Loved You For A Thousand Years

Chapter 1

Jim was only forty-five and has been widowed for three years. His wife died because of Cervical Cancer. His son, Jacob was already sixteen and his youngest daughter, Jewel was only thirteen. He didn’t have much time dating with other women again and re-marry because his car dealership business just boomed and he was super busy. Dumaan kasi sila sa malaking pagsubok sa buhay ng magkasakit ang wife nya hanggang mamatay ito. Unti-unti na silang nakabangon muli at nakakalimutan na nya na may dalaga sya na kailangan ng attention and help her on women’s stuff.

“Dad, I think it’s about time you should consider dating and maybe marry again. We really need a female figure here in the house.” Sabi ni Jacob while they were having a dinner.

“Yeah, tinutukso na nga ako ng mga tito at tita nyo na maghahanap sila ng ka-blind date ko.” Natawa si Jim. “I have never thought about it for such a long time dahil sa sobrang busy.”

“Ano?” Naiinis si Jewel sa narinig nya. “Kikilabutan nga kayo dyan, Dad. Ang tanda-tanda nyo na magba-blind date pa kayo, ewww! It sucks! Mumultohin kayo ni Mom ‘pag nagdi-date ng iba.”  

“Wala namang masama kung magdi-date si Dad. He’s officially single. Maiitindihan ‘yan ni Mom dahil kailangan mo rin ng katulong dyan sa pagdadalaga mo at pati ako inuutusan mong bumili ng napkin na hindi ako kabisado sa mga bagay na ‘yan. At saka puro lalaki ‘yang mga barkada mo. Hindi pa huli ang lahat para mahinto na ‘yang pagiging tomboy mo.” Jacob was disappointed on how his younger sister grew up without the aide of a mother at sya ang laging umaalalay sa sister nya dahil busy nga ang Daddy nila.

“Jewel, no one can ever replace your Mom. She will always be your Mom, but I think I should consider seeing some women and maybe re-marry. Mahirap ‘pag ako lang mag-isa at lalo na sa ‘yo na hindi na kita na-guide dyan sa pagdadalaga mo.” Sabi ni Jim.

“Wala naman akong problema, ano ba kayo? I’m very much fine. Masaya lang talaga ako sa mga ka-berks ko dahil magkakasundo kami. Madali lang naman mag-research about growing up lalo na sa aming mga babae at saka nandyan naman si yaya eh.” Paliwanag ni Jewel.

“O cge, huwag mo na ulit ako utusang bumili ng napkin ha at nahihiya ako. Huwag ka nang humingi ng tulong ko about sa uniform mo or sa dress mo. Doon ka nalang humingi ng tulong kay yaya ‘pag kinakailangan.” Sabi ni Jacob.

Hindi rin naman si Jewel nanghihingi ng tulong sa tita nya na sister ng Daddy nya dahil nahihiya sya. Hindi rin sya mahilig magkipagkaibigan sa mga babaeng classmates nya dahil nao-OAhan sya kaya apat sa ka-barkada nya ay puros mga lalaki. She was more comfortable asking help from her Kuya rather than with others. She grew up with two men in their house that’s why she was more exposed to men’s thing and stuff rather than women. Napansin ito ni Jacob at natatakot sya na tuluyan ng maging tomboy ang sister nya hanggang lumaki. Napansin naman ito ni Jim pero dahil sa sobrang busy ay hindi nagpagtuonan ng mabuti. Kaya mabuti nalang at very concerned si Jacob that he was trying to help and very supportive of his father’s idea on re-marrying.

Chapter 2

“Hi, I’m Jim.” Sabi ni Jim habang tumayo at inabot ang kamay ni Wendy when she arrived. “It’s so nice to finally meet you.” He smiled.

“Hi Jim. Sorry to keep you waiting.” Nakangiting sabi ni Wendy. It was their first date at a restaurant kung saan ang pinsan ni Jim ang nagset-up. Magkakasama sa work at close friends si Wendy at ang pinsan ni Jim. She was late for twenty minutes.

Wendy was only forty-one and has also been widowed for three years. Her husband was a member of the US military and died in a war during his mission in Syria. Fil-am ang husband nya. She has a fifteen year old son, Brix. She was working as a sales manager in an advertising agency after they moved back from the US when her husband died. They decided to stay for good in the Philippines dahil hindi madali ang buhay nila sa US.

She didn’t think about dating again since her husband died dahil natatakot syang makapag-asawa ng maling lalaki. Sobrang bait kasi ng husband nya at namana nito ang kabaitan sa anak nyang si Brix. She was very happy with their life at kahit papano ay nabigyan naman nya ng maayos na buhay ang anak nya that’s why she lost interest in dating with other men. Napilitan lang syang makipag-blind date kay Jim dahil very close friend nya sa work ang cousin ni Jim.

Wendy was surprised when she met Jim. He doesn’t look like his age, naisip nya. She didn’t expect na ma-love at first sight agad sya. They have only talked once on the phone yesterday and finally decided to meet para marami silang mapag-kwentuhan personally. And she never expected na masundan ng masundan pa ang first date nila.

“I would like to invite you for a dinner sa bahay next weekend. It’s about time that you should meet my kids and I should meet your Brix na rin.” Sabi ni Jim habang yakap-yakap si Wendy as they were watching the sunset from the seashore. They were having an overnight weekend getaway at a beach resort. It’s been three months already since they started dating.

“I’d love that. Matutuwa si Brix ‘pag makita ka personally at ang mga anak mo. Lagi kasi kitang kinikwento sa kanya at ang mga kids mo.” Sabi ni Wendy enjoying Jim’s tight embrace from her back.

“I do have a problem though. But I think you can help me handle on this. ‘Yong anak kong si Jewel, she’s very reluctant on my idea of having a new girlfriend or new wife. Tulungan mo akong ma-convince sya. At saka parang naging boyish na sya.” Sabi ni Jim.

“I understand her. Hindi madali sa kanya ang mga pangyayari dahil bata pa sya. She needs much attention, you know. We’ll both work on this para hindi sya mahihirapan. You can always count on me lalo na sa mga women’s stuff na kailangan ni Jewel habang nagdadalaga na sya.” Sabi ni Wendy.

Chapter 3

Jim and his son, Jacob were excited for Wendy and Brix to arrive for their dinner. Si Jewel lang ang hindi masaya at laging nakasimangot ang mukha. She really felt awkward having a new mother in their household. Meron naman daw syang yaya na inaalagaan sya. But she didn’t understand that her father wanted more than that.

Wendy and Brix were very delighted on how welcoming they were except for Jewel pero naiintindihan naman nila ‘yon. Masaya silang nagkikwentuhan while having dinner but Jewel was just silent.

“Jewel, would you like to come with me bukas, magsa-shopping tayo? Tayong dalawa lang. Samahan mo naman ako kasi it’s been a while na rin na hindi ako nakapag-shopping ng mga gamit ko.” Offer ni Wendy kay Jewel as they were eating.

“May gagawin po ako bukas, tita.” Maikling sagot ni Jewel.

“Anak, I’m giving you money at bilhin mo lahat ng gusto mo or kailangan mo. Kahit na magkano bibigyan kita. Basta huwag lang pang-boys na gamit ang bilhin mo, okay?” Sabi ng Daddy nya.

“Dad, may gagawin po ako bukas, importante. Saka nalang.” Naiinis na sagot ni Jewel.

“Ako nalang kaya ang samahan mong mag-shopping.” Nakangiting sabi ni Brix kay Jewel. “I’m planning to buy a new headset dahil nasira na ‘yong headset ko. Tulungan mo akong mamili. Nakita kita kanina naglalaro, anong playstation mo?” Tanong ni Brix.

“Ah Playstation 5. Naglalaro ka rin ng playstation?” Tanong ni Jewel kay Brix.

“Wow! Sa akin 4 pa lang sa ‘yo 5 na. Pa-try naman sa PS 5 mo.” Nakangiting sabi ni Brix.

“Sure ba, laro tayo after dinner.” Nakangiting sabi ni Jewel.

Jim and Wendy were very happy to see them got along well. They thought that it would be easier for them to convince soon that they were getting married.

Masaya silang dalawa ni Brix at Jewel na naglalaro ng Playstation in their entertainment room. Pumasok na rin sa room nya si Jacob to read some books while Jim invited Wendy to his bedroom.

“I want you to stay overnight.” And Jim kissed Wendy deeply.

“Ano? Wala kaming dalang gamit, ano ka ba? Why didn’t you tell me para nakapaghanda nalang kami.” Natawa si Wendy after they kissed.

“Akala ko kasi mamasamain mo. You can wear my shirt. Brix can borrow from Jacob.” Paglalambing ni Jim and kissed her again.

It was past nine in the evening already when Jacob went down to see the two playing at the entertainment room to remind Jewel of her time limit.

“Hey, it’s almost nine na.” Reminder nya sa dalawa. “And Brix, you can use my shirt for tonight. Doon ka raw sa guest room matulog sabi ni Dad.”

“Kuya, please extend naman for one hour, ngayon lang please. Naglalaro pa kami ni Brix.” Pakiusap nya sa kuya nya.

“O sige, until ten lang ha. Babalikan ko kayo mamaya.” Sabi ng Kuya Jacob niya.

Mahigpit ang Kuya Jacob nya. Very responsible na kuya at anak. Very protective sya kay Jewel kaya lang hindi nya kakayanin ang pagiging matuwid na babae nito kaya kailangan talaga nila ng new mommy.

Chapter 4

Unti-unti na ring nakuha ni Wendy ang loob ni Jewel. Naisama na nya ito sa pagsa-shopping at help her bought some female stuff. Hindi pa rin maiwasan ang pagiging boyish nya. It has been six months and Jim and Wendy were doing well and they planned to get married soon but they were waiting for the right time to tell their kids about their plan.

They went on a camping one weekend at doon mag-a-announce si Jim sa harap ng mga bata about their engagement. They had barbecue, some food stuff and drinks and enjoyed their dinner in front of a bonfire. Four tents were installed behind their back.

“Kids, we have an announcement to make.” Sabi ni Jim after they had their dinner. Nasa harap ng bonfire silang lima. “Your Tita Wendy and I are getting married soon. We need your support at sana masaya kayong lahat para sa aming dalawa. We promise that we will continue to fully support you and we are always here for you no matter what happened, we will always be united as a family.”

“Wow! Congrats Dad, Tita! You can count on me on this. You have my full support.” Sabi ni Jacob.

“Congrats po Mom, at saka Tito.” Nahihiyang sabi ni Brix.

Jewel was just silent and continued playing on her PSP. She didn’t know if she will be happy or sad so she would rather be silent.

“Are you with us, Jewel?” Tanong ng Daddy nya.

“Ha? Yeah, yeah! Congrats din po.” Sabi ni Jewel. “Isa lang po ang request ko Dad. Huwag nyo po akong isama sa entourage nyo dahil ayokong mag-gown, ‘yon lang po.” Sabi ni Jewel and they all laughed at her.

“Pambihira ka talaga! Hindi pa nga napag-usapan ang wedding ‘yan na agad ang naisip mo.” Sabi ni Brix.

“Ah Tita, dapat pala si Jewel ang maid-of-honor, ano?” Biro ni Jacob.

“Why not?” Nakangiting sabi ni Wendy. “Ano, Jewel, payag ka ba? I’d be happy if papayag ka.”

“Naku, wala kayong makikitang Jewel sa wedding nyo ‘pag ako ginawa nyong maid-of-honor. At saka bata pa ako hindi bagay sa akin, dapat sa ganyan ‘yong mga may edad na.” Sabi ni Jewel.

“Aba, wala namang pinipiling edad ‘yang maid-of-honor basta’t hindi ka lang masyadong bata kungdi eh mukha kang flower girl. Flower girl ka nalang kaya?” Natatawang sabi ng Daddy nya.

“Huwag nyo nga akong pagka-isahan!” Galit na sabi nya. Nakikita nyang tawa-tawa ng si Brix sa kanya at binatukan nya ito ng sombrero nya. Lumabas tuloy ang mahaba nyang buhok na pilit nyang tinatago sa sombrero dahil gusto nyang magpagupit ng maikli pero hindi sya bibigyan ng allowance ng Daddy nya ‘pag pinagupit ng maikli ang buhok nya. Nagulat si Brix dahil lumabas ang tunay na ganda ni Jewel ng lumabas ang mahabang buhok.

“Wow, why do you keep on hiding your hair maganda ka naman pala tingnan sa mahaba mong buhok.” Nakangiting sabi ni Brix. Pilit na kinuha ni Jewel ang sombrero nya pero hindi ito binigay ni Brix at nag-aagawan sila.

“Akin na ‘yan sabi!” Galit na sabi ni Jewel habang inaagaw ang sombrero nya kay Brix.

Umiwas si Jim at Wendy sa bonfire at naglalambingan sila sa medyo hindi kalayuan pero medyo madilim. Nakita ito ni Jewel na naghahalikan ang mga parents nila habang patuloy silang naglalaro ni Brix sa kanilang PSP.

“Hoy! Huwag kayong maglandian dyan! Pumasok nga kayo sa loob ng tent at ang sagwa-sagwa nyong tingnan!” Sigaw nya sa Daddy at Tita nya. Natawa silang dalawa at nagmamadaling pumasok sa kanilang tent. Nagulat tuloy ang Kuya Jacob nya who was seriously watching a movie in his portable DVD player.

Chapter 5

Pinalipat na sila Brix at Wendy doon sa malaking bahay nina Jewel at pinauupahan nalang ni Wendy ang bahay nila. They were busy preparing for the wedding but Jewel was not excited. Ginawa syang bride’s maid instead at partner nya si Brix. Ang cousin ng Daddy nya ang maid-of-honor dahil ito naman ang dahilan kung bakit nagkakilala silang dalawa at si Jacob ang best man. Pumayag si Jewel na maging bride’s maid basta payagan din syang mag-gig ng kabarkada nya sa reception dahil meron naman silang banda ng kabarkada nya kung saan si Jewel ay pianista. Si Clyde ang pinaka-close nya sa apat at lead vocalist nila. They only played sa school nila during occasions or events for fun.

On the day of the wedding, everyone was surprised because of how Jewel looked like when she was dressed up as a bride’s maid for the entourage. She was so beautiful just like her real Mom but she was not comfortable at halatang-halata sa lakad nya na hindi sya sanay sa high heels. Tinuruan sya ng Tita Wendy nya habang maaga pa dahil nakakatawa syang tingnan.

Mas lalong nagulat si Brix when Jewel arrived at the church. They were waiting for the whole entourage to be completed.

“Aba, mukha kang tao ngayon ah.” Tinutukso sya ni Brix habang inayos nito ang nagusot niyang skirt sa likod.

“Huwag kang mang-asar dyan! Palit nalang kaya tayo ng damit, gusto mo?” Naiinis si Jewel.

“You look so gorgeous today. Kaya sana araw-araw ka nalang bride’s maid para babae ka na palaging tingnan.” Natatawang sabi ni Brix. Sinapak sya ni Jewel sa bouquet nya.

“Hoy, masira ‘yang bouquet mo! Ikaw naman hindi na mabiro.” Sabi ni Brix.

When her Daddy saw her when he arrived at the church ay niyakap sya ng mahigpit. Tuwang-tuwa ang Daddy nya nang makita syang nakaayos at napakaganda.

“You look exactly like your Mom. I missed her though, but it’s time to move on. You will always be our precious Jewel, okay?” Sabi ng Daddy nya. “Always remember, no one can ever replace your Mom but your Tita Wendy can always be your second mother.” Then he kissed her forehead and the wedding started.

The reception was held in a five-star hotel restaurant. When the formal reception program was over ay nabunutan ng tinik si Jewel at nagmamadaling nagbihis dahil mag-gig sila ng kabarkada nya. She introduced Brix to her barkadas as her new brother before they started playing.

“Mga ‘tol si Brix pala, stepbrother ko.” Pakilala nya kay Brix sa mga barkada nya.

“Aba ‘tol may bagong kuya ka na pala. Dalawa na ang bantay mo.” Biro ni Clyde.  

“Anong kuya? Halos magkasing-edad lang kami ah, kaya ang sagwa kung tawagin ko syang kuya.” Sabi ni Jewel. Brix just laughed at them.

Brix admired her on how she played so well on the piano. Nagduet din sila ni Clyde at medyo maganda rin naman ang boses nya. The wedding day was fun and successful. Natutuwa na rin ang Daddy nya dahil kahit papano ay may talent din naman pala ang dalaga nya.

Chapter 6

Wendy resigned from her job so she can help Jim run their business. Jacob finally graduated in high school and he wanted to be a seafarer at malayo ang school nya that he needed to stay in a dormitory. Kahit ayaw nang Dad nya because he wanted Jacob to take up business course to help him run their business pero ayaw talaga nya.

“Kuya, iiwan mo na ako?” Naiiyak na sabi ni Jewel dahil paalis na ang kuya nya for the first semester. “Wala nang mag-aalaga at magtatanggol sa akin. Why not take up another course nalang na hindi malayo ang school? Kailangan kita dito, kuya, huwag ka nalang umalis, please?”

“No, Jewel. Ito ang pangarap ko at gusto kong matupad. Andito naman si Daddy at Tita Wendy, hindi ka naman nila pababayaan ah. Andyan naman si Brix, at andyan din si yaya. You’ll be fine, okay? Promise me na pagbutihin mo ang studies mo at please, stop being boyish na, okay?” Sabi ni Jacob and he kissed her forehead.

“Busy naman kasi palagi sina Daddy at Tita sa work nila. Kuya please, huwag ka nalang umalis.” Pakiusap nya ulit sa kuya nya. Hindi rin nya mapigilan dahil ito talaga ang pangarap ng kuya nya.

Nang makaalis ang kuya nya ay pumunta sya sa tabi ng pool. She sat down and soaked her feet on the water and tears were falling in her eyes. Malungkot sya dahil nawala na ang Mommy nya, sobrang busy ang Daddy nya at ngayon ay umalis ang kuya nya. Nakita sya ni Brix at nilapitan ito.

“Pwede ba akong tumabi?” Tanong ni Brix.

“Sure.” She wiped her tears with her hands.

“Hindi naman kita pababayaan, andito pa naman ako magbabantay sa ‘yo. You can always count on me if may problema ka or may kailangan ka, okay? Best friends naman tayo, di ba?” Sabi ni Brix.

“Syempre naman pero iba pa rin ‘pag si kuya. Mami-miss ko talaga ang kuya.” Umiiyak sya.

“Babalik din naman ‘yon ano ka ba. Para namang hindi na babalik si kuya. Stop crying na, okay? Ako na muna ang magiging kuya mo for now.” Sabi ni Brix.

“Are you sure? Uutusan kitang bumili ng napkin ko bibili ka ba? Hindi ka ba mahihiya?” Tanong ni Jewel.

“Ba’t naman ako mahihiya? Gusto mo ako pang maglagay dyan?” Biro nya at tumawa.

“Pucha!” Sinapak nya si Brix sa braso. “Itulak na kita dyan.”

“Maligo na nga lang tayo.” At hinila nya si Jewel sa pool at nag-aasaran sila.

They enjoyed swimming and it was getting dark na pala. Naabotan sila ng parents nila galing from work. Maya-maya ay nagbihis sila and got ready for dinner.

Inalagaan naman sya ni Brix at kahit magkaiba ang schools nila ay lagi syang binibisita sa school if he has time. He wanted to make sure that she’s fine dahil nakikita nyang kulang sa atensyon at pagmamahal si Jewel. Maaga kasing naulila sa ina at kahit na nag-asawa uli ang Daddy nito sa Mommy nya ay wala rin naman masyadong time dahil sa sobrang busy sa business nila.

Chapter 7

Two year passed and Brix graduated from high school. He took up Business course to help run his family’s business someday. Pero iba ang pangarap nya. Hindi nya tinapos ang Business course and after three years he quitted at nagpaalam sa Mommy nya. Pangarap nyang pumasok sa PMA. He wanted to be a soldier just like his Dad who was a soldier and died from a war. Umiiyak na naman si Jewel dahil this time si Brix na naman ang aalis.

“Brix, huwag ka nalang umalis. Kailangan kita dito. Sige na please dito ka nalang mag-college. Dalawa na kayo ni kuya ang mawawala.” Pakiusap nya habang nag-aayos ng mga gamit si Brix sa kwarto nya.

“Pangarap ko ‘to. Maliit pa ako noong buhay pa ang Daddy ko gustong-gusto ko na talaga maging sundalo. Pwede nyo naman ako dalawin doon sa school ko kung weekend eh.” Sabi ni Brix. “Sige na magbihis ka na at aalis na tayo.”

Ihahatid sya ng Mommy nya kasama ang Tito Jim nya. Jewel was hesitant dahil nalulungkot sya at ayaw nyang sumamang maghatid. Napilitan din syang sumama dahil mas lalo sayang malulungkot kung iwanan syang mag-isa sa bahay.

“Ikaw, ano bang kukunin mo sa college next year?” Tanong ni Brix while they were on their way to Baguio City.

Magkatabi silang nakaupo sa likod ng sasakyan. Gamit ang family van nila kasama ang driver dahil malayo ang pupuntahan nila. Ang Daddy at Tita Wendy nya ay tulog habang bumabyahe.

“Ewan ko. Parang nawalan na ako ng gana mag-aral dahil lahat nalang kayo umaalis.” Malungkot na sabi ni Jewel.

“Please don’t ever say that. Kailangan mong magsikap para mabuhay kang mag-isa kung kinakailangan. Hindi sa lahat ng oras may nakaalalay sa ‘yo. You have to be independent, hindi ka na bata, okay?” Sabi ni Brix.

She was silent. She was thinking deeply about her life. Maraming tao ang nagmamahal sa kanya pero unti-unti naman syang iniwanan. She realized that there is really nothing permanent in this world but change.

She cried when Brix entered the Military school barracks. Hindi nila alam kung kelan sila uli magkikita but they can visit him anytime after the first semester. Four years syang mamalagi doon sa PMA. The family stayed overnight in Baguio and went home the next day.

Their big house seemed quieter now than before. Wala na syang palaging kausap at wala nang mang-aasar sa kanya. Few days pa lang umalis si Brix ay sobrang miss na nya ito.

“Dad, pwede po bang pumunta sa bahay nina Clyde? Mag-jajamming lang po kami. Mag-practice lang po sa banda namin dahil pasukan na naman at tutugtog kami sa acquaintance party sa school.” Paalam nya sa Dad nya dahil nalulungkot sya. Pinayagan naman sya ng Daddy nya.

Chapter 8

Jewel took up a Business course, too, when she went to college para tulungan ang Daddy nya sa business nila. Unti-unti na rin syang natotong magpakababae dahil sa tyaga at tulong ng Tita Wendy nya. Lalo na sa college where she must wear a uniform na skirt and with short heeled shoes na required sa business school na pinapasukan nya. Tuwang-tuwa ang Daddy nya.

Clyde went to a different school and he planned to court Jewel because he liked her as she started to bloom as a beautiful lady. Nakikita nya ang pagbabago ni Jewel and he was encouraged to court her. He asked Jewel na samahan syang mag-dinner after school dahil Friday naman.

“Pucha! Parang ang romantic naman dito at kakain lang naman tayo. Ayoko dito, Clyde. Maghanap nalang tayo ng ibang restaurant.” Sabi ni Jewel.

“Nagpa-reserve na ako. Try naman natin kumain ng formal dining, okay?” Sabi ni Clyde.

“Ang OA mo ha, at naka-uniform pa ako. At bakit dito pa talaga ha?” Naiinis na si Jewel.

“Huwag ka na lang magtanong basta kakain tayo dito, okay?” Sabi ni Clyde.

Naninibago sya kay Clyde ngayon dahil sobrang sweet sa kanya. Kahit sa sobrang close nila mula high school pa ay she wouldn’t imagine that Clyde would even have the guts to court her. Ayaw nya bigyan ng malisya ang sweetness nya pero naninibago talaga sya.

 After dinner ay hinatid sya ni Clyde pauwi and before she went out of the car ay kinausap sya ni Clyde at sinabi ang feelings nya for Jewel and was asking her if she can be his girlfriend. Nagalit si Jewel at nag-away sila. Hindi niya ito kinausap for a few months at hindi rin naman si Clyde nagpupumilit. Nagkakahiwalay na ang barkadahan nila dahil sa away nila ni Clyde.

Lagi nyang nami-miss kasi si Brix at ang pang-aasar nito sa kanya. Kahit kailan ay hindi sya nagkakaroon ng crush sa isang lalaki. Pero kay Brix ay parang iba ang damdamin nya at lagi nyang hinahanap ang pag-aalaga nito sa kanya.

During school break naman ay umuuwi ang Kuya Jacob nya. His Kuya was very happy to see her na hindi na boyish mag-ayos. Tinutukso nga sya ng Kuya nya na baka inlove na raw dahil nagbago na. In one year time he will be graduating his course in seamanship. Madalas na rin ang bonding ni Jewel at ang Tita Wendy nya. Madalas na rin kasi ang out-of-town ng Daddy nya for business trips.

After one year they made a surprise visit to Brix. Tinatawagan naman nila ito palagi sa telephone doon sa school pero hindi nila sinabi sa kanya na dadalawin sya. It was weekend so Brix was allowed to go out pero madali lang. He was surprised to see Jewel na very lady na talaga ang dating at lumabas na ang tunay nyang ganda.

“In-love ka na ano?” Tukso ni Brix sa kanya as we they were having lunch sa malapit na restaurant sa Military school.

“Ano?” Her face turned red. “Ikaw talaga, almost one year tayong hindi nagkita at pang-aasar agad ang isasalubong mo sa akin.” Naiinis si Jewel sa joke nya.

“Ibang-iba ka na kasi ngayon eh. Pero ‘yan ang gusto ko at bagay na bagay sa ‘yo.” Sabi ni Brix.

“Hoy, ‘tol tama na ‘yan ha at sasapakan na kita dito sa sapatos ko.” Naiinis na sabi ni Jewel.

“Ano ba kayong dalawa. Ang tanda-tanda nyo na at nag-aaway pa rin kayo.” Sabi ng Mommy ni Brix.

“Where’s Tito Jim?” Tanong ni Brix.

“Out of town na naman. Madalas na kasi nag-a-out of town ang Daddy eh.” Sabi ni Jewel.

“So, seriously, do you have a boyfriend na ba?” Tanong ni Brix sa kanya.

“Pucha! Wala nga at hindi pa ako handa sa ganyang mga bagay ano ka ba!” Naiinis na sabi ni Jewel.

They enjoyed their lunch and talked a lot of things lalo na si Brix, he has so many experiences he shared and proud na proud ang Mommy nya. Mahirap ang buhay sa PMA at muntik na syang mag-give up but he was determined because this was his dream.

Chapter 9

In one year time Jewel will be graduating with her Business course. Kahit minsan nahihirapan sya pero nagsusumikap sya dahil laging paalala ni Brix sa kanya to finish her education so she can live on her own when everything else is gone. Hindi habang-buhay na may family syang umaalalay sa kanya at hindi habang-buhay silang may pera. Nakatapos na rin ang kuya nya at nakapagtrabaho na rin kaya mas lalong minsan nalang ito nakakauwi sa bahay nila dahil nasa barko na ito nagtatrabaho palagi.

Napansin ni Jewel na madalas na nag-aaway ang Daddy at Tita Wendy nya. Malungkot na naman sya. Ang dating masayahin at kompletong pamilya nya ay unti-unti nang nawawasak. Gusto nyang mabuo muli silang lahat pero parang mahirap na. She needed someone to talk so she decided to call Clyde. It’s been a very long time na rin mula noong nag-away sila dahil nainis sya dahil niligawan sya. It was weekend naman kaya sigurado syang available ito.

Pumunta si Clyde sa bahay nina Jewel at tuwang-tuwa si Clyde nang makita sya. Niyakap sya ng mahigpit ni Clyde at ramdam nya ang lungkot sa mga mata nito. They talked at the pool side habang kumakain ng meryendang hinanda ng yaya ni Jewel. Nawala na rin ang galit nya kay Clyde at parang kailangan nya si Clyde sa mga panahong ito na lagi nalang malungkot ang buhay nya.

“So, sinong girlfriend mo ngayon? Do I know her? Madami namang babae dyan sa school nyo kaya hindi ka siguro nahihirapang pumili ano?” Nakangiting tanong nya kay Clyde.

“Ang daming babae sa buong mundo. Anywhere you go, there are pretty and sexy women around. Pero ‘yong babaeng gustong-gusto ko na maging girlfriend ko ay isa lang.” Seryosong sabi ni Clyde. “Look, we have a good foundation dahil close na tayo since high school pa, di ba mas maganda ‘yon? We have known each other for such a long time na at napamahal na talaga kita. Hindi mo ako mapipigilan dahil since high school crush na kita kaya lang nag-aalanganin ako dahil akala ko tomboy ka. But when I saw you have grown as a lady na, I was convinced na gagawin ko ang lahat para magiging akin ka.”

“I can’t imagine us being a couple, parang ang sagwa.” Natatawa si Jewel.

“Why don’t we try it, please?” Nakikiusap si Clyde habang nakatitig sa mga mata nya.

Jewel was silent. She was thinking that maybe she will learn to love him soon if she would give him a chance.

“Jewel, alam kong malungkot ka. Nakikita ko sa mga mata mo. I’m going to make you happy. I will take care of you, I promise. Just please give me a chance. If it won’t work out then hindi naman kita pipilitin.”

“Kailangan kita, Clyde. I feel so alone though I am not lonely. Andyan naman ang Daddy at Tita Wendy pero lagi nalang silang nag-aaway. Bihira nalang si Kuya umuuwi at si Brix naman matagal pa yata ‘yon makakauwi dito. Ang laki-laki ng bahay namin pero parang ako lang mag-isa ang nakatira. I feel like I am deprived of real happiness na pangarap ko sa isang family. Maaga kasing nawala ang Mommy ko. May tita naman ako pero masyadong busy sila ni Daddy. Si yaya na nga lang ang palagi kong kausap araw-araw dito.” She started to cry.

Clyde hugged her tight and kissed her forehead. Naawa sya kay Jewel. “I will always be here for you no matter what, okay?”

“Dito ka nalang mag-dinner then let’s watch movie after.” Sabi ni Jewel. “Umalis na naman kasi ang Daddy. I have a feeling that he’s having an affair. Nakakahiya na kay Tita Wendy.”

“Really? Paano mo nalaman?” Tanong ni Clyde.

“I have a feeling lang. Lagi kasi syang galit at lagi silang nag-aaway ni Tita and he’s always out for a few days, business trip daw, but I doubt.” Sabi ni Jewel.

They had dinner together kasama ang Tita Wendy nya. Natuwa naman ang Tita nya nang magpaalam si Clyde na nililigawan nya si Jewel para tuluyan nang iwan ni Jewel ang pagiging boyish nito.

After dinner ay nanood silang dalawa ng movie sa entertainment room habang pumasok na sa kwarto ang Tita Wendy nya. Hindi naman mapigilan ni Clyde ang damdamin nya kay Jewel at yakap-yakap nya ito as they enjoyed the movie. He tried to kiss her lips but umiiwas si Jewel. But later on nagpaubaya na rin sya and finally they kissed. It was her first kiss ever at nahihiya pa sya. Magkayakap pa rin silang nanood ng movie until they fell asleep sa black couch.

Chapter 10

The next day nagulat silang dalawa at nagising dahil sumisigaw ang Tita Wendy nya habang umiiyak. She was hysterical as she was looking for Jewel because she can’t find her in her bedroom.

“Tita, what’s wrong?” Kinakabahan si Jewel.

“Your Dad!” Umiiyak sya at hindi makahinga. “Oh my god, Jewel… your Daddy! I can’t believe this!”

Niyakap ni Jewel ang tita nya. “Bakit po, tita? Ano pong nangyari kay Daddy?” Umiiyak na rin sya.

“He’s gone… tumawag ang pulis kanina.” Umiiyak sya as she was trying to say some words. “Ang sakit… dahil may kasama syang ibang babae… at namatay rin. Magkasama sila!” She sobbed as Jewel hugged her. Naawa sya sa tita nya.

Totoo nga ang kutob nya that his Dad was having an affair. Magkasama sila ng babae nya nang gabing iyon and had a car accident. Both of them died as they were rushed to the hospital and the mistress’ family took her right away para hindi makita ng family ni Jim.

Galit na galit si Wendy pero wala na syang magawa kahit magmumura sya at sampalin nya ang bangkay ni Jim. It was painful because she has been a faithful wife and a good mother to his kids. She realized that she was aging already and too much busy with their business. Perhaps it was the reason why Jim found a younger mistress and was always out for a few days.

Jewel messaged her kuya right away so he would call back as soon as he received the message because he was on board sailing somewhere in Europe. Then she tried to call Brix dahil tulala pa ang Tita Wendy nya sa mga pangyayari. Pinayagan naman si Brix na mag absent for a few days until malibing ang tito nya. Sumakay agad sya ng bus at umuwi dahil kailangan sya ni Jewel ngayon.

She was so happy to see him and they hugged each other so tight. Parang sabik na sabik sila sa isa’t isa. Iyak sya ng iyak and she felt it was so comforting to cry in his warm embrace. Muntik na nyang nakalimutan na may boyfriend na pala sya. Mabuti nalang at umuwi na muna si Clyde matapos nilang maayos ang lamay ng Dad nya sa isang malaking funeral home. Nasa tabi lang ang Tita Wendy nya nakaupo at kausap ang Ate ng Daddy nya. Nilapitan ni Brix at niyakap ang Mommy nya.

“Tita, ako na po ang humingi ng tawad sa nagawang kasalanan ng Daddy. Nakakahiya pero wala na tayong magawa… I’m sorry po Tita. Kung hindi siguro sya nambabae ay buhay pa sana sya ngayon. Kaya siguro kinuha nalang sya ng Diyos para mahinto na ang mga kasalanan nya.” Umiiyak na sabi ni Jewel.

“Shhh, tama na ‘yan.” Sabi ni Brix at niyakap uli sa Jewel. “Wala na tayong magawa. Malalampasan din natin ‘tong pagsubok sa buhay natin.” Niyakap nya rin uli ang Mommy nya. “Kelan ba si Kuya Jacob uuwi? Alam na ba nya?”

“I sent him a message na. He might call anytime.” Sabi ni Jewel

Kahit papano ay naging matapang nyang hinarap ang katotohan na ang Daddy naman nya ang nawala this time. Nakausap naman nya agad ang kuya nya at uuwi ito agad. Perfect timing nang maka-dock sila sa port at kumuha agad sya ng flight pauwi.

Chapter 11

The next day bumalik si Clyde sa lamay. He kissed Jewel right away when she greeted him at the door. Nakita ito ni Brix. Parang nagseselos sya. Hindi nya matiis so he asked her right away.

“Boyfriend mo na ba si Clyde?” Tanong nya kay Jewel. Nasa loob ng maliit na kwarto ng chapel na pinaglalamayan ng Dad nya sila nag-uusap.

“Bakit? Hindi mo ba sya gusto para sa ‘kin?” Seryosong tanong nya.

“Bakit hindi mo naikwento sa akin? Since when? Sigurado ka bang seryoso sya sa ‘yo or maybe he’s just taking advantage of you dahil sa sobrang close nyo?” Sunod-sunod na tanong ni Brix sa kanya.

“Nagdududa ka ba kay Clyde? Baka nakalimutan mong childhood friend ko ‘yan at matagal na ‘yan nangligaw sa ‘kin kaya lang hindi ko sinagot agad dahil nainis ako sa kanya at hindi ko sya kinausap ng matagal... I’m so thankful nga at nandoon sya sa tabi ko on that day mismo na nalaman namin na wala na si Dad. He comforted me and helped me para maayos ang lamay ni Dad dahil tulalang-tulala si tita at hindi namin alam agad ang gagawin.” Paliwanag nya kay Brix at parang naiinis sya.

“What are you trying to imply? Na wala akong kwenta dahil wala ako sa tabi mo at hindi kita natulungan agad? Na hindi ko kayo natulungan ni Mommy agad dito?” Naiinis na rin si Brix.

“Wala akong sinabing ganyan… Pero kung hindi ka sana umalis eh andito ka sana palagi sa tabi namin at natutulungan kami sa mga problema namin doon sa bahay. Eh, mas pinili mo ‘yong ambisyon mo kesa sa amin ang family mo eh.” Naiinis na sabi ni Jewel.

“Are you trying to blame for all of these incidents?” Galit na sabi ni Brix at pigil na pigil sa boses nya para hindi marinig sa labas dahil maraming guests.

“No! Of course not! Wala akong sinabing ganyan. I’m just trying to let you realize na iba sana ang buhay natin ngayon kung kompleto tayo.” Umiiyak na sya dahil nasasaktan sya. “Gusto ko lang naman ng isang buong pamilya. ‘Yong dating buhay natin noong maliit pa tayo, minsan magulo pero palaging masaya. Unti-unti kayong nawala, kayo ni Kuya. Sobrang busy naman si Daddy at ang Mommy mo kaya parang ako lang mag-isa nakatira doon sa bahay. Malungkot, alam mo ba’yon? ‘Yong mga panahong kailangan kita dahil marami akong problema, marami akong dinamdam, kailangan ko ng kausap dahil mababaliw na ako pero wala ka, wala si kuya. Si Clyde, isang tawag ko lang at nandoon na sya agad. I don’t love him that much… but I will learn to love him dahil alam ko kung gaano nya ako kamahal.” She kept crying habang nagpapaliwanag.

Clyde suddenly came in because he had been looking for Jewel. Naabotan nya itong umiiyak and he hugged her right away. Brix quickly left dahil naiinis sya nang makita si Clyde. Hindi nya maiintindihan ang nararamdaman nya. Nagseselos sya kay Clyde at naawa sya kay Jewel. But this is not the time to argue with his feelings and emotions for Jewel dahil namatayan ng Daddy si Jewel.

Dumating ang kuya Jacob nya after three days since their Daddy died. Nilibing nila ito on the fifth day katabi sa puntod ng Mommy nya. She kept crying and Clyde didn’t leave her side.

Nakabakasyon ng one month ang kuya Jacob nya kaya she was so happy. Hinatid nila si Brix sa Military school the next day after the burial. Hindi pa sila nagkausap ng maayos ni Brix dahil sa sobrang busy so they talked inside the car while on their way to Baguio. Si kuya Jacob nya nag nag-drive at katabi naman ang Tita Wendy nya sa front seat. So they had enough time to talk at back of the car.

“I’m sorry sa mga nasabi ko. I just want you to know that I’m always here for you kahit nasa malayo ako. Pwede mo naman akong tawagan kung gusto mo. Sisikapin ko sa pasko makauwi ako para makasama ko kayo ni Mommy, okay?” Sabi ni Brix as he held her right hand. “At saka, huwag na huwag ka lang sasaktan sa Clyde na ‘yan kungdi ako ang unang makakalaban nya.”

“Mabait naman si Clyde, eh. Alam ko namang hindi nya ako sasaktan, okay?” Sabi ni Jewel.

Chapter 12

Jewel finally graduated her degree in Business course. She cried on her graduation day dahil wala na ang Mommy at Daddy nya. Mabuti na rin at nakauwi ang kuya Jacob nya, silang dalawa ng Tita Wendy nya ang nag-attend ng graduation nya. Nakabakasyon kasi ulit ang kuya nya pero nalulungkot na naman sya dahil mag-aasawa na rin ito. Hindi maka-attend si Clyde dahil graduation din nya. Sabay nalang silang nag dinner in a restaurant with Clyde’s family after their graduation rites. Gusto ng family ni Clyde si Jewel dahil alam nilang may malaking business ang family ni Jewel.

Her Tita Wendy was trying to train her with their business so she can manage it when her tita retires someday. Ang tita nya na kasi ang manager dahil wala na ang Daddy nya. She needed to work hard para hindi masayang ang business na pinaghirapan ng Mommy at Daddy nya. Sya na rin ang magmamana nito because his kuya Jacob seems not interested.

Isang araw, habang busy sila sa conference room having a meeting with the sales department, tumawag ang OIC ng showroom sa baba dahil may naghahanap kay Jewel. She was very surprised.

“Good morning po, madam.” Sabi ng babaeng naghahanap sa kanya na medyo may edad na at may dalang three year old baby girl. “Huwag po kayong magulat. Wala na po kasi akong ibang maisip na paraan kaya kinapalan ko na po ang mukha ko na pumunta dito.”

“Ano po ang kailangan nyo sa akin?” Nalilito si Jewel dahil hindi naman ito mukhang bibili ng sasakyan nila.

“Ito po ang pamangkin ko, anak ng aking bunsong kapatid na namatay kasama ang Daddy nyo. Alam kong malaki ang kasalanan ng kapatid ko sa inyo dahil naging kabit sya ng Daddy nyo ng ilang taon at ito ang anak nila. Mahirap lang kasi kami kaya nahihirapan akong buhayin sya kasama ang lima ko pang anak. Hindi naman po ako nanghihingi ng pera, ang gusto ko lang po kunin nyo nalang po ang bata dahil kapatid nyo naman po sya kahit papano.” Umiiyak ang babae habang nagpapaliwanag.

Jewel was so shocked and didn’t know what to say. Kamukha nga ng Daddy bya ang bata pero ayaw nyang maniwala agad dahil baka scammer itong babaeng kausap nya.

“Ito ho ang birth certificate nya. May kinuhang apartment ang Daddy mo para sa kanilang dalawa ng bata at ang kapatid ko at may yaya din po ito dati. Kaya noong mamatay ang kapatid ko kinupkop namin sya dahil wala kaming pangbayad sa yaya nya. Alam ko pong mali ang ginawa ng kapatid ko at lagi kami nag-aaway dati dahil pinipigilan ko sya dahil alam kong pamilyadong tao ang Daddy mo pero hindi sya nakinig sa akin. Mahirap lang po talaga kami madam kaya parang awa nyo sa bata kunin nyo nalang po.” Nagmamakaawa ang babae.

“Ate, akyat po tayo sa taas doon po tayo mag-uusap.” Sumunod sa kanya ang babae at doon sila sa office nya nag-uusap. Napansin sila ng Tita Wendy nya so she followed them in her office.

“Jewel, who is she? At bakit may dalang bata?” Tanong agad ng Tita Wendy nya.

“Tita, I can’t believe this is happening. Anak daw ni Daddy ‘yan. What are we going to do?” Tumutulo na ang luha nya.

“What?” Nagulat ang Tita Wendy nya. Hindi na sya nakapagsalita uli at titig na titig sa mukha ng bata. She suddenly left them and she hurried to her own office and cried so hard.

She needed to call her Kuya and Brix and ask them on what to do. Binigyan nya nalang muna ng pera ang ale pambili ng gatas kahit nagdududa pa sya dahil naawa sya sa bata at binigyan ng calling card para tawagan sya bukas. She went to her tita’s office sa kabila at naabotang nyang iyak ng iyak ito at niyakap nya.

“Ang sakit, sakit, Jewel. Dahil alam ng Daddy mo na hindi ko na sya kayang pagbigyan ng anak bago kami kinasal but he didn’t care and promised me he will always love me no matter what. Dahil may mga anak na naman kami eh. I never thought na naghahanap sya sa iba. Ang sakit.” She kept crying.

Tahimik lang sya because she doesn’t know what to say. Ang laki ng kasalanan ng Daddy nya at naawa sya sa tita nya. Pero mas naawa sya sa bata kung sakaling kapatid nya ‘yon. Gusto nyang ipapa-DNA test ang bata para makakasiguro at kukunin nya ito kung sakaling kapatid nya. Umuwi ng maaga ang tita nya dahil hindi na sya makapag-concentrate sa work nya.

Chapter 13

She went to Clyde’s condo unit dahil kailangan nya ng kausap after what she learned today. She tried to call him pero hindi sumasagot. Nagbaka-sakali nalang sya kung maabotan si Clyde sa condo nya, at least she has time to ponder while driving on her way to Clyde’s place.

When she arrived at the unit, she knocked the door slowly hoping na nandyan lang si Clyde. After a few minutes Clyde opened the door half naked at maya-maya may sumunod na babae sa likuran nya. Nagulat si Clyde at mas lalong nagulat si Jewel.

“Pucha! Sino ‘yang kasama mo ha?” Tinulak nya si Clyde at pumasok sya sa loob. Nagulat ang girl at natakot sa kanya. “Sino ‘yang babaeng ‘yan ha?” She was enraged and she grabbed the magazine from the table and threw it to Clyde.

“Jewel, hindi ko sya girlfriend, please let me explain.” Paliwanag ni Clyde habang umiwas as she threw the magazine pero natamaan pa rin sya.

“Hindi nga dahil ako ang girlfriend mo! Walang hiya ka at nakipaglandian ka sa iba!” Sinampal nya si Clyde and then she hurriedly went out na umiiyak pababa ng condo building.

She kept crying as she was driving home. She was deeply hurt and hated Clyde at that moment. She tried to call Brix when she got home pero hindi nya ito nakausap dahil busy. She looked for her tita and went to the master’s bedroom. At nagulat na naman sya dahil nakita niya ang Tita Wendy packing up her clothes in two big luggages.

“Tita, where are you going po?” She was sad.

“I’m sorry, Jewel. I can’t live in this house anymore. Dahil lagi kong naalala ang Daddy mo. Kahit marami kaming good and happy moments more than the bad ones, but still nasasaktan ako tuwing naalala ko ang ginawa nya at lalo na kung mapatunayan na anak nya talaga ‘yong bata kanina. I can’t accept it.” Umiiyak na ang tita nya. “All this time, I had been a faithful wife, a responsible mother to his kids, but I just can’t believe it na nagawa nya sa akin ‘yon. Ang sakit, sakit. I just need some space muna. Ikaw na muna ang bahala sa office. I just really need a break. Babalik ako I promise.”

Parang pinagsakluban sya ng langit at lupa sa mga sandaling iyon. Everyone was gone and she will be left alone now. Kailangan nya ng karamay dahil kamamatay lang ng Daddy nya at nagtaksil si Clyde sa kanya. At parang hindi na babalik ang tita nya sa laki ng dalawang maleta na hinanda nya. She will be left alone in their once happy home. Ang yaya at ang security guard nalang ang matitira nyang kasama.

“Tita, please, don’t leave me po.” She hugged her tight and cried. “Please, tita.”

“Jewel, I know how strong you are. I’ve seen you grow as a wonderful person kahit na muntik nang mabaluktot ang pagkababae mo noon. You have to continue to be strong dahil hindi habangbuhay tayo magkakasama. Someday mag-aasawa na rin kayo ni Clyde, hindi na ako ang mag-aalaga sa ‘yo kungdi si Clyde na. Kaya you have to learn to be independent, okay? I’ll monitor you in the office naman and you can call me anytime if you need me, okay?” She kissed her and hugged her. Then she went downstairs carrying her luggages at kinuha ng yaya nya ang isa.

She can’t tell her tita about what happened with her and Clyde today dahil aalis na rin sya. Nagmamadali syang umalis. Hindi nya alam kung saan papunta ang tita nya.

“Yaya, alam mo ba kung saan pupunta ang tita?” Tanong nya sa katulong.

“Uuwi daw muna sya sa kanila sa probinsya at plano nyang magbakasyon sa Hongkong pero hindi pa sya naka-book ng ticket.” Sabi ng yaya.

“Yaya, kung mag-adopt po ako ng bata kakayanin mo ba? Kukuha naman po tayo ng isa pang katulong. Ang laki ng bahay natin pero dadalawa nalang tayo kasi.” Naisipan nyang kunin nalang ang bata.

“Abay sige para naman maingay uli ang bahay na ‘to. Talagang maingay ‘pag may bata kasi.” Sabi ng yaya.

Matagal syang nakatulog sa gabing iyon dahil sa dami ng problema nya. Malapit na rin ang pasko at mukhang mag-iisa sya sa pasko.

Chapter 14

Tanghali na sya nagising the next day dahil matagal syang nakatulog. She decided to take a shower and have her lunch. Puntahan nya si Brix sa Baguio dahil weekend. Tatawagan nya muna kung hindi ba sila aalis ng katropa nya sa PMA at susurpresahin nya ito. Napakalayo at sya lang magda-drive, come what may, sabi nya. Ilang beses na palang tumawag si Clyde sa telephone nila sabi ng yaya. Maraming missed calls din sa phone nya pero hindi nya sinagot.

Mahigit tatlong oras ang byahe nya at pagod na sya. It was getting dark when she arrived and muntik na syang hindi papasukin sa campus dahil magko-close na pero nakikiusap sya. Mabuti nalang at friend ni Brix ‘yong nakausap nya at tinawagan si Brix. He was surprised to see her dahil medyo gabi na.

“Hey! What are you doing here?” Niyakap sya ni Brix. “Sinong kasama mo?”

“Let’s talk in my car because I’m so damn tired.” She grabbed his hand at sumunod sya.

“Wait. You drove all the way here alone?” Nagulat si Brix. “Pucha! What if may nangyari sa ‘yo sa daan at ikaw lang mag-isa ha? Ikaw talaga kahit kailan pasaway ka.” Galit na sabi Brix.

“Huwag mo akong awayin dahil pagod na pagod ako.” And she slouched in the driver’s seat. She was holding her tears and silent for a moment.

“Si Clyde? Nag-away kayo?” Tanong ni Brix.

At hindi na nya matiis and she burst into tears. Niyakap sya ni Brix agad dahil ramdam nya ang sakit sa iyak nya. She was seeking for comfort since yesterday and then she was at his warm embrace again.

“Ano bang ginawa nya sa ‘yo ha? Babarilin ko ‘yang Clyde na ‘yan ‘pag nakita ko talaga.” He said as he rubbed her back. “Tarantadong tao ‘yan at sya ang dahilan kung bakit bigla kang napasugod ditong mag-isa.” Galit na galit si Brix sa mga sandaling iyon.

“Ang dami kong problema, Brix. I can’t handle this anymore.” Iyak pa rin sya ng iyak.

“Bakit, anong problema mo? Tell me, I’m always here and you know that.” Sabi ni Brix.

She told him everything. About Clyde that she caught him with another woman in his condo unit, the child that could possibly be her half-sister from her Dad’s mistress, and his Mommy who just left in their house. Natahimik si Brix. Ang dami-dami nga palang problema nya and he can’t blame her for driving alone all the way here. He hugged her even tighter and kissed her forehead. He took the white hanky from his side pocket and wiped her tears.

“Let’s eat muna dahil alam kong gutom ka. It’s dinner time na rin. Saka nalang natin pag-uusapan ang lahat ‘pag may laman na ang tyan mo, okay? Ako na ang magdrive.” Sabi ni Brix.

Kumain ulit sila doon sa restaurant where they usually dined when the whole family would come to visit him. He can see in her eyes na malungkot talaga sya and she needed him the most at that moment.

“Magpahinga ka nalang muna at bukas nalang tayo uli mag-uusap. You really looked so tired and stressed. Ihatid nalang kita sa hotel para makapagpahinga ka at bukas pupuntahan kita and let’s talk, okay? Magtaxi nalang ako pabalik ng campus.” Sabi ni Brix.

Pumayag na rin sya dahil talagang pagod na pagod sya at ang importante ay nagkita na sila at alam na ni Brix ang mga problema nya. She always felt at home sa piling ni Brix. Hinatid sya ni Brix sa hotel at niyakap nya ito bago umalis.

Nagkita uli sila the next day at allowed naman si Brix lumabas dahil weekend. They seriously talked about her problem while having lunch at the restaurant of the hotel.

“Brix, ipapa-DNA test ko ‘yong bata at kukunin ko once ma-prove na anak talaga sya ni Daddy. Tama lang ba ang gagawin ko? Para naman may makakasama ako sa bahay dahil ako nalang mag-isa. I’ll try to be a single parent na rin.” Natawa sya dahil hindi sya sanay mag-alaga ng bata.

“You know, I like that idea. Kahit na anak sya ng mistress ng Daddy mo, wala naman syang kasalanan. Tutulungan kitang alagaan ‘yong half sister mo kung sakali. Lagi ko naman sinasabi sa ‘yo andito lang ako palagi kahit nasa malayo ako. Kung ikagagalit ni Mommy, wala na tayong magawa. Alangan naman e-deny natin ‘yong bata at kawawa naman.” Sabi ni Brix.

“I’m sure matatanggap din ‘yon ng Mommy mo someday. I understand her today, if I were on her shoes, magagalit din ako, pero kukupas din ‘yon.” Sabi nya.

Chapter 15

Brix drove her back home on that Sunday afternoon dahil ayaw nyang mag-isa syang bumiyahe pauwi. Di bale nang sya ang mapagod sa byahe kesa si Jewel. They continued talking seriously about their situation on their way home as they had three hours travel time.

"Huwag kang magpadala kay Clyde kung mag-sorry sya sa 'yo, okay? Dahil hindi katanggap-tanggap ang ginawa nya sa 'yo. Nagawa na nyang mangloko, magagawa nya uli 'yon, believe me." Sabi ni Clyde as he went on driving.

"Ewan ko. Bahala sya sa buhay nya...” She paused for a moment, “minsan ba naisip mo na sana’y hindi nalang tayo naging stepbrother or stepsister?" Tanong nya.

"What do you mean?" Tanong ni Brix.

"If we could have met in a different way, liligawan mo kaya ako? ‘Yong kunyari hindi tayo iisang pamilya, magkakilala lang." Natawa sya sa tanong nya.

"At kung sakaling liligawan kita sasagutin mo ba kaya ako?" Tanong ni Brix.

"Syempre naman." Sagot nya agad.

"Bakit? Gusto kong malaman." Sabi ni Brix.

"Dahil mabait kang tao. Maalaga. Nasa 'yo na lahat eh... pero bakit until now wala ka pa ring seneseryosong babae? Or baka meron na at tinatago mo lang, ano?" Sabi nya.

"Wala akong panahon dyan. Tapusin ko muna ang ambisyon kong maging sundalo. Darating naman 'yan eh, kung ibibigay ng Diyos sa takdang panahon." Sabi ni Brix.

"Sana kasing bait mo si Clyde... pero hindi naman tayo magkadugo di ba? Sana ikaw nalang ang naging boyfriend ko." Nakangiting sabi nya.

"Sabagay hindi nga tayo magkadugo... sige nga ligawan mo ako at pag-iisipan ko kung sasagutin ba kita o hindi." Biro ni Brix sa kanya.

"Pucha! At ako pa talaga ang manliligaw eh ako ang babae!" Naiinis sya at sinapak niya si Brix sa braso ng malakas.

"Hoy! Madisgrasya tayo, ano ba?" Sabi ni Brix. "Ito naman hindi mabiro." He giggled but he liked her reaction.

He was thinking on what she just said. Hindi naman talaga sila magkadugo so he can always have her and even marry her. Mahal nya si Jewel kahit noong mga bata pa sila. Naguguluhan na rin sya sa feelings nya pero ang gusto niyang unahin muna ang mga problema ni Jewel. Saka nlang ang damdamin nya. Jewel fell asleep the rest of their trip.

When they arrived home she saw the large bouquet of flowers in the dining table with handwritten notes - I'm sorry. Kahapon pa daw nagpunta si Clyde and wanted to talk to her sabi ng yaya. He went back again this morning and brought the large bouquet of flowers.

"Huwag kang maniwala agad ng dahil lang sa mga bulaklak na 'yan. Pag-isipan mo ng maraming beses bago ka mag-decide at babarilin ko talaga ang Clyde na ‘yan pag ikaw sinaktan uli. Tandaan mo yan." Naiinis na sabi ni Brix.

“Pakitapon nalang po yaya.” Sabi nya sa yaya nya.

“Ay naku huwag, sayang at ang ganda-ganda pa naman. Ilagay ko nalang ‘yan sa flower vase at ilagay sa altar ko sa kwarto.” Sabi ng yaya habang kinuha ang flowers para ihanda ang mesa sa dinner nila.

Brix spent for dinner before leaving back to Baguio. Tumawag din daw ang Tita Wendy nya para kumustahin sya at nagalit ito ng malamang pumunta sya sa Baguio na mag-isa. Jewel called back her tita to let her know she was fine at hinatid naman sya ni Brix pabalik. Wendy was leaving for Hongkong the next day at magbabakasyon muna sa kapatid nya na nagwork doon kaya si Jewel na muna ang magma-manage ng business nila habang wala ang tita nya.

As usual, malungkot na naman si Jewel dahil aalis na naman uli si Brix.

“Mag-quit ka nalang sa PMA at tulungan mo nalang akong magma-manage sa business natin, please?” Nakikiusap na naman sya kay Brix. “Naka-three years ka rin naman sa business course, di ba? Para hindi mo na ako laging iniiwan dito.”

“Hindi pwede, isang taon nalang at ga-graduate na ako. Konting tiis nalang, okay? Basta you can call me anytime if you need me. And… don’t you ever to do it again na pupunta kang mag-isa doon, dahil makakatikim ka sa akin. Magpasama ka kung gusto mong pumunta, isama mo si yaya or hiramin mo ‘yong driver natin sa shop. Balitaan mo ako agad tungkol sa baby kung mapa-DNA test mo na agad, okay? And please take care of yourself. I’ll be back soon as I can, I promise.”

They hugged each other before he left. Hinatid nya si Brix sa labas ng gate habang nag-hintay ang taxi na sasakyan nya papuntang terminal ng bus.

“Gabing-gabi na. May byahe pa ba ngayon? Bukas ka nalang umalis.” Paglalambing nya kay Brix.

“Hindi pwede pagagalitan ako. Marami pang byahe ngayon 24 hours kaya ang mga bus dyan. I’ll call you naman pagdating ko.” Sabi ni Brix.

Malungkot na naman sya. She went to her room para magpahinga ng maaga dahil marami syang aasikasuhin sa office bukas at wala ang tita nya. Na-miss nya agad si Brix. She was thinking deeply kung sana hindi nalang nya naging stepbrother si Brix ay baka may chance pa na silang dalawa because she felt she loved him more than just a brother. Her mind and heart kept insisting that they can be lovers because they were not blood related. Hindi naman ito imposible sa tingin nya dahil ramdam nya na mahal din sya ni Brix dahil very caring sa kanya kahit nasa malayo sya.

Chapter 16

Brix was thinking deeply while looking outside from the window bus on his way back to Baguio. Alam nya sa sarili nya that he loved her more than just a sister and it’s not impossible to win her heart. Pero iniiwasan nya ang damdaming ito noon pa dahil alam nyang magagalit ang Mommy nya. His Mom kept reminding him na hindi pababayaan si Jewel at aalagaan ng mabuti kung wala na sila ng Daddy ni Jewel dahil napamahal na talaga ito ng Mommy nya bilang tunay na anak. Kaya nga nagpakalayo sya para hindi nya nakikita si Jewel everyday because he knew he would be madly in love with her if they kept being together as they were almost inseparable. He sacrificed his feelings para lang maiwasan ang posibleng mangyari sa kanila but the more he kept deceiving his own self the more it tortured him lalo na ‘pag nakikita nyang nalulungkot si Jewel dahil mag-isa nalang ito. Then he called her when he arrived at the school campus kahit na madaling araw na.

Maaga namang pumasok sa work si Jewel dahil sya ang magma-manage ng business nila dahil wala nga ang tita nya. Sinabi ng OIC na tumawag daw ‘yong ale na may dalang bata noong Saturday at hinahanap sya. She called her other tita, ‘yong Ate ng Daddy nya para sabihin ang tungkol sa bata at magpapatulong sya sa pagpapa-DNA test nito. Nagulat din ang tita nya pero wala na silang magawa at nangyari na.

It was proven na anak nga ito ng Daddy nya. She learned na dati pala nilang sales agent ang babae ng Daddy nya at kaya nagresign dahil nabuntis ng Dad nya four years ago. Apelyido rin naman nila ang dala ng bata na si Baby Julie. She was named Julie dahil July ang birthday nya ang sabi ng ale na nagdala ng bata. She got the authenticated birth certificate na rin ng bata kaya she was convinced na half-sister nga nya talaga ito. She told Brix everything and he supported her decisions. Excited na syang umuwi para makita ang bata.

Kumuha si Jewel ng bagong katulong na pamangkin din lang ng yaya nya. It was very difficult at first dahil iyak ng iyak ang bata. Nag-shopping sya agad ng mga gamit at laruan ng bata at natuwa naman ito. She was very thankful sa kanyang yaya dahil magaling ito sa bata. Ito na kasi ang yaya nya since she was five years old. Nagtulong-tulong silang tatlo sa pag-aalaga sa bata hanggang nasanay ito sa kanila at hindi na palaging umiiyak. Sa sobrang busy sa work at sa pag-aalaga ng bata ay nakalimutan ni Jewel pansamantala ang mga probema nya.

Bumalik na rin ang tita nya sa work but she decided to stay back at their own house na dating nilang tinitirhan ni Brix before she got married to her Dad. Umalis na rin kasi ang nangungupahan kaya doon nalang muna sya titira at ayaw nyang makita ang bata na kinuha ni Jewel.

“Tita, hindi mo pa rin ba matatanggap si baby Julie?” Tanong nya sa Tita Wendy nya noong naglunch break sila sa office. “Please, bumalik na po kayo sa bahay para magkakasama ulit tayo.”

‘I’m sorry, Jewel. I really don’t know when but I’m still not ready to see that child. Hayaan mo na at maayos naman ang situation natin. I’m happy na rin dahil naging isang responsible kang anak at Ate sa bata. I’m so proud of you at kung buhay man ang Daddy mo ay very proud din ‘yon sa narating mo. You can always call on me anytime kung may kailangan ka kahit hindi na tayo nakatira sa isang bahay, okay?”

Three months passed yet still she wasn’t ready to talk to Clyde. Lagi pa rin syang pinapadalhan ng flowers at laging tumatawag sa kanya pero hindi pa rin niya ito kinakausap. Hindi rin nya hinarap noong pumunta sa bahay nila. Wala syang time muna sa lovelife dahil masyado nang busy ang buhay nya.

Chapter 17

Christmas was nearly approaching at masaya na ulit ang pamamahay nila dahil kay baby Julie. The child brought happiness back to her lonely world and then she wished that one day she can have her own child na rin. She can’t imagine having a child with Clyde but maybe because it was not just the right time yet. Clyde sent her a Christmas card and a precious set of jewelry as a gift. She just sent him a text message to thank him but when he called back hindi nya ito sinagot.

Nag-shopping sila kasama si baby Julie at ang bagong katulong dahil medyo matanda na ang yaya nya para sumama sa shopping. Bumili sya ng mga regalo at fountain candles para mamaya sa Christmas eve. Kahit apat lang sila kasama ang security guard, naghanda pa rin sila para sa Noche Buena at para matuwa si baby Julie.

It was past nine in the evening at nakatulog ng maaga si baby Julie. Gigisingin nalang nya mamaya sa hating-gabi para sa Noche Buena. Malapit na rin matapos maghanda ang dalawang katulong. She arranged the gifts under the huge Christmas tree in their living room. She was getting emotional again dahil naalala nya ang Mommy at Daddy nya when she was young and they used to open gifts during Christmas eve. Then she called her kuya Jacob to greet him and his family. She also called her Tita Wendy na nasa probinsya magpapasko kasama ang lolo at lola ni Brix. Then she tried to call Brix pero hindi sumasagot, bukas nalang nya tawagan uli.

Then she remembered the grand piano sa tabi ng Christmas tree. It’s been a while since she last played the piano. She sat down and played, “Oh Holy Night”. Tears were falling as she played the piano dahil naalala nya ang mga pangyayari sa buhay nya. She prayed silently while playing the piano and thankful to God that she still has a good life even without a complete family. Inisip na rin nya na isang blessing si baby Julie sa buhay nya dahil ito nalang ang natira nyang kapamilya.

She was surprised after having deep thoughts and being emotional when she heard someone singing at her back na sumabay sa tinugtog nyang “Oh Holy Night”. Si Brix pala dumating. She hurriedly hugged him and she cried. She never thought makahabol sya sa pasko.

“Huwag mo na tapusin ang kanta ang pangit ng boses mo.” Biro nya kay Brix as they kept hugging each other. “Akala ko hindi ka na makarating sa pasko.”

“Nahihirapan kasi akong sumakay dahil maraming pasahero. I didn’t ask you to have someone to fix me because I want to surprise you. Di ba I promised na uuwi ako sa pasko?” Nakangiting sabi ni Brix. Bakas sa kanyang mukha ang kaligayahan habang yakap-yakap ang isa’t isa. “Where’s baby Julie? I can’t wait to see her.”

“Nandoon sa kwarto nya natutulog. Come on let’s wake her up.” She was very excited to show him her new baby sister.

“Mamaya mo nalang gisingin at gutom na gutom na ako.” Mahinang sabi ni Brix para hindi magising ang bata. He slowly kissed her forehead. “She really looked like your Dad. Hindi rin maipagkaila na kapatid mo sya dahil magkamukha kayo.” Nakangiting sabi nya.

Nakapakasaya ng Christmas ni Jewel dahil nakompleto rin ang kinikilala nyang pamilya. Nahihiya pa si baby Julie sa kuya Brix nya pero napangiti na rin ito when he gave her a doll as his gift. They enjoyed watching the firecrackers outside from the neighborhood and baby Julie enjoyed watching the fountain candles that Jewel bought. They ate after half past midnight then opened their gifts in the living room.

It was almost three in the morning when they were done celebrating their Christmas. Sabay nilang pinatulog si baby Julie sa kwarto nito dahil busy pa ang katulong cleaning up in the kitchen. Nakatulog agad si Brix sa tabi ni Julie dahil sa pagod at ginising sya ni Jewel.

“Pumunta ka nalang sa kwarto mo para makapagpahinga ka ng maayos, okay? Ako nalang muna dito at aakyat na rin ang katulong mamaya, sya kasi ang katabi ni baby Julie sa gabi. Alam kong pagod ka pa sa byahe.” Sabi ni Jewel habang inayos ang mga laruan ng bata na nagkalat sa sahig.

Pagod na pagod nga si Brix at tinamad bumangon. Hinila ni Jewel ang kamay nya dahil baka mahihiya pa ang katulong pumasok ‘pag nakita syang nakatulog sa tabi ng bata.

“Merry Christmas ulit.” Sabi ni Brix at niyakap sya. “And thank you.”

“Thank you for what?” Tanong ni Jewel.

“For being my family that I can always count on.” Sabi ni Brix.

“Di ba ako dapat ang mag-thank you sa ‘yo?” Sabi ni Jewel.

“I’m thankful because you always make me happy. Kahit wala si Mommy, nandyan ka naman palagi para sa ‘kin. Kaya dito ako nagpapasko at hindi sa Mommy ko dahil alam kong mas kailangan mo ako dito.”

“Thank you, Brix, for everything. With you, I am always at home… Merry Christmas ulit… sige na magpahinga ka na.” Sabi ni Jewel at umiwas na sya sa yakap ni Brix nang dumating ang katulong dahil baka kung ano pa ang iisipin nito sa kanilang dalawa.

The three of them went to church together the next day. They had lunch after church at pinasyal nila si baby Julie after kumain. Para silang isang happy family kung pagmasdan. Sinusulit nya ang bawat oras na magkasama silang tatlo dahil babalik na naman sya sa Baguio after New Year. Pinasyal din nila si Julie sa bahay ng kuya Jacob nya para makilala nila ang bata at natanggap din naman ito ng kuya nya at binigyan ng regalo. Bumalik si Brix sa Baguio after New Year at hindi na nagpahatid dahil ayaw nyang makaabala.

Chapter 18

It was almost Valentine’s day. She can see the hearts everywhere while shopping at the mall. Naalala nya si Clyde. It’s been a few months na rin na hindi niya ito pinansin pero andyan pa rin and never stopped begging for her forgiveness. Si Clyde lang din kasi ang first and only boyfriend nya.

Gusto nyang makisabay sa romantic season kaya she decided to call him para may ka-date sya. Napaka-boring din kasi ng lovelife nya. Meron naman syang ibang admirer pero ayaw nya at wala syang tiwala sa ibang mga lalaki. Pero si Clyde ay kilalang-kilala naman nya ang buong pagkatao maliban lang doon sa pagiging babaero nya na hindi nya masyadong napansin.

“Hi, pwede ba tayong magkita?” Nahihiyang sabi nya ky Clyde nang tinawagan nya.

“Of course!” Masayang sagot ni Clyde. “I’m having a quick conference call in three minutes, I will definitely call you back right after, okay? I promise.” Sabi ni Clyde and bade goodbye.

After thirty minutes Clyde called her back. “Where are you right now?”

“I’m here at the mall. Nagsa-shopping kung may magugustuhan. Kung wala uuwi na rin ako.” Sabi ni Jewel.

“Umuwi ka nalang at hintayin mo ako. I’ll bring food for dinner sa bahay mo.” Suggestion ni Clyde.

“I think that’s a good idea. Kasi I want you to meet my new sister.” Sabi ni Jewel.

“Really, nagkaanak ba si Tita Wendy at ang Daddy mo?” Tanong ni Clyde.

“Nope. It’s a long story. I’ll tell you later… sige I’ll wait you nalang sa bahay.” At nagmamadali syang umuwi para hindi maabutan ng traffic.

Clyde was so happy to see her after a few months. Jewel decided to forgive him at umaasa na hindi na uulitin ni Clyde ang ginawa nyang panloloko. He was happy to meet baby Julie. Jewel told him everything while they were having dinner sa bahay nila. Nahihiya na naman ang bata na may bago na naman syang kuya na pinakikilala.

Patuloy silang nagkwentuhan sa entertainment room after dinner habang nanood ng cartoon movie ang bata na nakaupo sa maliit niyang chair sa harap ng malaking TV. Hindi naman mapigilan ni Clyde ang pangungulila kay Jewel at niyakap nya ito ng mahigpit. Panakaw-nakaw ng halik dahil baka lumingon ang bata sa kanilang dalawa at natawa si Jewel sa sitwasyon nila.

“Feeling ko parang may anak na rin ako, at ang sarap ng feeling na may inaalagaan ako. Para ko na rin kasing anak si Julie. Blessing talaga sya sa buhay ko kahit na galing sya sa isang maling relasyon.” Natawa sya sa sinabi nya. “I kept ignoring nalang kung anong sasabihin ng mga tao basta ang importante masaya ako at hindi na ako nag-iisa dito sa bahay namin. Hindi na ako malungkot unlike before na parang ako lang mag-isa dito.”

“Gusto mo ba bumuo tayo ng family para madagdagan pa si baby Julie? We are at the right age na rin naman di ba?” Seryosong tanong ni Clyde.

“What? Masyado ka naman yatang seryoso. Ngayon lang tayo uli nagkita matapos mo akong niloko at ‘yan na agad ang naisip mo. Ayoko muna pag-usapan ang mga ganyang bagay, okay?” Sabi ni Jewel.

“Okay, okay. Ayokong masira ang gabi natin at ang saya-saya ko pa naman because I have you back. I promise hindi na talaga mauulit ‘yon. Thank you at pinatawad mo na ako.”

They had a romantic dinner date on Valentine’s day. Masaya naman si Jewel kahit papano at na-feel nya na seryoso naman talaga si Clyde. Alagang-alaga na rin ni Clyde si baby Julie at ‘yon ang mas mahalaga sa kanya.

Chapter 19

She called Brix and told him na nagkabalikan na sila ni Clyde at galit na galit ito sa kanya. She told him kasi that Clyde seems serious this time and mentioned about marriage pero hindi na muna nya pinapansin dahil hindi pa sya handa. Nagtatampo si Brix at hindi nya muna kinausap si Jewel. He was really having a hard time weighing things between his feelings and his career, and their situation. It was the most difficult thing for him to uncover his true feelings for Jewel na matagal na panahon na nyang pinipigilan. He seems so selfish if he doesn’t want Jewel to be happy with another man dahil hindi naman nya kayang ibigay because he had been holding it for a long time. But he was afraid na baka magbago ang lahat kung sakaling sasabihin nya kay Jewel ang totoo. He was confused so he talked to his best friend na classmate din nya sa PMA.

“Bok, ang PMA hindi ito tatakbo, hindi ito mawawala at pwede mong balikan anytime. Pero ang babaeng mahal mo, ‘pag nawala ‘yan at napunta sa iba, pagsisisihan mo talaga habangbuhay.” Sabi ng friend nya at seryoso silang nag-uusap sa mess hall while having dinner.

“Isang taon nalang Bok, at matatapos na natin ang PMA. Pero natatakot ako na baka makuha na talaga ang loob nya doon sa babaero nyang boyfriend dahil lagi kasi syang malungkot at mag-isa. I feel like he is just trying to take advantage of Jewel because she is always lonely.” Sabi ni Brix.

“Eh, pwede mo namang tapusin ang isang taon pa dito. Ang importante masabi mo sa kanya ang totoong feelings mo na dati pa ay mahal mo na sya para hindi na sya babalik doon sa boyfriend nya. Sabihin mo lang sa kanya ang totoo para malaman nya. Kung magalit bahala na basta nalaman nya ang totoo. At mababago rin ang isip nyan at ikaw ang pipiliin dahil halata namang mahal ka rin nya. Bok, huwag mo nang sayangin ang oras dahil sa tingin ko, sooner or later, magpapakasal ‘yang dalawa. Nasa tamang edad na rin kasi si Jewel at kailangan nya ng family na bubuo sa pagkatao nya and she had been longing to have a complete family din eh.” Payo ng friend nya.

“Malapit na rin naman ang finals natin, tatapusin ko nalang muna. Bahala na, Bok. Uuwi agad ako after sa exam dahil natatakot akong tuluyan na syang mapunta sa iba. Hindi ko kakayanin ‘yon.” Sabi ni Brix.

Jewel had been trying to call him pero hindi na muna sya sinasagot ni Brix dahil nagtatampo sya. He had been thinking so deeply on what to do and the possibilities but he cared less this time. Kahit gaano kahirap ang pinagdaanan nya sa PMA at hindi nya ito tatapusin ay bahala na. Gusto nyang makausap personal si Jewel ‘pag natapos na nya ang final exams.

Alam naman ni Jewel na nagtatampo si Brix sa kanya kaya hindi sinasagot ang mga tawag nya. Hinayaan nya nalang muna at alam nyang hindi rin sya matitiis nito. Maayos naman ang relationship nila ni Clyde this time pero parang hindi pa rin sya masaya. She noticed that Clyde seems serious na talaga this time and palaging nang binabanggit ang marriage pero ayaw pa ni Jewel. Madalas na rin sila nag-a-outing kasama si baby Julie na para na rin silang happy family at natuwa na rin sya kahit papano.

Still she can’t avoid thinking na baka lokohin sya uli ni Clyde. Hindi na talaga mabura sa isipan nya ang nangyari dati na niloko sya ni Clyde. It was almost midnight at naisipan nyang puntahan si Clyde sa condo unit nya. She was thinking na baka may madiscover na naman sya pagdating nya doon dahil hindi naman akalain ni Clyde na puntahan sya sa ganoong oras.

She called Clyde’s phone when she arrived at his unit. “Hey, sorry to wake you up. I’m at your doorstep. Papasukin mo ba ako? If hindi okay lang, uuwi nalang ako.”

“What? Saan ka ba galing at anong oras na?” Nagmamadali syang bumangon para buksan ang pinto.

“I can’t sleep eh. Gusto kong uminom sa bar kaya lang boring kung ako lang mag-isa. So, I decided to drop by here nalang.” Alibi nya.

He hugged her as he opened the door, he was only wearing a boxer short because he was already asleep when she called. She went inside quickly and slouched in his black sofa in the living room.

“Dito nalang kaya ako matutulog muna… Pwede ba magbihis ka naman?” Sabi ni Jewel dahil naiilang sya sa suot ni Cyde na pantulog.

“Alam ko na… you are trying to check on me at this wee hour kung baka may kasama akong ibang babae uli dito, ano?” Nakangiting sabi ni Clyde as he sat in beside her and hugged her. “Wala ka bang pasok bukas?”

“Hindi.” Natawa sya. “Hindi nga ako makatulog kaya lumabas ako. Gusto kong uminom para makatulog naubos na kasi ang wine sa bahay… Magbihis ka nga. Saan ba ang t-shirt mo ako na ang kukuha.” Tumayo sya at pumasok sa kwarto ni Clyde.

“Halughugin mo dyan pati sa ilalim ng bed ko baka may nakatagong babae.” Biro ni Clyde at natawa sya talaga kay Jewel. “Ano may nakita ka ba?”

Natawa na rin si Jewel sa ginawa nya pero ito naman talaga ang pakay nya. Pati sa banyo tiningnan nya kung baka may makita sya doon. Clyde followed him and hugged her again.

“Magdamit ka nga.” Kinuha nya ang t-shirt ni Clyde na nakasabit sa may pintuan ng cabinet nya.

“I’m really so sleepy at dito ka nalang matulog sa tabi ko.” He pulled her and they laid down in his bed and kissed her deeply.

She tried to resist, “Kapag ako nilapastangan mo, siguradong hindi ka makakarating sa kukulungan dahil babarilin ka talaga ni Brix na hindi mabubuhay. Tandaan mo ‘yan.” Sabi ni Jewel.

“Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo, okay? Hayaan mo nalang akong maglambing dahil ginising mo ako eh.” And he kissed her over and over again. Hindi naman siya ginalaw ni Clyde at nakatulog din sila dahil madaling araw na.

Chapter 20

Maagang nagising si Clyde dahil may business meeting sya. He didn’t wake her up dahil ilang oras lang ang tulog nya. He prepared her a breakfast and then left a note on the side table of his bed with the duplicate keys of his condo unit on top of the note. He liked the idea that Jewel can come to his unit anytime she wants so he shared the duplicate keys.

She woke up because of her cellphone kept ringing. Ang Tita Wendy nya kanina pa tawag ng tawag. Late na pala sya. Sinabi nalang nya sa tita nya na matagal syang nakatulog kaya matagal nagising at tatanghaliin na sya sa work nya.

Nainis sya dahil iniwan sya ni Clyde. Pucha iniwan akong mag-isa, naisip nya. But she smiled when she saw the note and the duplicate keys on the side table. She saw the dining table na may nakahanda nang breakfast at nagmamadali syang kumain dahil gutom na sya at very late na sa work nya.

Maya-maya ay tumawag si Brix. Naninibago sya dahil very unusual na tatawag sya at this hour, sa gabi kasi sya palaging tumatawag. She answered her phone as she continued eating.

“Hey, wazzup?” Sabi ni Jewel. “Hindi ka na ba galit?” Biro nya.

“Tumawag ako sa bahay kanina at wala ka raw doon. Tumawag din ako sa office at wala ka pa rin doon. Where are you ba? Ba’t ang aga mong umalis?” Tanong ni Brix.

“I’m here sa condo ni Clyde. Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya umalis ako sa bahay at naisipan na pumunta dito. Pero huwag kang praning. Walang nangyari, promise!” Depensa nya agad dahil alam nyang magagalit na naman si Brix.

“Pucha! Ba’t ka ba natulog dyan? Ba’t hindi ka umuwi? At malay ko kung may nangyari o wala. Pasaway ka talaga.” Galit na naman si Brix.

“Hoy, baka nakalimutan mo bahay ‘to ng boyfriend ko. Welcome ako dito anytime. Sinorpresa ko lang sya kagabi dahil baka may milagro na naman akong madatnan. Pero wala naman, alam kong nagbago na sya. What do you want ba? I’ll call you back nalang dahil nagmamadali ako, uuwi pa ako para magbihis at naghihintay na ang Mommy mo sa office. Late na kasi akong nagising at iniwan na nga ako ni Clyde dahil may business meeting sya.” At nagpaalam sya agad dahil nagmamadaling umalis para umuwi.

Hindi na mapakali si Brix. Masyado nang malalim ang relasyon nila ni Jewel at Clyde, naisip nya. Buo na ang isip nya na harapin ang katotohanan na kailangan nya si Jewel dahil mahal na mahal nya ito higit pa sa isang kapatid. Hindi nya matatanggap na mapunta ito sa iba. Wala na syang pakialam kung magagalit ang Mommy nya.

Marami silang clients kaya busy ang showroom nang dumating si Jewel. Pinagalitan sya ng tita nya dahil kanina pa sya hinahanap.

“Jewel, you have to be serious with your job. Malapit na akong mag-retire at ikaw na ang papalit sa akin dito. Kaya huwag kang palaging late. Hindi porke’t manager ka pwede ka nang ma-late any time. Saan ka ba galing ha at pati si Brix sa akin ka hinahanap kanina?”

“Doon po sa condo ni Clyde, tita. May pinag-usapan lang po kami. Pasensya na po.” Nahihiya sya.

“You seemed serious na with Clyde. Did he propose na ba?” Tanong ng tita nya.

“Ay naku, hindi pa po. At saka I’m not ready yet sa marriage. Nandyan naman si Julie so ayokong magmamadali.” Sabi nya.

A few weeks later, biglang sinabi ng Tita Wendy nya na sa Friday ay hindi nya kailangang pumasok ng maaga. Pwede syang mag late in for an hour at sinabing may general cleaning lang sa showroom. Eight am kasi ang pasok nila so natuwa sya at hindi sya gigising ng maaga dahil nine na sya papasok.

When she arrived at the showroom kompleto na ang staff nila at may dala-dalang long stem red roses at isa-isang sinalubong sya at binigay ang flower sa kanya. She slowly climbed upstairs as the music, Be My Lady, was played.

“Para saan ‘to? Hindi ko pa naman birthday ah.” Natawa sya.

When she arrived on top of the stairs sa second floor nandoon si Clyde naghintay at may dalang bouquet of flowers and handed it to her. Nakatingin ang mga tao sa kanila at kahit na nasa baba ay makikita silang dalawa. Clyde suddenly knelt down and proposed to her and she was shocked.

“Will you marry me?” Nakangiting tanong ni Clyde as he offered the ring.

“Oh my god! Tumayo ka nga nakakahiya sa mga tao.” Namumula sya sa hiya as their staff applauded. Everybody was excited pero sya ay hindi. Nagsisigawan ang mga tao ng Yes. Hindi pa sya handa pero nahihiya naman sya at ayaw rin nyang mapahiya si Clyde so she accepted the ring that he offered. She didn’t say yes but she was teary eyed and hugged him instead. Natuwa sya dahil hindi nya in-expect na mangyari ‘yon sa loob ng showroom nila at saksi ang lahat.

“I love you, Jewel.” Sabi ni Clyde as they hugged each other. Nagsibalikan na rin ang mga tauhan nila sa work nila para mabigyan na rin sila ng privacy.

Hindi sya sumagot doon pero masaya na rin sya dahil totoo ngang seryoso na talaga si Clyde sa kanya. “Alam mong hindi pa ako handa, di ba? So please, let’s not rush things. Ang importante masaya tayo.”

“I know, pero I just wanna make sure na akin ka lang kaya gusto ko nang ma-engage tayo agad. I’m willing to wait kung kelan ka handa basta magpapakasal tayo someday. If you change your mind tomorrow na magpakasal na tayo agad just let me know, dritso na tayo sa city hall, ano?” Biro nya.

“Sira!” Natawa sya. “Halika muna sa office ko at nakakahiya tayo dito. Mabuti nga at wala pa si tita.”

“Nagpaalam ako sa kanya na mag-propose dito. This was her ideas actually.” Sabi ni Clyde at niyakap uli sya nang makapasok sa loob ng office nya and kissed her. “I have to go na at baka marami ka pang gagawin. Let’s have dinner nalang tonight, my place or your place?” Biro nya.

“Loko-loko ka talaga. Sa bahay, magdinner tayo mamaya para mag-celebrate na rin. Ihatid na kita sa labas.” Sabay silang bumaba papunta sa parking lot.

“Thank you, guys.” Sabi nya sa mga tauhan nina Jewel nang bumaba na sila sa showroom.

“Magkano bang binayad nya sa inyo ha?” Birong tanong ni Jewel sa mga staff nila.

“Naku may pangmeryenda na po kami mamaya ma’am. Congrats po sa inyo.” Sabi ng isang staff.

She can’t believe they were already engaged. Pero feeling nya hindi pa rin sya handa kahit na sa isang taon pa or sa susunod na taon pa sila magpakasal. Gusto nyang sabihin kay Brix pero she was hesitant dahil baka mas lalong hindi na ito magpapakita pa sa kanila dahil sa sobrang galit. Ayaw kasi talaga ni Brix kay Clyde dahil babaero daw. Palipasin na muna nya ng ilang araw saka sasabihin at parang galit pa rin kasi sa kanya si Brix.

Chapter 21

Natapos din ang final exams ni Brix at nagpaalam syang umuwi at summer break naman. Kung babalik ba sya o hindi na ay hindi nya alam. Gusto nyang mag-quit nalang para hindi na sya aalis pa sa piling ni Jewel pero nanghihinayang din sya sa tatlong taon niyang pinaghirapan sa PMA. Consistent on top pa naman sya at candidate for cum laude kung sakali. Pero bahala na, saka nalang niya planohin ang lahat kung ano man ang kahihinatnan sa pag-uwi nya this time.

It was Sunday morning at may out of town trip si Clyde kaya hindi sila makapamasyal ngayon kasama si Julie. Gustong kausapin ni Jewel ang Tita Wendy nya personally about her engagement dahil parang hindi pa rin sya sigurado. She doesn’t want to talk about it in the office dahil nahihiya sya. She planned to visit her tita instead sa bahay nito. She tried to call her pero hindi sumasagot so she sent her text messages nalang na pupunta sya at magkwentuhan sila.

She went to her tita’s house dahil baka nakatulog at hindi nasagot ang mga messages nya. Nagbaka-sakali nalang sya. Matagal na rin kasing hindi sya nakapunta sa dati nilang bahay. She remembered when they were young when she first came to their house at ngayon ay medyo na-renovate na pala kaya hindi na masyadong luma ang bungalow house nila na may three bedrooms. She liked it because it was so cute and very homey ang dating.

She parked her car outside the gate. Pumasok sya dahil hindi naman locked ang gate. “Tita?” Sigaw nya dahil parang may tao naman sa loob. Wala naman ang katulong, baka nag day-off dahil Sunday, naisip nya. “Tita?” Tawag nya uli habang pumasok sa main door.

Biglang lumabas si Brix sa kwarto nya at nagulat sya. Nagulat silang dalawa dahil hindi akalain ni Brix na pupunta sya doon.

“Brix? Kailan ka pa dumating?” Tanong nya agad. “Why didn’t you tell me na uuwi ka?”

“I was planning to surprise you. Paalis na nga sana ako eh at papunta na sa kabilang bahay… Ba’t mo hinahanap si Mommy? Nagmamadaling umalis kanina at magkikita daw sila ng mga kaklase nya dati sa college, parang they are planning to have a reunion… halika at babalik nalang tayo sa kabilang bahay. Papuntahin nalang natin si Mommy doon para mag-uusap kayo. Parang napaka-importante yata ‘yang pag-usapan nyo ha.” Sabi ni Brix.

“Ayaw nyang pumunta kasi sa bahay at ayaw pa rin nyang makita si Julie. I just need to talk to her on some personal stuff na ayokong pag-usapan doon sa office. Hindi ka na ba galit sa akin?” Tanong nya.

“Let’s talk nalang doon sa bahay, Let’s go.” Sabi ni Brix.

“Hindi. Gusto kong malaman kung bakit bigla kang umuwi at hindi mo sinabi sa akin ha? Wala naman okasyon para magsurprise ka.” Tanong nya uli. Nasa gitna sila ng living room pero medyo malayo ng konti at gusto nyang yakapin si Brix pero parang naiinis sya. “This is very unusual, alam kong may dahilan. Sabihin mo nga.”

“Hinatid ko lang ang iba kong gamit dito sa bahay. I think hindi na muna ako babalik sa PMA, or maybe I will quit, I’m not sure. I need your opinion.” Kalmadong sagot nya.

“What? Pucha! Huwag ka ngang magpatawa dyan. Hindi biro ‘yang naisip mo ha.” Naiinis na si Jewel. “Isang taon nalang at matatapos mo na ang PMA saka ka mag-decide na mag-quit. Ang labo mo!”

“I’m serious. I’m planning to quit.” Kalmadong sagot nya at hindi sya makatingin ky Jewel.

“At bakit? Brix, huwag ka nang magbiro please. Kausapin mo naman ako ng matino.” Napipikon na sya kay Brix. “Ano bang dahilan? Pwede ko bang malaman?”

“Ikaw, ikaw ang dahilan. I hate it when you are with Clyde. Nagseselos ako, alam mo ba ‘yon? Kaya gusto kong bawiin ka sa kanya. I’ve been wanting to tell you this before pa pero pinipigilan ko lang dahil parang hindi tama. Pero hindi rin naman mali. Hindi naman mali ang ibigin ka dahil hindi naman tayo magkadugo. I’ve been trying to avoid this feeling kaya ginusto kong magpakalayo dahil akala ko makakalimutan ko, pero hindi. Nahihirapan ako pero tiniis ko dahil iniingatan kita. At alam ko rin na magagalit si Mommy kung malaman nya na mahal kita hindi lang bilang kapatid kungdi mas higit pa doon.” Seryosong sabi nya.

“Tarantado ka! Ba’t ngayon mo lang sinasabi sa akin ‘to ha?” Galit na galit si Jewel sa narinig nya. “Ganun ka ba ka-manhid at hindi mo napansin na noon pa man ay mahal na kita higit pa sa isang kapatid? Kaya nga nagmamakaawa ako sa ‘yo dati na huwag mo akong iwan when you decided to join the PMA pero pucha ka! Tinuloy mo pa rin. At ngayon aaminin mo na sa akin na mahal mo ako dahil nandyan na si Clyde?”

“Hindi ko na kasi matiis, lalo na’t sinabi mo na nabanggit na ni Clyde sa ‘yo ang kasal… napansin ko naman dati pa na iba rin ang pagtingin mo sa akin, na mahal mo rin ako kaya lang umiiwas ako dahil akala ko ‘yon ang tama. But I was wrong. That’s why I’m home, Jewel. I want to be with you. Pupunuin ko ang mga pagkukulang ko sa ‘yo noon. Pero kung pipiliin mo si Clyde, I can’t blame you if you don’t love me anymore because of him.” He was holding his tears as he said this at napansin nya ang engagement ring ni Jewel as she wiped her tears with her hands. “So, you’re engaged?” At hindi na rin nya mapigilan ang pagluha.

“My god, Brix. I have loved you more than a thousand years at kahit sa kabilang buhay I would still love you for another thousand years.” Hindi na nya mapigilan ang galit nya at sinuntok-suntok nya ang dibdib ni Brix. “Ba’t ngayon mo lang sinabi kung kelan engaged na kami ni Clyde. Pucha ka!” At sinampal-sampal nya ang mukha ni Brix dahil sa galit.

Hinayaan lang sya ni Brix, at nang hindi matiis ni Jewel ay hinalikan nya si Brix. They kissed wildly as they were madly in love with each other. Hindi na rin matiis ni Brix and he carried her as they continued kissing and he rushed her to his bedroom. He laid her down in his bed and continued kissing and this time it was slow and passionate. He can feel how she ached for love and affection. He knew it wasn’t the right time yet, so he stopped kissing her, but Jewel grabbed him and kissed him over and over again.

They were both carried away with their deep emotions and Jewel was careless of what will happen next. Basta napakasaya nya and she doesn’t want to end the ecstatic moment that they had. At wala nang makakapigil pa sa damdamin nila sa mga oras na iyon. Wala na ring pakialam si Brix dahil ginusto ito ni Jewel at pinagbigyan nya.

Nang matauhan si Jewel after they made love, she hurriedly stood up and picked up her clothes. Nagmamadali syang nagbihis at lumabas. Hindi man lang naayos ang hook ng shorts at bra nya pero nagmamadali syang lumabas sa kwarto ni Brix dahil nahiya sya sa nangyari.

“Jewel, wait!” Sigaw ni Brix. Nagmamadali rin syang nagbihis at hinabol si Jewel sa labas. “Jewel!”

She hurried to her car and jolted. She was crying dahil nahihiya sya sa nangyari. Engaged sya kay Clyde but she just made love with Brix.

Chapter 22

Mabuti nalang at nakita agad ni Brix ang susi ng isa pang lumang kotse nila na dating ginagamit ng Mommy nya. May bago na kasing kotse ang Mommy nya. He hurriedly left and followed Jewel to their house. Pumunta agad sya sa kwarto ni Jewel dahil alam nyang nandoon lang sya but it was locked.

“Jewel!” Sigaw ni Brix sa pintuan ng bedroom nya. “Jewel!”

Hiningi nya ang duplicate key kay yaya para mabuksan ito. When he got inside her bedroom narinig nya ang malakas na shower sa banyo. He tried to get near the door at narinig nyang umiiyak si Jewel. He opened it slowly dahil hindi naman naka-lock ang pintuan. Malakas ang daloy ng shower and the water was overflowing the bathtub already where Jewel was soaked and crying hard. Suot pa rin ang damit nya kanina at basang-basa na sya. She was crying as she kept rubbing her arms with sponge, parang nandidiri sya sa nangyari kanina. Pinatay agad ni Brix ang shower at binuksan ang floor drain ng tub dahil basang-basa na ang floor sa banyo. Niyakap nya agad si Jewel kahit basang-basa na sila.

“Magkakasakit ka nyan.” Sabi ni Brix. He grabbed a towel and wrapped her. “Huwag kang mandidiri. Ginusto natin ‘yon nangyari kanina.” Inalalayan nya si Jewel na makaupo sa tabi ng bathtub and he wiped her wet face and body. “I don’t want you to get sick, okay?” Pinupunasan nya na parang bata. “Starting today, ako na ang mag-aalaga sa ‘yo. Sa inyong dalawa ni Julie. Hindi na kita iiwan, I promise.”

Umiiyak pa rin sya pero hindi nagsasalita. Brix tried to take off her wet shirt pero pinigilan nya. “Ako nalang magbihis dito.” Nahihiya sya.

“Huwag ka nang mahiya. May nangyari na sa atin kanina at kitang-kita ko na lahat ‘yan.” Biro nya.

Sinapak sya ni Jewel sa towel. “Ako na nga. Magbihis ka na rin dahil basang-basa ka rin. Iwanan mo muna ako ditong mag-isa. Okay na ako.” Sabi nya.

“I’ll cook for dinner, anong gusto mong kainin?” Tanong ni Brix.

“Kahit na ano.” Sabi nya habang nagpupunas ng buhok nya.

“Bukas na bukas isusuli mo ‘yang engagement ring kay Clyde, okay?” Sabi ni Brix as he went out of the bathroom.

Hindi sya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari sa hapong iyon. Dapat masaya na sya dahil sa wakas ay magkakasama na sila ni Brix and that they loved each other so much. But she felt guilty for Clyde. At mas lalong nag-aalala sya sa Tita Wendy nya. Ano kaya ang masasabi ng tita nya tungkol sa kanilang dalawa ni Brix.

She kept thinking on what to do or what to say to Clyde and to her Tita Wendy about sa kanila ni Brix habang nagbibihis sya. Alam naman nyang hindi sya pababayaan ni Brix pero kailangan din nyang magpaliwanag sa kanila. Bahala na, naisip nya. What matters most ay masaya na silang dalawa ni Brix ngayon.

She went downstairs dahil gutom na sya at dinner time na pala. Hinanap nya si baby Julie. Nandoon pala sa kitchen kausap ang kuya Brix nya habang naghahanda ng hapunan. She was watching them talking bago sya lumapit at ang sarap nilang tingnan. Para silang mag-ama na masayang nagkukwentuhan.

“Andito na pala ang Ate Jewel mo at kakain na tayo, okay? Tulungan mo akong maghanda ng table ha?” Sabi ni Brix sa bata.

“Wow, ang sarap naman nito. Ikaw ba talaga nagluto?” Sabi ni Jewel.

“Hindi. Si Julie.” Biro ni Brix.

The three of them enjoyed the dinner na para bang isang happy family sila titingnan. Sa wakas matutupad na rin ang pangarap ni Jewel to have her own family with the man she fell in love for such a long time. Si Brix ang pangarap nyang makasama habangbuhay. Ever since they were young she already admired him. Kahit boyish sya nuon ay may lihim na pagtingin na sya kay Brix but she tried to disregard it dahil alam niyang hindi pwede because of their parents. But as years passed by, it kept recurring to her mind the possibilities that someday, they will both realize that they need each other because they love each other.

As usual, manonood ng TV si Julie before bedtime at sasamahan sya ni Jewel. Nagtataka ang bata kung bakit iba na naman ang kasama ng Ate Jewel nya this time na nasa likuran lang nya palagi sa entertainment room nila.

“Ate, hindi po ba darating si Kuya Clyde?” Tanong ni Julie.

“Hindi na darating ang Kuya Clyde mo kahit kailan, okay? Nasa malayo na sya, malayong-malayo.” Sabi ni Brix sa bata.

Tahimik lang si Jewel. Maraming beses na pala nasamahan nilang dalawa ni Clyde si Julie dito at naglalambingan sila sa couch sa likod ni Julie. And this time si Brix na naman ang kasama nya.

“Mula ngayon, si Kuya Brix na ang palagi natin kasama dito manood ng TV, okay? Huwag mo nang hanapin si Kuya Clyde at hindi na sya darating.” Sabi nya sa bata.

“May malaki pala akong problema.” Sabi ni Brix as they were cuddling in the black couch behind Julie sitting in her favorite kiddie chair in front of the big screen TV.

“Ano na naman ‘yan?” Sabi ni Jewel.

“Saan kaya ako matutulog tonight? Doon sa kabilang bahay or dito sa bedroom ko or sa kabilang bedroom? You choose for me.” Biro nya.

“Sira ka talaga.” Jewel slapped his face gently and kissed his lips. “Sa kwarto ko.” Nakangiting sabi nya. “Baby Julie, it’s bedtime na.”

Kinuha na ng yaya ang bata para patulugin at pumasok na rin sila ni Brix sa bedroom nya para magpahinga at may pasok na naman si Jewel kinabukasan.

“Ang dami mo palang pictures nating dalawa ano?” Napansin nya kanina pa ang mga pictures nilang dalawa na nakadikit sa malaking mirror ni Jewel sa dresser nya.

“Pucha!” She was about to stand up from lying in bed para tanggalin ang mga picture dahil nahihiya sya kay Brix.

“Huwag mo nang tanggalin. Kanina ko pa nakita ‘yan.” Biro nya at pinigilan syang tumayo and he kissed her deeply. “Matagal mo na talaga akong pinagnanasahan, ano?” They kissed over and over again.

Chapter 23

They woke up early the next day para kunyari mag-jogging pero pupunta sila sa condo unit ni Clyde para isuli ang engagement ring. Brix suggested na puntahan nila ang condo ni Clyde dahil nagdududa si Brix na hindi talaga ito nag out of town. May susi naman si Jewel so pwede niyang iiwan ang singsing doon dahil hindi pa sya handang harapin at sabihin kay Clyde ang totoo.

Sinamahan sya ni Brix pumasok sa loob ng unit. She just wrote a small note at nilagay ang engagement ring and duplicate key on top of the empty dining table para mapansin agad ito ni Clyde pagdating nya. Napansin ni Jewel ang isang maliit na ladies shoulder bag at high heeled sandals sa side table ng couch sa sala. Nagtinginan silang dalawa nang mapansin din ito ni Brix.

Binuksan ni Jewel ang bedroom at nakita nya si Clyde na natutulog na may katabing babae. Hindi ito ang babae na naabotan nya dati dito, napansin nya.

“Walang hiya ka!” Sigaw ni Jewel. “Out of town pala ha?” Nasa sa sala lang si Brix nakatayo at pinagmasdan sila at pinipigilan ang galit nya.

Nagulat si Clyde at biglang tumayo at naka-boxer shorts lang sya. Tumayo rin ang babae sabay balot ng kumot sa katawan nya.

“Babe, what are you doing here, ang aga-aga mo ah?” Gulat na gulat si Clyde.

“Babe mong pagmumukha mo!” Tinulak nya si Clyde ng malakas at napaupo sa kama. “You know why I’m here? Dahil isusuli ko ang engagement ring mo, pucha ka! Kahit kailan hindi na mababago ‘yang pagkababaero mo!” Sinuntok-suntok nya si Clyde ng maraming beses sa braso. “How dare you! How can you do this to me? Ginagamit mo lang ba ako? Dahil ‘pag nakasal na tayo magiging iyo na rin ang business namin na mamanahin ko, ano?” Hindi na nya napigilan ang mang-insulto kay Clyde dahil nasaktan ang ego nya. Ito ang laging sinasabi ni Brix sa kanya kung bakit gusto syang pakasalan ni Clyde.

“Jewel, please let me explain.” Pagmamakaawa ni Clyde. Tahimik at nahihiyang nakatayo lang ang babae sa tabi ng bed.

Jewel went out of the bedroom dahil hindi na niya matiis. Pero bumalik sya saglit sa loob at iniwan ng malakas na sampal si Clyde. Parang nakaganti na rin sya dahil doon.

“Huwag mo na sabihing, I told you so, alam kong sasabihin mo ‘yan.” Sabi nya kay Brix. She grabbed his hands and they hurriedly left the condo unit.

She cried inside the car as they got in. Pero naisip nya agad, bakit pa sya iiyak na nasa piling na sya ni Brix. She suddenly stopped crying and smiled.

“Anghel ka talaga ng buhay ko.” She said as she hugged and kissed him deeply. “Ayos na ako, uwi na tayo.”

“Talaga? Are you sure you’re okay now? Kiss mo ‘ko ulit kung hindi ka pa okay.” Biro ni Brix.

“Sira ka talaga!” Kinurot nya ang beywang nya.

Brix held her left hand and kissed it many times. “Mula ngayon hindi ka na masasaktan pa. Iingatan ko ang puso mo dahil alam kong uhaw ka sa pag-ibig dahil maaga kang nawalan ng mga magulang at iniwan ka namin for a long time. I will truthfully love you and take care of you. I will do everything to make you happy.” He seriously said as he stared in her eyes. “I love you, Jewel. You are my world, my everything.”

“I love you more, Brix.” Sabi ni Jewel. “I have waited for this for a very long time na sasabihin mo sa akin na mahal mo rin ako. I have loved you for a thousand years like I told you. Dini-deadma mo lang kasi ako palagi dati.”

“Let’s go home na at late ka na sa work mo. Ihahatid kita sa work tapos susunduin kita pagkatapos mo, okay? Isasama ko si Julie tapos magsa-shopping kami, ipapasyal ko sya.” Sabi ni Brix.

“May pera ka ba? Wala ka pang income ah.” Natatawa si Jewel. “Huwag mong gamitin ang allowance mo, bigyan ko kayo ni Julie ng pang-shopping. Huwag kang ma-pride dyan.”

“I didn’t tell you that I was already a millionaire when I was young.” Nakangiting sabi ni Brix.

“Owsss, talaga?” Sabi ni Jewel, akala nya nagbibiro si Brix.

“My Dad left me a huge amount of money before he died. Hindi ko naman ginalaw dahil may pera naman si Mommy at binibigyan ako ng allowance every month. Pangarap ko nga bumili ng Harley Davidson motorbike pero ayaw talaga ni Mommy.” Casual na kwento nya as he kept on driving.

“Oh my god, really?” Hindi sya makapaniwala. “Pero hindi rin ako papayag na magmo-motorbike ka, okay? Bumili ka ng kahit na anong sasakyan huwag lang ang motorsiklo. Pumili ka doon sa showroom kung gusto mo para dagdag sa sales natin this month, ano?” Biro nya.

Chapter 24

Hinatid ni Brix si Jewel sa office kasama si Julie. Late na naman sya at pagagalitan na naman sya ng tita nya. And they totally forgot na ayaw palang makita ng Tita Wendy nya ang bata. Pero huli na nang ma-realize nila dahil pumasok na sa loob si Brix at Julie. Tuwang-tuwa naman ang bata.

Natuwa naman ang mga staff ng makita muli ang bata na maayos na ang itsura at tumaba na. Wala nang pakialam si Jewel sa sasabihin ng mga tao dahil parang eskandalo sa family nila kung iisipin ang mga pangyayari. Lalo na ngayon na si Brix ang makakatuluyan niya at hindi si Clyde na doon pa naman nag-propose sa showroom nila. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi talaga magkadugo si Brix at Jewel but they grew up together as siblings. Pero hindi na ito pinapansin ni Jewel dahil masaya naman silang lahat maliban sa Tita Wendy nya na hindi pa alam ang tungkol sa kanila ni Brix.

Nang umakyat silang tatlo sa second floor ay saktong lumabas ang Tita Wendy nya sa office dahil hinahanap sya.

“Jewel, you’re late again.” Nagulat sya ng makita si Brix dala ang bata. She hurried back to her office but Brix called her.

“Mom, wait!” Habol ni Brix. “I think it’s about time na harapin mo si Julie bilang stepmother nya. Kawawa naman ‘yong bata wala naman syang kasalanan sa nangyari. Let’s move on na please, matagal nang patay si Tito Jim kaya tanggapin na po natin si Julie.” Sabi ni Brix as they got in to his Mom’s office kasama si Julie na kinarga ni Brix at sumunod si Jewel.

Tahimik lang ang Mommy nya at hindi makatingin kay Brix dahil sa bata. She just sat down in front of her desk and busy doing some paperworks.

“Mom? Please. Wala namang natuwa sa mga pangyayari pero wala na tayong magawa. Harapin mo naman si Julie, please.” Pakiusap nya sa Mommy nya.

“Ate Jewel.” Mangingiyak na tawag ni Julie sa Ate nya. Parang naiintindihan ng bata ang mga pangyayari at tinawag ang Ate nya seeking for comfort.

Kinuha agad ni Jewel ang bata dahil naawa sya. “Tita, hindi ko po pipilitin if ayaw nyo po talaga kay Julie, but just please don’t ignore her as if she doesn’t exist. Kahit mag mano po nalang po sya sa ‘yo please allow her po.”

“Mom, she’s so adorable, nakakatuwa syang kausap kung subukan mo lang… Halika Julie, mag-mano po ka sa kanya.” Sabi ni Brix.

Tumulo ang luha ng Mommy nya habang nag-mano po ang bata. Parang naantig naman ang puso nya and realized how cute the child was at mukhang mabait. Niyakap ni Brix ang Mommy nya at si Julie. Nagyakapan silang tatlo. Sumali na rin si Jewel.

“You can call me, Mommy.” Sabi ni Wendy sa bata.

Pagkatapos ay pinasyal ni Brix si Julie at nagshopping silang dalawa. Naiinggit si Jewel dahil hindi sya nakasama dahil busy sa work. They invited her Tita Wendy to have dinner mamaya in their house dahil sasabihin nila ang tungkol sa kanilang relasyon. Brix prepared for their dinner.

Tinapos muna nila ang hapunan bago sasabihin ang tungkol sa kanila dahil baka masira ang pa ang masarap nilang hapunan.

“Brix, you need to tell me something sabi mo, what is it about?” Tanong ng Mommy nya. “Jewel, how’s Clyde. Di ba may itatanong ka rin sa akin about sa engagement nyo ni Clyde?”

“Wala na ho kami ni Clyde, tita. Sinuli ko na rin po ang engagement ring.” Kinakabahan si Jewel.

“Why? It was all my ideas pa naman ‘yong ginawa nyang proposal kasi he asked for my opinion. What happened ba?” Tanong ng tita nya.

“Mommy, hindi nyo po ba alam na napaka-babaero ‘yang Clyde na ‘yan? I’ve been telling Jewel before pa na hiwalayan si Clyde dahil wala talaga akong tiwala sa lalaking ‘yon.” Sabi ni Brix.

“Really? I didn’t realize that. So, how did you know, may ebedensya ba kayo?” Tanong ng Mommy nya.

“Tita, I caught him twice po sa condo unit nya na may kasamang iba’t-ibang babae. Hindi ko naman po talaga sya mahal kaya lang napakalungkot pong mag-isa at nandyan naman po sya palagi kaya naging boyfriend ko po sya.” Sabi ni Jewel.

“Mommy, huwag po kayong magagalit sa sasabihin ko… matagal na ho namin ni Jewel mahal ang isa’t isa kaya lang po pinipigilan namin dahil akala namin hindi tama. Pero Mom, this time hindi na po namin mapigilan ang damdamin namin. It’s been a very long time that I kept deceiving myself dahil iniisip ko po ang pamilya natin kaya rin po ako umalis at sa malayo nag-aral pero hindi ko na rin po natiis Mom. It really hurts when I know that she’s with Clyde kaya binawi ko talaga sya.” Mahabang paliwanag ni Brix.

“What? Are you crazy?” Nagalit ang Mommy nya. “Hindi nyo ba naisip kung anong sasabihin ng mga tao, ha? My god, para na kayong magkapatid.”

“Mommy, hindi naman kami magkadugo. I don’t care kung anong sasabihin ng mga tao. What’s important is we love each other and we need each other.” Sabi ni Brix.

“Tita, everybody knows naman na hindi kami tunay na magkapatid. Mga bata pa lang ho kami gusto na namin ang isa’t isa pero pinipigalan namin.” Sabi ni Jewel.

“This is insane! Masyado nang madaming eskandalo ang pamilya natin huwag nyo nang dagdagan.” Biglang tumayo si Wendy at kinuha ang bag nya. “Don’t you ever talk to me until maghiwalay kayong dalawa dahil nakakahiya kayo, ugh!” At nagmamadaling lumabas papunta sa kotse nya at umalis.

Hinabol ni Brix ang Mommy nya pero hindi na nya mapigilan dahil umalis na agad. Tumakbo si Jewel papunta sa kwarto nya at umiyak. Sinundan sya ni Brix at niyakap. Hindi sila nawalan ng pag-asa that someday matatanggap din ng Mommy nya ang relasyon nila bilang magkasintahan.

Chapter 25

Hindi na naman pumasok sa office ang tita nya the next day. Sya na naman ang mamahala sa malaking business nila. Hindi magtatagal at magre-retire na rin ang tita nya kaya sya na talaga ang magma-manage ng business nila at kinakabahan sya pero kakayanin nya.

“Kuya, pwede pa ba magbago ang isip mo? Huminto ka nalang sa trabaho mo at tulungan mo ako dito sa business natin. Tita Wendy is retiring soon. Ayokong mapabayaan ang business natin na pinaghirapan nina Mommy at Daddy.” She called her Kuya Jacob.

“Sige pag-iisipan ko. Hindi kasi ako mahilig sa cars eh, barko ang hilig ko.” Biro ng kuya Jacob nya. “Seriously, I’d like to think about it dahil nagsawa na rin ako sa trabaho ko at lumalaki na ang mga anak ko, I want to be with them always if possible.”

Nang humupa na ang galit ng Tita Wendy nya ay bumalik na ito sa work after one week pero hindi nya kinakausap si Jewel unless very important matter about their business. Natuwa naman ang Tita Wendy nya nang tumawag si Jacob at sinabi na nakikiusap si Jewel na tutulungan sa business nila. Balak din ni Jacob na magtayo ng branch dahil maayos naman ang pagpapatakbo ng tita nila sa car business.

Wendy wanted to have an early retirement so she gathered her children to have a meeting including Brix. It was like a reunion dahil matagal na panahon na rin na hindi sila nagkakasamang apat. Hindi pa alam ni Jacob ang tungkol sa relasyon nina Jewel at Brix and Jewel planned to talk to her kuya about it after their general meeting.

They had a serious meeting on that afternoon. Purely business lang ang napag-usapan dahil hindi pa rin natutuwa si Wendy sa kanilang dalawa ni Jewel at Brix. After the meeting ay nagmamadaling lumabas si Wendy sa conference room pero hinabol sya ni Brix.

“Mom, can we talk please?” Pakiusap ni Brix sa Mommy nya while Jewel tried to talk to her Kuya. Brix followed his Mom to her office.

“Mommy, alam nyo po ba kung bakit gustong-gusto ni Clyde makasal agad kay Jewel? Dahil kung makasal na sila ni Jewel, partly owner na rin sya sa business natin, ‘yon lang naman ang habol nya. Hindi ba kaawa-awa si Jewel? Iniingatan ko po si Jewel mahigit pa sa isang kapatid mula noong mga bata pa kami dahil gustong-gusto ko na sya dati pa… and I don’t want that our business will be compromised dahil lang sa Clyde na ‘yan and most importantly, I don’t want Jewel to have a miserable life with him. She deserves to be happy Mom, after all what she had been through in her life. Kaya nga kinuha nya si Julie dahil malungkot ang buhay nya lalo na nang umalis ka sa bahay at sya nalang mag-isa. Lagi po syang nagmamakaawa sa akin dati pa na hindi ko sya iiwan but I wanted to stay away from her dahil akala ko makalimutan ko ang feelings ko sa kanya if hindi ko sya makakasama everyday, but I was wrong. The more I was tortured by my feelings kaya nong malaman ko na mukhang seryoso na si Clyde sa kanya I decided to quit the PMA at aalagaan ko si Jewel pati na rin si Julie. At pati na rin po kayo.” Mahabang paliwanag ni Brix at niyakap nya ang Mommy nya dahil tumutulo na ang mga luha nito.

“Bakit ba nangyayari sa atin ito, anak? Masyado nang maeskandalo ang pamilya natin.” Sabi ng Mommy nya habang umiiyak. “Ano nalang ang sasabihin ng mga tao?”

“Mom, please don’t think what other people might say. Please think about us your family. Hindi ka ba natutuwa na kami ni Jewel ang magkatuluyan instead na sa iba? Masaya naman po kami ni Jewel, hayaan nyo na po kami, please. Gusto ko pong mabuo muli ang family natin at para masaya uli tayong lahat. Kalimutan mo na lang ang mga pangit na nagdaan sa buhay natin. Magsimula tayo muli, magtulung-tulong tayo sa business na iniwan ni tito Jim at magsama-sama po tayo ulit sa iisang bahay. Okay?” Sabi ni Brix at niyakap ng mahigpit ang Mommy nya.

Pumasok si Jewel at ang kuya nya dahil galit din ang kuya Jacob nya nang sinabi nya ang totoo. Naabotan nila na nagyayakapan si Brix at ang Mommy nya.

“Brix, totoo bang may relasyon kayo ni Jewel?” Tanong ni Jacob. “Ano bang naisip nyo ha?”

“Kuya, whatever she told you, totoo po lahat ng ‘yon. Hindi naman kasalanan ang ginawa namin, eh, mahal namin ang isa’t isa. Hindi kami magdakadugo, ano ba ang problema doon? Pagbigyan nyo naman po na maging maligaya si Jewel dahil matagal syang nag-isa nang iniwan natin sya. Did you ever think how she went through with her life?” Niyakap nya si Jewel na tahimik lang at umiiyak. “Mas matapang pa nga si Jewel kesa sa akin eh. Naging duwag ako dahil umalis ako at iniwan sya. She tried to stand up on her own kahit mag-isa nalang sya sa buhay nya because I kept telling her to be strong. Kahit nasa malayo ako, hindi ko sya pinabayaan dahil alam kong mahirap ang pinagdaanan nya. Kaya sana maintindihan nyo po kaming dalawa.”

Natauhan ang Mommy nya. Oo nga pala, iniwan nya si Jewel habang kamamatay lang ng Daddy nya. At maagang naulila sa ina si Jewel kaya muntik na itong maging tomboy. Na-realize din ni Jacob na iniwan nya ng mahabang panahon si Jewel because of his own ambition. And now that she’s happy with Brix ay ipagdadamot pa naman nya. Napaupo si Jacob sa visitor’s chair sa harap ng desk ng tita nya at napaisip at tumulo ang luha nya. Naawa sya sa kapatid nya.

“This is supposed to be a wonderful moment natin dahil kompleto tayo ngayon pero hindi eh. It’s been a very long time na hindi na tayo nagkakasamang apat… Patawarin nyo ako mga anak dahil alam kong nagkulang ako sa inyo. Nanaig kasi ang galit ko dati sa Daddy nyo dahil sa ginawa nya. Pero binayaran na naman nya ‘yon dahil kinuha na sya ng Diyos… I’m very sorry, Jewel dahil iniwan kita when you needed me the most.” Tumayo sya at niyakap si Jewel. “I just realized how strong you are. At nakaka-proud ka dahil inalagaan mo ang anak ng Daddy mo sa iba instead of instilling hatred. Alam ko rin na nahihirapan ka dito sa business natin pero you tried your best dahil mahalaga sa ‘yo ang iniwan ng Daddy mo. Kung iba siguro ang nasa katayuan mo, they could have surrendered at mapariwara na ng tuluyan ang buhay pero ikaw, hindi, I’m so proud of you.” Tumulo na rin ang luha nya.

“Dahil po sa tulong ni Brix, tita. Sya po ang gabay ko kahit na malayo kami. He was my pillar of strength when I was so down and lost. He was never tired of pushing me to stand up on my own dahil kailangan kong mabuhay kahit mag-isa nalang ako.” Sabi ni Jewel at patuloy pa rin na umiiyak.

“Gusto kong mabuo tayo muli as a family kahit may kanya-kanya na kayong buhay. Let’s make sure we always have each other no matter what. Andito lang ako para sa inyo mga anak ko.” Sabi ni Wendy at yumakap na rin si Brix sa kanilang dalawa. “Jacob.” Tumayo si Jacob and they all hugged each other.

Chapter 26

Wala na rin silang nagawa sa relasyon ni Brix at Jewel, lalo nang sabihin ni Brix na pakakasalan nya si Jewel kung maaayos na lahat ng mga problema nila. Bumalik na rin sa malaking bahay si Wendy at pinauupahan muli ang bahay nya. Jacob decided to stop working abroad and put up a new branch sa car dealership business nila na malapit lang sa bahay na pinatayo nya with his own family. Masaya na muli ang malaking bahay nina Jewel dahil magkakasama na muli sila ng tita nya.

“I want you to finish the PMA, I know that was your childhood dream. Maghihintay ako, I promise.” Nakangiting sabi ni Jewel as they were lying in bed getting ready to sleep.

“Really? Are you sure you want me to go back at iiwan na naman uli kita dito?” Sabi ni Brix habang niyakap nya si Jewel. “Matatanggap pa kaya uli ako? I’m sure galit na galit na sa ‘kin si General ngayon at paparusahan talaga ako pagbalik ko. ‘Di bale na, worth it naman lahat ng ginawa ko.” He kissed her forehead.

“Malapit na ang pasukan. You need to go there agad para maayos mo I’m sure matatanggap ka uli dahil one year nalang at saka you are consistent on top naman. Ihahatid ka namin ni Julie and then every weekend hangga’t maaari ay bibisitahin ka namin. I’ll be very proud kung matapos mo ang pangarap mo.” Sabi ni Jewel.

 Hinatid nila si Brix sa Baguio kasama ang Mommy nya. Tinangap naman si Brix muli sa PMA dahil summer break naman ng umalis sya. Bago pa makauwi sila Jewel ay binigyan sya ng engagement ring ni Brix while they were having lunch. Hindi magarbo at romantic ang proposal nya basta ang importante ay mapapatunayan nya na mahal nya si Jewel at para hihintayin sya. Naiyak sa tuwa si Jewel. In one year time ay natapos din ni Brix ang PMA and very proud ang family sa naabot nya.

“Second lieutenant Brix Robertson, cum laude.” The emcee announced his name.

Very proud ang Mommy nya nang marinig ang pangalan ni Brix on his graduation day. Si Jewel ang abay nya sa stage at nagsabit ng medalya. Sa wakas, si Jewel pa rin ang nasa tabi nya sa kanyang tagumpay. Napakasaya sa pakiramdam ng magtagumpay silang lahat sa mga pinagdaanan nila sa buhay.

Brix served the Philippine army after he graduated. Jewel finally managed their own car dealership business when her Tita Wendy had her early retirement while Jacob managed the new branch they expanded. Julie started schooling in kindergarten na rin. They planned to visit on Jewel’s Dad on weekend dahil malapit na silang ikakasal ni Brix at magpapaalam sila sa puntod ng parents nya.

Brix and Jewel had a military wedding concept a year after Brix graduated from PMA. Sinabay ang 55th birthday ni Wendy kahit sa isang linggo pa at sinorpresa nila ito dahil sa malaking tulong na nai-contribute sa kanilang business at lalo na sa kanilang buhay nang mawala ang Daddy nila. Nag-honeymoon sina Brix at Jewel sa US at sinama ang Mommy nila bilang regalo sa kanya at sinama na rin si Julie. One month ang vacation nila. Binisita rin nila ang puntod ng Daddy ni Brix habang nasa US sila. And then Jewel finally gave birth to a healthy baby boy a year after.

 

~ The End ~

 

Comments

Popular posts from this blog

To Sir, With Love

BECAUSE OF YOU

LANGIT AT LUPA