MY ENEMY, MY LOVER
Prologue
College days when Savinah and Donald first met. They were classmates in one of their minor subjects. Donald was taking up Business Management while Savinah was taking up Business Accounting course. Savinah was a working scholar sa Accounting department ng University dahil hindi kakayanin ng father nya ang tuition fee because she has two other siblings who were both in high school. Si Donald ay anak mayaman, happy-go-lucky, may bisyo and babaero. Savinah was so focused on her school and work dahil gusto nya matulungan ang family nya kung makatapos sya dahil may sakit ang nanay nya and her father is getting older na rin so she doesn’t have time for barkada and lovelife. Habang si Donald naman ay hindi matapos-tapos agad ang kurso nya dahil laging bagsak dahil sa barkada at bisyo.
She was almost late sa work nya at
nagmamadali sya. Banggg!!! Nang biglang nagkabanggaan sila ni Don at bumagsak
ang mga books nya sa ground.
“Ano ka ba bulag?” Galit sya while she was trying to pick up
her books but Don picked them up instead.
“Sorry, I’m late na kasi. Pasensya na.” while he handed the books to Savinah and jerked forward. It was her first day in college.
“Sorry, I’m late na kasi. Pasensya na.” while he handed the books to Savinah and jerked forward. It was her first day in college.
She works at 8 in the morning
until 3pm and she has classes at 4pm onwards. When she went inside the
classroom on her first subject nakita nya si Don with his circle of friends. She
ignored them and went straight to the front row so she won’t be distracted.
“Hi!” tumabi si Don sa vacant seat sa tabi ni Sav. “I’m Donald.” He reached out for a shake hand but Sav ignored.
“Tama ba ‘tong classroom na napasukan ko?” Tanong ni Sav and sounded sarcastic dahil nainis sa katabi nya.
“Bakit?” Binaba nalang ni Don ang kamay nya at medyo napahiya.
“Wala lang. Akala ko kasi mental hospital ‘tong napasukan ko eh.” Sabi ni Sav and then the professor came in. Since then iniiwasan nya si Don dahil she doesn’t like his presence kasama ang mga barkada nya.
Chapter 1
May cancer ang nanay ni Savinah kaya she needs to work agad after graduation. Malapit na rin magretire and tatay nya na Public school teacher kaya sya na ang magiging bread winner kung sakali. When her mother was hospitalized dahil malubha na ang cancer nito hanggang mamatay, ay umutang ang tatay nya ng pera sa mayaman nyang closed friend na classmate nya noong high school para ipangbayad sa lahat ng mga gastusin.“Anak, pasensya ka na. Kailangan natin mabayaran ang utang natin at ikaw lang ang pag-asa ko na makakatulong dito dahil nag-aaral pa mga kapatid mo.” Sabi ng tatay nya.
“Maghahanap po ako agad ng work ‘tay. Hinintay ko lang matapos ang credentials ko para makomplete ang CV ko.” Sabi ni Sav.
“Huwag na anak. Napag-usapan namin ni Mr. Vasquez na doon ka nalang magtatrabaho sa company nila. Multi-millionaire ‘yon at maraming business. Kailangan daw nila ng secretary ngayon at ‘yong utang natin ikakaltas nalang sa sweldo mo pero paunti-unti lang daw para may matira ka naman para sa sarili mo.”
“Ano?” Nagulat si Sav. “Bakit ngayon nyo ho lang sinabi?”
“David, can you come to my office now?” Sabi ng CEO after pressing the button on the phone matapos ang kwentuhan nila ni Sav. “Marissa, can you please come over here?” Sabi nya after sa tawag nya kay David. “Marissa, this is Savinah, she will be Dave’s new secretary. She will start on Monday and please help train her on her tasks.” Habang binigay nya ang folder na nilagyan ng CV ni Sav. Si Marissa ay medyo may edad na na matagal nang nagseserbisyo ni Mr. Vasquez at para na ring personal assistant nya.
“Hello po, ma’am.” Binati ni Sav si Marissa at nagkamayan sila.
“Just call me Ate Marissa. Everybody calls me Ate here, obviously because of my age.” Nagtawanan sila.
Maya-maya pumasok ang gwapong lalaki in his mid 20’s and was surprised sa nakitang bisita ng CEO.
“Hey, Dad! You didn’t tell me you have a lovely visitor today.” Habang nakatitig sya sa mukha ni Sav at umupo sa visitor’s chair sa harap ni Sav.
“Yeah, she will be your new secretary and she will start on Monday.” Sabi ng CEO.
“Wow! I think I’d be more excited to come to work everyday starting on Monday, hahaha!” Biro nya.
“Savinah, this is David, my son. He is the Operations General Manager and you will be assigned to him but if in any case we need your help here in my office, Marissa will call you. Okay?” At tumayo na ang CEO as a sign that they are done. “Show her desk Dave, and offer her something to eat from the pantry, okay?...and watch out boy!” May ibig sabihin ang CEO sa last line nya at tinawanan lang ito ni David.
“Thanks a lot po, sir.” Yon lang ang nasabi ni Savinah at nagkamayan uli sila.
“Ikumusta mo nalang ako sa tatay mo and tell him I’d be happy to see him one day para magkwentuhan kami.”
“Sir David, what time ho ba usually ang pasok dito? What time ho ako magstart on Monday?” Tanong ni Sav habang sumakay sila sa elevator pababa sa department niya.
“Hey, please don’t call me sir. Call me Dave nalang.” Pabulong nyang sinabi habang papasok ng elevator para hindi madinig sa nakasalubong nila. “Naiilang ako eh, halos magka-age lang tayo.” Biro niya.
“Syempre you’re my boss so I should call you, sir.” Nahihiya si Sav at parang napaka-informal naman naisip nya.
“Huwag na, Dave nalang, okay?” Pilit ni David sa kanya.
“O sige if tayo lang nag-uusap walang sir pero pag maraming tao magsi-sir talaga ako.” Sabi ni Sav.
“Okay, I’m good with that…are you hungry? Let’s eat muna, let’s go to the cafeteria.”
“Ang sabi ng Dad mo sa pantry, ba’t sa cafeteria?” Nahihiya si Sav dahil feeling nya parang hindi sya empleyado kung tratuhin ni Dave.
“This is your first job, right?” tanong ni Dave and Sav nodded. “Then let’s celebrate!”
Chapter 2
Excited sya on her first day and her first job. Iba kasi ang work nya dati as working scholar dahil walang sahod at free tuition lang, ngayon ay employed na sya with benefits at kahit na may kaltas ang sweldo nya ay masaya na rin sya na may maitabi para sa sarili nya. Maghahanap nalang sya ng ibang pagkikitaan para madagdagan ang kita nya at mapadala sa family nya yong sobra.“Good morning!” Bati agad sa kanya ni Dave nang dumaan sa desk nya bago pumunta sa office nya on her first day at work.
“Good morning!” Sabi ni Sav habang nire-review ang document na binigay sa kanya ni Ate Marissa.
“Can you come to my office, please? I have something to discuss.” Sabi ni Dave sa kanya at tumayo sya agad.
“Sir Dave, line 2 please! It’s Trisha.” Sabi ni Sav and rolled her eyes irritably.
The next day ulit, “Hi! This is Valerie. Is David there?” Sabi naman ng isa pang caller.
“Sir Dave, line 1 please, it’s Valerie daw.” Sabi na naman nya na nakasimangot ang mukha.
“Sav, I think you lost a few pounds. Masyado ba kitang pinapapagod sa work mo?” Tanong ni Dave sa kanya.
“No ah! I’m enjoying my job. Sa byahe ako napapagod everyday malayo kasi ang sa amin dito. Wala kasi akong pangrenta ng boarding house hindi kasya ang sweldo ko eh.” Paliwanag ni Sav.
“Hey, I have an apartment which I paid a contract for 1 year for my girlfriend, remember Trisha? Bwisit ‘yong babaeng ‘yon iniwan ako bigla. She dumped me off and went to France with another guy. You can have that apartment muna for a year. Saka ka nalang maghanap ng ibang mauupahan after the contract expires. At least maka-save ka pa.”
“Are you sure? Pwde ko bang bayaran kahit half lang?” Sabi ni Sav.
“Huwag na. Kahit half ng rent ay hindi kasya sa sweldo mo, hahaha!” Biro nya. “But seriously, you can stay there for at least a year, I will never bother you or disturb you, promise. At least nakakatulong naman ako sa’yo kahit papano…but please, don’t ever, ever mention this to Dad or to Dixie, okay?” Si Dixie ang bunso nilang kapatid na girl na minsan nagpupunta sa office kung walang pasok or during school break coz she is still in college also taking up Business Management so she can help run their business soon. Si Dave lang kumuha ng kursong Computer Engineering dahil ‘yon ang hilig nya.
Masyado na silang close na hindi mo makikita ang boss-secretary relationship. Minsan binibiro na sya ni Sav dahil walang nangliligaw sa kanya sa office nila kahit maraming boys dahil napagkamalan syang boyfriend nito.
“Huwag ka ngang masyadong dikit ng dakit sa akin, wala tuloy manligaw sa akin dahil takot sa’yo.” Biro nya ky Dave.
“Aba! Dadaan muna sila sa ‘kin bago mangligaw sa’yo. Otherwise, I’ll fire them out.”
“Really? Ano ka bodyguard? Hahaha!” Natawang sabi ni Sav. “Hay naku matanda na ako at NBSB pa rin at Ikaw ang may kasalanan.”
“Anong NBSB?” Tanong ni Dave
“No Boyfriend Since Birth! Hahaha!” Biro ni Sav.
Napaisip si Dave. Hindi nya akalain na totoong hindi pa talaga nagkaboyfriend si Savinah. Pero kahit na seseryosohin nya itong ligawan ay nag-aalanganin sya dahil napansin nya na hindi sya type nito. Napasama na rin ang image nya ky Savinah dahil sa dami ng girls na tumatawag sa kanya or nakaka-date nya.
Chapter 3
“Dave, are we going to push through the meeting with the suppliers this afternoon?” Tanong nya habang pumasok sya sa office ni Dave isang araw at nagulat sya na may bisita ito na hindi nya alam. “Sorry!” Lalabas agad sana sya nang makitang may bisita ito.“Sav, wait! Come here!” Habol ni Dave. “I want you to meet my brother, Donald.” Pinakilala sya sa bisita nito nang pumasok sa loob uli.
Natamimi si Sav. Hindi sya makapagsalita nang makaharap ang bisita ni Dave.
“Hi! I think we’ve met before.” Sabi ni Don habang inabot ang kamay for a shake hand ky Sav. Nagulat naman si Dave sa narinig nya at reaction ni Sav.
“Hi!” Yon lang ang nasabi ni Sav habang nakipag-shake hands ky Don.
“Do you guys, know each other?” Tanong ni Dave.
“Yeah, we met in college…Whatta small world, isn’t it, Savina?” Nakangiting sabi ni Don.
“Yeah…I…didn’t know…he’s your brother.” Nahiyang sagot ni Sav na nakatingin kay Dave at suminyas na palabas na sya. “Nice meeting you again, Donald…I should go.” Nagmamadali syang lumabas.
Nanggigigil sya sa galit ng makita nya si Donald. Hindi pa rin nya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya when they were in college. Hindi nya akalain na sya pala ang kapatid na sinasabi ni Dave na bulakbol and now he's here. Ang sabi kasi ni Dave ay nag-aaral daw ito sa US for his masteral degree at doon na rin muna nagwork while studying. Naisip naman ni Sav na baka nag-aral na ito ng mabuti dahil nakapagmasteral na rin dahil bulakbol ito noong college pa sila.
Maya-maya lumabas silang dalawa na nagtatawanan at lumapit si Dave sa desk nya.
“Hey! We will have a quick meeting with the CEO and I want you to join.” Sabi ni Dave while Don went talking to some employees doon sa ibang station na parang dati na nyang kakilala. Mukha naman syang friendly naisip ni Sav.
“Really? Kailangan mo ba ako talaga doon?” Parang ayaw sumama ni Sav sa meeting na ‘yon.
“Yeah may e-announce si Dad saglit lang daw, come on!” Pinilit sya ni Dave na nauna nang lumabas papuntang elevator.
Sumunod si Sav at sumunod din si Don papuntang elevator.
“Hi, Savinah! It’s nice to see you again.” Hinabol sya ni Don palabas while Dave was waiting for the elevator.
“Hi, Donald.” Nakasimangot ang mukha nya at lumapit agad ky Dave para hindi na muli magsasalita pa si Don pero nagkamali sya.
“You look great now compared to the last time we met.” Sabi ni Don kay Sav habang nasa loob na silang tatlo sa elevator.
“Thanks.” ‘Yon lang nasabi ni Sav at nakasimangot pa rin ang mukha.
“Bro, please don’t ever try to seduce my secretary. Baka biglang mag-resign yan at lagot ako ni Dad.” Sabi ni Dave.
“Come on, bro, I’m just trying to be friendly here. We used to be friends in college, right, Savinah?" Nakangiting sabi ni Don.
Tiningnan ni Dave ang mukha ni Sav at nagdududa kung galit ito ky Don dahil nakasimangot palagi at parang hindi natutuwa sa presence ni Don.
“Are you okay, Sav?” Tanong ni Dave kay Savinah nang palabas na sila ng elevator.
“Lalagnatin yata ako ngayon.” Matamlay na sagot nya at natuwa sya na makita si Ate Marissa na papasok din sa conference room. At least may kasama syang kasing level nya ang position at umupo sya sa tabi nito.
“Ate anong e-aannounce ni CEO?” Bulong nya kay Ate Marissa.
“We will know in a few minutes.” Sabi nya.
Nakita nyang nakatitig si Don sa kanya at iniiwasan niya ito at kunyari hindi nya napansin dahil she was so irritated and suddenly pumasok ang CEO.
“Good afternoon everyone! I have an announcement to make.” Sabi ng CEO. “I am retiring soon and my son, Donald, will replace my position since he is very much qualified. He just graduated his masters degree at Boston University and he was able to work there while he was studying so I think he can definitely handle the CEO position. We will be having a welcome party this Saturday and you will know the details soon, the HR will send a memo and everyone is invited…Donald, why don’t you come in front and say something?”
Nagulat si Savinah. Tinitingnan
nya si David sa reaction nito pero parang alam na nya at masaya naman ito sa
announcement ng dad nya. Hindi nya akalain si Donald ang papalit sa dad nila
habang si Dave ‘yong unang tumulong sa sarili nilang business. Hindi sya
makapaniwala at naawa sya ky Dave, kahit boss nya ito ay naging close friend
nya na rin na lagi namang nandyan kung may problema sya. Hindi nya
naintindihan ang lahat na mga sinabi ni Don sa harap dahil nalilito sya at
marami syang itatanong kay Dave mamaya. She can only remember what Don said was he doesn't want to be called Sir dahil sa US hindi naman daw uso ang tawagang sir and ma'am sa office unless client or valued customer ito. Natuwa naman sya kahit papano doon. Naglabasan na ang lahat na kasali
sa meeting at naiwan silang mag-ama sa loob ng conference room. Hihintayin nya
nalang si Dave doon sa department nila at saka tatanungin.
“I don’t understand. Ikaw ‘yong unang tumulong dito sa business nyo, at bakit yong brother mo na kararating lang ay syang papalit sa dad mo?”
Natawa si Dave sa tanong nya, “Bakit? Aren’t you happy that my brother will be the new CEO? He’s mabait naman and you don’t need to be scared. He can run the business better than me, trust me.”
“No, I just find it so unfair on your part, alam mo ‘yon?” Nagtataka pa rin sya.
“Why are you so suddenly concerned about me ha?” Biro ni Dave. “I have never seen you so concerned about me until today, hahaha!”
“I…just don’t like your brother, honestly.” Seryosong sagot nya at tumayo para lalabas na sana.
“Please tell me nga…may masama bang nangyari sa inyong dalawa ng kapatid ko before at napansin ko na masama ang sikmura mo pag nakikita mo sya, ha?” Napansin pala iyon ni Dave at nahihiya syang sabihin ang totoo.
“You won’t like it if I tell you…it was very unpleasant the last time we met with your brother noong college pa kami.” At binuksan ang pinto at lumabas.
Chapter 4
May welcome party sa Saturday at ayaw sanang umattend ni Sav but Dave insisted that she should be there. She asked Dave na sabay silang pupunta sa party para hindi sya mahiya dahil first time nyang sumali ng company event. Natutuwa naman si Dave dahil para na ring ka-date nya si Sav this Saturday. Sinundo sya ni Dave sa apartment pero hindi na sya pumasok naghintay lang sya sa labas. Nagulat sya nang makita si Sav in a black evening gown na simple but very elegant at fit na fit sa slim body nya.“Hi, sorry natagalan ako.” Sabi ni Sav habang binuksan ni Dave ang door ng car nya.
“It’s okay, kararating ko lang…you look so gorgeous.” Nakangiting sabi nya. “Ngayon lang kita nakitang naka-dress up at bagay na bagay sa’yo.”
“Tange! Alangan namang mag-gown ako sa office araw-araw!” Biro nya.
“I’ll go with you.” Sabi ni Dave habang kumuha uli ng isang beer sa dumaan na waiter.
“Ano? Ikaw lang yata ang wala doon sa family table nyo ah. You can leave me na I can manage naman.”
“I need some fresh air na rin. Hayaan mo nga sila.” Sabi ni Dave.
“Napansin ko na hindi ka masyadong close sa family nyo. Baka isipin ng Dad mo pinipilit kita ditong samahan ako habang nandoon ‘yong family mo…and this is supposed to be a family event nyo na rin.” Sabi ni Sav nang nasa terrace na sila ng convention hall.
“Bakit? Hindi mo ba alam ang totoo kong pagkatao?” Tanong ni Dave.
“May dapat ba akong malaman?” Nagtataka si Sav.
“Hindi ba naikwento sa’yo ni Ate Marissa?” Sabi ni Dave.
“Hindi. Parang biglang naging misteryoso ka ngayon ah. Sabihin mo na nga.”
“Hindi naman talaga ako tunay nilang anak ah. My parents died in a car accident when I was like 3 or 4 months old, I think. Kinupkop nila ako and adopted me legally dahil ako lang naman mag-isa and no other siblings. Brother ni dad ‘yong tunay kong ama. Everybody knows it. I’m surprised you didn’t. Sabagay hindi ka naman katulad ng iba dyan na tsismosa.”
“Talaga?” Nagulat si Sav sa narinig nya. “Kaya pala si Don at hindi ikaw ang pumalit sa dad mo.”
Masarap ang kanilang kwentuhan habang sa loob ay enjoy na enjoy ang mga tao sa party. Hindi kasi party girl si Sav kaya she’d rather enjoy the wind outside kesa loob na maingay at magulo. Biglang lumapit si Dixie dahil hinahanap nya si Dave.
“Hi Kuya, andito lang pala kayo kanina ka pa hinahanap ni mom at dad ah…Ate Sav you look so glamorous tonight.” Nakangiting sabi ni Dixie.
“Thanks, Dixie ikaw din, para kang artista nga eh.” Sabi nya ky Dixie na napamangha sa gandang gown na suot nito.
“Bakit daw Dixie?” Tanong ni Dave.
“Family picture of course. Come on bilis!” Hinila sya ni Dixie.
“Come on Sav, let’s get inside na rin.” Sabi ni Dave habang tinapos ang konting beer na natira at iniwan sa table na nasa terrace.
“Sige mauna na kayo okay lang ako dito. Mas masarap ang hangin kesa aircon sa loob.”
“I’ll be back.” Sabi ni Dave habang sumunod ky Dixie sa loob.
Chapter 5
Nakikita nya sa kanyang kinatatayuan ang stage kung saan nag family picture taking sila at ang iba ring mga employees. Natutuwa syang nanonood sa mga tao na enjoy na enjoy sa kase-selfie dahil sa napagandang backdrop. Nakita ni Sav si Alana, ‘yong bagong hire sa HR nila na sa tingin ni Sav ay crush na naman ni Dave nang maikwento sa kanya. Nagtext sya kay Dave at tinukso na nakita nya si Alana na very sexy. Sinabihan nya na puntahan si Alana para maging friend nya at binibiro nya na maisama na naman sa listahan ng mga babae nya si Alana. Nag e-exchange text sila ni Dave dahil hinahamon nya na lapitan si Alana. At hindi sya nagkamali at nakita na nyang magkasama na silang dalawa sa loob. Tumawag si Dave.“Paano ‘yan wala ka nang kasama dyan hinamon mo ako eh. Hahaha!” Biro ni Dave. “Sinong maghatid sa’yo pauwi?”
“Okay lang ako dito. I want you to enjoy the night dahil boring akong kasama mabo-bored ka lang sa akin. I’m not a party girl kasi eh. Sige na mag-enjoy ka at magtaxi nalang ako pauwi.” Sagot nya nang biglang lumapit si Don sa kinatatayuan nya.
“Hey! I thought kasama mo si Dave. Can I join you here?” sabi ni Don na may hawak ding beer at umiinom. “Walang hiya yang ka-date mo at iniwan ka ditong mag-isa ah.” Biro nya.
“Ano? Si Dave ba ang ibig mong sabihin? Hindi naman kami nagdi-date ah.” Nakasimangot na naman sya at naiirita. “Pinilit nya lang akong sinama kahit ayaw ko kasi hindi naman ako mahilig sa party. First time ko rin sumali ng company event kaya nahihiya pa ako.”
“So, he’s not courting you?” Seryosong tanong nya.
“Hindi ah! He’s my boss, we are just best buddies dahil magkakasundo kami sa halos lahat ng bagay kaya lang palaging nabigyan ng malisya ng mga tao eh. And I don’t care, I’m just here to work naman eh.”
Parang na-relieve si Don sa narinig nya. “How long have you been working with him na ba?”
“Six months pa lang ako, bago nga lang ako na-regular last 2 weeks ago lang.”
“You know, you look so beautiful tonight. Unlike when we were in college, ang laki ng ipinagbago mo. Sorry nga pala sa nangyari sa ‘tin dati…” bago paman nya itinuloy ang sasabihin ay nagsalita na si Sav.
“Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa ‘kin at nang mga barkada mo. Pinagtatawanan nila ako matapos mo akong pwersahang halikan.” Sabi ni Sav at pagkatapos ay nilunok ang isang basong wine na hawak-hawak nya kanina pa. “Ganun ba ‘yon? Dahil mahirap lang kami at ganun nyo nalang kung tratohin?” Galit na sya at gusto nya pang uminom habang tahimik lang si Don. “I think I need a drink.” At papasok na sana sya sa loob ng hawakan ni Don ang braso nya.
“Sav, wait. That was a very long time ago na, can we just forget about it? We were college, teen-agers, I was a damned asshole, you know…can you just please forgive me nalang?” Pagmamakaawa ni Don.
Binitiwan nya ang kamay ni Don na nakahawak sa braso nya at pumasok sa loob at naghanap ng mainom. Don followed her at nakita nya na biglang nilunok ang isang basong vodka. After a few minutes ay muntik syang mahilo, hindi kasi sya sanay uminom. Inalalayan sya ni Don paupo sa isang vacant chair habang ang paligid ay napakaingay sa lakas ng tugtug ng disco music.
“I think you are not used to drinking hard. Nakakailang baso ka lang at nahihilo ka kaagad” Biro ni Don sa kanya.
“Nauuhaw ako kaya gusto kong uminom.” Tumayo uli sya at kumuha na naman ng glass of vodka na dala ng waiter at nilunok uli. Nahilo na naman sya at umupo uli. Past midnight na pala and the party is about to end.
“I’ll drive you home na kasi parang hindi mo na yata kaya.” Nag-alala na rin si Don sa kanya.
“No, I can manage.” Sabi ni Sav when she was about to stand up and nahilo uli.
“See, hindi mo na kaya. Come on I’ll drive you home.” Inalalayan nya si Sav patayo at magkaakbay silang lumabas ng convention hall at buti nalang walang masyadong nakakita sa kanila dahil baka mabigyan pa ng malisya ang pagtulong nya. Tinatawagan nya si Dave para tanungin ang address ni Sav pero hindi na ito sumasagot. Hindi rin naman nya alam kung saan nya ihahatid si Sav kaya dinala nya nalang sa room nya sa hotel dahil naka-book naman sya para doon na matulog.
Please return the key to the lobby when you leave. Don’t worry the room is paid already and the hotel shuttle is waiting for you to drive you home. Just tell the front desk staff. - Don
“Shit!” Nagulat sya at nainis. Nainis sya na si Don ang kasama nya sa room na ‘yon. She can’t remember everything except noong nag-uusap sila ni Don at nihihilo sya at napaupo at inalalayan sya ni Don. Nagmamadali syang maghilamos at inayos ang buhok at naglipstick ng konti. Maayos pa rin ang itsura nya na parang aattend uli sya ng party so naisip nya na wala sigurong ginawang masama si Don sa kanya while she was deeply asleep dahil sa lasing. Nagmamadali sya pababa at binigay ang susi sa front desk. Nang malaman ng staff ang name nya ay agad sinabi na may shuttle service na naghihintay sa kanya para ihatid sya. Napaka-caring din naman pala ni Don, naisip nya.
Chapter 6
The next day, ayaw niyang pumasok sana
pero nanghihinayang sya sa ikakaltas ng sweldo nya. Pang-allowance na ‘yon ng mga kapatid nya kung iisipin. She was reading a document sa desk nya pero wala
syang maintindihan dahil naguguluhan pa rin sya kung paano sya dinala ni Don sa
hotel room at kung pinagsasamantalahan kaya sya.
“Good morning!” Bati ni Dave nang dumating at dumaan sa desk nya.
“Good morning!...So, ano? Kayo na ba ni Alana?” Biro nya agad ky Dave at tinawanan lang sya nito.
Nag-ring ang phone sa desk nya at si Ate Marissa pala. Pinapaakyat sya dahil magpapatulong ng isang bagong software that Don introduced. Kahit hindi pa man nya ito natry ay dahil mas advanced sya ay mas madali nya itong matutunan. Nagpaalam sya ky Dave muna bago umakyat.
“I’m going up muna saglit lang daw. Kailangan ako ni Ate Marissa. May kailangan ka ba?” Sabi nya ky Dave.
“Hmmm, si Ate Marissa ba talaga nagpapunta sa’yo doon or ang mabait kong kapatid ha?” Tinukso nya si Sav.
“What do you mean?” Nagtataka sya kung alam kaya ni Dave ang nangyari sa kanila ni Don sa hotel.
“Why would he suddenly ask you to go upstairs on his first day as the new CEO?” Sabi ni Dave.
“Ano? Ngayon ba sya magstart?” Kinakabahan tuloy sya kung baka magkita sila doon sa executive office.
“Ate Marissa, can I have the other document ‘yong sinabi ko po sa inyo kanina?” Napalingon sya ky Sav na busy sa harap ng computer ni Ate Marissa. “Hi, good morning!” Bati nya kay Sav.
“Good morning!” Sagot nya na nakatitig lang sa computer.
“Syanga pala Don, this is Savinah, she’s Dave’s secretary pero paminsan-minsan pinapapunta namin sya dito para tumulong sa akin. You know na, mas advance ang alam nya sa technology kesa sa ‘kin, ahahaha!” Natawang sabi ni Ate Marissa. “Hinihiram sya namin kay Dave palagi dito eh, gusto-gusto sya ng dad mo katrabaho, madaling matoto.”
Pwede pala syang hiramin, naisip ni Don. Tahimik lang si Sav at minamadali ang ginawa nya para makabalik uli sa baba.
Pumasok uli si Don sa loob ng office nya at maya-maya ay tumawag sa intercom ni Ate Marissa. Pinapapasok daw si Sav sa loob after sa ginagawa nya. Lagot, sabi ni Sav sa sarili nya.
“Sir, may kailangan ho ba kayo?” Nahihiyang tanong ni Sav nang pumasok sa loob ng office ni Don.
Nakatitig lang si Don sa mga documents sa table nya at may mga pinirmahan. He was expecting kasi na mag-thank you si Sav sa kanya after tinulungan syang malasing doon sa party pero parang wala lang nangyari at nainis sya kay Sav. “Can you please get me a cup of coffee?...black, no sugar please.”
“What? Yon lang ba ang kailangan mo samantalang ang dami kong gagawin dapat sa baba?” Nagulat sya at hindi napigilan ang mainis.
“I’m still your boss, so I can call you anytime if I need you here.” Sabi nya habang patuloy sa mga ginagawa nya.
Oo nga pala ano, naisip nya. Boss nya na pala ito at hindi na classmate na naging mortal enemy nya, at napahiya sya. At wala syang nagawa kungdi nagtimpla sya ng kape, at kahit hindi nya kabisado ang pantry ay nahanap din naman nya agad ang mga kailangan nya doon. Pumasok uli sya sa loob dala ang kape at nilagay sa table ni Don.
“You’re welcome!” Pabulong na sabi ni Sav habang papalabas na.
“Ahh, you want my thank you pala. Bakit? Nag-thank you ka ba when I helped you the other night when you were drunk?...You’re welcome na rin,okay?” Sarkastikong sagot nya.
“Ahh, thank you nga pala.” Lumapit sya sa table ni Don. “Pinagsasamantalahan mo ba ako that time hah?”
“And what if I did?” He asked sarcastically habang ininom ang kape. “Wow, this is exactly what I want.”
“I would sue you!” Sagot ni Sav at naiinis na talaga sya.
“Why? Do you have a proof or evidence?” Umiinom uli sya ng kape. Napangiti sya. “You know, you are even more beautiful when you are annoyed.” Tinukso nya lalo si Sav. “Huwag ka ngang praning dyan. I would never do anything to harm our employees, okay? Especially to a woman like you. Pinatulog lang kita doon sa room ko dahil sobrang lasing mo. I was planning to drive you home but I didn’t know your address. I tried to call Dave and he wasn’t answering my call. I can’t call anyone from the office because it was almost 1am na, okay?...and can you please hand this to Ate Marissa before you leave?” Sabay bigay ng isang envelope sa kanya.
“What took you so long there?...Are you okay?” Nagtataka si Dave sa nakitang matamlay na mukha ni Sav.
“Lalagnatin yata ako.” Sabi nya na nakapatong pa rin ang ulo nya sa mesa nya.
Hinawakan ni Dave ang noo nya, “Hindi ka naman mainit ah.”
“Sa tingin ko starting today, everytime na pinapapunta ako ng mabait mong kapatid sa office nya lalagnatin ako dahil nag-iinit palagi ang ulo ko.” Galit na sabi ni Sav. Tinawanan lang sya ni Dave. “Ano? Hindi mo ba ako ere-rescue dyan sa magaling mong kapatid ha? Please naman mag-isip ka ng paraan na hindi na ako makapunta uli doon para hindi ko sya nakikita everday.”
“I think he likes your warm presence.” Biro ni Dave. Napansin nya na rin kasi na may gusto si Don ky Sav. “I need you to do something important can you please come to my office? At saka mawawala rin yang lagnat mo mamaya.”
“Pambihira ka talaga! Hayaan mo lang ba akong gaganunin lang ng kapatid mo? Ikaw naman ang boss ko at hindi sya ah.” Nagrereklamo na si Sav nang nasa loob na sila ng office ni Dave at hindi na rin marinig ng mga tao sa labas ang reklamo nya.
“Well, he’s still the boss, so wala tayong magawa kung may iuutos sya sa’yo or kahit sa akin."
Chapter 7
Every morning ay pinapapunta si
Sav sa executive floor para tulungan si Ate Marissa sa software para magsasanay
silang dalawa at sila na rin ang magti-train sa iba pang employees, at tinutulungan na rin nya sa ibang gawain doon. Para na rin syang tini-train ni Ate Marissa at dahil sya ang papalit kung magre-retire na ito. Hindi nya kinakausap si Don unless kung may iuutos sa kanya
or may itatanong sya. Naiinis sya dahil palagi syang nandoon at hindi masyado
makakagalaw dahil naiiritang makita si Don na feeling nya ay bossy, unlike doon
sa department ni Dave na masaya silang nagtatrabaho. Paminsan-minsan inuutusan
pa rin syang magtimpla ng kape at one time inutusan syang mag encode.
"Sav, can you please revise
page 4 for this business proposal? I have already made some corrections. Please
print 5 copies and I need it in thirty minutes because I'll bring it with me,
may lunch meeting ako today." Utos sa kanya.
"What? In 30 minutes? Bakit
hindi mo agad sinabi kanina para may enough time to review. At saka trabaho yan
ng sales department maraming encoder doon at bakit ako?" Hindi na nya
matiis na magreklamo.
"Are you complaining?"
Kalmadong tanong nya while signing some documents.
Wala syang magawa dahil kailangan
nya magtrabaho, baka e-fire out pa sya kung magrereklamo uli. “Akin na nga ‘yan.”
Nakangiti lang si Don na binigay
ang flash drive sa kanya na parang naaaliw sa nakasimangot nyang mukha.
Nagmamadali syang mag-encode dahil
in thirty minutes kailangan matapos nya ito. May tumawag sa phone at narinig
nya si Ate Marissa, “Donald, someone’s looking for you, it’s Bianca daw in line
two.” Baka girlfriend nya, naisip ni Sav.
After a few minutes ay lumabas si Don
sa office nya, “Ate Marissa can you please cancel my lunch meeting because I have
something important to do right now.” At tumingin sya ky Sav, “I need that this
afternoon instead coz I need to go out now.” At nagmamadaling lumabas.
Grrrrr, the nerve! Sabi ni Sav sa
self nya. “Pambihira, pinagmamadali pa ako nito tapos biglang aalis pala?”
Naiinis na sabi nya. “Ate, tawagan nyo nalang po ako pag bumalik na si Donald mamaya
para iakyat ko tong pinapagawa nya.”
Pagbalik sa baba ay nakasimangot
na naman ang mukha nya nang makita ni Dave. At tinutukso na naman sya nito. Sinabi
nya na naiinis sya sa biglaang utos ng boss at umalis din naman pala agad.
“Biruin mo, he cancelled his
meeting at sa tingin ko dahil magkikita siguro sila ng girlfriend nya, si
Bianca ba ‘yon?” Tanong nya ky Dave.
‘Ah Bianca was his girlfriend in
high school. I’m not sure if sila pa ba kasi matagal na yatang hindi sila
nagkikita dahil he was in the US for a few years. Nagseselos ka ano?” Tinutukso
na naman sya ni Dave.
“What? Nakakainis ka talaga!
Magre-resign na nga lang talaga ako dito.” Naiinis sya habang patuloy na nag-eencode
sa computer nya.
“Halika ka mag early lunch na nga lang
muna tayo I’m so hungry na eh, iwanan mo muna yan.” Hinila nya ang kamay ni Sav
para lalabas.
Nang pumasok sila sa cafeteria ay nakita
nila doon si Don at ang isang girl na kausap nya at mukhang paalis na sila.
Lumapit si Dave at kinumusta ang girl while Sav went directly to the vendor machine.
“Hi Bianca, how are you?” At nagbeso-beso sila at nagkumustahan. Hindi sila pinansin ni Sav and she was busy looking at
the vendor machine to look for something to drink. Matapos magkumustahan saglit
ay binalikan si Sav ni Dave dahil paalis na sina Don at Bianca. Nang lumapit uli
sya ky Sav ay hinawakan nya ang likod nito para tanungin kung anong gusto
niyang inumin at nakita ito ni Don. Naiinggit sya sa kapatid nya at hindi nya
maintindihan ang sarili nya habang paalis na sila.
“Maganda naman ‘yong girlfriend
nya, e-hire nya nalang kaya yon as his personal secretary.” Nakasimangot na sabi
ni Sav.
Natawa si Dave, “Nope, he can’t
hire her, mayaman yon, business partner din ni dad dati yong daddy ni Bianca. I
think may problema kaya nagpapatulong kay Don, I’m not sure though.”
Chapter 8
“Ate, do you think kailangan po natin mag-hire nalang ng isa pang secretary para kasama nyo po dito at para maka-concentrate naman po ako doon sa mga gagawin ko sa baba?” Paliwanag ni Sav ky Ate Marissa bago sya pumasok sa office ni Don.
“No darling. I suggested that to him, but he wants you.” Nakangiting sagot ni Ate Marissa. “I think he likes you.” Biro nya.
“Ate naman, huwag naman po kayo magbiro ng ganyan.” Nalungkot sya at umupo sa visitor’s chair. Tumunog ang intercom ni Ate Marissa at tinanong kung nandyan na ba sya.
“Nope. I’ve had my coffee already this morning.” Sabi nya habang may inaayos na mga papers at nilalagay sa black attache case. “I have a business meeting in an hour, I want you to come with me to take note on some important matters. Ate Marissa is too busy and you know, medyo matanda na rin para abalahin mo pang isama…we shall be leaving in 30 minutes. I’ll meet you at the lobby nalang, okay?” That was a command and not a request.
Napikon sya. Bakit ba kailangan nya pang sumama na dati ang daddy nya kung may mga business meetings ay wala naman dinadalang secretary or kahit na sino. Hindi sya makapagsalita. Nakatayo lang na hawak ang doorknob ng saradong pinto sa office ni Don.
“Do you need anything before we go? You still have 30 minutes to get ready.” Casual na sabi ni Don at tahimik pa rin sya. “Would you like to say something?”
“No.” Maikling sagot nya. “I’ll be at the lobby in 30 minutes.” Nakasimangot ang mukha nya at lumabas na. Gusto nyang sumabog sa galit pero pinigilan nya. Bumaba agad sya para maghanda. This is it, sabi nya. My life is going to be in hell, naisip nya.
“May lagnat ka na naman sa itsura mong ‘yan ano?” Biro ni Dave sa kanya.
“Alam mo hindi ka na nakakatuwa. Bakit ba ayaw mo akong ipagtanggol dyan sa kapatid mo ha? Lumipat nalang kaya ako doon sa taas at parang itinatakwil mo na ako dito.” Mangiyak-iyak na sabi nya.
“Eventually lilipat ka rin doon sa executive floor.” Nakangiting sabi nya.
“Ano? Konsabo mo ba ang kapatid mo sa impyernong buhay ko ngayon?” Galit na galit na sya. “Magre-resign na nga lang ako.”
“Hey, relax. Bakit kasi naiinis ka pag nakikita mo si Don? Crush mo rin sya ano?” Natatawa si Dave sa reaction ni Sav. “Hindi ka naman ganyan dati ah. At saka kung ako sa’yo kalimutan nalang yong pangit na nakaraan nyo para naman hindi ka magmukhang matandang dalaga dyan.” Pinagtatawanan nya ang mga reaction ni Sav sa mga sinabi nya at parang sasabog na ito sa galit.
“Pinagkakaisahan nyo talaga ako. Akala ko pa naman ikaw ang best friend ko dito kahit boss kita. Makaalis na nga.” Iniwan nya si Dave na natatawa pa rin sa itsura nya. She hurried out and went to the restroom para mag-ayos dahil alam nya na formal business meeting ang pupuntahan nila at she wants to look presentable na rin. Ayaw nya rin maghintay si Don sa kanya sa baba kaya bumaba na agad sya papunta sa lobby.
She waited near the entrance para makita sya agad ni Don at nagscroll-scroll sa phone nya while waiting. After a few minutes ay bumaba na si Don from the elevator na may kausap sa phone nya at nagmamadaling lumabas at tahimik na sumunod lang sya. Naghintay na pala ang car nya. Pinasakay sya muna ni Don at tumabi ito sa kanya habang may kausap pa rin sa phone nya. All about business and contracts ang topics na naririnig nya. Tahimik lang sya nakatingin sa labas ng window habang bumabyahe sa high-way. Kinakabahan at naiinis pa rin pero parang kinikilig na rin sya na bigla syang isinama sa business meeting.
“Are you okay?” Bigla syang nagulat sa tanong ni Don. Tapos na pala ang phone conversation nila at hindi man lang nya namalayan.
“Hah? Yeah, I’m fine.” Sagot nya kahit na hindi fine ang feeling nya sa mga sandaling iyon. Maya-maya ay dumating na sila sa isa pang multi-story building kung saan sila magbi-business meeting. Maraming businessmen ang umattend sa meeting na yon at may kasama rin namang secretary yong iba so na at peace na rin sya. Kakilala nya na pala yong iba at pinakilala rin sya bilang personal secretary niya. Nagulat sya at nagtatanong ang mga mata nya sa mga mata ni Don pero wala silang panahon magtalo sa mga time na ‘yon. Hinayaan nya nalang muna dahil very important naman ang meeting na yon.
“Are you trying to take me from Dave? Sa kanya kasi talaga ako dapat naka-assign eh.” Tanong ni Sav.
“Why? Don’t you like to go with me on business matters where you can learn a lot of things from the business world? Isn’t it an advantage on your career to explore things outside rather than just sitting down and do some typing jobs? Come on, Savinah! You are not a secretarial graduate, di ba? You should be taking advantage of every opportunity that will knock on you. Hindi ‘yong ginawa ka lang palamuti ni Dave dyan sa department nya.” Seryosong sabi nya.
Nagulat sya sa narinig nya at natauhan. Oo nga pala ano, naisip nya. More than 6 months na pala syang secretary ni Dave. Business Accounting graduate sya so dapat uusad sya ng konti sa career nya. Tahimik lang sya until they arrived dahil may kausap na naman sa phone si Don. Nang maidrop sa main lobby silang dalawa ay nagmamadali nang pumasok sa loob si Don at sumunod lang sya. Ganito pala talaga ka-busy ang buhay ng CEO, naisip nya. Sumunod lang si Sav at sabay silang pumasok sa elevator at silang dalawa lang ang sakay. Pinindot ni Don ang 18th floor. Pipindotin sana ni Sav ang 15 dahil nasa 15th floor ang office nila ni Dave pero pinigilan ni Don ang kamay nya. Kailangan nya pa pala ako doon sa office nya, naisip nya. Naputol ang kausap nya sa phone dahil nawala ang signal.
"You know, you look so cute in that uniform." Nakangiti si Don na nakatingin sa kanyang suot na uniform.
Nakakunot ang noo nya at nakatitig lang sa maliit na monitor ng elevator showing the floor numbers na nadaanan nila. Are you flirting me? Gusto niyang itanong pero pinigilan nalang nya. Amoy na amoy nya ang perfume ni Don and was wondering kung ano kayang brand ito. Tahimik lang syang sumunod sa kanya sa office nya.
"Did you take note those important details sa meeting?" Tanong ni Don habang nagmamadaling nag-ayos ng laptop nya.
"Yup." Maikling sagot nya habang nire-review ang mga sinulat nya kanina sa organizer nya.
"Would you like some coffee muna?" Tanong ni Don.
"Di ba ako dapat magtanong sa'yo niyan?" Nakangiting tanong ni Sav sa kanya.
"Oo nga," Natawa sya. "As a matter of fact, I need a coffee right now coz i have lots of things to do. Can you please get me one? Black, no sugar please?" Nakangiting tanong nya. Natuwa sya dahil nakita nyang nakangiti na si Sav sa kanya.
Nagtimpla sya ng kape at dinala sa table ni Don.
"How about you?" Tanong nya ky Sav habang ininom ang kape.
"Hindi ako masyadong nagkakape, paminsan-minsan lang usually sa morning lang during breakfast."
"Did you keep those calling cards kanina?" Tanong ni Don.
"Yeah."
"Here's the album you add those here." Binigay ni Don ang album ng calling cards.
Inisa-isa nyang buksan ang pages nito. Naisip nya ang gulo nman nito.
"Can I bring this down sa desk ko para e-arrange ko alphabetically? Para madali mo lang hanapin if may kailangan ka?"
"That's a brilliant idea! Just do it there nalang sa sofa okay?" May malaking sofa kasi doon sa loob ng office. At kinuha na naman ni Don ang phone at tinawagan ang dad nya at binalita ang meeting kanina.
Dinala ni Sav ang album sa sofa at sinimulang mag-arrange. Hindi maiwasan ni Don na makatingin kay Sav kahit na bising-busy sa ginagawa nito. Panakaw-nakaw sya ng tingin habang busy rin si Sav sa ginagawa nya. Natuwa sya dahil matagal itong natapos sa ginawa nya and he was enjoying the pleasure of having her inside the office. Nang matapos si Sav ay nilagay sa table nya ang album at nagpaalam ng bumaba.
"Hey, thanks." Nakangiting sabi ni Don.
"You're welcome!" Nakangiting sagot ni Sav at binuksan ang door, "Just call me if may nakalimutan ka." At lumabas na sya.
"Bakit mo nasabi yan?" Nakakunot ang noo nya sa tanong ky Dave.
"Iba na ang aura mo ngayon ah compared yesterday when you came down from there.” Sabi ni Dave.
“Ewan ko, siguro he woke up on the right side of his bed this morning, hahaha!” Biro ni Sav. “Hindi ko pa rin maiwasang mainis eh. Samahan mo nga ako magswimming this weekend. Na-miss ko nang magswimming, may alam ka bang malapit na beach?
“Sure! Samahan kita na-miss ko na rin magswimming. Marunong ka bang lumangoy sa itsura mong ‘yan?” Nagtataka si Dave.
“Hoy, swimmer ako dati noong high school doon sa bayan namin. Laking probinsya ako, kabisado ko ang dagat at ang bundok.”
Chapter 9
“Aba kuya mukhang magbe-beach ka yata ngayon ah.” Sabi ni Dixie habang nagre-ready si Dave sa mga gamit nya at nilagay sa car nya. “Who’s your date? Do I know her ba?” Tukso ni Dixie sa kuya nya.“No, it’s not a date. I just want to get some fresh air at magsi-swimming sa resort natin. Nagyaya rin kasi si Sav na magswimming dahil na-miss nya daw ang dagat sa province nila so I’ll bring her to our resort.” At narinig iyon ni Don na papalapit sana sa kanilang dalawa.
“Are you courting her ba?” Kuryosong tanong ni Dixie.
“Of course not! Hindi ako type nyan. At saka tomboy yan, hahaha! NBSB!” Biro ni Dave.
“What? She’s NBSB? Hahaha!” Natawa si Dixie. “I can’t believe it.”
“You know what’s NBSB?” Tanong ni Dave.
“Of course! That’s a girl thingy, you know.” Habang papasok na sya sa loob ng bahay. “She’s a big challenge, kuya, good luck!”
Narinig ‘yon lahat ni Don at sinalubong si Dixie. “Dix, what’s NBSB?” Kuryosong tanong nya.
“Aba kuya at biglang na-curious ka na rin? Don’t tell me you like Sav na rin? Mga lalaki talaga pag nalaman NBSB ang girl nacha-challenge.”
“What’s NBSB nga?” Pilit nyang tanong kay Dixie.
“No boyfriend since birth!” Pasigaw nyang sagot habang iniwan ang kuya nya at papunta sya kitchen para uminom ng juice.
“Can you tell me the reason why naiinis ka sa kapatid ko everytime na nakikita mo sya?” Tanong agad ni Dave kay Sav.
“Bakit bigla mong natanong na naman yan?” Natawang tanong ni Sav.
“Why don’t you tell me? Naging kayo ba dati?” Seryosong tanong nya uli.
“No! Hindi ko talaga makakalimutan yong ginawa nila sa ‘kin ng mga barkada nya eh. Nag-aaral kami sa may soccer field dahil nagpapatulong sya sa’kin at bigla nya akong pwersahang hinalikan at pinagtatawanan kami ng mga barkada nya na nakatingin pala sa ‘min na hindi ko napansin agad. Feel ko lang china-challenge sya ng mga barkada nya noon. Naiiyak talaga ako at sinampal ko talaga sya nga malakas. Since then hindi ko na sya kinakausap hanggang hindi na kami nagkikita until noong time na dumating sya sa office mo.”
“Wow! Really? Ang tindi naman pala kaya ganun nalang ang galit mo sa kanya.” Natawa sya. “And that was like what? Seven or 8 years ago na ba?”
“Maligo na nga tayo. Ayaw mo bang magswimming?” Tumayo si Sav at papunta sa dagat.
“So, sya pala ang first kiss mo ano?” Pahabol nya kay Sav.
“Gago!” Sigaw nya habang palakad na sa dagat at lalangoy.
When Don heard na pupunta sila Dave sa beach ay sumunod sya. Hinanap nya si Dave at nilapitan nya agad ito ng makita nya at nakikita rin nyang nagsi-swimming si Sav. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya. Naalala nya si Sav noong gabing nalasing ito at pinahiga nya sa bed. Ngayon ay naka-swimsuit sya at napahanga sa beauty at sa seksing katawan nito.
“Hey bro! You’re here din pala?” Nagulat si Dave.
“Why did you just leave her alone swimming at baka kung maaksidente pa yan lagot ka?” Habang nakatitig lang ky Sav na patuloy ang swimming.
“Wow! Parang bigla ka yatang concern ky Sav? Are you here just to warn me na bantayan sya? Hayaan mo na hindi na yan bata at saka swimmer yan, tingnan mo ang galing.” Natawa si Dave sa reaction ni Don. “You like her bro, I knew it.”
“Sinungaling ka kasi bro. You told me you are not dating, eh anong tawag niyo dito? Pambihira!” May halong inis sa tuno nya.
“Bro, chill. We are not dating, okay? Nagpasama lang sya sa ‘kin magswimming kaya dinala ko dito…at saka she deserves a break na rin eh. Masyado mo kasing pinapagod sa work yan kawawa naman…Look, I know you like her so kailangan mong ayusin muna ang gusot nyo dati so she can learn how to treat you like the way she treats me dahil halatang-halata na nagseselos ka. Malambing lang yan sa akin dahil alam nyang wala akong gagawing masama sa kanya, because I assured her of that. We’re very good friends and I don’t want to ruin that. She’s all yours if you want, just make sure hindi mo sya sasaktan because she’s very vulnerable and innocent at ako ang una mong makakalaban pag sinaktan mo sya.”
“What are you trying to imply? Na paglalaruan ko lang sya? Liligawan, sasaktan, at iiwan, ganun?...I just can’t get her out of my fuckin’ mind so I’m not trying to play games here, damn it!” Inis na sagot ni Don.
“Ikaw ang nagsabi nyan hindi ako.” Natawa lang si Dave pero inis na inis na si Don. Napansin na sila ni Sav at huminto na ito sa paglalangoy upang puntahan ang magkapatid na sa tingin nya ay nagtatalo.
“Nagre-relax lang kami dito ano ka ba.” Biro na naman ni Dave.
“Nang-iinis ka ba? This is so ridiculous iisang babae pinag-aawayan natin.” Galit na sagot ni Don.
“Eh hindi naman ako ang sumugod dito kungdi ikaw. Matindi na yang selos mo talaga.” Tawa lang ng tawa si Dave.
“I can come here anytime if I want to, this is our resort!” Sigaw ni Don at sinuntok ang puno ng niyog. Nagulat si Sav. Napatawa pa rin si Dave.
‘Hoy! Ano ba kayo? Para kayong mga bata dyan na nag-aaway.” Sigaw agad ni Sav. “Ano bang problema mo ha?” Sigaw nya ky Don.
“Ask my brother what’s my fuckin’ problem.” Galit na sagot nya at biglang umalis.
Chapter 10
“What happened ba?” Nagtataka si Sav.“Matindi yang problema ng kapatid ko, hahaha!” Natawa pa rin si Dave. “Tapos ka na ba? At may parating akong bisita.”
“Sino si Alanah?” Tanong ni Sav. “Sabihin mo nga muna bakit kayo nagtatalo ni Don ha?”
“Matindi ang tama nya sa’yo kaya nagseselos sa’kin.” Natawa pa rin sya.
“Ano?!” Sinapak nya si Dave sa braso. “Huwag ka ngang magbiro dyan! Alam mo parang kang bata dyan na nanunukso ng kapatid. Makauwi na nga nasisira tuloy ang araw ko sa inyong dalawa.” Kinuha nya ang towel at nagpunas. “Alanah is coming ba talaga? Alam ba nya na ako ang kasama mo?”
“Yup! Magshuttle ka nalang pauwi ha sasabihin ko sa front desk.” Tumayo silang dalawa.
“Hindi mo sinabi sa’kin sa inyo pala tong resort?” Tanong ni Sav.
“Hey, you change nalang sa room at isuli mo ang susi sa front desk coz Alanah is here na. Kakausapin ko ang front desk na ihanda ang shuttle service para ihatid ka.”
Matapos kausapin ang front desk ay pumunta si Dave sa parking area while Sav was going to the cottage para magbihis ng makasalubong si Don na may kausap na naman sa phone. Nakikita nya ang kamay na may sugat at dumudugo. Biglang tinapos ang call nito at lumapit ky Sav.
“Hey, where’s David?” Tanong nya agad ky Sav.
“Out there somewhere, nandyan kasi si Alanah…patingin nga ng kamay mo. Gamutin natin ‘yan baka may medicine kit didto.” Nag-alala din naman si Sav dahil dumudugo ang kamay nito.
“What? That bastard! Akala ko ba magkasama kayo?” Galit na tanong nya habang naglalakad sila papunta sa cottage na kinuha ni Dave para mag overnight.
“Sinamahan lang naman nya akong magsi-swimming eh. I’m going home na magbihis lang ako. Gamutin muna natin yang kamay mo.” Habang binuksan ang door nang cottage. “Sana may medicine kit dito.” Sabi ni Sav.
“Inside the CR there’s a medicine cabinet, just check if meron dyan.” Umupo sya sa tabi ng bed at hinawakan ng dalawang kamay ang mukha nya at nakapatong ang braso sa tuhod. Matamlay at parang nag-iisip ng malalim. Naalala na naman nya si Sav noong gabing nalasing na nakahiga sa bed. Andito naman uli sila sa isang room, alone, at naka-swimsuit pa si Sav. Medyo na-relieve na rin sya ng konti when he learned na may kasamang ibang babae si Dave. So hindi nga pala talaga sila ang nagdi-date.
“Akin na nga yang kamay mo.” Habang nilapag nya ang medicine kit sa bed sa tabi ni Don. Umupo sya sa tabi ni Don na nakabalot ang towel on half of her body dahil baka mabasa ang bed. “Bakit ba kasi kayo nagtatalo?”
“He didn’t tell you ba?” Kuryosong tanong nya. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya ng magkadikit ang legs nila at hinahawakan ni Sav ang kamay nya para lagyan ng gamut ang sugat nito.
“Hindi, puro biro ang sagot nya at tawa lang ng tawa.” Habang nilagyan ng betadine ang sugat sa kamay ni Don.
“Ouch!” Sigaw ni Don. “Joke lang. Mas masakit pa yata ang sugat ko sa puso kesa dito.” Natawa sya.
“Gusto mo lagyan ko na rin ng Betadine ang puso mo?” Natawa na rin sya.
“Sige nga para maghilom yong sugat.” Natuwa sya na napatawa nya si Sav at nikasabay na rin sa mga jokes nya.
“Bakit naman nasugatan ‘yan aber?”
Dahil sa selos, gusto nyang sagutin pero nahiya si Don, “Never mind.” Nakangiti sya at napatitig sa mukha ni Sav.
“It’s done. Huwag mo muna basain sa tubig yang kamay mo.” Sabi ni Sav matapos lagyan ng maliit na bandage at plaster ang sugat sa kamay ni Don. “Naku ayusin natin tong bed at I’m sure may maglalaro dito mamaya, hahaha!” Natawa sya habang nililigpit ang nagkalat na medicine kit.
“Sino?” Kuryosong tanong ni Don.
“Yong kapatid mo at ang girl nya, hahaha!” Nakatawang sagot ni Sav habang ibinalik sa medicine cabinet ang sobrang natira sa medicine kit sa loob ng CR. “Hoy secret lang ‘yon ha. Baka magtatalo na naman kayo nyan?”
“Hindi. Sana’y na ako dyan kung sinu-sino lang babae ang dini-date. Buti nga’t hindi ka nabiktima. Did he ever court you ba?” Prangkang tanong para once and for all maka-confirm nya ang totoo from Sav mismo.
“Hindi ah!” Biglang sagot ni Sav as she prepared her things para maligo at magbihis. Gusto na nyang umalis si Don dahil naiilang sya at sila lang dalawa at magbibihis sya mamaya-maya.
“I’ll drive you home, uuwi na rin kasi ako. I’ll wait you outside.” Sabi ni Don habang tumayo sya at papalabas na ng door.
“No, hindi na. May shuttle service naman daw sabi ni Dave.”
“Huwag na…sabay na tayo uuwi. I’ll wait outside.” He insisted.
Nakita nya si Don nakaupo sa sand at naka-sunglasses paglabas nya sa cottage. Nagtatapon ng maliit na bato sa dagat. Ang gwapo nya, naisip ni Sav. May girlfriend na kaya sya? Si Bianca pa rin kaya? Pero isang beses nya lang narinig na tumawag si Bianca. Biglang na-kuryoso sya sa pagkatao ni Don ngayon. Lumapit sya kay Don dala ang maliit na backpack nya. Maikli ang shorts at naka-spaghetti strap lang si Sav. Napatitig na naman si Don sa mukha nya at seksing katawan nito. He was even more convinced na gustong-gusto nya na talaga si Sav at liligawan nya ito ng mabuti because they had a very unpleasant experience in the past.
“Are you not hungry? Can we eat muna?” Kinuha nya ang backpack ni Sav para sya ang magbitbit papunta sila ng lobby.
“Nope, busog pa ako.” Kahit medyo gutom na si Sav sa kasi-swimming ay nagdeny sya dahil nahihiya sya.
“Are you sure? Kanina pa kayo dito ah. Pinapakain ka ba ni Dave?”
“Kumain kami kanina bago nagpunta dito.” Binigay ni Sav ang susi sa front desk.
“Ma’am naghintay na po ang shuttle service nyo.” Sabi ng front desk staff.
“No Trixie, I’ll drive her home. Please tell Manong Ben nalang cancelled na yong shuttle service.” Sabi ni Don doon sa mga staff. Sa kanila nga pala talaga itong resort, naisip nya. Nahihiya sya tuloy. Nakatingin ang mga staff sa kanya, nagtataka siguro kung bakit si Dave ang kasama kanina at ngayon si Don na naman, at si Dave naman ay may kasama na ring iba.
Chapter 11
“Matagal na ba itong resort nyo?” Tanong ni Sav. Papunta sila sa parking area.“Yup. This is one of my next projects. We need to renovate this na. Minana pa namin to sa lolo ko…swimmer ka pala? Mahilig ka pala sa beach?” Binuksan ni Don ang car for Sav.
“Swimmer ako noong high school. Hindi ko masyadong na-pursue kahit gusto ko sumali ng mga competition dahil mahirap lang kami. I need to prioritize my family’s needs before mine.”
He admired her personality and way of thinking. They talked a lot of things sa byahe at hindi na namalayan ang oras. Na-feel nilang dalawa na nakalimutan na ang pangit na nangyari sa kanila from the past dahil masaya na silang nagkwentuhan. Medyo madilim na nang makarating sila sa apartment ni Sav.
“Nice place.” Sabi ni Don while parking the car in front of the apartment.
“Nakitira lang ako dito, libre. Baka magtataka ka kung paano ko ma-afford tong bahay na’to, hahaha!” Paliwanag nya agad.
“Ahh, sinong kasama mo dyan?” Kuryosong tanong ni Don.
“Ako lang. Caretaker lang ako dito.” Nagdadalawang isip sya if she would invite him in or not.
“Are you not going to invite me in?” Nakangiting tanong ni Don.
Napangiti muna sya at nalilito kung anong isasagot. Ngayon lang nya ma-experience na mag-invite ng lalaki sa bahay nya kung sakali. She never had a boyfriend pa kasi. Kung hindi naman nya iimbitahin baka isipin ni Don may tinatago sya lalo na’t mamahalin ang place nya at maliit lang ang sahod nya.
“I have black coffee kung gusto mo.” Biro nya.
“Sure! I’d love to have a coffee right now.” Masayang sagot ni Don. Lumabas agad ng car at binuksan ang door ni Sav at inalalayang bumaba.
Nagtimpla si Sav ng kape. Kabisado na nya ang timpla kasi ni Don, while Don was sitting in the sofa sa sala na may ka-text.
“Would you like something other than coffee? Gusto mo sandwich or cookies?” Tanong ni Sav habang nilagay ang kape sa maliit na table sa harap ni Don.
I want you, naisip ni Don. Gusto nyang sabihin, pero hindi nya kaya. Masisira na naman ang maganda nilang samahan ngayon at naayos na nga nya ang gusot nila dati. Umupo si Sav sa kabilang side ng sofa, naiilang sya. Ngayon lang nya na-experience na may lalaki sa apartment nya. Pero masaya sya at hindi nya naiintindihan kung bakit ganun nalang ang feeling nya habang masaya silang nag-uusap. Si Don naman ay gusto pa nyang mag-stay because he was elated at that moment. Palagi syang nakatitig sa lips ni Sav na gustong-gusto na nyang halikan pero alam niyang hindi pwde.
Tumayo na rin si Sav at sumunod ni Don para ihatid nya sa labas.
"Thank you pala dito." Itinaas ang naka-bandage niyang kamay.
Binuksan ni Sav ang gate, "You're welcome!"
"Make sure the gate is locked at ikaw lang mag- isa dyan. Call me anytime if you need help, okay?" Concern na sabi ni Don while opening the door of his car.
"Thanks." Nakangiti si Sav.
"I'll see you tomorrow. Good night."
"Good night." She closed the gate with a big smile at parang kinikilig na hindi nya maintindihan. Para syang lumulutang sa hangin habang naglalakad papasok sa bahay nya.
Chapter 12
The next day ay tumawag agad si Don sa phone nya. Himala dahil laging si Ate Marissa ang inuutusan nyang tawagan si Sav if he wants her to come up to his office."Good morning!" Nagulat sya. This is unusual, naisip nya. First time nyang tumawag sa trunkline nya.
"Is David there na?" Tanong ni Don.
"Nope. Kanina ko pa tinawagan and he's not answering my calls or text." Sabi ni Sav.
"Are you not busy? Can you come up here please? I need your help." Sabi ni Don.
"Sure! I'll be there in 10 minutes." Nanibago si Sav ky Don na dati ay medyo bossy na naiirita sya but now he sounded so accommodating and sweet. She left a note sa table ni Dave then umakyat sa executive office.
Suminyas agad si Ate Marissa na deritso na sya sa loob ng office ng CEO pagdating nya.
"Did you have coffee already?" Tanong agad ni Sav nang pumasok sa loob.
"Nope. Can I have one please?" Habang bising-busy sya na nagta-type sa laptop. Parang paglalambing na sa kanya ang pagtitimpla ni Sav ng kape.
"I'm making a business proposal draft, it's a multi- million project and I want you to assist me on this. Do you have a laptop?" Tanong ni Don.
"No, hindi ko naman kasi kailangan ang laptop." Habang nilagay ang kape sa table ni Don.
"You should have one because you'll be needing it more often soon...is Dave here na ba?" Tanong nya.
"Tatawagan ko uli." Sagot ni Sav.
Nagda-drive pala pabalik si Dave galing sa resort kaya hindi makasagot sa tawag ni Sav. Nang makarating ay tinawagan agad ni Don.
"You're late bro...can you provide Savinah a laptop? Do you have extra one there if not you purchase a new one for her." Utos nya sa kapatid nya.
Nagulat si Sav. Bakit bigla syang bigyan ng laptop pwede naman gagawin nya sa computer nya kung may ipapagawa sa kanya. Don wanted to teach her how to move fast paced in the business world. Palagi pa rin nyang sinasama si Sav sa mga business meetings nya. Kung sakali magkatuluyan man sila, ay kabisado na sya and she can help run their business. Marami na syang mga pangarap ngayon sa buhay nya at seryoso na sya hindi katulad noong college pa sila na wala syang tamang direction in life. At kasama sa pangarap nya ngayon si Savinah. Dahan-dahan nya itong ligawan at kung maayos na ang lahat ay pakakasalan nya. Magre-retire na rin si Ate Marissa dahil matanda na rin, at si Savinah ang papalit sa kanya soon. Pinaplano ni Don ng maayos ang lahat para na rin sa future ng family business nila at sa sariling nyang family someday.
“Kailan ang alis mo?” Tanong ni Sav habang may inaayos na mga documents na dadalhin ni Don sa business trip nya.
“Tomorrow morning. Babalik ako agad para hindi mo’ko mami-miss.” Nakangiting biro nya.
“Sira!” Natawa sya sa biro ni Don.
“What do you want pagbalik ko? Anong gusto mong pasalubong?” May halong paglalambing ang tuno nya.
“Wala ano ka ba. When you get there safe and get back home safe, masaya na ako doon.” Medyo concern na rin sya sa mga lakad ni Don.
“Talaga?” Natuwa si Don sa sinabi nya. “I wish you could come with me but this is very urgent eh. Marami pa namang next time.” Nakangiti sya habang tinutulungan si Sav ayusin ang iba pang documents sa table nya.
Natawa si Sav sa sinabi nya at medyo kinikilig na rin, “Masyadong magastos yan dahil out of the country na, hahaha! Magtataka tuloy ang finance department nyan.”
“Oh, di leisure trip nalang tayo and not business trip para hindi na tayo makikialam sa finance department. I’d love you to visit other places with me. I think we need some time off, masyado na tayong busy sa work eh. How’s that?” Hinawakan nya ang kamay ni Sav.
“Aba huwag na. Hindi ko na kailangan ng bakasyon. Marami akong pinapakain kaya kailangan ko magwork.” Nakangiting sagot nya at biglang kinuha ang iba pang papers para maalis sa hawak ni Don ang kamay nya.
“I really admire you for that. You always think of your family before yourself. Ang swerte talaga ng mapapangasawa mo.” Nakatitig si Don sa mga mata ni Sav. Iniiwasan ni Sav ang titig nya at nako- conscious na rin sya. Napangiti lang sya sa mga sinabi nito at hindi makapagsalita.
“I’m hungry. Come on let’s go out and eat. I’ll treat you for your hard works lately. You’ve been doing a great job so you deserve a treat.” He closed the laptop at tumayo.
“Ano? Huwag na nga. At saka it’s 4:30 pa oh mamaya pa ang off ko.” Nahihiya sya sa invitation ni Don.
“Come on, we can go out anytime if I want to. Go get your stuff and wait me outside. I’ll be ready in 3 minutes.” Sabi ni Don habang nilagay sa bag ang laptop nya.
Hindi na sya makapagsalita at lumabas nalang kinuha ang bag at cellphone nya sa desk sa tabi ni Ate Marissa.
“Ate Marissa isasama ho uli ako ni Don kaya mauna na ho ako.” Paalam nya kay Ate Marissa.
“Hmmm, I think you two are really doing a great job together. Bagay na bagay kayo.” Biro nya.
“Ate naman. Walang ganyanan ha.”
“Totoo! Promise! Swerte ka kung yan ang makatuluyan mo darling.” Dagdag pa nyang biro.
Natawa si Sav at nang lumabas na si Don at sabay na silang umalis.
“We should go na may byahe ka pa bukas. Kailangan mo magpahinga ng maaga.” Concern na si Sav kay Don.
“Okay lang hindi naman maaga ang flight ko. Can we have a walk muna dyan sa may garden view?” Suggest ni Don.
Napakagandang tanawin, naisip ni Sav. Overlooking the city kasi ang restaurant at may maliit na sidewalk at garden. Hinawakan ni Don ang kamay nya habang naglalakad sila. “Did you enjoy the dinner?” tanong nya ky Sav while walking.
“Honestly, this is my very first time na pumasok sa mamahaling restaurant. I’m so amazed sa lahat ng nakikita at nakakain ko.” Natawa sya. And they stopped in the middle para manood sa magandang view.
“Really? Let’s do this more often para masanay ka. I’m so happy na napasaya kita.” Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ni Sav habang tinitigan ang mga mata nito.
Umiwas si Sav sa titig nya dahil na-conscious na naman sya dahil masyadong sweet si Don ngayon sa kanya.
“Umuwi na nga tayo masyado nang gabi.” Ang totoo ay ayaw nyang matapos na ang gabing iyon pero nako-conscious na sya at hindi maintindihan ang nararamdaman nya kay Don. Inihatid sya ni Don sa apartment nya at hindi na pumasok dahil malalim na ang gabi.
Chapter 13
“Masaya ka ngayon ah. You’re face is beaming!” Tinukso si Sav ni Dave the next day.“Hah! Bakit may nabago ba sa itsura ko?” Natawa sya.
“Yup, at sa tingin ko may nagpapasaya dyan sa mga mata mo nagniningning na parang mga bituin sa langit.” Biro nya ky Sav.
Sinapak nya si Dave sa braso, “Huwag ka ngang mang-aasar dyan. May kailangan ka ba?” Tanong nya.
“Mami-miss mo sya ngayon.” Biro na naman nya.
“Hay naku, David! Lumayas ka nga dito nakakainis ka na talaga!” Nagba-blush ang mukha ni Sav sa tukso ni Dave.
“Debut ni Dixie this Sunday, but sa Saturday ang party nya. Alanah is not invited, but you are…alam mo na si Dixie bawal makialam basta party nya. So ikaw nalang ang isasama ko wala naman kasi si Don eh, ewan ko kung makahabol sya.” Sabi nya habang papaalis na sa desk ni Sav at papasok na sa office nya.
Hinabol sya ni Sav, “Ano? Ayoko sumama, alam mo namang hindi ako mahilig sa party, di ba?”
“Eh di magpakita ka lang doon saglit then uwi right after kumain. Ewan ko ba’t gusto ka ng kapatid ko, magtampo yon pag hindi ka pupunta.” Sabi ni Dave nang makapasok na sila sa office nya.
Nakasimangot syang lumabas. Nahihiya kasi sya sa family ni Don at ayaw nyang pumunta at wala rin naman si Don kaya wala syang ganang pumunta pero napilitan sya.
Hindi naman sya iniwan ni Dave dahil nahihiya sya at hindi nya kilala halos ang mga bisita doon. Si Ate Marissa lang ang nakilala nya at umuwi rin agad. Nakahabol pala si Don nang gabing iyon dahil alam nyang magtatampo ang sister nya kung hindi sya makadalo, how many years na kasi na wala sya tuwing birthday nya because he was in the US. He arrived in the afternoon at nakatulog sa pagod. Nagstart na ang party nang magising sya at nang lumabas ay nakita nya agad sina Dave at Sav na masayang nagkwentuhan sa tabi ng pool na medyo malayo sa crowd. Gusto nyang lapitan pero he was observing muna. Sweet naman kasi talaga si Dave so kahit sino makakita ay mapagkamalang magsyota sila. Sasabog ang dibdib ni Don sa selos.
Pumasok sila Dave sa loob ng bahay dahil magsi-CR si Sav. Hinintay ni Dave sa living room si Sav habang umiinom ng beer at biglang lumapit si Don.
“Bro, I didn’t know you arrived already. I thought bukas ka pa darating.” Nagulat si Dave.
“Tinatraydor mo ako, bro. Kasama mo na naman si Sav ngayon ah.” Seryosong sabi ni Don sa kapatid nya.
“Of course, she’s invited by Dixie. Hindi nga yan mahilig sa party kaya hindi ko iniwan dahil mahiyain…and why didn’t you invite her?...Umiiral na naman yang selos mo.” Tinawanan sya ni Dave.
“I was in Singapore, eh kaya I forgot to invite her…Nang-aasar ka talaga! You tell me nga, you really like her din ano? And because you two are so close with each other you just take advantage of that nalang dahil alam mo namang hindi ka nya type.” Napipikon na si Don.
“Hey, hey calm down. What the fuck are you talking about? Hindi ko pinagsasamantalahan ang pagiging close namin, okay? Bro, she’s damn too good to be fooled kaya hindi ko magagawa yan sa kanya. She’s so delicate, hindi kakayanin ng konsensya ko…”
“Donald? You’re here na pala?” Nagulat si Sav nang lumabas galing sa restroom. “Nagtatalo na naman ba kayo?”
‘Bro, gusto mo ikaw nalang maghatid ni Sav pauwi okay?” At umalis si Dave palabas.
Hinila ni Don ang braso ni Sav, “You tell me nga, do you like my brother din ba? Pinagsasabay mo ba kaming dalawa?” Galit na tanong nya ky Sav.
“Ano???” Nagulat si Sav sa nirinig nya. “Anong pinagsasabi mo ha? Kilabutan ka nga sinabi mo!” Napikon si Sav sa tanong nya. “Nagseselos ka ba kay Dave?”
“Yes! And he damn knows about it and he keeps annoying me!” Sigaw ni Don.
“Hinaan mo nga boses mo marinig tayo dyan sa labas.” Sabi ni Sav.
“The hell I care!” Sigaw ni Don.
Nahihiya sya at binitiwan nya ang kamay ni Don na nakahawak sa braso nya. Nagmamadali syang lumabas dahil nahihiya sya na parang pinag-aagawan sya nag magkapatid at kung ano nalang ang sasabihin ng dad nila sa kanya. Nasa labas si Dave umiinom ng beer at nakita nya ito. Hindi pinansin ni Sav at tuloy-tuloy syang lumabas papunta sa gate.
“Sav! Ihatid na kita pauwi.” Sinundan sya ni Dave.
Lumabas din si Don para sundan si Sav pero nakita nya si Dave na lumapit ky Sav.
“Huwag mo akong ihatid.” Galit din sya ky Dave at habang patuloy na lumalakad papunta sa gate. Hinabol sya ni Dave at hinawakan ang kamay at nagpupumiglas sya. “At huwag mo akong hawakan!”
Nakita iyon ni Don at hinabol nya si Sav. “Sav, I’ll drive you home, it’s not safe outside.”
“The hell I care!” Galit na sagot nya kay Don. Binuksan ng guard ang gate dahil pinilit nya at magtataxi nalang sya pauwi. Nagi-guilty sya sa pangyayari dahil hindi nya akalain na parang pinag-aawayan sya ng magkapatid. Buti nalang may taxing dumaan at nakasakay sya agad. Kinuha agad ni Don ang susi ng car nya at sinundan si Sav.
Chapter 14
Nasundan nya ang taxi na sinakyan ni Sav. Umiiyak si Sav habang binuksan ang gate ng apartment. Nakita ni Sav ang car ni Don na pumarada sa harap ng apartment nya at nagmamadaling bumaba. Isasara nya na sana ang gate agad dahil ayaw nyang papasukin ito pero pinigilan sya ni Don at nagpupumilit pumasok.“Can we talk, please?” Pakiusap ni Don.
Iniwan nyang bukas ang gate at pumasok si Don at ni-lock nya ito. Nang makapasok sa loob ng apartment ay umiyak si Sav sa galit habang umupo sa sofa. Nahihiya sya sa sarili nya, nagagalit sya sa narinig nya kay Don kanina at nagagalit sya kay Dave dahil parang iniwan lang sya bigla. Lumapit si Don at niyakap sya.
“Huwag mo akong hawakan!” Galit pa rin sya kay Don. She was trying to resist but malakas ang yakap ni Don. “Ano ba akala mo sa’kin hah? All this time na magkasama kami ni Dave binibigyan mo pala ng malisya?”
“Yes, because I can’t get you out of my mind. At nagseselos ako everytime nakikita ko kayong magkasama!” Paliwanag ni Don.
“And you’re thinking na pinagsasabay ko kayong dalawa? Ano’ng akala mo sa’kin ha?” Umiiyak pa rin sya at galit na galit at pilit na tumayo para mkawala sa higpit na yakap ni Don.
“Sa tingin mo ba magagawa ko ‘yon sa inyong dalawa? Sa tingin mo ba ganun akong klaseng babae?...sa tingin mo ba wala akong konsensya na magpapakahiya dyan sa trabaho ko na iniingatan ko dahil mataas ang respeto ko sa family nyo lalo na sa daddy mo dahil malaki ang naitulong nya sa amin ng family ko? Marami na akong problema na inaatupag araw-araw sa buhay ko, Donald, please naman huwag mo nang dagdagan.” Nangingiyak na sabi nya. Tahimik lang si Don na nakikinig.
“All my life binubuhos ko sa work at sa family ko. Wala akong time maglakwatsa o magbarkada. Si Dave lang ang naging close friend ko dahil mabait sya sa akin at magkakasundo kami sa lahat ng bagay, matatakbuhan ko sya anytime if may problema ako. But I despise him for being such a womanizer…wala akong karapatang makialam sa personal na buhay nya dahil buhay nya ‘yon, ginusto nya ‘yon, pero hinding-hindi ko yan gusto. At never nya akong niligawan dahil alam nyang wala syang makukuha sa akin dahil hindi na mababago ang pagtingin ko sa pagiging babaero nya.” Naiinis sya sa sarili nya dahil bakit kailangan nyang magpaliwanag ky Don. To convince him that nothing was really between him and Dave and that she wanted Don, ‘yan ang totoo.
She cried even harder at niyakap uli sya ni Don ng mahigpit para hindi makawala.
“I’m very sorry, Sav.” He whispered gently on her left ear and rubbed her back. “I’m very sorry…alam mo bang ikaw rin ‘yong pinagtatalunan namin noong nagsi-swimming ka sa resort namin? Dahil nagseselos ako, alam mo ‘yon?..Because I want you in my life, I need you. That’s why I’m doing everything to win you back dahil pangit ang naging past natin at pinagsisihan ko ‘yon.”
Sav was still crying at sinuntok-suntok nya ang dibdib ni Don dahil naiinis talaga sya. Hanggang mapagod ay bigla na rin syang yumakap ky Don and leaned her head on his chest. Matagal silang nagyakapan at she started to slow down crying.
“Are you done?” Lambing na tanong nya kay Sav. “Gusto mo suntukin mo ako ng malakas, sampalin mo ‘ko hanggang kaya mo, I won’t stop you. If that would make you feel better, sige na, sampalin mo ‘ko uli.” Biro nya para matawa si Sav.
Nang kumalma si Sav, he cupped her face with his two hands and stared on her eyes, “I love you, Savinah, and I know you damned knew it. I want you badly, you know?” Niyakap sya uli ng mahigpit ni Sav at umiiyak uli.
Hindi sya makapaniwala sa narinig nya ngayon ky Don. Sa wakas ay nasabi rin ni Don ang kanyang matagal ng damdamin.
“I love you, Sav.” Inulit nya at parang naghintay sya ng sagot. Hindi makasagot si Sav but she was elated that moment. She hugged him tight instead. At hindi mapigilan ni Don ang kanyang sarili and he kissed her deeply, it was long, passionate, and Sav couldn’t resist but gave in. “If you slap me now after I kissed you, I will never stop kissing you until you get tired of slapping me.” Biro ni Don after he kissed her intimately for the first time. Naalala nya yong araw na hinalikan sya ni Don noong college pa sila pero na-realize nya na masaya sya ngayon at hindi maintindihan ang happiness that she felt at that moment.
Umupo sila sa sofa at yakap pa rin ang isa’t isa. Inayos ni Don ang kanyang buhok sa tenga and wiped her tears sa kanyang daliri. “Are you still mad at me ba?” Lambing nya ky Sav at nakangiti syang tinitigan ang mga mata nito na parang tinutukso.
Kinakabahan si Sav pero masaya sya at hindi sya makapagsalita.
“Ano? Wala ka bang sasabihin? Sabagay nasabi mo na lahat.” Biro uli nya para matawa na si Sav. “Halika ka nga.” Niyakap nya uli ng mahigpit and kissed her lips many times. “I’m sorry sa lahat ng nasabi ko. I was really jealous at lagi kasi akong inaasar ni Dave. Alam naman nya na gusto kita eh, kaya feeling ko tuloy sinasadya nang magpaka-sweet sa’yo para magselos ako.”
“Talaga? I don’t think so.” Nagsalita rin sa wakas si Sav. “Ganyan naman talaga yang kapatid mo kaya nga madaming girls ang natutukso.”
“Buti nalang hindi ka natukso.” Biro na naman nya uli.
“Hay naku! Sabi ko nga sa kanya, huwag mo na akong idagdag dyan sa listahan ng mga babae mo…and maghahanap na nga rin ako ng lilipatan ko eh para hindi mo na bigyan ng malisya yong pagiging close namin.” Sabi ni Sav.
“Huh? What do you mean? Bakit kailangan mong lumipat bigla?” Nagtataka si Don.
“Hindi ba nya sinabi sa’yo?” Tanong ni Sav.
“Which one? About what?” Kuryosong tanong nya.
“Sa kanya naman tong apartment eh. Bayad na kasi for the whole year kaya pinatira nya nalang akong libre.”
“What?” Nagulat si Don. “Binabahay ka ba niya dito? Lagi ba syang nagpupunta dito ha?” Galit na naman si Don.
“No! Of course not!” Nagsigawan na naman sila uli. “Makinig ka nga muna bago ka magreact dyan!”
“And how would you like me to feel now hah? Pati ba naman dito hindi ka nya sinasanto?”
“Stop it!” Galit na naman si Sav at biglang tumayo. “Uulitin ko ang tanong ko sa’yo kanina...anong akala mo sa akin, HAH?” Umiiyak na naman sya. “Ni minsan, hindi nakapasok si Dave dito habang ako’y nandito. Kahit dyan sa labas, sa gate…ni minsan, hindi sya pumasok. Ikaw lang…ikaw lang ang pinakaunang lalaki na pumasok dito sa loob at wala nang iba. Binayaran ‘to ni Dave para sa dati nyang girlfriend na iniwan sya at sumama sa iba at pumunta sila ng France. One year contract…he paid for it…and he offered it to me dahil naawa sya sa’kin na malayo ang byahe ko everyday mula sa amin papuntang office dahil wala akong pangrenta ng boarding house. Kaya umalis ka na! If you damned think of me as a fuckin’ mistress or some kind of a bitch, then leave! You’ve humiliated me enough!” At mabilis syang umakyat sa stairs going up to her bedroom but Don caught her quickly instead. Napaupo silang dalawa sa hagdanan habang niyakap sya ni Don and Sav was crying hard. “I want you to leave.”
“No! I’m not leaving you…until you forgive me, again.” Niyakap nya uli ng mahigpit si Sav. “Forgive me, Sav, please!...i’m so sorry, nagulat ako sa mga sinabi mo, I’m just so blinded because of jealousy. I’m sorry.”
Matagal silang natahimik at hikbi ni Sav lang ang naririnig. It was past midnight na pala. Yakap pa rin sya ni Don habang nakaupo pa rin sila sa may hagdanan.
“Let’s move in there, okay?” He said softly at inalalayan si Sav na maupo sa sofa. “I’m not leaving until mawala ang galit mo sa ‘kin, okay? Ang saya na natin sana kanina at nabigla ako sa sinabi mo. You should’ve told me before para hindi ako nagulat, I asked you before di ba and you didn’t answer me. I hope you understand how I felt.” Sabi nya na nakatitig sa mga mat ani Sav. “Forgive me na, please?” Paglalambing nya.
Chapter 15
Hindi makapaniwala si Sav sa lahat ng mga pangyayari. Matagal syang nakatulog nang gabing iyon. She was thinking that the man of her dreams was sleeping downstairs and they just kissed. Naisip nya na boyfriend nya na pala ito. Masaya sya despite sa mga nangyari kanina. Nakatulog din sya after a few minutes dahil sa pagod.“Good morning.” Hinalikan si Sav sa noo. “Are you feeling better today?”
“Yeah.” Hindi sya makatingin ni Don at patuloy na nagluluto ng fried egg and hotdog for breakfast. “Are you hungry na?”
“Yeah, super!” Sabi nya habang nakasandal sa kitchen counter while watching Sav.
Matapos magluto ay naghugas ng kamay si Sav. Matapos maghugas ng kamay ay hinila sya ni Don at niyakap ng mahigpit. Kahit basang-basa pa ang kamay ni Sav ay niyakap nya ito at hinalikan ng matagal. It was the sweetest kiss she had ever experienced and she’s very happy at parang lumulutang sa hangin. Nasa cloud 9 na naman sya. Masayang-masaya din si Don at sa wakas ay naayos na nila ang gusot nila at wala na syang mahihiling pa dahil sa kanya na sa wakas si Sav.
“Let’s eat na nga.” Sabi ni Sav na nakayakap pa rin ky Don na nakasandal sa kitchen counter at hindi pa rin makatingin sa mukha ni Don dahil nahihiya sya.
“Sige na nga I’m so hungry na rin. Ang sarap magbreakfast dahil kasabay kong love ko.” Biro ni Don habang umupo sa dining chair at hinanda ni Sav ang table.
“I’ll make your black coffee.” Nakangiting sabi ni Sav.
Masaya silang dalawa na nag-breakfast at nag-stay si Don buong araw sa apartment ni Sav noong Sunday na iyon dahil wala naman silang pasok at para susulitin ang sandaling solong-solo nya si Sav.
"I'll see you in the morning, okay?" Hinalikan muna nya si Sav nang matagal bago umalis.
"Ate Marissa alam nyo po ba kung kanino galing to?" Tanong nya habang tinitingnan ang nasa loob. "Sa akin po ba ito?"
"Yes darling, from your handsome boss galing yan. Pasalubong from Singapore." Nakangiting sabi nya. "May binigay din sya sa akin pero mas marami yang sa'yo at ang gaganda pa. Alam mo nakikiligan ako sa inyong dalawa." Biro nya.
"Good morning!" Biglang lumabas si Don at lumapit ky Sav at sadyang hahalikan sa noo pero umiwas dahil nahiya sya ky Ate Marissa. "What?" Natawa sya.
"Nandyan si Ate ano ka ba." Mahinang sabi nya pero narinig ni Ate Marissa.
"Wala akong nakita." Biro ni Ate Marissa.
"You'll get used to it soon." Lambing nya ky Sav. "Can you please follow me will have to discuss on that business proposal I told you." Hinila nya papasok sa loob ng office nya si Sav. Nang makapasok sa loob ng office nya ay hindi nya mapigilan at hinalikan ng matagal si Sav. Bago paman matapos maghalikan ay biglang pumasok si Dave at nakita sila.
"Wow! What a pleasant surprise!...Good morning guys.!" Nakangiting bati ni Dave sa kanilang dalawa na nagulat at umupo sya sa visitor's chair sa table ni Don.
Biglang umiwas si Sav at lumabas ng office ni Don dahil nahiya sya.
"What do you want bro? Maaga ka yata ngayon ah...and pwede ba next time you knock the door first before you come in?" Umupo si Don sa executive chair nya.
"Wow! Kailan ba ako natotong kumatok dito bago pumasok?" Natawa si Dave sa sinabi nya. "Eversince kay dad hindi naman ako kumakatok pag pumapasok dito ah…that was the sweetest scene I’ve ever seen in my entire life.” Tinutukso nya ang kapatid nya.
“Damn it, dude!” Nainis na naman sya sa tukso ng kapatid nya. “Do you need anything?”
“Wala…na-miss ko lang ang brother ko at na-miss din sya ng sister nya dahil hindi nakita sa debut nya at nagtampo.” Sabi ni Dave.
“Fuck! I should’ve greeted her before I left that night.” Sabi ni Don.
“Almost 24 hours kang nawala yata eh. Where you’ve been ba?” Biniro na naman ni Dave kahit na alam nya kung saan nagpunta si Don noong gabi ng debut ni Dixie until whole day the next day.
“None of your fuckin’ business!” Napikon sya kay Dave. “Bro, please huwag muna makarating kay Dad about me and Savinah, okay? He might think na Sav is taking advantage here and baka pagdudahan pa kami na naglalandian dito sa office. We’re doing our job naman eh and in fact, Sav is helping me a lot. I’m really trying to train her so she can help us run the business someday, you know. She’s smart and has good potentials”
“And a vulnerable, innocent but witty seductive virgin you would ever desire for.” Mahinang sagot ni Dave and started to stand up walking through the door. “Don’t you ever dare, break her heart.” Habang suminyas sa kamay nya sa mata at tinuro ky Dave at lumabas. Hindi na nya muna pinansin si Sav dahil alam nyang nagtatampo pa rin ito sa kanya at para hindi na rin magseselos si Don sa kanya.
Chapter 16
Masaya ang mga araw na nagdaan sa kanila ni Don and Sav and they were even more productive sa work nila because they were very much inspired. Madalas na silang nakikita na magkasama kahit saan at kahit sa caferia sabay silang kumakain. Lagi nyang hinahatid sa apartment si Sav pauwi. Minsan sinusundo nya si Sav sa morning pero minsan hindi dahil na rin sa busy schedules ni Don. At a short period of time for being the new CEO ay maraming napalabong business si Don at sa tulong na rin ni Sav.After a few minutes ay lumabas si Don sa office nya na masayang-masaya.
“Yes! You are such my lucky charm!” Sabi nya ky Sav. “We won the bid!” At niyakap nya si Sav sa harap ni Ate Marissa at hinalikan sa noo dahil masaya sya na nakuha nila ang multi-million project na pinaghirapan nilang dalawa. “We need to celebrate!”
For a love like yours is oh so very hard to find
Looked inside myself now I'm very sure
There can only be you for me
I need you more and more...
You turned me inside out
And you showed me what life was about
Only you
The only one that stole my heart away
I wanna do all I can just to show you
Make you understand
Only you
The only one that stole my heart away…
“Donald, anak. Girlfriend mo na ba si Savinah?” Tanong ng mom nya sa kabilang line.
“How did you know mom?” Nagtataka sya.
“I saw it on Facebook. Trixie posted it.” Casual na sabi ng mom nya.
“Ah yong kanina ba nagkatuwaan sa restobar?” Natawa sya. Hindi nya akalain makita agad ng mom nya. “Yes mom, she’s my girlfriend.” Sagot ni Don.
“Since when?” Medyo nagulat ang mom nya.
Sinabi nya kung paano nangyari as quickly as he can and assured her mom na their relationship will never affect their work relationship at nagpaalam na agad nang lumabas sa restroom si Sav. Ayaw nyang marinig ang usapan nila para hindi magtataka si Sav. Tumayo sya agad at niyakap si Sav at kanina pa sya gigil na gigil na ma-solo nya ito. He kissed her so deeply and hugged her tight and laid her down in bed. Masayang-masaya si Sav at hindi nya mapigilan ang damdamin nya and she gave in na rin sa gusto ni Don. And now he triumphantly conquered what he has been longing for.
Chapter 17
Absent si Ate Marissa the whole week dahil may sakit ang husband nya. Malapit na rin syang mag-retire so si Sav na talaga ang papalit sa kanya at kabisado na nya lahat ng mga gawain nito. May hindi inaasahang bisita na dumating sa executive floor na galit na galit at parang sasabog at buti nalang ay nasa restroom si Sav.“Donald! We need to talk!” Malakas ang boses ng daddy nya pagkapasok sa office ni Don.
Nagulat si Don. Pero alam na nya ang pakay ng dad nya and he was expecting this to happen at matagal na nyang pinaghandaan ito. “Calm down, dad. Pwede naman tayo mag-usap ng mahinahon eh.” Kalamadong sabi n Don. “What is it?”
“What is going on between you and your secretary?” Tanong nya sa harap ng table ni Don na nakatayo at ipinatong ang kamay sa table na parang susuntukin nya ito.
“She’s my girlfriend. Yeah, she’s just my secretary but she’s not just any ordinary secretary doing some typing jobs, she has abilities and skills, and has potentials that can run a business…and she has been doing a great job.” Casual na sabi ni Don at hindi nila namalayan na binuksan ni Sav ang door dahil papasok sana sya pero hindi sya tumuloy at nakinig sya saglit at nanginginig sa takot na hawak ang doorknob habang nagtatalo si Don at dad nya.
“I don’t give a damn! Hindi sya bagay sa’yo!” Galit na sabi ng dad nya. “What is going on with your mind?”
“Why dad? Do you think I can just pick up anytime some women out there and check if she’s suitable for me or not because of what? Status quo? From affluent blood line? And not even consider my feelings?” Sagot ni Don. “Come on, dad!”
“Don’t you dare answer me that way, Donald!...and for heaven’s sake! Are you using this office with your goddamn love affair?” Sabi ng dad nya nang biglang sinara ni Sav ang door ng malakas at dali-daling kinuha ang mga gamit at lumabas na hindi nagpaalam at umiiyak.
Tumayo si Don na nagalit sa mga sinabi ng dad nya, “Look dad, she’s not just one ordinary secretary, she’s one hell of an asset I can’t ignore and she’s a special woman I’m so crazy about. I love her and I would do everything to protect her even if it would cost me a fortune! Kahit mawala man sa akin lahat, huwag lang si Savinah.” Nakita nyang tumakbo si Savinah palabas nang buksan nya ang pinto, “Savinah!” Sigaw nya pero hindi ito nakinig.
Bumalik sya sa dad nya at nagtatalo pa rin sila. Galit sya at gusto nyang habulin si Sav pero hindi pa sila tapos ng dad nya.
“Well, well, well. What’s with the commotion?” Nang biglang dumating si Dave pero alam na nya ang dahilan kung bakit nandoon ang ama nila. “What happened to Savinah, bro? I saw her crying out from the lobby.” Habang inalalayan nya ang dad nya na umupo. “I’ll get you some water, dad.” Kumuha si Dave ng tubig sa pantry.
“At ikaw, David? Naging kayo rin ba ni Savinah when she was assigned to you hah?” Sabi ng dad nya habang uminom ng tubig.
“What?” Natawa si Dave para pakalmahin ang daddy nila. “Why would you ever think about that, dad?”
“Nakita ko kayong magkasama on Dixie’s debut and you were like ah…my goodness! Kayong dalawa ba talaga ginawa nyong nobya yang secretary nyo hah?”
“Of course no, dad! Maniwala ka’t sa hindi, hindi ko kailanman niligawan si Savinah.” Natawa lang sya.
“Dad, desenting babae si Savinah. Why don’t you give a chance to know her? And…we make sure that our personal relationship will never affect our job. I can assure you that, dad!” Sabi ni Don na hindi mapakali.
“Bro, can you please call her? Tawagin mo kung nasaan sya dahil baka she will not answer me if I call her, dali!” Utos nya sa kapatid nya. “Dad, kung makilala mo ang tunay na pagkatao ni Savinah, I’m sure you will admire her. Ang alam mo lang kasi ay anak sya ng malapit mong kaibigan noong high school, but there is more in her that you should know.” Don tried to explain habang kausap ni Dave si Sav sa phone nya while their dad naman was trying to read some documents sa desk ni Don.
“Sav, where are you?” Tanong ni Dave. “Bakit? Saan ka pupunta?” Suminyas si Don na e-loud speaker ang phone nya para marinig. “Are you crying?” Tanong ni Dave at naiinip na si Don at inagaw ang phone nya.
“Hey, Sav, this is Don, where are you?” Tanong agad nya at pinatay ang phone. “Fuck!” Muntik nang itapon ang phone ni Dave sa galit nya at inagaw uli ni Dave. Para silang mga bata na nag-aagawan ng laruan. “Nasaan ba sya, David? Umuwi ba sya?”
“Nope. She’s riding now in a bus pauwi sa probinsya nila.” Kalmadong sagot ni Dave.
“Where’s her address ba? Hanapin mo sa file nya.” Hindi sya mapakali at palakad-lakad.
“Andito naman sa phone book ko, ano ka ba? Bakit? Hahabulin mo?” Tanong ni Dave.
Nakatingin lang ang daddy nila sa kanilang dalawa and was shaking his head. “We’re not done yet, son.” At lumabas ng pintuan at hinabol ni Dave.
“Dad, ihatid na kita sa car mo, baka kung mapano ka pa.” Sinamahan nya ang dad nya palabas at iniwan si Don sa office nya.
“Dad, why don’t you just leave them alone? Hindi na ‘yan bata si Donald matanda na ‘yan at hindi mo mapipigilan ang dalawang ‘yan because they love each other so much.” Kinausap nya ang dad nya habang naglalakad sila palabas ng building at naghintay sa car ng dad nya. “Wala namang problema dito eh, they handled their relationship well and the business as well. In fact, we got more revenues because of their good tandem. Hayaan mo na masaya ‘yang dalawa because you can’t stop Don for her feelings for Savinah.” Ipinaglaban na rin ni Dave si Sav and Don sa kanyang ama.
“What’s with that woman that all of you are so fond of her? Hindi pa rin sya bagay kay Don!” Binuksan ni Dave ang car ng dumating ito na dala ng driver nila at inalalayan makaupo ang dad nya. “Tell Donald we still need to talk, hindi pa kami tapos.”
Hindi mapakali si Don. He kept texting Sav pero hindi sinasagot ang mga text nya. Tinatawagan nya pero off ang phone. Nag-iisip sya kung anong gagawin nya. Hindi na nya namalayan madilim na pala ng lumabas sa office nya at uuwi nalang. Dumaan sya sa apartment ni Sav nagbaka-sakali kung nandoon pero lock ang gate sa labas, meaning she’s not inside at saka madilim sa loob. Umuwi nalang sya at when he got home nakita nya si Dave sa tabi ng pool na umiinom at nilapitan nya ito.
“Bro, can I have her home address? Paki-send mo nga sa ‘kin…ba’t ka naglalasing? Dapat ako ang naglalasing dito, tagay nga dyan.” Sabi ni Don sa kapatid nya.
“Wala nagpapaantok lang…kinausap ko si dad kanina na hayaan nalang kayo total you’re not a child anymore and that you really love each other.” Habang nilagyan ng alak ang baso at binigay kay Don. “I’m sure hindi ka pa kumain magpahanda ka nalang ng pagkain kay yaya at ipadala dito at magtagay nalang muna tayo. Matagal na tayo hindi nakapag-inuman ah.”
“Kung sakaling dad would fire me out, huwag mong pabayaan ang business natin. Tatanggapin ko kung anoman ang desisyon nya basta hindi lang mawala sa ‘kin si Sav. Kung tanggalan nya ako ng mana bahala na, mabubuhay naman kami ni Sav siguro.”
“Wow! Huwag ka ngang magdrama dyan bro! Come on, dad would not even think of that. You’re his real son, lilipas din yang galit nya hayaan mo.”
At nag-inuman sila at nagkwentuhan. Kahit papano, nangingibabaw pa rin ang pagiging magkapatid nila kahit na nag-aaway sila minsan lalo na ng muntik na silang mag-aagawan sa isang babae.
Chapter 18
Dahil Saturday at wala syang pasok
ay naisipan ni Don an sundan si Sav sa probinsya nila. Naghanda sya ng konting
gamit at dinala ang laptop dahil patuloy nyang tinatrabaho kahit saan ang mga
works nya at nagbaka sakaling doon sya mag-overnight. Mahigit isang oras ang byahe
at nakasalalay lang sya sa Google map dahil hindi nya kabisado ang lugar.
Nagtanong-tanong sya sa mga bahay hangga’t marating ang bahay nila Sav.Nakita ng tatay ni Sav ang magandang kotse na pumarada sa harap ng bahay nila at sinalubong ito. Alam na ng tatay nya ang lahat na pangyayari dahil ikinwento ito ni Sav lahat dahil nabigla sila sa pagdating nya.
“Magandang hapon po, sir. Nandyan po ba si Savinah?” Tanong ni Don na alam nya na tatay ito ni Sav.
“Yes, nandyan sa loob. Kayo ho ba si Donald?” Tanong ng tatay ni Sav.
“Opo. Naikwento na po siguro nya sa inyo ang tungkol sa ‘kin. Gusto ko po sana syang makausap.”
Bago tinawagan si Sav ay nag-usap saglit silang dalawa sa labas. Madali naman silang nagkasundo ng tatay nya at nakita ito ng bunso nyang kapatid na babae na si Shamilah at sinabi agad ky Savinah na nasa likod ng bahay at nagsasampay ng uniform nya.
“Ate, may gwapong naghahanap sa’yo sa labas. I’m sure si Kuya Donald ‘yan.” Kinikilig ang sister nya. “At ang ganda ng car nya. Ano bang work nya ate?”
Nagulat si Sav. Sumilip sya sa gilid ng bahay nila kung saan nakikita nya si Don at ang tatay nya na masayang nagkikwentuhan sa bakuran. Hindi sya kumibo hanggang nakita sya ng tatay nya at ni Don.
“Anak, may bisita ka.” Sigaw ng tatay nya.
Hindi pa rin sya kumibo sa kinatatayuan nya at lumapit si Don sa kanya na nakangiti.
“Ba’t nandito ka? Paano mo nalaman ang bahay namin?” Tanong nya agad ni Don. Malungkot pa rin ang kanyang mukha.
“I was just in the neighborhood and decided to drop by.” Biro nya kay Sav para matawa. “I missed you...so much!” Hindi nya matiis at niyakap nya si Sav at hinalikan sa noo.
“Dito tayo mag-usap.” Sumunod si Don sa kanya na papunta ng bakuran at may maliit na bench na kahoy sa tabi ng malaking puno ng mangga. Pumasok na rin ang tatay nya sa loob para mabigyan sila ng privacy.
“Ang ganda dito. Makikita mo ang high-way sa baba, makikita mo ang dagat kahit sa malayo at ang sarap ng hangin.” Sabi ni Don. Tahimik pa rin si Sav. “Are you mad at me ba? Pasensya ka na sa dad ko. Nabigla lang yon pero mawawala din ‘yon…at ipinaglaban naman kita dahil mas mahalaga ka sa ‘kin eh. Mawalan na ako ng position sa work ko, tanggalan man ako ng mana, tanggalin man sa akin lahat, I don’t care, huwag lang ikaw.” Seryosong sabi nya na nakatitig sa mata ni Sav hawak ang mga kamay nya. “You will still love me naman di ba kung sakaling walang-wala na ako?”
“Syempre naman.” Sagot ni Sav na umiiyak na. “Nagi-guilty ako kasi kasalanan ko ‘to lahat eh, kung hindi dahil sa akin, hindi kayo mag-aaway ng dad mo. Hindi ko naman kasalanan na mapamahal sa ‘yo eh. Kaya lang mahirap lang kami, mayaman kayo and that’s the big difference. Magkaiba ang mundo natin at hindi yan matatanggap ng dad mo.” Sabi nya as she keeps crying.
Don tried to calm her down and hugged her. “Don’t you ever think na magkaiba ang mundo natin because that’s a bullshit, okay? Walang makakapigil sa ‘ting dalawa if we love each other, kahit sino, kahit dad ko, kahit family ko. You mean so much to me, Sav, at hinding-hindi ko hahayaan na mawala ka sa buhay ko.” Umiiyak pa rin si Sav at hawak-hawak pa rin ni Don ang mga kamay nya. “Mabubuhay naman tayo dito if dad would fire me out di ba? Hindi naman siguro tayo magugutom.” Biro nya. “We will both work hard naman di ba? I’m sure makahanap naman tayo ng work dahil pareho naman tayo may natapos. What if punta nalang kaya tayo sa America and we’ll start a new life there dahil I’m sure makakahanap uli ako ng work doon.”
“Ayoko nga. Ayoko iwan ang family ko dito, matanda na si tatay.” Sabi ni Sav.
“O di magsumikap nalang tayo dito. We can still provide a good life sa future family natin, sa magiging mga anak natin, basta hindi tayo magugutom.” Habang pinisil-pisil nya ang braso ni Sav.
“Are you willing to give up your rich life dahil sa ‘kin? Hindi dito ang nakasanayan mong buhay eh.” Sabi ni Sav.
“Of course naman. Matutunan ko din ‘to lahat ang buhay dito, basta magkasama tayo, for richer or for poorer.” Assured nya ky Sav.
“Talaga lang hah? Sa hirap at ginhawa?” Nakangiting sabi ni Sav. Niyakap sya uli ni Don at hinalikan sa noo.
“Halika sa loob ipakilala kita ng formal sa family ko at saka gutom ka na rin masarap ang ulam naming tinolang manok.”
“Talaga? Matagal ko na hindi nakakain nyan ah…sandali kukunin ko lang ang laptop sa car. We need to continue working on that multi-million project para matuwa si dad sa ‘tin.”
They enjoyed the lunch at natutuwa rin ang family ni Sav na mabait naman ang boyfriend nya at hindi maarte. Matapos kumain ay nagkwentuhan na naman ang tatay nya at si Don at magkakasundo na talaga sila. Doon na rin nagpalipas ng gabi si Don at kinabukasan na sya uuwi. Gusto nyang isama si Sav sa pag-uwi at harapin kung anoman ang mangyari sa kanila kinabukasan.
Chapter 19
The next day nang hindi na masyado mainit ang araw ay pinasyal ni Sav si Don sa tabing dagat. It would take them 10 minutes to walk down to the beach at ang ganda ng tanawin dahil very natural dahil hindi pa ito developed. Naglakad-lakad sila sa seashore magkaakbay at napakasaya nilang dalawa. Umuwi na sila agad matapos ma-enjoy ang beach para maghanda pabalik sa city. Nagulat sila pagdating ng bakuran dahil nandoon ang car ng daddy ni Don naka-park sa tabi ng car nya. Nang makita sila agad ng kapatid ni Sav ay sinabing nandoon daw ang mga parents ni Don. Kinabahan si Sav pero natutuwa si Don dahil parang good news ito para sa kanya.“Dad, mom! What a nice surprise you’re both here?” Sabi ni Don at niyakap nya ang mom nya. “Mom, si Savinah, my girlfriend po.”
“Yes, anak. Alam naman namin yan eh. Gusto ng dad mo bisitahin ang tatay ni Sav. At kumustahin kayo dito. Ayos lang ba kayo dito?” Concern ang mom nya.
“Syempre naman po mom. Magaling mag-alaga ‘tong si Sav at ang family nya.”
Matapos ng maikling kumustahan at kwentuhan ay nagpaalam na ang parents ni Don. Inihatid ni Don ang parents nya sa car habang naghintay na ang driver at paalis na sila.
“Donald, I’d like you to tell me the new multi-million project that you just won. I think we need to celebrate on that.” Pahabol ng dad nya habang nasa loob na ng car. “I’ll expect you and Sav in the office on Monday.”
“Thanks, dad!” Sabi nya at kumaway na.
Tuwang-tuwa si Don nang bumalik sa bahay nina Sav at niyakap nya mahigpit si Sav kahit nandoon ang family nya nakatingin sa kanila. Nag-ayos agad sila para makabalik agad sa city dahil madilim na. Gabi na nang makarating sila sa apartment. Hindi mapigilan ni Don ang sarili sa pananabik ky Sav ay niyakap nya ito ng mahigpit agad and kissed her deeply and passionately because they were finally alone on that night. Doon na rin nagpalipas ng gabi si Don at plano na rin nya na e-extend ang contract ng apartment na binayaran ni Dave. Sabay sila pumasok sa work the next day na masayang-masaya. Nag-invite ang mom ni Don na doon mag-dinner sa bahay at isama si Sav. Nahihiya si Sav pero napilitan din sumama dahil ito na rin magiging family nya kung magkatuluyan na nga sila ni Don.
Kompleto silang lahat sa dinner pati si Dixie at David ay nandoon. Nag-iba na rin ang pakikitungo ng dad ni Don sa kay Sav dahil nakita naman nya kung gaano ito kamahal ni Don at mabait naman talaga nang makilala nya at makausap ang tatay nya. While nasa dining table na silang lahat ay biniro ni Dave sina Don and Sav.
“So, we’re here to celebrate the engagement?” Biro ni Dave.
“Are you two engaged na ba kuya?” Na-surprise si Dixie.
‘Hindi pa.” Natawa si Don. “Pero magpapakasal kami…soon.” Biro nya at pinisil ang kamay ni Sav.
“Pwede ba ‘yon? Not engaged pero magpapakasal?” Natawa si Dixie. “Ah coz you did not buy her a ring kasi ano?”
“Oh wait.” Sabi ng mom nya. “Just give me 5 minutes.” Nagmamadaling umakyat sa kwarto at bumalik agad. “Here anak.” May binigay ky Don na maliit na box. “This was my engagement ring from your dad and now I will give it to you.” Nakangiting sabi nya.
Tumingin si Don sa dad nya na parang nagtatanong pero suminyas sya na go on. Kinikilig naman si Dixie at ang mga katulong na nandoon at nanonood sa kanila.
“Sige na bro, mag-propose ka na.” Tukso ni Dave.
Nahihiya si Sav na kinakabahan pero nae-excite sa mga susunod na pangyayari. Lumuhod si Don sa tabi ni Sav na nakaupo sa harap ng dining table at kinuha ang kamay. Kinikilig silang lahat doon na nanonood at nag-video si Dixie sa proposal ng kuya nya.
“Please marry me, Savinah?” Nakangiting tanong ni Don ky Sav na nahihiya pero tumatawa. “I won’t take a no for an answer.”
“What? Hahaha! Pambihira!” Tawa ng tawa si Sav. “Pwersahan ba ‘to?” Biro nya.
Kinuha ni Don ang kaliwang kamay nya at nilagay ang ring. Niyakap sya ni Sav at sinabing yes pero natatawa pa rin sya sa sitwasyon nila ngayon na bigla-biglaang proposal. Hindi sya makapaniwala na binigay ng mom nya ang memorable engagement ring nila ng dad nya at ibinigay sa kanya. They had fun together and enjoyed the dinner. Matapos ang masayang dinner ay lumabas sina Don at Sav and they went to the poolside, hugged and kissed each other, walang pakialam sa paligid, yakap-yakap na parang nagsasayaw sa tuwa.
There are songs I must sing to you, there are melodies
Sounding oh so sweet inside my solitude
There are rhymes, there are remedies for a lonely heart
May we never part for what we have is true
Don't you know that time is as endless as forever
So each day I love you just a little more
You are my everything , you are my hopes and my dreams
You are my everything, so each day I love you just a little more
******************************
Comments
Post a Comment