THE FARMHOUSE
Prologue
He was trying to contemplate of his past life while lying
in his bed because he can hardly sleep at that moment kahit maghahating-gabi na
dahil hindi nya mahanap si Diana. As he recalled, he was enrolled in a drug a rehabilitation
center for one year and decided to stay in his father’s farmhouse after he was fully
recovered and released. Nagbagong buhay sya after sya na-rehab at ayaw na nyang
bumalik sa malaking bahay nila sa Manila. He decided to start a new life in the
small town na kung saan may malaking farm ang daddy nya. He was the eldest, the
only son, and has two other younger sisters. Mayaman ang angkan ng mga Legazpi and
someday, Miguel Legazpi could be the next CEO and the primary heir of their businesses
and properties.
His parents were so disappointed on him. Dahil mayaman ay
laki sa layaw at bulakbol sya sa school. Matagal nyang natapos ang high school
at mas lalo na ang college kung saan palipat-lipat lang sya ng course at wala
syang natapos. He never made his parents proud of him unlike his two younger
sisters who were so diligent and finished their education. Until Miguel were
deeply mired into illegal drugs and other vices including women, his parents
gave up and lost their hopes for their one and only son.
At the age of 31, he was renewed, totally recovered, and
decided to start anew with his life in the small town. Hiyang-hiya sya sa
family nya when he realized everything that he had wasted. When he was released
from the rehabilitation center ay dito na sya tumira sa maliit na bayan kung
saan may malaking farm ang daddy nya at sya na ang namamahala. Pinabayaan na
rin sya ng parents nya sa mga desisyon sa buhay dahil pagod na nga sila sa kanya.
Supportive naman ang parents nya kung may kailanganin sa farm at dahil napapalabo
niya ito ng maayos. Marami na silang clients na nasu-supplyan nila sa mga
produkto na galing sa farm from the ranch, poultry, including fruits and
vegetables. Then when he was able to save enough money after three years he
bought his own farm with fishpond and rice fields.
Pina-renovate na rin nya ang malaking lumang farmhouse ng
dad nya where he was staying. Para na rin itong vacation house ng family nya if
they wanted to get away from the city life. They usually spent vacation here
during summer dahil malamig at meron din naman itong swimming pool. Kontento na
si Miguel sa buhay nya ngayon at napapalapit na rin sya sa Diyos and he always went
to church every Sunday. He also tried to forget about lovelife dahil masyado
syang nasaktan noong iniwan sya ng last girlfriend nya noong nasa
rehabilitation center pa sya at nagpakasal ito sa iba. Hindi man lang sya
dinamayan during those times when he needed her the most because he was totally
lost with his life.
Chapter 1
“Hoy! Anong ginagawa mo dyan sa kusina?” Sigaw ni Miguel
kay Diana, ang anak ng kanilang labandera na si Aling Chayong. Tuwing
Miyerkules at Sabado ay nagpupunta sya sa bahay ng mga Legazpi para maglalaba.
“Sabi po ng yaya nyo pwede po akong kumain nang cake. Sya
mo naman po ang kumuha nito para sa amin ni nanay.” Nahihiyang paliwanag ni Diana
sa kanya.
“Baka may ninakaw ka dyan ha?” Pagbibintang ni Miguel kay
Diana.
“Naku, Miguel, hindi naman magnanakaw si Diana. Pinakain
ko lang ng tirang cake at ang nanay nya na nasa likod naglalaba.” Paliwanang ng
yaya ni Miguel. He was only twelve years old then while Diana was seven. “Sige
na, Diana, dalhin mo ‘yan sa likod para makakain din ang nanay mo. Huwag mong
kalimutan itong juice.”
Nakasimangot ang mukha ni Miguel at sekreto nyang
sinundan si Diana papuntang likuran ng bahay nila while his yaya was busy
cleaning up in the kitchen. It was Saturday morning so wala syang pasok at
ganun na rin si Diana kaya dinala sya ng nanay nya dito dahil walang maiwan sa
kanya sa bahay nila. Nasa palengke ang Ate Elizabeth nya para magtinda ng mga nilutong
kakanin ng nanay nila.
He intentionally ran towards Diana ang bumped into her
and the pieces of cake in a paper plate fell on the ground. He laughed and then
suddenly left her. Nakita ito ng nanay ni Diana and Diana almost burst in tears
as she approached her mother.
“Hayaan mo na anak. Makulit kasi yang si Miguel. Bibili
nalang tayo ng burger mamaya pag-uwi natin.” Naawa si Aling Chayong sa anak
nya. “Inumin mo nalang ‘tong juice masarap din naman ‘to.”
Since then minsan nalang sumasama si Diana sa nanay nya
sa paglalaba dahil naiinis sya ky Miguel pag nakikita nya ito. Palagi kasi syang
binu-bully ni Miguel at kung anu-anong kalokohan nalang ang gagawin sa kanya. She
would rather study her lessons at home on weekend and promised to herself at a
very young age that she will also become rich someday para hindi na sila nilalait
ng mga mayayamang katulad ni Miguel. Minsan sumasama nalang sya sa Ate nya na
nagtitinda sa palengke.
Diana was only five and her elder sister was ten when
their father left them for another woman. Kaya nagsusumikap magtrabaho ang
nanay nya para mabuhay sila. Kahit minsan ay nahinirapan na sya pero hindi ito sumuko
and kept dreaming that someday maayos din ang buhay nila kapag napatapos nya sa
pag-aaral ang mga anak nya. Mabait naman ang mga amo nya sa kanya lalo na si
Mr. Legazpi, ang daddy ni Miguel at maayos din ang sahud nya. Madali rin syang
nakakautang ng pera sa mga amo nya sa panahon na gipit na gipit sya.
Chapter 2
Few years passed at nakatapos din ang Ate Elizabeth nya
sa high school. Dahil walang budget for college ay namamasukang sales lady ang
Ate nya sa isang maliit na department store. Patuloy pa rin sa paglalaba ang
nanay nya. Diana studied hard at ang kahirapan nila ang nagsilbing inspirasyon
nya para magtagumpay sya sa mga pangarap nya someday.
Then she also finally graduated in high school and
decided to pursue college kahit ayaw na ng nanay nya dahil hindi kaya sa budget
nila. She applied for a UP scholar and was able to take up Journalism.
Nagpa-part time din sya sa isang bookshop as sales lady kaya marami syang nababasang
mga libro whenever she had the luxury of time.
Matalino si Diana kaya hinayaan nalang sya ng nanay nya
sa mga desisyon nya sa buhay dahil madiskarte ito at nagtatagumpay naman.
Natutuwa rin ang nanay nya dahil napakabait ng mga anak nya at hindi siya
nagkakaproblema. Lumaki itong may mga angking ganda at magandang ugali kahit
mahirap lang sila. She’s one proud mother of two beautiful girls na kahit mahirap
ay parang mga prinsisa nya ang mga ito that’s why she named them Elizabeth and
Diana.
“Ate, pagka-graduate ko po ikaw na naman ang pag-aaralin
ko. Hindi pa naman huli kaya maghahanap agad ako ng work para hihinto ka na sa
trabaho mo at mag-focus ka sa pag-aaral. At hihinto ka na rin Nay sa paglalaba
kung may work na po ako, okay?” Sabi ni Diana habang naghahapunan sila. “Isang
taon nalang at ga-graduate na po ako.”
“Patuloy lang sa pagdadasal anak ha at tuloy-tuloy din
magtatagumpay ang mga pangarap mo.” Tuwang-tuwa ang Nanay nya.
“Hindi ba nakakahiya sa age ko kung babalik ako sa pag-aaral?”
Sabi ni Beth. Ito ang tawag nila sa kanya dahil masyadong mahaba ang Elizabeth.
“Naku, hindi po Ate. Ang daming matatandang studyante kaya
sa UP ang napansin ko. Wala namang pinipiling edad ang college.” Sabi ni Diana.
“Basta gusto ko makatapos ka rin kapag nakapagtrabaho na ako.” Ito ang mga
pangarap nya sa pamilya nya.
So, she finally graduated with honors and very proud and
happy ang Nanay at Ate Beth nya. Nagluto ng konting salo-salo ang Nanay nya at
masaya silang naghahapunan sa maliit nilang bahay. Beth invited her boyfriend
na rin dahil kilala naman nila ito at mabait din. Eventually, her Ate Beth got
married and was not able to pursue her college education.
Chapter 3
Pangarap nya ang makapasok sa malaking network and be a famous
Journalist one day. Because she had outstanding record and have work
experiences ay hindi nahirapan si Diana mag-apply ng work. She was hired as a
field researcher and writer. She also tried to maintain her body figure and make
sure she’s always presentable dahil pangarap nyang maging sikat na documentary
TV host like Korina Sanchez.
“Nay, pwede nyo ho bang pakiusapan si Mr. Legazpi na makitulog
po ako ng isang gabi sa bahay nila sa probinsya ngayong Sabado? Para makatipid
naman po ako sa gastos sa trip ko doon.” Pakiusap ni Diana sa Nanay nya. “May
assignment po ako sa bayan nila kailangan ko ma-interview ang Mayor.”
“Naku, nakakahiya naman anak. Pero susubukan kong
kausapin bukas. Ang alam ko hindi naman sila palaging nagpupunta doon at mga
tauhan lang nila ang nandoon palagi.” Sabi ng Nanay nya.
“Nay, very important po sa akin ang project kong ito.
Kailangan ko hong ma-interview ang Mayor dyan sa bayan nila Madam Conchita para
sa documentary film ng boss ko. Mahirap magpa-schedule sa secretary at buti
pinayagan ako sa Sabado. Kaya kahit na malayo ay pupuntahan ko po.” Paliwanag
nya sa Nanay nya.
It was almost getting dark when they arrived at the small
town at gutom na sya. Kasama ni Diana ang cameraman nya sa byahing iyon pero
doon ito mag-stay sa tyuhin nya at magkikita nalang sila sa munisipyo bukas. Hindi
kasi sya pwedeng isama doon dahil maliit lang at masikip sa bahay ng tyuhin ng
cameraman nya.
More than an hour ang byahi at first time nyang pumunta
sa bayan na ito. Bukas, Sabado ng hapon ang schedule ng interview nya with the
Mayor but she wanted to come early to make sure dahil baka magkaproblema pa sa
byahi kung bukas na sila aalis. Uuwi agad sila right after the interview para
hindi masyadong magastos at nakakahiya pa naman magtagal sa bahay ng amo ng
nanay nya.
“Manong alam nyo ho ba ang address na ito? Malapit lang po
ba ito sa munisipyo?” Tanong ni Diana sa traysikel driver.
“Abay kilalang-kilala ang bahay na yan dito dahil sa napakaganda
at malaki. Malapit lang yan sa munisipyo. Gusto mong magpahatid at ihatid na
kita?” Sabi ng driver.
At nagpahatid sya doon sa address na binigay nya. She was
enjoying the beautiful scenery on their way to the farmhouse. When she arrived
she was amazed of the beautiful modern Vegan house and it’s well-manicured
landscape. Nag-iisang bahay na nakatayo sa napakalawak na lupain na kung saan
sa likuran ay may malaking rancho at plantation ng iba’t-ibang gulay at prutas.
She rang the doorbell and a security guard opened the small door from the main
huge gate. Sinabi nya sa guard ang pangalan nya at alam agad ito ng guard na darating
sya at pinapapasok sya. Tinawagan ng guard ang katulong sa intercom at lumabas
agad ito para salubungin sya.
“Ikaw ba si Diana Soriano?” Tanong ng katulong.
“Yes, po.” Maikling sagot nya.
“Ang ganda mo pala. Sinong mag-aakalang anak ka ng
labandera nina Madam Conchita.” Biro ng katulong. “Halika pasok ka sa loob.
Mabuti nalang at paminsan-minsan may bisita kami kasi ang tahimik dito. Minsan
lang kasi nagpupunta sila Madam Conchita dito at ang mga anak nya para
magbakasyon pero kadalasan dalawa o tatlong araw lang. Si Sir naman ‘yong isang
anak nya na dito na namamalagi ay busy din dahil may isang farm na binili sa
kabilang baryo.” Madaldal din pala itong katulong naisip ni Diana at mabuti
nalang medyo feel at home sya.
Chapter 4
She was offered to sleep at the guest room downstairs
near the living area. It was almost seven in the evening na kaya gutom na gutom
na sya. When she was settled she decided to eat a cup of noodles nalang na baon
nya dahil nahihiya syang lumabas sa kwarto. Pero kailangan nya ng hot water.
“Ate, pahingi po ng hot water magluluto po ako ng
noodles.” Nahihiyang sabi nya as the maid was preparing the dining table for
dinner.
“Naku, magno-noodles ka lang? Hindi, kakain ka dito at
may maraming ulam.” Sabi ng katulong.
When suddenly a man came in and Diana was shocked.
“Ate, anong ulam nagugutom na po ako.” Sabi ni Miguel. And
he was surprised to see Diana, too in the kitchen. He just arrived after his visit
with the other farm that he just bought in the next town.
“Ay Sir Miguel, si Diana pala bisita natin. May importanteng
appointment daw sya bukas sa munisipyo kaya dito muna sya matutulog. Nagpaalam
naman sya sa daddy mo.” Nakangiting sabi ng katulong.
She was shocked and speechless. Hindi nya akalain na si
Miguel pala ang sinasabing isang anak ni Madam Conchita na namamalagi doon.
Wala na kasi silang balita tungkol kay Miguel for so many years. At tinago rin
ng family ni Miguel ang tungkol sa nangyari sa kanya na na-rehab sya to protect
their name from shame and to protect Miguel na rin.
“Hi!” Nakangiting bati ni Miguel kay Diana. “So, you are
Diana ‘yong anak ni Aling Chayong?” He smiled as he asked.
“Yes po.” Nahihiyang sagot nya and was nervous. “Kayo na
ho ba si Sir Miguel?” Tanong nya.
“Yeah.” Nakangiting sagot nya habang inabot ang kamay for
a shake hand. “It’s so nice to see you here. Hindi man lang sinabi ni daddy na
may magandang bisita pala kami ngayon.” Parang na-excited syang makita si Diana
samantalang binu-bully nya lang ito noong maliit pa sila. “Halika let’s have
dinner together.” Umupo sya sa pinakadulo ng dining table.
“No, no, sir. May baon po akong pagkain.” Nahihiyang sabi
nya at pinakita ang dala nyang noodles in a cup. “Sanay na ho ako na ito ang
hapunan ko palagi.” Natatawang sabi nya pero nahihiya talaga sya.
“No, I insist. I want you to have dinner here. Marami
namang pagkain dito. At saka para makabawi naman ako sa mga pangbu-bully ko sa
yo noong maliliit pa tayo.” Nakatawang sabi ni Miguel. “Pasensya ka na ha sa
mga kakulitan ko noong maliit pa ako. I was so damned asshole talaga when I was
a kid. At kahit na lumaki na ako asshole pa rin.” Natawa sya.
“Okay lang ‘yon sir. Ganun naman talaga tayo pag bata pa,
makukulit. Kalimutan mo nalang ‘yon… Doon nalang po ako kakain sa kwarto ng
noodles kasi marami po talaga akong gagawin para bukas. Kung okay lang po ba sa
inyo na doon kakain?” Paalam nya kay Miguel.
“Hindi ‘yan okay dahil gusto kong kumain ka dito.” He
stood up and grabbed a chair for Diana sa dining table.
At walang nagawa si Diana and she sat down and have
dinner with Miguel. Hiyang-hiya talaga sya pero masarap naman kausap si Miguel
at palagi syang pinatatawa nito. Naninibago sya dahil ibang Miguel ang kaharap
nya ngayon. Gwapo at magalang, at nakakatuwa.
Chapter 5
They have talked so many things about their personal
lives but Miguel didn’t mention about his life at the rehabilitation center. It
suddenly came to his mind that he had been longing for someone that he wanted
to be with in his life of solitude in the farm. At hindi nya maiwasang mamangha
sa mga nalalaman nya tungkol kay Diana as they were talking about their lives.
“So, anong gagawin mo sa munisipyo bukas, if you don’t
mind me asking?” Tanong ni Miguel.
“Magi-interview po ako sa Mayor. May documentary film
kasi ang boss ko at inutusan nya ako dahil kasama po sa film niyang gagawin.”
Paliwanag ni Diana.
“Ah si Mayor. Kilala ko si Mayor sasamahan kita bukas
kung gusto mo.” Sabi ni Miguel.
“Naku huwag na sir. Sobra-sobra na nga itong tulong nyo
po sa akin.” Nahihiyang tanggi ni Diana.
“Hindi naman ako busy bukas dahil Sabado. I am always
busy during weekdays but weekend I always find time to rest.” Sabi naman ni
Miguel. “Ihatid na kita bukas, okay?” Pilit nya.
Matapos kumain ay nagpaalam agad si Diana dahil marami pa
syang gagawin at umakyat din agad si Miguel sa kwarto nya. Nagpaalam sya sa
katulong na gagawin ang work nya sa may pool side dahil mahina ang signal ng
cellphone nya sa loob ng guest room. Napansin ni Miguel na maliwanag ang ilaw
sa pool side at sumilip sya sa balcony sa second floor. He noticed Diana in the
pool side busy working in front of her laptop kaya bumaba agad sya para samahan
ito.
“Hi, pwede ba kitang samahan dito?” He asked as he was
approaching Diana in the pool side sitting inside the mini gazebo.
“Sure naman po, sir. Kayo ho ang may-ari dito at
nagpapaalam pa po kayo sa akin.” Nakangiting sabi nya. “Lumabas po ako kasi
mahina ang signal sa loob ng kwarto. Hindi kaya ng data ko ang file na I’m
trying to send to my boss.”
“Malakas naman ang wifi dito ah. Naka-wifi ka ba?” Tanong
n Miguel.
“Hindi po naka-data lang po.” Sabi ni Diana.
“Sige you open your wifi and I’ll give you the password.”
Offer ni Miguel.
“Naku, sir huwag na. Nakakahiya na talaga po sa inyo.”
Nahihiya na naman sya sa sobrang bait ng taong ito sa kanya ngayon.
“Hindi mo matapos ‘yan kung mahina ang signal mo sige
ka.” Biro ni Miguel.
“Sige na nga po. Dahil kanina ko pa talaga sini-send tong
file at hindi talaga ma-send.” Sabi ni Diana. So, Diana opened the wifi and
Miguel typed in the password.
“At saka, pwede ba huwag mo na akong tawaging Sir? Miguel
nalang. Friends na naman tayo di ba? Hindi na kita bu-bullyhin uli, I swear.”
Biro ni Miguel as he raised his both hands.
Hindi sya makapagsalita at hiyang-hiya na talaga sya sa
anak ng amo ng nanay nya. Masyadong mabait sa kanya ngayon si Miguel that she
can’t avoid but admire him. Napangiti nalang ang sagot nya kay Miguel.
“Matagal ka na bang namamalagi dito?” Hindi nya maiwasang
magtanong.
“Yeah, this has been my life for like 3 or 4 years? Mas
gusto ko ang buhay dito. Tahimik, walang gulo, at malayo sa pollution. Though
honestly, I feel bored sometimes but I can always find time to keep myself busy
dahil maraming trabaho sa farm. I really enjoyed working with a lot of people
kaya masaya na rin ako.” Mahabang kwento nya.
“Nasaan ba ang family mo? Ba’t ikaw lang mag-isa?”
Kuryusong tanong nya.
“Andoon sila mommy sa Manila, di ba? Alam naman siguro ‘yan
ng Nanay mo kung palagi pa rin syang nagpupunta sa bahay namin. Naglalaba pa
rin ba ang nanay mo sa amin?” Sabi ni Miguel.
“Opo… Ah pero hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. Your own
family, like your wife, or your kids.” Nahihiyang sabi ni Diana.
“Ah really? Mukha na ba akong may-asawa?” Natatawa sya sa
tanong ni Diana sa kanya. “I am not married and never been married. I don’t
even have a girlfriend if you believe it or not.” Biglang seryosong sabi nya.
Nagulat si Diana sa sinabi nya at natahimik sya. Hindi
nya alam ang sasabihin at nahihiya sya tuloy kung bakit natanong nya iyon bigla
kay Miguel.
“How about you? Husband or boyfriend?” Tanong agad ni
Miguel.
“Naku wala.” Nakangiting sagot nya. “Busy po ako sa work
dahil gusto ko hong matulungan ang family ko para maahon kami sa hirap kaya
wala akong panahon sa lovelife.” Nahihiyang sagot nya.
“Tatandang dalaga ka nyan kung ganun.” Biro ni Miguel.
“Hindi ka ba nagka-boyfriend kahit kailan?” Kuryosong tanong nya.
“Once lang noong nasa college pa ako pero sandali lang ‘yon.
Dahil nang una syang mag-graduate sa akin at nakapag-work abroad nag-asawa sya
bigla.” Natawang kwento ni Diana. “Hindi na uli ako nag-boyfriend dahil medyo
nasaktan din naman po ako pero wala na, matagal na ‘yon kasi.” Nakangiting
kwento nya.
It seems time was so fast at ayaw nilang matapos ang gabi
sa kwentuhan. Pero nagpaalam na rin si Diana dahil pagod sa byahi at antok na sya.
Masayang-masaya si Miguel sa gabing iyon at ayaw nya pa sanang maputol ang
kwentuhan nila but he didn’t refuse when Diana wanted to rest na.
Chapter 6
Matagal nagising si Miguel dahil weekend at hindi sya
busy. When he looked outside from his window in his bedroom nakita na naman niya
si Diana sa may pool side na may kausap sa phone nya at parang malungkot. He
hurried down and went to her because she looked so worried.
“Good morning. Is anything wrong?” Tanong nya agad.
“Yong secretary ni Mayor tumawag. May emergency meeting
daw kaya hindi pwede si Mayor mamayang hapon. Hindi raw pwede sa gabi dahil
uuwi na, at ‘yon lang ang rest time nya with his family until Sunday. So, sa
Monday na uli ang schedule ko first thing in the morning daw.” Nalungkot na
sabi nya.
“Eh, you wait nalang until Monday. Very welcome ka naman
dito magstay kahit na ilang days kung gusto mo.” Sabi ni Miguel.
“Naku, nakakahiya na talaga po sa inyo. At saka sayang
ang araw ko dito kung wala akong gagawin. Magastos naman kung uuwi ako at babalik
uli.” Nalungkot na sabi nya.
“Why don’t you come with me para hindi ka ma-bored dito?
Come on, let’s have lunch tapos isasama kita sa isa kong farm.” Suggest ni
Miguel and invited her to follow him in the kitchen to have lunch. Wala ring
nagawa si Diana at sumunod dahil nakakahiya naman if she will ignore again his
offer.
Buti nalang may dala syang extrang damit at nagbihis agad
after lunch para sumama kay Miguel sa invitation nya. Nahihiya pa rin sya pero
bahala na, naisip nya. Wala naman kasi syang gagawin sa araw na iyon.
Masaya na naman silang nagkwentuhan on their way to the
other farm. Diana was so amazed of the countryside view and greenery. She never
experienced having a vacation kasi sa probinsya ng Nanay nya dahil kapos sila
sa pera. At ngayon ay para na rin syang nakapagbakasyon dito kasama si Miguel.
Dumating sila sa isang napakalawak na lupain kung saan sa
gitna ay may tinatayong bahay na hindi pa tapos. On the far right side was a
big fishpond and on the far left side was a wide rice field. May mga maliliit
ding mga bahay na makikita sa hindi kalayuan at dito nakatira ang mga tauhan
nya.
“This is my own property. ‘Yong isa kasi sa daddy ko ‘yon
na minana pa nya ng lolo. So, I bought my own na rin para kung sakaling may own
family na ako may sarili kaming pagkakakitaan.” Proud na sabi nya.
“I’m sure sa’yo din ‘tong bahay na tinatayo, ano? Ang
swerte naman ng mapapangasawa mo.” Biro nya kay Miguel.
“Bunga lang ‘yan ng pagod at pawis. At ito kasi ang
ginusto kong buhay kaya pinaghahandaan ko. If I’m not lucky to find a partner
for life eh di, dito na ako magpakatandang mag-isa.” Biro nya. “Let’s get
inside.”
Hinawakan nya ang kamay ni Diana at pumasok sila sa hindi
pa tapos niyang bahay. Wala namang tao dahil weekend at umuwi na ang mga
construction workers. Nagkwentuhan uli sila saglit sa loob at nag ikot-ikot hanggang
sa second floor at matatanaw doon ang magagandang view ng fishpond at ang rice field.
She admired him so much on how he has changed and how he managed to plan well
for his future. Kahit na sinong babae ay magugustuhan talaga sya dahil sa
mabait na at gwapo pa. But she tried to avoid that thinking because she knows
it is very unlikely to happen that someone like Miguel, an heir to the Legazpi
businesses and companies will like an ordinary woman like her.
“Let’s have dinner sa favorite kong restaurant. I’m sure
magugustuhan mo dahil masarap at fresh ang mga seafoods doon.” He invited Diana
after they had a tour in his new farm.
“Naku, nakakahiya na talaga at huwag na. Sa bahay nalang
para hindi na magastos.” Nahihiyang tanggi niya.
“No, I insist, okay? Saglit lang tayo.” Sabi ni Miguel.
At ang saglit na iyon ay nagtagal nang ilang oras because
they really enjoyed talking while having dinner. And then they went home when
they suddenly realized it was getting late na pala.
“What time is your appointment kay Mayor on Monday?
Ihahatid kita.” Sabi ni Miguel as he parked his car when they arrived at the
farmhouse.
“Naku, Miguel ha. Tigilan mo na ako at talagang hindi na
ako uuwi sa amin pag masyado mo akong inaalagaan dito.” Biro nya dahil
hiyang-hiya na talaga sya sa sobrang bait ni Miguel sa kanya.
“I would love you stay forever if you want.” Nakangiting
sagot nya as they got inside the house.
“Matulog na nga lang tayo at antok na ako.” Umiiwas sya
sa huling sinabi nya and they bade goodnight.
Chapter 7
Nakasanayan na ni Miguel magsimba every Sunday mula nang
sya ay ma-rehab so he woke up early. When he went down for breakfast ay naisip nya na baka tulog pa
si Diana. Nagkape nalang muna sya and then went out to have a short ride with
his horse at the ranch because it was too early yet. Napansin nya sa unahan si
Diana na nagja-jogging at nilapitan nya while riding his horse.
“Alam mo bang ang layo na nang narating mo?” Sigaw ni
Miguel sa likuran ni Diana at nang huminto ito sa pagja-jogging at hiningal
sya.
“Oo nga pala.” Natawa sya. Natuwa sya nang makita si Miguel
na nakasakay sa kabayo at dahil first time nyang makakita ng totoong kabayo.
“I’d like to invite you to come with me, nagsisimba kasi
ako every 10am tuwing Sunday. Gusto mo bang sumama?” He asked as he got off
from the horse. Diana can’t refuse because this was her Sunday morning routine
that she doesn’t want to break if possible.
“Would you like to try riding? Nasubukan mo na bang
sumakay ng kabayo?” Nakangiting offer nya kay Diana dahil hinimas nito ang
mukha ng kabayo nya at natutuwa sya. “His name is Stallion, my favorite horse.”
“Naku huwag at hindi ako marunong baka mahulog pa ako
dyan.” Nakatawang sabi ni Diana.
“Alalayan naman kita. Halika turuan kita kung paano
sumakay.” Offer ni Miguel. Excited naman si Diana dahil pangarap naman nya na
makasakay ng kabayo. Naglakad nalang si Miguel habang sya ang sakay sa kabayo
pagbalik nila ng farmhouse.
Tuwang-tuwa si Miguel dahil first time nyang magsimba na may kasama. Since he met Diana again after so many years since childhood ay nabuhay uli ang damdamin nya na gusto nyang magkaroon ng kasama habangbuhay. Hindi nya akalain na mapupukaw uli ang damdamin nya nang makita nya si Diana dahil sa tagal ng panahon na namumuhay syang mag-isa . He can’t avoid thinking that Diana might be the perfect woman for him dahil mabait, matalino, simple at madiskarte sa buhay. At habang nakakasama nya si Diana sa maikling panahon ay hindi nya maitindihan ang saya ng damdamin nya. Kaya sinusulit nya ang mga panahong iyon habang nandoon pa si Diana and he examined himself kung nahuhulog na talaga ang loob nya kay Diana at gusto nya itong ligawan.
He was very happy to bring her at the church and then they
had lunch after. Hindi na uli makatanggi si Diana sa mga invitations ni Miguel
dahil mapilit ito. After lunch at a cozy restaurant ay umuwi na sila para
maagang makapagpahinga si Diana dahil may early appointment sya the next day. When
they arrived at the farmhouse he invited Diana to spend time muna sa may gazebo
at the pool side dahil hindi na naman mainit ang araw sa hapong iyon.
“Diana, pwede mo ba akong samahan muna dito sa gazebo? Masarap
ang sariwang hangin dito.” Nakangiting imbita nya kay Diana pagkababa nila sa
kotse.
“Sige na nga… Ang sarap mag-swimming.” Naiinggit sya sa
pool kahit hindi sya marunong lumangoy.
“Mag-swimming tayo kung gusto mo.” Nakangiting sabi ni
Miguel.
“Biro lang. Wala akong dalang damit pang-swimming, ano ka
ba. At saka hindi ako marunong lumangoy” Nakangiting sabi nya habang naupo sila
sa may gazebo.
“Hindi mo na kailangan mag-swimsuit kung gusto mong maligo
dyan. Gusto mo ngayon na samahan na kita. I’ll teach you how to swim.” Biro ni
Miguel.
“Naku huwag ha. Nagbibiro lang talaga ako.” Sabi ni
Diana.
At mabilis na naman ang oras sa kanila dahil hindi sila
nagsasawang magkikwentuhan. Then they had dinner sa loob ng bahay at nagpaalam
agad si Diana na magpahinga na after dinner dahil importante ang lakad nya bukas
and she needs to prepare pa.
Diana got up early the next day and prepared for her
appointment. Maaga syang nagbreakfast at tulog pa yata si Miguel. When she went
out from the guest room para pupunta na sa munisipyo ay nagulat sya na Miguel
was waiting for her na pala at ihahatid sya. Hindi na naman sya makatanggi
dahil mapilit ito.
Hinatid sya sa loob nga mayor’s office dahil kilala naman
ito ni Miguel. They talked shortly before the interview started. At nagkita
sila doon ng cameraman nya. Iniwan na muna sya ni Miguel at tatawag nalang sya
kung tapos na para susunduin at dahil uuwi na sya ng Manila pagkatapos.
Biglang nalungkot si Miguel nang hinatid na nya sa
terminal ng bus si Diana dahil pauwi na ng Manila. Diana noticed him being
silent as he was driving on his way to the terminal at hindi na rin sya
nagsasalita. When they arrived hinawakan ni Miguel ang kamay nya bago bumaba.
“Diana, pwede ba kitang tawagan kung kailangan ko ng
kausap?” Seryosong tanong ni Miguel.
“Of course naman. You have my number na naman eh.”
Nakangiting sabi ni Diana.
“Pwede ba tayong magkita uli? Pwede kang magbakasyon dito
uli kung gusto mo. Anytime, you are very welcome talaga kung gusto mong bumalik.”
Seryosong sabi ni Miguel habang nakatitig sa mga mata nya.
“Sana may assignment uli sa akin si boss dito at hindi
ako magdadalawang-isip na tawagan ka.” Biro nya.
“Hindi. Kahit na wala kang assignment dito pwede kang
bumalik anytime, okay?” Sabi ni Miguel.
At nagmamadali nang bumaba si Diana sa car ni Miguel para
hindi maiwan ng bus.
Chapter 8
Malungkot na bumalik si Miguel sa farmhouse. Tahimik uli
ang buhay nya. He tried to get busy nalang uli sa mga gawain nya sa farm para
hindi masyadong iniisip si Diana. He called her everyday para mangumusta and
just to talk anything dahil nami-miss nya ito at nahalata naman ni Diana. She
was really worried na baka nahuhulog na ang loob nya kay Miguel at ano nalang
kaya ang sasabihin ng nanay nya at mga parents ni Miguel. She tried to ignore
him by not answering his calls or messages. Pero minsan hindi nya matiis at
nagdadahilan nalang na busy sya palagi kaya hindi masagot ang mga tawag nya.
Two weeks passed after they met at the farmhouse, ay hindi
matiis ni Miguel at lumuwas sya ng Manila for the first time after five years
na namamalagi sa farmhouse. Alam naman nya ang office ni Diana because it’s a
very well-known and prestigious company kaya balak nyang abangan paglabas nya and
surprise her.
“Hi, what are you doing today?” Tanong ni Miguel as he
called Diana in her phone.
“Nasa work ako, sobrang busy. Bakit?” Tanong naman ni
Diana sa kanya.
“Anong oras ka lalabas?” Tanong uli ni Miguel.
“Ngayon na sana kaya lang mago-OT ako saglit dahil maraming
projects si boss.”
“Ah ganun ba. Sige hihintayin kita dito sa labas andito
lang ako sa harap ng building nyo.”
“What? Andito ka sa Maynila?”
“Nasa harap na nga ng building nyo, eh. Basta hintayin
kita dito.”
“Are you serious?”
“Lumabas ka nalang kaya dyan ngayon na para makita mo ako
dito sa labas.”
Hindi nalang nag overtime si Diana dahil nagulat sya na
nasa labas na pala si Miguel at hinintay sya.
“Hey!” Parang na-excited si Diana nang makita si Miguel.
“Kanina ka pa nandito?” Tanong nya pagkapasok sa car.
“Yup, I think more than thirty minutes already.” Casual
na sagot ni Miguel as he started driving.
“Seriously, why are you here? Kung hindi ako nagkakamali
nasabi mo sa akin dati na ilang taon kana hindi nakabalik dito dahil ayaw mo na.
So, what changed your mind?” Seryosong tanong ni Diana.
“Wala. Na-miss kita, sobra.”
“Nagbibiro ka ba?”
“Bakit naman ako magbibiro?... I’m hungry na. Saan ba dito
favorite mong kumain?” Iniba nya ang usapan.
They had dinner at the restaurant nearby dahil masyadong
traffic at gutom na si Miguel. Hinatid nya si Diana sa bahay nila after dinner.
Kabisado pa rin nya ang daan dahil ilang beses na rin nahatid ng driver nila ang
Nanay nya noong bata pa sya at minsan ay nakasama sya. Marami na ring nagbago
napansin nya. Dati medyo tahimik ang lugar nila at ngayon ay ang gulo na. At
ang dating parang bahay kubo nila ay medyo naayos na.
“Gusto mo bang pumasok sa loob? Pasensya ka na at ganun
pa rin ang bahay naming maliit. Pero napaayos ko na ng paunti-unti.” Nakangiting
sabi ni Diana pero kinakabahan sya kung ano kaya ang sasabihin ng Nanay nya
kung makita si Miguel na hinatid sya. Magdadahilan nalang sya mamaya kung
sakali.
“Sure. Gusto ko rin makita ang Nanay mo.” Sabi ni Miguel.
Nagulat nga ang Nanay ni Diana at dahil matagal na rin na
hindi nya nakikita si Miguel. Maliit pa ito noong last nyang makita at ngayon ay
ibang-iba na. Nagtataka sya kung paano sila nagkita ni Diana at sinabi nalang
ni Diana ang totoo na nagkita sila doon sa farmhouse noong nagpunta sya sa bayan
nila. They enjoyed talking again before Miguel left.
Chapter 9
Dumaan si Miguel sa malaking bahay nila dahil malapit
lang at nagulat ang parents nya nang makita sya doon. Nagkikita naman sila
minsan ng family niya tuwing nagbabakasyon sa farmhouse but they were surprised
that he suddenly showed up to their house in the big city.
“Anak, babalik ka na ba dito? Are you staying here for
good?” Tanong ng daddy nya.
“Hindi, dad. Uuwi din po uli ako bukas. May pinuntahan
lang po akong importante at tinamad na akong bumiyahi pabalik so, I’m just
going to stay for tonight lang muna.” Sabi ni Miguel.
“What brings you here, anak? Babae ba?” Birong tanong ng
mommy nya. “You know what, I met Scarlet last week sa party ng friend ng mommy
nya and she was asking about you. Wala na ba kayong communications? Kasi she
was asking for your number and it’s so funny because I don’t even have my own
son’s number.” Nakangiting sabi ni madam Conchita sa anak nya.
“Matagal na kaming walang communication at akala ko
nag-asawa na ‘yon dahil engaged na sya noong iniwan nya ako while I was in the
rehab center. And mom, wala na akong interest sa kanya kung sakali hindi man
sya natuloyan sa engagement nya, okay?” Sabi ni Miguel sa mommy nya.
Nagpaalam sya at hinahanap ang dawala nyang mga kapatid
pero hindi pa dumating dahil busy sa work nila. Hinintay nya ang mga ito bago
sya natulog and when they arrived they were very surprised when they saw their
Kuya sa bahay nila after five years at masaya silang nagkwentuhan.
The next day as it was Sunday, he went back to Diana’s
house para sunduin at magsisimba uli sila before sya babalik sa bayan. Nagdududa
na ang Nanay ni Diana kung nangliligaw si Miguel dahil sadya talagang
pinuntahan si Diana sa bahay nila at nagpaalam sa kanya. Pag-uwi ni Diana
galing sa date nila ni Miguel ay tinanong nya talaga ito.
“Anak, nangliligaw ba sa iyo si Sir Miguel?” Tanong ng
nanay nya.
“Ewan ko po ‘Nay. Ayoko pong maniwala pero parang ganun
na po talaga.” Sabi ni Diana.
“Anak, alam mo bang ibang-iba ang buhay nila sa buhay
natin dahil mahirap lang tayo? Kapag sinagot mo si Sir Miguel, gugulohin tayo
dito ng mga magulang nyan. Tandaan mo ‘yan. Kaya habang maaga pa ay iwasan mo
na ang pagkalapit sa kanya para hindi na rin mahulog ang loob mo sa kanya at
masasaktan ka lang, anak.” Paliwanag ng nanay nya.
Tumulo ang luha nya bigla dahil hindi nya kayang suwayin
ang nanay nya at napaibig na rin sya kay Miguel.
“Bakit ganun, ‘nay? Bakit walang karapatang umibig ang
mga mahihirap sa mga mayayaman? Hindi ko naman po sinadya. Parang tadhana po
ang naglapit sa amin na magkita uli. At sobrang bait nya po sa akin at kahit na
sinong babae ay hindi maiwasang magustuhan sya dahil ang bait-bait nya po.”
Sabi ni Diana habang umiiyak.
“Kaya nga sabi ko habang maaga pa ay iwasan mo na. Alam
kong hindi madali pero kakayanin mo. Dahil gugulo talaga ang buhay natin pag nalaman
ito ng mga magulang ni Sir Miguel.” Niyakap nya ang anak nya dahil naawa sya.
Hindi na sumagot pa si Diana at nagpaalam na pumasok na
sa kwarto nya. She wanted to cry out loud dahil naiinis sya not because of her
nanay but because of her situation. She wanted to talk to her Ate Beth pero wala
na doon dahil nag-asawa na ito at doon na nakatira sa bahay ng napangasawa nya.
Gusto nyang puntahan para may kausap sya at hihingin ang opinion nito. And she
went to her Ate Beth kahit gabi na dahil na-miss na rin nya ang dalawang
pamangkin nya.
Chapter 10
Madalas na ang pagpupunta si Miguel sa Manila every
weekend kaya nagdududa na ang mga parents nya. He always visited Diana sa house
nila at kahit na anong paalala ng nanay ni Diana na iwasan ito ay malabo na
dahil umaakyat na sya ng ligaw na formal sa bahay nila. Old school pa rin si
Miguel at dumadalaw talaga sa bahay nila. Sinabi na rin nya kay Diana ang pangit
na nakaraan nya and she admired him the most because of how he survived and how
he restarted a new life.
Ilang buwan din syang nangligaw pero hindi sya agad
sinagot ni Diana because she had so many doubts about their situation at dahil
na rin sa babala ng nanay nya. Ang payo naman ng Ate Beth nya ay sundan kung
ano ang nasa puso nya. She was just trying to enjoy his company for now dahil natatakot
sya but she was very certain that she really liked Miguel. Masaya naman palagi
silang dalawa na magkasama na parang wala nang makakapigil pa sa damdamin nila.
“Do you have plans for this weekend?” Tanong ni Miguel
kay Diana nang tinawagan sya Friday afternoon.
“Nope. Bakit?”
“I am picking you up tomorrow morning. May pupuntahan
tayo.”
"Saan?"
"Basta, makikita mo bukas."
Excited sya dahil magkikita na naman sila uli. Hindi pa
man nya sinagot ng formal si Miguel ay parang girlfriend na ang turing sa kanya.
When he arrived on Saturday morning nagpaalam si Miguel sa nanay ni Diana na
ipapasyal nya si Diana sa bago nyang farm doon sa bayan nila dahil natapos na
pala ang bahay na pinatayo nya doon. Kinakabahan si Diana pero excited sya.
Kahit hindi pumayag ang nanay ni Diana ay hindi nya ito mapigilan dahil may
edad na ang anak nya. Diana was already 29 while Miguel was 35 and he was
determined to have a family with Diana soon.
Diana was surprised when they arrived at the new
farmhouse na pinatayo ni Miguel. Noong una syang dinala rito ay makalat pa ito
pero ngayon ay parang fully furnished na. She was very amazed on how well it
was designed, cute, very simple yet elegant. She was speechless as they walked
inside habang hawak ni Miguel ang kamay nya. She was thinking na kung
magkatuluyan sila ay ito na yata ang magiging bahay nya at kinakabahan sya.
“Do you like it?” Proud na tanong ni Miguel.
“Of course naman. I’m so speechless sa ganda. Parang
kailan lang na nandito tayo at ang dumi-dumi pa nya pero ngayon sobrang ganda
talaga. Parang natatakot akong madumihan ang pintura.” Biro nya.
“Magpahinga ka nalang dyan and I’m going to cook
something for lunch.” Sabi ni Miguel.
“Ako na magluluto at pagod ka sa pagda-drive, okay?” She
went directly to the huge refrigerator and was looking for something to cook.
Marami na pala syang binili napansin nya.
“Sige tayo nalang dalawa magluluto. Para masaya.” Nakangiting
suggestion nya.
They were really having a good time alone. Diana was very
ecstatic and couldn’t hide her feelings anymore for Miguel. Confident na rin si
Miguel dahil alam nyang mahal na rin sya ni Diana kahit hindi pa sya formal na
sinagot. Very sweet na sila sa isa’t isa at masyadong maalaga talaga si Miguel sa
kanya.
After lunch they watched movie in the living room where a
flat screen TV was hanged on the wall. Hindi mapigilan ni Miguel ang damdamin
nya at niyakap nya si Diana habang nakaupo sila sa malaking couch watching a
movie that Diana chose. Diana did not resist and she seemed enjoying his cuddle.
“Can I ask a favor, please?” Miguel asked softly as he
stared in her eyes.
“Sure, what is it ba?” Nakangiting sagot ni Diana habang
sinusuklay-suklay ng daliri nya ang buhok ni Miguel sa noo habang yakap-yakap
sya.
“Can I kiss you?” Seryosong tanong ni Miguel.
Nagulat si Diana. Hindi sya makapaniwala doon at ‘sure’
pa naman ang sinagot nya. Pero mas lalo syang nagulat dahil napaka-gentleman
talaga ni Miguel at nagpaalam pa naman na halikan sya. Natawa sya bigla pero
nahihiya sya sa isasagot kung papayag ba sya or magpapakipot pa pero ang totoo
ay gustong-gusto rin nya. So, she kissed his lips quickly instead dahil hindi
rin nya matiis. And then Miguel kissed him back without any doubts. It was
long, passionate, and deep.
They were very silent after they kissed. Magkayakap pa
rin sila at walang naiintidhan sa palabas dahil sa sobrang masaya silang dalawa
sa mga oras na iyon. And then Miguel kissed her over and over again.
“Thank you.” Nakangiting sabi ni Miguel.
Nahiya si Diana and hid her face in his chest.
“What?” Malambing na tanong ni Miguel sa kanya at nahalata
nyang nahihiya sya. Natawa sya sa reaction ni Diana and he hugged her even
tighter.
“I love you so much, Diana. Ikaw lang ang mamahalin ko habangbuhay. At walang makakapigil sa akin kahit na sino.” He suddenly became serious with his words. “Alam kong natatakot ka sa anumang mangyari if my family would know about us. I just want you to know that I will do everything para hindi ka lang mawala sa buhay ko. I need you in my life because I love you and I am the happiest when I am with you.”
“Papano ang mga parents mo? Alam kong magagalit sila sa akin ‘pag nalaman nila ang tungkol sa atin.” Sabi ni Diana.
“Walang makakapigil sa ating dalawa kahit na sino, kahit
na mga magulang ko. They have already abandoned me once, they can abandon me
again if they want to.” Matapang na sagot ni Miguel. “Kaya dito na ako titira
sa bahay ko at hindi na doon sa farmhouse para wala na silang masabi kung
sakali. Bibisitahin ko nalang araw-araw ang farm doon. Hindi naman nila
makukuha sa akin itong property ko dahil akin ‘to at sa akin nakapangalan. I
promise you, mabubuhay tayo dito at ang magiging mga anak natin. I’m not
expecting my parents na bigyan nila ako ng mana dahil matagal ko na silang
binigyan ng sakit ng ulo. Kaya nagsusumikap ako nang matauhan ako para mabuhay ako
at ang magiging family ko.”
Masaya silang naghapunan lalo na ngayon na confirmed na
ni Miguel na boyfriend na talaga sya ni Diana.
Chapter 11
Diana chose to sleep in the guest room downstairs while
Miguel was in the master’s bedroom upstairs and Miguel respected her decision. Hindi
si Diana makatulog agad at hindi mapakali. She kept thinking about their
relationship. Natatakot sya pero mahal na nyang talaga si Miguel. She went to
the kitchen to drink some cold water dahil nauuhaw sya. Hindi nya napansin at
bumaba rin pala si Miguel to drink some water at nagulat sya nang makita si
Miguel sa likuran nya.
“Nakakagulat ka naman at para kang multo dyan. Ang
tahimik pa naman dito na parang mumultohin na ako.” Natawang sabi ni Diana.
“Doon ka na nga matulog sa tabi ko kung natatakot ka,
okay?” Sabi ni Miguel as he took a glass of cold water and drink.
Hindi sya makapagsalita. Miguel softly grabbed her hand
and brought her upstairs in his bedroom. Para syang nagayuma na walang nagawa
at sumunod kay Miguel sa hagdanan hawak ang kamay papunta sa kwarto nya. Miguel
hugged her tightly and kissed her deeply and she can’t resist. Nagpaubaya na
rin sya sa gusto ni Miguel and she gave up her own self for the first time at
mas lalo syang minahal ni Miguel dahil doon.
Miguel woke up early and prepared for their breakfast
while Diana was still sound asleep. Very happy and very excited sya dahil
matutupad na ang pangarap nya to have his own family in his house. Sooner or
later ay mapapayag din nyang pakasalan sya ni Diana.
Diana was surprised that Miguel bought her a few nice
dresses when she opened the closet. Sinuot nya agad ito dahil magsisimba sila
after breakfast at hinatid naman sya ni Miguel sa Maynila after.
It became their routine to spend every weekend at his new
farmhouse. Sinusundo ni Miguel every Saturday si Diana at hinahatid naman
pabalik every Sunday afternoon or evening. He just visits the other farm every
day to continue managing their agricultural businesses.
He was surprised nang biglang dumating ang mommy nya sa
farmhouse nila na hindi man lang tumawag sa telephone nila doon. Kahit wala
syang cellphone number ni Miguel ay meron namang landline na pwede nyang
tawagan.
“Mom! What a pleasant surprise.” Sabi ni Miguel habang
papaalis na sana pauwi sa kanyang new farmhouse nang dumating ang mommy nya at
ang driver nito.
“Miguel, I’m going to discuss something with you. Saan ka
ba pupunta?” Sabi ni madam Conchita.
“What is it about mom? Dito tayo sa kusina so you can eat
something, may masarap na niluto si Ate.” Iniba nya ang usapan. Hindi kasi alam
ng family nya about sa new farmhouse na pinatayo nya at hindi nila alam na
hindi na sya nakatira doon sa farmhouse na iyon.
“Dahil very successful ang pag-manage mo sa business
natin dito I am going to have a party dito sa house na ito. At para naman
ma-feature sa magazine and newspaper. Mas lalong makikilala ang business natin
if we promote it.” Sabi ni madam Conchita.
“What? Ang tagal ko nang namamahala dito at maganda naman
ang takbo ng negosyo. Why would we need to promote it? And I don’t like to have
a party, alam mong hindi ako mahilig sa ganyan.” Naiinis na sabi ni Miguel sa
mommy nya.
“Miguel, we are very happy ng daddy mo na maayos na ang
buhay mo at napalago mo ang Agricultural business natin. Kaya gusto kong
mag-party and invite our friends here para makita ka nila after such a very
long time.” Sabi ni madam Conchita.
“Mom, I don’t need to show off myself to everybody and I
don’t need a party. Kung gusto mong mag-party dito go on and I am not going to
attend, okay?” Naiinis sya at iniwan ang mommy nya. Umalis sya agad papunta sa
new farmhouse nya.
Inutusan ni madam Conchita ang driver na sundan nila si
Miguel at nagulat sila ng makita syang pumasok sa loob ng bago nyang bahay sa
gitna ng malawak na farm. Bumaba si madam Conchita sa car at sinundan si Miguel
habang nakabukas pa ang maliit na gate.
“So, this is where you live now?” Tanong ng mommy nya at
nagulat si Miguel na sinundan sya. “Hindi mo ba ako papasukin?”
Wala syang nagawa but invited her in. Nagulat ang mommy
nya ng makita ang malaking picture frame ni Diana sa may hagdanan na very
attractive ang dating at ito agad ang una mong makikita pagkapasok mo sa bahay
nya.
“Is she your girlfriend? Andito ba sya? She seems very familiar.”
Tanong ng mommy nya.
“No, she’s not here… Mommy, pakiusap ko po sa inyo.
Please huwag po ninyo guluhin ang buhay ko. Matagal nyo na po akong itinakwil
at nasanay na po ako. Hindi ko naman po kayo kinalimutan ni daddy bilang mga
magulang ko pero huwag nyo pong guluhin ang buhay ko. I’m very happy and
contented with my life now, mom. Please, nakikiusap po ako na hayaan nyo po ako
dito.” Pakikiusap nya sa mommy nya.
“But I think we deserve to know kung sinong girlfriend mo.
Tamang-tama iinvite mo sya sa party next week.” Pilit ng mommy nya.
“No mom! Hindi kami aattend sa party mo. Pasensya na po.
And if you may please leave me po dahil gusto ko na pong magpahinga.” Pakiusap
nya sa mommy nya.
Naiinis si madam Conchita at umalis sila ng driver at
bumalik doon sa kabilang farmhouse nila. Nagtanong-tanong sya sa katulong kung
sino ang girlfriend nya at kung saan nakatira. At doon nalaman ng mommy nya na
si Diana, anak ng dati nilang labandera, ang girlfriend ni Miguel. Sasabog sa
galit si madam Conchita. Pero hindi nya pwedeng sugurin ngayon sa bahay nya si
Miguel dahil baka mas lalong hindi ito sasali sa party nya.
Chapter 12
His mom went home instead and told his dad about what she
learned from Miguel today. They were both enraged and wanted to see Diana and
talk to her na iwanan si Miguel. Pinuntahan agad ng mommy ni Miguel ang bahay
nila Diana the next day. Nasa work si Diana at si Aling Chayong lang ang
nakaharap nya. Nang dumating si Madam Conchita ay alam na agad ng nanay ni
Diana ang pakay nito.
“Aling Chayong si Diana pwede ko bang makausap?” Tanong
nya agad matapos buksan ang pinto ni Aling Chayong.
“Nasa trabaho po Madam. Bakit ano ho bang kailangan nyo
sa anak ko?” Tanong nya.
“Alam mo ba ang nangyayari sa anak mo at sa anak kong si
Miguel?” Diretsahang tanong nya. “Or baka kinukonsinte mo ‘yang anak mo na
akitin si Miguel para ligawan ito. Hindi ba sya marunong lumugar?” Sarkastikong
tanong nya sa nanay ni Diana.
“Madam, mawalang galang na ho. Hindi ho namin hawak ang
damdamin ng anak nyo. At mas lalong hindi sya inakit ni Diana para ligawan nya.
Kusa po syang umakyat ng pormal na panliligaw dito sa maliit naming bahay at nagpapaalam
sa akin. Pormal po nyang nililigawan ang anak ko at nagtyagang naghintay dahil
binabalaan ko po si Diana na iwasan sya dahil alam kong magagalit kayo pero
patuloy syang nagtyagang maghintay. Hindi na rin po maiwasang mahulog ang loob
ng anak ko sa anak mo dahil ang bait bait ng anak nyo sa amin. Ibang-iba talaga
ang ugali nya at marunong rumespeto.” Paliwanag ni Aling Conchita.
“At anong ibig mong sabihin? Na mga pangit ang ugali
namin at walang respeto? Ganun?” Galit na sabi ni Madam Conchita.
“Wala ho akong sinabing ganyan. Si Miguel po ang kausapin
nyo tungkol dito para iwasan nya na po si Diana.” Mahinahong sagot ni Aling Chayong. “Ako na
rin po ang magsabi ky Diana na iwasan na nya si Miguel.”
“Dapat lang talaga dahil hindi sya karapat-dapat sa anak
ko! Mawawalan sya ng trabaho ‘pag hindi nya iiwasan si Miguel, tandaan mo yan.
Marami kaming connection.” Galit na sabi ni Madam Conchita at umalis agad ito
kasama ang driver.
She was even more decided to have a party sa farmhouse at
isasama si Scarlet, ang ex-girlfriend ni Miguel. At ‘pag nagkataon ay gagawan
nya ng paraan na magkalapit uli ang dalawa. Hindi na muna nya guguluhin si
Miguel para ma-convince nya to attend the party. Sa weekend agad ang party at
hindi na nya patatagalin pa. Nagpa-organize agad sya dahil she only had few
days to work on this plan at malayo pa naman ang venue.
Umiiyak ang nanay ni Diana nang maabotan nya pag-uwi
galing sa work nya. At sinabi nya na iwasan na si Miguel dahil masyado lang
gugulo ang buhay nila. Umiyak din si Diana dahil hindi nya kayang iwanan si
Miguel. She didn’t tell Miguel about what happened para hindi ito mag-alala at
mas lalo pang lumaki ang tension. Nag-iisip nalang muna sya kung anong dapat
nyang gawin.
Tumawag si Miguel nang gabing iyon at sinabi nyang magpa-party
ang mommy nya sa kabilang farmhouse kaya hindi na muna sya susunduin this
weekend dahil natunton na ang new house nya at baka guguluhin pa sila doon. Hayaan
nalang muna daw ang mommy nya dahil mahilig naman talaga ito sa party. Sa next
weekend nalang daw sila uli magspend doon sa bahay nya. Pupunta nalang daw si
Miguel sa Maynila the next day para magkita sila. Sinabi ni Diana na hindi na
muna sila magkikita. Para palagpasin muna ang galit ng mommy nya naisip ni
Diana.
Chapter 13
Maingay ngayon sa farmhouse ng mga Legazpi because of the
party. Many guests were invited at kahit na malayo ay excited silang um-attend at
maiba naman ang venue daw kesa nakasanayan nilang venue sa malaking syudad.
Naiinis talaga si Miguel pero wala syang magawa. Pumunta sya party dahil
respeto na rin ng mga bisita nila pero hindi sya nag-ayos. Naka-casual t-shirt
at jeans nga lang sya at nagsombrero pa para hindi sya masyadong makikilala
lalo na kung may mga photographers.
“Hi Miguel! It’s good to see you!” Masayang bati ni Scarlet
at nagulat sya.
“Hi! Kumusta? Kasama mo ba ang husband mo?” Tanong nya
agad dahil naiinis sya.
“Nope, I don’t have a husband.” Sabi nya habang yumakap
kay Miguel at nagbeso-beso.
“Akala ko ba nag-asawa ka na dahil engaged ka na dati.”
Sabi ni Miguel.
“Well, unfortunately hindi natuloy.” Medyo malandi si
Scarlet at gusto nyang makuha uli ang loob ni Miguel. Kaya lapit sya ng lapit kay
Miguel at nakunan ng photographer ang pag-uusap nilang iyon.
Nagpaalam sya agad dahil gusto nyang iwasan si Scarlet.
Nagpakita lang sya saglit sa daddy nya at sa mga bisita na kakilala nya at
umalis agad. Hindi man lang sya nagpaalam sa mommy nya na sobrang busy
entertaining her guests. Hindi man lang din sumali ang mga kapatid nya dahil
may mga prior appointments din.
The following day ay nakita ni Diana sa business section
ng newspaper ang party ng mommy ni Miguel. Dahil Journalist sya at nakahiligan
nyang magbasa sa lahat ng pages ng tabloid. And he saw Miguel on those pictures
posted at napansin nyang hindi man lang ito nagbihis formal. Naisip nya na
hindi nga talaga gusto ni Miguel magpa-party at parang pagrerebelde nya ang
hindi pag-aayos dahil sya lang ang naiiba. Ang gwapo nya talaga, naisip nya.
Napansin ni Diana ang dalawa pang pictures ni Miguel talking
to a sexy lady at ang isa pa ay nagbeso-beso sila. Binasa nya ang caption sa
baba – The future heir and his partner. Parang sinakal ang dibdib nya sa
nabasa nya. She suddenly felt ill and parang nahihilo sya. Nagpaalam sya sa
work na umuwi ng maaga dahil masama ang pakiramdam nya.
Sinabi nya sa nanay nya na tulungan syang kalimutan si
Miguel. She felt that she really doesn’t belong to Miguel’s world at kahit
kailan ay hindi sya matatanggap ng family ni Miguel. Natatakot na rin sya na
mawalan ng trabaho dahil sa pananakot ni madam Conchita sa nanay nya nang
sumugod ito sa bahay nila. Paano nalang ang mga pangarap nila ng nanay nya.
It must be very painful but she must try. Mahirap lang
ito sa simula pero malalagpasan nya rin, naisip nya. At mula sa araw na iyon ay
hindi na nya papansinin ang mga calls and text ni Miguel. Nag-file sya ng leave
for one week at doon muna sila ng nanay nya sa bahay ng Ate nya para hindi na
sila muna magkikita ni Miguel.
Miguel was worried that she was not answering his calls
and text messages for a few days. Lumuwas agad sya ng Maynila para pumunta sa
bahay nila Diana pero walang tao. He went to her office and asked about her
pero ang sabi naka-leave sya for one week. He went back to Diana’s house at
nag-abang ng ilang oras hoping Diana would arrive soon ngunit gabi na ay hindi
dumating si Diana o kahit ang nanay nya at madilim ang bahay nila. Lagi nyang
tinatawagan at off na rin ang phone ni Diana.
“Mom! What did you do to Diana?” Galit na tanong nya agad
sa mommy nya nang pumunta sya sa bahay nila nang gabing iyon dahil hindi nya
talaga makita si Diana. “I know may ginawa ka kaya iniiwasan nya ako!”
“What are you talking about, Miguel? My god nababaliw ka
na yata sa babaeng ‘yan at ako na mommy mo ay inaaway mo na.” Naiinis na sabi ni
madam Conchita. “Napaka-ambisyosa naman ng babaeng ‘yan. Mabuti at iniiwasan
ka.”
“Sa oras na malaman kong may ginawa kang masama sa kanya
at sa pamilya nya, kakalimutan kong may ina ako. Mas pipiliin ko pang bumalik
sa rehabilitation center ng ilang taon kesa makasama kayo dito na walang ibang
alam kungdi party at pera.” Sigaw nya sa mommy nya at narinig iyon ng daddy
nya. Miguel went out suddenly from their house and jolted his car. He was
holding back his tears while driving back to his own house. Hindi sya mapakali
kung hindi nya malalaman kung nasaan na si Diana. Hindi sya makatulog sa gabing
iyon and everything flashed back in his mind.
He waited till next Monday dahil aabangan na naman nya sa
opisina si Diana baka sakaling babalik na sa work nya. Ngunit hindi pa rin nya
maabutan at nagtanong uli sa kasamahan nya. Nag-extend daw uli ng one week
leave si Diana. Dumaan na naman sya sa bahay nila at wala pa ring tao. He went
home downheartedly again.
Chapter 14
Diana decided to change her phone number pansamantala
lang para hindi na muna sya ma-contact ni Miguel. Nagtatrabaho muna sya online
while on leave para kumikita pa rin sya kahit papano. Lagi syang nahihilo kaya
naisip na nyang uuwi na sila ng nanay nya sa bahay nila because it seems like
she can hardly breath dahil masikip doon sa maliit na bahay ng Ate Beth nya.
She needs to go back to work dahil hinahanap na sya ng
boss nya. Sinabi ng kasamahan nya na may lalaking naghahanap daw sa kanya. Naisip
nya na kung babalikan uli sya ni Miguel doon ay bahala na. Iiwasan nya nalang
kung kakayanin nya dahil kailangan nyang magtrabaho.
Pumunta uli si Miguel sa bahay nila Diana at napansin
nyang bukas na ito. He waited for a few hours in his car at inaabangan ang
pag-uwi ni Diana kahit gabi na at gutom na sya. Dumating nga si Diana at
nagmamadaling pumasok nang makita ang kotse nya na nakaparada sa harapan ng
bahay nila. He hurriedly followed her and grabbed her elbow bago paman
makapasok sa loob ng bahay.
“Bakit mo ako iniiwasan ha?” Galit na sabi nya kay Diana.
Tahimik lang sya at nagpupumiglas sa mahigpit na hawak ni
Miguel sa braso nya. Nang makaharap sya kay Miguel ay nagulat ito sa nakita nya
dahil medyo lumulobo na ng konti ang tyan nya.
“Buntis ka ba? At hindi mo man lang sinabi sa akin?” Lalo
syang nagalit sa nakita nya. “At sigurado akong ako ang ama ng batang yan!...
Why are you doing this to me, Diana?” Mangingiyak na tanong ni Miguel.
Nagmamadaling pumasok si Diana nang makawala sa hawak ni
Miguel pero sinundan sya agad sa loob at nakita sila ng nanay nya.
”Diana! Ano ba?” Sigaw ni Miguel. Hindi pa rin nagsasalita
si Diana at pumasok sya agad sa kwarto nya and closed her door. “Diana, please.
Ano bang nangyari sa ‘yo at iniiwasan mo ako?” Sigaw nya sa may pintuan at nakikinig
lang ang nanay nya sa kabilang kwarto.
The more he insisted to get back Diana when he realized
that she was pregnant. Hindi sya umalis sa may pintuan at nagmamakaawang
kausapin ni Diana.
“Diana, maawa ka naman sa akin. Ano bang kasalanan ko
ba’t mo ako ginaganito? Kausapin mo ako please?” Pagmamakaawa nya na nakatayo
pa rin sa pintuan. “’Nay, tulungan nyo naman po akong kausapin si Diana,
please.” Nakikiusap sya sa nanay ni Diana. Dati Aling Chayong lang ang tawag
nya sa nanay ni Diana at ngayon ay biglang nanay na.
Naawa na rin ang nanay ni Diana at kinatok ang pintuan.
“Anak, buksan mo naman ang pinto at kausapin si Miguel, anak.” Diana opened the
door a few moments later and Miguel hurriedly got inside. He hugged Diana right
away as she was crying. Hindi na rin mapigilan ni Miguel ang umiyak dahil
nasaktan sya sa kalagayan nila.
“Hindi ko kakayaning mawala ka sa buhay ko, kayo ng anak
ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin na buntis ka? Karapatan kong malaman ‘to
dahil ako ang ama. Ano bang nagawa kong kasalanan sa ‘yo? May ginawa ba ang mga
magulang ko sa inyo kaya iniiwasan mo ako?” Sunod-sunod na tanong nya. “Please,
talk to me.” Pagmamakaawa ni Miguel kay Diana.
“Hayaan mo nalang kami dito dahil kahit kailan hindi
maging matahimik ang buhay natin kung magsasama tayo. At saka meron ka naman
palang ibang girlfriend na gustong-gusto ng mga parents mo, doon ka nalang sa
kanya dahil bagay na bagay kayo.” Lalong umiiyak si Diana sa mga sinasabi nya.
“Wala akong ibang girlfriend kungdi ikaw lang. Kung sino
man yang nalaman mo hindi yan totoo, sa akin ka maniwala, okay? Ikaw at ikaw
lang ang mahal ko at ang girlfriend ko ngayon at bukas at magpakailanman. Wala
nang iba pa. Kaya you have to trust me, Diana. You know what I have been
through in my life. I was alone for so long pero hindi ko inaasahang makahanap
uli ng makapagpasaya sa akin. Nabuhay muli ang malungkot kong mundo because of
you, you make me happy… ikaw ang nagbibigay ng pag-asa na may bukas na
naghihintay sa ating dalawa. Kaya tulungan mo akong harapin kung anomang
pagsubok ang darating sa buhay natin because we love each other. That’s what
matters most. Walang makakapigil sa’tin kahit na mga parents ko.” Seryosong
sabi nya na nakatitig sa mukha ni Diana habang yakap-yakap nya ito.
“Mahal na mahal nga kita kaya nasasaktan ako dahil parang
na-deprive ang feelings ko dahil sa katayuan natin sa buhay. Kaya para sa
katahimikan ng lahat ako nalang ang iiwas kahit na masakit.” Umiiyak pa rin si
Diana habang nagsasalita. “Hindi ako matanggap ng mga parents mo kaya hindi sila
titigil hangga’t hindi kita lalayuan. Ako nalang ang magpaubaya dahil kawawa
ang magiging anak ko kung mabuhay sya sa magulong mundo natin. At least, kung
kami lang dito mamumuhay kaming tahimik.”
“No! Hindi ako papayag! Kailangan ko kayo ng anak ko. I
need you in my life, Diana. You are my life, my happiness, my future… Responsibilidad
ko kayo kaya sasama ka sa akin sa bahay ngayon, okay? Iuuwi kita dahil gusto kong
maalagaan ng mabuti kayong dalawa ng anak ko. Hayaan mo na ang pamilya ko,
hindi na tayo guguluhin dahil binabalaan ko na si mommy kung manggugulo sya sa
buhay natin. You just really have to trust me dahil pangako kong bigyan ka ng
buong pamilya, masayang pamilya dahil lumaki kang walang ama. Ayokong matulad
sa anak ko ang nangyari sa ‘yo.” Sabi ni Miguel.
Chapter 15
Napilit din ni Miguel na isama si Diana sa pag-uwi nya. Gusto
rin niyang isama ang nanay ni Diana pero ayaw nya talaga. Naniniwala naman ang
nanay nya na protektado ni Miguel si Diana dahil nakikita naman nya ito kung
gaano nya kamahal si Diana.
Tahimik lang si Diana habang bumabyahi pauwi sa bayan. It
was almost ten in the evening na pala when Miguel realized na hindi sya naghapunan
kaya gutom na gutom na sya. Mabuti nalang at may nadaanan silang bukas pa na
restaurant at kumain silang dalawa. Masaya na si Miguel uli dahil kasama na nya
uli si Diana at may magiging anak na sila. He was even more excited to work
harder para sa future nila at kahit na itakwil man sya uli ng family nya ay
mabubuhay pa rin sila.
Pinag-resign ni Miguel si Diana sa work nya. Nag-work
from home nalang sya dahil meron naman silang wifi para hindi naman sya
ma-bored dahil masyadong tahimik ang lugar nila. Kumuha agad si Miguel ng mga
requirements nilang dalawa at nagmamadaling magpakasal sa huwis. Dahil kaibigan
nya ang Mayor ay in one month time ay nakasal sila. Hindi ito alam ng family ni
Miguel. Ang nanay ni Diana at Ate Beth nya at ang family nito ang mga bisita
lang nila at nagkaroon ng salo-salo sa farmhouse ni Miguel. Miguel was so very
happy dahil natupad na ang pangarap nyang makabuo ng pamilya.
Patuloy pa rin syang namamahala sa farm ng daddy nya
dahil napamahal na nya ito at ang mga tauhan nila. Hindi naman sila minsan
ginulo ng mommy nya mula nang binahay na nya si Diana. Ngunit hindi pa rin
matanggap ng mommy ni Miguel ang nangyari at naghahanap sya ng paraan na
magkahiwalay sila ni Diana. Kaya si Scarlet ang ginamit nya.
“Hi, can I talk to Miguel? Is he around?” Tanong ni
Scarlet nang binuksan ni Diana ang pintuan at pilit na pumasok sa bahay nila.
“Wala po may pinuntahan. Ano hong kailangan nyo?” Tanong
ni Diana sa kanya. Nasa kabilang farm kasi si Miguel. Medyo namukhaan nya ang
babaeng pumasok.
“So, you are Diana?” Mataray na sabi ni Scarlet. “Alam mo
bang matagal ko nang boyfriend si Miguel at plano na naming magpakasal dati pa
eh. Inagaw mo lang sya kaya naudlot tuloy.” Sabi ni Scarlet.
“Girlfriend ka nga nya dati pero hindi na ngayon. Iniwan
mo sya sa mga panahong kailangan ka nya at nagpakasaya ka sa iba. At ngayon
sasabihin mong magpapakasal kayo dahil maganda na uli ang takbo ng buhay nya?” Galit
na sabi ni Diana. Lalaban sya dahil may karapatan naman syang lumaban.
“Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo, ha? Pinagpipilitan mo’ng
sarili mo sa taong hindi ka karapat-dapat. You should know where you stand.”
Mataray na sabi ni Scarlet.
“Ikaw nga ang dapat mahiya. Wala ka na sa lugar na
mang-agaw dahil matagal ka nang binaon sa limot ni Miguel at ako ang
pinakasalan nya. Oo, kasal na kami at wala ka nang magawa. Andito ka sa bahay
ni Miguel at bahay ko na rin ‘to kaya pwede kitang e-report as trespassing sa
pamamahay namin. Umalis ka na kong ayaw mong tumawag ako ng pulis.” Galit na
sabi ni Diana.
“How dare you!” Muntik na syang sampalin ni Scarlet pero
hinawakan agad ni Diana ang kamay nya.
“Huwag mo akong saktan at hindi ako natatakot sa ‘yo!” Binitiwan
ni Diana ang kamay ni Scarlet bigla at pumunta sya sa pintuan. “Umalis ka na kung
hindi tatawag na ako ng pulis.”
“This isn’t over yet. Makikita mo!” Galit na sabi ni
Scarlet habang lumabas sa pintuan at nagmamadaling sumakay sa car nya. Pero
nahiya sya nang marinig kay Diana na kinasal na pala sila. Parang mahihirapan
na syang agawin si Miguel naisip nya.
Diana was nervous but she needed to fight back dahil may karapatan
naman sya. Biglang sumakit ang tyan nya so she called Miguel right away. Six
moths pa naman ang tyan nya at natatakot syang may mangyaring masama sa baby
nya. Nagpa-check-up agad sila at sinabihan ng doctor na kailangan magpihinga sya
ng ilang araw at bawal ma-stress. Tinawagan ni Miguel ang nanay nya para may
kasama sya bahay dahil mag-isa rin naman ang nanay nya doon sa bahay nila.
Chapter 16
“Anak, kailangan kitang makausap.” Nagulat si Miguel nang
makita ang mommy nya uli sa old farmhouse isang araw.
“What are you doing here mom? Please, gusto ko na po ng
tahimik na buhay. Hayaan nyo na po kami dito. Nasa inyo naman lahat ng kinikita
dito, di ba?” Sabi ni Miguel.
“Your daddy has cancer. He needs urgent medication or
else hindi na maagapan. Kailangan ko ang tulong mo dahil parang hindi ko ‘to
kakayaning mag-isa. Hindi ko naman maaasahan ang mga kapatid mo dahil may
kanya-kanya na silang buhay at palagi nalang wala sa bahay.” Malungkot na
balita ng mom nya sa kanya.
“Really? Since when? Nasa hospital na po ba sya?” Nagulat
sya sa balita ng mom nya.
“Nasa bahay lang nagpapahinga. He doesn’t need to be
hospitalized dahil pinapainom lang sya ng mga gamot. But he needs Chemotherapy
every 2 weeks doon sa hospital. Anak, maaasahan ba kita dito?” Parang
nagmamakaawa ang mommy nya sa kanya.
“Opo naman mommy. Kailangan ako ni dad ngayon dahil ako naman
ang panganay nya. Bukas na bukas dadalawin ko po sya.” Sabi ni Miguel.
Sinabi ni Miguel ang malungkot na balita kay Diana. Naawa
naman si Diana sa daddy nya. The more she admired her husband dahil hindi man
lang ito nagtanim ng galit sa parents nya. Gusto nyang samahan si Miguel sa
pagbisita sa daddy nya pero hindi na sya pinasama because of her condition.
Naawa si Miguel nang makita ang kalagayan ng ama nya.
Matagal na pala itong may karamdaman pero hindi man lang nagsalita sa mommy
nya. Gusto pa nyang mabuhay para makita ang unang apo nya because they knew
that Diana was already carrying their first grandchild.
“Dad, gusto mo bang doon muna tumira sa farmhouse dahil
mas fresh ang hangin doon? Mas sariwa ang pagkain doon and clean environment,
away from the pollution. Makakatulong ‘yan sa ‘yo. I will hire a private nurse
para may mag-babantay po sa inyo everyday at andoon na rin naman kami at maaalagaan
ka.” Sabi ni Miguel sa daddy nya.
“Really anak? Hindi ba ako pabigat doon?” Tanong ng daddy
nya.
“No, dad. Ako naman ang nag-suggest dahil gusto ko ‘yon.
If gusto nyo rin po. Hindi ko rin po kayo pipilitin kung ayaw nyo po.” Sabi ni
Miguel.
“I think that’s a good idea. Gusto kong gumaling agad
para makita ko pa ang pinakauna kong apo. Masyado namang busy ang mommy mo kaya
hindi nya ako masyadong naaalagaan dito.” Natuwa ang daddy nya sa idea.
Kinuha ni Miguel ang daddy nya at dinala doon sa old farmhouse
nila nang makahanap sya ng private nurse. Every two weeks sinasamahan nya ang
daddy nya sa hospital for his Chemotherapy. Minsan dumadalaw din naman si madam
Conchita at ang mga kapatid ni Miguel doon sa farmhouse nila.
Malapit na rin manganganak si Diana kaya she was advised
by her doctor na mag-exercise and enjoy walking daily. Kaya minsan sumasama sya
kay Miguel sa old farmhouse nila para makalakad-lakad naman sya. Naawa rin sya
sa daddy ni Miguel at dahil lumaki syang walang ama kaya pinagluluto nya ito ng
masarap na ulam tuwing sumasama sya kay Miguel. Natuwa na rin ang daddy nya kay
Diana at parang natanggap na rin nya ito para kay Miguel dahil maayos naman ang
buhay nila. Hindi naman nagkataon na magtagpo sila ni Diana at si madam
Conchita dahil minsan lang nga ito dumadalaw dahil busy sa pag-aasikaso sa
business nila. At nandoon pa rin ang nanay ni Diana sa new farmhouse ni Miguel
dahil malapit na ang kabuwanan ni Diana.
Diana gave birth to a healthy baby boy and they named him
Miguel Jr. and fondly called him Baby Miggy. Tuwang-tuwa ang daddy ni Miguel
nang unang mahawakan ang baby at dahil tapos na rin ang mga Chemotherapy
sessions nya so safe na syang humawak sa baby.
Chapter 17
Naisipan ng daddy ni Miguel na ipamana sa kanya ang
Agricultural business nila kaya inutusan nya si Miguel na may ipapakuhang very
important confidential documents doon sa bahay nila sa Manila. Ginabi na nang
makarating si Miguel sa bahay nila doon dahil sa sobrang busy noong araw na
iyon at naabotan nya ang bahay na may maraming mga bisita. Hinanap nya agad ang
mommy nya matapos makuha ang attaché case ng daddy nya.
“Miguel, anak, what are you doing here?” Nagulat si madam
Conchita.
“Mommy, hindi ka ba nahiya? May sakit si daddy at heto ka
nagpa-party? Alam mo ba kung gaano kalaki ang gastos sa pagpapagamot sa sakit
ni daddy? At hindi mo man lang sya inalagaan na dapat ikaw ang nagsasakripisyo
doon dahil ikaw ang asawa. Look at Diana, she’s a Journalist graduate pero iniwan
nya ang career nya para lang sumama sa akin sa probinsya. At kahit hindi nya tunay
na ama ay tumutulong sya sa pag-aalaga kay daddy. At ikaw, anong ginagawa mo
dito? Nagpakasaya ka at nag-aaksaya ng pera?” Galit na galit na sabi ni Miguel
at wala syang pakialam kung marami ang nakarinig sa kanila.
“Kung magsalita ka para kang nagmamalinis! Para kang kung
sino na hindi dumaan sa Rehab dahil sa sobrang bisyo mo dati. Kung hindi ka nga
namin pina-rehab ng dad mo ewan ko kung buhay ka pa ngayon.” Naiinis na sabi ng
mom nya at dahil medyo nakainom na rin sya ay parang wala na syang pakialam sa
mga nakarinig sa kanila.
“Oo, nalolong ako dati sa masamang bisyo dahil sa
pagkukulang mo sa akin noong bata pa ako. Nagpapayaman ka ng mabuti at
nakalimutan mo ang responsibilidad sa mga anak mo. Kaya hindi mo ako masisisi
kung naligaw ang landas ko dati. At hindi na rin ako nagtataka kung bakit hindi
ka dinadamayan dito ng mga kapatid ko. Wala ka kasing kwentang ina!” Galit na
sabi ni Miguel at iniwan ang mommy nya and he hurried to his car and left.
Nagulat ang mga bisita sa narinig nila.
Kinausap ng daddy ni Miguel ang abogado nila para maayos
ang mga testaments at mga documents bago sya mamatay at hindi ito alam ni
Miguel. One month after at namatay ang daddy nya dahil kumalat na rin ang
Cancer cells sa buong katawan nya. Doon sya nilamay sa old farmhouse at doon na
rin ililibing sa bayan nila.
Nilapitan ni madam Conchita si Diana habang nasa kusina naghuhugas
ng mga pinggan. They had so many visitors on that day dahil ililibing na bukas
ang daddy ni Miguel.
“Diana, pwede ba kitang makausap?” Kalmadong tanong ni
madam Conchita.
“Yes po, madam.” Kinakabahan sya pero hindi na sya
natatakot kung ano mang gagawin sa kanya.
“Pasensya ka na sa mga nagawa ko at pakisabi na rin sa
nanay mo na pasensya na. Na-realize ko na kasi kung gaano ka kamahal ni Miguel
at mabait ka naman talaga at tama lang na ikaw ang napangasawa nya.” Seryosong
sabi ni madam Conchita.
“Thank you, po, madam.” Nahihiyang sagot ni Diana and she
doesn’t know what else to say.
“At saka, pwede ko bang makita ang apo ko?” Pakiusap ni
madam.
“Of course naman, mom!” Nang biglang dumating si Miguel
sa kusina at narinig ang huling usapan nila. “Anytime pwede kang bumisita sa
apo mo doon sa bahay. Ayaw ko lang kasi syang dalhin dito dahil maraming tao at
kamamatay lang ni dad na may sakit, mabuti na ang nag-iingat.” Masyadong
protective si Miguel sa anak nya at natutuwa sya sa narinig sa mom nya at
niyakap nya ito.
“Thank you, anak. Thank you, Diana.” Sabi ni madam.
“You’re welcome, po, madam.” Sabi ni Diana.
“Pwede mommy na rin ang itawag mo sa akin?” Nakangiting
tanong ni madam kay Diana at niyakap din sya at nagyakapan silang tatlo.
Two months after his father’s death and one year old na
rin ang baby nila Miguel at Diana. Tinawagan sya ng abogado at magmi-meeting
daw silang lahat ng mga Legazpi family. Nagulat si Miguel na binigay sa kanya
ng daddy nya ang farm pati na rin ang lumang farmhouse. Ang ibang ari-arian ay
hinati sa kanyang dalawang kapatid kasama pa rin ang mommy nya. Masaya na
silang lahat lalo na sina Miguel at Diana dahil tanggap na sila ng mommy ni
Miguel. Kontento na rin sya na binigyan pa rin sya ng mana sa daddy nya.
Chapter 18
“Love, I have a surprise for you.” Sabi ni Miguel kay
Diana a day before her birthday.
“Really? Ano yan?” Na-excited si Diana.
“Close your eyes muna.” Miguel covered her eyes with his
hands as they walked outside their house. She was very surprised.
“Oh my god. Is this for me?” Maiiyak na tanong ni Diana
sa asawa nya. Isang bagong kotse ang regalo ni Miguel sa kanya.
“Yep! Here’s your key. Dahil gusto ko maipagpatuloy mo
ang pangarap mo na maging isang sikat na Journalist. Kaya you need a car para
makapunta ka kahit saan kung kailangan sa work mo at dahil malayo tayo sa
syudad.” Nakangiting sabi ni Miguel.
Diana cried ang hugged him and thanked him. She can’t
believe na magkaroon ng sariling car dahil sa hirap ng buhay nila dati ng nanay
nya. She had so many sacrifices na rin para kay Miguel kaya binigyan sya ni
Miguel ng magandang regalo nang maipamana na sa kanya ang farm dahil sa kanya
na lahat napupunta ang kinikita nito.
A few weeks later, as they were getting ready for bed at dahil
tulog na rin si Baby Miggy na nasa kabilang kwarto kasama ang nanay ni Diana ay
nag-usap silang mag-asawa.
“I think it’s about time na sundan na natin ng kapatid si
baby, ano sa tingin mo?” Naglalambing si Miguel sa asawa nya.
“What?” Natawa si Diana. “Hindi na naman ako makaka-focus
sa career ko kung mabuntis uli ako, ano?” Niyakap nya si Miguel habang nakahiga
na sila. “Pero ako na naman ang may surprise sa ‘yo. Muntik ko nang makalimutan
sabihin.”
“Really? What is it?” Tanong ni Miguel.
“Nagbook ako ng hotel sa Boracay. Hindi kasi tayo
nakapag-honeymoon kaya I think magbakasyon muna tayong tatlo ng five days at
para makapag-pahinga ka naman. Masyado ka yatang subsob sa work kaya gusto ko
makapag-unwind ka, tayo, kasama si baby.” Sabi ni Diana at excited sya na first
time nilang magbabakasyon.
“Wow! I can’t wait na makapag-bakasyon tayo sa wakas.
Hindi ko naisip ‘yan ha. Mabuti’t naisipan mo and we really deserve a break.”
He kissed her lips three times. “Thank you for being always there for me. In my
good times and bad times.” Sabi ni Miguel.
“Thank you din, at dahil sa’yo life became so meaningful.
Marami tayong pinagdaanan sa buhay pero hindi ka sumuko. Ako, muntik na akong
sumuko dati, pero dahil may isang ikaw na dumating sa buhay ko, nabago ang
paningin ko sa buhay. At natoto akong lumaban sa lahat na mga pagsubok because
you are my inspiration. I always thank God we have each other.” Nakangiting
sabi ni Diana.
And one year after their civil wedding anniversary ay
nagpakasal sila sa church. Simple lang at sa old farmhouse sa may pool side ang
reception dahil dito sila sa farmhouse unang nagkita after so many years mula
noong maliit pa sila. Nasundan na naman si Miggy ng baby sister kaya nahinto na
naman sa trabaho si Diana. They still live at Miguel’s own farmhouse and they renovated
the old farmhouse and converted it into a pension house and named it The Farmhouse
para mapakinabangan naman.
~
The End ~
Comments
Post a Comment