Away from the Limelight

Chapter 1 

He was a man every woman would ever desire for. A sporty, rich, and handsome bachelor who never failed to entertain his audience when it comes to hosting and acting, whether heavy drama or even comedy. He was a versatile actor and one of the highest paid models of the country. At the peak of his career, hindi sya masaya and felt lonely most of the time. Yet, ito ang pangarap nya, not as a famous celebrity but as a wealthy man, dahil lumaki syang mahirap. At the age of 35, he could have been married and have a good family, but he was not lucky enough to find the perfect girl for him to spend the rest of his life. Not just because he was picky when it comes to women, but because nahihirapan sya on how to maintain his celebrity life versus his personal life.

Paolo was trying to enjoy the photos and reading some comments on all of his social media accounts created by his personal assistant. He just woke up from a very long sleep after his long tiring trip last night dahil sya lang mag-isa ang bumiyahi at nagdrive papunta sa probinsya.  He was having a short vacation in his newly built rest house in the province dahil magho-holy week na at parang na-realize nya na he needed a break dahil masyado syang subsob sa work nya. He came to a point in his life na parang nagsasawa na sya and wanted to be alone far away from the limelight, far away from the city, and far away from everybody. Nagtatalo sila ng manager nya kahapon because he was not allowed to travel alone lalo na sa malayong lugar dahil baka may masamang mangyari sa kanya at wala syang kasama. But he was stubborn enough and left them all in dismay.

He stood up and went to the balcony in his bedroom. He was trying to enjoy the sea breeze and the sunrise. He felt so contented and relaxed as he has been dreaming of this serenity in his entire showbiz life. Ito na ang bunga ng kanyang pawis at pagod. After half an hour of relaxing from the balcony, he went downstairs dahil nagutom sya. Tinamad syang mag exercise na daily routine nya sana dahil nga napagod sya sa byahi nya kagabi. He can smell the food as he was approaching the kitchen. Nagluto na pala ang katulong na caretaker din ng bahay nya na ngayon lang nya makakasalamuha first time dahil minsan lang sya nagpupunta dito while it was still under construction. Most of the time, ang mga tauhan nya lang kasi ang nag-aasikaso dealing business with the contractors and engineers.

“Good morning po.” Bati nya sa katulong na medyo may edad na rin. “Nakakagutom yong bango na niluto nya po, Ate Lyn.” As he sat down on the dining chair while Ate Lyn prepared the table for his breakfast.

“Good morning po, sir Paolo.” Kinikilig si Ate Lyn dahil crush na crush nya ang amo nya kahit na may edad na sya. Ang husband naman nya ay kasama nyang nag-aalaga sa bahay ni Paolo at nasa labas nagwawalis.

“Tawagin nyo po si Kuya para sabay na tayong magbreakfast.” Utos nya ky Ate Lyn.

“Naku huwag na sir, at tapos na kaming nagkape at pandesal. Yan kasi ang nakasanayan naming almusal.” Sagot naman ni Ate Lyn. “Sir, yon palang banyo sa guest room parang bumabasa ang kesame at sahig kahit walang gumagamit. Parang may leaking galing sa itaas po.”

“Really? Hindi pa nga na blessing tong house na ito at may sira na agad? Kilala mo ba ang contractor nito?” Tanong ni Paolo.

“Naku hindi po sir. Marami akong nakikitang labas pasok na mga tao dito habang ginagawa pa pero hindi ko po kilala ang mga iyon.” Sagot ni Ate Lyn habang nagtimpla ng kape for Paolo.

Chapter 2

After breakfast, Paolo went to the guest room to check agad sa banyo nito. He was disappointed dahil isang araw pa lang sya nakatira dito sa bagong bahay nya at may sira na agad. He called his secretary to check the name of the contractor or kung sinong dapat tawagan nya para ipaalam ang problema sa house nya.

“Sir, Paolo, good morning! Thank God you called dahil alalang-alala kaming lahat dito sa inyo po at hindi nyo man lang po sinasagot ang tawag at text ko kagabi.” Sabi ni Phoebe, ang secretary nya.

“Huwag nga kayong OA dyan. I’m very much fine, dear.” Sabi ni Paolo habang lumabas sya papunta sa may pool area facing the seashore kausap si Phoebe sa cellphone nya. “I need the name of the contractor of my house dahil may kailangan ayusin dito. I forgot the name of the Engineer or Architect dahil kayo naman lagi ang kausap nila.”

“Sir, ako nalang ang tatawag ano po ba ang problema dyan?” Sabi ni Phoebe.

“No, Phoebe! I need the number! Now!” Galit na sagot ni Paolo sa secretary nya.

He called the number right away after Phoebe sent it through his Whatsapp account. Nagmamadali syang ayusin ang bahay nya because he was planning to have a house blessing soon and planned to live there for good. Ipapa-renta nalang nya ang isang house nya na nasa city or maybe sell it because he still has a Condo unit that he can use if ever he will be staying in the city for a few days.

He was able to speak the secretary of the Architect of his house at sinabi ang problema. At sinabihan sya ng secretary na sasabihin agad sa Architect kapag dumating na at baka puntahan agad mamayang hapon to check what causes the problem.

“No, I can’t wait this afternoon. I want someone to check it right now. We just built this house and may problema agad? Anong klaseng contractor kayo? We paid you well for a big amount of money so you should be serving us well in return.” Naiinis na sabi ni Paolo sa kausap nyang secretary sa cellphone nya.

“Sir, am I talking to the owner of the house?... Don’t you know that you still owe us the remaining 5% of the total contract amount of that house? But still, we will never end our services even if you fully paid us already. It’s just that our staff are fully booked today and the main Architect is out of town for another huge project. At saka hindi kami ang contractor, we are the designing team pero huwag kang mag-alala, I will go there myself personally to check dahil busy nga talaga ang mga tauhan namin today.” Naiinis na sagot ni Bless sa kausap nya. Wala syang idea na isang sikat na artista ang kausap nya dahil hindi naman sya mahilig sa showbiz world. He sounded so sarcastic and she was insulted kaya nainis sya at sinagot ang client nila. Wala syang pakialam kung magsusumbong ito sa boss nya at sisantihin sya.

At natauhan si Paolo sa narinig nya. He thought that the house was fully paid already as he never failed to provide his staff financially. Kaya siguro nagpupumilit ang secretary nyang si Phoebe na siya na ang tatawag sana sa contractor dahil hindi pa pala ito fully paid.

“Please let me know how much we owe you so I can prepare a check. I am expecting you today so I’ll hand you the check by then.” Mahinahong sagot nya this time. “I need this done asap because I am planning to have a house blessing soon, okay?... Thanks.” Dagdag nya and then bade goodbye.

Nasira ang araw ni Bless after makausap ang client nila. She wasn’t expecting she would encounter such an unpleasant conversation today dahil marami naman silang clients na naka-deal nya and they were all kind and professional. Misunderstandings in business are inevitable especially when you deal with money pero hindi pa sya naka-enkwentro ng sarkastikong client so far at ngayon lang. She called her boss and told about the situation and was advised to inform the contractor right away. Kapamaliya rin kasi ng Architect ang contractor so hindi mahirap pakiusapan ito pero inutusan pa rin ng boss si Bless na puntahan ang house ng client to check it herself. Bless was an Architecture graduate but under licensed yet, so she knows the construction world kung sya ang ibabala ng boss nya sa mga construction site.

Chapter 3

Bless scheduled to site visit Paolo’s house after lunch because she was so busy rin with her paper works and some important documents. When she arrived hindi nya nakita agad si Paolo dahil nasa tabing dagat ito enjoying a walk while observing his property and thinking of some further plans. Si Ate Lyn agad ang nag-asikaso sa kanyang pagpasok at pinapunta sa loob ng guest room habang tinawag ng asawa nya si Paolo sa may tabing dagat.

Nagmamadali rin kasi si Bless dahil sa sobrang busy nya kaya she studied right away kung anong problema sa loob ng banyo. Nakalimutan nyang dalhin ang printed copy ng floor plan so she needed to come upstairs to check kung anong meron doon sa itaas ng banyo. Though she remembered na may banyo rin sa itaas but she still needed to come upstairs to check.

Nagpaalam sya kay Ate Lyn na puntahan ang second floor to check there too. Paolo just came in to the guest room and was surprised to see Bless checking the comfort room herself. He wasn’t expecting a tall, stunning and glamorous lady would come and check the problem of his house.

“Ay sir, sya pala si Ma’am Bless, secretary daw ng Architect, kasi wala ho daw ibang makapunta dito ngayon na mga tauhan nila kungdi sya lang.” Sabi ni Ate Lyn.

Bless was surprised. Hindi nya akalain isang sikat na actor ang makakaharap niya today. Pero dahil naiinis pa rin sya sa nangyari kanina kaya hindi sya na starstruck at nakasimangot lang ang mukha. Hindi naman sya mahilig sa showbiz kaya hindi sya masyadong affected at ginagawa lang nya ang trabaho nya.

“Hi.” Maikling bati nya ky Paolo. “Please allow me to come upstairs to check kung anong meron doon sa tapat nitong banyo sa baba. I think doon galing ang problem nitong CR sa baba.” Casual na sabi nya.

“Are you sure?” Nakakunot noo na sabi ni Paolo at nagdududa sya dahil parang beauty queen ang kausap nya instead na construction worker.

“Why, you don’t trust me?” Sarkastikong sagot ni Bless. “I have been working with this company for four years now and I used to site visit during and after construction of our projects. Kabisado ko lahat ng mga lansang, semento, mga kahoy, at pati na rin mga bato. If you need this problem fixed soon you need to show me what’s upstairs or you wait nalang kay Architect na darating from his out of town trip next week.” Sabi ni Bless na lalong naiinis sa kausap nyang client.

Walang nagawa si Paolo kaya he went out from the guest room and asked Bless to follow him upstairs. Iniwan na rin sila ni Ate Lyn para magtrabaho sa kusina. It was the master’s bedroom right on top of the guest room and the bathroom was also right on top of the guestroom’s bathroom. Nagsimulang dumaloy ang tubig sa baba kagabi after maligo ni Paolo sa banyo nya.

“Pina-schedule ko na po ang mga tauhan ng contractor na pupunta dito bukas. Now at least we know where to start and I can give them an idea already para masimulan agad bukas kung anong dapat ayusin. They should be here at 8 in the morning.” Sabi ni Bless as she went out of the master’s bedroom and realized na room din pala yon ni Paolo.

“Wait, yong bayad pala nakalimutan ko. Can you please send me a copy of the contract and the remaining balance? I can’t wait for my secretary to send me those copies of contract kaya kung pwede you send me a copy nalang. Paki-email nalang sa akin here’s my email address.” Binigay ni Paolo ang isang maliit na post-it note na nakasulat kamay nya ang email address nya.

“Your secretary used to deal with us and also sent us the payment through bank transfer. Pwede nyo naman po syang utusan.” Sabi nya ky Paolo.

“No. From now on I want your office to deal business only with me and not anyone else not even from my staff.” Sabi ni Paolo habang magkasunod silang naglakad sa stairs pababa. “Would you like some coffee muna?” He offered her as a compliment para bumawi sa inasal nya kanina.

“No, thank you. I am super busy and I need to go na. I will email you the contract soon as I can today.” At nagmamadali na syang lumabas sa bahay at hinatid sya ni Paolo sa labas papunta sa car nya.

“Thank you. And sorry pala kanina. I was just so disappointed and medyo stress na rin siguro kaya kung anu-ano nalang lumabas sa utak ko.” Sabi ni Paolo while Bless was opening the car door.

“It’s fine, I understand how you feel.” Simpling sagot ni Bless. “Bye…” At kumaway si Paolo sa kanya habang papalabas ng malaking gate na binuksan ng kuya Boyet nya, ang asawa ni Ate Lyn.

Hindi na muna ginamit ni Paolo ang bathroom nya at doon sya naligo sa kabilang bathroom sa kabilang kwarto. It was only seven in the evening and very unusual na fresh and relax na sya at this hour. He tried to check his phone after a few hours na hindi nya pinansin at sobrang dami ng missed calls at messages ang natanggap nya. Tumawag ang manager nya ng ilang beses pero ayaw pa rin nyang kausapin ito dahil gusto nyang magrelax. Inutusan nalang si Phoebe ang secretary nya na sabihin doon that he’s enjoying his vacation right now. And suddenly he remembered Bless. It suddenly came to his mind kung may boyfriend na kaya yon or may asawa na kaya. Mukha naman syang wala pang asawa sa tingin nya dahil sexy at medyo bata pa. He suddenly felt curious and would like to make friends with her if magawan nya ng paraan dahil napasama na yata ang image nya sa kanya. He remembered to check his email baka kasi Bless sent the contract na. Pero wala pa syang natanggap when he checked his email. Tuwang-tuwa sya dahil may dahilan syang tumawag bukas. And then suddenly he fell asleep.

Chapter 4

The next morning, Paolo woke up early and went swimming sa dagat then after an hour sa pool naman. He was really having a good time alone pero hindi pa rin sya masaya. May hinahanap syang kaligayahan na hindi nya alam saan kukunin and that he can have anything that he wanted but still he was not happy. Maya-maya dumating na ang mga construction workers kaya naalala niya si Bless na tawagan.

“Hi, good morning!” Nakangiting bati nya ky Bless sa cellphone. “Sorry to disturb you this early ha.”

“Bakit, hindi pa ba dumating ang mga construction workers?” Tanong agad ni Bless.

“Well, they are here on time.” Sabi ni Paolo and trying to be friendly. “Thanks nga pala ulit sa tulong mo ha. Pero hindi yan ang sadya ko. I’m calling regarding the contract documents. If you are busy right now mamaya nalang.”

“Oh sorry, I totally forgot yesterday. I will send them now after we talk okay?” Sabi ni Bless as she logged in to her email right away while holding the phone in her ears.

“It’s fine. You are so busy naman kasi so I understand.” Sabi ni Paolo.

“Well, I just sent them. Na-send ko na kasi yon sa secretary mo so I just needed to forward sa’yo nalang. Just call me back if may itatanong ka.” Sabi ni Bless na parang nagmamadali to end the call.

“Oh really? Thanks! I will call you if I have a question… Bye.” Nahalata na rin ni Paolo na parang nagmamadali si Bless so nagpaalam na rin sya agad at pinuntahan ang mga tauhan sa bathroom nya. Natutuwa ang mga construction workers dahil isang sikat na artista ang client nila at ngayon lang nila nalaman si Paolo pala ang may-ari ng bahay na yon.

“Manong kumusta ho? Malaki po bang problema yan? Ano hong kailangan natin para masimulan agad?” He was trying to be friendly sa mga construction workers dahil mag-tatanong-tanong sya mamaya about Bless kung baka may makukuha syang personal information. Hindi naman daw gaano kalaki ang problema at may mga dala na silang mga gamit agad.

“Bukas sir matatapos na’to kaya lang huwag mo muna gamitin ang banyo. Dapat patuyuin ng maigi ang semento para hindi na magleak uli.” Sabi ng matanda habang inayos ang mga gamit sa sahig ng banyo. “Sir, pwde ho bang magpa-picture dahil idol na idol ho kayo ng asawa ko?” Nahihiyang tanong ng matanda. Tinawanan sya ng dalawa nyang kasamahan na medyo bata pa.

“Sure. Akin na ang cellphone mo.” Kinuha ni Paolo ang cellphone ng matanda at nag-picture siya ng maraming beses kasama yong dalawa pa.

“Salamat talaga sir. Matutuwa si misis pag nakita nya ito mamaya pag-uwi ko.” Nakangiting sabi ng matanda.

“Naku huwag nyo pong ipagkalat sa buong bayan manong na dito ako nakatira kasi ayoko ng gulo. Kaya nga ako lumayas muna doon sa syudad kasi gusto ko muna ng tahimik na buhay.” Pakiusap nya sa mga tao.

“Sige po sir. Sekreto lang namin to.” Tuwang-tuwa naman sila habang nagsisimulang magtrabaho.

Kinausap nya saglit ang mga tauhan at nagtanong-tanong tungkol sa kanilang boss na Architect para hindi nila masyadong mahalata na interested syang makilala si Bless. At doon nya nalaman na muntik na palang ikakasal si Bless noon sa boyfriend nya pero na-aksidente at namatay a week before their wedding. It was more than two years ago when it happened. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa lisensyadong Architect si Bless dahil nawalan na ng interest mag board exam mula nang mamatay ang fiancé nya na isa palang Doctor. And she also lost interest in dating out again with other guys because she loved her late fiancé so much. Sinubsob niyang masyado ang sarili sa work nya para makalimutan ang trahedya na nangyari sa taong pinakamamahal nya.

Naawa naman si Paolo sa nalaman nya tungkol ky Bless. He was even more convinced to find a way na magiging malapit ang loob ni Bless sa kanya dahil parang naisip nya that she needed someone to comfort her. Kahit na matagal na ang nangyari at dahil parang hindi pa rin makaka-move on si Bless, naisip nya that she really needed someone to comfort her and help her forget the past.

He remembered the contracts that Bless sent earlier at nagpaalam sya agad sa mga tauhan. Gusto nyang makita at basahin para may rason na naman sya na tumawag ky Bless. He opened his laptop at the balcony from his bedroom and he can watch over at the same sa mga tauhan na nagtatrabaho sa banyo nya. He studied very well para may maitanong sya ky Bless nang biglang nag-ring ang phone nya.

“We’re on our way there. Kasama ko si Phoebe at si Ate Maya. We need to check if you are doing good over there and make sure all your needs are being attended, okay?” Ang sabi ng manager nya. Daddy J ang tawag nila sa kanya dahil medyo may edad na rin at para na ring ama ang turing ni Paolo sa kanya. At si Ate Maya naman ang kanyang alalay na parang yaya na rin nya.

Bata pa si Paolo nang maulila sa mga magulang nya. His parents died successively after they got terribly sick and didn’t have much financial health assistance so napabayaan ng husto ang sakit nila until they died. He was only 12 years old then and his elder sister was 15. Kinupkop sila ng lolo at lola nya at doon na sila lumaki hanggang namatay din ang grandparents nila kaya maagang natotong magtrabaho si Paolo at ang Ate Pinky nya para mabuhay. Mahirap din kasi ang mga kamag-anak ng mga magulang nila kaya kailangan nilang magsusumikap on their own.

Paolo was discovered as a model of a clothing brand while he was a varsity player during his early years in college. He eventually stopped schooling dahil sobrang busy na sa career nya when he finally entered into acting. Hanggang second year college lang in Mass Communications ang natapos nya. His Ate Pinky naman got married to an Italian and have her own family na rin at naninirahan na sa Italy. Mahiyain sya kaya wala syang interest sa acting kahit na may chance syang sumikat because of Paolo at saka maganda rin naman sya at sexy sana.

Naging maswerte ang mundo ng showbiz sa buhay ni Paolo. Naabot nya ang mga pangarap nya at sobra-sobra pa nga but now that he is not getting any younger, he wanted to find his inner self and peace of mind. He realized that he needs a family to take care of him as he grows older dahil hindi habangbuhay may aalalay sa kanya na mga tauhan nya. Hindi rin sya kailanman nagkaroon ng seryosong relationship dahil sa sobrang busy. That’s why he wanted to give a big break away from the limelight.

Chapter 5

Nainis sya nang malaman na parating ang manager nya at mga staff niya dito sa probinsya. So, he printed the contract document at tinawag si Kuya Boyet.

“Kuya, pwede po bang ikaw muna magbabantay sa mga tao dito sa kwarto ko at may lalakarin ako? At maya-maya may darating na mga bisita sabihin nyo may pinuntahan lang ako sa bayan na napakaimportante.” Pakiusap nya sa Kuya Boyet nya. Sinabi nya kung sinu-sinong mga bisita ang darating para may idea sila ng asawa nya at kung ano ang lulutuin for dinner kung sakali matatagalan sya sa lakad nya. Nagbihis sya saglit sa kabilang kwarto at nagmamadaling umalis.

Before he started to drive his car, he searched muna sa Google map kung saan ang office ng Architect para pupunta sya within the vicinity and might be able to convince Bless to hang out with him kung sakali. Pero alam nyang magkakagulo ang mga tao kung sakaling ma-convince nya si Bless na samahan sya at sakaling kakain sila sa labas. He was thinking deeply on what to do pero bahala na sabi nya sa sarili and he left.

First time nyang mag-ikot ikot sa bayan na ito and desperately hoping na makita nya somewhere si Bless. When he finally saw the building where Bless was working tinawagan nya ito.

“Hey! I’m sorry for bothering you again but I really need your help. At wala akong ibang kakilala dito sa lugar na ito kungdi ikaw lang talaga.” Nahihiyang sabi nya.

“Why? Is there something wrong?” Nagtataka si Bless at baka may problema si Paolo.

“No. Naghahanap kasi ako ng shop na makakabili ng mga interior decors. It seems like I’m lost habang nag-ikot-ikot dito sa bayan. Ayoko ring bumaba at magtanong dahil baka magkakagulo pa ang mga tao dyan hahaha! Alam mo na.” Natawa sya at nakokornihan sa sarili nya pero yon naman talaga ang totoo.

“Where are you ba? Ikaw lang mag-isa ang umalis? Di ba people like you should have a bodyguard?” Tanong ni Bless.

“Naku, wala. Wala akong bodyguard at hindi ko kailangan ng bodyguard.” Sabi ni Paolo. “Saang banda ba dito ang mga furniture shops or mga interior décor shops? I’m here somewhere near the church and town plaza.” Kunyaring tanong nya.

“Malapit ka lang sa office namin pala, sir. Nakita mo yang blue building across the main road? Makikita mo talaga dahil walang ibang mataas na building na blue kungdi ito lang office namin at nasa second floor lang kami. Hindi ako pweding lumabas at this very moment dahil may conference call ako ngayon ng boss ko at ang client namin. That will be in 5 minutes as a matter of fact. Why don’t you drop by here and I will give you pamphlets of these famous furniture shops here in our place. Okay?” Mahabang paliwanag ni Bless na parang hindi isang sikat na tao ang kausap nya at natawa sa sarili nya na inutusan pang pumunta sa office nya si Paolo. Hmmm, I’m not interested in you kahit sikat ka, sabi nya sa sarili nya. Nayayabangan pa rin kasi sya after their slight arguments kahapon.

“Sige, I’d like to get those pamphlets at pupunta ako dyan sa office nyo ngayon… Bye!” Sabi ni Paolo. At nagmamadaling nagpaalam si Bless dahil tumatawag na ang boss nya sa telephone.

He made one last round within the area para pagdating nya sa office ni Bless ay baka tapos na ang conference call nito. It was past three in the afternoon na so hindi na masyadong mainit when he gets out of the car. He put on his sunglasses and cap so people won’t recognize him right away.

May nakapansin rin sa kanya pagpasok nya sa building at binati nya nalang ang mga ito ng hi or hello at nagmamadali agad sya sa second floor at hinanap ang office ni Bless.

“Hi, I’m looking for Ma’am Bless Del Castillo. Is she here?” Tanong nya agad pagpasok sa loob ng office.

“May kausap pa po sa telepono, sir. Have a sit nalang po muna.” Sabi ng isang OJT na lalaki sumalubong sa kanya sa entrance door. Medyo namukhaan syang artista at nakichismis agad ito sa kasama niyang dalawa pang OJT. Pinagpawisan si Paolo kahit na malamig sa loob as he was waiting for Bless to finish her call. He was observing the surrounding at nakita nya na may isa pang girl na busy printing some architectural plans in a machine at ang isa pang medyo may edad na lalaki ang nakikita nyang nago-Autocad sa isang malaking monitor. Nang matapos ang conference call ni Bless ay sinabi agad ng girl na may naghahanap sa kanya at parang kinikilig ito sa bisita ni Bless. Lumabas agad si Bless sa maliit nyang cubicle at dala-dala ang mga brochures or pamphlets na ibibigay nya.

“Hi sir, sorry to keep you waiting po. We just finished our conference call. So here…” She handed the pamphlets to Paolo. “Sa’yo na lahat yan. I can ask uli anytime sa kanila if I need to.” Sabi ni Bless. “Buti hindi ka pinagkaguluhan dyan sa labas.” Nakangiting sabi nya.

“Nagmamadali nga akong umakyat dito dahil nahihiya ako, eh.” Parang ngayon lang si Paolo nahiya sa tanang showbiz life nya. Hindi nya maintindihan ang sarili why he had the courage to go to that place alone. Nagawa nya yon dahil parang utos ng puso nya na makita si Bless.

“What? Sa katayuan mong yan nahihiya ka?” Tinukso sya ni Bless. “Would you like some coffee? No, something cold pala para sa’yo ngayon dahil ang laki ng pawis mo oh.” Tinukso sya uli ni Bless at natawa na rin si Paolo sa biro niya.

“Can I ask you a favor please?” Bulong nya ky Bless para hindi marinig ng mga tao. “Pwede mo ba akong samahan ngayon saglit lang? Almost five na naman so siguro malapit na ang out mo.” Nakangiting pakiusap nya.

She was hesitant dahil baka magkagulo pa kung makita sila ng mga tao na magkasama. Lalo na dito sa office nila na parang nanunukso na ang mga mata ng mga kasama nya habang patingin-tingin sa kanila ni Paolo na nag-uusap. Pinilit sya ni Paolo at sa huli ay pumayag din sya dahil client naman itong nag-iinvite sa kanya.

Chapter 6

Hindi sila sabay lumabas ng building para hindi mapansin si Bless ng mga tao. Nauna na si Paolo and he waited for Bless in his car. Sakto at nasira pala ang lumang kotse ni Bless at iniwan sa talyer kaninang umaga. Nagmamadaling lumabas si Bless at pumasok agad sa car ni Paolo para hindi sila mapansin ng mga tao sa labas at nagmamadaling umalis si Paolo dahil parang may nakakahalata na sa kanya.

“Thank you talaga na sinamahan mo ako today. And can you please stop calling me ‘sir’? Pwede Paolo nalang?” Nakangiting sabi nya.

“Bakit? You are our valued client so dapat lang.” Casual na sagot ni Bless. Parang naiilang sya for the first time kay Paolo habang kahapon lang ay sinagut-sagot nya ito dahil naiinis sya.

“Naku, it’s not all the time na you should call ‘sir’ sa lahat ng clients nyo. Ikaw nga dapat kong tawaging Ma’am dahil sa profession mo… So, Ma’am Bless saan ba pweding kumain na hindi matao dahil kanina pa ako nagugutom at uhaw na uhaw?” Sabi agad ni Paolo nang makatyempo.

“So gusto mong kumain? Akala ko ba sa furniture shop ang punta natin?” Tanong agad ni Bless. “At saka huwag mo akong tawaging ‘ma’am’, hindi ako teacher.” Biro nya.

“Kita mo? Ikaw nga ayaw mong tawaging ‘ma’am’, so ayoko na ring tawagin mong ‘sir’. Patas na tayo, ano?” Biro ni Paolo at natutuwa sya na napangiti na nya si Bless.

“Sige na nga… Totoo bang gutom ka na? Kasi ang hirap naman pag samahan kita sa fastfood or restaurant, pagkakaguluhan tayo at ayoko makita sa media na kasama mo baka bigyan pa ng malisya ng mga tao at biglang guguluhin ang tahimik kong mundo.” She somehow regretted what she was doing dahil baka nga pagkakaguluhan sila pag may nakakakita sa kanila. Isang beses lang to at hindi na mauulit, sabi nya sa sarili nya.

“Kanina pa talaga ako nauuhaw at nagugutom. Maybe there’s a secluded restaurant somewhere here na alam mo?” Seryosong tanong ni Paolo dahil totoong gutom na talaga sya.

“I have an idea. May Jollibee dyan sa kanto. I’m going to take out foods then let’s eat dito sa loob lang ng car mo. I know a place na tahimik na pwede tayo magpark doon habang kumakain. How’s that?” Suggestion ni Bless and Paolo liked the idea. Nagtake out sila sa drive through ng Jollibee at ininom agad ni Paolo ang juice dahil uhaw na uhaw na talaga sya habang patuloy na nagda-drive on their way to the place na sinabi ni Bless.

“Wow! I love this place!” Paolo was so excited. Nasa isang tabi ng malawak na provincial road sila nagpark kung saan sa unahan ay makikita ang dagat at naririnig ang alon at sa kabilang side ay bundok na may maraming punongkahoy. Medyo malayo na sila sa bayan.

Natahimik si Bless. Hindi nya maintindihan kung bakit niya dinala rito si Paolo sa favorite place nila ng dati nyang boyfriend noong buhay pa. She has lots of wonderful and happy memories in this place and it’s been a long while since the last time she went here with Frank, his late fiancé, before he died.

“Hey, is anything wrong?” Paolo noticed her being silent.

Biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Bless at napatingin sya sa dagat. “I’m not sure why I brought you here. This used to be our favorite dating place before my boyfriend died. At ngayon lang ako nakabalik uli two years after he died.” Pinahid nya agad ang luha nya sa mga kamay nya dahil nahihiya sya. “Damn! Why am I telling you my secret?” Natawa sya kahit may luha pa ang mga mata nya. “Kain na nga tayo at kanina ka pa gutom na gutom.” Iniba nya ang usapan bigla.

Paolo took some paper towel na nakalagay sa harap ng car and wiped at Bless’ face. “Do you know that it’s good to cry sometimes? It makes you feel good and it’s good for your heart as well. Kaya huwag kang mahiya, i’m a friend that you can trust from now on, I promise.” Paolo raised his both hands as a sign of promise. “Forget who I am in my other side of this world dahil sa totoo lang hindi naman ako masaya doon. You can see me smiling everywhere, but I am not really happy with my life. Kaya I decided to build this house dito sa malayong lugar at malapit sa dagat because I want to have a peaceful life. Sawang sawa na ako sa buhay ko ngayon kaya I want to have my own space away from the limelight.”

“Talaga?” Nagulat si Bless sa mga narinig nya. She never expected that someone like Paolo is not happy with his life. “You have everything that you want, even women, why are you not contented?” Seryosong tanong nya.

“Dahil iba ang gusto ko sa buhay ngayon. I just want a peaceful and quiet life dahil pagod na ako sa trabaho ko.” He was relieved that he was able to share his emotions to someone kahit na kakikilala nya lang. Deep inside his soul was rejoicing dahil unti-unti nakukuha na nya ang loob ni Bless at magiging kaibigan na nya ito because he likes her kahit na dalawang araw pa lang silang nagkakakilala.

Chapter 7

They enjoyed talking while eating inside his car and enjoying the sunset as well. Paolo was so very delighted and daydreaming that they will always come to this place someday para magdi-date dahil dito rin pala sila ni Bless nagdi-date ng dati nyang boyfriend. When it started to dark ay umuwi na sila at hinatid nya si Bless sa bahay nya.

“This is where I live, maliit na apartment lang. But I don’t want to invite you in dahil mahirap na. Alam mo na.” Nakangiting sabi ni Bless bago sya bumaba.

“Hey, thanks a lot talaga for today.” Hinawakan ni Paolo ang braso nya para pigilan munang bumaba. “I wish we can spend more time talking, ang sarap mo palang kausap. Two days pa lang tayo nagkakilala but sa tingin ko isa kang totoong kaibigan.”

“Paano mo naman nasabi yan aber?” Tanong ni Bless.

“Alam mo bang ikaw lang ang nakilala ko at nakasama ko na hindi man lang nagpapa-picture sa akin.” Medyo natawa si Paolo sa sinabi nya. “You could have taken advantage of this moment na magkasama tayo, pero hindi ah.”

“Wala kasi akong hilig sa showbiz eh. I don’t even have any idea sa totoo mong pagkatao. Kung may pamilya ka, may asawa ka or girlfriend, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang Paolo Martin San Gabriel pala ang tunay mong pangalan. Paolo Martin lang kasi ang alam naming screen name mo kaya I was surprised na ikaw pala yong client namin.” Paliwanag ni Bless. “Ayoko kasi ang magulong buhay. Magulo na kasi ang buhay ko dati kaya please lang ayoko na maulit yon.”

“Really? I have enough time to listen if you want to share it with me.” Nakangiting sabi ni Paolo para matagalan pa uli ang pagsasama nila sa oras na iyon.

“What? Umaabuso ka na ha. Bababa na ako at hinahanap na ako sa amin.” Natawang sabi niya.

“Okay, some other time then.” Nakangiting sagot nya at very hopeful sya na magkikita sila ulit soon. And they bade goodnight and Paolo left. Natuwa na rin sya na nalaman nya kung saan nakatira si Bless.

It was past seven in the evening na pala nang makarating sa bahay nya. Dumating na ang Daddy J nya at mga staff nya at sinalubong sya agad sa labas after parking his car in the garage.

“Paolo, where have you been?” Tanong agad ng manager nya. “We’ve been calling you pero off ang phone mo.”

“Hi Daddy J! Lowbat na pala ako at nakalimutan ko echarge sa car on my way here.” Pagsisinungaling ni Paolo but the truth was he intentionally turned it off para hindi sya madisturbo sa lakad nya. Sinalubong din sya agad ni Ate Lyn dahil baka may iutos sya.

“Ate Lyn, pakilinis po ng kotse may mga tirang pagkain kasi dyan. May maraming French Fries pa dyan kainin nyo nalang po kung gusto nyo.” Magalang na utos ni Paolo.

“Sino bang kasama mo at mukhang marami kang biniling foods?” Nagtataka ang manager nya habang nakikita ang mga balot ng Jollibee bags and cups.

“Just a friend.” Nakangiting sagot nya. “I’m so tired Daddy J. Can we talk nalang po tomorrow?” Pakiusap nya sa manager nya.

“We have a meeting tomorrow tungkol doon sa bago mong project na last year pa pinagplanohan, okay?” Sabi ng manager nya as they went inside the house and Paolo suddenly slouched in his sofa in the living room.

“Hindi na ba pweding i-cancel yan?” Nawalan na talaga sya ng gana at biglang matamlay nang malaman may bago na naman pala syang project.

“Nope, because I signed the contract already. And you agreed last year when we were talking about it kahit na plano pa lang yon.” Sabi ni Daddy J.

“Wala ba tayong pahinga magho-holy week na? Can you please re-schedule the meeting after the holy week? Please naman po give me some time to relax.” Pakiusap ni Paolo sa manager nya.

“Okay, I’ll try to convince the staff to re-schedule it next week. At least there is a valid reason dahil magho-holy week na nga.” Sabi ni Daddy J.

Tumayo si Paolo at pinuntahan si Kuya Boyet sa kusina at iniwan si Daddy J at Phoebe discussing something.

“Kuya, natapos bang ayusin ang banyo ko?” Tanong ni Paolo sa Kuya Boyet nya.

“Opo, sir. Kaya lang hindi pa sya pweding gamitin ng dalawang araw pati yong sa guest room.” Sabi ng Kuya Boyet nya.

Nag-thank you sya at bumalik kina Daddy J at Phoebe at sinabi ang tungkol sa nangyari sa banyo kaya hindi nila pweding gamitin for now. Pagkatapos ay nagpaalam na umakyat dahil gusto na syang magpahinga at nakasalubong nya si Ate Maya sa stairs galing sa kwarto nya na mukhang may inaayos kanina pa.

“Paolo, yong mga pinadala mong mga gamit inayos ko na sa closet mo. Nilinis ko na rin ang kwarto mo dahil medyo maalikabok kanina nang may inayos sa banyo.” Sabi ni Ate Maya.

“Thanks, Ate Maya. The best ka talaga!” Hinalikan nya sa noo ang yaya nya and then went inside to his room getting ready to sleep.

When he was in bed getting ready to sleep he remembered Bless again. He was smiling as he kept thinking about what they did today. Napakasaya nya at gusto nyang tawagan si Bless agad just to say goodnight pero nahihiya sya dahil baka isipin na masyado syang agresibo at mamasamain ito ni Bless. He went asleep with a joyful heart and full of hopes na magiging kaibigan na nya si Bless and eventually mapaibig nya at baka makatuluyan nya someday.

Chapter 8

The next day, Paolo tried to review again the contract that Bless sent yesterday and so he can also prepare the money that he is going to pay. Tumawag sya ulit ky Bless para hingin ang bank account para itransfer nalang ang payment instead of check at para may dahilan na rin syang tumawag.

“Hi, Bless. Are you busy?” Nakangiting bati nya.

“Nope. Bakit?” Sagot ni Bless on the other line.

“Can I ask for your office’s bank account para i-transfer ko nalang ang payment instead of check?” Tanong ni Paolo habang nakasandal sa baluster ng balcony nya.

“Naku, holiday na ngayon at half day lang kami sa office and I am home na. Next week nalang yan.” Sabi ni Bless.

“Ah yeah, it’s holy week na pala. What are you going to do this weekend sa Easter Sunday? I’m going to have a house blessing this Sunday and I am inviting you.” Nakangiting tanong nya and hoping that she will say yes.

“Magchu-church kami this Sunday then lunch after church. Ewan ko kung kakayanin ko pa.” She was hesitant dahil ayaw nga nyang mapalapit lalo ky Paolo at gusto na nyang umiwas.

“How about in the afternoon will you be free? Sige na naman please. Saglit lang naman to and I don’t have any visitors kungdi ikaw lang. Ayoko na kasi ng magulong mundo di ba? Kaya I’m not inviting a lot of visitors, what’s important is ma-bless tong bahay ko.” Pakiusap ni Paolo.

“I can’t promise pero titingnan ko.” Wala na syang ibang masabi na dahilan kaya yon nalang ang naisagot nya.

“I’m looking forward to it, okay? Kung gusto mo ipapasundo kita sa driver dyan sa bahay mo.” Paolo suggested.

“No, no. Huwag na, please. Ako nalang ang pupunta dyan.” Medyo nainis sya because she can’t strongly refuse at baka pagsisihan nya pa.

Abot tenga ang ngiti ni Paolo na pumayag si Bless sa invitation nya. Very excited sya and can’t wait for Sunday to come.

He went down and was looking for Ate Lyn.

“Ate Lyn, may kakilala ka bang pari? Gusto ko mag house blessing this Sunday afternoon dahil tamang-tama at Easter Sunday.” Tanong ni Paolo kay Ate Lyn.

“Meron sir. Sabihin ko ky Boyet na tawagan si Padre para ma-schedule agad sa Linggo.”

Narinig iyon ni Phoebe at lumapit sa kanila.

“Paolo, magpa-house blessing ka this Sunday?” Tanong ni Phoebe. “Wala kang instruction sa akin so far, sino ba dapat kong imbitahin?”

“No, Phoebe! No one is allowed to invite anybody. I want it simple and a quiet celebration. Tayo-tayo lang dito at ang isa kong kaibigan ang invited. I don’t need na magarbong house blessing, what is important is mabendisyonan tong house ko.” Utos ni Paolo sa lahat na nakikinig dahil nandoon na rin sina Daddy J at Ate Maya nya.

“At sino yang kaibigan na yan?” Binibiro sya ng Ate Maya nya.

“Basta makilala nyo sya this Sunday.” Simpling sagot nya at umakyat agad sa kwarto nya.

Napaisip si Daddy J nya dahil baka may nahanap ng girlfiend si Paolo at iba ang gusto niyang makatuluyan ng alaga nya.

Chapter 9

Easter Sunday na at nagsisimba si Bless kasama ang 2 year old son at ang yaya nya. She was one week pregnant when Frank died. Si Frank ay anak ng boss nya and they met there at his boss’ office when she was an OJT before graduating in college. Matagal din itong nagtiyagang nanligaw sa kanya dahil sobrang busy si Bless sa college when she was graduating and was an OJT at the same time. Marami kasi syang naging boyfriend noong high school at early years in college kaya nagsawa sya sa mga lalaki at some point in her life kaya hindi nya sinagot agad si Frank. When she realized he had been patiently waiting ay naawa sya and two years after he courted ay sinagot nya ito. Tumagal din ng two years ang relationship nila at nagpropose si Frank sa kanya exactly on their second year anniversary. Kaya lang one week before their wedding ay nabangga ang kotse ni Frank and died when he was rushed to the hospital. Masyadong nasaktan si Bless dahil that was her longest and serious relationship at nawala pa. And now two years after Frank died it seems she still can’t move on so she has lost interest in dating with other men again. Kontento na rin sya sa buhay dahil may anak na sya.

After attending the church ay kumain sila sa Jollibee as usual, na favorite ng anak nyang si Gerry. Favorite Artist ng boss ni Bless si Frank Gerry, kaya nga Frank ang name ng anak nito na naging fiancé nga ni Bless at ang boss na rin nya ang nagpangalan sa apo nyang si Gerry. Sya ang first apo ng boss nya kaya spoiled na spoiled ito sa lolo nya. Kaya nga naging katiwala na rin ng Architect si Bless sa office nya dahil muntik na nya itong maging manugang.

While they were having lunch ay tumawag uli si Paolo ky Bless.

“Hey, Happy Easter!” Bati agad ni Paolo sa kanya.

“Happy Easter, too!” Sagot naman ni Bless.

“What time are you coming? Ipapasundo ba kita?” Tanong ni Paolo.

“Naku sabi ko huwag na. What time ba ang blessing magstart?” Bless asked.

“Mamaya pa naman 3PM. But I’d be happy if you can come earlier.” Lambing ni Paolo.

“May ihatid lang ako sa bahay after lunch then pupunta na ako dyan, okay?” Sabi ni Bless.

After niya hinatid ang anak at ang yaya sa bahay nila ay nagpaalam sya na may pupuntahan at baka gagabihin na sya sa pag-uwi at huwag nalang hintayin.

When she arrived at Paolo’s house it was him who opened the gate for her. Tuwang-tuwa sya ng makita uli si Bless. Mas lalo syang nabighani nang makita nya itong naka formal long dress pero sexy. Hindi nya natiis at niyakap nya si Bless.

“Thanks for coming.” Abot tenga ang ngiti ni Paolo nang niyakap si Bless.

“Nakakahiya nga, eh mapilit ka kasi. Baka ma-out of place ako dito ha.” Nahihiyang sabi ni Bless.

“Bakit ka ma-out of place eh wala ngang tao eh. Ikaw lang nga ang bisita ko. Well, of course other than the priest and maybe his two or three assistants.” Sabi nya as he guided Bless her way to the living room.

“Naayos na ba ang banyo mo? Pwede ko bang tingnan? I just wanna make sure maayos ang pagkalagay nila ng waterproofing.” Sabi ni Bless.

“Yup, let’s check it upstairs. Pero ipakilala muna kita sa mga tao na itinuturing kong family.”

Nagulat silang lahat ng makita ang magandang bisita ni Paolo.
“Guys, this is Bless my special guest today. Bless si Daddy J, manager ko, si Ate Maya ang personal assistant ko, and Phoebe my secretary, I think you guys have talked to each other on the phone already, ano?” Sabi ni Paolo.

“Ah yeah. Nagtatawagan kami dati kung may utos ang boss ko or kung may utos ka.” Natatawang sabi ni Bless. Inabot ang kamay kay Phoebe, “I’m Bless, remember? Secretary ng Architect sa bahay na ito.”

“Oh my ikaw ba yon? Sinong mag-aakalang ang ganda pala ng kausap ko sa phone.” At nagtatawanan silang dalawa.

Iniwan muna sila ni Paolo at Bless as they went upstairs to check the bathroom and also the bathroom at the guest room.

Matapos ma-check ay bumalik sila sa living room dahil nandoon lahat while waiting for the priest to arrive. And then hinila nya si Bless papunta sa porch sa labas facing the pool area and garden.

“Alam mo bang ako ang nagdesign ng house mo at hindi ang boss ko?” Sabi ni Bless.

“Really? So these are all your ideas?” Nagulat si Paolo sa narinig nya.

“Yeah.” Casual na sagot nya. “Sobrang busy kasi ni boss kaya he asked me to draft a plan, though he made the final touches pero konti lang naman. Then he approved and signed it.” Natawang kwento ni Bless. “Hindi nga lang ito ma-credit sa akin dahil I am not licensed and si boss ang pumirma. Pero okay lang kahit papano at napagsamantalahan din ang talent ko hahaha!” Biro ni Bless.

“Seriously, you are amazing! I love every detail of my house. Well, except lang yong nangyari sa banyo ko when I arrived.” Biro ni Paolo.

“Hindi naman kasalanan namin yon ano. Sa contractor side yan.” Sabi ni Bless at nang dumating na ang pari at mga assistant nito and then the house blessing started. Umalis din agad ang pari at alalay nito dahil may iba pa silang naka-schedule na house blessing.

Then they had dinner together after the blessing and suddenly Paolo announced in the dining table.

“Walang ni isang magpo-post sa social media, okay? Kahit na isang picture ng house ko or ni Bless, please, no posting at any forms of social media.” Pakiusap ni Paolo sa kanilang lahat dahil iyon ang request ni Bless sa kanya. “Pag may nagleak may mananagot sa’kin.”

After dinner ay umuwi na agad si Bless dahil may pasok pa sya kinabukasan. Hinatid sya ni Paolo sa car nya and as usual he opened the gate for her.

“I’m really super thankful that you came.” Sabi ni Paolo sa labas ng window car ni Bless.

“Thanks also for inviting me. You call me if you think may problema ulit sa bahay kahit na out of scoop na namin, tutulungan kita.” And she waved her hand and left.

Back to normal uli sila because the long holiday was over. Bumalik na rin muna si Paolo sa city para asikasuhin ang malaki niyang project na napagsunduan na nila dati pa. He promised to his self that this will be the last and that he will retire from acting soon. Magbi-business nalang sya sa province at baka mag-aasawa na rin doon if ever makuha nya ang loob ni Bless.

He kept thinking about Bless kahit nasa work sya. He sometimes called her or sent messages dahil nami-miss nya ito. Buti nalang at walang nagsasalita sa mga tauhan nya about them para iwas issue at gulo. Sometimes Paolo would send her flowers in her office but ayaw seryosohin ni Bless kung pangliligaw nga ito sa kanya dahil iniiwasan nya ang magulong buhay. Ilang beses nga syang pinilit ng mga kaibigan nya na sumali sa mga beauty pageant pero ayaw nya dahil magulo ang buhay kung sakali mang manalo sya. Kontento na sya sa buhay nya dahil may anak na sya. Hindi rin nya ito masabi ky Paolo na may anak na sya dahil wala naman syang dahilan. Hindi rin naman nagtatanong.

Chapter 10

After one month ay hindi matiis ni Paolo at umuwi sya sa probinsya at gusto nyang makita si Bless. He planned to surprise her in her apartment on that Sunday afternoon dahil nasa bahay lang ito when Paolo called her. But it was Paolo who was surprised instead when he saw Gerry, ang 2 year old son ni Bless.

“Paolo, I want you to meet my son, Gerry.” Sabi ni Bless nang unang pumasok si Paolo sa apartment nila. “Baby, this is Tito Paolo… Yaya, halika!” Tinawag ni Bless ang yaya ni Gerry dahil nahihiya sa bisita na crush na crush nya talaga. “Yaya, ipakita mo ky Paolo ang phone mo hahaha!” Tinutukso nya ang yaya ni Gerry kung saan ang screen saver sa phone nito ay ang picture ni Paolo. Natutuwa naman si Paolo kahit papano at aliw na aliw din sya sa bata dahil gusto na rin nyang magkaanak. Hindi sya makapaniwala na sa itsura ni Bless ay may 2 year old son na pala ito that she never talked about.

“Dito nalang tayo magdinner kung okay lang sayo. Simple lang hindi magarbo pero masarap magluto si yaya. Marunong din akong magluto kaya lang tinatamad ako eh.” Sabi ni Bless.

“No, huwag na. Gusto sana kitang iinvite uli doon sa pinuntahan natin dati. Magti-take out uli tayo tapos doon tayo kakain, if okay lang sa yo?” Nakangiting sabi ni Paolo.

“Hmmm, are you asking me out on a date?” Prangkang tanong nya agad. “Kasi matagal ko nang iniwan ang bisyo na yan. Nilibing ko na rin kasama ni Frank dahil wala na akong panahon makipag-date. May anak na ako and I am contented na.” Biro nya kay Paolo para huminto na rin ito sa panghihimasok sa buhay nya.

“Why don’t you give it another chance, Bless? You are still young. At kailangan ni Gerry ng ama, whether you believe it or not. Kaya please, open your door to any possibilities. Alam mo naman siguro na matagal na kitang gusto. I’m just trying to slow down because I know what you have been through. But please don’t close your door, I’m knocking it and asking you to please open it for me and give me a chance to make you happy again.” Seryosong paliwanag ni Paolo and tuwang-tuwa sya na sa wakas ay nailabas nya na rin ang saloobin niya ky Bless.

Tahimik lang si Bless at hindi makasagot agad. Buti nalang dinala ni yaya sa kwarto si Gerry para hindi marinig ang seryosong usapan nila. Nag-isip sya kung anong dapat isagot dahil ayaw nya pumasok si Paolo sa buhay nila dahil alam nya guguluhin sya ng mga tao kung malalaman nila na nangliligaw si Paolo sa kanya.

“Bless?” Tanong ni Paolo dahil natahimik lang ito. “So, tell me, anong gusto mong gawin ko para bigyan mo ako ng chance na paligayahin ka, na mahalin ka. Tell me anything you want at gagawin ko.”

“No, no, no. Hindi kita kailangan dektahan kung anong gusto ko para lang maging masaya ako, hindi. You do whatever you think makes you happy. Bahala ka kung anong gusto mo. Hindi naman kita sadyang inakit para ligawan ako dahil hindi naman talaga ako karapat-dapat sa’yo dahil may anak na ako eh. You deserve someone better, Paolo. Don’t waste your time on me dahil hindi ako ang babae para sa’yo. Maraming nag-aabang dyan sa’yo at hindi ka mahihirapang pumili.” May halong birong sabi ni Bless pero totoo naman ito.

“Bless, look at me.” He took her hands and held them tight and looked straight in her eyes. “Hindi pweding dektahan ang puso kung sino ang pipiliin mong ibigin. Loving someone is a natural feeling that will just evolve in any place and at any time and you can’t just force to ignore when it’s right there already.” Seryosong paliwanag ni Paolo sa kanya. “Hindi ako nag acting-actingan dito, Bless, tandaan mo yan. Mahirap talaga ipaliwanag pero ibang-iba ka sa mga babaeng na-met ko.”

“Achuuuusss! Kumita na ang linyang yan.” Biro ni Bless dahil masyado nang seryoso ang usapan nila.

“O sige baguhin ko, meron kang ibang katangian na hindi ko maipaliwanag pero parang yon ang gusto ko dahil masaya ako. I am the happiest when I am with you.” He smiled.

Natawa si Bless but deep inside of her she knows how serious he is at kinikilig sya kaya lang pilit niyang dini-deny sa self nya dahil natatakot sya na nahuhulog na rin ang loob nya ky Paolo.

“Sige na nga, aalis tayo. Gusto kong huminga ng fresh air dahil parang nasasakal na ako dito hahaha!” Nakatawang sabi ni Bless.

“I am damn serious, Bless. Please huwag mo naman akong pagtatawanan.”

“Sorry.” Bumawi sya agad at nahiya kay Paolo. “Do you really want to go there ba para magbihis na ako?” Paglalambing nya kay Paolo para bumawi.  

“Huwag na dito nalang tayo. Comfortable na ako dito at nahahawakan pa kita ng mahigpit.” Biro ni Paolo at napansin ni Bless kanina pa pala hawak ni Paolo ang dalawa nyang kamay at binawi nya ito agad.

Tumayo si Bless para magbibihis sana at hinawakan uli ni Paolo ang kamay nya at napaupo sya uli.

“I want you to promise me, na you’re not closing your door for me, please?” Tanong ni Paolo na titig na titig sa mga mata nya at naghahanap ng sagot. “Please?”

“Baka pagsisihan ko sa huli. Magkaiba ang mundo natin at alam mo yon na ayoko sa magulong buhay mo.” Sabi ni Bless.

“I promise, gagawin ko ang lahat para lang hindi ka guguluhin ng mga tao. I will be discreet as much as possible to preserve you from the public. Gagawin ko ang lahat para hindi ka lang mawala sa buhay ko.” At niyakap ni Paolo ng mahigpit si Bless.

“I’m scared, Paolo.” Mangingiyak na sabi ni Bless dahil nahuhulog na talaga ang loob nya kay Paolo pero alam nyang gugulo ang buhay nya balang araw once malalaman ito ng mga tao.
“Please don’t ever be scared. I will always be right here for you. Kahit malayo man tayo sa isa’t isa, ipapadama ko sa ‘yo lagi na parang nandyan lang ako lagi sa tabi mo, promise.”

Bless nodded her head and they hugged each other again. It was getting dark na pala kaya nag order nalang sila ng food for dinner. 

Almost midnight na nang umuwi si Paolo. Naaliw kasi sya sa anak ni Bless and then nagkukwentuhan uli sila ni Bless after dinner habang tulog na ang bata at ang yaya. He was hesitant to go home and wanted to stay but he has to leave early the next day for work again in the city.

Chapter 11

The next day, Bless was very surprised to see a very large bouquet of red roses in her table. I love you, P.M., lang ang nakasulat sa card at alam na nya kung sino yon. Nang hindi pa dumating ang boss nya ay kinausap nya agad ang lahat na nandoon na huwag na huwag mag-ingay about ky Paolo. Dahil nahahalata na nila na si Paolo palagi ang nagpapadala ng bouquet of flowers sa kanya and this time is a very big one. Pumayag naman sila sa usapan.

Then she sent a message to Paolo to thank him for the flowers and then Paolo called back. Kahapon lang sila nagkikita at parang na-miss agad ito ni Bless. She tried to keep herself busy para hindi masyadong maalala si Paolo.

Super busy din si Paolo sa work nya kaya sa gabi nalang sila nagtatawagan at nag-uusap. Hindi paman sya officially sinagot ni Bless ay ramdam na nya na mahal na rin sya ni Bless. They talked every night nang matagal and the more they were eager to see each other again kaya noong weekend ay umuwi uli si Paolo sa probinsya kahit gaano man ka-hectic ang schedule dahil patapos na ang project nya. Nagpasama nalang sya sa driver para hindi mapagod at nagpahatid sa apartment ni Bless kahit gabi na. Around 9pm na nang dumating sila sa apartment ni Bless. Ayaw na nyang nakikitang naka-standby ang kotse nya sa labas ng bahay ni Bless dahil baka may nakapansin pa at pagkakaguluhan si Bless. Tatawagan nalang nya ang driver mamaya kung magpapasundo na sya dahil ayaw nyang estorbuhin ang mag-ina the next day dahil Sunday and family day yon ng mag-ina. Binuksan ni Bless ang gate at nagmamadaling pumasok ni Paolo at umalis agad ang driver.

“I missed you so much!” Biglang niyakap nya si Bless nang makapasok na sila sa loob ng bahay. At naupo sila sa malaking couch sa sala at buti nalang tulog na ang bata at ang yaya nito.

“You look so tired. Bukas ka nalang sana nagpunta dito para makapagpahinga ka naman.” Concerned na sabi ni Bless.

“I can’t wait for another day na hindi ka makita.” He hugged her even tighter and kissed her forehead.

“Are you hungry? Maghahanda ako ng food.” Offer ni Bless.

“No, huwag na kumain na kami ni kuya kanina. At busog na busog na ako dahil nakita na kita.” Biro nya.

“Ganun ba hahahaha!” Natawa si Bless. “Ang corny mo!”

Hindi na matiis ni Paolo and he kissed her lips quickly ng tatlong beses. Nang mapansin na hindi pumalag si Bless ay saka nya ito hinalikan ng matagal at nagpaubaya na rin si Bless. They kissed hungrily but passionately until they got tired at nahiya si Bless sa mabilis na pangyayari. She tried to stand up to go somewhere dahil nahiya sya pero pinigilan sya agad ni Paolo.

“Where are you going?” Natawang tanong ni Paolo na parang tinutukso sya.
“Ahm, sa kusina I need some water.” She lied.

“Sige nauuhaw rin ako.” Sabi ni Paolo habang kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants nya.

Nagtagal sya sa kusina dahil nahihiya syang bumalik agad sa harap ni Paolo. When Paolo noticed it ay sinundan sya sa kusina at niyakap sya na nakatalikod sa may kitchen counter.

“What took you so long? Malayo ba ang batis para makuha ang tubig?” Biro ni Paolo.

Natawa lang si Bless pero enjoy na enjoy sya sa yakap ni Paolo. And they kissed deeply again for so long at nakalimutan na nilang uminom ng tubig.

“Gusto mo ba ng malamig or plain water lang?” Tanong agad ni Bless after they kissed dahil nahiya sya uli pero parang lumulutang sya hangin sa mga oras na iyon dahil sa kilig at saya na hindi nya maintindihan.

Matapos uminom ay bumalik sila agad sa couch sa sala hugging each other silently until nakatulog si Paolo sa sobrang pagod habang nakasandal ang ulo nya sa dibdib ni Paolo. Naawa naman sya dahil alam nyang pagod ito pero pinuntahan pa rin sya para lang makita. Pinahiga nya nalang muna si Paolo para makatulog at tinabihan nya ito dahil kasya naman silang dalawa sa couch.

“Baby, pasensya ka na I am so damn tired. Iidlip muna ako saglit lang okay?” Lambing nya kay Bless.
“Yeah sure. I’ll watch TV nalang muna hinaan ko lang para hindi maingay.” Sabi ni Bless. Titig na titig sya sa mukha ni Paolo as he was asleep. Ang gwapo nya talaga, naisip nya. Boyfriend ko na pala sya, naisip nya, because they already kissed. Kinikilig sya na may halong kaba. At nakatulog din si Bless sa tabi nito at nang magising sila ay it was almost 4am na. Nagulat si Bless at bumangon agad and turned off the TV.

“Naku, baka biglang bababa si yaya at makita tayo dito.” Natawa si Bless sa sitwasyon nila.

Antok na antok pa si Paolo pero hinila nya si Bless at humiga sila uli sa couch at niyakap nya nang mahigpit si Bless.

“Thank you.” He whispered on her ears. “Thank you so much.” Sabi nya uli.

“For what?” Tanong ni Bless.

“For loving me back. I am the happiest man on this planet today.” Sabi nya habang hinahalikan ang mga kamay nya. And they kissed deeply again.

Tinawagan nya ang driver na magpapasundo sya bago pa man lumiwanag dahil baka may makapansin pa sa paglabas nya sa bahay ni Bless. Gustong gusto man nyang sumama sa mag-ina na magsisimba at magla-lunch after ay hindi pwede dahil baka magkakagulo lang at masisira pa ang napakasayang araw nya at ni Bless. Babalik nalang sya in the afternoon before he will leave for the city. Nakalimutan pala nya na may regalo sya kay Gerry at naiwan sa kotse nya at binigay ito kay Bless nang dumating ang driver para susunduin sya. Isang malaking box na ang laman ay toy at tuwang-tuwa si Gerry.

After lunch ay pinasyal ni Bless muna sa mall si Gerry kasama ang yaya nito dahil magsha-shopping sya saglit. Matapos ay umuwi agad sila dahil pupunta na naman si Paolo sa apartment nya bago umalis pabalik sa city.

After dinner ay umakyat na sa kwarto si yaya at ang bata para naman mabigyan uli sila ni Paolo ng privacy.

“I have decided na talaga na after this project I am working now, I will resign from the entertainment industry. Then magbi-business nalang tayo dito. Magtayo ng resort hotel at ikaw uli ang magdesign.” Paolo was telling her about his future plans now that they are officially together. Marami na syang plano sa buhay kasama si Bless at si Gerry.

“Dahan-dahan lang okay? Masyado ka namang mabilis.” Natawa si Bless.

“I’m not getting any younger, Bless. I want to settle down soon and have my own kids. And I think we are both ready naman sa ganoong mga bagay, right?” Sabi ni Paolo.

“E-enjoy nalang muna natin kung anong meron tayo today. Darating din tayo dyan.” Sabi ni Bless na kinakabahan sa masyadong advanced plans ni Paolo.

Tinawagan nya uli ang driver nya na aalis na sila pabalik sa city and it was past 6 already in the evening at mahigit 2 hours pa ang byahi nila. Naawa naman sya kay Paolo sa sobrang effort nito pero masayang masaya na rin sya dahil na-convince na rin ang sarili nya na mahal talaga sya ni Paolo.

“Baby, always remember this. Whatever you hear, whatever you see around, in any social media, in the news about me, please sa akin ka muna magtanong, sa akin ka magtiwala at hindi kung kahit na sinu-sino, okay?” Sabi ni Paolo bago sya umalis. “Promise me na hindi makakasira sa relationship natin ang anumang bagay na hindi natin napag-usapan. You have to trust me dahil kung kahit saan-saan ka maniniwala, sa mga maririnig mo or makikita mo, gugulo lang ang buhay natin. Please ako agad ang kausapin mo kung may kailangan kang malaman, okay?”

Bless just nodded her head habang inayos ang collar ng polo ni Paolo. Ano ba ‘tong napasukan ko, naisip nya. Paolo kissed her again before he left. “I love you so much and I’ll be back soon as I can.”

Chapter 12

“Bless, parang may dalawang kotse sa labas na kanina pa naka-standby.” Sabi ni yaya.

“Ano? Sure ka sa atin nakaabang yan? Baka naman sa neighbor natin at may party.” Sumisilip si Bless sa window from her bedroom upstairs. Tatlong kotse na nga ang nakita nya ang isa ay parang van na parang taga media. Kinakabahan sya. Paparazzi, naisip nya. Medyo natawa nalang sya sa sarili nya. It was early in the morning at paalis na sana sya for work pero kinakabahan syang lumabas. She called Paolo para malaman kung anong dapat gawin nya.

“Really? Baka naman visitors sa neighbor nyo ang mga yan.” Casual na sagot ni Paolo while they were talking over the phone.

“Visitors at this early in the morning?” Tanong ni Bless. “Ewan ko basta iba ang kutob ko.”

“Okay, when you go out for work, kung may lalapit sayo please ignore them. Don’t ever, ever entertain them, don’t say any words. Mag excuse ka lang if hindi maiwasan basta don’t ever talk to them, wala kang sasabihin, okay?” Sabi ni Paolo.

Kinakabahan sya nang lumabas sya sa gate ng apartment niya. Wala naman lumapit sa kanya pero napansin nyang may mga tao sa loob ng mga car na nakaparada sa harap ng apartment nya. Nagmamadali syang umalis para hindi sya masundan kung sakali.

She arrived safely naman sa office nya. Paglabas nya sa hapon before going home, nagmamasid sya uli sa paligid. She hurried to her car and went home straight. She was thinking deeply on her way home. Ito na yata ang magulong buhay na pinasok nya. Pero napaibig na sya kay Paolo. At hindi na maiiwasan na sooner or later ay malalaman ng publiko ang relasyon nila. Come what may nalang ang nasabi nya sa sarili nya.

Pagdating sa apartment nya wala na yong tatlong car na nakaparada kaninang umaga at na-relieve sya.

Uuwi na naman si Paolo this weekend kahit busy ito at sobrang excited si Bless na magkita sila uli. Dahil nagdududa na sila na natuntun ng media ang bahay ni Bless ay pinapapunta nalang sila ni Paolo doon sa bahay nya instead at para na rin magsi-swimming sila. Umalis sila Bless Saturday afternoon kasama si Gerry at ang yaya and they are on their way to Paolo’s house. Parating na rin si Paolo kaya magkikita nalang sila doon sa bahay nya.

It was dark na nang dumating si Paolo at ang driver nya. Sinalubong sya agad ni Bless sa garahe kasama si Gerry. Kinarga agad ni Paolo si Gerry after he kissed Bless at may regalo na naman sya uli sa bata.

They had fun during dinner dahil maingay sa bahay ni Paolo ngayon dahil ky Gerry. Tuwang-tuwa rin ang mag-asawang caretaker dahil palaging tahimik ang bahay. Nagugustohan din naman nila si Bless para ky Paolo kahit na may anak na nga ito. Paolo invited Bless to have a walk outside near the seashore because the moon was so clear and bright. It was so very romantic and mahigpit na magkaakbay silang naglalakad bitbit ang tsinelas nila. They sat down on a fallen coconut tree na sinadyang gawing bench sa tabing dagat.

“Let’s get inside na alam kong pagod ka today.” Sabi ni Bless as she leaned down her head on Paolo’s broad shoulder as they were watching the full moon.

“Later na, let’s enjoy the nice view muna. This has always been my dream. To have a serenity, a life away from the limelight. Its just so relaxing, so peaceful… yong alon ng dagat lang ang naririnig mo. Parang it’s so therapeutic ano?” Sabi ni Paolo.

Bless kissed his lips dahil sobrang na-miss nya si Paolo at hindi nya matiis kanina pa at gusto na nya itong halikan. Sobrang ingat si Paolo dahil baka may makakita pa sa kanila at pumasok nalang sila sa loob.

Papasok na sana si Bless sa guest room kung saan si Gerry at ang yaya ay natutulog na pero hinila ni Paolo ang kamay nya inviting her to go upstairs. Hindi rin natiis ni Paolo and they kissed inside his bedroom.

The next day ay maagang nagising si Gerry dahil excited syang magswimming. Nagswimming silang tatlo and had their breakfast outside na hinanda ni Ate Lyn. Lalong na-admire ni Paolo ang kagandahan ng girlfriend on her sexy two piece black swimsuit na kahit may anak na ay sexy pa rin. They had fun together pero hindi rin nagtagal dahil medyo masakit na ang araw dahil magtatanghali na. Umiyak si Gerry dahil ayaw pa nyang humintong magswimming kaya pinagalitan ito ni Bless. Naawa naman si Paolo at kinarga at nilalambing agad ang bata.

“Paolo, pwede ba huwag mong e-spoil yang bata? I’m trying to discipline him para hindi sya lumaking matigas ang ulo at para hindi lahat nalang ng gusto nya ay nakukuha nya.” Galit na sabi ni Bless habang naglalakad sila pabalik sa loob ng bahay.

“Bless, I don’t think you need to shout on him. Pwede mo naman sigurong kausapin ng malambing para makinig kesa pagsisigawan mo at nati-trigger tuloy ang galit nya.” Mahinahong paliwanag ni Paolo.

“Are you trying to question my capability on how I discipline my son?” Naiinis na tanong ni Bless habang kinuha ni yaya ang bata para palitan ang basang damit nito.

“No. I’m just trying to suggest kasi lalo syang nagalit nang sinigawan mo. Pwede ba huwag tayong magtatalo dito about Gerry? Pag-usapan nalang natin ng maayos to, okay?” Paolo tried to hold her elbow para pumasok na sa loob. “Come on magbihis na tayo.”

“I can’t believe this! You insulted me on how I tried to discipline my son. Ngayon mo lang sya nakakasama at hindi mo pa alam ang tunay na behavior ng anak ko kaya don’t you ever dare tell me on what to do with him. I’m his mother so mas kabisado ko ang ugali nya.” Galit na sabi ni Bless at nasa porch sila ni Paolo nagtatalo at mainit na ang araw dahil 10am na.

“Bless, let’s get inside mainit na ang araw, okay?” Paolo tried to calm her down para hindi lalong tumindi ang alitan nila.

“Yaya! Let’s go home!” Sigaw ni Bless and she hurried to her car. Buti nalang naka-bathrobe sya. Sinundan sya agad ni Paolo. “Yaya, dalhin mo yong susi!” Sigaw ni Bless uli.

“Bless! Basang-basa ka kaya you need to change your clothes. Baka magkasakit ka nyan kung babyahi kang basa.” He said calmly at ayaw nyang patulan ang tension nito.

Bless just ignored him. She went in the car waiting for yaya and her son.

“Bless, bumaba ka dyan, please.” Pakiusap ni Paolo.

Lumabas si yaya karga si Gerry at mga gamit nila, “Sir, pasensya ka na at minsan madaling mag-init ang ulo ng amo ko. Kausapin mo nalang mamaya kung huhupa na ang galit.” At nagmamadaling sumakay si yaya sa car kasama si Gerry.

Pinaandar ni Bless ang car at nakalimutang close pala ang gate kaya bumaba sya at binuksaon ito at hinabol sya ni Paolo.

“Bless, pwede bang pag-usapan natin to ng maayos at ayokong umalis kang ganyan?” Pakiusap ni Paolo at hinarangan nya ang gate na mabuksan ni Bless pero nagpupumilit si Bless at nabuksan ito. She hurried back to her car and jolted.

Chapter 13

Nagmamadaling maligo si Paolo at nagbihis para sundan nya sina Bless sa apartment nito. When he arrived ay si yaya ang nagbukas sa kanya dahil nasa kwarto si Bless.

“Sir, pasenyahan nyo na po si Bless. Ayaw nya kasing matulad nya ang anak nya na lumaking spoiled kaya dinidisiplina nya. Kaya lang minsan sumisigaw sya kaya hindi tuloy nakikinig yong bata. Tama naman ho talaga ang suggestion nyo.” Paliwanag ng yaya ky Paolo. Nagkwenuhan muna sila saglit ni yaya bago umakyat si Paolo sa kwarto ni Bless.

He knocked the door three times pero hindi binuksan ni Bless dahil alam nyang si Paolo ito dahil nakita nya kaninang bumaba sa car nang hinatid ng driver.

“Bless, can we talk please?” Sabi ni Paolo. Alam nyang naririnig sya ni Bless sa labas. “I’m not going to leave here until you talk to me. Kahit na ilang oras o ilang araw hindi ako aalis dito.”

Maya-maya ay tumawag si Phoebe sa phone ni Bless at nagtataka sya kung bakit kaya sinagot nya ito.

“Hello, Bless. Sorry talaga sa disturbo ko. Kanina ko pa kasi tinawagan si Paolo at off ang phone nya eh. Pwede ko bang makausap kung kasama mo sya ngayon? Very important lang talaga.” Pakiusap ni Phoebe.

Nakokonsensya naman si Bless so she opened the door and gave her phone to Paolo. “Si Phoebe.” Nakasimangot pa rin ang mukha and she went back to her bed lying and left the door ajar while Paolo was talking to Phoebe on her phone. Naririnig nya ang usapan nila at nakokonsensya sya dahil baka totohanin ni Paolo na hindi aalis at meron pala syang maraming appointments bukas na hindi na pweding e-cancel.

Matapos nilang mag-usap ay pumasok si Paolo and closed the door. He handed back the phone to Phoebe.

“Pakilagay nalang dyan sa desk.” Matamlay na sabi nya.

“I’m not going to leave until we talk, okay?” Sabi ni Paolo na inaantok sa pagod nang makita ang malaking kama ni Bless. First time nyang nakapasok sa kwarto ni Bless. “Just let me know if you are ready to talk at inaantok ako sa pagod at matutulog muna ako dito.” He suddenly laid down beside Bless without any hesitations at nagulat si Bless sa ginawa nya. Tumalikod nalang sya kay Paolo.

“Umalis ka na at maraming naghihintay sa’yo sa work mo. Hindi na pweding e-cancel lahat ng appointments mo.” Medyo galit pa rin sya ng konti. Maya-maya narinig nya nalang na humihilik na sa himbing ang katabi nya. Napalingon sya. She stared on his handsome face at naawa na rin dahil talagang pagod ang boyfriend nya. Natulog na rin sya sa pagod. After an hour ay nagising si Paolo at niyakap si Bless. Nagising sya nang niyakap sya at itinakwil ang kamay ni Paolo pero inulit uli ito ni Paolo.

“Hindi mo pa rin ba ako kakausapin? Pagbigyan mo na ako dahil birthday ko na bukas eh.” Paglalambing ni Paolo at nagulat si Bless.

“Are you serious?” Tanong agad ni Bless.

“Hindi. Tanungin mo nalang si yaya dahil kabisado nya ang pagkatao ko.” At natulog sya uli.

Lumabas si Bless sa may hagdanan at tinanong si yaya.

“Yaya, kelan ba ang birthday ni Paolo?” Sigaw nya sa baba habang nanood ng TV si yaya at Gerry.

Saglit nag-isip si yaya at tumingin sa kalendaryo at naalala nya agad. “Aba! Bukas na pala ang birthday nya.” Na-excited si yaya.

Binalikan nya agad si Paolo pero himbing na uli sa tulog at lumabas nalang sya para magpabili ng cake kay yaya.

Nagising si Paolo dahil nagutom at hindi pa pala sya nag-lunch dahil sa alitan nila ni Bless kanina. Bumaba sya nang mapansing wala si Bless sa tabi nya. Naabutan nya sa kusina na may ginagawa habang si Gerry ay nanonood ng TV and eating his favorite cereal snacks. Niyakap nya agad si Bless sa likuran pagkalapit nya kay Bless.

“Why didn’t you tell me it’s your birthday tomorrow, nakakainis ka talaga.” Nakonsenysa sya tuloy dahil inaway nya si Paolo.

“Hindi mo ba ako aawayin kanina kung sakaling alam mo?” Biro nya.

Hindi sya sumagot at patuloy lang sa paghuhugas ng kamay nya.

“Hindi naman big deal sa akin ang birthday ko that’s why I forgot to tell you.” Natawa sya. “Pero nagluto pala ng marami si Ate Lyn. Sayang hindi tuloy tayo nakapag-lunch kanina kaya nagugutom na ako.” Sabi ni Paolo.

Lalo tuloy nakonsensya si Bless sa nagawa nya. “Let’s wait for yaya, pinabili ko nang cake. Pero magluluto pa tayo wala pang food. Mag-order nalang ako.” Sabi ni Bless at medyo nawala na rin ang galit nya.

“Huwag nalang. Hintayin nalang natin si yaya tapos magpapasundo tayo dito kay kuya para doon tayo kakain sa bahay. Tapos pagbalik ko sa city e-drop nalang kayo dito, okay?” Sabi ni Paolo. Niyakap nya uli sa Bless. “Thank you at hindi ka na galit sa akin.” At hinalikan sya sa noo. At tinawagan nya agad ang driver para susunduin sila.

Marami nga talagang inihandang pagkain si Ate Lyn dahil alam nyang birthday ni Paolo bukas at dahil bisita sila noong araw na yon. Kaya lang nasira kanina ang dapat sana ay masayang tanghalian nila. Pero bumawi si Bless kaya nagpabili sya ng cake at pumayag na doon magdi-dinner sa bahay ni Paolo.  

Nauwi rin sa masayang hapunan ang advance birthday celebration ni Paolo sa bahay nya. Masaya na rin sya dahil hindi na galit si Bless sa kanya at naayos na nila ang alitan nila. After dinner ay inihatid na sila sa apartment at babalik na rin si Paolo sa city.

Chapter 14

Few weeks passed at parang confident si Bless na walang masyadong nakakaalam sa relationship nila ni Paolo. Sa bahay ni Paolo nalang sila nagsi-spend every weekend dahil gustong-gusto ni Gerry ang dagat. Nang patapos na talaga ang project ni Paolo ay sobrang busy na sya for the promotion and guesting. Maraming nag-aambush interview sa kanya at nagtatanong kung sino ang nagpapasaya sa kanya lately pero dinideadma nya lang ito or tinatawanan nalang nya.

Hindi nya matiis na hindi makita si Bless kahit na every week lang ito. Umuwi sya Saturday evening pero babalik sya agad the next day kaya doon nalang sya pumunta sa apartment ni Bless at nagpahatid uli sa driver. Sinundo uli sya ng driver early morning dahil babalik agad sa city.

The following day may binalita si yaya kay Bless dahil lagi nyang sinusubaybayan si Paolo dahil nga idol nya ito.

“Bless, nakita mo ba yong trending ngayon? Parang ikaw yong nasa picture na sinasabi nilang mystery girlfriend ni Paolo.” Balita agad ni yaya nang makita sa cellphone nya ang news.

“What? Are you sure?” Nagulat si Bless at tiningnan agad ang cellphone ni yaya. “Ako nga ito noong nasa beach tayo doon sa bahay ni Paolo. At kotse ko to ah papunta yata sa work ko. Oh my god, ito na nga bang sinasabi ko.” Kinuha nya agad ang cellphone nya to call Paolo on that early morning before she left for work.

“Paolo!” Sigaw nya. She can’t hold on her fury.

Before she can talk further ay inunahan na sya ni Paolo agad.

“I know. Just calm down, okay?” Sabi agad ni Paolo. “Wala na naman tayong patutunguhang maganda kung maunahan ka sa galit mo, okay?” Kalmadong sabi nya. Sanay nga talaga sya sa showbiz at parang hindi man lang masyadong affected sa news about sa kanila. “Just ignore it. Totoo naman na ikaw yong nasa picture ah, totoo naman talaga na ikaw yong mystery girlfriend ko kaya lang hindi nila kilala. Ang gusto ko lang mangyari ay hindi ka nila guguluhin dyan. Doon muna kayo magstay sa bahay para may protection sa Gerry away from the media. Okay?”

“No. Iuuwi ko muna sila ni yaya sa bahay ng parents ko. Mas safe and may privacy sila doon. Ako nalang ang bahala dito. Pinasukan ko tong buhay na to kaya haharapin ko.” Galit na sabi ni Bless.

“Nagsisisi ka ba? Pinagsisihan mo ba ako?” Tanong ni Paolo.

“No, hindi naman. Basta ayusin ko muna dito bago pa magkagulo at ayokong madamay ang anak ko.” Sabi ni Bless.

Nag-absent sya sa work nya at hinatid sa next town ang anak at ang yaya nya. Nasa kabilang town ang parents ni Bless at mahigit isang oras ang byahi. Tuwang-tuwa ang mommy nya nang makita ang apo nya. Bumalik naman agad sya sa gabi doon sa apartment nya and Paolo kept calling her to check every now and then kahit sobrang busy ito. Nang magkatyempo ay umuwi uli si Paolo and wanted to stay home for a few days dahil tapos na ang promotion nya at magsho-showing na ang movie nya. Doon nya na muna pina-stay si Bless sa bahay nya para maiwasan ang gulo kung sakaling may mga taga media uli na pupunta sa apartment ni Bless. Balak na ni Bless lumipat ng apartment at naghahanap na sya online. Wala naman lumalapit sa kanya na kahit sino para mag-interview pero ayaw nya na laging may magpi-picture sa kanya at magpo-post sa social media. Kaya ingat na ingat syang lumabas papunta sa office nya at pauwi dito sa bahay ni Paolo.

May mga hindi pa natapos na commitment si Paolo pero tinamad na syang bumalik sa city. Galit na naman ang manager nya. Ayaw kasi ng manager nya kay Bless dahil ibang nga ang gusto nya para kay Paolo pero hindi na nya ito mapigilan dahil nabanggit na ni Paolo sa Daddy J nya na gawin itong ninong sa kasal nila ni Bless someday. At nalaman na rin ni Daddy J na doon na muna pinatira ni Paolo si Bless sa bahay nya dahil pinoprotektahan nya ito from the media.

Chapter 15

Dahil masyado nang seryoso si Paolo kay Bless ay gumawa si Daddy J nang paraan para magkahiwalay ang dalawa. At dahil galit sya sa hindi pagshow-up sa ibang commitments ni Paolo ay pinuntahan ito ni Daddy J sa probinsya at sinama si Sharon, ang dating ka-love team ni Paolo na na-link sa kanya matagal na. Si Sharon ang gusto ni Daddy J na mapangasawa ni Paolo but Paolo hated her now. Kung sinu-sinong lalaki lang kasi ang nali-link sa kanya after sa team up nila dati.

Tumawag si Daddy J na pupunta sa bahay nya dahil may pag-uusapan silang bagong project. Nainis si Paolo because he told his manager that his quitting his acting career soon after this last project. Hindi ito pinansin ni Daddy J at nagpupumilit pumunta sa probinsya kahit sinabihan ni Paolo na he wants to have a vacation muna and that he wanted to spend more time with Bless muna.

It was weekend naman kaya walang pasok si Bless at tinutulungan nyang magluluto si Ate Lyn sa kusina. Sinabi ni Paolo sa kanya na darating ang manager nya at may ibang kasamang guest na hindi nya alam. Nahihiya si Bless at nang parating na ang bisita ni Paolo ay gusto nyang pumasok sa kwarto at nahihiya syang humarap sa bisita. Kinausap nya si Ate Lyn na e-update sya kung anu-ano ang maririnig nya at kung sinu-sino ang mga bisita.

Before she went upstairs ay tiningnan nya muna from the kitchen window ang mga bisitang bumaba sa car. Nakita nya ang blonde hair girl na yumakap kay Paolo at nag beso-beso. Tinanong nya kay Ate Lyn kung kilala ba nya ang girl at dahil kabisado nya ang career ni Paolo ay naalala nya na dating love team ni Paolo ang girl. Si Sharon daw kwento nya ky Bless. Nainis sya sa nakita at umakyat agad sa kwarto. Bakit nandito ang babaeng yan, galit na tanong nya sa sarili nya.

When they all went to the small conference room ay bumaba si Bless at nagpaalam ky Ate Lyn na may pupuntahan sya. Narinig ni Paolo na umalis ang car nya dahil nasa tabi ng garage ang conference room and he can hear from the window na umalis ang car. Bigla syang lumabas at pumunta sa garage.

“Kuya umalis ba si Bless?” Tanong agad ni Paolo sa Kuya Boyet nya.

“Opo sir, may pupuntahan daw sya. Akala ko ho nagpaalam sa inyo.” Sagot ni Kuya.

Bumalik sya agad sa conference room dahil naiwan ang cellphone nya. Kinuha nya agad at tinawagan si Bless pero off na ang phone nito.

“Damn!” Dinabog nya ang cellphone nya sa table at nakalimutang may mga bisita pala sya sa harap nya. “Sorry!” Sabi nya agad.

“What’s wrong?” Tanong ni Daddy J.

“Si Bless umalis at hindi nagpaalam.” Galit na sabi ni Paolo at nagwalk-out sya para habulin si Bless.

He tried to go to the place kung saan una syang dinala ni Bless na favorite dating place nila ng dati nya boyfriend pero hindi nya nakita dito. He went to her apartment dahil baka umuwi at wala doon ang car nya at locked ang gate. Nalilito na sya kung saan hahanapin si Bless. He just went home nalang at hintayin ang pag-uwi ni Bless. Tinawagan nya si yaya dahil baka may alam sya or baka umuwi sa kanila. Sinabi ni yaya na wala roon si Bless at wala syang contact numbers sa mga closed-friends ni Bless kahit na ilang beses na ito pumupunta sa apartment nila.

Hindi na sya nagdinner at nakatulog sa kahihintay ni Bless. It was almost 5 in the morning nang magising sya sa isang phone call. Si yaya tumawag uli.

“Yaya bakit? May problema ba?” Tanong nya agad.

“Sir, si Bless po, andito sa hospital sinugod ng friend nya kagabi dahil nagsusuka at masakit ang tyan.” Nag-alalang sabi ni yaya.

“Saang hospital?” Tanong nya agad. Nagmamadaling syang naghilamos at nagbihis para puntahan agad si Bless. Hindi na sya nagpaalam sa Daddy J nya dahil tulog pa ang mga bisita. Sinabi nya nalang ky Ate Lyn ang nangyari at worried din ito sa kalagayan ni Bless.

Chapter 16

He hurried inside the hospital at wala syang pakialam kung may nakakilala sa kanya doon. Gulat na gulat ang mga tao lalo na’t kalalabas lang ng bago nyang pelikula. He went right away to Bless’ room at naabotan ang doctor at si yaya na nag-uusap. Pati ang doctor ay nagulat dahil parang namukhaan nya si Paolo.

“Hi doc, I’m her boyfriend.” Pakilala agad ni Paolo sa doctor. “May I know what’s going on with her, doc? She was completely fine yesterday at nagsi-swimming pa nga kami the other day. Bakit, anong sakit nya?”

“Well, sir. It’s nothing very serious dahil I don’t think we need a surgery. It seems she has peptic ulcer at siguro nasobrahan ang alcohol nya kahapon kaya sumakit ang tyan nya. As long as she drinks the medicines religiously gagaling sya at hindi na kailangan ng surgery.”

“Oo nga doc, nagkasakit na rin sya dati niyan nong college pa sya.” Matagal na kasi si yaya nagtatrabaho sa kanila kaya kabisado nya ang buhay ni Bless noong bata pa.

May mga gamot na pinabili ang doctor at may maraming pinagbawal kay Bless for now. Binili muna ni yaya ang mga gamut at iba pang kailanganin ni Bless dito sa hospital. Nang bumalik si yaya ay inasikaso ni Paolo ang bayarin sa hospital at kinausap ang management na walang maglalabas na kahit na anong information tungkol ky Bless at idedemanda nya ang hospital kung sakaling may magkamaling maglabas ng information tungkol kay Bless.

“Yaya umuwi ka muna at kawawa naman si Gerry doon. Ako nalang magbabantay muna dito. Pwede ko naman papuntahin si Ate Lyn dito kung kailangan kong magpahinga. Alam na ba ng parents ni Bless na nandito sya sa hospital?” Tanong ni Paolo.

“Hindi ko pa po sinabi sir, dahil mag-alala yon lalo na ang daddy nya. Bunso kasi sya kaya mahal na mahal yan ng mga magulang nya.” Sabi ni yaya nang biglang sumigaw uli si Bless sa sobrang sakit ng tyan nya. Dali-dali nilang tinawagan ang doctor at nurse.

“Doc, she’s bleeding.” Natatarantang sabi ni Paolo at hindi mapakali. “Please do something!” Muntik na nyang sigawan ang doctor.

“Is she pregnant?” Tanong agad ng doctor kay Paolo.

Paolo was shocked. He never expected the doctor would ask him like this. It never occurred in his mind that Bless could be carrying his baby.

At totoo ngang buntis si Bless and lost the baby dahil sa maraming gamot that were injected on her. Napaupo si Paolo sa sofa at tumulo ang luha nya. Hindi nya alam ang sasabihin at gagawin. Kung magalit ba sya kay Bless or sa sarili nya. Pero mas naawa sya kay Bless. He was staring at her sound asleep because she was being sedated. He was thinking na kung hindi sana siya umalis kahapon at uminom ng alak ay hindi sana mawawala ang baby nila. Pero naisip na rin nya na baka nagselos si Bless ng makita si Sharon sa bahay nya kaya ito umalis. At gusto rin nyang sisihin si Daddy J dahil kung hindi ito dumating kasama si Sharon ay masaya sana sila ni Bless ngayon at mabubuhay ang baby nila.

Umalis na pala si yaya na hindi narinig ni Paolo na nagpapaalam because he was thinking so deeply. Lumapit sya sa tabi ni Bless at hinawakan ang kamay nito. Nagising si Bless kahit na hilong-hilo pa at antok na antok. Binitiwan nya ang kamay ni Paolo at tumalikod ito.

“Don’t move, baka mapano ka.” Sabi ni Paolo. Hindi sya pinansin ni Bless. “Are you still mad at me?” Mahinahong tanong ni Paolo.

Hindi sya kumibo and she closed her eyes. “I want my mom.” Mahinang sabi ni Bless.

“What do you want ha? Masakit pa ba tyan mo?” Tanong ni Paolo.

“I want my mom!” Sigaw ni Bless kahit na nanghihina pa sya. At tumulo ang luha nya.

Paolo called yaya to tell her na papuntahin ang mommy ni Bless dahil hinahanap nya ito. Narinig ito ni Bless at nakatulog sya uli dahil pa rin sa effect na gamot.

Tinatawagan si Paolo ng Daddy J nya dahil naghihintay sila sa kanya at magmi-meeting sila. Galit na galit si Paolo sa Daddy J nya dahil may sakit na nga si Bless at trabaho pa rin ang nasa isip nito. Hindi nya iiwan si Bless hanggang hindi ito gumaling. Buong araw syang walang pahinga at nakatulog sya sa pagod na nakaupo sa chair sa tabi ng bed ni Bless.

Chapter 17

Nagising sya nang biglang may pumasok. Sigurado syang mommy ito ni Bless dahil maganda at kamukha nya.

“Good evening po.” Bati ni Paolo sa mom ni Bless at nagmano sa kamay.

“Oh my god. Are you Paolo Martin?” Tanong agad ng mom nya na parang na-starstruck sa nakita nya. Narealize agad ni Paolo na hindi pa pala alam ng family ni Bless ang tungkol sa kanila.

“Yes po madam.” Nahihiyang sagot ni Paolo.

“Anong ginagawa mo dito sa kwarto ng anak ko?” Nalilito sya kong bakit nandoon si Paolo sa loob ng kwarto ng anak nya.

“I’m her boyfriend po. Sorry at hindi nya po nabanggit sa inyo.” Nahihiyang sagot pa rin ni Paolo.

“Oh my god. Since when? And papano nangyari? Hindi kasi si Bless mahilig sa showbiz eh, at nakakapagtaka ikaw ang naging boyfriend nya.” Na-starstruck pa rin sya at bahagyang nakalimutan na nandito sya para dalawin ang anak na may sakit.

“Mom!” Mahinang sabi ni Bless nang magising at narinig sila.

Lumapit agad ang mommy ni Bless at niyakap sya. Umiiyak si Bless. Parang naghahanap sya ng kalinga sa mommy nya after all these years na umalis sya sa bahay nila and have her own life with her son.

Paolo went out so they can have their privacy. Tinawagan nya ang office ni Bless to let them know what happened at hindi sya makakapasok for a few days. He was looking for a vendor machine to have some coffee. He also bought one for Bless’ mom. Maraming mga vloggers at taga media ang nag-aabang sa labas ng hospital at inutusan ni Paolo ang management na walang makakapasok na mga taga media. Buti nalang at maliit lang ang private hospital na iyon at nako-control agad ang mga outsiders. He can’t stay long outside dahil maraming nakapansin at bumabati sa kanya. Bumalik nalang uli sya sa room and gave the coffee to Bless’ mom.

Nakatulog uli si Bless. Paolo told her mom about her condition. Nagulat ang mommy nya when she learned that she had miscarriage. Ganun na pala kaseryoso ang relationship nila dahil nabuntis na si Bless. Paolo promised her that she will marry Bless kung maayos na ang lahat para maramdaman ng mommy ni Bless na seryoso sya sa anak nito.

After staying for more than hour ay nagpaalam na ang mommy ni Bless. Masaya naman palang kausap at hindi mayabang si Paolo na-realize ng mom nya. Kailangan nyang umuwi dahil busy sya sa business nila. Baka babalik nalang sila bukas kasama ang dad ni Bless kung hindi rin ito busy sa business nila. Pinangako naman ni Paolo sa mom ni Bless na hindi nya pababayaan ito.

Pinapapunta nya si Ate Lyn para magdala ng gamit nya at pagkain noong gabing iyon.

Doon lang si Paolo natutulog sa chair sa tabi ni Bless kahit na may sofa naman doon na pwede syang humiga. Nagising si Bless at napansin nya si Paolo na natutulog sa tabi nya. Na-realize nya na hindi naman talaga sya pinabayaan ni Paolo sa mga panahong iyon. Nagising si Paolo nang gumalaw ang kamay ni Bless.

“Hi baby. How are you feeling na?” Tanong agad ni Paolo. “What do you want? Sabihin mo lang okay? Okay na ba ang pakiramdam mo?” Sunod-sunod na tanong ni Paolo sa kanya.

Tahimik pa rin sya. Paolo kissed her forehead and then her right hand na hawak nya. “Please talk to me.” Pakiusap ni Paolo sa kanya.

“I want to go home.” Sabi ni Bless.

“I don’t think pwede ka ng lumabas mahina ka pa, okay? I’ll ask the doctor when he comes in kung kelan ka pweding lumabas. Basta just follow everything na advice ng doctor sa ‘yo para gumaling ka kaagad.” Sabi ni Paolo.

They stayed for five days at the hospital. Nang pwede na syang lumabas ay gusto nyang umuwi sa bahay nila dahil na-miss nya ang anak nya. Ayaw na nya muna doon sa bahay ni Paolo at lalo na sa apartment nya. Doon na muna sya magpagaling sa bahay nila ng parents nya. Kahit na anong pilit ni Paolo na doon sa bahay nya sila uuwi so he can continue take care of her but she insisted to go home.

Chapter 18

Hinatid nya si Bless sa bahay ng parents nya. Tahimik lang si Bless sa byahe nila. Hindi na rin nagsasalita si Paolo para hindi masira ang araw ni Bless. Nadaanan nila ang favorite dating place nila ni Bless at dati nyang boyfriend.

“Gusto mo dumaan tayo saglit dyan?” Paolo slowed down the car.

Bless nodded her head slowly. Paolo turned right para maghanap ng lugar to park his car. He opened the window to feel the sea breeze.

“I remembered the first time you brought me here.” Nakangiting kwento ni Paolo. “I lied to you na I was looking for a furniture shop dahil ang totoo, gusto lang kitang makita at makasama. Buti naman at very effective ang ginawa ko.” He grinned as he remembered those days. Napangiti na rin si Bless kahit papano.

“Let’s go na at malayo pa ang sa amin.” Mahinang sabi ni Bless.

Paolo was surprised when they arrived at Bless’ home. Mayaman naman pala talaga sila dahil sa laki ng bahay nila. Nahihiya sya sa family ni Bless at first time nyang ma-met ang daddy at dalawa nyang kapatid na mga lalaki na kapwa may mga families na rin. Excited naman ang family nya dahil may kasama syang sikat na artista. But it’s not why they are all here, they are here for Bless na dati ay spoiled brat at pasaway na anak, at naglayas, at nagbagong buhay dahil matured na.

Niyakap agad ni Bless ang anak nya. Kinarga rin agad ito ni Paolo ng makita nya. Dinala ni Bless si Paolo sa bedroom niya at nagpapahinga sila.

“I just realized kung gaano kayo kayaman at kung gaano ka kamahal ng family mo.” Sabi ni Paolo.

“Mga parents ko lang ang mayaman at hindi ako. Dati kasi akong pasaway na anak kaya nang matoto na ako sa buhay I decided to have my own life alone without depending on them.” Sabi ni Bless.

“I really admired you for that. You are a very independent woman. At hindi ka nagmamayabang kung anong meron ka. In fact, iniwan mong buhay mo dito at nagsusumikap magtrabaho para sa anak mo. I’m so proud of you, Bless. Dati sinasabi mo sa akin hindi ka karapat dapat sa akin, now I realized na ikaw talaga ang pangarap kong makasama habangbuhay. And I promise I will take care of you and Gerry.”

Tumulo na naman ang luha ni Bless at nagtataka si Paolo.

“What’s wrong?” Tanong ni Paolo.

“May baby na nga pala sana tayo at kasalanan ko kung bakit nawala.” She cried having said this.

“Hey, forget about it na okay? Gagawa uli tayo ng isa. Not just one but more.” Biro ni Paolo para naman mapangiti nya si Bless.

“Bakit nga ba nandoon si Sharon si bahay mo last week?” Hindi nya matiis at tinanong nya talaga si Paolo dahil nasaktan sya noong nagpunta si Sharon sa bahay nya last week at kaya sya naglasing at nagkasakit at nalaglag tuloy ang baby nila.

“Ah now I know.” Sabi ni Paolo. “Sya ba ang dahilan kung bakit ka umalis at naglasing noong time na yon? Nagseselos ka kay Sharon?”

She was just silent and didn’t know what else to say. Pero yon naman talaga ang totoo. She was jealous. Natawa si Paolo at niyakap sya.

“Hindi ko naman talaga type si Sharon. Ka-love team ko lang yon dahil nag-click ang tandem namin but I never really liked her. Nainis ako ni Daddy J kung bakit nya dinala sa bahay na hindi ko alam. May pinagpaplano na naman silang parang comeback movie namin ni Sharon pero I strongly declined na. Nagpaalam na ako ky Daddy J na I will really resign na from acting jobs. Siguro sa commercials nalang kung swertihing may mag-offer uli but movies, ayoko na. I’m going to pursue my plans to settle down here, put up a business and have a family with you.” Seryosong sabi nya habang yakap-yakap ang isa’t isa.

Nakatulog sila at nagising nalang nang kumatok si yaya para tawagin sila for dinner. Kompleto lahat ang family ni Bless at medyo nahihiya pa si Paolo pero very accommodating naman sila lalo na ang Daddy ni Bless. Madali naman silang nagkaintindihan at business proposal agad ang pinag-uusapan. After dinner ay nagpapa-picture kay Paolo ang mga tauhan nila ni Bless sa kusina. Kinuha ni Bless ang mga cellphone nila at lahat nagpapa-picture kay Paolo at natuwa na rin si Paolo dahil masaya ang lahat sa pag-bisita nya sa family ni Bless.

Kinabukasan ay umuwi agad si Paolo dahil marami syang asikasohin dahil 5 days syang nawala sa pagkaka-hospital ni Bless. And confident naman sya na may mag-aalaga ky Bless habang wala sya.

Chapter 19

Two weeks ang vacation ni Bless from work at hinahanap na sya ng boss nya. Hinahanap na rin si Gerry ng lolo nya dahil matagal na nila itong hindi nakikita. She went back to work one week after she was admitted to the hospital so she can totally recover. Paolo called her everyday to check on her. Kinuha sya ni Paolo sa bahay nila at doon pa rin pinatira ni Paolo sa bahay nya when she went back to work. Paolo asked her to resign but ayaw nya talaga dahil mahal nya ang work nya.

When she was about to leave from work nagulat sya dahil magulo sa labas. Ang sabi ng OJT may mga vloggers daw at taga media nag-abang sa kanya sa labas. Kinakabahan sya pero wala na syang pakialam. Nagmamadali syang naglakad papunta sa car nya at sinundan sya ng mga taga media pero hindi sya nagsalita. Mabilis syang umalis para hindi sya masundan at nagmamadaling makauwi sa bahay ni Paolo. Nasa city kasi si Paolo para may mga asikasohin. Nasundan nga sya pero at least safe na sya sa loob ng compound. Tinawagan nya agad si Paolo about what just happened. Sinabihan nalang sya ni Paolo na huwag na lumabas kahit saan at ipahatid at sundo nalang sya ni Kuya Boyet everyday sa work nya. Magsasawa rin sila at mapapagod kung hindi pansinin sabi ni Paolo.

Pagbalik nya sa work the next day medyo hindi na masyado maraming taga media pero marami naman ang tumatawag sa office nila. Nahihiya na sya sa boss nya. Pinagbawalan na nya lahat ng outside callers and never entertained their questions.

Weekend came and pauwi na si Paolo dahil natapos na ang mga inasikaso nya. On that evening after dinner he invited Bless beside the pool side dahil maliwanag ang araw. Tapos ay naglakad lakad na naman sila beside the seashore at saka umupo sa coconut tree bench. May kinuha sa bulsa si Paolo at kinuha ang kaliwang kamay ni Bless.

“Alam kong hate mo ang limelight at gusto mo ng privacy. Kaya kahit na gusto ko ng magarbong proposal, I chose to do it secretly para matuwa ka.” Nakangiting sabi ni Paolo habang nilagay sa daliri nya ang magandang ring na may malaking diamond stone at kinakabahan si Bless.

“I want you to marry me. Please?” He smiled and kissed her hands after pinasok ang ring sa daliri nya at naghihintay ng sagot.

Naiyak si Bless at niyakap si Paolo.

“I need a confirmation.” Biro ni Paolo.

“Obviously, yes naman, di ba?” Natawa sila. “Yesss!” Sigaw ni Bless.

Bless told her family about their engagement but Paolo tried to keep it from his staff muna.

The next day Paolo decided na magdi-date sila because they never tried going out as a couple dahil nga iniiwasan nila ang gulo. But this time wala na silang pakialam dahil gusto nila ma-experience ang magdi-date as a normal couple. They went to a restaurant na walang reservation para walang makakaalam na nandoon sila. At kahit na may mga makapansin man sa kanila ay bahala na basta eenjoy lang nila ang sarili nila as normal couple. Marami ngang napapa-picture sa kanila sa pag-alis nila sa restaurant. The next day maraming pictures nila ang kumakalat sa social media pero they just tried to ignore it nalang. Since then marami nang tumatawag ky Paolo for an interview but he tried to refuse them. He wanted to keep his lovelife discreet as much as possible.

Pinag-resign na talaga ni Paolo si Bless sa work nya so they can concentrate working on his own business plans. Binibisita nalang ni Bless ang boss nya paminsan-minsan dala ang anak nya dahil nami-miss ito palagi ng lolo nya. Natuwa na rin ang boss nya na engaged na sya uli at sa isang sikat actor na dati nilang client.

After six months ay nagpakasal sila doon sa lugar nila ni Bless dahil nandoon lahat ng kamag-anak ni Bless. Umuwi rin ang Ate Pinky ni Paolo kasama ang family nito to attend the wedding. Very star-studded ang wedding dahil marami ang natuwa sa lovestory nila at sa mga pinagdaanan nila on how they preserved their relationship away from the public. Marami rin ang nag-offer ng gifts whether cash or services sa kanilang dalawa at dahil commercial model din si Paolo so binibigyan sya ng maraming gifts from the company brands that he was promoting on.

Naghoneymoon sila sa Italy dahil taga-roon na rin ang Ate Pinky nya at sabay silang umalis papuntang Italy one week after the wedding. Sinama naman si Gerry dahil three years old na ito at kaya na nilang alagaan kahit wala ang yaya.

Natupad ang pangarap ni Paolo na magkaroon ng resort hotel sa tulong na rin ng daddy ni Bless. Ito na ang pinagtutuonan nilang business ni Bless dahil nagpahinga na totally si Paolo sa showbiz career nya at magkakaroon na rin sila ng isang anak na babae. Tuwang-tuwa si Gerry dahil excited na sya sa baby sister nya.

 

~The End~

 

 

  

Comments

Popular posts from this blog

To Sir, With Love

BECAUSE OF YOU

LANGIT AT LUPA