay kami.” Nakangiting sabi nya. “He’s a Chemical Engineer sa isang malaking Pharmaceutical Company. Out of town sya ngayon dahil may malaking project na inasikaso.”
“Kaya pala libre ka ngayon.” Nakangiting biro nya. “Joke lang! Ayoko naman isipin mo I am taking advantage of the moment dahil wala pala dito ang bf mo.” Binawi ni JB ang joke nya. “Kelan sya uuwi?” Tanong agad ni JB dahil baka sakali pwede pa silang magkita uli naisip nya.
“Bukas yata, he’s trying to catch an early flight mamaya sabi nya.” Sabi ni Rachelle habang dumating ang waiter dala ang food na inorder nila.
They enjoyed the food habang patuloy na nagkukwentohan. Nakalimutan na rin ni Rachelle ang galit nya dahil madalas na syang napatawa ni JB sa kwentuhan nila. Nakalimutan na nila ang oras at matagal na pala sila doon sa restaurant. Friday night naman so hindi ni Rachelle kailangang maaga bukas sa office. It was almost 10pm na when Lance called her. Nagulat si Rachelle at hindi alam kong sasagutin nya or hayaan nalang muna.
“Sagutin mo na.” Sabi ni JB. “Doon mo sagutin sa parking lot kasi hindi masyado maingay, at saka ayoko rin marinig ang lambingan nyo at baka ma-heart attack pa ako dito.” Biro nya na may halong selos.
“Sagutin ko lang saglit, just please don’t speak up, okay?” Pakiusap ni Rachelle. Pumayag naman si JB at itinaas ang dalawang kamay as a sign na payag sya. Sinagot ni Rachelle ang phone habang nagscroll-scroll naman si JB sa phone nya.
“Hey.” Nahihiyang sagot nya.
“Hey love, I’m going to the airport now.” Sabi ni Lance sa kabilang llinya. “I was super busy today kaya wala akong pahinga and didn’t have enough time to call you kanina. Minadali ko lahat so I can finish everything today and go back home with you this weekend, okay?” Lambing nya ky Rachelle.
“Really?” Mahinang sagot niya. “What time is your flight?” Sinabi ni Lance na 1:30am ang flight niya at magtataxi nalang sya pauwi dahil walang company service na susundo sa kanya. “Okay, I’ll call you later pagdating sa bahay nasa labas pa ako eh…may binili lang po…yeah I miss you, too…bye.” Pagmamadali nyang paalam ky Lance sa kabilang line. Niyaya nya na agad si JB na uuwi na dahil baka tatawag uli si Lance.
Chapter 16
“Thanks!” Nakangiting sagot nya. “Would you like to try inside? Halika may ipapakita ako sa’yo.” Invite nya kay Rachelle habang binuksan ang car door nito.
Pumasok si Rachelle at umupo sa passenger’s seat katabi si JB na nasa driver’s seat. Pinakita nya ang mga printed pictures ng bago nyang office na nagkalat sa back seat. Matagal na daw yon na-iprint pero nakalimutan nyang iligpit.
“Wow very millennial talaga ang design mo ha. Since kelan ka nagstart sa sarili mong firm?” Tanong ni Rachelle habang inisa-isa ang mga pictures na tingnan. “May kilala ba ako sa mga tauhan mo?” Mga bagong graduate daw halos lahat ang mga tauhan nya kaya wala syang kilala doon at almost 2 years na rin ang firm nya.
“Kung hindi ka sana
umalis, sa’yo sana yong isang office as the interior designer doon.” Seryoso na
naman sya sa tunog ng salita nya. “You know, Rach, hindi ko maiwasan ma-miss
kita. Seriously.” Nakatitig sya sa mukha ni Rachelle. “I’ve been praying na
makita ka uli at sana may pag-asa pa na makuha ko uli and…we’ll start a new
life. Hindi man siguro ako seryoso dati sa tingin mo but I had so many plans
for both of us. Kasama ka sa lahat ng mga pangarap ko. At sa isang pagkakamali
ko lang nabago ang lahat ng yon because it was no longer ‘us’ but it was just
‘me’ nalang. Pinagsisihan ko talaga lahat ‘yon dahil alam mo kung gaano kita
kamahal, Rach, at hanggang ngayon…dito, dito sa puso ko, walang ibang hinahanap
kungdi ikaw lang.” Seryosong sabi nya at hindi makapaniwala si Rachelle sa mga
narinig nya. Muntik na tumulo ang luha nya dahil parang nasasaktan sya na hindi
nya alam kung bakit.
“You are the best, Rach, alam mo ba’yon? Ikaw lang talaga ang mahal ko, ikaw lang. I need you in my life…gusto kitang bawiin dyan sa Lance mo pero parang mahal mo na sya yata.” Sabi ni JB na pigil na pigil ang mga mata sa pagdaloy ng luha pero hindi rin napigilan nito at tumulo rin. Hindi nya akalain na mangyayari ito. Kung kelan masaya na sila ni Lance ay saka dumating uli sa buhay nya si JB.
“Sabihin mo nga sa akin, sa harap ko. Bakit hinding-hindi mo pa rin ako mapatawad? Kung nakaka-move on kana bakit ayaw mo akong harapin doon sa atin at sabihin sa akin na ‘oo napatawad na kita!’, bakit? Bakit ayaw mo magpakita dati? Sa totoo lang, we didn’t break up eh, it was you who left me!” May galit sa tono ng panalita nya.
“Bakit, sino ba ang nagkasala? Sino ba ang nagtraydor, ha?” Galit na sagot ni Rachelle. “Hindi mo lang alam kung gaano kasakit yon. Tapos ngayon as if you are trying to tell me ako pa ang may kasalanan sa nangyari sa atin, ha?” Galit na galit na sya at hindi na nya mapigilan ang pagluha ng mga mata nya.
Hinawakan nang mahigpit ni JB ang dalawa nyang mga kamay, “Now tell me. Tingnan mo mga mata ko at prangkahin mo ‘ko na you don’t love me anymore, and I will not bother you anymore!” Nagpupumiglas si Rachelle sa mahigpit na hawak ni JB.
“Please, JB, stop it! I have to go!” Bigla nyang binuksan ang side door at lumabas papunta sa kotse nya. Iyak sya ng iyak habang pinapaandar ang kotse nya at humarurot paalis na iniwan si JB sa car nya. Masakit din para kay JB ang nangyari at halos 3 years nya itong hinintay na makaharap at makausap si Rachelle. He didn’t expect na ganun ang kalalabasan ng pagkikita nila. Noong malaman nya na si Rachelle ang nag-paint ng masterpiece para sa client nya ay hindi sya makapaniwala na finally ay mahanap nya si Rachelle. Pinaghandaan nya ang pagkakataong ito. Pero nabigo sya dahil naisip nya na hindi na nya mabawi si Rachelle.
Iyak sya nang iyak habang nagmamaneho. Almost 11pm na pala at hindi nya namalayan ang mga tawag ni Lance. Ten missed calls nang tiningnan ang phone nya. At nagmessage pa nang marami si Lance kung bakit hindi raw sinasagot ang mga tawag at messages nya. Nagmamadali syang makauwi para tawagan si Lance at sabihin na naidlip sya at saka lang nagising.
Pagdating nya sa
apartment nya ay nagmamadali syang pumasok para tawagan si Lance dahil baka
nagtataka ito. Nagmessage muna sya na naidlip sya para mabasa agad ni Lance
bago sya tumawag. Hindi na nya namalayan ang oras at almost 1am na pala at baka
boarding na si Lance. Bago sya makapagbihis ay tumawag si Lance.
“Sorry talaga naidlip ako sa pagod. Hindi na nga ako nakapagpalit ng damit eh.” Sabi ni Rachelle na pinipigilan ang pagluluha. “Tawagan mo nalang ako pagdating mo if ever makatulog ako ha, I’ll turn on the volume ng malakas para marinig ko agad.”
“Are you crying ba? Is anything wrong?” Nag-alala si Lance dahil he noticed iba ang boses ni Rachelle.
“Hah? Wala. Parang sisipinon yata ako. Mawala rin to I’ll just drink plenty of water.” Pagsisinungaling nya.
“Okay I have to go aalis na kami. I can’t wait to hug you and kiss you. Miss you so much! Bye!”
She felt guilty sa
mga pangyayari. Hindi nya maiintindihan kung bakit sya umiiyak at nasasaktan.
Bakit masyado syang affected sa mga narinig nya sa mga sinasabi ni JB kanina.
Umiiyak pa rin sya habang nagbibihis at nang biglang may nag-message sa kanya
at this hour. Akala nya si Lance pero she thought boarding na yata bawal na ang
phone. Nang mabasa ay isang un-saved number.
Rach – Yes, thanks!
JB – thank you! Good night!
Hindi na sumagot si
Rachelle. Baka saan naman mapunta ang usapang iyon. She erased the messages
dahil baka makita ni Lance. Hindi sya makatulog. Maya-maya darating na si
Lance, she is supposed to be excited pero bakit malungkot sya. Sinubukan nyang
matulog at dahil sa sobrang pagod nya on that day ay nakatulog sya.
“Hindi ka man lang ba mag hello sa bahay mo?” Biro ni Rachelle sa kanya.
“Nope. Dahil dito muna ako mag-hello sa baby ko.” Niyakap nya uli ng mahigpit and kissed deeply.
“Are you crying? Parang namamaga ang mga mata mo ah.” Tumitig sya sa mga mata ni Rachelle.
“Hah? Hindi, baka nga sisiponin ako, pabago-bago kasi ang weather, alam mo na.” Nagsisinungaling uli sya at hindi makatingin sa mata ni Lance. Niyakap nya nalang ito nga mahigpit para hindi na uli mahalata ang mukha nya. “Are you hungry? I can make something for you.”
“I’m not hungry eh. Busog na ako sa halik mo.” Biro nya habang umupo sila sa sofa.
Chapter 17
“Hindi na muna siguro. Dayoff ko naman talaga today.” Sabi nya.
“Are you okay? It seems matamlay ka yata. Baka may sakit ka, let’s go to the doctor nalang muna.” Pag-alala ni Lance.
“No, it’s not necessary. Mawawala rin to kaya nga magpahinga nalang muna ako ngayon. Trust me, maya-maya or bukas mawala na ‘to.” Dasal nya na mawawala agad itong lahat ng bigat sa kalooban para hindi na sya masyadong mahalata ni Lance.
“Gusto mo bang mag mag beach tayo? Ngayon na?” Sabi ni Lance. “May resort sila Boss Trevor very welcome tayo doon.” Matagal na syang hindi nakapag-beach at biglang na-excited si Rachelle.
“Really? Malapit lang ba?” Nakangiting sabi nya. “Are you not tired? Wala kang masyadong pahinga ah.” Habang inaayos nya ang table para mag-lunch.
First time nilang mag out of town at
mag-beach kaya excited si Rachelle at nawala na rin sa wakas sa isip nya si JB.
One hour drive lang from the city so hindi sila ginabi pagdating sa resort.
Pumunta rin pala sa resort ang Boss Trevor nya kasama ang wife nito nang
malaman na pupunta sila Lance. Gusto na rin makilala ng boss ni Lance ang
girlfriend nito. Pinakilala nya ito at sabay-sabay silang nag-dinner sa
restaurant ng resort. Mabait naman pala ang boss nya at ang wife nito at magkasundo
agad sila. Sa mga sandaling iyon ay nakalimutan nya si JB dahil gusto-gusto nya
ang beach. At dahil pagod sa byahi ay nagpahinga agad after dinner at bukas
nalang sila magsi-swimming.
Sinubukan ni Rachelle na kalimutan na ang nangyari sa kanila ni JB dahil nakikita nya kung gaano sya kamahal ni Lance at kung iisipin ng iba ay wala na nga syang mahihingi pa dahil nasa kanya na ang lahat.
A week after noong nagkita sila ni JB
ay may naalala na naman sya. She remembered the box na may mga laman ng memories
or ilang stuff na galing kay JB na naitabi nya. Nakalimutan na nya ito ng
mahabang panahon at biglang naalala. Naisipan niyang maghalungkat at ilabas ang
box na nakatago sa cabinet at kinuha ang maliit na picture frame nila ni JB.
Napangiti sya sa nakita. Nag-iisip sya kung bakit kaya hindi nya tinapon.
Nagulat sya nang biglang dumating si Lance at naiwan nya ang picture frame sa
bed nya dahil lumabas sya agad ng kwarto.
“Hindi naman, naglilinis lang.” At dahil Sunday morning yon so wala silang pasok. “May sasabihin ka ba?”
“Yeah, we have another business meetings next week.” Habang niyakap nya si Rachelle na nakatingin sa bukas na bedroom nito. “Love what are those?” kuryosong tanong nya tungkol sa nakita nyang box at picture frame at nilapitan nya ito.
Nagulat si Rachelle at hindi alam ang gagawin. “Oh my God!” Mahinang sabi nya sa sarili nya. At kinuha ni Lance ang picture frame sa bed at nagulat sa nakita nya.
“Is this JB?” Kuryosong tanong nya habang hawak ang frame.
“I was just cleaning at naalala ko na itapon ko na pala yan. Matagal ko na kasi hindi naalala yan eh, kaya nakalimutan ko nang itapon.” Paliwanag ni Rachelle na nanginginig ang kamay.
“How long have you been keeping this?” Medyo galit na ang tunog nya. “All this time na magkasama tayo, nandyan pala yan sa loob ng cabinet mo? Why? Dahil nami-miss mo pa rin sya?” Galit na tanong nya.
“No! Of course not! I was planning to throw that away at ngayon ko lang naalala.” Nanginginig na paliwanag nya.
“Bull shit! You don’t even answer me back every time na nag-a I love you ako sa’yo! Why? Because you still love him?” Galit na galit na si Lance at mukhang hindi na nya mapigilan ito at tumahimik nalang muna sya. “Ano? Why can’t you answer me?” Sigaw ni Lance sa kanya.
“No, hindi yan totoo. Please, huwag kang mag-isip ng ganyan.” Pakiusap nya.
Biglang kinuha ni Lance ang susi at cellphone nya sa table at lumabas. “Fuck!” Sinuntok nya ang wall sa labas ng apartment ni Rachelle.
“Lance! Please!” Sigaw ni Rachelle habang hinabol nya sa pintuan si Lance at nakita nyang malakas na sinuntok ang wall. Nagmamadali si Lance na sumakay sa kotse at pumaharurot bigla palabas ng compound. Nag-alala sya kung baka nasugatan ang kamay nito sa lakas ng suntok.
The next day around 6am ay umalis agad sya at dumaan sa Jollibee para mag breakfast dahil hindi sya nagdinner. Nandoon pa yong car ni Lance nang umalis sya. Hayaan nya na nalang muna para mag calm down at hintayin nalang kung kelan sya kakausapin uli. Bising-bisi sya kaya mabilis dumaan ang oras. Pag-uwi nya sa bahay ay nandoon na ang car ni Lance, pag-alis nya sa umaga ay nandoon pa rin ang car nya. Hindi na sila nagkikita ng ilang araw at hindi pa rin sya kinikausap nito. Nami-miss na rin nya at sinubukan nyang mag-message dahil sya naman talaga ang may kasalanan. Nagmessage sya na nami-miss na nya ito pero hindi sya sinagot. She was trying to reach out dahil alam nya sya ang dahilan kung bakit nagtatampo ito.
Saturday night nagyaya si Jean, ang friend nyang secretary na mag-overnight sa place nya dahil birthday nito. Sila lang mga kasama nyang babae ang invited nya. Alam din kasi ni Jean na nagtampuhan sila ni Lance. Natuwa si Rachelle para she can have time to unwind at gusto nyang maglasing. Matagal na raw kasi na hindi sya nalasing biro nya. Nagluto si Rachelle doon sa apartment ni Jean at yong iba ay nagdala ng food and wine. At dahil doon sila matutulog ay talagang naglasing si Rachelle ng husto. Masarap sa pakiramdam na nailabas nya lahat ng galit at sama ng loob dahil nakainom sya ng alak.
Habang naglalasing ay hinihintay naman
sya ni Lance na makauwi sa apartment nya. Galing pala sya sa Japan kasama ang
boss nya kaya nandoon lang ang car nya. Kaya nya kinausap si Rachelle noong
Sunday na nag-away sila ay magpapaalam sana sya na pupunta sila ng Japan for 6
days. Pero hindi na nya ito masabi dahil nag-away na nga sila.
“Nasan ka?” Tanong nya kay Rachelle at halatang nag-alala.
“Hey, love!” Natatawang sagot niya. “How are you?” Halatang lasing na ang tunog ni Rachelle.
“Are you drunk?” Tanong ni Lance. “Where are you right now?” Sumigaw sya ng konti dahil maingay ang background.
“Ah we’re having a party sa bahay ni Jean, naalala mo yong friend ko sa office? It’s her birthday today!” Sagot nya.
“Can you give the phone to Jean please?” at binigay ni Rachelle kay Jean ang phone dahil bigla syang sumuka.
“Hello po sir. This is Jean. Pasensya na po medyo lasing na yata si ma'am Rachelle. Hahaha!” Natawang sabi nya.
“Where’s your address? Please tell her I’m going to pick her up now, okay?” sabi nya ky Jean.
Mabilis syang umalis at nag-search sa google map.
Nang marating nya ang lugar ni Jean ay
tinawagan nya uli si Rachelle at si Jean na rin ang sumagot. Nakatulog kasi si
Rachelle sa sobrang lasing. Ginising ito at sinabing may sundo sya. Nagulat sya
nang makita si Lance sa labas. Masakit ang ulo nya at nahihilo. Inalalayan sya
ni Lance pasakay sa loob ng car nya at nakatulog sya uli doon habang kinuha nya
ang mga bag ni Rachelle ky Jean.
Iniwan nalang muna ang car ni Rachelle at safe naman ito doon at kukunin nalang kinabukasan.
Himbing na himbing si Rachelle sa byahi at nagising nalang pagdating sa apartment nila. Nagulat nalang sya nang makita si Lance sa tabi nya.
“Nanaginip ba ako?” Sabi ni Rachelle. “Ang sakit ng ulo ko.”
Nagising nalang sya the next day at
nagulat dahil nasa sariling kwarto na sya. Ang last na naalala nya ay sa bahay
sana ni Jean sila matutulog. Masakit pa rin ang ulo nya. Tumayo dahil narinig
nya si Lance sa kitchen na nagluluto. Nagulat sya kung paano nangyari ang lahat
ng ito.
“Would you like some coffee?” Tanong ni Lance. “Masakit pa ba ulo mo?” Habang patuloy na nagluluto.
“Sorry.” Nahihiyang sagot nya. “I didn’t mean to bother you. Nagkatuwaan lang kami doon kaso napadami yata ang nainom ko. Matagal na kasi akong hindi nakainom at hindi rin ako sanay kaya nalasing agad.” Paliwanag nya.
“I’m sure gutom ka kaya you need to eat.” Sabi ni Lance habang inayos ang table.
Hindi nya natiis si Lance at niyakap nya ito ng mahigpit. Hindi nya akalain despite sa ginawa nya ay inasikaso sya ng husto at hindi sya iniwan nito. “I miss you so much!” Niyakap na rin sya ni Lance ng mahigpit.
“Hindi kita matiis. Hindi ko maiwasang mag-alala.” Sabi ni Lance at hinalikan sya sa noo.
“Lance, I’m very sorry.” Naiiyak sya.
“Pasensya ka na rin sa mga nasabi ko. I was just shocked, you know…pwde ba kalimutan nalang natin ‘yon? I’m sure tinapon mo na rin yon lahat, di ba?” Sabi nya habang mahigpit na niyakap si Rachelle.
“Sinunog ko sa labas para makita mo.” Nakangiting sabi nya.
“Hindi ko na napansin. I wasn’t able to tell you na we went to Japan last Monday at kahapon lang kami nakauwi.” Sabi ni Lance.
“Ah kaya pala nandyan lang yong car mo, I thought late ka nang umaalis at maagang umuuwi.” Natawang sabi ni Rachelle.
Chapter 18
Isang bad news ang natanggap ni Rachelle isang araw. Inataki sa puso ang father nya at namatay. Kaya may mabigat na dahilan that she needs to go home this time at sinamahan sya ni Lance. Mabuti nalang hindi na masyadong busy si Lance at ang boss Trevor nalang nya ang mag-aasikaso sa mga gawain nya just in case. Iyak ng iyak si Rachelle noong araw na yon. Hindi sila gaano ka-close ng papay nya unlike sa Mamay nya dahil masyado itong disciplinarian at strict sa kanya lalo na’t nag-iisang babae sya. Pero labis pa rin ang pagkakalungkot nya at iyak sya ng iyak nong araw na yon. Nag-impake agad sila ni Lance at umalis ng madaling araw para makarating agad sa province nila gamit ang car ni Lance. Mahigit 3 hours din ang byahi papunta sa place nila Rachelle.
Lunch time na nang makarating sila sa bayan nila Rachelle. Tuwang-tuwa ang Mamay nya nang makita sya at niyakap nya ng mahigpit dahil na-miss nya ito nga sobra. Sinalubong din sila ng mga kapatid ni Rachelle at ang family nito. Nasa malaking sala nila nilagay ang burol ng papa nya. Sa bahay lang kasi ang lamay kasi ganun talaga sa probinsya. Malaki naman ang luma nilang bahay para tumanggap ng mga bisita. Pinalinis agad ng brother nya ang kwarto nya para doon sila ni Lance matulog at hindi na maghotel dahil malayo sa bayan nila.
Niyakap din ni Lance ang mama ni Rachelle nang pinakilala nya ito. Masaya naman ang mama nya at medyo mabait ang boyfriend nito. Kahit galing sa mayamang pamilya ay hindi ito maarte at marunong itong makikisalamuha. Siguro dahil na rin sa nature of his job that he deals with a lot of clients. Kasundo nya agad ang mga brothers ni Rachelle. After lunch ay nagpahinga muna sila Rachelle dahil sa pagod sa layo ng byahi nila. Konti pa ang mga bisita dahil sa gabi madalas nagpupunta ang mga tao dahil may pasok sa umaga ang karamihan dito.
Around 5pm ay dumating si JB para
makiramay nang malaman nya ang masamang balita. Nasa kitchen sina Rachelle para
tumulong sa mga tauhan nila para maghanda ng pagkain while kausap ni Lance ang
brothers nya sa dining table talking about some business stuff. Makikita agad
sa malaking window nila kung may paparating na kotse at kitang-kita ni Rachelle
na paparating ang kotse ni JB. Nagulat sya. Napalingon sya ky Lance na
nakatingin sa paparating na kotse. He was wondering kung sino ang bisita with a
luxury car. Alam na ito ng family ni Rachelle dahil madalas nga si JB
nagpupunta doon kaya hindi na sila nagulat. Nakita ni Rachelle na bumaba si JB
na may dalang bulaklak at sinalubong agad ito ng pamangkin ni Rachelle na
batang lalaki sa labas ng porch nila.
Bago paman makapasok sa loob si JB ay hinila agad ni Rachelle si Lance na nakatingin lang ky JB, “Lance, can we get inside muna?” Hinila nya ang kamay ni Lance at para papasok muna sa kwarto nya. Nakita sila ni JB habang nasa porch pa ito.
“Why? Don’t you want me to introduce to him?” Mahinang tanong ni Lance para hindi marinig ng iba.
“Huwag na please. This is not the right time.” Pilit nya itong hinila paakyat sa kwarto ni Rachelle.
Nang makapasok sa kwarto ay tinanong sya ni Lance, “Bakit parang takot ka? Kung exboyfriend mo yon at nakikiramay why not entertain him just like your other guests?” Nakangiting tanong ni Lance pero nararamdaman nya na nagseselos ito.
Niyakap nya nalang ito at nilambing
para hindi sila mag-aaway. “Love, please. Let’s respect nalang sa burol ng
tatay ko huwag nalang muna tayong lalabas at baka may tension pa na mangyayari.
I don’t think it’s right na magkaharap kayo ngayon. Not at this time. Please?”
Sabi nya habang yakap-yakap nya ito at hinalik-halikan at nilambing ng husto.
Naiintindihan din ni Lance at respeto na rin sa father ni Rachelle kaya pinigilan nya ang selos at konting inis. Nagpahinga nalang muna sila at maya-maya ay naidlip si Rachelle habang si Lance ay hindi mapakali. Wala naman syang intention na manggulo dahil nakakahiya sa family ni Rachelle at lalo na sa father nito pero gustong-gusto nya lang makausap at makilala yong tao. Lumabas nga sya sa kwarto just to check if nandoon pa si JB at nakita nga nya ito sa porch nila na nakasandal sa balusters habang nagtetext. Nandoon naman halos lahat sa kusina dahil dinner time na at medyo konti pa ang mga bisita. Nilapitan nya ito at nagpakilala.
“Hi!” Sagot naman ni JB. “Kelan kayo dumating?” Casual na tanong nito. “It’s good that you’re here so you can finally meet Rachelle’s family. Mababait sila and very welcome ka dito.” Seryosong sabi nya.
“Kanina lang before lunch time kami dumating. We left very early kasi iyak ng iyak si Rachelle and she wanted to go home agad.” Sabi ni Lance. “Rachelle told me na you always come here daw sa bahay nila.”
“Ah kasi magkababata kami at nakasanayan ko na rin na dumaan dito palagi especially if there are occasions, lalo na today.” Sabi JB na hindi makatingin sa mukha ni Lance.
“Pumunta ka pala sa office ni Rachelle? Kelan ba yon, last month? Nagkausap ba kayo?” May halong selos ang tanong nya ky JB.
“Ah she told you ba na nagkita kami sa office nya?” kuryosong tanong ni JB.
“Nope. I learned it from her officemate. I didn’t ask Rachelle nga kung bakit hindi sya nagkwento sa akin na pumunta ka doon. It was a business meeting naman daw sabi ng friend nya so wala naman akong dahilan para magselos, right?” May bahid ng konting inis at selos ang tuno nya.
“Do you still love her ba?” prangkang tanong nya ky JB. “Kasi hindi naman maiiwasan na magkikita kayo kasi part ka na yata sa family nya.”
“Lance, I still love her…at hindi na mababago yon dahil matagal kaming nagkasama at marami kaming pinagsamahan mula nong maliit pa kami. Pero wala akong balak na agawin sya sa’yo because I know she loves you, okay?” Seryosong sagot ni JB at naiinis na rin sya ng konti. “Look, I’m not here for Rachelle, I’m here for her papay kaya sana please huwag mo lang lagyan ng malisya ang pagpunta ko dito.” Medyo galit na rin ang tuno nya.
“Yeah, pare, cool ka lang. I didn’t mean naman na aagawain mo sya sa akin.” Galit na rin si Lance pero pinigilan nya ang sarili nya. “Sorry pare ha, if you got me wrong. Gusto ko lang namang makipagkaibigan sana sa ex ni Rachelle.”
“Hindi parang iba ang tuno sa pananalita mo eh!” Galit na si JB at muntik na nyang matamaan sa suntok si Lance at buti umiwas ito, at ito agad ang nakikita ni Rachelle nang lumabas ng kwarto.
“JB, ano ba?” Sigaw ni Rachelle. “Stop it! Lance ba’t ka ba lumabas di ba sabi ko huwag kang lumabas?” Sigaw ni Rachelle habang nagsitayuan ang family ni Rachelle sa kusina na naghahapunan at nagulat sa pangyayari. “Ka-professional nyong tao nag-aaway kayo dyan at dito pa sa harap ng burol ng tatay ko. Hindi nyo man lang nirespeto!” Lumapit sya kay Lance para sigurohin kung hindi nga ito natamaan. Biglang umiwas si Lance at pumasok sa loob at nag-sorry sa harap ng family ni Rachelle na nasa dining table at pumasok agad sa kwarto ni Rachelle. Habang si JB ay pumasok din sa kusina upang mag-sorry sa family ni Rachelle at lumabas agad para umuwi nalang.
“Sorry.” Mahinang sabi nya ky Rachelle na dinaanan nya sa pintuan na nakatayo at sumakay agad sa kotse nya at umalis.
Ang pag-ibig nga talaga ay walang kinikilala, professional ka man o hindi.
Pumasok si Rachelle sa kwarto upang kausapin si Lance.
“I’m sorry.” Sabi agad ni Lance nang pumasok si Rachelle. “I was just trying to be friendly.”
“I told you this is not the right time. Sa tingin mo ba makikipagkaibigan yong tao sa’yo? Hindi!” Galit na sabi ni Rachelle.
“Why? Dahil alam mong mahal ka pa rin nya ano?” Lance tried to ask her calmly kahit nagseselos na talaga sya.
“No!” Sumagot agad sya. “Pwede ba huwag ka ngang childish dyan?.. Ba’t mo ba nasabi yan? Matagal na nga kami naghiwalay eh.”
Gustohin man nyang tanungin si Rachelle tungkol doon sa pagpunta ni JB sa office nya ay pinigilan nalang nya para hindi na masyadong magalit ito. Naisipan nya na saka nalang kung tapos na ang burial ng father nya. Humiga nalang sya at hindi nalang sya nagsalita at naisip nya na kailangan ayusin nya ang gulong ito para hindi sya mapasama sa family ni Rachelle at baka mabawi pa ni JB si Rachelle sa kanya now that he knows that JB still loves her. Natatakot na si Lance na baka madaling agawin ni JB si Rachelle dahil mas marami silang pinagsamahan habang sila ay ilang months pa lang sa relationship nila. He was thinking deeply while lumabas si Rachelle para harapin ang bagong dating na mga bisita. Naisipan nya na kung kasal na sila ni Rachelle ay hinding-hindi na ito mababawi pa ni JB at hanggang nakatulog na sya sa kaiisip.
Hating gabi na nang pumasok uli si
Rachelle sa kwarto at tulog pa rin si Lance. Na-realize nya na hindi pala ito
nagdinner. Ginising nya ng mahinahon para hindi magulat and sinabihang kumain
na muna pero ayaw daw nya. Hinila nya si Rachelle para mahiga sa tabi nito at
niyakap ng mahigpit at hinalikan sa labi.
“Please huwag mo na ulitin ‘yon okay?” Sabi ni Rachelle.
“Hindi naman talaga ako ang nanuntok, it was him, nakita mo yon di ba?”
“Yes, nga pero hindi naman yon mangyayari kung on the first place hindi ka lumabas, di ba?” Sabi ni Rachelle.
“Sorry na nga…gwapo rin pala si JB ano?” Biro nya. “Mahigpit din pala ang kalaban ko.”
“Sira ka talaga! Can we just stop talking about him?” Bumangon sya at hinila si Lance para tumayo. “Halika ipakilala kita sa mga classmates ko sa high school nandyan pa yata sila.
Chapter 19
After 3 days ng lamay ay inilibing na
ang father ni Rachelle. Inalalayan sya ng mabuti ni Lance sa libingan dahil
iyak ito ng iyak. He remembered those days rin kasi nang mamatay ang daddy nya.
Hindi na rin nagpunta si JB kahit sa burial para umiwas na rin sa gulo. Babalik
nalang uli sya sa bahay nina Rachelle kung makaalis na sila ni Lance para
manghingi ng pasensya sa family ni Rachelle.
Nang gabing iyon after sa burial ay
kinausap ni Lance ang mother ni Rachelle. Sa madaling araw na ang uwi nila kaya
minabuti nyang makausap ito ng solo. Nasa garden sila para maenjoy ang lamig ng
hangin ng probinsya after magdinner while busy si Rachelle na nag-iimpaki ng
mga gamit nila sa kwarto.
“Abay bakit hindi?” Nakangiting sagot nya. “Matanda na ako, Lance. Matutuwa ako pag naka-settle down na si Rachelle bago ako sumunod sa Papay nya.” Paliwanag nito.
“Mamay naman. Huwag naman po kayo magsalita ng ganyan.” Malungkot na comment ni Lance.
“Abay syempre doon lahat tayo patungo…at saka hindi ako dapat ang tanungin mo kungdi si Rachelle. Bakit pumayag na ba sya?” tanong ng Mamay nya.
“Hindi ko pa nga tinanong kasi natatakot ako na baka hindi pa sya handa at hindi nya tatanggapin ang alok kong magpakasal.”
“Bakit mo naman nasabi yan? Hindi mo pa naman sinubukang tanungin sya eh. Bakit? Dahil ba ky JB?”
Natahimik si Lance dahil iyon ang totoo. “Oo nga eh.” Natawa sya.
“Si JB childhood friend nya yan at naging boyfriend lang nong magkasama na sila sa work. Lagi naman nagtatalo yang dalawa kahit nong bata pa sila at kahit na naging sila na eh nagtatalo pa rin palagi. Ganyan siguro pag masyado mo nang kilala yong tao. Kaya kung ako sa’yo tanungin mo muna si Rachelle kung papayag sya dahil maganda naman ang samahan nyong dalawa sa nakikita ko.”
Na-relieve si Lance after makausap ang Mamay ni Rachelle. Bigla lumabas si Rachelle at lumapit sa kanilang dalawa.
“Andito lang pala kayo.” Sabi ni Rachelle. Tumabi sya sa Mamay nya at niyakap ito. “Mamay, aalis na po kami mamaya, sana po huwag nyo pabayaan ang health nyo para hindi po ako mag-alala. Huwag kalimutan inumin ang mga gamut at maglakad-lakad kayo dito sa labas araw-araw para makapag-exercise.”
“Abay syempre kailangan ko pang mabuhay para ako ang maghatid sa ‘yo sa altar sa araw ng inyong kasal dahil wala na ang Papay mo.” Biro ng Mamay nya habang natawa si Lance sa narinig nya.
Natawa na rin si Rachelle sa narinig nya, “Of course naman Mamay when the right time comes basta huwag lang talaga pabayaan ang sarili nyo hah?”
Umiyak ang Mamay nya sa pag-alis nila at niyakap sya ng husto bago sumakay sa kotse.
“Anak, nasa tamang edad kana. Huwag mo nang pakakawalan si Lance.” Sabi nito. Napangiti lang si Rachelle at hinalikan ang Mamay nya at umalis na rin sila.
Inaantok pa si Rachelle kaya as usual ay nakatulog na naman ito sa byahe habang tahimik si Lance na malalim ang iniisip. Himbing na himbing si Rachelle at hindi na narinig na tumawag ang boss ni Lance at nagtanong kung pabalik na sila dahil may aasikasohin na naman sila.
Lunch time na nang makarating sila sa
apartment dahil sa traffic at dahil Monday kaya bukas nalang daw sya papasok.
Napagod na rin si Lance at naisipan na bukas na rin papasok.
Balik na naman sa pagkaka-busy si Lance
dahil maraming inasikaso after nag-leave sya ng ilang araw dahil sa lamay ng
father ni Rachelle kaya hindi na naman nya naihatid ito palagi sa work. He
convinced Rachelle to have lunch with him sa office nya para maipakilala naman
sya sa mga kasama nito.
Nahihiya sya pero napilit rin sya ni
Lance na pumunta at doon maglunch. Nagtake out nalang sya ng food at dadalhin
doon sa office ni Lance. Tuwang-tuwa naman si Lance dahil finally maipakilala
na rin nya ang girlfriend nya sa family ni Trevor na para na rin nyang pamilya.
Nagmi-meeting sila sa conference room nang dumating si Rachelle.
“Sir, a beautiful lady is looking for
you,” biro ng Ate Klaring nya na sumilip sa pintuan ng conference room dahil
informal meeting naman ito. “I’m sure it’s Rachelle.” Kilig na biro nya.
Tinukso sya ng mga tao doon sa loob ng conference room dahil mga ka-team lang
nya ito at hindi naman ibang tao. Hindi pala niya sinabi na darating si
Rachelle at doon sila maglu-lunch kaya panay ang kantyaw ng mga tao doon sa
kanya. Nagmadali syang nagpaalam dahil lunch break na rin lang naman at
pinuntahan agad si Rachelle sa lobby.
“No mga few minutes lang. Sinadya ko talaga na lunchbreak mo when I arrive para hindi naman nakakahiya.” Nahihiyang sabi nya habang kinuha ni Lance ang bitbit nyang food at hinalikan sa noo.
“Come. Let’s have lunch in my office.” Nakatingin ang mga front desk ladies sa kanila doon sa lobby habang pumasok sa loob ng main hallway. “Nagseselos sila dahil ang ganda ng kasama ko.” Pabulong na biro nya ky Rachelle.
Medyo malaki ang office ni Lance compared doon sa office nya. She prepared the food para makakain na nang kumatok at pumasok ang boss Trevor nya. “Hey! How are you? Condolence pala.” Bati ni Trevor sa kanya at nagshake hands sila.
“I’m fine, thanks. How’s Michelle?” Tanong nya tungkol sa wife nito. Nasa bahay daw at bawal mabinat dahil buntis na ito. Nakunan kasi sya nong unang pagbubuntis nito.
“Bro, why don’t you pick up the shrimp at kainin kanina ka pa nakatitig dyan sa fried shrimp na dala ni Rachelle.” Biro ni Lance.
“Bro nakakahiya ka naman…o cge na nga.” Binigyan sya ni Rachelle ng chopsticks para makakain at tawang-tawa ito sa kanilang dalawa. Paalis na sana sya at bumalik, “Isa pa nga.” Biro nya at kumuha uli ng isa.
“Bro sabay nalang kaya tayo dito kumain.” At nakatawang lumabas na ito sa office nya.
Matapos nilang mag-lunch ay pinakilala nya si Rachelle sa mga tao doon lalo na sa parents ni Trevor na naisip nyang kuning ninong at ninang kung sakaling magpakasal sila. Inihatid nya si Rachelle sa parking lot para makabalik na rin sa office niya. Nagkita nalang sila sa apartment nang gabing iyon dahil masyado silang busy.
“What? Are you serious?” Natawa si Rachelle sa offer nya.
“Yeah, I’m serious. At least iisa nalang ang babayaran nating rent monthly. Sige na please?” Pakiusap ni Lance.
“Huwag na muna.” Sagot ni Rachelle. At dahil masyadong advance to the next level na ito at hindi pa sya handa at hindi naman sya pinilit ni Lance.
Chapter 20
The following weeks ay hindi na masyadong busy si Rachelle dahil unti-unti na ring natapos ang mga projects nya habang busy pa rin si Lance. Gusto nyang mag-unwind sa weekend dahil palagi silang busy sa work nila at since free na sya ay niyaya nyang mag-beach outing uli sila ni Lance. Susubukan daw ni Lance kaya nagbook na rin si Rachelle ng 5 star resort dahil pangarap nya iyon na makapunta ng 5 star resort. Nagbook sya and Lance offered to use his credit card para bayaran ito. Ayaw nya sana dahil naalala nya ang pera na binayad sa kanya ni JB sa painting nya ay nasa bank account nya na pala. Nagulat sya dahil it was worth 40k pesos talaga. Naalala na naman nya saglit si JB nang biglang tumawag si Lance para ibigay ang credit card number nya.
Friday until Sunday, 2 nights and 3 days. Excited si Rachelle. Two hours from the city yong resort. Nagpaalam sya sa work na maga-undertime sa Friday dahil mag out of town sya. Biglaang may emergency meeting si Lance sa umaga at hindi nya alam kung anong oras matatapos. Naiinis sya dahil baka masisira ang plano nila. Naisip nya na mauna nalang doon at hahabol nalang si Lance at meron namang shuttle service ang resort na pwede syang ihatid doon. Ayaw sanang pumayag ni Lance dahil gusto nya sabay sila pero hindi naman sigurado kung matatapos agad at baka gagabihin na at excited pa naman sya kaya she insisted to go ahead. Sayang naman kung hindi sila tutuloy at nabayaran na ito. Nagpromise naman si Lance na hahabol as soon as matapos ang mga urgent matters nya.
“Hindi na ako makapunta dyan.” Biro ni Lance. “Kasi I’m not done yet.”
“Ano???” nainis sya. “Huwag ka ngang magbiro dyan. I know hindi mo ‘ko matitiis. Maghanap nalang ako ng ka-date dito.” Biro nya.
“Sige at sasapakin ko agad…bakit may nahanap ka na ba?” Habang nasa likod na pala nya si Lance.
Lumapit sya agad sa tabi ni Rachelle at hinalikan ito. Kitang-kita ni JB ang lahat at nasaktan sya at umalis agad sa kinatatayuan nito.
“Akala ko masisira na naman ang plans natin.” Sabi ni Rachelle habang niyakap si Lance na nagpahinga sa beach bed.
"I love you too!" At ngayon nya lang narinig ito sa mga bibig ni Rachelle.
Nakatulog si Lance sa pagod habang titig na titig si Rachelle sa kamay nya. She can’t believe engaged na sya. Pero hanging engagement yon dahil parang hindi pa sya handa. Biglang nag-ring yong phone ni Rachelle. Si boss Trevor tumawag sa kanya, bakit kaya? Nalow batt na pala ang phone ni Lance kaya hindi na sya makontak. Ginising sya ni Rachelle at binigay ang phone.
"What? Are you kidding me bro?" Nagulat sya. "I just arrived here eh...pambihira talaga oo...okay fine! Sige na nga!...yeah...shut up bro! Sige hope she's gonna be fine now."
Nakunan na naman daw si Michelle ang wife ni Trevor at dinala sa hospital at kailangan si Lance bukas sa isang contract signing sa business nila. Nakakainis talaga sabi ni Lance. Uuwi nalang daw sila bukas dahil very important yong contract.
"No susunduin kita dito sa Sunday."
"No kawawa ka naman mapapagod ka sa byahe ang layo kaya dito. Huwag na. Okay lang ako dito promise. Andito ka naman right now kaya susulitin natin ang mga oras habang andito ka pa." Hinila nya si Lance papunta sa beach para mag-swimming. "Selfie muna tayo ang ganda ng background."
Nagswimming sila sa beach saglit dahil
hindi na masakit ang araw. Very happy si Rachelle sa mga sandaling iyon. They
really enjoyed their little time lalo na't engaged na sila. Matapos magswimming
ay gusto muna nilang umuwi sa room para magbihis for dinner. Nang dumaan sa
lobby ng hotel ay naalala ni Lance naiwan pala ang laptop sa kotse nya. Kukunin
niya ito dahil baka manakaw pa at may gagawin sya mamya. Pinauna nalang nya si
Rachelle sa room habang pumunta sya sa parking lot na medyo malayo layo ng
konti.
"It’s room 218." Sagot ni Rachelle at hindi nya alam na nandoon pala si JB nadinig sya.
Nang makita ni JB na papunta si Lance sa parking area ay nagmamadali syang lumapit ky Rachelle.
"Hi Rach!" Nagulat si Rachelle.
"JB? What are u doing here?" Nagulat si Rachelle.
"May convention kami bukas. Ngayon ako nag check-in para maenjoy ang venue. At nakita ko kayo ni Lance."
"Congratulations!" Sabi ni JB. "Engaged ka na pala." Hindi na kita mababawi, naisip nya.
"Ahh ito?" She tried to show the ring to JB at natawa. "Ewan ko ba. Masyado yatang mabilis ang mga pangyayari. Are you alone or with someone else? Girlfriend mo?" Tanong nya.
"Wala ako lang. Of course, mga kasamahan ko sa UAP nandyan." Kasi UAP convention daw ang event bukas. "Pasensya ka na sa nangyari sa amin ni Lance doon sa lamay ni Papay. Hindi ko naiwasang magselos at nainis...Rach, pwde bang friends nalang uli na tayo? Like how we used to be before naging tayo? Hindi naman kita aagawin kay Lance especially that you’re now engaged. I just want us to be good friends uli katulad noong mga bata pa tayo. Sige na pls?"
At nakita nyang parating na si Lance at mabilis na nagpaalam para hindi makita ni Lance.
"Hinintay nalang kita para sabay umakyat."
Magkaakbay uli silang umakyat sa stairs papunta sa room.
Matapos magbihis ay pumunta sila sa restaurant for dinner. Madaming guests kaya maingay. They looked for a table sa may terrace na overlooking the sea para maiwasan ang ingay sa loob. Matapos nilang magdinner ay nagwalking sila sa tabi ng beach. Yakap nila ang isat isa while watching the full moon. Pagkatapos ay bumalik na sa room para magpahinga dahil babyahi na naman uli bukas si Lance.
Chapter 21
"Oo nga. I'll be perfectly fine." Habang inayos ang polo shirt ni Lance.
"Babalik nalang ako bukas susunduin kita okay?"
"Sige na nga." Hinalikan sya uli at umalis na si Lance.
Pagbalik nya sa lobby ay dumaan sya sa
convention hall. Nakita nya ang nakalagay doon sa labas ng door - UAP National
Convention - na ang guest speaker ay nakapangalang Archt. John Bernard Nakpil.
Si JB, yon sabi nya. Tiningnan nya uli kung anong oras ang program. Naalala nya
ang boss nya at tinawagan nya.
"Boss are you here sa UAP
convention?...can u please borrow me a guest ID gusto kong pumasok saglit, okay
lang po ba?" Lumabas ang boss nya na may bitbit na guest ID. Akala ng boss
nya na ininvite sya ni JB at sinabi nya hindi. Iniwan agad sya ng boss dahil
masyadong busy ito sa loob. Saktong sakto pagkapasok nya ay magsisimula na ang
program. Hinintay nyang tawagin ang name ni JB dahil gusto nyang makinig sa
speech nito. Naamaze sya sa mga sinabi ni JB talking about how he started and
how he succeeded. Binigyan sya ng plaque of appreciation. Kinunan ni Rachelle
ng video at picture kahit malayo sya dahil natutuwa sya. Hindi na nya namalayan
na tapos na pala ang program dahil nire-review nya lahat ng pictures at video
kung alin ang ededelete nya sa dami nito. Habang busy sya sa phone nya ay
nakita sya ni JB at lumapit ito.
"Ang corny nga ng speech ko, si ate Nicole ang gumawa eh." Natawa sya.
"Alam ko naman na hindi ikaw ang gumawa noon kabisado ko ang English mo, hahaha!" Si Nicole ay nakatandang sister ni JB.
"Where’s Lance?" Biglang natanong nya.
"May urgent meeting na naman. Nagpaiwan lang ako kasi sayang ang bayad namin dito ang mahal kaya. Bukas pa sana kami aalis. Nauna nalang sya dahil very impt kasi.” Malungkot na paliwanag nya. “Susunduin nya nalang ako bukas, kawawa nga eh, mapapagod sa byahe dahil ang layo dito."Habang naglalakad sila palabas ng exit door.
So, mag-isa pala sya ngayon sabi ni JB sa Sarili nya.
“Isusuli ko pala ang guest ID ky boss.” Sabi ni Rachelle.
“Ako nalang magsusuli magkikita pa naman kami mamya ng boss mo.” Binigay ni Rachelle ang ID at nagthank you na rin. Gusto sana ni JB na iinvite sya for dinner dahil alam nyang mag-isa nalang ito pero hindi nalang dahil baka iisipin he was taking advantage of the moment at dahil ayaw na rin nya guluhin dahil engaged na nga ito.
Nagpahinga si Rachelle sa room at nakatulog. Tumatawag si Lance to check on her every now and then until makarating sa office nya. Tinamad si Rachelle lumabas kaya nagpa-deliver nalang ng food sa room nya. Gusto lang nyang nakahiga palagi and watching TV. Nang officially matapos ang convention nila JB ay gusto na rin niyang umakyat na sa room para magpahinga. Dumaan sya sa room nila ni Rachelle dahil narinig nya kahapon ng tinanong ni Lance kung anong room sila. Nasa dulo rin kasi ang room nya. He walked slowly at lumapit konti sa door para makinig sa loob pero tahimik. He wanted to knock to see her pero nahiya sya. He went directly sa room nya para magpahinga nalang.
“Love, I’m on my way there na. I can’t wait to hug and kiss you again.” Lambing ni Lance habang nagmamaneho.
“Did you get some rest ba? Kawawa naman love ko walang masyadong pahinga. Sabi ko sa’yo huwag mo nalang akong susunduin ang layo kasi dito 2 hours mahigit yong byahe mo.” Pag-alala ni Rachelle.
“Yeah, I had a good sleep last night kahit wala ka sa tabi ko dahil ang saya-saya ko. Dahil finally, magiging akin ka na forever soon.” Biro nya. “When we get home, let’s talk about our wedding. Saan mo ba gusto magpakasal?”
“Akala ko ba no pressure? Hahaha!” Bigla syang natawa sa tanong nito. “Saka na nga natin pag-usapan ‘yan. Ingat ka sa byahi mo, okay? Dahan-dahan sa pagmamaneho.”
“I love you so much, Miss Rachelle Mendoza.” Seryosong sabi ni Lance.
“I love you, too, Mr. Lance Miguel Falcon.” Nakangiting sagot naman ni Rachelle.
That was their last conversation.
Naligo agad si Rachelle at nagbihis para hintayin nalang si Lance at sabay
nalang kumain kahit tatanghaliin na ito. Hindi pa naman sya gutom at nakatulog
sya uli while watching TV. After an hour tumunog uli ang phone nya.
“Yes, yes po. Sino po ba sila?” Nagtataka si Rachelle.
“Ma’am kayo ho ang last na nakausap ni Mr. Falcon dito sa phone nya, kaano-ano nyo po ba sya?”
“I’m his fiancée.” Mahinang sagot ni Rachelle na kinakabahan. “Bakit ho? Nasaan po ba ang may-ari ng phone?”
“Ma’am sa police station po ito, nabangga po ang kotse na minamaneho ni Mr. Falcon at na-recover namin ang gamit nya kasama ang phone nya. Pasensya na po at binuksan namin para ma-contact ang mga kaanak nya.” Paliwanag ng police.
Hindi makapagsalita si Rachelle. At
that moment ay parang binuhusan sya ng malamig na tubig at hindi makagalaw.
Sinabi nalang ng polis kung saang hospital ito dinala at critical daw ang
condition nito at saka ipapakuha nalang ang mga narecover na gamit ni Lance sa
police station na malapit lang doon sa hospital sa bayan na kung saan nabangga
ang kotse ni Lance.
“Nooooooo! Bakit?!!!!” sigaw ni Rachelle na biglang naupo sa sahig.
Pabalik naman si JB sa room nya after breakfast at nang makadaan sa room ni Rachelle ay narinig ang sigaw nito. Kinatok nya agad at tiningnan kung anong nangyari.
Pagbukas ni Rachelle ay niyakap sya bigla. “JB! Si Lance!” Iyak sya ng iyak at nanginginig.
“Bakit? Anong nangyari?” tanong nya agad habang sinara ang pintuan at inalalayan syang makaupo sa sofa sa loob ng room nito. Sinabi nya ky JB kung anong nangyari kay Lance at iyak ng iyak ito na hindi mapakali at nanginginig.
“Sabi ko kasi sa kanya huwag na akong sunduin nagpupumilit kasi eh. This is all my fault!”
“Relax. Saan hospital daw at puntahan natin?” Niyakap sya uli ni JB. Ngayon lang nya uli nayakap si Rachelle after so many years at hindi nya maiintindihan ang kanyang naramamdaman.
“How about Lance’ family hindi mo ba ipaalam ang nangyari?” tanong ni JB.
“Yong boss nalang ni Lance ang magsabi. Baka kasi ako pa ang sisihin nila sa nangyari ky Lance.”
“What? That’s unfair. Hindi mo naman sinadya ang lahat ah. It was an accident.” Paliwanag ni JB.
Pagdating nila sa hospital ay tumakbo
agad si Rachelle sa information. Isang public hospital lang ito kasi nasa
probinsya sila at mga 30 minutes lang ang layo sa resort. Malapit na pala sana
sya. Nasa ICU daw si Lance dahil very critical ang condition nito. Iyak ng iyak
si Rachelle habang nakasilip sa maliit na glass sa door ng ICU waiting for the
doctor to come out. Kitang-kita nya si Lance na nakahiga sa bed at maraming
machine na naka-connect sa katawan nito. Gusto niyang lapitan at yakapin pero
bawal syang pumasok.
“I’m sorry but he’s in very critical condition right now. We are doing our very best, that’s all I could say.” Matamlay na sabi ng doctor.
Umiyak na naman sya at hindi mapakali. Nakatingin palagi sa door ng ICU kung saan nasisilip nya ng konti si Lance na walang malay. Naawa si JB sa kanya, hindi alam ang gagawin. Tumawag uli si Trevor to check at tumawag na rin ang sister ni Lance at papunta na raw sila sa hospital. Tumawag din ang Mamay ni Rachelle at kinausap si JB na huwag iiwan si Rachelle na mag-isa.
Umiiyak lang syang nakaupo sa bench sa labas ng ICU katabi si JB na yakap sya habang naghihintay. Dumating ang police na nakakita ky Lance at naghatid sa hospital at binigay ky Rachelle ang mga narecover na mga gamit ni Lance at tinanong ng mga personal questions for the investigation. Nahuli na rin ang truck driver na nakabangga sa kanya at nalaman nila na masyadong mabilis ang takbo ng kotse ni Lance kaya sya nabangga. Naisip ni Rachelle na nagmamadali talaga si Lance na makarating agad para lang makasama sya. Naiyak na naman sya at sinisisi ang sarili nya. Lumabas ang isa pang doctor galing sa loob ng ICU at kinausap uli ni Rachelle. Ganun pa rin ang sinabi ng doctor sa kanya. In fact, they are afraid that he’s not going to make it daw. Humagulgol na naman si Rachelle. Nagtanong sya kung pwede bang ilipat nalang daw sa malaki at advanced hospital sa Maynila nang biglang lumabas ang nurse na sumigaw tawag ang doctor. At sa huli ay talagang hindi na nila ito ma-revive at bumigay ang buhay ni Lance. Tumawag uli si Trevor pero hindi na masagot ni Rachelle ng maayos dahil nag-hysterical na ito. Sinagot nalang ni JB ang tawag at sinabi sa kanila ang totoo.
Chapter 22
Hindi iniwan ni JB si Rachelle hanggang sa mailibing si Lance. Walang masyadong pahinga si Rachelle at nag-alala sya na baka magkakasakit na ito. Five days ang burol ni Lance sa isang funeral home na mamahalin. Hinahatid at sinusundo nya doon si Rachelle at wala syang pakialam kung may makapansin man o wala basta hindi nya pababayaan si Rachelle habang nagluluksa. Pero hindi na sya sumasama sa loob ng burol dahil baka magtataka pa ang mga tao doon at pag-isipan ng masama si Rachelle. Napaka-prominent pa naman ng family ni Lance.
Andon lang si Rachelle lagi sa tabi at umiiyak at si Trevor at Michelle lang ang lagi nyang nakakausap. Na-feel na kasi ni Rachelle na sya ang sinisisi ng family ni Lance kung bakit ito namatay kaya hindi sya masyado kinakausap ng family ni Lance. Tinitiis nya nalang muna habang nagluluksa para masamahan nya si Lance kahit sa mga huling araw nito sa mundo. Sinasamahan sya palagi JB kung pupunta sa apartment at magbibihis at ida-drop nya uli doon sa burol ni Lance pagkatapos. Nakita ni JB sa wakas ang place kung saan sila ni Rachelle at Lance nagkakilala. Pinakuha na rin ng family ni Lance ang lahat ng mga gamit nito sa apartment. For rent na uli ang unit na nasa harap ng unit ni Rachelle.
Naisipan ni Rachelle na lumipat nalang ng apartment after sa libing para hindi nya nakikita everyday ang ala-ala nya ky Lance. Sinabihan sya ni JB na magreresign nalang at uuwi nalang sa kanila. Ayaw naman pumayag ng office ni Rachelle at binigyan nalang sya ng 1 month vacation.
After mailibing si Lance ay sabay silang umuwi sa probinsya nila. One week din nag-leave sa work si JB dahil hindi nya talaga iniwan si Rachelle, ganun nya ito kamahal. Bago inihatid sa bahay ay idinaan muna ni JB sa office nya si Rachelle para makita nya ang office nito at makilala ang mga tauhan nya. Mahigit 20 minutes lang ang byahe sa city proper papunta sa bahay nila Rachelle. Akala ng mga tauhan ni JB ay girlfriend nya ito at tuwang-tuwa sila na may naipakilala na sa wakas sa kanila. Natatawa nalang sina Rachelle at JB.
“Are you okay?” Nag-alalang tanong ni JB. “Magpatingin ka sa doctor at masyado ka nang matamlay.”
“Let’s go there nalang muna bago kita iuuwi sa inyo. It’s not even dark yet.” Suggestion ni JB. Napansin nya na matamlay talaga si Rachelle at namumutla. Nag-alala sya na baka tuluyan ng magkasakit.
After nilang kumain sa BBQ house ay inihatid na sya kanila. Hindi rin naman malayo ang place nila ni JB so nagstay muna sya sa bahay nila Rachelle kausap ang mga batang pamangkin nito dahil enjoy na enjoy syang kausap ito. Tuwang-tuwa ang family ni Rachelle nang makauwi na sya. Nag-alala silang masyado dahil sa masakit na nangyayari sa boyfriend nito. Iyak ng iyak si Rachelle habang yakap ang Mamay nya as she told the whole story. Ipinakita nya ang engagement ring nito. Naiyak na rin ang Mamay nya.
“JB…thank you for everything.” Sabi ni Rachelle habang papalabas na sana si JB sa kwarto.
“Wala ‘yon…at saka, nadudurog yong puso ko na nakikita kang umiiyak lalo na nang hindi ka man lang inaalagaan ng family ni Lance.” Nainis sya sa family ni Lance sa tuno ng salita nya. “Wala ka naman talagang kasalanan eh. It was just an accident!...and if you don’t want to get bored dito pasyal ka sa office anytime kung gusto mo, okay?”
Narinig nyang umalis na ang kotse ni JB at nakahiga na rin sya ay hindi sya makatulog. Naalala nya palagi ang mga huling araw nila Lance sa resort at ang huling conversation nila. Tumutulo na naman ang luha. Nakatulog rin sya wakas dahil sa sobrang pagod.
Nagdaan ang ilang mga araw at laging
nahihilo si Rachelle. Napansin ito ng Mamay nya. Sinabihan syang magpatingin sa
doctor pero ayaw nya dahil wala naman daw syang sakit. Tinatawagan din sya
palagi ni JB para kumustahin. Friday night she asked JB na samahan syang kumain
uli doon sa favorite nyang grill house dahil gustong-gusto nya talaga
kumain doon. Muntik na naman syang nahilo nang bumaba sa car para
pumasok na sana sila sa grill house.
“What?” Nagulat sya sa tanong ni JB. “Ba’t mo natanong yan?” Natawa sya pero nahiya sa tanong ni JB.
“Lagi ka kasing nahihilo. At sa tingin ko naglilihi ka ng BBQ or grilled seafoods kaya.” Birong sagot nya.
Oo nga ano, sabi nya sa sarili nya.
Paano kaya kung totoo ang sinabi ni JB. Nag-isip sya habang pumasok sila sa
loob. Ano kaya ang gagawin nya sakaling buntis sya at ano ang dapat nyang
gawin. Sasabihin kaya nya sa family ni Lance? Mabubuhay kaya nya ng maayos ang
anak nila ni Lance kung sya lang mag-isa. Nalungkot na naman sya bigla. Kung
buhay pa sana si Lance at buntis sya ay alam nyang matutuwa ito dahil matagal
na nitong gustong magka-baby ni Lance pero sya lang ang hindi pa handa.
“JB, what if I am pregnant talaga? Mabubuhay ko kaya ng maayos ang anak namin ni Lance?” Nag-alalang tanong nya.
“Of course naman! Financially wala namang problema siguro. Emotionally, that I’m not sure yet.” Naisip ni JB, kung lilipas na ang pagluluksa ni Rachelle ay dahan-dahan nyang ligawan ito uli. Kung sakaling buntis man ito ay aakohin nya ang bata at ipapalabas sa mga tao na sya ang ama para hindi ito magmukhang kaawa. Kahit anong mangyari sa buhay ni Rachelle ay hindi nya ito pababayaan at aalagaan nya ng mabuti kahit may anak man sya sa iba.
“Naglilihi ka nga.” Biro nya kay Rachelle. “Ang lakas mong kumain o.”
“Masarap naman kasi to eh. Hanap-hanap ko tong timplang ‘to sa Manila pero wala akong mahanap.”
Saturday morning at dumaan si JB sa
bahay nina Rachelle bago tumuloy sa work nito. Pwede naman syang ma-late dahil
sya naman ang boss. Tulog pa si Rachelle nang dumating sya at past 9am na. Sabi
ng Mamay nya ay madalas daw itong nasa kwarto lang at natutulog. Nagpaalam sya
na pumasok at gisingin si Rachelle para isama sa office baka kasi nabo-bored na
at para hindi palaging maaalala ang mga nangyari sa kanya. Himbing na himbing
pa nga ito pagpasok nya at tinitigan nyang mabuti ang magandang mukha. When was
the last time we kissed, naisip nya? Gustong-gusto nya itong halikan pero hindi
pwede. Umupo sya sa gilid nito at hinawakan ang kamay at biglang nagising.
“Saan?” Inaantok pa sya at nakapikit pa rin ang mga mata.
“Basta may pupuntahan tayo. Importante. Go…take a shower. Sa labas na rin tayo magbreakfast kung gusto mo.”
“Aba, inuutusan pa ako. Ayoko nga. Gusto ko pang matulog eh.” At tumalikod sya at pinikit uli ang mga mata.
“Halika na…” Lambing ni JB sabay hila sa kamay nito kung saan nakikita pa rin nyang suot ang engagement ring nito.
Na-convince din nyang sumama ito sa wakas. Kumain na rin muna sila sa isang fastfood dahil gutom na si Rachelle. Matapos kumain ay tanong ng tanong si Rachelle kung saan ba talaga sila pupunta. Hindi sya sinagot ni JB at nakangiti lang ito habang patuloy lang ang pagmamaneho. They stopped at a grocery store na may malaking pharmacy at nagulat sya sa binili ni JB. Pregnancy test kit, at binigay sa kanya. Dalawang piraso para daw makakasiguro. Tiningnan nila ang instructions sa loob ng kotse. Na-excited naman si Rachelle pero may halong kaba. Dinala sya ni JB sa office nito para maglibang. Pwede naman sya tumulong kung gugustuhin nya.
Chapter 23
“Hey, don’t worry. Let’s talk about this later pupunta ako dyan.” Sabi ni JB. “I will always be here for you no matter what happens, okay?”
Pumunta agad si JB at seryosong nag-usap sila kung anong dapat nilang gawin.
“Aakohin ko ang batang yan.” Kalmadong sabi ni JB. “Ipapalabas natin sa iba na ako ang ama. Pero sasabihin natin sa family mo ang totoo…I promise I will take care of you and your baby, hindi ko kayo pababayaan. Iisipin ko na para ko syang tunay na anak at hinding-hindi sasaktan kailan man. I promise…” Seryosong sabi nya kay Rachelle. Niyakap nya ito ng mahigpit habang umiiyak. And then he called her mom para sasabihin ang balita bago sasabihin sa mga kapatid nito.
“Mamay I’m pregnant. Si Lance po ang ama.” Umiiyak sya habang niyakap ang kanyang ina.
“Talaga anak?” Nagulat ang Mamay nya. “Alam ba ito ng family ni Lance?”
“This morning ko lang ho nalaman, and I decided na huwag nalang sasabihin sa family ni Lance.” Pinakita nya ang 2 pregnancy test kit sa Mamay nya. “Mamay ano hong gagawin ko? Nalilito na ho ako.”
They had breakfast together on that day kasama si JB at ibinalita ni Rachelle sa kapatid nyang doon din nakatira sa bahay nila at ang family nito na buntis sya at si Lance ang ama. Ang dalawa nyang kapatid at pamilya nito ay may mga sariling bahay na kasi. Iimbitahin nalang nila mamaya ang mga ito at sabay magdi-dinner. They tried to take it as a positive news sa family para hindi masyadong malungkot si Rachelle at iniisip na rin nila na isa itong blessing na dumating sa kanilang family.
Sa kabila ng lahat ay naging excited si Rachelle and she was happy na rin dahil very supportive si JB sa kanya. Kung ilang weeks or months mula noong namatay si Lance ay ganun rin ang age ng pagbubuntis nya. Three weeks na ang dumaan so iniisip nya na baka 3 weeks pregnant na rin sya.
Umupo sa tabi ng kama at pinisil nya ng mahina ang ilong nito para gisingin. “Wake up sleepy head.”
Nainis na naman ito dahil inisturbo na naman ang masarap nyang tulog. “Ano ba, I’m so sleepy pa, eh.”
“Magbihis ka at may pupuntahan uli tayo. Very important.” Hinila nya para bumangon.
“Saan na naman ba uli tayo pupunta?” Nakapikit pa rin ang mga mata ni Rachelle at humiga uli.
“Basta, very important.” Kiniliti nya ng mahina sa kili-kili at biglang tumawa. Alam nya kasi na madaling nakikiliti si Rachelle at bigla itong bumangon dahil baka kikilitiin sya uli.
“Isa pa ha sasapakin na kita!” Sabi ni Rachelle. “Makaligo na nga.” Inis na sagot nito na tinawanan lang ni JB.
Medyo mahaba ang byahe nila papunta ng
city proper. Nagulat sya ng dumating sila sa isang private hospital at pumasok
sa isang building side where all of the doctor’s clinics are located. May
hinanap si JB at inisa-isang basahin ang mga names ng doctor na nakalagay sa labas
ng door at huminto sa dulo nang mahanap nya ito at pumasok sila at kinausap ang
secretary. Nagulat si Rachelle nang mabasa ang name ng doctor at ang field
nito. OB-Gyne ang nakalagay.
“You’ll be fine. Titingnan lang ng doctor ang tyan mo, ano ka ba?” sabi ni JB habang suminyas ang secretary na papasukin na sila sa loob ng kwarto.
“Sir, pwde ho kayong sumama sa loob.” Sabi ng secretary na akala sya ang ama ng bata.
“It’s okay, I’ll just wait here.” Habang umupo sa waiting area. Na-excited na rin sya at hindi maintindihan ang sarili. Pero mas lalo sana syang ma-excited kung sarili nya sana itong dugo.
Nang lumabas si Rachelle kasunod ang doctor ay tumayo sya at lumapit sa kanila.
“Sir congratulations! She’s 3 weeks pregnant.” Nakangiting sabi ng doctor.
Hindi pa rin makapagsalita si Rachelle
habang palabas na sila papunta ng parking area. Naisip nya, this it. This is
the reality. At dumaan uli sila sa pharmacy para bumili ng mga vitamins na
niresita ng doctor. Saka nya nalang naisip, she just started her journey in
this motherhood ay alagang-alaga na talaga sya ni JB. Papaano nalang kaya sya
kung wala si JB. Ang bait talaga ng Diyos sabi nya sa sarili nya. May dalawang
lalaki sa buhay nya na mahal na mahal sya kaya lang hindi pweding sabay-sabay
kaya kinuha ng Diyos yong isa. Tumulo na naman ang luha nya ng maalala si Lance
habang sakay sa kotse papunta na nang office.
Few weeks past ay nag-iiba na rin ang katawan ni Rachelle pero hindi pa rin masayadong mahalata dahil slim naman ang katawan nya. She was always reminded by JB to take her vitamins daily at susundin talaga kung ano man payo ng doctor. Gusto nga nyang bumisita sa puntod ni Lance dahil hindi pa rin sya nakadalaw after ng libing dahil sa situation nya ngayon pero pinayuhan sya ng doctor na bawal syang bumiyahe ng malayo. Nag-resign na rin sya sa work nito dahil hindi pa sya pweding bumalik. Kung kailangan man ng boss nya ang kanyang serbisyo as interior designer or painter ay sa office nalang ni JB dinadaan at ginagawa nya doon. At least may pinagkikitaan sya while waiting sa kanyang panganganak at naaalagaan na rin sya ni JB doon.
“You know, I’m so excited kung anong gender nya.” Excited na sinabi Rachelle.
They left early the next day para hindi
tatanghaliin sa work dahil maraming projects si JB ngayon. Excited si Rachelle
at na-excited na rin si JB dahil inisip nya na sya na talaga ang ama ng
dinadala ni Rachelle. As usual, sa labas pa rin si JB naghintay kahit
pinapapasok sya ni Rachelle sa loob para makita rin ang ultrasound ng baby.
Niyakap sya ni JB paglabas dahil
tumutulo na naman ang luha nito at dahil naalala na naman siguro si Lance. May
konti pa rin syang pagseselos na nararamdaman tuwing naaalala ni Rachelle si
Lance pero hindi na nya ito binigyan ng attention dahil wala na yong tao at
nababawi na nya si Rachelle. Thankful na rin sya ky Lance na nagpapaubaya at
binigay uli si Rachelle sa kanya sa paraang hindi naman nya ginusto dahil ito
ay isang trahedya. Pinagdasal din naman nya ang kaluluwa ni Lance para hindi
naman sya magi-guilty at kaya nga rin inaalagaan nya ng mabuti ang naiwang
nyang mag-ina. Hawak-hawak nya ang kamay ni Rachelle habang papunta sila sa
parking lot para pumunta na ng office.
Pag-uwi nila sa bahay after work ay
nagpahinga agad sya sa kwarto dahil madalas na syang napapagod. Ayaw na syang
patatrabahuin ni JB sa office pero nagpupumilit dahil nabo-bored sya sa bahay.
Umakyat agad sya sa kwarto nya at humiga while rubbing softly her tummy.
Sumunod naman si JB.
“Huwag ka ngang OA dyan! As if hindi ka pa nakatulog ng maraming beses sa kamang to.” Biro nya.
Tumabi sya at humiga na nakapatong sa ulo ang dalawang kamay at nakatingin sa kesame. Noon lang nya na-realize nandoon parin nakadikit ang mga glowing stars na binigay nya dati ni Rachelle noong high school pa sila. Lumang-luma na kasi ang malaking bahay nila at naiisip nya na kung pakasalan na nya si Rachelle ay ililipat nya ito sa bago nyang bahay. Tumagilid si Rachelle paharap ky JB.
“What are you thinking?” Tanong ni Rachelle.
“I just remembered the glowing stars sa kesame.” Sabi ni JB na nakatingin pa rin sa kesame.
“Oo nga ano ang tagal na nyan mga bata pa tayo nang binigay mo yan sa akin.” Nakangiting sabi ni Rachelle remembering their high school days. “Tayo na ba ulit?” Pabirong tanong nya kay JB.
“What do you mean?” Tanong ni JB.
“Kasi iniiwasan kita ng mahabang panahon dahil galit ako sa’yo noon at ito tayo magkatabi na ulit sa bed ko.” Natawang sabi ni Rachelle.
“Bakit?” Nagtataka si Rachelle.
“Ang tyan mo baka maipit si baby.” At nagtatawanan silang dalawa.
Chapter 24
Napakasaya ni JB noong araw na ‘yon.
Hindi nya akalain na sa wakas ay napatawad na sya ng tuluyan ni Rachelle at
masasabi nyang officially ay nagkabalikan na sila uli. Mas lalo pa nyang
inalagaan ng mabuti si Rachelle dahil na-feel na nya na mahal pa rin sya nito
sa kabila ng lahat.
Few months passed ay palaki na ng
palaki ang tyan ni Rachelle. Pinahinto na rin sya ni JB sa pagwowork at
binibisita nalang sya everyday doon sa bahay nila. Until she gave birth ay sya
ang tumayong ama at kanyang apelyido ang dinala ng bata. They named him Lance
Bernard Nakpil, para na rin may pangalan ni JB na nai-contribute doon kahit
papano. Tuwang-tuwa naman ang family ni Rachelle pati na rin ang family ni JB.
Three months after manganak si Rachelle
ay niyaya ni JB itong mag-church sila at iiwan nalang muna ang baby sa yaya
nito dahil saglit lang naman sila. Matagal na rin na hindi sila nakapagsimba.
Naisip din ni Rachelle na bigyan din nya ng break si JB dahil masyado itong
busy sa work at sa kaaalaga sa kanya.
“No, huwag na.” Sagot ni JB. Hintayin nalang ang honeymoon natin, naisip nya. “Maliit pa si baby, saka nalang.”
“Isama naman natin si baby.” Pilit ni Rachelle.
“Saka nalang, okay? Magbakasyon tayo, not just short but long vacation.” Promise nya.
She remembered those days dito sa
church na ‘to kung gaano sila kasaya dati before sila naghiwalay noon. At ito
ngayon masaya uli silang magkasama. Matapos ang mass ay hindi muna tumayo si JB
para umalis. Nagtataka si Rachelle dahil tahimik si JB at parang hinintay nyang
lumabas lahat ng mga tao.
“Why? Did you ever doubt na hindi kita pakakasalan?” Tanong ni JB. “Hinintay ko lang ang tamang panahon because of what you’ve been through. Matagal na kita gustong pakasalan naunahan lang ako ni Lance, eh.” Biro nya.
“It was all in the past na. What’s important is the present. At kung nakikita man nya tayong dalawa na masaya I am sure na masaya na rin sya dahil alam nya na hindi mo ako pababayaan, kami ni baby Lance.” At umalis na sila dahil may mga tao na namang pumapasok for the next mass. Sa kotse na nila tinuloy ang pag-uusap before umuwi.
“Sobrang thankful ako ni Lance, alam mo ba’yon? Dahil napakabait nya at binigay ka nya sa akin uli, kaya lang sa masakit na paraan na hindi naman natin lahat ginusto.” Sabi ni JB habang pinapaandar ang kotse.
“Do you like it?” Tanong ni JB.
“Yeah, I love it. It’s my birth stone, eh.” At niyakap nya uli si Lance at hinalikan.
Pagdating sa bahay ay kinuha agad ni JB si baby Lance sa yaya at patuloy na pinapadidi ang milk nito habang binalita ni Rachelle sa Mamay nya ang binigay na ring ni JB sa kanya. Tuwang-tuwa ang Mamay nya at naiyak na rin dahil sa wakas ay magkakatuluyan na talaga sila.
Hindi naman sila nagmamadaling magpakasal dahil maliit pa si baby Lance. Hinintay nila na mag-isang taon ang bata para sya ang magiging ring bearer sa kasal nila at para na rin mapaghandaan ng mabuti ang kanilang kasal.
Chapter 25
Narinig yon ng Ate at Mommy ni Lance as they just arrived to visit Lance. Nagulat sila nang biglang nakita si Rachelle doon kasama ang isang cute na bata. Anniversary kasi ni Lance bukas pero maaga silang bumisita ngayon.
“Hi po. Kumusta na po kayo?” Nahihiyang tanong ni Rachelle sa Ate at Mommy ni Lance.
“Rachelle, is his name, Lance?” Kuryusong tanong ng Ate ni Lance na titig na titig sa mukha ng bata.
Nagulat ang family ni Lance sa mga
narinig. They didn’t expect na may naiwan naman palang magandang alaala si
Lance at tinago ito ni Rachelle ng mahabang panahon. Niyakap sya ng Mommy ni
Lance dahil natuwa sya sa nakita at naiyak ito. Hinawakan nya ang bata at
hinalikan sa noo. Binigay ng Mommy ni Lance ang phone number nya para tawagan
daw sya kung may mga kailangan ang bata. She refused kasi ok naman daw sila ng
anak nya pero binigay pa rin ang number nito. Masayang-masaya na rin si
Rachelle at parang napatawad na rin sya ng family ni Lance.
“Hindi po. Apelyido po ng mapapangasawa ko, kababata ko po sya. Sya na rin ho ang tumayong ama at mahal na mahal nya naman po si baby Lance. We fondly call him JL nga, kasi Junior ni Lance.” Natawang sabi ni Rachelle.
“Mamay, thank you po sa lahat. Kahit minsan pasaway ho ako hindi kayo nagalit kailanman sa akin.” Sabi nya.
“Huwag ka nang umiyak masisira ang make-up mo.” Sabi ng Mamay nya. "Ang ganda mo ngayon anak. Sa wakas nasuklian mo rin ang lahat ng mga sakripisyo ni JB sa buhay mo." At naiyak silang dalawa.
“Madam, it’s okay! Okay lang mag-emote dahil waterproof ang mga make-up ko.” Birong sabi ng baklang make-up artist. Nandoon sila sa isang hotel kung saan e-held ang reception ng kasal nila ni JB.
“Mamay, where’s baby Lance po?” Tanong ni Rachelle.
“Nasa kabilang kwarto sa daddy nya. Bawal daw kasi ang boys dito sabi nya.” Natawa silang dalawa.
Woman, I will love you always
And I promise I'll give you the best
My love, you mean more than life to me
And I love you more than words can say
You, you'll be the only one
That I'll love for always
Forever to cherish
I want you close to me
And hold you endlessly, mmm
And feel you girl in my arms, always…
Habang tugtog ang awiting “Always” ni
Marco Sison ay nangingig sa tuwa at excitement si Rachelle na naglalakad katabi
ang Mamay nya papunta sa altar ng church. Masayang-masaya si JB na naghihintay
sa altar and very amazed sa nakikita nya dahil sa sobrang ganda ni Rachelle sa
araw na yon. Hindi nya mapigilan nang magkatabi na silang nakatayo sa harap ng
altar ay may binubulong ito sa tenga ni Rachelle.
“Sira ka talaga!” Mahinang sagot nya para hindi marinig ng iba. At tumunog ang bell para magstart na ang ceremony.
One week after the wedding ay nag-honeymoon sila sa Italy kasama si baby Lance dahil 'yon ang pangarap ni Rachelle. At nang makauwi matapos ang honeymoon ay pinalipat ni JB sina Rachelle at baby Lance sa bahay nito dahil mas malaki at bago. Pina-renovate na kasi ni JB ang lumang bahay nila kaya gusto nya doon na muna manirahan sila while waiting for the renovation na matapos. Balik na rin sila sa work dahil maraming pending projects because of their wedding and honeymoon.
Nagyaya na naman uli si Rachelle kumain after work dahil na-miss uli ang favorite nyang BBQ and grill house. Dumaan sila bago umuwi para kumain at nang mahilo uli si Rachelle pagbaba ng kotse para pumasok sa grill house. Uuwi nalang sana sila sabi ni JB dahil baka kung mapano pa sya doon but Rachelle insisted to eat there.
“Hmmm, I knew it.” Sabi ni JB habang inalalayan si Rachelle para makaupo agad sa loob.
“What?” Tanong ni Rachelle.
Nanganak si Rachelle for the second time at isang baby girl this time. Dalawa ang naging anak nila ni JB dahil nadagdagan uli ito ng baby boy after a year.
Comments
Post a Comment